HINDI INAASAHAN NI JASMINE na tatabihan siya ni Denver. Sa kanan naman niya ay si Raymart na gaya niya ay solo parent rin dahil namatay sa panganganak ang asawa nito. Matagal nang nagpapahaging sa kanya si Raymart lalo pa at magkaklase ang mga anak nila. Pero gaya ng iba niyang manliligaw, sa umpisa pa lamang ay ipinararamdam na niyang hindi siya interesadong makipagrelasyon. Pero ano bang pumasok sa utak ni Denver at tinabihan siya nito? Feeling niya ay gusto pa rin siya nitong parusahan hanggang ngayon. Hanggang sa tawagin ito sa entablado para magsalita. Nagkaroon siya ng pagkakataon para makaalis sa inuupuan niya. Di niya alam na sinundan pala siya ni Raymart. “Ang haba ng program ano?” Panimula nito, “Medyo boring naman iyong ibang palabas. . .” Tumango lamang siya. “Balita ko yung guest speaker, si Mr. Denver Craig ang isa sa magiging may ari ng school na ito,” halos pabulong lang na sabi sa kanya ni Raymart
NAGMAMADALING kinarga ni Jasmine si Debbie, “I’m sorry pero may lakad sila ni Ate Janice,” sabi niya kay Denver, nagmamadali na siyang naglakad palabas ng gate. Ewan kung paano niya nagawang maglakad ng ganuon kabilis habang karga niya ang anak. Siguro ay dahil sa adrenalin rush sa sobrang takot na malaman ni Denver ang tungkol sa totoong pagkatao ng bata.Nagpahatid siya sa tricycle sa bahay ng Ate Janice niya at ikwenento niya ang lahat dito. “So, gusto mong palabasing ako ang Mommy ni Debbie?” Tila nag-iisip ng malalim si Janice habang nakatingin sa kanya, “Palagay mo, maiilusot natin ito?” “Hangga’t kaya ko. . .Ate, natatakot akong kuhanin nya sa akin si Debbie,” nag-aalalang sabi niya sa kapatid, “Tiyak na kapag nalaman niyang anak namin ang bata, ilalayo nya sa akin ang anak ko. Ate, mamatay ako kapag si Debbie ang nawala sa akin.” Huminga ito ng malalim, “Palagay mo, fair ba kay Debbie na ipagkait mo sya sa tunay nyang ama?”
SUNDAY. Naka-empake na sina Jasmine at Debbie para sa outing na inihanda ni Janice para sa buong pamilya. Overnight raw sila sa Batangas. Alas-dose ng tanghali ay susunduin sila ng Ate Janice niya. Kaya naman nagulat sya ng alas-diyes pa lamang ng umaga ay narinig na niya ang humintong sasakyan sa tapat ng apartment na tinutuluyan nila ni Debbie. “Mommy, nandito na sila!!!!” Excited na sigaw ni Debbie, ito na ang lumabas ng kuwarto para pagbuksan ng pinto ang dumating. Laking gulat nito nang si Denver ang mabungaran, “Mommy, iyong friend nina Ninang Danica pala ang bisita!” Narinig niyang sigaw nito. Kaagad siyang napalabas ng kuwarto. Natakot siya nang makita sa may pintuan si Denver, madilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Debbie, go to your room and luck the door!” Utos niya sa bata, sa takot ay kaagad naman itong napatakbo sa kuwarto nito. Pagkaalis na pagkaalis ni Debbie ay kaagad siyang nilapitan n
NAGULAT ang lahat lalo na si Mrs. Agnes Craig nang malamang nagkaroon siya ng anak kay Jasmine. Ipinakilala niya ang anak sa buong pamilya. Tuwang-tuwa ang mga anak ng Kuya Fred niya sa bagong pinsan. Matabil si Debbie gayon din ang mga anak ng Kuya Fred niya kung kaya’t mabilis na nagkasundo ang mga ito. Hinila siya ng mga magulang sa isang sulok nang maging abala si Debbie sa pakikipaglaro sa mga pinsan nito. “Papayag kang sa babaeng iyon lumaki ang anak mo?” Sita ng Mommy niya, “Gusto mo bang mahawa sa ugali ng pamilya nya ang apo ko? Hindi ako papayag, Denver!” “Tama ang Mommy mo iho. Kailangang kunin mo ang custody ng bata. Hindi tamang lumaki sya sa ganuong klaseng pamilya! Mga scammer sila!” sabi naman ng Daddy niya. “Ma, Dad, nangako ako kay Debbie na hindi ko sya ilalayo kay Jasmine. Ayokong sirain ang pangako ko sa anak ko lalo pa at unti-unti ko pa lang kinukuha ang tiwala nya,” mahinang sabi niya sa mg
“MABAIT naman sila sa akin Mommy. . .at saka funny rin iyong mga cousins ko. Pati sina Lola at lolo, love na love ako. Sabi nila, ipapasyal raw nila ako sa Disneyland. . .” excited na sabi ng bata sa kanya. Natigilan siya. Kung anu-anong naiisip niya habang nakikinig kay Debbie. Tiningnan niya ito ng mabuti, “Anak, kapag hiniling ng Daddy mo na sa kanya ka na lang, sasama ka ba sa kanya?” “No! Ayokong iwan ka Mommy.” “P-pero hindi kita kayang dalhin sa Disneyland. . .i-iyong mga pinsan mo dun kung saan-saang bans ana nakakapunta k-kasi marami silang pera. M-mamahalin iyong mga gamit nila. . .” “Mommy, promise me, hindi mo ako ibibigay sa kanila?” Nakikiusap na sabi ng bata sa kanya. Niyakap niya nang mahigpit ang anak, “S-sino ba namang ina ang papayag na ipamigay ang pinakamamahal niyang anak? Mahal na mahal kita anak. Kung pwede nga lang araw-araw na lang kitang kasama pero kailangan kong mag-wor
PINANDILATAN NG MGA MATA NI JASMINE si Debbie. Saan ba nito nakukuha ang mga ganuong tanong? Baka isipin pa ni Denver ay tinuturuan niya ang bata. “You already know that Tita Rosemarie and I are getting married, right?” Sagot ni Denver dito. Kahit alam na niya iyon ay parang ang sakit-sakit pa rin sa kanyang marinig iyon mula kay Denver. Hindi naman na siya umaasa. Pero sana lang hindi na lang sila muling nagkrus ang landas para kahit paano, hindi ganito kasakit ang nararamdaman niya. Ngunit sa tuwing makikita niya ang ningning sa mga mata ni Debbie sa tuwing kasama ang ama, naisip niyang kailangan talaga niyang magsakripisyo alang-alang sa kaligayahan ng anak. “I know Daddy. . .pero. . .” nagkibit balikat ito, “Hmm, sabagay, marami namang suitors si Mommy eh. Mas mabuti na ngang kay Tita Rosemarie ka na lang kesa naman palagi kayong mag-aaway ni Mommy. . .” Namumula na ang mga pisngi niya sa sobrang katabilan ng a
“NASA BATANGAS NA BA KAYO?” Dinig ni Jasmine na tanong ni Rosemarie kay Denver sa kabilang linya. “Twenty minutes pa.” sagot ni Denver dito, “Nagda-drive ako. I’ll call you kapag nasa destination na kami, okay?” “Kasama mo ba sa kotse ang babaeng iyon?” Ani Rosemarie. Napakagat labi si Jasmine dahil pakiramdam niya ay isa siyang kerida sa relasyon ng mga ito. “Rosemarie. . .” si Denver, tiningnan nito sa rear view mirror ang natutulog na bata “Narito ako para kay Debbie, okay?” Giit nito. Ipinikit ni Jasmine ang mga mata at nagkunwang hindi affected habang naririnig si Denver na kausap si Rosemarie. Ang totoo ay nasasaktan siya. Kung hindi ba niya niloko si Denver, may chance kayang maging sila nito? Baka hindi rin dahil simula nang dumating si Rosemarie sa buhay nito, duon nagsimulang mag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Mahal talaga nito si Rosemarie.“DADDY!!!” Dinig ni Jasmine na tili ni Debbie
NANLAKI ang mga mata niya sa tinurang iyon ng kapatid. Ni hindi niya makita ang sarili na nang-aakit ng lalaki. Besides, iniisip pa lamang niyang ipagtatabuyan na naman siya ni Denver gaya ng dati ay nagsisikip na ang dibdib niya. Ayaw na niyang maulit pa ang mga sandaling iyon. “Saka mas makakabuti iyon kay Debbie,” dagdag pa ng Ate Janice niya sa kanya saka lumusong na rin ito sa dagat at nakipaglaro kay Alexa. “Halika na, Jasmine!” Yaya pa nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Maya-maya ay umahon sa dagat si Debbie at hinila siya sa dagat. “Halika na Mommy.” “H-hindi rin ako marunong lumangoy.” Nag-aalinlangang sabi niya rito. “Tuturuan ka ni Daddy. . .”KANINA pa hindi mapakali si Rosemarie. Bakit ba siya pumayag na mag-isang Samahan sa resort ang mag-inang iyon? Kung hindi lang masama ang pakiramdam niya ay talagang sasama siya sa mga ito. Kinatatakutan niyang muli na namang magkala
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na