SPEECHLESS si Danica nang ipakilala sa kanya ni Jaron ang bestman nito na kadarating lang mula sa Amerika kasama ng fiancée nito. At ang wika sa kanya ni Jaron, they are also about to get married in a few months. “D-Denver?” samu’t sari ang nararamdaman ni Danica habang nakatingin kay Denver, any moment kasi ay darating rin si Jasmine at ang inaanak niyang si Debbie para sa dinner party na inihanda nila bago ang nalalapit nilang kasal sa darating na Linggo. Nangunot ang nuo ni Denver, waring pinipilit maalala kung saan sila nagkakilala. Bigla itong waring nagulat nang marealize kung sino siya. Ngunit hindi na nito isinatinig pa ang nasa isip, marahil ay dahil kasama nito ang fiancée na napag-alaman niyang Rosemarie ang pangalan. Natatandaan niyang ito ang pinagseselosan madalas ni Jasmine nuong ‘mag-asawa’ pa ang dalawa. Nag-aalala siya para sa kaibigan. Kailangang matawagan niya ito para ipaalam ang tungkol kay Denver.
EWAN kung guni-guni lamang niya ang nakita niyang piping pananabik sa mga mata ni Denver nang magtama ang kanilang mga paningin. Hindi niya alam kung ano ang mas nanaig sa kanya ng mga oras na iyon. Ngunit nang maalala ang mga posibleng mangyari sakaling malaman nito na may anak sila, bigla ay napuno ng takot ang kanyang dibdib at mabilis niyang hinila palabas si Debbie. Ni hindi na siya nagpaalam kay Danica at sa mapapangasawa nito, nagmamadali siyang tumawag ng taxi para umuwi. “Mommy, I thought we’re going to celebrate my Ninang’s. . .” “Masama ang pakiramdam ko,” mabilis na sagot niya at pinikit na ang mga mata bago pa ito magtanong ng kung anu-ano. Ngunit ramdam niyang hindi kumbinsido sa ganuong sagot lang ang bata. “Mommy, are you scared of something?” Tanong nitong muli, “Are you hiding from someone?” Anitong waring hindi siya titigilan hangga’t hindi niya ipinaliliwanag mabuti ang biglaang pag-alis nila.
SINAMANTALA NI ROSEMARIE na abala sa inventory ng kompanya nito si Denver para makipagkita kay Jasmine. Ramdam niya ang hesitation ni Jasmine na makipagkita sa kanya ngunit isang bagay ang nilinaw niya, kailangan nilang pag-usapan ang tungkol sa anak nito. Tinakot pa niya ito na alam niya ang katauhan ng bata. Kaya naman hindi na nagpatumpik-tumpik ang babae, kaagad itong nakipagkita sa kanya. “I won’t roam around the bush anymore. Gusto kong ngayon pa lang malinaw na saiyo, Denver and I are getting married soon. At ayokong maging hadlang ang anak nyo para magulo na naman ang buhay namin.” Prangkang sabi niya sa babae, nakita niyang kumunot ang nuo nito kaya ngumiti siya, “Nagtataka ka bang alam kong nagkaanak kayo?” tanong niya saka napakibit balikat, “Well, I happen to be in the same hospital nang araw na nagpa-check up ka. Nagkataon rin na kaibigan ko ang doctor mo.” Hindi kumikibo si Jasmine. Tahimik lang ito habang nakikinig sa kanya. Ni hindi
ARAW NG KASAL NINA JARON AT DANICA AY HINDI mapakali si Denver at hindi nakaligtas iyon sa mapanuring mga mata ni Rosemarie. “Are you waiting for someone?” Tanong nito sa kanya, “Si Jasmine ba?” “O-Of course not,” pagkakaila niya, malamig sa function room na pinagdarausan ng kasal ngunit pinagpapawisan siya. Hindi niya gusto na parang inaakusahan siya nito sa tono ng pananalita nito kahit wala naman siyang ginagawang masama. And yet bakit parang nagi-guilty siya? Bakit parang binabagabag siya ng konsensya niya habang tinitingnan niya si Rosemarie? Inakbayan niya ito at iginiya pabalik sa kanilang mesa. Ngunit parang wala na sa okasyon ang atensyon niya. Kahit na nga nang tawagin ang pangalan niya para magbigay ng speech kay Jaron ay nakailang buckle siya. Wala duon ang utak niya. “Are you okay, bro?” Pabulong na tanong pa sa kanya ni Jaron pagkatapos. “Yeah. . .” pilit na pilit ang nag
NAGDILAT nang mga mata si Rosemarie nang marinig na umandar ang makina ng sasakyan ni Denver. Hinintay lang niyang makalabas ito ng gate saka nagmamadali niya itong sinundan. Parang dinudurog ang puso niya nang makitang sa dating bahay kung saan ito tumira kasama ni Jasmine ito nagtungo. Nangangatal ang kanyang buong katawan nang bumaba ng kanyang sasakyan. Ginawa na niya ang lahat. Lahat-lahat ng maaring gawin para lang makalimutan nito si Jasmine pero bakit hanggang ngayon, ito pa rin ang laman ng puso ni Denver. Yeah, paulit-ulit itong idene-deny sa kanya ng lalaki. Nagseselos raw siya sa isang bagay na wala namang katotohanan. Pero hindi siya tanga. Mas lalong hindi siya manhid. “Ngayon mo sabihing hindi mo na mahal ang babaeng iyon?” sigaw niya rito. “Rosemarie. . .” “Paulit-ulit mong sinasabi sa akin na ako ang mahal mo. Na walang dahilan para mahalin mo ang isang babaeng kagaya niya, pero ba
NAGKAGULATAN SINA DENVER AT JASMINE nang magkita sila sa eskwelahan na pinapasukan ni Debbie. Foundation day sa eskwelahan ng anak at pinuntahan niya ito para tulungang magbihis dahil may special performance ito kasama ng mga kaklase para sa panauhing pandangal. Sa malaking gymnasium ng eskwelahan ginaganap ang mga inihandang programs ng school. May stage ito at nilagyan ng divider para siyang maging back stage ng mga magpeperform na studyante. Palabas na siya ng back stage nang makasalubong si Denver. Saka lang niya narealize na ito ang panauhing pandangal ng eskwelahan. “Sandali,” anito sa kanya, hinawakan nito ang braso niya para pigilan siyang umalis. Ramdam niya ang tila kuryenteng gumuhit sa kanyang katawan sa pagkakadaiti ng kamay nito sa braso niya. Naiinis siya sa sariling hindi pa rin nawawala ang epekto nito sa kanya. “Gusto ko lang malaman ang tungkol sa bata. . .anak ba natin sya?” Matiim
HINDI INAASAHAN NI JASMINE na tatabihan siya ni Denver. Sa kanan naman niya ay si Raymart na gaya niya ay solo parent rin dahil namatay sa panganganak ang asawa nito. Matagal nang nagpapahaging sa kanya si Raymart lalo pa at magkaklase ang mga anak nila. Pero gaya ng iba niyang manliligaw, sa umpisa pa lamang ay ipinararamdam na niyang hindi siya interesadong makipagrelasyon. Pero ano bang pumasok sa utak ni Denver at tinabihan siya nito? Feeling niya ay gusto pa rin siya nitong parusahan hanggang ngayon. Hanggang sa tawagin ito sa entablado para magsalita. Nagkaroon siya ng pagkakataon para makaalis sa inuupuan niya. Di niya alam na sinundan pala siya ni Raymart. “Ang haba ng program ano?” Panimula nito, “Medyo boring naman iyong ibang palabas. . .” Tumango lamang siya. “Balita ko yung guest speaker, si Mr. Denver Craig ang isa sa magiging may ari ng school na ito,” halos pabulong lang na sabi sa kanya ni Raymart
NAGMAMADALING kinarga ni Jasmine si Debbie, “I’m sorry pero may lakad sila ni Ate Janice,” sabi niya kay Denver, nagmamadali na siyang naglakad palabas ng gate. Ewan kung paano niya nagawang maglakad ng ganuon kabilis habang karga niya ang anak. Siguro ay dahil sa adrenalin rush sa sobrang takot na malaman ni Denver ang tungkol sa totoong pagkatao ng bata.Nagpahatid siya sa tricycle sa bahay ng Ate Janice niya at ikwenento niya ang lahat dito. “So, gusto mong palabasing ako ang Mommy ni Debbie?” Tila nag-iisip ng malalim si Janice habang nakatingin sa kanya, “Palagay mo, maiilusot natin ito?” “Hangga’t kaya ko. . .Ate, natatakot akong kuhanin nya sa akin si Debbie,” nag-aalalang sabi niya sa kapatid, “Tiyak na kapag nalaman niyang anak namin ang bata, ilalayo nya sa akin ang anak ko. Ate, mamatay ako kapag si Debbie ang nawala sa akin.” Huminga ito ng malalim, “Palagay mo, fair ba kay Debbie na ipagkait mo sya sa tunay nyang ama?”
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na