Hi. Kung nagugustuhan nyo po ang nobelang ito, pwede po bang makahingi ng favor? Paki comment at paki-rate naman po ng story para mas lalo pa po akong mainspire na ipagpatuloy ang kwentong ito. Maraming salamat po-Michelle Vito
“ASAWA? Really, asawa nga ba talaga ang turing mo sa kanya?” Nakakaloko ang mga ngiti ni Damian habang nakatingin kay Denver, naningkit ang kanyang mga mata, “Kung talagang asawa ang turing mo sa kanya, then bakit nakikipagmabutihan ka pa kay Rosemarie?”Natigilan si Denver.“Huwag ka ng magkaila pa dahil ilang beses kitang nakikita kasama ng babaeng iyon. . .”“Kung anuman ang relasyon namin ni Rosemarie, labas ka na dun. Basta wag na wag mong pakikialaman kung ano ang sa akin!” Babala nito sa kanya saka mabilis nang umalis. Siya namang dating ni Rochelle.“What happened?” Nag-aalalang tanong nito, Nilingon nito ang papalayong si Denver, “Hey, anong ginawa mo kay Damian?”“Iposas mo yang Damian mo para hindi kung kani-kaninong bubong pagala-gala!” Dinig nilang sagot ni Denver bago tuluyang makalayo.Kumunot ang nuo ni Rochelle habang nakatingin sa kanya. Rumolyo ang kanyang mga mata saka inayos ang sarili. “Sya ba iyong asawa nung babaeng madalas mong kinakatagpo?” Tanong nito sa
NANLILIIT SI JASMINE habang pinapaligaya si Denver dahil pakiramdam niya, isang babaeng mababa ang lipad kung ituring siya nito ngayon. Ganuon pa man, para hindi na ito magalit sa kanya ay pinagbigyan niya ang kahilingan nito. Hinubad niya ang suot nitong damit at inilapat ang kanyang mga labi sa dibdib nito paibaba sa pinakamaselang parte ng katawan nito. Namimigat na ang kanyang mga mata. Ramdam niya ang mga gabutil ng luhang nasa gilid ng kanyang mga mata. Hirap na hirap na ang kalooban niya. Hindi niya alam kung may pag-asa pa bang mabalik sa dati ang pagtingin nito sa kanya? Hindi na siya umaasa. Matapos lang itong pagkukunwari niya, magpapakalayo-layo na rin siya gaya ni Janice. Nagulat siya nang kabigin nito ang katawan niya saka ito pumaibabaw sa kanya. Ilang sandali pa ay naglalabas masok na ito sa kanyang pagkababae. Mabilis na mabilis lang na para bang gusto lang nitong mairaos ang makamundong nararamda
SA HALIP NA SAGUTIN SIYA NI DENVER ay niyakap siya nito ng mahigpit. Maya-maya ay nakita niyang nakatulog na ito habang nakayakap sa kanya. Naiinis siya dahil palagi na lamang itong umiinom. Ni hindi nga niya ma-enjoy ang company nito na hindi ito nakainom. Hinubaran niya ito ng suot na damit at pinunasan ang buong katawan nito. Nang matapos ay tumabi siya rito at tinitigan lang niya ang mukha nito habang pumapatak ang kanyang mga luha. Nagpapakababa siya ng ganito sa labis na pagmamahal niya kay Denver. Ni hindi nga niya alam kung paano niya nagawang malayo rito ng matagal para bigyang katuparan ang kanyang pangarap. Ngunit nang maabot naman niya iyon at mapagtagumpayan, hindi siya masaya. Narealize niyang walang kwenta ang lahat ng tagumpay kung wala rin lang si Denver sa buhay niya. “Sana hindi pa huli ang lahat, Denver. . .Sana ako pa rin ang mas matimbang sa puso mo. . .at sana talaga puros galit na lang ang natitira dyan sa
NAGKAROON ng malaking party ang isa sa mga kompanya ng mga Craig. Pinaayusan at pinabihisan siya ni Denver para makadalo sa party. Ang sabi nito sa kanya, magtataka raw ang mga magulang nito kapag wala siya duon. Nauna nang umalis si Denver. And driver na lamang nito ang sumundo sa kanya. Ginanap iyon sa isa sa mga prestihiyosong hotel na pag-aari rin ng angkan ng mga Craig. Pagkapasok na pagkapasok niya sa reception area ay nabungaran kaagad niya si Denver kasama ni Rosemarie. Nakita niyang bahagya itong natigilan nang makita siya. Medyo napakurap pa nga na para bang hindi kaagad siya nakilala sa ayos niya. Sabagay, maski siya ay nagulat nang makita niya kanina ang itsura sa salamin. Iba talaga ang nagagawa ng make-up. Mas lalong na-enhance ang magagadang features niya. Ngunit maya-maya ay muling nabago ang mukha nito na tila naging malamig na naman, as if waring dumaan lang siya sa paningin nito saka muling nabalik ang atensyon kay Rosemarie
DUMILIM ang mukha ni Denver nang makitang iginiya ni Damian si Jasmine patungo sa gitna ng dance floor para isayaw. Lalapitan sana niya ang mga ito ngunit pinigilan siya ni Rosemarie sa halip ay niyaya rin siya nito sa gitna para sumayaw. Ayaw niya itong mapahiya kung kaya’t napilitan siyang isayaw ito kahit pa ang utak niya ay tila nais magwala ng mga sandaling iyon lalo pa at nakikita niyang tila nag-eenjoy si Jasmine sa company ni Damian. Ayaw man niyang aminin ngunit nagpuputok ang butse niya habang nakikita itong kasayaw ng pinsan niya. Nang hindi na makatiis ay nilapitan niya ang mga ito at nakipagpalit siya dito ng kapartner. “Hindi ka dapat nakikipagsayaw sa iba.” Inis na sabi niya kay Jasmine. Namumungay ang mga mata nito at amoy ang alak sa hininga nito, “At saka bakit ka umiinom?” Napangisi ito, “Anong gusto mong gawin ko? Pinapunta mo ko dito sa party pero hayon at busy ka kay Rosemarie mo! Alangan namang tumanganga lan
SA UMPISA ay nanlalaban siya ngunit unti-unti ay tinutupok siya ng kanyang kahinaan. Hindi nga niya alam kung ang nainom niyang alak ang nagpapahilo sa kanya o ang mapupusok na mga halik ni Denver sa kanyang buong katawan. Ni hind nga niya namalayang nakahubot hubad na pala sila at nasa ibabaw na sila ng kama. Tila isang mabangis na hayop ng mga sandaling iyon si Denver na gustong namnamin ang bawat linamnam ng kanyang katawan. Nagagalit siya ngunit mas nanaig ang pag-ibig na nararamdaman niya para sa lalaking ito. Parang hinihigop niyon ang kanyang kamalayan. Hanggang sa tila tuluyan na siyang mawala sa kanyang sarili. Unti-unti ay tinugon na rin niya ng buong pananabik ang mapusok na mga halik na iyon ni Denver. “Ohh. . .” napaungol pa siya nang bumaba ang mga labi nito sa kanyang puson. Napaigtad pa siya nang hawakan nito ang namamasa niyang pagkababae. Bakit kahit nahihilo siya, malinaw na malinaw ang pakiramdam
MASAKIT ANG BUONG KATAWAN NI JASMINE nang magising siya kinabuksan. Naalala niyang muli ang nangyari sa kanila ni Denver kagabi. Ilang beses siya nitong inangkin at buong puso naman siyang nagbigay. Tumunog ang kanyang phone. Napilitan siyang bumangon kahit ang balak sana niya ay matulog na muna maghapon.“Ma, alam nyo namang hindi na ako makahingi ng tulong kay Denver,” nakikiusap na sabi ni Jasmine sa ina nang humihingi na naman ito ng malaking pera sa kanya, “Please Ma, tigilan nyo na ang pagsusugal nyo.” “Nangako ka sa akin, Jasmine. Alam mo naman ang hirap na dinanas ko sa Papa mo pagkatapos ngayon gusto mo pang ipagkait sa akin iyong kaunting kaligayahang nakukuha ko kapag binabalasa ko ang mga baraha?” sagot ng ina niya sa kanya, “Wala ka bang alahas na pwedeng maisanla?” “Ma, naririnig nyo ba ang mga sinasabi nyo?” Nagtitimping sabi niya sa ina. “Naiintindihan nyo ba ang mga posibleng mangyari kapag hindi kayo nagkontrol s
“P-PASENSYA ka na. . .at wag na sana itong makarating pa kay Denver,” hiyang-hiyang sabi ni Jasmine kay Damian nang makipagkita siya rito para kuhanin ang perang hiniram niya, “Hiyang-hiya na ako saiyo. Palagi na lang ikaw ang tinatakbuhan ko kapag ganitong may problema ako kay Mama. Baka isipin mo sinasamantala ko ang kabutihan mo. Wala lang talaga akong matakbuhan.” Matiim siyang tinitingnan ni Damian saka huminga ng malalim, “Hindi ko alam kung bakit kailangan mong protektahan si Denver. Kung natatakot kang ipakulong ka nya, don’t worry, ako ang bahala saiyo. Umalis ka nasa poder nya kung ganyang nahihirapan ka lang.” “Para ano? Para matanggal sya sa pagiging CEO ng. . .” “Iniisip mo bang iyon ang habol ko kaya ko ginagawa ito?” Tanong ni Damian sa kanya saka napailing, “Don’t you get it, Jasmine? Gusto kita!” sabi nito sa kanya saka huminga ng malalim, “Wala akong pakialam sa anumang posisyon sa kompanya. Actually, hindi ak
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na