SA UMPISA ay nanlalaban siya ngunit unti-unti ay tinutupok siya ng kanyang kahinaan. Hindi nga niya alam kung ang nainom niyang alak ang nagpapahilo sa kanya o ang mapupusok na mga halik ni Denver sa kanyang buong katawan. Ni hind nga niya namalayang nakahubot hubad na pala sila at nasa ibabaw na sila ng kama. Tila isang mabangis na hayop ng mga sandaling iyon si Denver na gustong namnamin ang bawat linamnam ng kanyang katawan. Nagagalit siya ngunit mas nanaig ang pag-ibig na nararamdaman niya para sa lalaking ito. Parang hinihigop niyon ang kanyang kamalayan. Hanggang sa tila tuluyan na siyang mawala sa kanyang sarili. Unti-unti ay tinugon na rin niya ng buong pananabik ang mapusok na mga halik na iyon ni Denver. “Ohh. . .” napaungol pa siya nang bumaba ang mga labi nito sa kanyang puson. Napaigtad pa siya nang hawakan nito ang namamasa niyang pagkababae. Bakit kahit nahihilo siya, malinaw na malinaw ang pakiramdam
MASAKIT ANG BUONG KATAWAN NI JASMINE nang magising siya kinabuksan. Naalala niyang muli ang nangyari sa kanila ni Denver kagabi. Ilang beses siya nitong inangkin at buong puso naman siyang nagbigay. Tumunog ang kanyang phone. Napilitan siyang bumangon kahit ang balak sana niya ay matulog na muna maghapon.“Ma, alam nyo namang hindi na ako makahingi ng tulong kay Denver,” nakikiusap na sabi ni Jasmine sa ina nang humihingi na naman ito ng malaking pera sa kanya, “Please Ma, tigilan nyo na ang pagsusugal nyo.” “Nangako ka sa akin, Jasmine. Alam mo naman ang hirap na dinanas ko sa Papa mo pagkatapos ngayon gusto mo pang ipagkait sa akin iyong kaunting kaligayahang nakukuha ko kapag binabalasa ko ang mga baraha?” sagot ng ina niya sa kanya, “Wala ka bang alahas na pwedeng maisanla?” “Ma, naririnig nyo ba ang mga sinasabi nyo?” Nagtitimping sabi niya sa ina. “Naiintindihan nyo ba ang mga posibleng mangyari kapag hindi kayo nagkontrol s
“P-PASENSYA ka na. . .at wag na sana itong makarating pa kay Denver,” hiyang-hiyang sabi ni Jasmine kay Damian nang makipagkita siya rito para kuhanin ang perang hiniram niya, “Hiyang-hiya na ako saiyo. Palagi na lang ikaw ang tinatakbuhan ko kapag ganitong may problema ako kay Mama. Baka isipin mo sinasamantala ko ang kabutihan mo. Wala lang talaga akong matakbuhan.” Matiim siyang tinitingnan ni Damian saka huminga ng malalim, “Hindi ko alam kung bakit kailangan mong protektahan si Denver. Kung natatakot kang ipakulong ka nya, don’t worry, ako ang bahala saiyo. Umalis ka nasa poder nya kung ganyang nahihirapan ka lang.” “Para ano? Para matanggal sya sa pagiging CEO ng. . .” “Iniisip mo bang iyon ang habol ko kaya ko ginagawa ito?” Tanong ni Damian sa kanya saka napailing, “Don’t you get it, Jasmine? Gusto kita!” sabi nito sa kanya saka huminga ng malalim, “Wala akong pakialam sa anumang posisyon sa kompanya. Actually, hindi ak
PARANG WALA SA SARILI si Denver habang nagmamaneho pauwi ng bahay. Medyo nakainom na rin siya. Nang mapanuod niya ang video na ipinakita sa kanya ni Rochelle kanina, hindi na niya naituloy pa ang meeting sa lahat niyang staff. Nagtuloy siya sa condo unit ni Rosemarie at duon nagpalipas ng sama ng loob. Saka siya nagdesisyon na tapusin na ang palabas nilang ito ni Jasmine. Nang mahamig ang sarili ay tinawagan kaagad niya si Yaya Flora na ilabas na ang lahat ng mga gamit ni Jasmine at huwag na itong papasukin pa sa loob ng bahay. Hindi na niya ipinaliwanag kung bakit. Basta ang sabi niya, madadamay ito sa galit niya kapag inabutan pa niya si Jasmine sa bahay. Kaya habang papauwi ay umaasa siyang hindi na niya aabutan pa duon si Jasmine. Ayaw na niyang makita pa ang pagmumukha nito. Mas lalong ayaw na niyang magkaroon pa ng ugnayan kahit na kanino sa pamilya nito. Hanggang ngayon ay nangangatal pa rin siya sa galit habang naiisip na
LITONG-LITO ANG UTAK NI JASMINE habang hindi tiyak kung saan pupunta ng araw na iyon. Tinawagan niya ang kaibigang si Danica ngunit ‘can’t be reach’ ang phone nito. Maging ang Ate Janice niya ay hindi rin niya makontak. Nagtungo siya sa mall at naglakad ng naglakad na parang nawawala sa sarili. Hindi niya akalaing sa ganitong paraan magwawakas ang pagsasama nil ani Denver. Ni hindi man lamang niya napatunayan dito na totoo ang nararamdaman niya. Hindi pala siya handa sa biglaang paghihiwalay nila. Ang sakit. Parang dinudurog ang puso niya na waring bumabaligtad ang sikmura niya. Hindi niya mawari kung ano ang gagawin. Muli niyang tinawagan si Danica dahil parang sasabog ang dibdib niya kung hindi niya mailalabas ang lahat ng sakit ng kaloobang nararamdaman. Hindi pa rin niya makontak si Danica. Sinubukan niya ang number ng Ate Janice niya. Naka-off pa rin ito. Inis na inis siya sa sarili. Napapalingon ang mga nakakasalubong niya sa mall dahi
NAGIMBAL ang buong pamilya ni Denver sa ipinagtapat niya. “Ibig sabihin, pinagsamantalahan tayo ng pamilya ng babaeng iyon?Sinasabi ko na nga ba, kaya pala pakiramdam ko hindi si Janice ang kaharap ko sa tuwing kausap ko ang babaeng iyon. Hindi pala talaga siya si Janice. God, pinaglaruan tayo ng buong pamilya nya!” Nagpupuyos sa galit na sabi ni Mrs. Agnes Craig, “At magsasawalang kibo ka na lang ba?” Naguguluhang tiningnan niya ang ina, “Anong gusto nyong gawin ko? Ipagsigawan sa mga tao ang ginawa ng buong pamilya ni Jasmine sa akin?” “Ipakukulong natin sila!” Galit na sabi ng ama niya. “Oo, dapat silang mabulok sa bilangguan!” sang-ayon naman ng Mommy niya. “Stop it! Huwag nyo nang dagdagan pa ang kahihiyang inabot ko sa kamay ng magkapatid na iyon! From now on, kakalimutan ko na lang ito at iisiping isang masamang panaginip.” “Anak, palalampasin na lang ba natin ang ginawa ng kambal
“B-BUNTIS AKO. . .” halos pabulong na nasambit ni Jasmine matapos makuha ang resulta ng pagsusuri ng doctor sa kanya. Nag-aalalang napatingin siya kay Janice na naguguluhan rin habang pinagmamasdan siya. “Ipaalam mo ba kay Denver ang tungkol dito?” tanong nito sa kanya. Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling, “Kinamumuhian nya ako, ate. Alam kong hindi nya magugustuhan kapag nalaman nyang buntis ako.” Ginagap nito ang isang kamay niya, “I’m sorry. Nang dahil sa akin, pati ikaw napahamak. . .” Naiiyak na sabi nito sa kanya, “Patawarin mo ko sa lahat ng mga kamalditahan ko saiyo. . .ang dami kong kasalanan. . .ikaw ang napagbuntunan ko ng lahat ng galit ko kay Papa.” “Tapos na yun, ate. Nangyari na ang lahat,” aniya sa kapatid, “Ang mahalaga, naayos muli natin ang relasyon natin.” “Nakokonsensya akong namatay si Papa na hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko sya,” nagsisising sabi ng Ate Janice n
NAMAMALENGKE SI JASMINE nang magkasalubong sila ni Yaya Flora duon. Halos anim na buwan na rin ang nakalipas simula nang palayasin siya ni Denver sa bahay nito. “Jasmine!” gulat na sabi nito saka napatingin sa kanyang tiyan, “Buntis ka?” “Yaya Flora, wag nyo na lang po sanang ipaalam kay Denver at sa pamilya nya ang tungkol dito.” Pakiusap niya sa matanda. Tumango ito bagamat nag-aalala sa kalagayan niya, “Kumusta ka na?” May pait sa mga labing ngumiti siya, “O-okay naman po kahit na paano. K-kumusta na po kayo?” “Bumalik na ako sa mga magulang ni Denver. Duon na ulit ako nagtratrabaho,” balita nito sa kanya. “P-paano po si Denver, s-sinong nag-aasikaso sa kanya?” Nag-aalalang tanong niya. Huminga ito ng malalim saka ginagap ang mga kamay niya, “Bumalik na sa Amerika si Denver. Ang paalam nya kina Senyora, for good na sya duon.” “F-for good. . .” parang bi
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na