Share

Chapter 21

Author: Ishykin
last update Last Updated: 2022-12-22 13:58:42

The next day, I woke up with a smile on my face. I do not know, siguro ganito lang talaga ang tama sa akin ni Kerwin. Hindi na ako nagtatampo sa kaniya kasi kagabi, bago ako makatulog ay tumawag siya sa akin. Talaga ngang sobrang rupok ko pag dating sa kaniya kasi sa unang salita pa lang na binigkas niya gamit ang kaniyang malambing na bosses ay nawala na agad iyong pagtatampo ko sa kaniya dahil sa nangyari kahapon.

Sabado ngayon at dahil sobrang aga kong nagising ay naisipan kong mag exercise muna, which is sobrang himala para sa akin. Hindi na kasi ako nakakapag exercise dahil maliban sa tanghali na akong nagigising noon ay tamad din talaga akong tunay.

So, I did a 30 minutes’ work out. Pagkatapos niyon ay agad kong kinunan ang sarili ko habang tumutulo iyong mga pawis sa gilid ng mukha ko. Minsan lang akong pagpawisan dahil sa pag w-work out kaya I did not miss the chance to take a photo of me.

“Oh, ang aga mong nagising ah?” tanong ni Ate Zoraida na nagulat nang makita akong una pang nagising sa kaniya. Nagluluto ito para sa agahan namin sa kusina.

“May lakad ka ba ngayon?”

Kumuha ako ng baso sa lagayan and poured a water in it. “Wala naman ate, hindi na kasi ako makatulog ulit.” Sabi ko at uminom ng tubig.

Dahil wala naman akong magawa ay nagbasa muna ako ng librong tapos ko naman nang basahin pero iyong tawa ko parang pang first timer reader lang ng story na iyon. Sobrang nakakatawa naman kasi, sino ba naman kasing guro ang magtuturo sa mga estudyante niyang gumamit ng droga?

Maya-maya ay nag-ingay iyong phone ko. Mabilis kong inabot iyon at agad na sinagot ng makitang si Kerwin iyon. I smiled immediately, na para bang high school student na kinikilig sa crush niya.

“Good morning,” nakangiti kong bati sa kabilang linya.

 “Hello Dan? May gagawin ka ba ngayon?” tanong niya na hindi man lang ako binati pabalik.

“Hmm? Wala naman, bakit?”

“Arcade?” Oh! Right, the last time hindi kami nakapag-arcade dahil may kinailangan siyang gawin. Napangiti ako ng palihim. Siguro ay gusto niyang makabawi sa akin.

Napangsisi ako. “Bumabawi ka,” asar ko sa kaniya.

“Bakit ayaw mo?” asar niya naman pabalik.

“Syempre… gusto ko!” sabi ko at natawa kaming dalawa pagkatapos.

“I will fetch you mamaya 3pm bi, may tatapusin pa ako ngayon eh. Will be there, I will hang up now. I love you,” sunod-sunod na sabi niya na tila ba nagmamadali.

Pero kahit sinabi niyang papatayin niya na iyon ay hinintay niya pa ring makapag respond ako sa I love you niya bago niya ito ibinaba ng tuluyan. Napangiti tuloy ako.

Dahil nga wala naman akong magawa kasi tapos ko na lahat mga school tasks namin ay nanuod na lang muna ako ng movies, tapos basa ulit ng romance novels pagkatapos ay dahil sa sobrang bored ko ay naisipan kong mag sulat. Binase ko iyon sa takbo ng buhay ko, specifically ngayon, sa takbo ng lovelife ko. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakanarrate ko kaya hindi ako masyadong confident sa naisulat ko kung tama ba but still pinublish ko pa rin iyon dahil kompyansa ako sa sarili kong walang magbabasa niyon.

I made three chapters in one sit at halos limang libo na lahat iyong naisulat kong mga salita.

“Wew, didn’t thought na nakaka-aliw din pa lang mag sulat.”

Pagkatapos kong magsulat ay tinulungan ko muna si Ate Aida sa mga gawaing bahay. Ang sabi nito ay hindi naman na kailngan pero nababagot ako, wala akong maggawa kaya pinilit ko siyang ako na ang mag walis tapos siya ang mag m-mop. Nag play ako ng music kaya para kaming nag ko-concert ni Ate Aida habang naglilinis. Wala kasi si Mama at Papa, busy kaya naiwan kaming dalawa sa bahay.

Pagkatapos naming maglinis ay nagpahinga ako saglit sa labas ng bahay namin kung saan may kakaunting mga halaman roon na nakatanim. Nagpahinga muna ako roon ng ilang mga minute hanggang sa hindi ko namalayan na mag a-alas dos na pala at hindi pa rin ako nakakapaghanda para sa lakad namin ni Kerwin mamaya.

Tumungo ako sa kwarto ko at naghanap ng magandang susuotin. I picked a simple dress and plinantsa ko pa iyon. Pagkatapos niyon ay naligo na ako.

At exactly 3 pm ay hand ana nga ako. I looked at my reflection in my mirror. Napangiti ako.

“Ang ganda ko,” I said and chuckled. Pagkatapos niyon ay narinig ko ang isang busesna ng isang motor mula sa labas ng bahay namin kaya napatakbo ako patungo sa bintana ng kwarto ko at nakita roon ang boyfriend ko.

He looked up and saw me kaya he waved his hand to me. Nagmamadali kong kinuha ang phone ko at inilagay iyon sa loob ng bag ko. Bumaba na ako’t hinanap kaagad si Ate Zoraida para makapag-paalam. Hindi ko siya nahanap sa kusina kaya tumungo agad ako sa kwarto niya.

“Ate aalis naa ko,” sabi ko oras na mabuksan angpintuan ng kwarto niya. Nagulat niya naman akong nilingon agad. May katawag pala ito.

“Ahh, nandiyan na ba si Kerwin?” tumango ako.

Kinausap niya muna sandali ang nasa kabilang linya bago iyon binaba at sinamahan akong maglakad palabas ng bahay.

“May problema ba ate?” tanong ko sa kaniya ng mapansing parang malalim ang iniisip nito.

Ngumiti siya. Nakarating na kami sa gate at pinagbuksan niya ako.

“Nag-aalala lang ako sa recit namin mamaya.” Ani niya. Lumabas din siya at kinausap si Kerwin na careful lang sa pagmamaneho at pati rin sa akin.

Nang tingnan ako ni Kerwin ay ngumiti siya agad, at nang makitang nakadress ako ay agad niyang hinubad ang suot niyang jacket para ipangtakip sa legs ko nang makasakay na ako sa motor niya.

“Hindi naman ‘to maiksi,” sabi ko agad.

Umiling siya, hindi sang-ayon.

I pouted at kinuha ang jacket niya.

We went to the nearest mall. I am so happy kasi finally we have our own time na with each other. Both of us had been busy these past few days and isa pa nagtampo din ako sa kaniya because he made me wait yesterday ng matagal which I did not tell him.

Hawak kamay kaming pumasok ng gusali. Sobrang laki ng ngiti ko sa mukha ganoon din siya.

“I missed you,” he said habang naglalakad kami.

Napangiti ako. “I missed you too, let us make this day fun. Okay?” I said kasi gustong-gusto kong makabonding siya. Iyong kami lang walang iniisip na projects or academic tasks.

We played a couple of games. Sometimes I would let him play while I am taking videos or photos of him. Sometimes, he would let me play and take a picture of me too which I found very sweet and very couple goals, just like what I always see on social media.

Dahil napagod kami sa paglalaro ay naisipan naming tumungo sa starbucks to eat something sweet too, just like we are.

“You had fun?” he asked making sure that I enjoyed the arcade.

Tumango ako.

“Do you want to watch a movie?” sunod niya namang tanong, kaya naman ay napatingin muna ako sa relo ko. Well, maaga pa naman kaya okay lang. Tsaka, nakapagpaalam na din naman ako kay Ate Zoraida and it is Kerwin that I am with so okay lang.

We did not wait na maubos namin ang smoothies na binili namin at dinala na rin iyon patungong sine.

We chosed an action movie cause when it comes to movies I prefer action, mystery, or horror movies than romance kasi feeling ko alam ko na kung anong mangyayari eh, kapag romance story iyong pinanuod ko kasi I have watched a lot of mocies na katulad na katulad lang din ng mga flow sa mga nababasa ko.

We sat at the center part. Tahimik akong nanunuod kasi nagugustuhan ko na iyong flow ng story nang mapansin kong busy si Kerwin sa cellphone niya.

“Anything wrong?” tanong ko dahil tila nag dikit ang mga kilay niya.

“Uh, nothing.” Sabi niya at ibabalik na sana ang phone niya sa kaniyang bulsa nang mag vibrate ulit iyon.

Binasa niya iyon at ako naman ay ibinalik na ang aking mga mata sa malaking screen. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglagay niya ng kaniyang cellphone sa ibabaw ng hita niya at wala pang ilang segundo ay umilaw na naman iyon ulit at nag vibrate dahilan upang kunin niya ulit iyon.

I sighed secretly. At hindi na lang siya inisturbo dahil baka importante iyon. I focused my self on watching on the movie hanggang sa malapit na iyong matapos.

I looked at Kerwin and he is still texting. He looked worried na sa mga pagkakataong iyon kaya agad ko siyang tinanong.

“Hey, are you okay?”

Tumango siya. “May problema lang sa pinas akong presentation kay Airra.” Dahil sa sinabi niyang iyon ay pati na rin ako ay nag-alala na.

“Do you have to go there?” ani ko na nagpalingon sa kaniya sa gawi ko.

“Hindi na, i-instruct ko lang si Airra.” Sabi niya kahit nabasa ko naman sa tect ni Airra na nahihirapan talaga ito.

Inabot ko ang kamay ni Kerwin.

“It’s okay, you can go.” I said dahil mas importante pa rin iyon.

“Pwede naman tayong manuod ulit sa ibang araw.” I said smiling kasi kitangt-kita ko talaga sa mga mata niya na ayaw niyang umalis at nag-aalala na baka malungkot ako. Well, it is our first time to go out after not seeing each other for a couple of days tapos ito pa ang mangyayari.

“Is it really, okay?” tanong niya, naninigurado.

I nod. “Yes, of course. Okay lang, ano ka ba. We can always do this sa susunod kapag free tayo. Go now, baka umiyak na dun si Airra.” I said and chuckled a bit.

Napakagat siya sa kaniyang pang-ibabang labi.

“You sure you going to be okay here?” tanong niya.

Tiningnan ko ang screen. Sa tingin ko ay malapit nang matapos iyon but it is fine I can go home alone.

“Yes, tatapusin ko lang I’yong movie.”

“Sorry, I promise. Babawi ako sa susunod.” Sabi niya at tiningnang muli ang phone niyang nag vibrate na namang muli. Hindi na siya nag-abala pang basahin iyon and put it inside his pocket.

He looked at me and apologized again.

Hinalikan niya ako ng mabilisan sa mga labi bago nagpaalam at tumalikod na. Dahil sa pagkakabigla sa ginawa niyang iyon ay tila nasimento ako sandali. I looked around, looking kung may nakakita bas a ginawang iyon ni Kerwin sa akin. But there were none, dahil busy ang mga ito sa panunuod.

Dahil sa ginawa niyang iyon ay nakangiti akong tinapos ang pelikula kahit ang totoo ay nakakalungot kasi namatay iyong bestfriend ng bida. Kung sila lumabas ng luhaan ako naman ay lumabas ng nakangiti cause for the nth time ay hinalikan na naman ako ni Kerwin sa mga labi.

Related chapters

  • The Story Behind Those Pages   Chapter 22

    After that date ay ilang araw din kaming hindi nagkita ni Kerwin. He was so sorry dahil hindi niya na ako nahahatid at nasusundo dahil sa sobrang busy sa kompaniya. Sa chats at tawag na lang kami nag-uusap.Naiintindihan ko naman siya, sobrang busy niya sa kompaniya kaya hindi niya naa ko magawang masundo. Minsan kung maaga naman siyang nakakapag-out ay, pagod naman siya at nakakatulog. Okay lang naman, naiintindihan ko naman pero minsan nakakatampo lang talaga. Iyong feeling na gustong-gusto mo na siyang makita. Like I want to hold and hug him pero hindi ko maggawa kasi wala siya.Napabuga ako ng hangin. My day today is very tiring. Maaga akong tumungo dito sa school kanina, we did our action research then pagkatapos ay nagreport ako sa last subject namin kaya I am so drained. Parang lantang gulay akong tumungo sa waiting shed sa labas ng school namin only to find out na may text pala sa akin si Kerwin kanina, habang nag re-report ako na hindi niya ako masusundo dahil may tatapusin l

    Last Updated : 2022-12-22
  • The Story Behind Those Pages   Prologue

    “Ready na po ba kayo ma’am? It will start in a minute na po.” Tanong ng babaeng staff sa akin. Kinakabahan ako na excited, hindi ko alam kung anong gagawin. Nanginginig yung mga kamay ko na may hawak na marker. I nodded to her at kinalma ang sarili ko habang nasa backstage. I looked at my reflection on the rectangle mirror. Inayos ko ang buhok kong kinulot sa dulo kanina ng pinsan ko. She was even the one who putted an light make up on me. She was so proud of me, lalong lalo na ang parents ko na binili pa ako ng damit para suotin sa araw na ito. Napangiti ako ang sinabi ni Mama. “I knew it.” She tapped my head. “Alam kong magiging sikat na manunulat ka rin. And finally, the time has come.” Ngumiti siya sa akin. “Po?” I have never wrote a novel before. At ito ang kauna-unahang novel na isinulat ko. Kaya hindi ko alam kung bakit nasabi iyon ni Mama. Wala akong interes sa pagsusulat noon. What I only want is to read and read. “Anak, a goo

    Last Updated : 2021-05-23
  • The Story Behind Those Pages   Chapter 1

    "DANIIIII!" Someone shouted downstairs of our house. I automatically rolled my eyes at tulad ng inaasahan ay marahas na bumukas ang pintuan ng silid ko at niluwa niyon ang pinsan kong si Austrid. Tumagilid ako sa paghiga, patalikod sa kanya pagkatapos ay inayos ang pagkakahawak sa librong hawak-hawak ko. Sobrang ganda na nung takbo ng kuwento para putulin at makipag-usap lang sa kanya na for sure ay wala na namang kwenta ang mga sasabihin. I don't want to waste my time with that kind of stuffs. Talking about her lovelife na alam kong sa simula lang ang kilig-kilig and after how many days ay kukupas rin at kalaunan ay maghihiwalay din. Mas gugustohin ko pang mabagot magbasa sa isang hindi nakakatakot na horror story kesa makinig sa pabalik-balik niyang mga kwento tungkol sa mga bagong gwapong lalaki na nakilala niya. "Huy, tama na nga yang reading-reading mo!" paninimula niya sa pamb-bwesit sa akin. Hindi ko siya pinansin. I didn't even gave her a sing

    Last Updated : 2021-05-23
  • The Story Behind Those Pages   Chapter 2

    I was busy roaming my eyes around the club. Some are drunk already. Some are busy kissing on the dark corners of the place. Some are busy making dirty dances and some are on the couch chilling like the three people I am with now. Naglalaro pa rin ang dalawa habang si Kerwin ay nakaupo pa rin sa kung nasaan siya nakaupo kanina. Maya-maya ay umalis siya at tumungo sandali sa rest room ng club. The song shifted into a love song kaya kanya-kanyang balik sa mga upuan nila ang karamihan while few of those who are dancing earlier chose to stay and dance with their partners. Oh, so the club has this kind of thing hah? I think people know's the routine of the club dahil walang ni isang umangal sa pagpapatugtug ng love song ng Dj. "So its rest time huh?" Tanong ni Kerwin nang makabalik. "Hmm?" "The love song is played here para makapagpahinga ang mga tao sa pagsasayaw. It’s a marketing strategy para yung mga sumasayaw ay bumalik sa inuupuan nila at buma

    Last Updated : 2021-05-23
  • The Story Behind Those Pages   Chapter 3

    Limang oras lang yata ang tagal ng tulog ko ng gisingin ako ni Mama para mag simba. Hindi na niya ako pinaligo dahil wala daw ako gaanong tulog, pinaglaban ko pa ang limang oras na nai-tulog ko para makaligo dahil ayaw ko talagang lumabas ng hindi nakakaligo pero talo parin ako kaya I took a quick half bath nalang. Gustuhin ko mang mamayang hapon nalang magsimba ay pagagalitan lang ako ni Mama. Like I can waste my time with some unnecessary things pero ang kaunting sakripisyo ng pag gising ng maaga ay hindi ko magawa? Ugh! I know her lines already! Nang nasa simbahan na kami ay hinanap agad ng mga mata ko ang pinsan ko. And there I saw her sitting in the left side corner of the church kaya nilapitan ko na ito, halatang inaantok pa at nakabusangot pa ang mukha. Nagmano muna ako kay Tita Alex and Tito Rad bago lumapit sa kanya. I laughed nang makita ang kabuoan ng pagmumukha niya. She looked like a living zombie. Mahina akong napahalakhak. Our parents w

    Last Updated : 2021-07-22
  • The Story Behind Those Pages   Chapter 4

    I sat on the green bermuda and opened my new book slowly because its Tuesday, I have two hours vacant this morning before the second subject! Dahil dun ay napili kong tumambay muna rito sa likud ng educ building. May mga tumatambay din sa kabilang dulo ng building pero hindi ko kilala ang mga iyon, maybe from Math or English majors. Nagkakantahan sila but I really don't mind. I am only here to savour the moment where I will unbox my new book. Sobrang pagtitiis kong hindi siya buksan kagabi kasi tinapos ko pa sa pagbabasa iyong recent kong binabasa. Hinay-hinay kong winakli ang unang pahina para hindi mapunit or gumawa ng marka sa gilid. Hindi pa man ako tapos sa pag tse-check ay narinig ko na naman ang bosses ng pinsan kong tinawatawag ang pangalan ko. "Dani!" Rinig ko kahit nasa second floor siya ng building namin. What the hell! Nakakahiya. Ang laki talaga ng bunganga ng babaeng yun at ang kapal rin ang mukha! "Nasa baba si Austrid! Nasa

    Last Updated : 2021-08-21
  • The Story Behind Those Pages   Chapter 5

    Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok. Habang nag bibihis ay nabigla nalang ako nang may sobrang lakas na kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Nangunot ang noo't napangiwi akong tingnan ang direksyong ng pintuan ko. Hindi naman ganito kalakas kumatok ang Mama ko kaya nagtataka ang mukhang pinagbuksan ko ito."GOOD MORNING DANNI GIRL!" Salubong sa akin ni Austrid gamit ang malakas nito na bosses.My face crumpled. Ano na naman kaya ang trip nitong babaeng to? I went back to my cabinet at naghanap ng panyo."Bat ka nandito?" Kung nandito siya para pagtripan na naman ako, ang aga niya naman masyado kung ganun."Dapat ba palaging may rason pag bibisitahin mo ang magandang pinsan mo?" Sabi niya. My brows furrowed."What do you want this Strid?" Seryosong tanong ko. I don't think that she's like that person na susulpot nalang bigla ng walang kailangan sayo. And I can't help myse

    Last Updated : 2021-11-29
  • The Story Behind Those Pages   Chapter 6

    Ilang araw kung inisip kung ano ang gagawin ko sa araw ng shoot namin ni Kerwin. Minsan naisip ko nalang mag back out kasi kinakabahan at baka nang dahil sa akin ay hindi siya makakuha ng malaking grade.Tumawag siya sa akin kanina na ngayon kami mag sh-shoot kaya naghahanap ako ng damit na susuotin ngayon sabi niya any dress can do pero nalilito ako kung ano ang susuotin. Hindi namandaw about sa kung ano yung pose ng model ang mahalaga the important thing is kung paano kinuha ang litrato with the measurements of its angle.Ang hirap siguro nun.I end up wearing a white dress that end up abouve my knee. I put some light make up at kinulot ang buhok ko sa dulong bahagi. Masyado kasing dull kong natural lang na straight iyon kaya kinulot ko siya mas bumagay naman kaya mas gumanda pa.Paglabas ko ng bahay ay nasa labas na si Kerwin. Nakaupo sa motor niya. Agad npsiyang ngumiti nang makita ako.&n

    Last Updated : 2021-11-29

Latest chapter

  • The Story Behind Those Pages   Chapter 22

    After that date ay ilang araw din kaming hindi nagkita ni Kerwin. He was so sorry dahil hindi niya na ako nahahatid at nasusundo dahil sa sobrang busy sa kompaniya. Sa chats at tawag na lang kami nag-uusap.Naiintindihan ko naman siya, sobrang busy niya sa kompaniya kaya hindi niya naa ko magawang masundo. Minsan kung maaga naman siyang nakakapag-out ay, pagod naman siya at nakakatulog. Okay lang naman, naiintindihan ko naman pero minsan nakakatampo lang talaga. Iyong feeling na gustong-gusto mo na siyang makita. Like I want to hold and hug him pero hindi ko maggawa kasi wala siya.Napabuga ako ng hangin. My day today is very tiring. Maaga akong tumungo dito sa school kanina, we did our action research then pagkatapos ay nagreport ako sa last subject namin kaya I am so drained. Parang lantang gulay akong tumungo sa waiting shed sa labas ng school namin only to find out na may text pala sa akin si Kerwin kanina, habang nag re-report ako na hindi niya ako masusundo dahil may tatapusin l

  • The Story Behind Those Pages   Chapter 21

    The next day, I woke up with a smile on my face. I do not know, siguro ganito lang talaga ang tama sa akin ni Kerwin. Hindi na ako nagtatampo sa kaniya kasi kagabi, bago ako makatulog ay tumawag siya sa akin. Talaga ngang sobrang rupok ko pag dating sa kaniya kasi sa unang salita pa lang na binigkas niya gamit ang kaniyang malambing na bosses ay nawala na agad iyong pagtatampo ko sa kaniya dahil sa nangyari kahapon.Sabado ngayon at dahil sobrang aga kong nagising ay naisipan kong mag exercise muna, which is sobrang himala para sa akin. Hindi na kasi ako nakakapag exercise dahil maliban sa tanghali na akong nagigising noon ay tamad din talaga akong tunay.So, I did a 30 minutes’ work out. Pagkatapos niyon ay agad kong kinunan ang sarili ko habang tumutulo iyong mga pawis sa gilid ng mukha ko. Minsan lang akong pagpawisan dahil sa pag w-work out kaya I did not miss the chance to take a photo of me.“Oh, ang aga mong nagising ah?” tanong ni Ate Zoraida na nagulat nang makita akong una p

  • The Story Behind Those Pages   Chapter 20

    After that day ay araw-araw ko nang nakikita si Kerwin sa amin dahil araw-araw niya na rin akong hinahatid-sundo.“Laki ng smile mo ah?” si Kristal nang nasa library kami tumatambay.“Wala lang, bakit? Bawal ba?”“Hindi naman, nakaka distract lang.” sabi niya’t inirapan ako.“Oh? Bakit? Nag-away na naman kayo ng Raffael mo?” tanong ko.She srugged. “Ewan ko ba don. Hindi na ako nire-replyan.”“Baka busy lang.”Napairap na naman ito. “Ewan ko lang talaga,” she said and sighed.Napailing-iling na lang ako dahil palagi na lang nagtatalo ang dalawa. Katulad naming ay they are already dating. Iyon nga lang, hindi katulad sa amin ay hindi pa sila legal sa mga pamilya nila but I think okay lang iyon kay Kristal ganoon din naman kay Raffael.Napapailing na lang ako sa kaibigan. Hindi naman na daw kailangan iyon. Ang maging girlfriend pa lang ni Raffael ay malaking bagay na. Peo kung ipapakilala siya nito sa parents nito, siya na daw talaga ang napakaswerteng babae sa buong mundo.Binalik ko a

  • The Story Behind Those Pages   Chapter 19

    Days passed by and naging usual routine na naming ni Kerwin ang susunduin niya ako sa school para ihatid sa bahay. Ngayong araw, plano ko siyang ipakilala sa parents ko at kahit mamayang gabi pa naman iyon ay sobrang kinakabahan na ako. First time kong magpapakilala ng boyfriend kina Mommy at Papa, at hindi ko alam kung anong magiging reskiyon nila. Hindi ko alam kung masasayahan ba sila na hindi lang pala puro libro at aral ang inaatupag ko, na nag s-sideline din akong lumandi minsan! Malay natin baka maging proud pa sila’t ang galling mag multi-task ng anak nila. “Pwede ba Dani, umupo ka nga. Nahihilo ako sayo,” saway ni Kristal sa akin. Nasa park kami at tanghali pa lang ay kinakabahan na ako. Never ko pa kasi nasasabi kina Mommy na may nanliligaw sa akin atsaka never din nilang natatanong iyon sa akin. As in, never talaga naming napag-uusapan ang bagay na iyon. Ang napag-uusapan lang naming ay saka na ako mag-aasawa at bumuo ng pamilya kapag regular na ako sa trabaho ko. “Bakit

  • The Story Behind Those Pages   Chapter 18

    Matapos ang klase namin at matapos ang pakikipag-ayos ko kay Kristal ay agad naman akong tumungo na sa parking lot upang kitain ang boyfriend ko. I chuckled while walking my way there. Kinikilig ako! Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng lalaking matatawag kong boyfriend ko! Agad ko siyang nakita nang palapit na ako roon. Nakaupo siya sa kaniyang motor at hawak-hawak ang kaniyang cellphone. Nang makita ako ay hindi niya na ako pinalapit pa sa kaniya at siya na mismo ang lumapit sa akin. “Hi,” bati niya sa akin with his smiles na mas maliwanag pa ata kesa sa sinag ng araw para sa akin. “Hello,” bati ko pabalik and tinanggap ang helmet na inaabot niya sa akin. Sinuot koi yon at siya mismo ang nag lock niyon sa akin na nagpangiti at nagpakilig na naman sa akin. Pumunta kami sa café, iyong café na madalas naming pinupuntahan. “Anonga gusto mo?” tanong niya. “Treat ko ‘to,” and chuckled. Maybe he remebered the last last time we went here na ako iyong nakabayad ng mga binili namin. I ch

  • The Story Behind Those Pages   Chapter 17

    “Oh? Anlaki ng ngiti mo ah?” tanong ni Austrid nang bumisita ito sa bahay ng maaga bago tumungo sa pinag i-instran nito. Alam ko na kung anong ginagawa ng babaeng ‘to rito. Lumabas si Mommy mula sa kusina bitbit ang mga ulam na niluto nito. “Yes! Ahhh, ang bango!” napailing-iling na lang ako. Mas masarap iyong sine-serve sa kanila na ulam pero mas pinili niyang dito kumain. “Omo! Tuyo! The best ka talaga Tita,” ani niya kay Mommy at kinindatan pa ito. “Alam kong paborito mo ‘yan eh.” Sabi naman ni Mommy at natawa na lang kay Austrid dahil nilantakan agad nito ang mga niluto niya. “San na naman ba pumunta ang Mommy at Daddy mo, Austrid?” si Papa nang pumasok galling sa sala. “Ah, Tito good morning po. Pumunta po silang Sydney po.” “Sydney? Ang layo niyon ah.” Ani ko. “May business trip sila.” Sabi niya, kaya alam ko na kung bakit dito siya kumain dahil wala siyang kasamang kumain doon sa bahay nila. “Pansin ko lang, bat parang ang blooming mo ngayon?” tanong ni Austrid nang na

  • The Story Behind Those Pages   Chapter 16

    I woke up early the next day para maghanda na for school. Iyong sayang meron ako kahapon ay parang hindi mawala-wala sa akin hanggang ngayon. Nadagdagan pa nang unang bumungad sa akin ang text na mula kay Kerwin na bakante ito mamaya at niyayaya niya akong lumabas pagkatapos ng klase ko. Hindi mawala-wala ang ngitng pumasok ako ng paaralan. I even greeted the guard which is very rare for me to do. Nasa tapat ako ng Engenireeng building nang sadya kong hininaan ang paglalakad. Nilingon ko ang tatlong palag na gusali. Sobrang tahimik ng building nila. Kunti lang ang tao sa ikatlong palapag. Tumigil ako at tumingin sa floor na yon. Hoping na baka nandoon o napadaan ang mga 4th year students doon kaso kahit anino ng pinsan ko ay wala. Sirado ang madalas nilang pinagkakaklasehan at ang naroon lang ay ang mga lower years nila. Looking at them without their seniors seems so boring. Madalas kasi kapag nandyan ang 4th years ay ang ingay nila, madalas silang tumatambay sa labas ng classroom n

  • The Story Behind Those Pages   Kabanata 15

    Akmang aalis na sana ako sa tabi niya nang hinuli niya na naman ang aking kamay. Agad akong napahinto at napatingin sa kaniya kasunod ay sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.Napalunok pa ako the moment how big his hand is, parang kamay ng bata iyong kamay ko ng hawakan niya. Ang puti at ang kinis pa ng balat nito na nahahalata ang mga ugat sa likod niyon. Napalunok ako, parang iyon mga kamay na na-i-imagine ko sa bawat may nababasa akong nobelang nababanggit ang isang lalaki na may nakakaakit na mga kamay.Binalik ko ang tingin sa kaniya. “Ano ba? Dadami pa lalo mga tao mamaya. Ano bang gagawin natin dito? Lalabas na si Zelo.” Inis na sabi ko sa kaniya.Hindi siya nagsalita bagaman ay nilingon niya ang lumapit sa kaniyang isang babae na halatang staff ng event dahil sa suot nito. Kinausap nito si Raffel. Hindi na ako nakinig pa sa kung anomanng pinag-uusapan nila and tried to get rid of Raffael’s hand na hindi ko man lang nagawang mapagalaw k

  • The Story Behind Those Pages   Chapter 14

    Mahapdi pa ang mga mata ko nang magising kinabukasan, masarap pa sanang matulog kaso kailangan kong bumangon ng maaga para mapaalis na si Raffael bago pa siya makita nang mga magulang ko. I stretched my arms and open my eyes. Ang dilim pa. Tiningnan ko ang bintana na natatabunan ng makakapal na kurtina. Anong oras naba? Kinuha ko ang cellphone sa gilid to check the time pero muntikan na akong mahulog sa hinihigaan nang makitang alas otso na pala nang umaga, at nasisigurado kong gising na sina Mama at Papa. Agad akong bumangon at sinuot ang tsinelas kong paambahay at tumakbo patungo sa pintuan. Nagmadali pero walang ingay akong bumaba sa hagdanan. Pagbaba ko roon ay wala na si Raffael sa sofa, nakapagpahinga ako dun, pero nang may marinig na ingay at kaunting tawanan mula sa kusina ay atomatiko akong napatampal sa noo ko. Naglakad ako patungo sa kusina at doon nakita ko sina mama at papa na natatawang nakikipag-usap kay Raffael. "Oh Dani, mabuti at gising kana." Bati ni mama. Tinan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status