Home / ChickLit / The Star / Chapter Two - Studio

Share

Chapter Two - Studio

Kinausap nina mommy at daddy ang organizer habang ako pumunta sa magiging dressing room namin.

"Ate, mamaya uuwi na tayo sa Pilipinas nakapag-impake na ba sila dad?" tanong ko naman sa manager at sa personal assistant ko.

"Hindi ko napansin kung nakapag-impake na sila." sagot kaagad ng manager ko magka-iba ang manager namin ng magulang ko napunta sa akin ang dating manager ni ate nang magpakasal na siya kay kuya Ash.

"Wala pa rin balita kay ate," kwento ko habang inaayusan ako ng koreanang make-up artist kaya nakakapag-daldal ako sa manager at personal assistant ko.

"Ay, ewan ko ba sa ate mong kasing-talino naman ng daddy mo pero kung mag-isip hindi tama ang nagiging resulta." tugon naman ng manager ko sa akin sumang-ayon ako sa sinabi nito.

Pwede naman magpa-gamot ni ate sa ibang bansa na alam ng asawa niya lalo na may bunga ang kanilang pagmamahalan. Oo, miss ko na si ate dahil siya ang BFF ko mula noon pa kahit magkalayo ang edad namin kaya medyo nakaramdam ako ng tampo ng umalis siya at hindi na nakipag-communicate sa amin.

"Si kuya Ash naman nagbago mula ng umalis si ate tumigil na rin sa pag-aaral si kuya," sabi ko dapat matagal na silang graduate ni ate Jinchi noon kung hindi lang sila huminto sa pag-aaral.

"Sinabi mo pa, Axelle nakapanghihinayang si Ash ang tino-tino nang batang 'yon tapos pansin ko nagbago ang aura nito." banggit ng manager ko hindi pwedeng sabihin sa ibang tao ang totoong pagkatao nila kuya Ash at nang pamilya nito.

Kahit close pa ang manager ko kay kuya Ash hindi nila sinasabi ang totoo kung ano ang pagkatao nila ang nakaalam lang ang pamilya namin, pamilya nina sir Vhenno at ma'am Thea kasama ang mga kaibigan ni tita Jia at tito Chie pati sa kanilang pamilya kaunti lang ang nakaka-alam ng totoo.

Mas naging misteryoso si kuya Ash sa paningin namin mula noong iniwan siya ni ate. Bumuntong-hininga na lang ako at sinagot ang manager ko.

"Ginusto ni kuya Ash na magbago kaysa hintaying bumalik si ate sa piling niya." sagot ko.

Tinawag na ako ni dad mula sa labas ng dressing room.

"Matagal ka pa ba dyan?" tawag ni daddy sa akin mula sa labas ng dressing room.

"Lalabas na ako, dad nandyan na ba ang makakasama natin?" tanong ko nang bumungad sa akin si dad.

"Wala pa, hija kayong dalawa bumalik kayo sa hotel mag-impake na kayo ng gamit isabay nyo na rin ang gamit ni Axelle." utos ni dad sa manager at personal assistant ko.

"Bossy mo naman, dad may kaaway?" biro ko na lang sa daddy ko.

"Wala naman, ang tagal naman kasi ng makakasama natin nagpapa-VIP." sabi ni dad sa akin lumingon ako sa paligid kung nasaan si mommy.

"Baka ganun lang 'yong taong 'yon, dad saka sabi nila celebrity din dito." bwelta ko hindi sa pinagtatanggol ko ang hinihintay naming tao.

Umalis na sa dressing room ang dalawang kasama ko nalaman ko nasa restroom si mommy kaya hindi kasama ni daddy. Nang bumalik si mommy pumunta na kami sa studio para dun namin hintayin ang isa sa naming makakasama.

Habang hinihintay namin ang isa pa namin kasama sa mall show sa IFC몰 Seoul, South Korea.

"Matagal pa ba ang kasama namin pakitanong naman may flight kami pagkatapos mall show mamaya eh," pagtatanong ni dad sa manager namin iniwan kami kanina ng organizer.

"Padating na daw," sagot naman ng manager namin kay daddy.

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating ang isang lalaki.

"Siya ang bumangga sa anak mo nang pababa na kami," banggit ni mommy kay daddy nang makita namin ang bagong dating namukhaan ko ito.

"Artista pala siguro naiwas sa mga tao." sagot ni daddy kay mommy nakatingin lang ako.

"Hindi man lang humingi ng sorry sa anak mo." sagot naman ni mommy kay daddy bumaling naman ang tingin nila sa akin.

Nakatingin lang kami sa lalaking dumating. Kumunot ang noo ko nang magka-titigan kaming dalawa ng lalaki.

"Magsisimula na kayo may ginawa pa daw kasi ang lalaki," sabat naman ng manager namin sa amin na tumabi pagkatapos kausapin ang kasama ng lalaki na sa tingin ko manager nito.

"Ano ang pangalan ng guy?" pagtatanong ni daddy sa manager namin nakatingin ito sa lalaki.

"RR Eun daw dati may grupo umalis para mag-solo." narinig kong kwento ng manager namin nabaling tuloy sa lalaki ang tingin ko.

"Talaga?" banggit ni mommy sa manager namin na kaagad tumango.

"Hindi ko alam kung sure ang balita kasi may concert pa sila eh." sagot naman ng manager baka chismis lang ang kwento ng manager namin.

Pumuwesto na sila para kumanta sa harap ng malaking salamin. Umiiwas ako ng tingin sa tuwing nagkaka-tinginan kaming dalawa ng lalaki. Nang matapos ang rehersal, dumeretso na kami sa dressing room.

"Hindi ba nagsasalita 'yon?" narinig kong banggit ni mommy nang naupo sa couch.

"Nagsasalita sa kanilang languange kumukunot ang noo tuwing naririnig niya ang pinag-uusapan natin siya sa tingin ko nakakaintindi siya ng tagalog o english." sabat naman ng daddy ko bumaling naman ang tingin ko sa lalaking sinasabi ni dad.

"Mommy, tawag na daw tayo isasabay tayo service bus ng network papunta sa mall ng IFC몰" tawag ko bigla sa magulang ko nang may lumapit sa akin na organizer.

"Nakuha ng anak mo ang magandang boses mo ang isa natin anak pareho nasa dugo na nga natin ang pag-aartista at may talento hindi man natin sila pinilit sa gusto natin para sa kanila iba naman pala tatahakin nila ng landas pinag-sabay pa nila kahit nahihirapan lalo na ang anak mo na si Elle pati dugo ni Papa namana niya." sagot naman ni daddy kay mommy habang naglalakad kaming tao sa hallway ng network.

"Sinabi mo pa maganda ang kinalabasan hindi tulad ng ibang kapwa artista natin gusto ng anak nila mag-artista wala naman sila appeal o talent pinipilit hinahayaan lang ng magulang." kwento pa ni mommy kay daddy nakikinig lang ako sa kanila.

Nauuna akong maglakad sa magulang namin na nag-uusap sa likuran ko. Nagulat ako nang may tumabi na lalaki inangat ko naman ang mukha ko at nabigla nang mabungaran ko ang lalaking—nangangalang RR Eun.

"Sorry," bulalas nito sa akin, bakit naman humihingi ng sorry ang lalaking 'to?

"Ah?" tugon ko na lang dahil wala akong masabi sa ginawa nito.

"I'm sorry, when I hit you down the bus I hurried on that day I did not apologize because I was embarrassed when I met you and with your mother," pahayag kaagad nito nakita ko ang pamumula ng mukha nito.

"You know how to speak english?" tanong ko na lang.

"Yes, and tagalog I was a Filipino friends at High School I learned to speak I quit my studies so I was grade 12 Senior High," sagot kaagad nito sa akin napailing na lang ako umusog ako ng bahagya dahil nasa likod namin ang magulang ko.

"Oh! I will admit to you, I'm shock— you're not a gentleman when you say whatever your reason I understand because I'm the same person." sabi ko na lang sa katabi ko.

"I'm sorry again, miss Axelle," sagot naman niya napangiti na lang ako sa harapan niya parang hindi siya 'yong unang nakita ko kanina.

"Call me, Axelle." sagot ko.

"Anak, bilisan nyo maglakad mahuhuli sa oras ng mall show may flight pa tayo pagkatapos maghihintay ang sundo natin sa parking lot ng mall." tawag ni mommy sa aming dalawa nahiya tuloy ako sa tabi nito.

"Okay, mom," sabat ko naman sa mommy ko.

Magka-sabay na naglakad kaming dalawa nagka-tinginan pa kaming dalawa. Bago tuluyan nakalabas ng network sumakay kaagad kami sa bus service na naghihintay sa amin. Dumating na kami sa mall ng IFC몰 pinagka-guluhan kami ng mga tao nang papunta na kami mini stage ng mall.

After 10 minutes, matapos ang mall show nauna na kami umalis nang magulang ko dahil mahuhuli pa kami sa flight pabalik sa Pilipinas. Pumunta na kami sa backstage ng stage lumayo ako para kausapin sana ang production team.

Nakita ko na kausap ni daddy ang production team lumapit na lang ako.

"Pakisabi sa kanila, salamat sa pag-invite sa amin dito sa Korea aalis kami na masaya para sa kanila." sabi ni daddy sa production team leader

"Welcome kayo na muling bumalik dito sa aming bansa." banggit kaagad ng production team leader.

Habang naghihintay ako sa magulang ko pagkatapos umalis dahil may naiwan lumapit si RR at kinausap niya ako.

"Salamat at tinanggap mo ang sorry ko." bungad nito sa akin tumango na lang ako at yumuko bago tumingala ulit.

"Wala na sa akin ang tungkol dun." sagot ko tumitig lang ako sa magandang mata nito na nang-aakit.

"Ingat kayo sa byahe." sagot naman nito sa akin nagpasalamat na lang ako.

"Anak, tara na, mahuhuli tayo sa flight pabalik sa Pilipinas." tawag ni mommy kaya nagpaalam na ako bago lumapit sa magulang ko.

"Nandyan na, mommy." sabi ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ito pwede.

Sumunod na ako sa magulang ko at lumabas na kami sa mall hinatid na kaagad kami sa airport ng kotse ng network.

"Nakita kong kausap mo ang lalaking 'yon marunong sya magsalita ng english?" pagtatanong ni mommy sa akin nang naglalakad na kaming tatlo papasok sa loob ng airport.

"Marunong siya magsalita kaunti lang." pahayag ko na lang sa mommy ko hindi ko na rin sinabi na may alam ito sa wika namin.

"Nag-sorry ba siya sa'yo?" sabat natanong ni daddy sa amin dahilan para tumingin ako.

"Yes, he said sorry earlier." sagot ko.

Tumango ang magulang ko at sumandal na sila sa upuan ng airplane pagkatapos namin pumasok sa loob.

Matangkad na maputi ang RR Eun na 'yon saka, ang presko niya hindi ko lang maintindihan na biglang tumibok ang puso ko sasabihin ko sana sa magulang ko kaso, baka isipin nila may sakit na ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status