Home / ChickLit / The Star / Chapter Four - Party

Share

Chapter Four - Party

Pagkatapos ng rehersal ko sa music studio nakatanggap ako ng text mula sa magulang ko. Kailangan kong kunin ang naiwang gamit ni ate sa mansyon nila ng bayaw ko. May tampo ang magulang ko sa bayaw ko dahil sa naririnig naming chismis tungkol sa kanya at sa isang actress. Naiintindihan namin ang kalagayan ng bayaw ko kaya lang may mali dahil kasal pa ang bayaw ko sa ate ko.

Umalis na ako sa network para pumunta sa mansyon nila. Nakita ko na may sasakyan doon sa loob at naisip ko nandoon ang bayaw ko nagawa na pala niyang dalhin sa mansyon ang bagong babae niya.

"Ops!" bungad ko bigla kay Sherylle nang mabangga ko ito welcome ako sa mansyon na ito.

Nagulat ang bayaw ko nang magka-tinginan kaming dalawa.

"At sino ka rin? Paano ka nakapasok?" tanong ni Sherylle at mahinang tinulak niya ako.

"Axelle? Anong ginagawa mo dito?" tanong ng bayaw ko sa akin.

"Kuya, may pinakukuha si mommy dito na gamit ni ate." sagot ko sa brother in law ko nang balingan ko ng tingin at hindi ang nangangalang Sherylle.

Kilala ko siya sa pangalan pero, hindi siya pamilyar sa akin. Ngayon ko lang siya nakita in person ang nakikuta ko lang ang mga billboard nito.

"Magkakilala kayo?" takang tanong ni Sherylle na makilala niya yata ako dahil nag-iba ang mukha nito.

"Oo," sagot ni kuya Ash sa kanya at hindi man lang tinanggi sa girlfriend niya.

"Sinong ate ang sinasabi niya na may gamit dito?" sabat ni Sherylle sa bayaw ko kumunot ang noo nito.

Syempre ang REAL GIRLFRIEND este REAL WIFE ni kuya Ash ang tinutukoy nito ang ate ko.

"Kaibigan namin siya," sabat ni ate Jinchi na bestfriend ni ate tinignan niya ako.

"Anong gamit ang kukunin mo?" tanong ni kuya Ash sa akin nang tignan ako.

"'Yong natirang gamit na iniwan niya dito," sagot ko sa brother in law ko.

"Wait! Umupo muna kaya tayo ngalay na ako." sabat ni ate Jinchi sa aming tatlo at naupo sa sofa pinagpag niya muna ito bago naupo.

"You are the daughter of Alexie at Emman Villa, right?" tanong ni Sherylle sa akin parang minamata niya ako sa tingin niya.

"Yeah, kuya akyat muna ako sa itaas." inip kong sagot at napatingin ako sa kanyang brother in law ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Sherylle sa akin nang lalampasan ko na ito.

"Sa taas syempre," sagot ko ng pilosopo at aalisin ko na ang kamay ng brother in law ko sa braso ko.

"Anong gagawin mo dun?" tanong ni kuya Ash unli talaga 'to ayaw niyang alisin sa bahay niya ang gamit ni ate kahit may bago na siya naghihintay pa rin siya katulad ko at nang magulang ko.

"I respect you, but you would think how she would feel when she found out, for three years—you didn't wait for her to return without our assurances." seryosong bulalas ko bago man ako tuluyang umalis sa harap ng brother in law ko nang pigilan ako ni Sherylle.

"Anong sinasabi mo?" sabat ni Sherylle.

"Sumama ka sa amin ni Ash, Axelle." sabat ni ate Jinchi nilingon namin siya natahimik kami ni kuya Ash dahil sa aura ng kakambal nito.

"Invited kami nila mommy at daddy," sagot ko na lang bago muling tuluyang umalis para umakyat sa hagdanan.

Ang tinutukoy ni ate Jinchi ang birthday ni Kech na bayaw ko naman welcome pa rin ang pamilya ko sa kanilang buhay kahit iniwan ng walang paalam ni ate si kuya Ash.

Tumakbo kaagad ako sa kwarto nina ate Elle at kuya Ash binuksan ko ito hindi na ako nagulat nang bumungad sa akin ang wedding picture nila at mga picture sa ibabaw ng drawer at mga gamit ni ate nandoon pa. Mahal pa ni kuya Ash si ate kahit may Sherylle na siya ngayon kung nagbago na ang damdamin niya kailangan niyang aliain ang lahat ng ito sa mansyon.

Lumapit ako sa wardrobe o malaking cabinet at naghalungkat ng bag kung saan ko ilalagay ang gamit ni ate Elle. May iniwan lang ako na iilang piraso bago ko sinara ang gym bag at bagpack. Ang tanga ko lang dahil pina-alis ko kanina ang bodyguard at driver ko na nagmamaneho ng van.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto dala ang gamit muntik pa ako matumba sa dala ko.

"Wait, Jinchi sabay na tayo nakuha ko na ang kukunin ko." bungad ko na hinihingal pa sa paglapit kay ate Jinchi.

"Sige, alis na kami ni Axelle." paalam ni ate Jinchi sa kanila napansin ko ang pagtataka ng mukha ni Sherylle at kuya Ash na parang may gustong sabihin na hindi niya lang magawa hahawakan na ako ni ate Jinchi sa kamay ko nang magsalita ako.

"Sana wag mo na 'to ulitin at sasabihin ko kina mommy at daddy 'tong naabutan ko," seryosong kong banggit bago ako sumama kay ate Jinchi.

Napatingin si ate Jinchi sa akin sumakay na kaming dalawa sa tricycle nang may huminto sa harap namin pagkalabas namin sa bahay.

"Okay ka lang?" puna ni ate Jinchi nang nilingon ko pa siya.

"May iniisip lang ako kung may ginawa si kuya na hindi nagustuhan ni ate at kung bakit umalis ito," sagot ko.

"Walang ginagawa si Ash sa ate mo mahal niya si Elle kaya nga nagpakasal silang dalawa sa murang edad, hindi ba?" pagtanggol ni ate Jinchi sa bayaw ko.

"Alam ko, ate nabanggit ba sa inyo ni ate o nila mommy at daddy na nung bata pa siya nagkasakit siya ng malala?" tanong ko sa kanya hindi ko lang sigurado.

"Yes, we know she got sick when she was young but she or your parents didn't tell us what that was," sagot ni ate Jinchi sa akin tumatango lang ako.

"Ayaw nang balikan ng magulang ko ang dahilan na muntik mawala sa kanila si ate," sagot ko at tumahimik na lang ako.

Nasa loob kaming dalawa ng taxi nang makatanggap ako ng text kay mommy.

Text message

Mom: Dumeretso ka sa bahay nila tita Jia mo nakalimutan kong sabihin kanina sa bahay.

Axelle: Papunta ako, mommy kasama ko si ate Jinchi nakuha ko na rin ang gamit ni ate ^⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠^

Mom: Mabuti nabasa mo ba ang text ng daddy mo?

Axelle: Yes, mommy wala nga lang ako extra dress titignan ko kung may kasukat ako sa damit ni ate.

Mom: Okay, baka gabihin kami ng daddy mo sa pagdalo strict ang bagong director na nakahawak sa shooting namin.

Axelle: Okay po, mom..

Binalik ko ang cellphone ko sa bag ko at napalingon nang biglang magsalita si ate Jinchi.

"Sasabihin ko ba kay mommy?" tanong ni ate Jinchi sa akin.

"Sabihin mo," tanong sa akin ni ate Jinchi nang tignan niya ako.

"Late na siguro dadating sila tito Emman at tita Alexie," sagot ni ate Jinchi sa akin.

"Oo, hindi naman sila pumapako sa pangako nila." nasabi ko na lang at ngumiti na lang ako kay ate Jinchi.

"Nasaan ba ang ate mo?" tanong ni ate Jinchi hindi ako nagsalita dahil hindi ko naman alam kung saan ngayon si ate hinahanap namin pero, lumalayo sa amin.

"Hindi ko alam," nasabi ko na lang at umiwas ng tingin kay ate Jinchi.

"Weh?" tugon ni ate Jinchi sa akin.

"It's true, ate 3 years mula nang umalis siya hindi na namin alam kung nasaan siya." bulalas ko naman sa kanya bumuntong-hininga na lang ako.

"Umalis siya!? Bakit siya umalis?" bulalas ni ate Jinchi sa akin.

Napansin ko naman na tumingin sa bintana si ate Jinchi nang malapit na kami sa kanilang bahay kaya kinalabit ang manong driver.

"Dito na po tayo," banggit ni ate Jinchi sa taxi driver kaya huminto ito lumampas pa ng bahagya.

"Dito na po ba?" tanong ng manong driver sa amin.

"Yes, huminto na po tayo." nasabi na lang ni ate Jinchi sa taxi driver.

"Okay," sagot ng manong driver sa amin at huminto sa tabi ng isang poste.

"May damit akong dala kaya nakakapag-palit ako ng damit sa bahay nyo," bulalas ko at nakasunod ito papasok sa loob ng bahay nila.

"Bakit mo kinuha ang gamit ng ate mo sa bahay ni Ash?" banggit ni ate Jinchi bitbit niya ang gym bag.

"Pinapakuha ni daddy wala naman daw si ate sa bahay nila," sagot ko.

"Paano kung bumalik ang ate mo?" banggit ni ate Jinchi sa akin.

"Madaling ibalik ang gamit niya sa bahay, ate." sabi ko.

"Handa ka ah?" tugon ni ate Jinchi at nilingon ako.

"Sanayan lang," sagot ko.

"Daddy, mommy at Kech!!" tawag ni ate Jinchi sa loob ng bahay nila at tinignan ang buong paligid.

"Ma'am, nandito na po kayo mag-bihis na po kayo hinihintay na po kayo ng mga bakla sa kwarto nyo." bungad ng katulong sa amin.

Tinabi ko ang bibit na paper bag sa may sofa at ang bagpack bago umupo sa sofa.

"Where's my parents and birthday celebrant?" tanong ni ate Jinchi sa katulong ng tatalikuran na kami.

"Umalis po silang tatlo," sagot ng katulong sa amin at iniwan na kami sa sala.

"Sa taas na tayo," aya sa akin ni ate Jinchi hinila niya ako pa-akyat sa kwarto dala namin ang mga bag.

after 3 hours, dumating ang magulang ni ate Jinchi kasama ang lolo at lola nakasunod ang kapatid nito.

"Tiqian shengri kuaile, didi!" bati ni ate Jinchi sa kapatid niya at inakbayan ito.

(Advance happy birthday, bro!)

"Xiexie, meimei."- ani ni KECH at ngumiti sa kanyang kapatid

(Thank you, sis.)

"Tita at tito, good afternoon po." bati ko naman at b****o na lang ako sa kanila tumingin pa sila sa akin.

"Hija, where your parents?" pagtatanong ni tita Jia sa akin.

"May shooting at commercial silang dalawa po," sagot ko na lang sa biyenan ni ate at balae ng magulang ko.

"Son, mag-bihis ka na sa taas." utos ni tito Chie sa anak niya tinapik ang balikat nito.

"Hao ba, wo yao zai zhe jia jiudian de fangjian li huan yifu." sagot ni Kech at umalis sa tabi ng magulang.

(All right, I'm going to change my clothes in our room in this hotel.)

"Anong oras dadating ang magulang mo, hija?" pagtatanong ni tita Jia sa akin.

"Hindi ko alam, tita but sure po na pupunta sila mahuhuli lang sila ng dating." nasabi ko na lang.

Napalingon kami nang may sumalubong sa kanila.

"Nainai he yeye, ni cong zhongguo da feiji qu ma?" sabat ni ate Jinchi sa lola nito at yumakap ng mahigpit.

(Grandma and Grandpa, how's your flight from China?)

"May konting jetlag lang, hija." sagot ng lola ni ate Jinchi.

"Ni de shuangbaotai zai nali?" tanong ng lolo ni ate Jinchi.

(Where is your twin?)

"Susubukan daw niyang sumunod dito, lolo." sagot ni ate Jinchi nakamasid lang ako sa

"Tita, punta muna po ako sa loob." sabat ko tumingin ako sa mommy ni ate Jinchi tumingin pa ito sa akin.

"Sige," sagot ni tita Jia.

Nagpunta naman ako sa kwarto na tinutuluyan ko. Inayos ko lang ang mga bitbit na bag at nilapitan ko damit ni ate para kumuha ng size na dress kasukat ko naman siya.

Kung alam nyo lang ang katotohanan hindi ko alam ang gagawin nyo. Hindi ko rin alam ang plano ni ate kaya iniwan niya si kuya Ash mahal nila ang isa't-isa.

Nagsimula na ang party ni Kech habang nakatingin si ate Jinchi sa kanilang gate. Hinihintay niya ang pagdating ng kakambal niya na bayaw ko pero, mali ang nakita niya kundi ang ko ang dumating.

"Hija, dadating pa ba ang kapatid mo?" narinig kong tanong ng lolo ni ate Jinchi.

"I don't know, lolo." sagot ni ate Jinchi sa lolo niya humalik ako sa pisngi ng magulang ko bago nila katabi ang mga kasama ko sa pwesto.

"Hija, magandang gabi!" bati ni mommy kay ate Jinchi hinawakan lang nila ang kamay ng isa't-isa.

"Magandang gabi rin po, sir." bati ni daddy sa lolo ni ate Jinchi tumango lang ito bago nakipag-kamay.

"Magandang gabi rin," banggit ng lolo ni ate Jinchi tumabi naman sa akin si mommy.

Binulungan niya ako kung nakuha ko na ba ang gamit ni ate sa mansyon ni kuya Ash.

"Nasa itaas, mommy doon ko muna nilagay." sagot ko.

"Halatang pagod na sila pero, pumunta pa rin sila dito." narinig kong bulalas ng lolo ni ate Jinchi.

"Opo," narinig kong sagot ni ate Jinchi.

Narinig ko ang sinabi nila bumuntong-hininga na lang ako.

"Dad," tawag ko na lang tumabi siya ng upo kay mommy.

"Nag-kasya sa'yo ang damit ng ate mo," puna ni daddy sa akin nang masdan ako.

"Bagay sa'yo, anak." sagot ni mommy sa akin medyo nagseselos ako kay ate nung mga bata pa kami hanggang sa mag-high school kaming dalawa.

Nabago lang ng makita ko kung bakit ganun sila kay ate mas naging protective pa nga ako sa magulang namin noon bago ito umalis ng bansa.

"Akala ko nga hindi magkakasya sa akin magkaiba pa naman kami ng shape ni ate," sagot ko sa magulang ko.

"Pasok muna tayo nauuhaw ako," sabat ni mommy tatawag sana ako ng katulong ng umiling ang magulang ko.

"Tara," aya ni daddy kay mommy pumasok na sila sa loob ng bahay.

Nagulat ang lahat pati ang mga bisita na napalingon sa may gate na may padating na kotse sa labas ng bahay.

"Happy birthday, bro!" bungad ni kuya Ash ngumisi sa kapatid niya nang makalapit at tinapik ang balikat nito.

"Hi, hijo!" tawag ni mommy kay kuya Ash nang magka-tinginan sila tahimik lang kami nakita ko na parang may mabigat sa paligid ng hindi ko mapaliwanag.

"Hi, mommy." banggit ni kuya Ash at inakbayan ang kasamang babae.

"How are you?" seryosong banggit ni daddy at palipat-lipat ang tingin sa bagong dating.

"I'm fine, daddy." tugon ni kuya Ash inalalayan niya ang kasama na umupo rin sa tabi.

"Kuya, xiexie." sagot ni Kech sa kapatid niya.

(Thank you.)

"Ikaw pa, bunso ka ng pamilya." bulalas naman ni kuya Ash sa kapatid niya.

"Sino siya?" tanong ni daddy kay kuya Ash dahilan para magka-tinginan sila.

"Kuya, siya na ba?" curious natanong ni Kech tinignan naman kaagad ang magulang ko.

"Ni shenme yisi?" sabi ni kuya Ash sa kapatid niya.

(What did you mean?)

"Ta daodi shi shei? Ni gonggong wen ni, ta shi shei?" pahayag ni Kech sa kapatid niya hindi ko alam ang sinabi nito dahil wala akong alam sa ibang lamguage nila.

(Who is she in your life? Your father-in-law asked you, who she is?)

"Kumain na ba kayo?" sabat naman ni tita Jia tinignan niya ang dalawang anak at nabaling ang tingin nito

"Oo nga, Ash." sabat ni ate Jinchi sa kakambal niya.

"Mommy Alexie and Daddy Emman, si Sherylle my girlfriend." pagpapa-kilala ni kuya Ash sa magulang ko.

Tahimik na kumuha ng pinggan ang brother in law ko at inabutan na rin niya ang kasama na babae ng makakain nito nakamasid lang ako.

"Hi po, tita at tito." sabat ni Sherylle walang nagsalita man lang sa magulang ko.

Hindi nila pinansin si Sherylle tahimik ang buong paligid nang makaramdam ng matinding tensyon sa pagitan ng magulang ko, at ang pamilya ni kuya Ash.

"Ash, mag-usap tayo mamaya." pahayag bigla ni tito Chie nag-seryoso ang mukha nito ng tignan si kuya Ash.

"Ihahatid ko pa siya sa condo niya, dad." sabat ni kuya Ash tumingin naman ako bigla.

"No." sagot naman ni tita Jia tinignan niya ng masama si kuya Ash na biglang tumahimik.

"Mag-uusap tayo ang driver natin ang maghahatid sa kanya," sabat ni tito Chie walang sumasabat sa kanila pati ang magulang ko tahimik.

"Okay lang ba sa'yo, hija?" tawag ni tita Jia at tinignan ang kasama ni kuya Ash hindi siya ganito kay ate nung una kami nagkita-kita.

"Opo," sagot ni Sherylle at napayuko na lang naiiling na lang ako kanina m*****a ka sa amin ngayon sila ang harapan mo naging bait-baitan ka.

Kumain na kaming lahat nagsimula na ang party.

"I thought, kuya do you really love her?" sabat ni Kech sa kapatid niya habang katabi ito.

"Bi zui!" sagot ni kuya Ash sa salitang mandarin.

(Shut up!)

"Yes,hon?" pahayag ni kuya Ash sa katabi niya nilapit pa ang mukha niya.

"Wala," sagot ni Sherylle kay kuya Ash nagtaka naman ako.

"Sigurado ka? Gusto mo na ba umuwi sa condo mo?" sabi ni kuya Ash.

"I'm okay, hon." sagot ni Sherylle hindi na sila nag-usap.

"Kilala ko ang mga hitsurang ganyan sa tagal ko sa industriya ng showbiz parang normal na sa akin, hija sabihin mo na BOYFRIEND mo naiilang ka na dito sa mga kasama mo sa mesa at kami ang aalis," sabat ng magulang ko kay Sherylle.

Napapailing na lang ako sa nakitang pamumutla ni Sherylle tinignan siya ng masama nina tita Jia at tito Chie.

"Kukuha ako ng another na room para sa atin dito muna kayo manatili at ikaw, hija ipahahatid kita sa driver namin pasensya na kung hindi ka maihahatid ng anak ko may pag-uusapan ang pamilya namin." sabat ni tita Jia.

After 2 hours, masayang nagtawanan ang buong pamilya Swellden kasama ang magulang ko at sina Mr. and Mrs. Yu hindi na nila pinansin ang kasamang babae ni kuya Ash. Iniwanan namin ang dalawa sa pool area kung saan ang party.

Nginitian ko na lang ang kinakapatid ko na dumaan sa tabi ko.

"Magandang gabi, everyone tapos na ang party ng anak namin ni Kecha paumanhin kung hindi matagal dahil may emergency ngayon sa pamilya namin." seryosong anunsyo ni tita Jia sa lahat na nandoon sa party.

Tinabihan ako ni ate Jinchi nagulat kami sa pagdating ni tita Jia at kasama na si kuya Ash at si Sherylle.

"Maupo ka, hija." tawag ng lola nila.

"Aalis na po kami, grandma." sabat ni kuya Ash sa lola niya.

"No, apo." sabat ng lolo nila.

Umakyat naman sa kwarto ang birthday celebrant kasama ang matalik na kaibigan na si Jon. Habang naiwan naman kami doon.

"Paano kayo nagkakilala?" seryosong tono ng lolo nina kuya Ash at ate Jinchi.

"Sa bar po, grandpa." sabat kaagad ni kuya Ash minasdan ko si Sherylle.

"Nagbago ka nga pero sa maling landas ka napadpad, apo." banggit ng lola ni kuya Ash.

"Nin zhen de quxiaole yu qizi de hunyin, nandao nin bu ai ta bing xunzhao ling yige nuren ma?" seryosong sabi ng lola ni kuya Ash na tumahimik bigla bumulong ako kay ate Jinchi kung ano ang sinabi ng lola nila.

(Are you really annulled your marriage on your wife, don't you love her and look for another woman?)

Hindi umimik ang bayaw ko sa tanong ng lola niya nakatingin ang buong pamilya pati ang girlfriend niya kahit hindi niya naintindihan.

"Ginigisa na ang brother in law mo, anak ang mali niya nagkaroon siya ng girlfriend kahit may asawa pa siya hindi pa sila hiwalay ng ate mo." bulong ni mommy habang nakamasid kay kuya Ash.

"Tama," sabat ni daddy.

"Mali man wala siyang alam sa dahilan na paglayo ni ate sa kanya," sabat ko naman sa magulang ko.

Ngumiti lang ako sa kinakapatid ko nang tumingin ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status