NATIGILAN NG ILANG sandali doon si Mr. Dankworth upang mag-isip. Muli pa siyang nagpatuloy sa paroo’t-parito na para bang kapag ginawa niya ang bagay na iyon ay maiibsan ang problemang kanyang iniisip sa bunsong anak.“Tayo ngang pamilya niya ay hindi siya nakita. Siya pa kaya? Mali nilang pareho at sa tingin ko kailangan nilang mag-usap tungkol sa bata. Kahit para na lang sa bata at hindi sa kanila. Pwede nilang gawin ang bagay na iyon, di ba? Magkasundo na lang sila kung ano ang mabuti nilang gawin sa binuo nilang responsibilidad na magkasama.”“Hindi. Hindi ako papayag na makikipag-usap pa si Briel sa kanya. Halata namang wala siyang interest sa kapatid mo! Bakit ipagtutulakan pa natin siya sa kanya? Kaya natin buhayin ang kapatid mo at ang anak niya. Ibig sabihin lang noon sa loob ng dalawang taong iyon, ni piso o kaunting suporta ay walang nakuha ang kapatid mo sa kanya.” matigas na katwiran ni Mr. Dankworth na nagpaiba ng hilatsa ng mukha ni Gavin, parang ang unfair naman ng ama
SA MISMONG GABI ng engagement party ni Albert ay mag-isang nagtungo ng bar at nagpakalasing si Bethany Guzman; ang ex-girlfriend ng lalake. Subalit hindi rin siya nagtagal dahil sa mabilis siyang malasing. Lumabas siya ng bar at nagpasyang umuwi na lang. Pagdating niya sa bahaging madilim na pasilyo papalabas ng bahay-aliwan ay may natanaw siyang bulto ng katawan, nakatalikod ‘yun banda sa dalaga. Napagkamalan niya itong ang ex-boyfriend, bunga ng espirito ng alak. Mahigpit niya itong niyakap. Biglang humarap sa kanya ang nagulat na binata. Namumungay ang mga matang inilagay ni Bethany ang dalawang palad sa magkabilang pisngi ng lalake. Hindi pa siya doon nakuntento, tumingkayad pa ang dalaga upang abutin at taniman ng mariing halik ang labi ng lalakeng bahagyang napaawang na lang ang bibig dala ng labis niyang pagkagulat.“Alam kong miss na miss mo na rin ako, Albert…” usal ni Bethany sa pagitan ng kanilang mga halik, ginantihan na rin kasi siya ng lalake bagamat hindi siya kilala. “
MATABANG ANG TINGIN na binitawan ni Gavin ang katawan ng babae. Bahagyang isinandal niya ito sa pader. Dumukot siys ng isang stick ng sigarilyo sa kaha sa bulsa at inilagay na iyon sa kanyang bibig. Hinanap din niya sa bulsa ang lighter upang sindihan ang sigarilyo. Mukhang nakatulog na sa kalasingan ang babae na walang kagalaw-galaw sa pagkakasandal. Ang hindi niya alam ay nagpapanggap lang itong nakatulog. Gusto ng tuktukan ni Bethany ang sarili dahil hindi niya napigilang usalin ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend habang may ibang lalakeng kahalikan. Sino ba namang gaganahan na ituloy pa ang kanyang ginagawa doon?“Albert…” mahinang anas ni Gavin sa pangalang binanggit ni Bethany.Bumalatay sa mukha ang kakaibang pagkairita habang pinagmamasdang mabuti sa mukha si Bethany. Naisip na sobrang interesting naman na ang babaeng ito ay nagkataon pa lang ex-girlfriend ng gunggong na magiging future brother-in-law niya. Sa dami ng makakatagpo niya, sinadya nga ba iyon ng panahon na magkit
PAGKAPASOK NA PAGKAPASOK pa lang ni Bethany sa kanilang pintuan ay natanaw na niya agad ang kanyang Tita. Nang mahagip ng mga mata nito ang pagdating niya ay mabilis itong napatayo sa sofa. Kapansin-pansin ang pamumula ng mata. Halatang galing lang sa bago at matinding pag-iyak. Lumibot sa paligid ang mga mata ni Bethany na mayroong hinahanap.“Anong nangyari po ba, Tita? Saka nasaan po ngayon si Papa?”Tita ang tawag niya sa babae dahil ito ang pangalawang asawa ng ama. Hindi naman sa ayaw niya dito kung kaya di matawag na Mama, nasanay kasi siya sa salitang ito.“Napakawalang-hiya talaga niyang ex-boyfriend mo, Bethany!” bungad ng Ginang na hindi sinagot ang tanong niya, “Napakaitim ng budhi!”Napanganga si Bethany. Hindi niya ma-gets kung bakit ipinasok iyon sa usapan nila ng madrasta. Kung tutuusin ay ang layo nito sa tanong niya.“Noong mga panahong nasa laylayan sila ng pamilya niya, pinili mo ang manatili sa tabi niya. Tapos ngayon na nakabangon na sila at nakaangat na, hindi k
MALAKAS NA NAPAMURA na ang madrasta ni Bethany pagkababa niya ng tawag kay Albert. Hindi niya namalayan na lumapit sa kanya kanina ang babae upang makinig lang sa magiging usapan nila ng ex-boyfriend. Hindi nakaligtas sa pandinig nito ang huling mga sinabi ng pagbabanta ni Albert na mas ikinagalit lang ng madrasta niya.“Walang utang na loob talaga ang lalakeng iyan! Anak talaga ng demonyo! Buhay pa siya dito sa mundo ay sinusunog na ang kaluluwa ng lalakeng iyan!”Napaupo na si Bethany. Hindi na niya alam ang gagawin. Litong-lito na siya sa mga nangyayari. Bakit ganun? Bakit hindi umaayon sa kanya ang anumang planuhin niya?“Huwag kang mag-alala, Bethany. Hanggang pangarap lang ang gagong iyon. Kahit pumuti ang kulay ng uwak ay hindi kami papayag ng Papa mo na sirain niya ang buhay mo. Mag-iisip tayo ng ibang paraan.”Ganunpaman ka-positibo ang sinabi ng kanyang ma-drasta ay hindi pa rin mapigilan ng babaeng patuloy na lumuha. Alalang-alala na sa asawa.“Huwag na huwag mong kakausapi
PARANG HINOG NA kamatis na namula ang buong mukha ni Bethany. Dala ng biglang pagkagulat sa sinabi ni Gavin ay bigla na lang niyang itinaas ang bitbit na paper bag, kung saan nakalagay ang jacket. Dinala niya ito para kung sakaling magkagipitan ay maaari niya itong gawing alibi sa pagpunta.“P-Pumunta ako dito para isauli itong jacket mo. Nakalimutan mo kagabi.”Biglang sumeryoso ang mukha ni Gavin. Ang buong akala niya ay iba ang sadya ng pagpunta ng babae rito. Umaasa siyang mas malalim ang dahilan ng babaeng kaharap. Mabilis pa sa alas-kwatrong tinanggap niya ang paper bag. “Okay, salamat sa pagsauli. Hindi ka na sana nag-abala pang dalhin dito.”Pagkasabi noon ay mabilis na siyang humakbang patungo ng elevator. Iniwan na si Bethany doon. Dala ng pagkataranta ay mabilis siyang hinabol at sinundan ng babae. Kailangan niya itong makausap. Hindi naman hinarang ng mga receptionist si Bethany sa pag-aakala na kilala siya ng abugado dahil kinausap siya kanina.“Attorney Dankworth, pwed
“Eh bakit hindi mo dalhan ng foam?” pabalang na sagot na ni Bethany. Hindi na niya napigilan ang sarili dahil sobrang rinding-rindi na siya sa madrasta. Bakit siya ang sinisisi nito? Ginagawan naman niya ng paraan. Hindi siya nagpapabaya.“Sa tingin mo ba Tita ay hindi ako nasasaktan kada maiisip ko siya?” pumiyok na doon ang tinig ni Bethany, naiiyak na. “Ama ko siya. Dugo at laman niya ang nananalaytay sa katawan ko. Huwag mo po naman sanang iparamdam sa akin na wala akong kwentang anak, Tita. Ginagawa ko po ang lahat para makakuha ng magaling na abugado at nang matapos na ito. Please lang po, dahan-dahan ka naman po sa mga akusasyon mong pabaya ako!”Bunga ng matinding pressure at stress sa loob ng bahay nila ay umisip ng paraan si Bethany kung ano pa ang nararapat niyang gawin. Hindi na siya mapakali sa pagbubunganga ng madrasta niya. Minabuti niyang makipagkita sa isa sa mga kaibigan niya noong college, kay Rina. Pagkatapos nila ng college ay nagpakasal na ang kaibigan niya sa i
BATID NG ASAWA ni Rina na imposibleng hindi ito makilala ng abugado, ngunit para hindi ito mapahiya ay pinili na lang niyang sakyan. Wala namang mawawala. Isa pa, nabanggit na ng asawa niya ang pakay ni Bethany sa abugado.“Attorney Gavin Dankworth, ito nga po pala si Bethany Guzman. Kaibigan nitong asawa ko noong nag-aaral pa lang sila sa kolehiyo. Isa siyang talentadong music teacher. Tumutugtog din siya ng iba’t-ibang uri ng mga instrument.”Maliit na ngumiti si Gavin. “Ah, isa pala siyang guro.” usal nitong sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa si Bethany.Hinarap na ni Gavin ang dalaga upang ilahad ang kanyang kamay. Nagdulot iyon ng mahinang komosyon mula sa mga kapwa golfer's nasa paligid nila. Hindi lingid sa mga ito ang tunay na katauhan ni Attorney Gavin Dankworth. Hindi rin maikaila sa kanilang mga mata ang inggit dahil batid nilang ang abugado pala ang ipinunta ng maganda doong maestra ng musika.“Ang swerte naman ni Attorney, mukhang siya ang dahilan ng pagpunta dito n
NATIGILAN NG ILANG sandali doon si Mr. Dankworth upang mag-isip. Muli pa siyang nagpatuloy sa paroo’t-parito na para bang kapag ginawa niya ang bagay na iyon ay maiibsan ang problemang kanyang iniisip sa bunsong anak.“Tayo ngang pamilya niya ay hindi siya nakita. Siya pa kaya? Mali nilang pareho at sa tingin ko kailangan nilang mag-usap tungkol sa bata. Kahit para na lang sa bata at hindi sa kanila. Pwede nilang gawin ang bagay na iyon, di ba? Magkasundo na lang sila kung ano ang mabuti nilang gawin sa binuo nilang responsibilidad na magkasama.”“Hindi. Hindi ako papayag na makikipag-usap pa si Briel sa kanya. Halata namang wala siyang interest sa kapatid mo! Bakit ipagtutulakan pa natin siya sa kanya? Kaya natin buhayin ang kapatid mo at ang anak niya. Ibig sabihin lang noon sa loob ng dalawang taong iyon, ni piso o kaunting suporta ay walang nakuha ang kapatid mo sa kanya.” matigas na katwiran ni Mr. Dankworth na nagpaiba ng hilatsa ng mukha ni Gavin, parang ang unfair naman ng ama
ILANG SANDALI PANG pinagmasdan ni Briel ang mukha ng kanyang ama na nakatingin sa kanya nang mataman. Tinatantiya kung ang ipinapakita ba nito sa kanya ay ang tunay nitong nararamdaman o nagbabalat-kayo lang. Habang magkahinang ang kanilang mga mata ay napakaraming gustong ipaliwanag ni Briel sa ama kaya lang ay hindi niya magawang isatinig iyon. Tila ba mayroong pwersang pumipigil sa kanya. Naisip na rin ni Briel na hindi iyon ang tamang panahon para doon. Kahit na gusto niyang magsalita, umuurong ang dila niya kapag gagawin na.“Maiwan ko muna kayo. Pupunta lang ako ng study room.” paalam ni Mr. Dankworth na bakas ang bigat na pakiramdam sa kanyang magkabilang balikat bagamat hindi na galit ang emosyong nakabalandra sa mukha niya.Sinundan lang ng pares ng kanilang mga mata ang likod ng padre de pamilya na lingid sa kaalaman ng lahat na sobrang bagsak at gulo ng kanyang isipan ng mga sandaling iyon nang dahil sa nangyari sa bunsong anak. Nang mawala na ito sa kanilang paningin ay mu
NAMAYANI ANG LABIS na katahimikan sa kanilang pagitan pagkatapos na seryosong sabihin ang litanyang iyon ni Mr. Dankworth. Natuod na si Briel sa kanyang kinauupuan. Habang lulan kanina ng sasakyan ay ilang beses na niyang prinaktis sa kanyang isipan ang isasagot sa mga posibleng katanungan ng kanyang mga magulang. Ngunit ngayong nasa pagkakataon na silang iyon, para bang naglaho ang kanyang mga hinabing salita ng explanation. Wala siyang nagawa kundi ang mapatungo at mahulog ang mga mata sa kanyang dalawang palad na para bang kapag ginawa niya iyon ay makikita niya ang kasagutan sa tanong ng kanyang ama. Hindi siya takot, pero nahihiya siya.“Sana man lang ay isinama mo siya dito, Gabriella.” dagdag pa ng amang inip na hinihintay ang sagot ng anak. Ilang beses niyang nilingon si Gavin, ang asawa at maging ang manugang niyang si Bethany na para bang alam nila ang sagot ng bunso niyang anak. Ngunit nanatiling tikom ang bibig nila na tila ba naghihintay din ng explanation. Nabaling na
BAGO PA MAN makapag-react ang Ginang ay tinalikuran na sila ng malamig pa rin ang tingin na si Mr. Dankworth. Bakas na bakas sa gawi nito ang pagiging dismayado sa naging kapalaran at desisyon ng kanilang anak na bunso. Nagpatiuna na itong pumasok sa loob ng mansion na walang lingon sa mga nakatungangang anak. Natataranta namang sinundan siya agad ng Ginang upang masinsinang kausapin matapos na lingunin na rin ang tahimik pa rin na mga anak na nakatayo sa parking lot na para bang nagpapakiramdaman kung ano ang susunod na gagawing hakbang. Kanina pa gustong i-comfort at yakapin ng Ginang nang mahigpit ang bunsong anak, ngunit hindi niya iyon magawa. Ang kailangan niya munang pag-ukulan ng pansin ay ang kanyang asawa na alam niyang labis na nasaktan sa nalaman niya.“Sumunod kayo sa amin ng Daddy niyo. Sa loob tayo mag-usap. Unawain niyo rin sana ang reaction niya. Maging responsable tayo sa mga desisyon natin at huwag maging balat-sibuyas. Ginusto natin ito, matuto tayong tanggapin ang
NAPALINGON NA SI Briel sa may pintuan ng silid nang maramdaman na may mga yabag na lumalapit doon. Ang nakangiting mukha ni Bethany ang tumambad sa kanya pagkaraan ng ilang segundo. Ginantihan niya ito ng magaang ngiti. Kapagdaka ay muling ibinaling na ang kanyang mga mata sa anak na nakahiga pa at kakatapos lang na bihisan.“Ready na kayo? Nasa ibaba na si Gavin. Huwag kang mag-alala, sasama naman ako papuntang mansion. Magiging back up mo ako doon just in case lang. Nasa likod mo lang ako.” anito na humakbang na papalapit sa kanila ni Brian. Kinarga na ni Bethany ang kanyang anak na hindi naman umiyak. Dinampot na ni Briel ang mga gamit nilang mag-ina. Sumunod na siya sa ginawang paglabas ni Bethany sa silid habang karga pa rin nito ang kanyang anak.“Tingin mo Bethany, saglit lang ang magiging galit nina Mommy at Daddy sa akin? Pwede naman kasing hindi na lang kami pumunta ni Brian at—”Natigil na si Briel sa sasabihin pa sana nang humarap na sa kanya si Bethany. Ilang segundo siy
TITIG NA TITIG kay Briel ang mga mata ni Gavin na agad umiling sa mga paratang nito sa kanya.“Hindi, Briel. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa anak niyo kahit na gustong-gusto ko.”Galaiti pa ‘rin ang mukha ni Briel na hindi man lang nagbago kahit pa sinabi nitong hindi niya naman sinabi ang tungkol sa kanilang anak. To the fact na biglang sinugod niya si Giovanni doon sa Baguio, turn off na ‘yun kay Briel para sa kanyang kapatid.“Thank you ha? Dapat pa ba akong magpasalamat dahil hindi mo sinabi sa kanya? Sa tingin mo pipirmi na lang iyon na binugbog mo siya? Pinadapo mo ang kamao mo sa kanya, Kuya Gav!” hiyaw pa rin ni Briel na animo ay hindi siya nito kayang marinig. “At ano ang dahilan mo para gawin iyon? Dahil nagkaroon kami ng relasyon na matagal naman ng tapos? Bobo ka ba? Sa tingin mo papaniwalaan ka noon na iyon lang ang mabigat na dahilan mo ha? Alam kong matalino ka pero hindi Governor iyon si Giovanni kung wala siyang taglay na katalinuhan!”Pinanliitan ni Gavin ng
HINDI MAGAWANG MAKAMPANTE ni Briel sa kaalamang nasa Baguio ng mga sandaling iyon ang kapatid at paniguradong kinu-kompronta na nito si Giovanni. Ginulo na niya ang buhok habang nauupo ng sofa at karga ang kanyang anak. Panay ang tingin niya sa pintuan dahil umaasa siyang darating na ang kapatid. Ilang beses sinubukan ni Bethany na pakalmahin siya, ngunit hindi niya magawa dahil patuloy ang panic ni Briel nang dahil kay Gavin. Nakapasok na sa paaralan si Gabe, inihatid na ito ng kanyang ina habang naiwan naman sila ni Brian. Ni hindi niya nagalaw ang almusal niya dapat na nakahain sa kanilang lamesa. Sa mga nangyari, wala siyang ganang kumain. Paano siya magkakaroon ng gana kung ganun ang kapatid?“Hindi mo ba pwedeng tawagan ang Lola mo, Bethany? Kumustahin mo lang. Baka kung ano na ang nangyari sa kanilang dalawa. Basagulero iyon si Kuya Gav, alam kong alam mo ‘yun at nakita mo ‘yun noong nagsuntukan sila ni Albert habang nasa hospital pa ang madrasta mo na kakamatay lang ng Papa Be
MULA KAY DONYA Livia ay lumipad na ang mas nanlisik na mga mata ni Gavin kay Giovanni nang marinig niya ang ang naging katwiran nito. Kung wala lang ang matanda sa kanilang harapan, kanina niya pa ito ulit inundayan. Pasalamat ang Gobernador at naroon ang kanyang ina dahil kung wala ay paniguradong nasuntok na naman niya ito.“Oo, matagal ng tapos pero ikaw ang dahilan kung bakit siya naglayas sa mansion ng dalawang taon! Hindi mo pa rin ba ma-gets kung bakit? O ni katiting ay hindi ka man lang ba naging curious kung ano ang dahilan niya doon?” Gulantang na binalingan na naman ng matanda ang asawa ng kanyang apo sa panibagong rebelasyon nito.“Hijo, naglayas ang kapatid mo sa mansion niyo at itong si Giovanni ko ang dahilan niya?” Hindi inaasahan ng Donya na aaminin iyon ng kanyang anak na wala namang naging matinong karelasyon noon. Hindi lang iyon, lumayas ang bunsong anak ng mga Dankworth dahil lang nasaktan ito sa kanyang anak? Paano iyon nangyari? Medyo magulo. Sanga-sanga. Hin
LINGID SA KAALAMAN ng nagbubugbugang dalawang lalaki ay pinuntahan si Donya Livia ng secretary ni Giovanni dahil hindi sila nito makayang awatin kanina. Si Giovanni ang unang tumigil at bumitaw sa mahigpit na pagkakahawak kay Gavin nang marinig niya ang malakas na boses at sigaw ng ina. Napaayos na siya ng tayo lalo pa at nakita niyang galit na ang sumalubong na mukha ng Donya. Dinuro pa sila ng matanda ng kanyang dalang tungkod habang salit-salitang pinanliliitan ng mga mata. Nanghihingi na rin ito ng explanation ng mga nangyayari.“Sumagot kayo! Gusto niyo ba ng armas, ha? Bibigyan k0 kayo ng tig-isa!” Patuloy pa ng Donya na halatang umiinit na ang ulo sa kanilang dalawa.“Ano bang nangyayari sa inyo? Bakit kayo halos magpatayan?!” Walang humarap sa dalawang lalaki sa matanda. Diretsong tiningnan ni Giovanni si Gavin sa kanyang mga mata. Hindi naman siya iniwasan ni Gavin. Nilabanan nito ang nanlilisik na mga tingin ng Gobernador. At ngumisi pa siya.“Sa ibang araw na lang tayo ma