SA MAY ELEVATOR na sila nag-abot ni Giovanni. Dahil sa kalutangan ni Briel, pagmamadali at excitement ay basta na lang din siya lumulan doon dahil nasa loob na sila at napapalibutan pa ng mga bodyguard niya ang Gobernador. Hindi malaman ni Briel kung ganun ba talaga ang hitsura ng mga bodyguard ng lalaki pero nailang na siya sa kanila nang minsan niyang tingnan sila. Nang sumara ang pintuan at muntik siyang mapasubsob sa pader, mabilis siyang hinila ni Giovanni sa braso upang huwag siyang mapahamak doon. Parang nagising ang diwa ni Briel na patulog-tulog nang dahil sa biglaang paghawak niya sa braso niya.“Careful…” mahina lang iyon pero halos mapunit na ang labi ni Briel sa kanyang sobrang saya at kilig. Tumikhim si Briel upang klaruhin ang kanyang boses. Gusto niya lang may linawin kay Giovanni. Ngayong nakalulan na sila ng elevator na paakyat at hindi naman pababa, gusto niyang may itanong sa Gobernador.“Bahagi ba ng hotel na ito ang restaurant na sinasabi mo? Bakit paakyat tayo
BAHAGYANG NATIGILAN SA tanong niya si Giovanni. Ang buong akala ng Gobernador ay nasagot na niya ang tanong ni Briel kanina kaya nagtataka siya na bumalik sila doon ngayon. Nilingon na niya ang kanyang secretary na natigilan na rin sa pagkain sa tahasan na sinabing iyon ni Briel sa kanya. Halata na ito ang nais sumagot ni Giovanni. Iyon ang bagay na nabasa ni Briel kaya nilingon na niya rin ang secretary ng lalaki. “Ahm, Miss Dankworth bukod kasi sa pagod na ngayong araw si Governor Bianchi sa mga meetings niya, isinasaalang-alang din niya ang estado niya sa lipunan. Hindi naman siguro lingid sa'yo iyon di ba? Hindi pwedeng palagi siyang kumain sa labas. Pwede naman kung sakali, pero kailangan na i-set muna natin. Siguraduhin na magiging safe ang paligid. High profile si Governor Bianchi at hindi pwede na kung saan-saan lang siya kakain o pupunta kung kailan niya gustuhin. Sana ay maintindihan mo ang bagay na iyon.”Tumango-tango si Briel at binitawan na ang hawak niyang kubyertos. H
KIBIT-BALIKAT NA INIIWAS ni Briel ang kanyang mga mata kay Giovanni na hindi na niya matagalan. Para siyang napapaso ng mga titig nito kahit na malamang ay siya lang naman ang nag-iisip ng bagay na iyon. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa mga salita na sa panlasa niya ay masarap iyon. Masyadong malayo ang agwat ng edad nila kaya hindi na ito kataka-taka na hindi pasado sa panlasa ng Gobernador ang inuming iyon. Ayaw naman niyang maging bastos na para bang pinapamukha niya sa lalaki ang edad. Sa ibang pagkakataon, ni-realtalk na niya ito ngunit hindi niya kaya. Ayaw niyang mawalan siya ng respeto sa kanya at saulain ang sagot. Sumugat na sa kakaibang ngiti ang labi ni Briel nang harapin na ni Giovanni ang kanyang secretary na kinuha na ang atensyon niya habang may tinuturo ito sa hawak na cellphone.“May mga bisita po kayo, Governor Bianchi. Nag-send ng message. Papapasukin ko pa po ba o re-schedule?” alanganin nitong tanong na bahagyang sumulyap kay Briel gamit ang gilid ng mg
NAKIPAGLABAN PA NG titigan si Briel kay Giovanni na hindi pa rin napapalis ang matingkad na ngiti sa kanyang labi. Hindi niya alam kung ano ang sumilid sa kanyang isipan ng sandaling iyon para mas titigan pa ang mukha ng Gobernador. Habang tumatagal mas lalo pang nagiging magandang lalaki ito sa kanya.‘Crush mo lang siya oo, pero ang mas lumalim doon hindi na pwede! Gumising ka nga, Gabriella!’Nailang na si Giovanni sa paninitig na ginagawa sa kanya ng kapatid ng asawa ng kanyang pamangkin. Siya na ang unang nagbawi doon at ibinaling na ang sa iba. Alam na alam niya ang mga titig na iyon ng isang babae. Maraming babae na ang ginawa iyon sa kanya kung kaya naman hindi na iyon bago pa sa kanya. Ang isipin na may pagnanasa sa kanya ang bunsong anak ng mga Dankworth, parang kinikilabutan siya.“It's getting late, Gabriella. I'll take you home. Baka rin hinahanap ka na ng mga magulang mo sa inyo.”Wala ng mukha si Briel para magsalita pa at mangatwiran upang manatili pa sa lugar dahil na
BINUHAY NA NI Giovanni ang makina ng kanyang sasakyan upang lisanin na ang lugar at bumalik na ng hotel suite. Kagaya ng kanyang inaasahan na magiging reaction ng mga tinakasan niya, naabutan niya ang mga bodyguard at ang kanyang secretary na hagas na hagas at sobrang nag-aalala sa pagkawala niya. Ang akala nila ay kung saan na siya pumunta. Ni hindi nila magawang tawagan ang phone niyang iniwan dito. Nakahinga lang sila nang maluwag ng makita nila ang pagbabalik ng Gobernador sa loob ng hotel suite. “Bakit mag-isa kang lumabas, Governor Bianchi? Paano kung may ibang nangyari sa’yo?” Tahimik na naupo sa sofa si Giovanni. Kung kanina ay mukhang pagod siya, ngayon ay pagod na pagod na ang hitsura niya. Marahil ay nang dahil iyon sa pag–iisip na ginawa niya habang papauwi tungkol kay Briel at doon sa babae na matagal na niyang hinahanap. Hindi niya makuha kung bakit pamilyar ang dalawa. “Wala namang masamang nangyari kung kaya kumalma ka na. Mabilis ka niyang tatanda.” mahinang sambit
PAGKATAPOS NIYANG MALIGO ay nahiga na si Giovanni sa kama sa pag-asang makakatulog na siya agad. Ilang beses niyang tiningnan ang larawan ni Briel sa kanyang cellphone bago niya ipikit ang mga mata. Pakiramdam niya mula nang may nangyari sa kanila ay hindi niya na kayang gumalaw pa ng babae dahil sa isipan niya ay nagtataksil siya kay Gabrielle. Nagtataksil kahit na alam naman niya sa kanyang sarili na wala silang relasyon. Nasa tamang hulog pa ba ang isip niya? Ganun siya binaliw ng isang Gabriella Dankworth.“You need to stop this fantasy, Giovanni. Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakakakilala sa iyo? Ng kanyang pamilya? Ng pamilya mo? Siguradong may comment sila. Saka sigurado ka na gusto mo ang spoiled brat na iyon ng mga Dankworth? Liberated din iyon, kaya nga siya magaling sa kama. Alam na alam niya kung paano niya papaligayahin ang biktima niya. Hindi mo alam kung ila na rin ang nakatalik niya.”Sinubukan niyang lasunin ang isipan ng mga bagay na negatibo patungkol kay B
HINDI NA RIN naman nagtagal sina Briel at Giovanni sa sementeryo dahil sa mas naging alinsangan pa ng panahon. Habang naglalakad palabas doon ay hindi sinasadyang hinawakan ng Gobernador ang kanyang isang kamay upang sabay silang maglakad. Napatingin doon si Briel ng ilang segundo ngunit hindi na lang niya iyon pinansin pa at binawi gaya ng unang naisip niya. Nakabuntot pa rin sa kanila ang secretary ni Giovanni na hinid makapaniwala sa mga nakikita niya. Doon napagtanto ng secretary na marahil kaya tinanggihan ng Gobernador na makasama si Paloma ay nang dahil sa bunsong anak iyon ng mga Dankworth. Hindi nagsawa si Giovanni sa babae bagkus ay may nahanap siyang mas interesante sa aktres. Lumabi ang secretary, nagagandahan din naman talaga siya kay Gabriella Dankworth kagaya ng kapatid.“Sumabay ka na sa akin, iyong isa na lang sa mga tauhan ko ang bahala sa sasakyan mong mag-drive.” hindi maintindihan nni Giovanni kung bakit iyon ang naging offer niya, ano ba ang plano niya kay Briel?
NAIS SANA NI Briel na mag-offer kay Giovanni na siya na ang mag-aayos ng necktie ito, ngunit bago niya pa magawa ay nagawa ng punahin iyon ng secretary na siya na ‘ring nag-ayos ng necktie ng Gobernador. Nakagat na niya ang labi dahil sa hiyang bumalatay sa kanyang mukha. Sa parteng iyon, masyado naman yata siyang naging ambisyosa. Wala naman silang relasyon, bakit mag-o-offer siya na mag-ayos ng tie? “Hmm, aalis na ba tayo?” tayo na doon ni Briel na inayos na ang suot niyang high heels na sanay siya.Tumango si Giovanni na hindi pa rin tinatanggal ang kanyang mga mata sa mukha ni Briel na mas gumanda sa paningin niya nang magbihis at malapatan ng tamang make up at ayos ng buhok niya.“Ang bilis mo naman. Inaasahan kong paglabas ko ay wala ka pa sa kalahati ng pag-aayos.” muli pang turan ni Giovanni na halatang hindi maka-move on sa ipinamalas na galaw ni Briel, “Interesting, huh...” Mahinang natawa na doon si Briel. Nakita niya kasing parang kumislap ang mga mata ng lalaking kahara
NAPADILAT NA ANG mga mata ni Briel nang makitang wala namang nakahiga doon na inaasahan niyang bulto ng katawan ni Giovanni. Lasing man siya nang nagdaang gabi ay alam niya ang naganap sa kanilang pagitan ni Giovanni. Hindi niya lang basta guni-guni ang bagay na iyon. Sinuri niya ang kanyang katawan na natagpuan niyang may suot na saplot, iyon nga lang ay hindi na iyon ang damit na huli niyang natatandaang suot niya bago sila umakyat ng silid. Malamang ay binihisan siya ni Giovanni. Ganun kaya ang lalaki. Imposibleng basta na lang siyang iiwan nitong hubad. Sinuri niya rin ang sahig at wala doong kalat na alam niyang basta na lang nila inihagis ang kanilang mga hinubad dito.“Hindi iyon panaginip lang…sigurado ako…” turan niya pang hinawakan na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita at maramdaman ang pananakit noon na para bang binugbog siya, sumilay na ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. “Sabi ko na eh, may nangyari sa aming dalawa. Imposible namang sumakit ito kung panaginip lang
HINDI PINUPUTOL ANG halik na binuhat na niya ang katawan ni Briel na wala namang naging anumang angal na nagawa pang buksan ang pintuan ng nasa likod niyang silid. Napalakas pa ang sarado doon nang sipain ni Giovanni na lumikha ng malakas na ingay na wala namang ibang naistorbo maliban sa ilang mga maid na naglilinis ng tirang kalat na kanilang iniwan sa sala ng villa. Napatingala lang sila saglit at kapagdaka ay kibit-balikat na binalewala na lang iyon at ipinagpatuloy ang ginagawa nila gaya nina Briel at Giovanni na halatang wala ng sinumang makakapigil pa sa kanila. Hindi lang si Giovanni ang nawala sa kanyang sarili, dahil maging si Briel ay lunoy na rin na nagawa ng ipagkanulo ng sarili. Bumagsak sa sahig ang mga butones ng suot na damit ng lalaki ng walang pakundangang hablutin iyon ni Briel. Saglit na tumigil sa ginagawang paghalik si Giovanni na nabaling na ang atensyon sa kulang ay masira niyang polo.“G-Gabriellla—” “Ano?! Hinalikan mo na ako huwag mong sabihin na naduduwag
MAKAILANG BESES NA ibinuka ni Giovanni ang kanyang bibig habang walang kurap na nakatitig sa mukha ni Briel ang mga mata na hindi na pakiramdam niya ay nanghahapdi na. Sa totoo lang ay ang dami niyang gustong sabihin sa babae. Sa sobrang dami nga noon ay hindi na niya alam kung alin ang kanyang uunahin. Napakurap na ang kanyang mga mata, dumalas pa ang kanyang hinga. Hindi pa rin inalis ni Giovanni ang mga mata kay Briel na nanatiling nakatingin sa kanya at halatang naghihintay ng mga magiging sagot niya. Matabang na itong ngumiti pagkaraan ng ilang sandali na hindi pa rin magsalita si Giovanni. Nasa dulo na ng kanyang dila ang mga sasabihin niya, ngunit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung ano ang pumipigil sa kanya. Iyong tipong parang hirap na hirap siyang magsalita at magpakatotoo kay Giovanni. Ipinilig ni Briel ang ulo na para bang wala itong mapapala kahit na sigaw-sigawan niya pa ang lalaking kaharap. Napuno na naman ng pagkadismaya ang buong katawan niya. Umasa na n
BUMUNGISNGIS LANG DOON si Gavin na hinagod na ng isang palad ang kanyang buhok na bahagyang tumakip sa kanyang mukha. Hindi malaman ni Briel kung ano ang pumasok sa utak ng kapatid at nagpahaba ito ng kanyang buhok. Pasalamat din ito na siya ang nasusunod sa kanyang propesyon kung kaya hindi ito napupuna sa bagay na iyon. Kumislap pa ang kanyang mga mata na para bang may naiisip itong nakakakilig dahil halos mapunit ang labi sa ngiti.“Oo naman, Tito. Kayang-kaya ko pa…saka matagal na akong hulog na hulog sa pamangkin mo.” humagikhik pa ito at nagawa pang takpan ang bibig ng kanyang isang palad na para bang kinikilig sa kanyang sinabi, “Kapag narinig ito ng asawa ko baka masundan namin agad si Bryson.” dagdag pa ni Gavin na ikinahalakhak na rin ni Briel habang naiiling. Humahapay na umakyat na si Gavin ng hagdan na halatang mas lalo itong nalasing. Hindi na kailangang sabihan pa si Giovanni na halatang sakto lang ang inom na patakbong hinabol si Gavin upang alalayan itong maayos na m
PARANG SUMABOG NA bombang umalingawngaw sa pandinig ni Briel ang sinabi ni Bethany patungkol sa pagpunta ni Giovanni ng Canada na lingid sa kanyang kaalaman. Bakas na bakas iyon sa mukha niya; ang labis na pagkagulat dito. Ibig sabihin ay hindi aksidente ang pagkikita nilang dalawa. Sinadya iyon ng dating Gobernador kaya sila ay nagtagpo. “Ha? Pumunta siya ng Canada?” naguguluhan na naman niyang tanong na tumayo pa upang harapin ang hipag niya.Bakit hindi niya alam iyon? Bakit sa Hongkong na sila nagkita? Hindi kaya mula Canada pa lang ay sinundan na siya nito patungo sa Hongkong? Bakit hindi niya napansin? Bakit hindi nito sinabi sa kanya noong nasa Hongkong na sila? Napakarami ng kanyang katanungan na alam niyang si Giovanni lang ang makakapagbigay ng kasagutan sa kanya.“Oo, hindi mo ba alam?” naguguluhan na rin na tanong ni Bethany sa hipag na hindi na niya mapigilang pagtaasan ng isang kilay, hindi naman ito mapagpanggap kung kaya bakit siya magsisinungaling sa kanya? “Kung ga
MAKULAY, MAINGAY AT naging masaya ang unang Pasko na sama-sama silang nagdiwang nito. Ganun nila ipinagdiwang ang noche buena ng taong iyon. Walang sinuman ang nagbukas ng usapan tungkol sa tunay na relasyon nina Giovanni at Briel. Maliit pa man ang kanilang pamilya ay nagkaroon sila ng parlor games per family. Ang mag-asawang Dankworth ang magkakampi. Ang mag-anak nina Bethany at Gavin. Sina Giovanni at Briel kasama si Brian na tanging palakpak lang ang ginagawa upang ipakita na excited siya. At upang mas maging masaya ang kanilang pagdiriwang doon ay sinali nila ang mga tauhan ni Giovanni at ng kanilang mga maid. Halos lahat naman sa kanila ay nakakuha ng prizes at gifts. Sa kanilang lahat, ang sobrang nag-enjoy sa mga palaro nila ay sina Brian at Gabe.“Bilisan niyo na kasing sundan ni Tito si Brian nang may kakampi ka na at hindi ka nang-aagaw ng anak ng iba.” pahaging ni Bethany nang gustong hiramin na naman ni Briel si Bry, hindi niya kasi mauto ang anak na palaging naka-karga
NANATILING NAKATAYO LANG doon si Briel. Pinapanood si Giovanni na kausapin ang kanilang anak na pulang-pula ang mukha bunga ng kanyang pag-iyak. Particular na ang ilong nito. Lumambot pa ang tingin niya sa anak na halatang naghahanap na ng kalinga ng ama niya. Bilang ina, hindi na niya mapigilan na mahabag sa ginagawa ng kanilang anak.“Brian, tama ang Daddy. Magbibihis lang siya sa kabilang silid at babalik din agad dito.” eksena na ni Briel, nagbabakasakaling pakikinggan siya ng kanyang anak tutal siya naman ang palaging kasama at siya ang nagpalaki.Parang walang narinig si Brian na hindi man lang nilingon ang ina. Isinandal pa nito ang ulo sa dibdib ni Giovanni at patuloy na ipinakita ang kanyang mga hikbi. Puno ng pagdududa ang mga mata nitong patuloy na namula pa doon.“O siya sige, sumama ka na sa Daddy mo at iwan mo na ako dito. Hindi mo naman yata ako love eh. Sige na, Gabriano…” Hindi pa rin nag-react doon si Brian kahit na pinalungkot pa ni Briel ang kanyang boses. Nasakta
MATAPOS NA MARINIG iyon ay nilingon na ni Giovanni ang anak na pinaglalaruan na ang toy cars na kanyang pasalubong. Pinapagulong iyon sa sofa malapit sa kanyang kinauupuan habang panaka-naka ang tingin sa kanya. Tumingin siya ulit sa itaas na palapag ng mansion. Ano kaya at siya na ang umakyat at magsabi kay Briel ng pinapasabi ng ina? Ang lungkot naman kung doon lang din silang tatlo sa mansion kahit pa pagod sa biyahe. Kahit pagod at gusto na rin niyang matulog, syempre gusto rin niyang pumunta ng Batangas para makita ang pamangkin at mga apo dito.“Daddy?” kuha ng atensyon ni Brian kay Giovanni nang mapansin ng bata ang dahan-dahan nitong paghakbang papuntang hagdan upang takasan siya. Puno ng pagiging inosente ang mga matang nagtatanong na iyon. “Where?”Ngumiti lang si Giovanni at namulsa na ang mga kamay. Ang akala niya ay makakatakas na siya sa anak.“Aakyat lang ako. Pupuntahan ko lang ang Mommy.” Patakbong lumapit na sa kanya ang bata at itinaas na ang dalawang kamay na anim
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili