TULUYAN NANG NAPADILAT ang mga mata ni Bethany sa nakitang picture pagkaraan ng ilan pang minutong pagtitig niya sa screen ng cellphone. Mula sa pagkakayakap sa unan ay dumapa siya habang marahang hinaplos-haplos ang kanyang screen ng cellphone gamit ang kanyang mga daliri. Parang biglang gusto niyang mag-join sa abogadong tumambay doon, sayang lang at hindi siya nito inaya kanina doon. Ngayon pa talaga ito nag-send ng picture e anong oras na iyon? Alangan namang pumunta pa siya? Pagkatapos ng ilang sandaling pag-alinlangan ay nagtipa na siya ng message ngunit hindi niya naman agad sinend iyon kay Gavin, naipadala niya ito makalipas ang halos kumulang sa kalahating oras.Bethany Guzman:Pasensya na Attorney Dankworth, nakatulog na ako. Kakagising ko lang…Doon ay napatayo na ang binatang hawak pa rin ang isang baso ng alak sa kanyang isang kamay. Matapos makita ang mensahe ni Bethany, malapad siyang ngumiti pagkasimsim niya ng alak sa basong hawak. Hindi na siya muling tumugon at nang
SA GINAWANG IYON ni Bethany ay medyo nadismaya ang direktor. Ang buong akala nito ay igigiit ng guro na umapela at lumaban upang hindi siya mawalan ng biglaang trabaho. Hindi niya inaasahan ang mabilis na pagsukong ginawa ni Bethany ng dahil lang doon. Kung tutuusin ay kaya niya namang ipaliwanag ang tungkol doon, malusutan at makakuha ng pabor kung gugustuhin ni Bethany tutal favorite naman siya ng mga student niya na kahit na ayaw na sa kanya ng mga magulang nila. Walang magagawa ang mga ‘yun oras na ang mga bata ang mag-decide. Sila ang masusunod kung kaya malaki ang pag-asa pa rin siyang manalo kung ang mga student niya ay papanig lahat sa kanya, ngunit ngayong sumusuko na ito agad mukhang wala na talaga itong planong ilaban ang karapatan niya at manatili sa music center.“Alam mo naman siguro kung ano ang ibig sabihin ng pag-alis mo sa Music Center na ito, Teacher Thanie. Magiging pangit mong experience iyon na mapupunta sa credentials mo.” hinga nang malalim ng direktor na pilit
SUMAMA ANG HILATSA ng mukha doon ni Bethany, alam niyang ito ang may pakana at ngayon na wala na siya sa music center malamang ay ito ang unang matutuwa.“Alam ko ang patakaran, Teacher Audrey. Baka gusto mo pang i-recite ko sa’yo ‘yun isa-isa?” pikon na sagot ni Bethany ng hindi lumilingon, baka lalo lang uminit ang kanyang bunbunan. “O alam mo naman pala, anong—”“Huwag ka ngang pabibo Teacher Audrey, alam mo namang kailangan ni Teacher Thanie na makaipon ng malaking halaga para sa kapakanan ng Papa niya. Napaka-insensitive mo naman doon!” singit ng isa sa mga kasamahan nilang bwisit na sa pang-aasar pa ng kapwa guro nila.“Wait lang, sinasabi niyo bang ako ang—”“Oo, ikaw. Si Direktor Aguinaldo na mismo ang nagsabing ikaw ang nagsumbong.” prangkang pagputol sa kanya ni Bethany na biglang ikinahawak ni Audrey sa kanyang dibdib.“OMG!” tanging nasabi ng babae.Pinanliitan siya ng mga mata ni Bethany na agad namang ikinaatras ni Audrey sa gilid.“OMG talaga, Audrey kasi utak talangka
NANG ARAW NA iyon ay hindi muna deretsong umuwi ng bahay agad si Bethany matapos niyang mag-walked out paalis ng school. Ayaw niyang sabihin sa madrasta na nawalan siya ng trabaho dahil ayaw niyang maging ito ay mag-alala rin ng sobra lalo na sa kung saan na sila kukuha ng pera na kailangan nila sa pang-araw-araw nilang gastusin. Hindi sasapat ang kinikita niya sa part time job dahil ilang oras lang ‘yun. Paniguradong makakadagdag lang ang lahat ng ito ng bigat sa kanyang mga iniisip.“Mamaya na lang ako uuwi para hindi siya maghinala na may nangyari sa trabaho ko.” hinga niya nang malalim sabay linga sa paligid, bitbit pa rin ang box ng mga gamit. Humantong ang dalaga sa isang park kung saan kakaunti lang ang mga namamasyal dahil masyado pang maaga ‘yun. Nang makahanap siya ng bakanteng bench ay deretso siya doong naupo. Maingat na ipinatong niya sa gilid niya ang kanyang mga gamit. Lumalim pa ang kanyang iniisip. Matingkad na ang sikat ng araw noon pero hindi maramdaman ni Bethany
MAHINA PANG PAULIT-ULIT na napamura si Rina na panay ikot sa ere ang mga mata. Bakas pa rin ang matinding galit sa kanyang mukha na animo ay siya ang inapi ng babaeng labis na kinakainisan ng kaibigan niya.“Naku, malamang kayo pa ni Albert noon kinakalantari na niyan ang boyfriend mo dahil ang akala niya mayaman ang gagong mahirap pa noon sa daga. Jusko, hindi na nahiya ang gaga sa balat niya!” sagad pa rin sa buto ang galit ni Rina sa babae na parang siya ang nakaranas dito ng panloloko, “Hindi ko lang nabanggit sa’yo pero ilang beses daw silang nakita ng asawa ko na lumabas ng hotel noon. Anong gagawin nila sa hotel aber? Maglalaro ng jack en poy? Hindi ko na lang sinabi sa’yo dahil wala naman kaming ebidensya. Eh, that time sobrang mahal mo siya at bulag na bulag ka sa pagmamahal mo sa kanya. Mamaya niyan ako pa ang awayin mo dahil iniisip mong sinisiraan ko ang boyfriend mo.” “Hayaan mo na. Magiging masaya na siguro siya ngayong nakuha na niya ang gusto. Isaksak niya sa baga ni
ILANG SANDALI PA ang hinintay ni Bethany para kumalma ang kaibigan niyang sobrang gigil na gigil pa rin ang awra sa ex-boyfriend niya. Sa reaction nito ay parang siya ang niloko at ginawan ng masama. Laking pasalamat niya na may kaibigan siyang ganito. Muli silang naupo upang ipagpatuloy ang naudlot na pagkain. Galit din naman siya, sobrang nanggigigil nga siya pero pinapairal na lang niya ang pagiging professional at mabuting tao. Hindi siya pwedeng maging padalos-dalos ang galaw lalo pa at may mga naiipit sa sitwasyong ‘yun na kanyang kinakaharap. Kung siya lang at hindi damay ang kanyang ama, baka mas malala pa ang naging pagwawala niya at ganti kumpara sa kaibigan niyang si Rina. Kaso nga lang ay hindi. Hindi ganun kadali ang sitwasyong kinasasadlakan niya kung kaya hindi siya pwedeng magwala.“Mula ngayon, sa sarili ko na lang itutuon ang atensyon ko. Kailangan kong makahanap ng ibang trabaho upang magpatuloy sa buhay. Walang ibang mangyayari sa akin kung magpapalamon ako sa gali
MALAPAD PANG NAPANGISI si Albert habang nakaupo sa kanyang swivel chair ng dahil sa narinig niyang tanong ni Bethany mula sa kabilang linya. Tinatanong ba talaga siya ng babae kung ano ang gusto niya? Iniikot niya ang kanyang upuan. Humarap siya sa bintana ng opisina kung saan ay tanaw niya ang labas ng makulimlim na kalangitan. “Alam mo kung ano ang gusto ko, Bethany.” sagot niyang nasa labi pa rin ang kakaibang ngisi, “Ikaw. Ang katawan mo. Iyan ang gusto ko.” Hindi sumagot doon ng ilang minuto ang dalaga na kung kaharap lang ang dating nobyo ng mga sandaling iyon ay malamang ay nahambalos na niya ito nang kung anong mahawakan niya dahil asar na asar na siya.“Subukan mong magmakaawa sa akin ngayon, Bethany. Malay mo naman maawa ako sa’yo? Huwag kang mag-alala, do-doblehin ko ang balik ng lahat ng nawala sa’yo ng dahil sa katigasan ng ulo mo. Mas magiging buhay prinsesa ka kumpara sa dati. Masaya naman tayo dati eh, bakit hindi natin balikan ang panahong iyon?” himok pa ni Albert
NAMUMUTLA HABANG NATITIGILAN na doon si Audrey na animo nakakita ng demonyo sa katauhan ni Albert. Ilang beses niyang sinalat-salat ang mahapdi niyang sugat sa kanyang noo at lalo pa siyang namutla nang makita ang sarili niyang dugo sa palad. Agad kasing kumapit iyon sa kanyang kamay; ang pulang mainit na likido sa sarili niyang sugat. Medyo nakaramdam siya ng hilo sa tanawing iyon. Hindi pa rin nagpakita ng kahit na katiting na awa si Albert sa babae. Hindi pa doon nakuntento ang lalake at muling sinugod si Audrey na umiigting pa rin ang panga. Muling hinawakan ang buhok ng babae at pilit na iniharap sa kanya.“A-Albert…” mahinang tawag nito sa kanya na puno ng pakiusap ang boses, nagmamakaawa.“Ano masakit ba ha? Talagang masasaktan ka sa pagiging pakialamera mo sa mga desisyon ko! Hindi lang din ito ang makukuha mo kapag hindi mo tinigilan ang pagmamagaling mo! Alam mo ba kung ano ang kaya kong gawin sa pakikialam mo sa akin? Marami! Ang iba doon ay alam kong hindi mo magugustuhan
SA SINAGOT SA kanya ni Briel ay tila nagbigay iyon ng karapatan kay Giovanni na itulak pasandal ng pader ang katawan ng babae na hindi naman na siya pinahirapan pa. Inilagay na niya ang isang kamay nito sa itaas ng ulo ni Briel at isinalikop doon ang isa pa niyang palad. Habang patuloy na hinahalikan si Briel na isa’t-isa na ang hinga ay gumagalaw naman ang isa niyang palad upang hubaran ang katawan ng babae na parang isdang tinanggal sa tubig. Nang dahil iyon sa tensyon at excitement na patuloy na nararamdaman. Hindi na nagreklamo si Briel na parang nilalagnat na sa taas ng temperatura ng kanyang katawan. Maya-maya pa ay napuno na ng mahina nilang mga ungol ang loob ng pantry. Mga ungol na nasasarapan sa kung anumang ginagawa nila. Hindi na nila nagawa pang pumasok ng silid sa pag-aalalang baka magising nila si Brian. Tiyak kasing parang lumilindol na naman ang kama. Hindi lang iyon, parang dinaanan iyon ng bagyo lalo pa at pareho silang sabik na sabik ng Gobernador sa bawat isa. Hin
SINAMANTALA ANG PAGKAKATAONG iyon ni Giovanni na agad ng hinuli si Briel upang kanyang yakapin habang hindi pa ito nakakakilos sa yakap ng kanilang anak na si Brian. Sa kabila ng mga pandidilat ni Briel bilang protesta ay hindi siya pinakawalan ng Gobernador na animo ay nanalo na sa laban nilang dalawa. Kalaunan ay bumagsak silang tatlo sa ibabaw ng kama kaagapay ng munting halakhak ni Brian na tuwang-tuwa ng nasa ibabaw ni Briel habang nakayakap pa rin naman si Giovanni kay Briel. Salit-salitan ang tingin niya sa mga magulang gamit ang kumikislap na mga mata. Hindi naman magawang bulyawan ni Briel si Giovanni dahil panigurado na iisipin ng anak na siya ang kanyang sinisigawan at hindi ang ama ng anak. Madamdamin pa naman ang bata at napakaiyakin kung kaya ingat na ingat si Briel na mapaiyak na naman. “Bitaw…” mahina niyang sambit na sapat lang upang marinig ni Giovanni. Sa halip na sundin siya nito ay humigpit pa lalo ang yakap ni Giovanni sa kanya na inamoy-amoy na ang buhok niyan
HINDI NAGING MADALI para kay Briel ang naging biyahe nilang mag-ina nang dahil sa haba ng oras noon. Nandiyan ang nag-aalboroto na ang anak kahit na komportable naman sila sa upuan. Gusto na nitong bumaba o may nais gawin na hindi masabi sa kanyang ina. Para tuloy gusto niyang pagsisihan na hindi na lang sila sumabay pa kay Giovanni papunta nng Italy. Ganunpaman, bilang sanay na sa mahirap na sitwasyon, na-handle niya ang anak hanggang sa makalapag sila sa dayuhang bansa at makarating sa hotel kung saan sila naka-booked. Patang-pata ang katawan niya na para bang binugbog nang napakahabang biyaheng iyon, na kahit ang mga tawag ni Giovanni nang paulit-ulit sa kanya ay hindi niya magawang masagot dahil tulog siya at hindi man lang iyon narinig kahit malakas sa lalim ng kanyang tulog. Tulog silang dalawa ni Brian nang tunguhin ng Gobernador ang hotel kung nasaan na sila dahil hindi na nakatiis. Napuno ng kung anu-anong isipin ang utak kahit pa alam nitong nakarating sila nang maayos sa h
NAPUTOL LANG ANG kanilang usapan ng makatanggap ng message si Giovanni mula kay Briel. Dali-dali niyang pinatay ang tawag kay Margie. Noon pa lang ay kabado na siya. Alam niyang sinubukan siya ni Briel na tawagan pero in another call siya. Hindi naman ito nanghingi ng paliwanag sa kanya kung kaya hindi na lang din niya sinabi upang hindi ito bigyan ng isipin. Mamaya sumama na naman ang loob nito bago pa sila makaalis ng bansa. “Hindi ka na ba, busy?” “Hindi na. Pahiga na ako.” tugon niya kahit ang totoo ay bigla siyang napalabas ng veranda upang lumanghap ng sariwang hangin nang dahil sa sakit ng ulo na binibigay ni Margie, “Ikaw? Tapos ka na bang mag-impake?” pag-iiba niya ng usapan na binaling na kay Briel.“Hmm, nakahiga na rin kami ni Brian. Gusto mo kaming makita?” Nararamdaman ni Briel na medyo balisa ang boses ni Giovanni ngunit hindi na niya ito pinuna, baka lang kasi pagod ito sa kanyang mga inasikaso kung kaya ganun ang timbre. “Sure. Wait lang, gagamit lang ako ng banyo
HUMIHIMIG-HIMIG PA NG isang sikat na kanta si Briel habang nag-iimpake ng kanilang mga gamit at damit na dadalhing mag-ina sa bakasyon sa Italy. Dalawang wala pang lamang malaking maleta ang nakalatag sa ibabaw ng kama kung saan ay maingat na inilalagay ni Briel ang kanilang mga gamit na dadalhin. Nasa tabi noon si Brian na nilalaro ang robot na bagong bigay ng kanyang ama. Panaka-naka ang tingin ng inosenteng mata nito sa ginagawa ng ina. Hindi pa rin napawi ang ngiti doon ni Briel na hindi na mahintay ang bakasyon nila.“Brian, dadalhin ba natin ang toys na iyan?” Marahang tumango si Brian. “Alright, sa hand carry na lang.” Sinigurado ni Briel na wala siya doong makakalimutan kaya naman nilalagyan niya ng check ang mga naka-lista niyang gamit once na nailagay na iyon sa loob ng maleta. “Good for two weeks na ang mga damit na dadalhin natin para naman hindi na tayo namo-mroblema.” aniya pa kay Brian na animo ay maiintindihan ang sinasabi niya dito. Patapos na siya sa mga iyon n
HINDI DOON UMILING si Giovanni upang itanggi at pabulaanan ang masamang kutob at bintang ni Briel sa kanya. Para sa kanya ay mabuti na rin iyon ang isipin ni Briel nang mabilis nitong matanggap ang lahat. Lumabas man siyang masama sa paningin nito, hindi niya iyon papabulaanan. Oo, masasaktan niya ang nobya pero iyon lang ang alam niyang dahilan upang hindi niya ito magawang mapahamak sa hinaharap. Higit na mas masaklap ang bagay na iyon kung mangyayari. Higit na hindi niya magagawang labanan pa. Pareho silang mapapahamak. Pareho silang mawawala sa tamang katinuan. Pareho silang mahihirapan. “Sa sunod, huwag mo na akong hihintayin na pumunta dito dahil busy akong tao at hindi rin ako darating.” sa halip ay sambit ni Giovanni na mas bumasag pa sa pusong durog na durog na ni Gabriella. Gusto na naman ni Briel tanungin kung bakit, ngunit hindi pa nga nito nagagawang sagutin ang una niyang mga katanungan. Naisip niya na ayaw na nito kung kaya ganun ang ginagawa sa kanya. Maraming dahila
SA HALIP NA sumugod sa club nang dahil sa nalaman niya sa tawag ay minabuti ni Briel na magtungo ng apartment. Ewan ba niya, umaasa siyang baka magawi doon ang nobyo pagkatapos niyang magsaya. Baka kasi kapag pumunta siya doon ay magaya sa dati na mapahiya na naman siya. Ayaw naman niyang pwersahin si Giovanni na sabihin na kasintahan siya, lalo pa ngayong may hindi sila pagkakaunawaan. Siya na lang ang pilit na uunawa sa kasintahan na para rin naman sa kanila. Titiisin na lang niya muna ang lahat.“Kapag hindi siya dumating, eh, 'di uuwi ako ng mansion namin kagaya ng ginagawa ko dati. Maliit na bagay lang.” higa na ni Briel sa sofa na mabigat ang pakiramdam lalo na sa may bandang dibdib niya. Nakatulugan na lang ni Briel ang paghihintay kung kaya naman pagdating ni Giovanni doon ang buong akala niya ay walang tao. Nakapatay ang mga ilaw na sinadyang gawin ni Briel. Sa kusina lang ang bukas noon na hindi gaanong kita sa bandang sala. Pagbukas niya ng main switch sa sala ay tumambad
NAGSIMULA NA RIN siyang dumistansya sa nobya upang sanayin ang kanyang sarili na tanggalin ito sa kanyang sistema. Unti-unti niyang inilayo ang kanyang sarili. Pakunti nang pakunti ang reply niya sa mga message nito. Iyong mga tanong nito hindi niya binibigyan ng sagot kahit na nangangati ang daliri niya na tawagan na ito nang mapanatag na ang nobya at hindi na mag-alala sa kanya. Alam niyang masakit iyon kay Briel, pero higit na mas masakit iyon sa kanya at hindi iyon alam ng kanyang nobya. Nakikinita na niya na kapag nalaman nito ang dahilan niya, lalo lang itong hindi hihiwalay sa kanya. Nang lubusang gumaling ay bumalik siya sa kanyang dating trabaho s akapitolyo. Muli rin siyang nakipag-usap sa kanyang mga kaibigan na mahilig uminom at mag-bar. Muling nakipagkita sa kanila sa high-end bar kahit pagod at dis-oras ng gabi. Bumalik siya sa dating siya noong hindi pa sila nagkakaroon ng relasyon ni Briel. Ayaw niya man pero kailangan niyang gawin iyon para mailigaw na rin ang kanyang
HUMINGA NANG MALALIM si Giovanni na hindi intensyon na iparinig iyon kay Briel kung kaya naman minabuti na lang niyang patayin bigla ang tawag nang walang paalam. Hindi lang iyon, umatake ang sakit sa kanyang beywang at kung hindi niya papatayin ang tawag tiyak na maririnig ng nobya ang mga daing niya sa hindi niya na makayanang sakit kung kaya naman napangiwi na rin siya. Hindi rin siya pwedeng magtungo ng apartment kagaya ng hiling ng kanyang nobya kahit pa gusto niya. Paniguradong maraming mga matang nagmamatyag sa kanya at ayaw niyang ipahamak ang kasintahan na walang alam kung ano talaga ang mga nangyayari. Siya na lang ang magsasakripisyo. Siya na lang ang gagawa ng paraan doon.“Magpadala ka ng ilang mga bodyguards sa apartment upang bantayan si Gabriella hanggang sa tuluyan siyang makauwi sa kanila.” nahihirapan niyang utos sa secretary na nakatitig lang naman noon sa kanya. “N-Noted, Governor Bianchi…” saad nitong may tinawagan na habang ang mga mata ay nasa amo pa rin. Na