AGAD NA BINAWI ni Gavin ang kanyang paningin kay Bethany na naghihintay ng kanyang magiging sagot sa tanong nito. Hindi niya rin alam kung ano sila, pero gusto niyang palaging nakikita ang dalaga. Ilang beses niya ngang naisip na mukhang nahihibang na siya dahil wala naman silang relasyon pero nais niyang bakuran ang dalaga. Bahagyang inilayo niya ang katawan sa dalaga matapos na mapabuga ng malalim na hininga. Maya-maya pa ay isinandal ng binata ang likod sa upuan ng sasakyan at bahagyang ipinikit na ang kanyang mga mata. Sa tanawing iyon ay mukhang pagod na pagod si Gavin na totoo naman. Pagod siya sa biyahe mula sa bakasyon at doon siya sa restaurant na pinagtra-trabahuhan agad ni Bethany siya dumeretso. Daig niya pang boyfriend nitong sabik na sabik makita ang dalaga mula sa malayong lugar. Mariing itinikom ni Bethany ang kanyang bibig habang ang kanyang mga mata ay hindi niya inaalis sa mukha ng abogadong sapo na ang noo ng mga sandaling iyon at nakapikit. Noon lang napagtanto n
MALAPAD NA NAPANGITI si Gavin nang makita niya ang maamong mukha ni Bethany na mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. Naburo pa ang kanyang mga mata sa mukha niya. Mula sa nakasara biyang mga mata hanggang sa nakatikom niyang bibig. Ang mahabang kayumangging buhok ng dalaga ay nakakalat sa kanyang mga balikat, nakadagdag pa iyon sa kanyang kagandahan na lalo pang nagpatibok ng puso ng binata. Magaan ang paghinga ni Bethany na kawangis ng isang batang mahimbing na natutulog sa bisig ng kanyang ina. Maganda ang dalaga, ilang beses na bang nasabi iyon ni Gavin sa kanyang isipan? Nakailang ulit na siya. Sobrang gumanda pa lalo ito sa paningin ni Gavin ng gabing iyon dahil nadagdagan iyon ng romantikong pakiramdam ng kanilang paligid. Hinigpitan pa ng binata ang yakap niya sa katawan ni Bethany kahit na medyo ngalay na siya doon at namamanhid na ang mga muscles niya. Sinulit niya ang bawat sandaling iyon kung saan ay malaya niyang napagmamasdan ang dalaga. Iyong tipong hindi nito mis
MABAGAL NA PUMASOK na sa loob ng kanilang bahay si Bethany makatapos ang ilang pasimpleng lingon kay Gavin gamit lang ang gilid ng kanyang mga mata. Tinitingnan niya kung aalis na ang binata doon lalo pa at halos umaga na iyon. Nang tuluyang maisara niya ang pintuan ay hindi niya mapigilan ang sariling bahagyang silipin sa bintana ang sasakyan ni Gavin na kasalukuyang naroon pa rin at hindi pa umaalis. Napuno na ng pagtataka ang kanyang mga mata, hindi mahulaan kung ano pa ang ginagawa ng abogado dahil nanatiling naka-park ang sasakyan nitong out of place sa kanilang lugar. Nakapasok na siya at lahat, naroon pa rin ang binata. Maraming katanungan na ang nabuo sa kanyang isipan. Biglang dumaan sa balintataw ng dalaga ang mga larawan na nakita niya sa cocktail party na pakalat-kalat lang sa social media. Awtomatiko siyang sumimangot at binitawan ang laylayan ng kurtinang bahagya niyang hinawi kanina upang tingnan ang binata sa labas. Alam ni Bethany na walang kahulugan ang lahat ng nang
PAGKALIPAS NG LIMANG minuto ay inihain na ng Ginang ang pagkain ni Bethany sa mesa at inayang kumain na doon ang dalaga. Bakas na sa mukha niya ang antok, pero laban pa rin sa paghihintay na makauwi ang kanyang hinihintay. Kanina pa din siya dito nag-aalala eh.“Bukas mo na hugasan ang mga pinagkainan. Matulog ka na rin pagkatapos mong kumain.”“Sige po, maraming salamat po, Tita.” muling sagot ni Bethany sabay hila na ng upuan.Sa halip na umalis ang Ginang at pumasok na ng silid ay humila rin ito ng upuan at naupo na sa kanyang harapan. Pinagmasdan siya nitong mabuti na parang may mga nais pang idagdag sa kanyang mga naunang sinabi.“May sasabihin pa po ba kayo, Tita sa akin?” tanong ng dalaga after niyang maglagay ng pagkain sa kanyang plato, at muling magsalin ng tubig sa kanyang baso. “Ano po ‘yun?”Ilang minutong nag-alinlangan ang Ginang kung sasabihin niya pa ba ang laman ng isipan o hindi na. Batid niyang maiipon iyon sa kanyang utak at hindi rin siya makakatulog sa gabing iy
TULUYAN NANG NAPADILAT ang mga mata ni Bethany sa nakitang picture pagkaraan ng ilan pang minutong pagtitig niya sa screen ng cellphone. Mula sa pagkakayakap sa unan ay dumapa siya habang marahang hinaplos-haplos ang kanyang screen ng cellphone gamit ang kanyang mga daliri. Parang biglang gusto niyang mag-join sa abogadong tumambay doon, sayang lang at hindi siya nito inaya kanina doon. Ngayon pa talaga ito nag-send ng picture e anong oras na iyon? Alangan namang pumunta pa siya? Pagkatapos ng ilang sandaling pag-alinlangan ay nagtipa na siya ng message ngunit hindi niya naman agad sinend iyon kay Gavin, naipadala niya ito makalipas ang halos kumulang sa kalahating oras.Bethany Guzman:Pasensya na Attorney Dankworth, nakatulog na ako. Kakagising ko lang…Doon ay napatayo na ang binatang hawak pa rin ang isang baso ng alak sa kanyang isang kamay. Matapos makita ang mensahe ni Bethany, malapad siyang ngumiti pagkasimsim niya ng alak sa basong hawak. Hindi na siya muling tumugon at nang
SA GINAWANG IYON ni Bethany ay medyo nadismaya ang direktor. Ang buong akala nito ay igigiit ng guro na umapela at lumaban upang hindi siya mawalan ng biglaang trabaho. Hindi niya inaasahan ang mabilis na pagsukong ginawa ni Bethany ng dahil lang doon. Kung tutuusin ay kaya niya namang ipaliwanag ang tungkol doon, malusutan at makakuha ng pabor kung gugustuhin ni Bethany tutal favorite naman siya ng mga student niya na kahit na ayaw na sa kanya ng mga magulang nila. Walang magagawa ang mga ‘yun oras na ang mga bata ang mag-decide. Sila ang masusunod kung kaya malaki ang pag-asa pa rin siyang manalo kung ang mga student niya ay papanig lahat sa kanya, ngunit ngayong sumusuko na ito agad mukhang wala na talaga itong planong ilaban ang karapatan niya at manatili sa music center.“Alam mo naman siguro kung ano ang ibig sabihin ng pag-alis mo sa Music Center na ito, Teacher Thanie. Magiging pangit mong experience iyon na mapupunta sa credentials mo.” hinga nang malalim ng direktor na pilit
SUMAMA ANG HILATSA ng mukha doon ni Bethany, alam niyang ito ang may pakana at ngayon na wala na siya sa music center malamang ay ito ang unang matutuwa.“Alam ko ang patakaran, Teacher Audrey. Baka gusto mo pang i-recite ko sa’yo ‘yun isa-isa?” pikon na sagot ni Bethany ng hindi lumilingon, baka lalo lang uminit ang kanyang bunbunan. “O alam mo naman pala, anong—”“Huwag ka ngang pabibo Teacher Audrey, alam mo namang kailangan ni Teacher Thanie na makaipon ng malaking halaga para sa kapakanan ng Papa niya. Napaka-insensitive mo naman doon!” singit ng isa sa mga kasamahan nilang bwisit na sa pang-aasar pa ng kapwa guro nila.“Wait lang, sinasabi niyo bang ako ang—”“Oo, ikaw. Si Direktor Aguinaldo na mismo ang nagsabing ikaw ang nagsumbong.” prangkang pagputol sa kanya ni Bethany na biglang ikinahawak ni Audrey sa kanyang dibdib.“OMG!” tanging nasabi ng babae.Pinanliitan siya ng mga mata ni Bethany na agad namang ikinaatras ni Audrey sa gilid.“OMG talaga, Audrey kasi utak talangka
NANG ARAW NA iyon ay hindi muna deretsong umuwi ng bahay agad si Bethany matapos niyang mag-walked out paalis ng school. Ayaw niyang sabihin sa madrasta na nawalan siya ng trabaho dahil ayaw niyang maging ito ay mag-alala rin ng sobra lalo na sa kung saan na sila kukuha ng pera na kailangan nila sa pang-araw-araw nilang gastusin. Hindi sasapat ang kinikita niya sa part time job dahil ilang oras lang ‘yun. Paniguradong makakadagdag lang ang lahat ng ito ng bigat sa kanyang mga iniisip.“Mamaya na lang ako uuwi para hindi siya maghinala na may nangyari sa trabaho ko.” hinga niya nang malalim sabay linga sa paligid, bitbit pa rin ang box ng mga gamit. Humantong ang dalaga sa isang park kung saan kakaunti lang ang mga namamasyal dahil masyado pang maaga ‘yun. Nang makahanap siya ng bakanteng bench ay deretso siya doong naupo. Maingat na ipinatong niya sa gilid niya ang kanyang mga gamit. Lumalim pa ang kanyang iniisip. Matingkad na ang sikat ng araw noon pero hindi maramdaman ni Bethany
WALANG PALIGOY-LIGOY NA ibinigay ni Rina ang cellphone niya kay Bethany. Tinawagan naman ng dalaga si Ramir gamit ang cellphone. Ang buong akala ni Ramir ay ang babae iyon kung kaya naman naging casual na siya doon. “Nasaan ka na? Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo?” “Si Bethany ito, Ramir.” “Oh? Bethany, bakit nasa sa’yo ang cellphone ni Rina? Nasaan siya?” “Nandito sa banyo. Hindi na makalakad ng maayos si Rina. Pwede bang pakisundo na siya dito ngayon?” “Sige. Papunta na ako diyan.” Hindi nagtagal ay dumating na si Ramir sa pintuan ng women bathroom. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Bethany nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya na nitong kinuha ang braso ni Rina upang iakbay sa balikat niya. “Ang ganda mo ngayon ah? Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si River sa’yo.” Biglang hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Bethany. Hindi niya gustong banggitin pa nito ang lalaki. “Pasensya na Ramir, pero wala na akong kaugnayan sa pinsan mo—”“Alam ko
SINUNOD NI BETHANY ang guidelines na sinabi ni Gavin sa kanya na kailangan niyang gawin kapag nasa banquet na. Pagdating niya sa venue ay tama nga ang hula niyang karamihan sa mga bisita ay nakakainom na at busog na. Kumain muna siya, nakipagbatian sa iilang mga kakilala na nasa party, usap-usap ng kaunti sa mga naroon na binabati siya. Nagpahaging na rin siya kay Miss Gen na hindi magtatagal kasi hinihintay siya ni Gavin dahil may lakad umano sila.“Bakit hindi mo pinapasok dito? Ikaw talaga, sana man lang inimbitahan mo siya dito sa loob, hija.”“I did, Miss Gen.” agad na paghuhugas ng kamay ni Bethany, “Ayaw talaga niya. Kilala mo naman iyon. Baka mang agaw-eksena lang daw siya kaya hindi na lang daw siya papasok. Feeling artista kasi ang isang iyon. Pagkakaguluhan.”Nailing na lang si Miss Gen sa biro niya na agad naman siyang pinayagan. Aniya ay kaya niya na ang mag-estima ng mga bisita. Palabas na si Bethany ng banyo nang makasalubong niya ang kaibigang si Rina na nakalimutan ni
ILANG ARAW BAGO matapos ang taong iyon nang magkaroon ng year end banquet ang music center nina Bethany sa hiling na rin ng mga employee at ng mga kasalukuyang investors nito. Si Miss Gen ang nag-asikaso ng lahat ng mga kailangan noon at dadaluhan na lang iyon ng dalaga. Ilan sa mga bisita ay mga kilalang negosyante na pilit kinukuha ni Miss Gen ang atensyon para maging investors ng center. Hindi naman sobrang rangya ng naturang party. Banquet style lang iyon at mayroong oras din hanggang kailan.“Sigurado ka na ayaw mong sumama sa banquet ng music center, Gavin? As my fiancé welcome kang dumalo at makisalamuha. Sumama ka na. Huwag ka ng mahiya. Hindi rin naman matagal iyon.”Pang-ilang aya na iyon ni Bethany sa nobyo. Syempre proud siya na i-display ang binata bilang fiancé niya at iyabang sa mga naroroon kung sasama ito. Hindi na lang kasi basta boyfriend niya ang abogado, soon to be husband niya na rin ito. Sino bang babae ang hindi mapa-proud doon? Nabingwit niya ang binata.“Hind
HALOS MAPABUNGHALIT NA ng tawa si Gavin nang muli niyang ilingon ang mukha sa may passenger seat ng kanyang sasakyan. Sa mga tingin ni Bethany ay animo papatayin na siya nito o lalamunin nang buo. Puno iyon ng pagbabanta na panay ang irap sa kanya. Nakahalukipkip pa ang dalaga upang ipakita na hindi siya natutuwa. Naiipit kasi sila ngayon sa matinding traffic na lingid sa kaalaman nila ay may aksidente sa bandang unahan kung kaya naman usad pagong sila. “Wala na, nilamon na ng malalaking bituka ko iyong maliliit. Gutom na gutom na ako!”“Thanie? Patience please? Wala namang may gusto na maipit tayo sa traffic—”“Bakit hindi mo sinabi sa aking malayo pala? Sana naghanap na lang ako ng ibang resto na mas malapit!” reklamo nitong parang kasalanan ni Gavin ang mga nangyari, “Sinadya mo bang hindi sabihin sa akin ha?”“Baby, anong sinadya?” gagap niya sa isang kamay ng dalaga ngunit matigas ito at ayaw ipahawak iyon sa kanya, “Hindi mo kasi ako pintapos na magsalita kanina. Hinila mo ako
NAGPALINGA-LINGA SA PALIGID nila si Gavin na may nahihiyang mukha habang panay ang abot ng yakap niyang tisyu sa nobya na nakaupo pa rin. Tipong wala pa itong planong tumayo mula sa kanilang kinauupuan kahit na nag-aalisan na ang mga kasabayan nilang nanood ng movie. Tapos na ang palabas, at base sa reaction ng ng dalaga ay sobra itong na-touch sa naging ending ng movie. Naiintindihan naman ni Gavin iyon dahil hindi lang naman ito ang umiyak, marami sa mga nanood pero naka-move on naman agad. Ang hindi niya maintindihan ay ang nobya na sobrang affected pa rin na animo siya iyong bida. Isa pa, happy ending naman iyon kaya walang nakakaiyak para sa kanya. Isa pa ito sa hindi niya maintindihan.“Thanie, ano bang nakakaiyak? Happy ending naman siya di ba? They live happily ever after pagkatapos ng mga pinagdaanan.”maamo ang tinig na tanong ni Gavin na bahagyang hinagod ang likod nito.Nag-angat na ng mukha niya si Bethany. Napilitan si Gavin na tulungan ito sa baha ng mga luha sa kanyang
KWELANG SINAGOT AT sinakyan sila ni Gavin kahit na anong awat sa kanya ni Bethany. Halatang proud na proud ang abogadong pag-usapan nila ang bagay na iyon sa harap ng pulang-pula na sa kilig na fiancee. “Soon, i-surprise announcement na lang namin sa inyo kung kailan.”“Wow, congratulation’s na kaagad sa inyo ni Miss Guzman, Attorney Dankworth!” “Salamat, invited kayong lahat. Hindi niyo pwedeng palampasin ang pakikipag-isang dibdib ng amo niyo sa pinaka-gwapo at pinaka-matalinong abogado sa buong bansa.” Umikot na sa ere ang mga mata ni Bethany na hindi nakaligtas sa mga mata ni Gavin. Talagang pumasok pa sa loob ng music center ang binata kahit na sinabi ni Bethany na sa parking na lang siya at lalabas na rin naman siya. Hindi nakinig ang binata na nakita na lang niyang nakapasok na sa pintuan. May bouquet pa itong dala kung kaya naman hindi na mapigilan ang iritan ng mga employee ng music center na ang karamihan ay mga babae. Hindi na tuloy napigilan pa ni Bethany na mamula. Ida
NANG HINDI PA rin sumagot si Bethany ay lumipat na si Gavin sa kabilang banda kung saan nakita niyang namumula na ang mga mata nito habang mariing nakatikom ang kanyang bibig. Natataranta ng napabangon ang binata at pilit na pinabangon si Bethany nang makita niyang humihikbi ito kasabay ng pagbagsak ng ilang butil ng kanyang mga luha. “Hey, Thanie? Bakit ka umiiyak? Para iyon lang? Dahil ba hindi pa alam ng family ko na okay na tayo?” sunod-sunod niyang tanong na hindi malaman kung matatawa ba o ano sa hitsura at ragasa ng emosyon ng kanyang kasintahan. “Baby? Ang simpleng bagay noon. Hindi mo kailangang iyakan. Damn it, Thanie! Para ka namang bata diyan…” nilakipan pa iyon ng abogado ng mahinang pagtawa upang ipakitang nakakatawa ang kanyang hitsura ngayon. “Bitawan mo ako!” palo niya sa braso ni Gavin at hinila ang kumot patakip ng buo niyang katawan, “Nakakainis ka!” “Baby? You are acting weird. Para iyon lang? Iiyakan mo? Napaka-raw naman ng buhos ng emotion mo, Thanie…”Inipit
TUMAGAL NANG HALOS ilang oras ang kanilang bakbakan kung kaya naman nang matapos ay kapwa wala silang lakas, nanlilimahid sa pawis ang buong katawan at hingal na hingal na magkatabi silang bumagsak sa ibabaw ng kamang mainit at kahindik-hindik na pinaglabanan ng walang saplot nilang mga katawan kanina. Tumagilid si Gavin kay Bethany at nakangising yumakap sa kanyang katawan. Ipinikit nito ang kanyang mga matang isa’t-isa ang hinga.“Nakakapagod magbigay ng reward.” bulong ng binatang naka-ani ng mga pinong kurot mula kay Bethany na namumula ang leeg sa dami ng mapupulang marka na inilagay ni Gavin sa kanya, “Pero sulit ang dalawang linggo.”Humarap na kay Gavin si Bethany at yumakap. Walang hiya pa nitong itinanday ang kanyang isang hita. “Ang sakit noon ah.” “Masakit ba talaga? Hindi masarap?” panunukso ni Gavin na mabilis siyang ninakaw ng halik sa labi. “Masakit na masarap, parang mahahati ang balakang ko sa dalawa.” Mahinang humagikhik lang si Gavin. “Thanie, gutom na ako. Sa
PAGKABABA NI GAVIN ng tawag ay inilang hakbang lang niya ang distansya upang tawirin ang pagitang naghihiwalay sa kanilang dalawa ng nobya. Walang pag-aalinlangan na niyang niyakap sa beywang ang dalaga gamit ang dalawa niyang palad. Malakas nang napairit sa ginawa ni Gavin si Bethany. Paano kasi, hindi lang yakap ang basta ginawa nito kundi bigla ba naman siya nitong parang bulak na binuhat! Saglit siyang inikot-ikot sa ere na parang sanggol at nang muling lumapat ang kanyang mga paa sa sahig ay pinupog naman ni Gavin ng halik ang labi niya nakaawang pa rin dala ng labis na gulat. Halatang sabik na sabik siya sa nobya. Kahalintuald ni Gavin ng mga sandaling iyon ang gutom na leon at ilang araw na hindi pinapakain at nakakatikim ng laman. Hindi naman doon nagpatalo si Bethany na pinantayan din ang damdamin ng sobrang pagka-miss ni Gavin sa kanya. Nakangising idiniin niya ang katawan sa binata at pinalamlam ang mga matang parang mas nanghahalina pa siya. Hindi lang iyon, iniyakap pa ni