GAYA NG INAASAHAN ni Gavin na magiging reaction ng asawa ay nagbago ang hilatsa ng mukha ni Bethany nang marinig ang kanyang sinabi na tila ba nakalimutan niya na kung sino ba ang tunay niyang ama. Ngunit ngayong pinaalala iyon ng asawa, muling nagbalik sa kanya na mayroon nga pala siyang i-responsableng ama na si Mr. Conley.“Kailan mo siya kakausapin?” puno ng pag-iingat ang tono na tanong pa ni Gavin, “Don’t get me wrong Baby, hindi ko sinasabi na kabatiin mo na siya agad. Gusto ko lang talaga malaman kung may plano ka at kailan. Bothered lang ako kasi syempre anuman ang mangyari, ama mo pa rin siya.” Wala siyang planong kausapin pa ito. Iyon ang pinangako noon ni Bethany sa kanyang sarili. Wala itong kwenta. Hindi dapat na kilalanin niyang ama lalo na sa kabila ng mga ginawa nito para lang pasakitan siya at paboran ang di kadugo.“Wala na akong planong kausapin siya.” firm na sagot ni Bethany na hindi kinukurap ang mga mata.Napakurap naman doon si Gavin. Solido kasi ang tono n
KUMIBOT-KIBOT PA ang bibig ni Bethany sa bawat hakbang ng kanyang mga paa pasulong kung nasaan si Gavin matamang naghihintay sa kanyang paglapit. Hindi na nga niya maintindihan at maramdaman ang wedding song nilang dalawa na pareho nilang maging instrumental. Favorite niyang kanta iyon na mas nakadagdag pa sa baha ng kanyang umaapaw na mga emosyon. Dapat masaya siya, dapat nakangiti siya, dapat hindi siya umiiyak na para bang impyerno ang buhay na naghihintay sa kanya sa unahan sa piling nito. Hindi na nagkomento pa si Giovanni sa naging katwiran niya. Ang usapan nila ng Lola Livia niya at ng tiyo na after na matapos ng kasal ay ilalabas nila ang article na isa siyang Bianchi kasama ng mga pictures ng wedding nila ni Gavin. Mula doon ay magiging klaro na ang kumalat na article sa kanyang tiyuhin na siya ang nawawalang pamangkin ng mga Bianchi at hindi siya nito babae. Isa na lang ang pro-problemahin ng tiyuhin na mahinang nagpatawa kay Bethany nang maalala ang suggestion ni Gavin na g
PAGKATAPOS NG KASAL nina Gavin at Bethany ay gaya ng inaasahan parang apoy na kumalat sa tigang na kagubatan ang balita ng kasal at siya ang nawawalang panganay na apo ng mga Bianchi. Pamangkin ng Governor ng Benguet. Sinakop noon ang buong online entertainment na kung saan-saan pa umabot dahil sa mga shared post dahil nga naman malaman ang balitang iyon lalo na sa Northern Luzon. Nag-trending pa iyon dahil sa bigating katauhan din ni Gavin na marami ang nanghinayang na may asawa na pala ang abogado. Naka-provide na rin ang lahat ng mga kailangan. Pinatay ng mag-asawa ang kanilang cellphone para sa mahalagang araw na iyon sa kanilang buhay. Ayaw nilang magpa-istorbo. Hindi muna papansinin kung ano ang hahantungan ng balitang iyon na pinasabog ng pamilya Bianchi. Ayaw pa nilang makibalita at hinayaan ang kanilang sarili na mag-enjoy kasama ng kanilang mga bisita. Wala silang lihitimong plano sa magiging honeymoon, bukod pa doon ay maraming trabaho ding naghihintay sa kanila sa Maynila.
BUMILIS ANG TIBOK ng puso ni Nancy habang nagsimula ng malunod ang kanyang mga mata sa labas ng maraming luha nang makita ang article ng kasal ng dati niyang nobyo at ni Bethany. Noon pa man ay alam niya ng kasal na ang dalawa pero ang makitang pareho silang nakangiti habang magkahawak ng kamay at magkatitigan, hindi niya mapigiling makaramdam ng labis na sakit sa kanyang puso. Siya dapat iyon at hindi ang ibang babae. Siya dapat iyon kung naging matino lang siya at hindi naghanap ng iba. Marahan niyang hinimas ang halos ay buto at balat na niyang dibdib. Patuloy iyong nagbigay ng walang katumbas na sakit. Mas masakit pa iyon sa kanyang lalamunan tuwing masusuka siya at hindi kinakaya ng katawan ang gamot. Unti-unti ng nagkaroon ng tunog ang kanyang mga hikbi. “What’s wrong with you, Nancy?” si Mr. Conley na napatayo na mula sa kanyang inuupuan.Siya ang bantay nito ng mga sandaling iyon habang may inaasikaso sa labas ang kanyang asawa. Hindi niya magawang iwan ang anak-anakan sa gan
ILANG SEGUNDO NA tinitigan ni Mr. Conley ang mukha ni Nancy. Hinahanap kung totoo ba ang kanyang mga sinabi. Bakas sa mga mata ng matanda na hindi siya makapaniwala. Imposible. Saksi siya sa bagamat may malalang sakit na ito ay masama pa rin ang ugali nito. Duda siya sa hiling nito na alam niyang hinding-hindi pagbibigyan ni Bethany. Kinamumuhian niya si Nancy. Kahit pa yata manikluhod siya, hindi nito pagbibigyan ang kanyang pakiusap ng ganun lang kadali. Sa laki ng kasalanan ni Nancy sa kanya na ang iba ay nang dahil sa tulong niya, ngayon pa lang pakiramdam niya ay mabibigo ang kahilingan ni Nancy.“Para ano? Para konsensyahin mo siya? Para gamitin mo ang nalalapit mong pamamahinga?” hindi napigilan na itanong ni Mr. Coley, “Para i-stress mo siya? Nang paulit-ulit? Hindi ako papayag!” mariin na dugtong ng ama, ilang beses na iniiling ang kanyang ulo upang sabihin na hindi nito pagbibigyan ang kanyang gusto. “Sobra-sobra na ang sakit na binigay mo sa kanya dahil makasarili ka. Huwag
SA KABILANG BANDA, sinulit nina Bethany at Gavin ang kanilang unang gabi sa isla. Matapos na maligo sa pool ay naglagi na sila sa silid kung saan paulit-ulit na pinawi ang pananabik sa katawan ng bawat isa. Kinaumagahan, pagbukas ni Bethany ng kanyang cellphone ay agad na siyang binaha ng tawag at message ng kaibigan niyang si Rina. May mga message din si Miss Gen ng pagbati sa kanya na nakalimutan niya na sa dami ng kanyang mga iniisip at naging problema. May mga message din ng magulang at employee ng music center dahil malamang nalaman na nila dahil sa patuloy na pagkalat noon online. Invested na invested ang mga tao gayong hindi naman sila mga artista. Ipinagkibit na lang ng balikat iyon ni Bethany na kakadilat lang ng mga mata. Minabuti na tawagan na ang kaibigan.“Rina—” “Hoy, babae! Ano ito? Bakit hindi ako invited? Nakakatampo ka ah! Nagpakasal kayo sa Baguio ng wala man lang pasabi? Bethany naman, bestfriend mo ako ah? Hindi na ba tayo magkaibigan?!” agad na putak na nito pag
KASABAY NG PAGHIHIWALAY ng mga hita ni Bethany nang hawakan ni Gavin ang kanyang gitna ay naghiwalay din ang kanyang labi nang marahang pasukin na ng kanyang asawa ang lagusan niyang kanina pa basa. Kusang sumara ang mga mata ni Bethany upang mas damhin ang init ng mga sandaling iyon na pinagsasaluhan nila ngayon ng kanyang asawa. Kasabay ng marahan nitong tantiyadong indayog at galaw sa kanyang ibabaw ay kumawala mula sa kanyang labi ang maingay niyang mga ungol na pumuno sa apat na sulok ng silid. Bagay na tuluyang nagpawala na rin sa wisyo ni Gavin na patuloy na ginaganahan na angkinin ang kanyang nagliliyab na katawan. Gigil man ay pinili niyang maging maingat at kalmado dahil ayaw niyang masaktan ang anak nilang hindi pa nakakalabas. Patuloy sa pagliyad ng katawan niya si Bethany, hindi na alam kung saan ihahawak ang mga kamay at isusuling ang paningin. Para siyang nagdedeliryo gayong hindi naman iyon ang unang beses na gagawin nila ang bagay na iyon. Sobrang init, iyon ang tangi
UMAHON NA SA kama si Bethany at lumapit pa sa asawa upang kumbinsihin ito na pumayag sa gusto niya. Malambing na siyang sumakay sa likod ni Gavin na mabilis naman na kinuha ang dalawang braso niya upang paupuin lang si Bethany sa kanyang kandungan. Awtomatiko namang yumakap ang isang braso ni Bethany sa leeg ng asawa at siya na ang kusang humalik sa labi nito. May multo na ng ngiti sa labi ni Gavin sa pagiging extra sweet ng kanyang asawa makuha lang ang extension honeymoon na gusto niya. Pinapungay pa ng babae ang kanyang mga mata, nagbabakasakali na nang dahil doon ay madala niya si Gavin at bumigay. Binasa naman ni Gavin ang kanyang labi habang nakatingin pa rin sa mukha ng asawa. Kaunti na lang ay bibigay na siya. Nasa plano naman na niya iyon, gusto lang talaga niyang magmakaawa ang asawa. Ayon sa plano niya, isang buwan sila doon at hindi niya pa iyon sinasabi sa asawa. “Sigurado akong matagal itong mauulit. Busy ka na. Busy na rin ako. Saka, lolobo na noon ang tiyan ko, Attorn
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili
HUSTONG PAGPASOK NI Briel sa immigration ay siya namang tayo ni Giovanni upang pumasok na sa eroplano. Muntik ng ma-late si Briel sa flight nang dahil sa kaibigan niyang napakaraming tanong na kinailangan niya pang sagutin kahit na pasakay na siya sa loob ng sasakyang gagamitin niya papuntang airport. Deretso na sa pila agad ang babae papasok ng eroplano. Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya namalayan pa na ilang pasahero lang ang pagitan nilang dalawa ni Giovanni na hindi sinasadyang nagkasabay ang pag-uwi nila ng bansa. Paupo na sana si Briel nang mapansin niya sa gilid na bahagi ng kanyang mga mata ang bulto na ang pares ng mga mata ay matamang nakatingin sa kanya. Damang-dama niya ang init noon. Nang lingunin niya naman ito ay saktong dumaan ang ibang pasahero kaya natakpan nila ang bulto ni Giovanni na tulala na naman at hindi makapaniwalang nakikita niya si Briel sa harap. Ganunpaman pa man ay ipinagkibit na lang iyon ni Giovanni ng balikat at naupo na sa designated niya
TUMAGAL PA ANG tingin ni Giovanni sa mukha ni Briel na para bang hinahanap niya kung totoo ba ang sinasabi nito. Ganundin ang babae na ilang sandali lang na ginawa iyon at nag-iwas na ng kanyang tingin. Sinundan ni Giovanni ng tingin ang galaw nito na kumuha na ng tisyu upang ilagay lang iyon sa kanyang isang kamay. Umawang ang bibig ni Giovanni upang magbigay ng kanyang reaction, ngunit hindi niya nagawang pakawalan kung ano iyon. Nagawa na lang makatayo ni Briel mula sa kanyang inuupuan at walang lingon sa likod na siyang iniwan ay nanatili pa rin si Giovanni na tahimik na nakatitig sa mukha ng babae na animo ay tulala. Sinundan nito ang likod noon na tuloy-tuloy ang hakbang papalayo sa kanyang table. Dumating ang order ni Briel na salad para sa kanya na hindi ni Giovanni pinag-ukulan ng pansin. Hanggang sa makalabas ay pinanood niya lang itong sumakay ng taxi at hindi niya man lang hinabol gaya ng unang pumasok sa kanyang isipan. Ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang pakilosi
NAMUMUO NA ANG mga luhang napaangat na ang paningin ni Giovanni kay Briel na hindi na inaalis ang paningin sa kanya na gaya ng ginagawa nito kaninang panay ang iwas ng kanyang mga mata. Pigil na ng lalaki ang hinga dahil pakiramdam niya ay hindi na niya makakayanan na hindi pumatak ang mga luha sa harap ng babaeng mahal niya. Sa kabila ng pasakit na nagawa niya na alam niyang nasaktan niya ng labis si Briel, heto at pilit pa rin siya nitong iniintindi kahit na alam niyang sa part nito ay ang sakit na ng mga nagawa niya. Lumambot na ang mukha nito kumpara kanina na nagmamatigas na ayaw makipag-usap sa kanya at hindi niya alam kung anong gayuma ang nagawa na naman niya o marahil ay sobrang mahal pa rin siya ng isang Gabriella Dankworth kung kaya puno na naman ito ng pag-intindi..“Walang may kontrol, Giovanni, naiintindihan mo?” mas malumanay din ang boses ng mga sandaling iyon ni Briel na sa pakiramdam ni Giovanni ay mas lalo siyang nilalamon ng konsensya dahil puro pasakit ang naging
TUTAL AY NAROON na rin naman na si Briel sa sitwasyong iyon ay pinagbigyan na lang niya ang lalaking gawin ang gusto nitong pakikipag-usap umano kahit pa malaki ang duda niya sa kanya. Papakinggan na lang niya ang kung anong gusto nitong sabihin saka siya magre-react. Memoryado na niya ang kanyang isasagot kay Giovanni. Kahit anong gawin nitong luhod, hindi na siya muli pang magpapaalipin sa pag-ibig niya dito. Ilang beses na siya nitong binigo. Muli ba niyang hahay saktan at gamitin lang siya nito? Syempre hindi.“Fine, pero ayoko sa loob ng isang silid na tayong dalawa lang ang naroroon. Ayokong ihahain mo sa akin ang katawan mo na alam mong hindi ko magagawang tanggihan dahil marupok ako pagdating sa'yo. Hindi mo iyon pwedeng gawin sa akin, naiintindihan mo? Doon tayo sa isa sa public places or cafe.” Nahagip ng gilid ng mga mata ni Briel ang ginawang pag-angat ng gilid na labi ni Giovanni na halatang nahulaan niya agad ang pina-plano. Ibahin na siya ng lalaki ngayon. Hindi na siy
HINDI RIN NAGING lihim sa kaalaman ng mga tauhan ni Giovanni ang mga pangyayari sa pagitan nila ni Briel na tila bukas na libro iyon sa kanilang harapan, kung kaya naman hindi na niya sinaway pa ang tauhan sa ginagawa nitong pangingialam sa desisyon niya kahit na medyo napipikon siya. Kung tutuusin ay mayroon naman talaga itong malaking punto. Papayag ba siyang ganun na lang ang mangyari sa kanila ng babae? Matagal-tagal ng panahon na hindi sila nagkikita ni Briel. Ibig niyang sabihin ay siya lang ang nakatanaw sa malayo. Iba pa rin iyong nakakapag-usap sila. Anim na buwan na sa kanyang pakiramdam ay taon na ang lumipas at matuling dumaan. Laking pasalamat niya nga na nagawa niyang makaya iyon. Alam man niya kung nasaan ito, ganunpaman ay hindi naman nila nakuhang mag-usap sa nagdaang kalahating taong iyon kahit na madalas niyang pagmasdan ito sa malayuan. Lalo pa ngayon na binigyan siya ng mas malaking dahilan upang maghabol at tuluyang makipag-ayos dito. Kailangan niyang muling maku
MULI PANG UMATRAS ng ilang hakbang si Briel. Ngayon pa lang ay sobrang nasasaktan na siya. Sa halip na matuwa at magdiwang ang loob niya sa kanyang nalaman ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng pagdaramdam. Dapat masaya siya dahil nalaman niyang ito pala ang naka-una sa kanya at hindi iba gaya ng iniisip niya, ngunit naging iba ang takbo ng isip niya sa mga nangyari nitong nakaraang buwan. Bagama’t nagawa ni Giovanni na maamin na siya ang babae sa buhay nito na alam na ng maraming tao. Hindi pa rin si Briel natutuwa. Nakukulangan siya sa effort at nananatiling masama pa rin ang loob niya kay Giovanni Bianchi. Hindi nabawasan iyon ng katotohanang nalaman niya.“Ito rin ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako magawang pakasalan? Dahil sa babaeng virgin na naka-one night stand mo habang nag-attend ka ng masked party na ito?” puno ng hinanakit ang boses ni Briel na pilit na pinipigil na pumiyok ang boses at pumatak ang mga luha, alam niyang siya naman din iyon pero hindi niya mapigilan
GULONG-GULO ANG ISIPAN ni Briel nang sabihin iyon ni Giovanni na mahigpit na mahigpit na nakayakap pa rin sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng litanyang binitawan nito. Siya? Hinanap nito? Bakit? Ibig ba nitong sabihin ay noong nawala siya sa bansa? Hinanap niya silang dalawa ni Brian? Imposible naman na hindi nito sila makita ni Brian sa loob ng anim na buwan. Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang ibig nitong ipahiwatig. Saka, alam naman ng kanyang hipag na si Bethany kung nasaan silang mag-ina. Ginawan ba ng kanyang pamilya na huwag siyang mahanap ng dating Gobernador? Ang dami niyang mga katanungan ngunit ni isa ay hindi niya ito mabigkas upang mabigyan ni Giovanni ng tamang kasagutan. Parang naumid na ang kanyang dila sa loob ng kanyang bibig ng oras na ito.“Ikaw pala iyon, ikaw pala…” patuloy ni Giovanni na hindi na napigigilan na bumagsak na ang mga luha sa labis na saya. Gustong mag-umalpas ni Briel. Nais niyang itulak papalayo ang katawan nito
KULANG NA LANG ay sagasaan at banggain ni Giovanni ang mga naroon upang makarating lang sa banda na sinabi ng mga tauhan niyang kausap. Hindi na siya makakapayag pa na muling mawala sa paningin niya ang babae at malaman kung sino ang babaeng nasa likod ng maskarang iyon. Samantala, kabado na pinili ni Briel na lumabas na lang ng area dahil kanina pa niya napapansin ang bulto ng isang lalaking titig na titig sa kanya na para bang may plano itong makipagkilala. Napansin niya ang mabagal nitong paglapit kanina sa kanya at maging ang matagal nitong pagtitig. Mabuti na lang at nakakuha siya ng pagkakataong makatakas dito nang yumuko ito saglit. Maiintindihan niya pa ito kung pamilyar ang suot na maskara, pero hindi naman. Hindi siya nagtungo sa party upang maghanap ng ibang lalaki na aangkin sa kanya, nagtungo siya doon upang mag-enjoy sa alak. Inalis na niya sa kanyang isipan ang makakilala ng lalaki ng maisip ang anak niyang si Brian. Marapat lang na magbagong buhay na siya. Saka, may Gi