SA MISMONG GABI ng engagement party ni Albert ay mag-isang nagtungo ng bar at nagpakalasing si Bethany Guzman; ang ex-girlfriend ng lalake. Subalit hindi rin siya nagtagal dahil sa mabilis siyang malasing. Lumabas siya ng bar at nagpasyang umuwi na lang. Pagdating niya sa bahaging madilim na pasilyo papalabas ng bahay-aliwan ay may natanaw siyang bulto ng katawan, nakatalikod ‘yun banda sa dalaga. Napagkamalan niya itong ang ex-boyfriend, bunga ng espirito ng alak. Mahigpit niya itong niyakap. Biglang humarap sa kanya ang nagulat na binata. Namumungay ang mga matang inilagay ni Bethany ang dalawang palad sa magkabilang pisngi ng lalake. Hindi pa siya doon nakuntento, tumingkayad pa ang dalaga upang abutin at taniman ng mariing halik ang labi ng lalakeng bahagyang napaawang na lang ang bibig dala ng labis niyang pagkagulat.“Alam kong miss na miss mo na rin ako, Albert…” usal ni Bethany sa pagitan ng kanilang mga halik, ginantihan na rin kasi siya ng lalake bagamat hindi siya kilala. “
MATABANG ANG TINGIN na binitawan ni Gavin ang katawan ng babae. Bahagyang isinandal niya ito sa pader. Dumukot siys ng isang stick ng sigarilyo sa kaha sa bulsa at inilagay na iyon sa kanyang bibig. Hinanap din niya sa bulsa ang lighter upang sindihan ang sigarilyo. Mukhang nakatulog na sa kalasingan ang babae na walang kagalaw-galaw sa pagkakasandal. Ang hindi niya alam ay nagpapanggap lang itong nakatulog. Gusto ng tuktukan ni Bethany ang sarili dahil hindi niya napigilang usalin ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend habang may ibang lalakeng kahalikan. Sino ba namang gaganahan na ituloy pa ang kanyang ginagawa doon?“Albert…” mahinang anas ni Gavin sa pangalang binanggit ni Bethany.Bumalatay sa mukha ang kakaibang pagkairita habang pinagmamasdang mabuti sa mukha si Bethany. Naisip na sobrang interesting naman na ang babaeng ito ay nagkataon pa lang ex-girlfriend ng gunggong na magiging future brother-in-law niya. Sa dami ng makakatagpo niya, sinadya nga ba iyon ng panahon na magkit
PAGKAPASOK NA PAGKAPASOK pa lang ni Bethany sa kanilang pintuan ay natanaw na niya agad ang kanyang Tita. Nang mahagip ng mga mata nito ang pagdating niya ay mabilis itong napatayo sa sofa. Kapansin-pansin ang pamumula ng mata. Halatang galing lang sa bago at matinding pag-iyak. Lumibot sa paligid ang mga mata ni Bethany na mayroong hinahanap.“Anong nangyari po ba, Tita? Saka nasaan po ngayon si Papa?”Tita ang tawag niya sa babae dahil ito ang pangalawang asawa ng ama. Hindi naman sa ayaw niya dito kung kaya di matawag na Mama, nasanay kasi siya sa salitang ito.“Napakawalang-hiya talaga niyang ex-boyfriend mo, Bethany!” bungad ng Ginang na hindi sinagot ang tanong niya, “Napakaitim ng budhi!”Napanganga si Bethany. Hindi niya ma-gets kung bakit ipinasok iyon sa usapan nila ng madrasta. Kung tutuusin ay ang layo nito sa tanong niya.“Noong mga panahong nasa laylayan sila ng pamilya niya, pinili mo ang manatili sa tabi niya. Tapos ngayon na nakabangon na sila at nakaangat na, hindi k
MALAKAS NA NAPAMURA na ang madrasta ni Bethany pagkababa niya ng tawag kay Albert. Hindi niya namalayan na lumapit sa kanya kanina ang babae upang makinig lang sa magiging usapan nila ng ex-boyfriend. Hindi nakaligtas sa pandinig nito ang huling mga sinabi ng pagbabanta ni Albert na mas ikinagalit lang ng madrasta niya.“Walang utang na loob talaga ang lalakeng iyan! Anak talaga ng demonyo! Buhay pa siya dito sa mundo ay sinusunog na ang kaluluwa ng lalakeng iyan!”Napaupo na si Bethany. Hindi na niya alam ang gagawin. Litong-lito na siya sa mga nangyayari. Bakit ganun? Bakit hindi umaayon sa kanya ang anumang planuhin niya?“Huwag kang mag-alala, Bethany. Hanggang pangarap lang ang gagong iyon. Kahit pumuti ang kulay ng uwak ay hindi kami papayag ng Papa mo na sirain niya ang buhay mo. Mag-iisip tayo ng ibang paraan.”Ganunpaman ka-positibo ang sinabi ng kanyang ma-drasta ay hindi pa rin mapigilan ng babaeng patuloy na lumuha. Alalang-alala na sa asawa.“Huwag na huwag mong kakausapi
PARANG HINOG NA kamatis na namula ang buong mukha ni Bethany. Dala ng biglang pagkagulat sa sinabi ni Gavin ay bigla na lang niyang itinaas ang bitbit na paper bag, kung saan nakalagay ang jacket. Dinala niya ito para kung sakaling magkagipitan ay maaari niya itong gawing alibi sa pagpunta.“P-Pumunta ako dito para isauli itong jacket mo. Nakalimutan mo kagabi.”Biglang sumeryoso ang mukha ni Gavin. Ang buong akala niya ay iba ang sadya ng pagpunta ng babae rito. Umaasa siyang mas malalim ang dahilan ng babaeng kaharap. Mabilis pa sa alas-kwatrong tinanggap niya ang paper bag. “Okay, salamat sa pagsauli. Hindi ka na sana nag-abala pang dalhin dito.”Pagkasabi noon ay mabilis na siyang humakbang patungo ng elevator. Iniwan na si Bethany doon. Dala ng pagkataranta ay mabilis siyang hinabol at sinundan ng babae. Kailangan niya itong makausap. Hindi naman hinarang ng mga receptionist si Bethany sa pag-aakala na kilala siya ng abugado dahil kinausap siya kanina.“Attorney Dankworth, pwed
“Eh bakit hindi mo dalhan ng foam?” pabalang na sagot na ni Bethany. Hindi na niya napigilan ang sarili dahil sobrang rinding-rindi na siya sa madrasta. Bakit siya ang sinisisi nito? Ginagawan naman niya ng paraan. Hindi siya nagpapabaya.“Sa tingin mo ba Tita ay hindi ako nasasaktan kada maiisip ko siya?” pumiyok na doon ang tinig ni Bethany, naiiyak na. “Ama ko siya. Dugo at laman niya ang nananalaytay sa katawan ko. Huwag mo po naman sanang iparamdam sa akin na wala akong kwentang anak, Tita. Ginagawa ko po ang lahat para makakuha ng magaling na abugado at nang matapos na ito. Please lang po, dahan-dahan ka naman po sa mga akusasyon mong pabaya ako!”Bunga ng matinding pressure at stress sa loob ng bahay nila ay umisip ng paraan si Bethany kung ano pa ang nararapat niyang gawin. Hindi na siya mapakali sa pagbubunganga ng madrasta niya. Minabuti niyang makipagkita sa isa sa mga kaibigan niya noong college, kay Rina. Pagkatapos nila ng college ay nagpakasal na ang kaibigan niya sa i
BATID NG ASAWA ni Rina na imposibleng hindi ito makilala ng abugado, ngunit para hindi ito mapahiya ay pinili na lang niyang sakyan. Wala namang mawawala. Isa pa, nabanggit na ng asawa niya ang pakay ni Bethany sa abugado.“Attorney Gavin Dankworth, ito nga po pala si Bethany Guzman. Kaibigan nitong asawa ko noong nag-aaral pa lang sila sa kolehiyo. Isa siyang talentadong music teacher. Tumutugtog din siya ng iba’t-ibang uri ng mga instrument.”Maliit na ngumiti si Gavin. “Ah, isa pala siyang guro.” usal nitong sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa si Bethany.Hinarap na ni Gavin ang dalaga upang ilahad ang kanyang kamay. Nagdulot iyon ng mahinang komosyon mula sa mga kapwa golfer's nasa paligid nila. Hindi lingid sa mga ito ang tunay na katauhan ni Attorney Gavin Dankworth. Hindi rin maikaila sa kanilang mga mata ang inggit dahil batid nilang ang abugado pala ang ipinunta ng maganda doong maestra ng musika.“Ang swerte naman ni Attorney, mukhang siya ang dahilan ng pagpunta dito n
MULA SA SIMULA ng relasyon nila hanggang dulo, walang kakayahan si Bethany upang lumaban kay Albert gaya ng pagmamahalan nilang unti-unting naglaho at nawala. Nilingon niya si Albert gamit ang mga matang puno ng labis na poot. Binitawan na siya ni Albert. “Gusto mong maka-close si Gavin Dankworth? May abilidad ka ba ha? Mataas ang standard niya pagdating sa mga babae at hindi siya mabilis ma-involve sa mga babae. At isa pa, naninigas ang katawan mo kapag nahalikan ka. Matatagalan mo ba ‘yun lalo na kapag tatanggalan ka na ng suot niyang damit?”Ayaw makita ni Bethany ang mukha ni Albert kung kaya naman pinanatili niya ang mukhang nakayukod dito.“Anong pakialam mo sa ginagawa ko? Wala namang kinalaman ito sa iyo, kaya wag ka na lang makialam.”Mataman siyang tiningnan ni Albert. “O baka naman hindi mo ako makalimutan kung kaya ginagawa mo ito? Intensyon mong makipaglapit sa future brother-in-law ko para lang makaganti ka sa akin? Sa tingin mo may pakialam ako?”Umasim na ang hitsur
HINDI MAPALAGAY SI Mrs. Dankworth kung kaya naman tinawagan niya ang asawa upang kumustahin si Nancy. Nag-aalala siya na baka ito na naman ang dahilan ng pagkataranta ng anak gayong nawawala pa ang kanyang asawa. “Nancy is still in a coma. Saka, sa tingin pupuntahan iyon ni Gavin? Tigilan niyo na ngang mag-isip. Tawagan mo na lang ang anak mo at personal mong tanungin kung bakit nagmamadaling umalis. Baka naman si Bethany ang kausap.” “Mabuti pa nga, Gorio. Ito kasing bunso mong anak kung anu-ano ang sinasabi. Si Drino? Nakauwi na ng bansa?” “Hindi ko alam. Ni hindi na siya komontak pa sa akin pagkatapos noong naging huling usap namin.” Minabuti ng Ginang na tawagan si Gavin ngunit hindi makontak ang numero nito. “Briel, subukan mo ngang kontakin ang Kuya mo kung online at sa social media account niya. Bakit ganun? Ayaw mag-connect ng tawag ko sa kanya? Mukhang nawalan yata siya ng signal ngayon.” balik niya sa hapag kung nasaan tulala pa ‘ring kumakain ang anak, muling umikot an
AMININ MAN NI Bethany o hindi ay sukong-suko na siya at ang tanging naiisip na lang niyang pag-asa ay ang marinig ang boses ng kanyang asawa. Gusto niyang akuin ang lahat ng kasalanan niya at pagbayaran iyon kung kaya naman sasabihin na niya dito kung nasaan siya. Hindi na siya nagtatago. Hahayaan niyang tahasang magalit ito sa kanya. Sa bahagi ng kanyang puso ay gusto niyang marinig ang comfort nito kahit na may mortal siyang kasalanang ginawa. Hilam sa luha na nag-activate siya ng social media habang nasa labas si Victoria at kausap nito ang kanyang doctor. Papasok na sana ang kanyang madrasta sa loob nang maudlot siya sa may pintuan nang marinig si Bethany na muli na namang umiiyak, nang sumungaw siya ay nakita niyang hawak nito ang cellphone. Isang daang porsyento na ang hula ng Ginang ay nagdesisyon na itong kontakin ang kanyang asawang si Gavin. Malungkot na napangiti ang Ginang. Sumasakit ang puso niya sa tanawin. Tama ang desisyon nito, kailangan niya ngayon si Gavin upang lum
PARANG WALANG KATAPUSAN at tuloy-tuloy ang pagbalong ng mga luha ni Bethany sa kanyang mga mata matapos na lumabas ng doctor sa pinto ng kanyang kwarto. Puno ng labis na paghihinagpis ang mga impit niyang iyak na may kasamang walang katapusang pagsisisi. Ayon sa doctor, sa taas ng lagnat niya ay nagkaroon siya ng spotting na medyo delikado sa ipinagbubuntis niya. Marahan niyang hinimas ang puson, napuno pa ng sakit ang kanyang buong sistema. Hindi niya lubos maisip na hahantong sila sa pagkakataong iyon. Ang buong akala niya magtatagumpay siya sa lahat ng kanyang naisin. Hindi niya inaasahang sasabay na bibigay ang kanyang katawan at mararamdaman ang sakit na ito. “Mrs. Dankworth, please be calm. We will do everything just to save your baby. Please help us do some favor.”Tuloy pa rin ang pagdurugo niya kaya naman tinapat na rin siya ng doctor na kapag hindi iyon tumigil at hindi nadala ng itinurok nilang gamot ay tiyak na manganganib na mawala ang ipinagbubuntis nilang anak na dalaw
PINUNTAHAN NI GAVIN ang music center ng asawa. Susubukan niyang doon kumuha ng impormasyon. Hindi na nagulat ang mga naroon na hinahanap niya si Bethany marahil ay dahil alam nila kung saan ito pumunta ngunit ni isa ay wala namang umaamin sa kanila. Panay lang ang iling nila sa tanong.“Kung hindi niyo sasabihin sa akin, tatanggalan ko kayo ng trabaho! Hindi niyo ba alam na sa akin ang space na ito at inuupahan lang?! Pumili kayo!” pagbabanta ni Gavin sa mga empleyadong kaharap niya.Tiklop ang dalawang tuhod na umamin ang kinausap ni Bethany ngunit hindi pa rin ni Gavin nalaman kung nasaan ito dahil wala silang lugar na masabi. Basta umano ang ibinilin nito ay babalik din naman siya. Iyon ang pinanghawakan ni Gavin, gayunpaman ay hindi pa rin siya mapalagay. Kailangang makita niya ang asawa ng sarili niyang mga mata. Saka pa lang siya doon mapapalagay. “Positive. Sa mga umalis na private planes, lulan umano sina Victoria Guzman at ang asawa mo Gavin.” balita ni Mr. Dankworth sa anak
ITINAAS NI GORIO ang isang kamay upang mapigilan sa pagsasalita ang mag-ina niyang kaharap. Nagri-ring na ang phone number ng kaibigan sa kabilang linya. Hinihintay na lang niyang sagutin. Kung itinuloy nito ang plano, marapat lang na sisihin niya ang sarili dahil iniwan niya ang kabigan kahapon sa halip na matinong kausapin. Dala na rin kasi iyon ng bugso ng damdamin sa matinding galit sa anak niya. Hindi na niya naisip na may suliranin pa ang kaibigan na siyang magdadagdag pa ng gulo.“Gorio…” sagot ni Drino na halatang nasa higaan pa ang boses at naalimpungatan lang.Kakagising pa lang noon ni Mr. Conley. Paglabas niya ng bahay nina Bethany ng nagdaang araw ay hindi siya agad umalis. Nagtambay siya doon dahil hindi niya rin alam kung saan pupunta. Ligaw na ligaw siya. Inabot siya doon hanggang hatinggabi habang puno ng pagsisisi ang buong katawan na bakit itinuloy pa niya ang lahat. Sana nakinig siya sa sinabi ng kaibigan niyang si Gorio ba palipasin muna ang ilang araw. Bakas pa s
IGINALAW NG GUARD ang kanyang magkabilang balikat bilang tugon sa katanungan sa kanya ni Gavin. Hindi na sakop iyon ng trabaho niya. Basta ang alam niya ay may sumundong sasakyan dito at nakita niya ang babaeng hinahanap nito sa loob ng sasakyan. Mukha namang okay silang mag-ina na bihis na bihis pa kung kaya naman ay hindi na siya nag-usisa sa kanila.“Hindi ko po alam, Sir pero may sumundo nga po sa kanilang sasakyan at base sa hitsura nilang mag-ina okay naman po sila.” Ikinataranta pa iyon ni Gavin. Sinong susundong ibang tao sa asawa nang hindi niya alam? Mabilis niyang d-nial ang numero ng kanyang mga magulang, nagbabakasakali na mayroon silang kinalaman sa pag-alis ng mga ito ng madaling araw. Baka sila naman ang may gawa noon at hindi lang nabanggit. Nanlumo pang lalo si Gavin nang walang sumagot ng tawag niya. Malamang tulog pa sila sa mansion. Masyado pang maaga iyon.“Pwede ko bang mapanood ang CCTV footage? Kahit dito lang banda sa may guard house. Huwag kang mag-alala. M
NAIS SANA NI Bethany na salungatin ang sinabi ng Ginang, dahil paniguradong magiging busy iyon si Gavin kay Nancy. Ayaw niya noon? Mas may oras na siya na bantayan ang babae na mamamatay. Hindi siya naniniwala doon. Para sa kanya ang masamang damo ay matagal mamatay. Mahirap na puksain. Gayon pa man ay mas pinili na lang niyang itikom ang kanyang bibig at pabayaan na lang sila ngayon. “Lalo pa at buntis ka sa panganay niyong anak, hija. Sana maisip mo iyon. Doble ang pag-aalala nila. Baka nga pati ang mga biyenan mo ay hindi na rin makatulog nang maayos sa mga gabimng nagdaan. Punto ko lang naman iyon, Bethany. Huwag mo sanang masamain. Iniisip ko lang ang mga posibilidad na maaaring mangyari habang wala tayo sa bansa. Pagnilayan mong mabuti ito, hija. Huwag mo silang pahirapan pa.”Nag-deactivate silang dalawa ng lahat ng social media account na gamit nila. Hiniling iyon ni Bethany sa madrasta na pinagbigyan naman niya. Bago lumipad ay masinsinang kinausap din ni Bethany ang isa sa
MARAHANG NAIGALAW NI Bethany ang kanyang ulo upang sabihin na huwag na itong alalahanin pa ni Maverick. Naisip na niya iyon habang patungo sila sa unit nito kanina. Batid niyang magfu-function pa rin naman ang music center kahit na nasa malayo siya, ang tanging problema niya lang ay wala siyang mapagkakatiwalaang tao na kung saan ay pwede niyang iwanan ang pangangalaga dito. Iba sana kung naroon pa rin si Miss Gen, kaso ay nasa Switzerland na ito. Umiling siya kapagdaka habang nakatitig pa rin sa kanya si Maverick na tinitimbang pa rin kung ano ba talaga ang tunay na sitwasyon. Saka na niya iisipin iyon oras na makalabas na sila ng bansa. Doon pa lang siya mapapanatag at makakapag-isip ng tama para sa music center na ito. Pasasaan ba at makakahanap siya ng paraan kung ano ang kailangan niyang gawin.“Ilang araw na lang at babalik na ako ng Australia.” sambit pa ni Maverick, baka kasi iniisip ng kaharap niya na pwede niyang matulungan ang babae dahil may investment shares din naman siy
SA GABI NG araw na iyon ay nagawang ma-settle ni Bethany ang lahat ng kanyang mga kinakailangan upang makaalis ng bansa gaya ng kanyang nais. Tinawagan niya si Maverick ang dati niyang kaklase na nagulat sa biglaan niya ditong pagkontak. Ito ang pinili niyang kausapin tungkol doon dahil ito ang may malayong kaugnayan sa asawa niyang si Gavin at malabong magsumbong sa abogado. Ang nauna niyang naisip na hingan ng pabor sana ay si Patrick dahil hindi ito mahirap lapitan, ngunit nagdalawang-isip si Bethany dahil anuman ang mangyari ay kaibigan pa rin naman ito ni Gavin. Mabuti na iyong nag-iingat keysa naman mabulilyaso ang gagawin niyang paglayo muna. Hindi niya na rin iyon ipinaalam pa sa kaibigang si Rina, masyado itong madaldal na baka kapag tinanong ni Gavin ay agad na ditong umamin. Siya lang, ang madrasta at si Maverick ang tanging makakaalam ng planong ginusto niyang gawin muna.“Napatawag ka, Miss Guzman?” maingat ang tono na tanong nito na walang kaalam-alam sa mga naging kagan