MABILIS NA NIYAKAP siya ni Bethany upang takpan ang bibig nang marinig niya ang karugtong na sasabihin niya. Napangisi na si Gavin na kalaunan ay humalakhak ng malakas. Bigla siyang na-excited. Ngayon lang din kasi sila ng asawa niya nakapag-usap ng mga pinagdaanan nila lalo na kung paano sila unang nagkita. Nakita niyang ang sandaling iyon ay ayaw palang balikan na ng asawa. Tinanggal ni Gavin ang pagkakatakip ng palad ni Bethany sa bibig niya. Naroroon pa rin ang multo ng ngisi sa labi. Pinanliitan niya ng mga mata si Bethany na namumula na ang mukha.“Mrs. Dankworth, bakit ayaw mong balikan ang gabing iyon? Hmm? Aminin mo, na-love at first sight ka ba sa akin noon?” Dumuwal si Bethany na hindi niya naman sinasadya. Ikinalaki iyon ng mga mata ni Gavin na parang nasaling ang ego. Nakalimutan na buntis nga pala ang asawang kausap niya kung kaya possible na maduwal talaga ito anumang oras.“Ah, nakakasuka pala ang gabing iyon kaya pala niyakap mo ako nang mahigpit tapos—” “Napagkama
TINALIKURAN NA SIYA ni Bethany na nagtalukbong na ng kumot at mas lumakas pa ang iyak. Napakamot na lang si Gavin sa kanyang ulo nang dahil sa inasal ng asawa. Napahawak na ang isang kamay sa beywang at napatingala sa kisame na para bang kinakausap ang sarili na habaan pa ang pasensya sa naglilihing asawa para hindi sila mag-away. Pinanindigan nga ni Bethany ang sinabi kung kaya naman ang ending pareho silang puyat magdamag. Kaya rin magmula noon ang lahat ng hilingin ng asawa ay walang pag-aalinlangang binibigay ni Gavin kahit na ano pa iyon. Ayaw niya ng maulit iyong nangyari noon dahil sobrang puyat na puyat siya at ang sikip din ng kanyang dibdib noon.“Oo nga, naku kunsumisyon na kunsumisyon tayo sa kanya noon.” natatawang sang-ayon ni Victoria sa manugang na naalala na rin ang gabing iyon, kinuwento kasi ni Gavin sa agahan ang nangyari na kahit na hindi ikwento naririnig ito ni Victoria na umiiyak. “Ibigay na lang natin ang hilig at nais nang hindi maligalig. Ganyan talaga hijo
NANG SUMAPIT ANG weekend ay nagtungo na sila ng mansion ng mga Dankworth upang paunlakan ang hiling ng ina ni Gavin na magtungo sila doon na itinaong weekend para narito ang lahat ng kapamilya. Ang buong akala ni Gavin ay magiging smooth na ang biyahe nila patungo ng mansion, ngunit bago nila sapitin ang gate noon ay pinatigil ni Bethany ang sasakyan sa gilid ng kalsada na ang tinutumbok ay ang mansion na nila. Blangko niyang sinundan ng tingin ang asawa na nagkukumahog na bumaba ng sasakyan na parang may tinatanaw. Tiningnan niya ang biyenan sa likod na bahagi ng sasakyan na nagtataka rin.“Thanie? Ano bang problema?” Hindi siya pinansin ni Bethany na may tinatanaw sa kabilang bakod na pader na naghihiwalay sa kalsada at property sa loob noon. Bumaba na si Gavin ng sasakyan nang hindi pa rin siya sagutin ng asawa na animo walang naririnig sa mga tawag niya.“Mrs. Dankworth—” “Gavin, tingnan mo. Ang daming hinog na bayabas. Gusto ko noon!” kumikinang ang mga matang turo ni Bethany s
NAKAANI NG MALAKAS na tawanan mula sa pamilya ni Gavin nang ikwento ni Bethany kung paano sila na-late ng ilang minuto sa usapan dahil nanguha sila ng bayabas na nadaanan. Proud niya pang inilahad kung paano umakyat doon ang asawa na panay lang ang banta sa kanya ng matatalim na mga tingin na tumigil na siya. Tapos na silang kumain ng lunch at nasa sala na sila. Ginawa niyang panghimagas ang bayabas na ang laman at balat lang naman ang kinakain niya. Binigay niya sa katabing si Briel ang buto noon na walang arteng kinain at hindi tinanggihan ng hipag.“Ginawa ko lang naman po iyon kasi gusto ng baby. Inutusan niya lang ako. Binigyan ng sign na iyon ang gusto niya.” pa-demure pa na pagmamalinis ni Bethany na tuwang-tuwa sa reaction ni Gavin na halatang pissed off na sa kanyang kadaldalan, sa mga tingin nito sa kanya ay parang sinasabi na bakit kailangan pang ikuwento? “Pakiramdam ko hindi po talaga ako makakatulog nang maayos ng ilang gabi oras na hindi ako makahingi ng bayabas at hi
ITO ANG DAHILAN ni Gavin kung bakit ayaw niyang buksan ang usapin sa asawa tungkol doon. Malamang hindi papayag si Bethany dahil ngayon pa lang ay hindi na maipinta ang mukha niya. Ayaw nitong sa bahay lang siya. Gusto niya ang ginagawa niya na pag-aasikaso sa kanyang pangarap na music center. Ayaw din naman ni Gavin na pilitin si Bethany na mamalagi sa mansion dahil sa kagustuhan lang ng ina niya. Saka malamang ay mahihiya itong tanggihan o suwayin ang kagustuhan at kahilingan ng biyenan niya kapag nagkagipitan upang paluguran lang si Mrs. Dankworth.“Hayaan mo po muna naming pag-usapan ng asawa ko ang tungkol dito. Hintayin niyo na lang ang desisyon namin.”“Oo nga naman, hayaan mo sila kung saan nila gustong manirahan.” sabat na ng ama nina Gavin na napansin na ang disgusto sa mata ng kanilang manugang na bagama’t nakangiti ay halatang peke ito na hindi umabot sa mata niya. “Oh, okay. I am just suggesting lang naman.” ani Mrs. Dankworth na hilaw pang nagbigay ng ngiti, “Sorry, mas
KULANG NA LANG ay umikot ang mga mata ni Bethany sa tinuran ng biyenan na sa tono ng pananalita ay halatang pinipilit siyang gawin ang bagay na ayaw naman niya. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Lihim na nasasakal na siya dito kahit pa alam niyang ginagawa lang naman nila ang bagay na iyon para sa kanilang apo at concern lang sa kanya. Gayunpaman ay hindi siya tahasang nagreklamo, nanatiling tikom ang bibig niya bilang respeto na lang sa pamilya ng kanyang asawa. Dalawang palad na lang niya iyong tinanggap kahit pa medyo mabigat na sa kalooban niya ang namumuong inis sa kakulitan nila. Mawawala lang siya sa mood oras na maglabas siya ng saloobin at baka pa ikasama iyon ng loob ng kanyang biyenan. Naulit pa iyon ng mga sumunod na araw na tumagal ng buong Linggo na kalaunan ay nakasanayan na rin niya. Straight nilang binibisita araw-araw si Bethany sa music center na para bang hindi mapapakali ang mag-ina oras na hindi nila makita ang babae. Hinayaan lang naman sila ni Bethan
MALAKAS NA PUMALAHAW ng iyak si Nancy nang hindi sagutin ng kanyang ama ang tanong niya. Ibang-iba na rin ang paraan ng mga tingin nito sa kanya na hindi niya maarok. Tipong parang walang pakialam. Pakiramdam niya ay hindi na siya mahalaga o ang kahit na anong pinagsasabi niya. Gulatang na salit-salitang napatingin naman si Estellita sa kanyang mag-ama. Nakabalatay na ang awa sa anak. Iyon din ang naging dahilan upang lumabas ng silid ang Ginang para tumawag na ng doctor na biglang nataranta sa naging reaction ni Nancy sa pagdating ng ama. Naiwan si Mr. Conley ay Nancy sa loob ng kanyang silid. “Nancy, kalma...” “Kasalanan ng Bethany na iyon kung bakit mas lumala pa ang sakit ko, Daddy!” may diin na sumbong nito ng paninisi na para bang ito ang nagbigay ng sakit sa kanya at dahilan kung bakit siya nakaratay dito. “It’s her fault! Kung hindi siya dito sumugod, kung hindi siya pumunta at nagwawala, hindi naman lalala—” Humigpit pa nang humigpit ang yakap ni Mr. Conley sa manipis niya
DALA NG MALALANG frustration at matinding gulat sa mga narinig ay muling nagwala doon si Nancy na itinutulak na ang ama palayo sa kanya habang malakas na humahagulgol ng iyak. Kamuntikan na nitong mabunot ang karayom na naman ng dextrose na nakabaon sa isa niyang kamay. Hustong dating naman ni Estellita sa silid na kasunod na ang doctor kaya nakita ang tagpong iyon. Tinabig niya palayo si Mr. Conley malapit sa kama ni Nancy na sa mga sandaling iyon ay patuloy pa ‘ring nagwawala habang galit na galit. Niyakap niya si Nancy na nang makita ang ina ay mas lalo pang umatungal ng iyak at kaawa-awa. “Ano ka ba naman Drino? Anong ginagawa mo sa anak natin?!” gamit ang nanlilisik na mga mata ay malakas na sigaw niya. Nilingon na siya ni Mr. Conley.“Wala akong masamang ginagawa—”“Alam mong kakagising lang niya mula sa coma tapos sinasaktan mo agad ang damdamin niya! Ano ba naman Drino? Wala ka bang pakiramdam? Nagbabawi pa ang katawan ng anak mo! Hindi mo ba nakikitang ang hina niya pa?!” p
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili
HUSTONG PAGPASOK NI Briel sa immigration ay siya namang tayo ni Giovanni upang pumasok na sa eroplano. Muntik ng ma-late si Briel sa flight nang dahil sa kaibigan niyang napakaraming tanong na kinailangan niya pang sagutin kahit na pasakay na siya sa loob ng sasakyang gagamitin niya papuntang airport. Deretso na sa pila agad ang babae papasok ng eroplano. Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya namalayan pa na ilang pasahero lang ang pagitan nilang dalawa ni Giovanni na hindi sinasadyang nagkasabay ang pag-uwi nila ng bansa. Paupo na sana si Briel nang mapansin niya sa gilid na bahagi ng kanyang mga mata ang bulto na ang pares ng mga mata ay matamang nakatingin sa kanya. Damang-dama niya ang init noon. Nang lingunin niya naman ito ay saktong dumaan ang ibang pasahero kaya natakpan nila ang bulto ni Giovanni na tulala na naman at hindi makapaniwalang nakikita niya si Briel sa harap. Ganunpaman pa man ay ipinagkibit na lang iyon ni Giovanni ng balikat at naupo na sa designated niya
TUMAGAL PA ANG tingin ni Giovanni sa mukha ni Briel na para bang hinahanap niya kung totoo ba ang sinasabi nito. Ganundin ang babae na ilang sandali lang na ginawa iyon at nag-iwas na ng kanyang tingin. Sinundan ni Giovanni ng tingin ang galaw nito na kumuha na ng tisyu upang ilagay lang iyon sa kanyang isang kamay. Umawang ang bibig ni Giovanni upang magbigay ng kanyang reaction, ngunit hindi niya nagawang pakawalan kung ano iyon. Nagawa na lang makatayo ni Briel mula sa kanyang inuupuan at walang lingon sa likod na siyang iniwan ay nanatili pa rin si Giovanni na tahimik na nakatitig sa mukha ng babae na animo ay tulala. Sinundan nito ang likod noon na tuloy-tuloy ang hakbang papalayo sa kanyang table. Dumating ang order ni Briel na salad para sa kanya na hindi ni Giovanni pinag-ukulan ng pansin. Hanggang sa makalabas ay pinanood niya lang itong sumakay ng taxi at hindi niya man lang hinabol gaya ng unang pumasok sa kanyang isipan. Ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang pakilosi
NAMUMUO NA ANG mga luhang napaangat na ang paningin ni Giovanni kay Briel na hindi na inaalis ang paningin sa kanya na gaya ng ginagawa nito kaninang panay ang iwas ng kanyang mga mata. Pigil na ng lalaki ang hinga dahil pakiramdam niya ay hindi na niya makakayanan na hindi pumatak ang mga luha sa harap ng babaeng mahal niya. Sa kabila ng pasakit na nagawa niya na alam niyang nasaktan niya ng labis si Briel, heto at pilit pa rin siya nitong iniintindi kahit na alam niyang sa part nito ay ang sakit na ng mga nagawa niya. Lumambot na ang mukha nito kumpara kanina na nagmamatigas na ayaw makipag-usap sa kanya at hindi niya alam kung anong gayuma ang nagawa na naman niya o marahil ay sobrang mahal pa rin siya ng isang Gabriella Dankworth kung kaya puno na naman ito ng pag-intindi..“Walang may kontrol, Giovanni, naiintindihan mo?” mas malumanay din ang boses ng mga sandaling iyon ni Briel na sa pakiramdam ni Giovanni ay mas lalo siyang nilalamon ng konsensya dahil puro pasakit ang naging
TUTAL AY NAROON na rin naman na si Briel sa sitwasyong iyon ay pinagbigyan na lang niya ang lalaking gawin ang gusto nitong pakikipag-usap umano kahit pa malaki ang duda niya sa kanya. Papakinggan na lang niya ang kung anong gusto nitong sabihin saka siya magre-react. Memoryado na niya ang kanyang isasagot kay Giovanni. Kahit anong gawin nitong luhod, hindi na siya muli pang magpapaalipin sa pag-ibig niya dito. Ilang beses na siya nitong binigo. Muli ba niyang hahay saktan at gamitin lang siya nito? Syempre hindi.“Fine, pero ayoko sa loob ng isang silid na tayong dalawa lang ang naroroon. Ayokong ihahain mo sa akin ang katawan mo na alam mong hindi ko magagawang tanggihan dahil marupok ako pagdating sa'yo. Hindi mo iyon pwedeng gawin sa akin, naiintindihan mo? Doon tayo sa isa sa public places or cafe.” Nahagip ng gilid ng mga mata ni Briel ang ginawang pag-angat ng gilid na labi ni Giovanni na halatang nahulaan niya agad ang pina-plano. Ibahin na siya ng lalaki ngayon. Hindi na siy
HINDI RIN NAGING lihim sa kaalaman ng mga tauhan ni Giovanni ang mga pangyayari sa pagitan nila ni Briel na tila bukas na libro iyon sa kanilang harapan, kung kaya naman hindi na niya sinaway pa ang tauhan sa ginagawa nitong pangingialam sa desisyon niya kahit na medyo napipikon siya. Kung tutuusin ay mayroon naman talaga itong malaking punto. Papayag ba siyang ganun na lang ang mangyari sa kanila ng babae? Matagal-tagal ng panahon na hindi sila nagkikita ni Briel. Ibig niyang sabihin ay siya lang ang nakatanaw sa malayo. Iba pa rin iyong nakakapag-usap sila. Anim na buwan na sa kanyang pakiramdam ay taon na ang lumipas at matuling dumaan. Laking pasalamat niya nga na nagawa niyang makaya iyon. Alam man niya kung nasaan ito, ganunpaman ay hindi naman nila nakuhang mag-usap sa nagdaang kalahating taong iyon kahit na madalas niyang pagmasdan ito sa malayuan. Lalo pa ngayon na binigyan siya ng mas malaking dahilan upang maghabol at tuluyang makipag-ayos dito. Kailangan niyang muling maku
MULI PANG UMATRAS ng ilang hakbang si Briel. Ngayon pa lang ay sobrang nasasaktan na siya. Sa halip na matuwa at magdiwang ang loob niya sa kanyang nalaman ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng pagdaramdam. Dapat masaya siya dahil nalaman niyang ito pala ang naka-una sa kanya at hindi iba gaya ng iniisip niya, ngunit naging iba ang takbo ng isip niya sa mga nangyari nitong nakaraang buwan. Bagama’t nagawa ni Giovanni na maamin na siya ang babae sa buhay nito na alam na ng maraming tao. Hindi pa rin si Briel natutuwa. Nakukulangan siya sa effort at nananatiling masama pa rin ang loob niya kay Giovanni Bianchi. Hindi nabawasan iyon ng katotohanang nalaman niya.“Ito rin ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako magawang pakasalan? Dahil sa babaeng virgin na naka-one night stand mo habang nag-attend ka ng masked party na ito?” puno ng hinanakit ang boses ni Briel na pilit na pinipigil na pumiyok ang boses at pumatak ang mga luha, alam niyang siya naman din iyon pero hindi niya mapigilan
GULONG-GULO ANG ISIPAN ni Briel nang sabihin iyon ni Giovanni na mahigpit na mahigpit na nakayakap pa rin sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng litanyang binitawan nito. Siya? Hinanap nito? Bakit? Ibig ba nitong sabihin ay noong nawala siya sa bansa? Hinanap niya silang dalawa ni Brian? Imposible naman na hindi nito sila makita ni Brian sa loob ng anim na buwan. Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang ibig nitong ipahiwatig. Saka, alam naman ng kanyang hipag na si Bethany kung nasaan silang mag-ina. Ginawan ba ng kanyang pamilya na huwag siyang mahanap ng dating Gobernador? Ang dami niyang mga katanungan ngunit ni isa ay hindi niya ito mabigkas upang mabigyan ni Giovanni ng tamang kasagutan. Parang naumid na ang kanyang dila sa loob ng kanyang bibig ng oras na ito.“Ikaw pala iyon, ikaw pala…” patuloy ni Giovanni na hindi na napigigilan na bumagsak na ang mga luha sa labis na saya. Gustong mag-umalpas ni Briel. Nais niyang itulak papalayo ang katawan nito
KULANG NA LANG ay sagasaan at banggain ni Giovanni ang mga naroon upang makarating lang sa banda na sinabi ng mga tauhan niyang kausap. Hindi na siya makakapayag pa na muling mawala sa paningin niya ang babae at malaman kung sino ang babaeng nasa likod ng maskarang iyon. Samantala, kabado na pinili ni Briel na lumabas na lang ng area dahil kanina pa niya napapansin ang bulto ng isang lalaking titig na titig sa kanya na para bang may plano itong makipagkilala. Napansin niya ang mabagal nitong paglapit kanina sa kanya at maging ang matagal nitong pagtitig. Mabuti na lang at nakakuha siya ng pagkakataong makatakas dito nang yumuko ito saglit. Maiintindihan niya pa ito kung pamilyar ang suot na maskara, pero hindi naman. Hindi siya nagtungo sa party upang maghanap ng ibang lalaki na aangkin sa kanya, nagtungo siya doon upang mag-enjoy sa alak. Inalis na niya sa kanyang isipan ang makakilala ng lalaki ng maisip ang anak niyang si Brian. Marapat lang na magbagong buhay na siya. Saka, may Gi