TUMAGAL NANG HALOS ilang oras ang kanilang bakbakan kung kaya naman nang matapos ay kapwa wala silang lakas, nanlilimahid sa pawis ang buong katawan at hingal na hingal na magkatabi silang bumagsak sa ibabaw ng kamang mainit at kahindik-hindik na pinaglabanan ng walang saplot nilang mga katawan kanina. Tumagilid si Gavin kay Bethany at nakangising yumakap sa kanyang katawan. Ipinikit nito ang kanyang mga matang isa’t-isa ang hinga.“Nakakapagod magbigay ng reward.” bulong ng binatang naka-ani ng mga pinong kurot mula kay Bethany na namumula ang leeg sa dami ng mapupulang marka na inilagay ni Gavin sa kanya, “Pero sulit ang dalawang linggo.”Humarap na kay Gavin si Bethany at yumakap. Walang hiya pa nitong itinanday ang kanyang isang hita. “Ang sakit noon ah.” “Masakit ba talaga? Hindi masarap?” panunukso ni Gavin na mabilis siyang ninakaw ng halik sa labi. “Masakit na masarap, parang mahahati ang balakang ko sa dalawa.” Mahinang humagikhik lang si Gavin. “Thanie, gutom na ako. Sa
NANG HINDI PA rin sumagot si Bethany ay lumipat na si Gavin sa kabilang banda kung saan nakita niyang namumula na ang mga mata nito habang mariing nakatikom ang kanyang bibig. Natataranta ng napabangon ang binata at pilit na pinabangon si Bethany nang makita niyang humihikbi ito kasabay ng pagbagsak ng ilang butil ng kanyang mga luha. “Hey, Thanie? Bakit ka umiiyak? Para iyon lang? Dahil ba hindi pa alam ng family ko na okay na tayo?” sunod-sunod niyang tanong na hindi malaman kung matatawa ba o ano sa hitsura at ragasa ng emosyon ng kanyang kasintahan. “Baby? Ang simpleng bagay noon. Hindi mo kailangang iyakan. Damn it, Thanie! Para ka namang bata diyan…” nilakipan pa iyon ng abogado ng mahinang pagtawa upang ipakitang nakakatawa ang kanyang hitsura ngayon. “Bitawan mo ako!” palo niya sa braso ni Gavin at hinila ang kumot patakip ng buo niyang katawan, “Nakakainis ka!” “Baby? You are acting weird. Para iyon lang? Iiyakan mo? Napaka-raw naman ng buhos ng emotion mo, Thanie…”Inipit
KWELANG SINAGOT AT sinakyan sila ni Gavin kahit na anong awat sa kanya ni Bethany. Halatang proud na proud ang abogadong pag-usapan nila ang bagay na iyon sa harap ng pulang-pula na sa kilig na fiancee. “Soon, i-surprise announcement na lang namin sa inyo kung kailan.”“Wow, congratulation’s na kaagad sa inyo ni Miss Guzman, Attorney Dankworth!” “Salamat, invited kayong lahat. Hindi niyo pwedeng palampasin ang pakikipag-isang dibdib ng amo niyo sa pinaka-gwapo at pinaka-matalinong abogado sa buong bansa.” Umikot na sa ere ang mga mata ni Bethany na hindi nakaligtas sa mga mata ni Gavin. Talagang pumasok pa sa loob ng music center ang binata kahit na sinabi ni Bethany na sa parking na lang siya at lalabas na rin naman siya. Hindi nakinig ang binata na nakita na lang niyang nakapasok na sa pintuan. May bouquet pa itong dala kung kaya naman hindi na mapigilan ang iritan ng mga employee ng music center na ang karamihan ay mga babae. Hindi na tuloy napigilan pa ni Bethany na mamula. Ida
NAGPALINGA-LINGA SA PALIGID nila si Gavin na may nahihiyang mukha habang panay ang abot ng yakap niyang tisyu sa nobya na nakaupo pa rin. Tipong wala pa itong planong tumayo mula sa kanilang kinauupuan kahit na nag-aalisan na ang mga kasabayan nilang nanood ng movie. Tapos na ang palabas, at base sa reaction ng ng dalaga ay sobra itong na-touch sa naging ending ng movie. Naiintindihan naman ni Gavin iyon dahil hindi lang naman ito ang umiyak, marami sa mga nanood pero naka-move on naman agad. Ang hindi niya maintindihan ay ang nobya na sobrang affected pa rin na animo siya iyong bida. Isa pa, happy ending naman iyon kaya walang nakakaiyak para sa kanya. Isa pa ito sa hindi niya maintindihan.“Thanie, ano bang nakakaiyak? Happy ending naman siya di ba? They live happily ever after pagkatapos ng mga pinagdaanan.”maamo ang tinig na tanong ni Gavin na bahagyang hinagod ang likod nito.Nag-angat na ng mukha niya si Bethany. Napilitan si Gavin na tulungan ito sa baha ng mga luha sa kanyang
HALOS MAPABUNGHALIT NA ng tawa si Gavin nang muli niyang ilingon ang mukha sa may passenger seat ng kanyang sasakyan. Sa mga tingin ni Bethany ay animo papatayin na siya nito o lalamunin nang buo. Puno iyon ng pagbabanta na panay ang irap sa kanya. Nakahalukipkip pa ang dalaga upang ipakita na hindi siya natutuwa. Naiipit kasi sila ngayon sa matinding traffic na lingid sa kaalaman nila ay may aksidente sa bandang unahan kung kaya naman usad pagong sila. “Wala na, nilamon na ng malalaking bituka ko iyong maliliit. Gutom na gutom na ako!”“Thanie? Patience please? Wala namang may gusto na maipit tayo sa traffic—”“Bakit hindi mo sinabi sa aking malayo pala? Sana naghanap na lang ako ng ibang resto na mas malapit!” reklamo nitong parang kasalanan ni Gavin ang mga nangyari, “Sinadya mo bang hindi sabihin sa akin ha?”“Baby, anong sinadya?” gagap niya sa isang kamay ng dalaga ngunit matigas ito at ayaw ipahawak iyon sa kanya, “Hindi mo kasi ako pintapos na magsalita kanina. Hinila mo ako
ILANG ARAW BAGO matapos ang taong iyon nang magkaroon ng year end banquet ang music center nina Bethany sa hiling na rin ng mga employee at ng mga kasalukuyang investors nito. Si Miss Gen ang nag-asikaso ng lahat ng mga kailangan noon at dadaluhan na lang iyon ng dalaga. Ilan sa mga bisita ay mga kilalang negosyante na pilit kinukuha ni Miss Gen ang atensyon para maging investors ng center. Hindi naman sobrang rangya ng naturang party. Banquet style lang iyon at mayroong oras din hanggang kailan.“Sigurado ka na ayaw mong sumama sa banquet ng music center, Gavin? As my fiancé welcome kang dumalo at makisalamuha. Sumama ka na. Huwag ka ng mahiya. Hindi rin naman matagal iyon.”Pang-ilang aya na iyon ni Bethany sa nobyo. Syempre proud siya na i-display ang binata bilang fiancé niya at iyabang sa mga naroroon kung sasama ito. Hindi na lang kasi basta boyfriend niya ang abogado, soon to be husband niya na rin ito. Sino bang babae ang hindi mapa-proud doon? Nabingwit niya ang binata.“Hind
SINUNOD NI BETHANY ang guidelines na sinabi ni Gavin sa kanya na kailangan niyang gawin kapag nasa banquet na. Pagdating niya sa venue ay tama nga ang hula niyang karamihan sa mga bisita ay nakakainom na at busog na. Kumain muna siya, nakipagbatian sa iilang mga kakilala na nasa party, usap-usap ng kaunti sa mga naroon na binabati siya. Nagpahaging na rin siya kay Miss Gen na hindi magtatagal kasi hinihintay siya ni Gavin dahil may lakad umano sila.“Bakit hindi mo pinapasok dito? Ikaw talaga, sana man lang inimbitahan mo siya dito sa loob, hija.”“I did, Miss Gen.” agad na paghuhugas ng kamay ni Bethany, “Ayaw talaga niya. Kilala mo naman iyon. Baka mang agaw-eksena lang daw siya kaya hindi na lang daw siya papasok. Feeling artista kasi ang isang iyon. Pagkakaguluhan.”Nailing na lang si Miss Gen sa biro niya na agad naman siyang pinayagan. Aniya ay kaya niya na ang mag-estima ng mga bisita. Palabas na si Bethany ng banyo nang makasalubong niya ang kaibigang si Rina na nakalimutan ni
WALANG PALIGOY-LIGOY NA ibinigay ni Rina ang cellphone niya kay Bethany. Tinawagan naman ng dalaga si Ramir gamit ang cellphone. Ang buong akala ni Ramir ay ang babae iyon kung kaya naman naging casual na siya doon. “Nasaan ka na? Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo?” “Si Bethany ito, Ramir.” “Oh? Bethany, bakit nasa sa’yo ang cellphone ni Rina? Nasaan siya?” “Nandito sa banyo. Hindi na makalakad ng maayos si Rina. Pwede bang pakisundo na siya dito ngayon?” “Sige. Papunta na ako diyan.” Hindi nagtagal ay dumating na si Ramir sa pintuan ng women bathroom. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Bethany nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya na nitong kinuha ang braso ni Rina upang iakbay sa balikat niya. “Ang ganda mo ngayon ah? Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si River sa’yo.” Biglang hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Bethany. Hindi niya gustong banggitin pa nito ang lalaki. “Pasensya na Ramir, pero wala na akong kaugnayan sa pinsan mo—”“Alam ko
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili
HUSTONG PAGPASOK NI Briel sa immigration ay siya namang tayo ni Giovanni upang pumasok na sa eroplano. Muntik ng ma-late si Briel sa flight nang dahil sa kaibigan niyang napakaraming tanong na kinailangan niya pang sagutin kahit na pasakay na siya sa loob ng sasakyang gagamitin niya papuntang airport. Deretso na sa pila agad ang babae papasok ng eroplano. Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya namalayan pa na ilang pasahero lang ang pagitan nilang dalawa ni Giovanni na hindi sinasadyang nagkasabay ang pag-uwi nila ng bansa. Paupo na sana si Briel nang mapansin niya sa gilid na bahagi ng kanyang mga mata ang bulto na ang pares ng mga mata ay matamang nakatingin sa kanya. Damang-dama niya ang init noon. Nang lingunin niya naman ito ay saktong dumaan ang ibang pasahero kaya natakpan nila ang bulto ni Giovanni na tulala na naman at hindi makapaniwalang nakikita niya si Briel sa harap. Ganunpaman pa man ay ipinagkibit na lang iyon ni Giovanni ng balikat at naupo na sa designated niya
TUMAGAL PA ANG tingin ni Giovanni sa mukha ni Briel na para bang hinahanap niya kung totoo ba ang sinasabi nito. Ganundin ang babae na ilang sandali lang na ginawa iyon at nag-iwas na ng kanyang tingin. Sinundan ni Giovanni ng tingin ang galaw nito na kumuha na ng tisyu upang ilagay lang iyon sa kanyang isang kamay. Umawang ang bibig ni Giovanni upang magbigay ng kanyang reaction, ngunit hindi niya nagawang pakawalan kung ano iyon. Nagawa na lang makatayo ni Briel mula sa kanyang inuupuan at walang lingon sa likod na siyang iniwan ay nanatili pa rin si Giovanni na tahimik na nakatitig sa mukha ng babae na animo ay tulala. Sinundan nito ang likod noon na tuloy-tuloy ang hakbang papalayo sa kanyang table. Dumating ang order ni Briel na salad para sa kanya na hindi ni Giovanni pinag-ukulan ng pansin. Hanggang sa makalabas ay pinanood niya lang itong sumakay ng taxi at hindi niya man lang hinabol gaya ng unang pumasok sa kanyang isipan. Ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang pakilosi
NAMUMUO NA ANG mga luhang napaangat na ang paningin ni Giovanni kay Briel na hindi na inaalis ang paningin sa kanya na gaya ng ginagawa nito kaninang panay ang iwas ng kanyang mga mata. Pigil na ng lalaki ang hinga dahil pakiramdam niya ay hindi na niya makakayanan na hindi pumatak ang mga luha sa harap ng babaeng mahal niya. Sa kabila ng pasakit na nagawa niya na alam niyang nasaktan niya ng labis si Briel, heto at pilit pa rin siya nitong iniintindi kahit na alam niyang sa part nito ay ang sakit na ng mga nagawa niya. Lumambot na ang mukha nito kumpara kanina na nagmamatigas na ayaw makipag-usap sa kanya at hindi niya alam kung anong gayuma ang nagawa na naman niya o marahil ay sobrang mahal pa rin siya ng isang Gabriella Dankworth kung kaya puno na naman ito ng pag-intindi..“Walang may kontrol, Giovanni, naiintindihan mo?” mas malumanay din ang boses ng mga sandaling iyon ni Briel na sa pakiramdam ni Giovanni ay mas lalo siyang nilalamon ng konsensya dahil puro pasakit ang naging
TUTAL AY NAROON na rin naman na si Briel sa sitwasyong iyon ay pinagbigyan na lang niya ang lalaking gawin ang gusto nitong pakikipag-usap umano kahit pa malaki ang duda niya sa kanya. Papakinggan na lang niya ang kung anong gusto nitong sabihin saka siya magre-react. Memoryado na niya ang kanyang isasagot kay Giovanni. Kahit anong gawin nitong luhod, hindi na siya muli pang magpapaalipin sa pag-ibig niya dito. Ilang beses na siya nitong binigo. Muli ba niyang hahay saktan at gamitin lang siya nito? Syempre hindi.“Fine, pero ayoko sa loob ng isang silid na tayong dalawa lang ang naroroon. Ayokong ihahain mo sa akin ang katawan mo na alam mong hindi ko magagawang tanggihan dahil marupok ako pagdating sa'yo. Hindi mo iyon pwedeng gawin sa akin, naiintindihan mo? Doon tayo sa isa sa public places or cafe.” Nahagip ng gilid ng mga mata ni Briel ang ginawang pag-angat ng gilid na labi ni Giovanni na halatang nahulaan niya agad ang pina-plano. Ibahin na siya ng lalaki ngayon. Hindi na siy
HINDI RIN NAGING lihim sa kaalaman ng mga tauhan ni Giovanni ang mga pangyayari sa pagitan nila ni Briel na tila bukas na libro iyon sa kanilang harapan, kung kaya naman hindi na niya sinaway pa ang tauhan sa ginagawa nitong pangingialam sa desisyon niya kahit na medyo napipikon siya. Kung tutuusin ay mayroon naman talaga itong malaking punto. Papayag ba siyang ganun na lang ang mangyari sa kanila ng babae? Matagal-tagal ng panahon na hindi sila nagkikita ni Briel. Ibig niyang sabihin ay siya lang ang nakatanaw sa malayo. Iba pa rin iyong nakakapag-usap sila. Anim na buwan na sa kanyang pakiramdam ay taon na ang lumipas at matuling dumaan. Laking pasalamat niya nga na nagawa niyang makaya iyon. Alam man niya kung nasaan ito, ganunpaman ay hindi naman nila nakuhang mag-usap sa nagdaang kalahating taong iyon kahit na madalas niyang pagmasdan ito sa malayuan. Lalo pa ngayon na binigyan siya ng mas malaking dahilan upang maghabol at tuluyang makipag-ayos dito. Kailangan niyang muling maku
MULI PANG UMATRAS ng ilang hakbang si Briel. Ngayon pa lang ay sobrang nasasaktan na siya. Sa halip na matuwa at magdiwang ang loob niya sa kanyang nalaman ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng pagdaramdam. Dapat masaya siya dahil nalaman niyang ito pala ang naka-una sa kanya at hindi iba gaya ng iniisip niya, ngunit naging iba ang takbo ng isip niya sa mga nangyari nitong nakaraang buwan. Bagama’t nagawa ni Giovanni na maamin na siya ang babae sa buhay nito na alam na ng maraming tao. Hindi pa rin si Briel natutuwa. Nakukulangan siya sa effort at nananatiling masama pa rin ang loob niya kay Giovanni Bianchi. Hindi nabawasan iyon ng katotohanang nalaman niya.“Ito rin ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako magawang pakasalan? Dahil sa babaeng virgin na naka-one night stand mo habang nag-attend ka ng masked party na ito?” puno ng hinanakit ang boses ni Briel na pilit na pinipigil na pumiyok ang boses at pumatak ang mga luha, alam niyang siya naman din iyon pero hindi niya mapigilan
GULONG-GULO ANG ISIPAN ni Briel nang sabihin iyon ni Giovanni na mahigpit na mahigpit na nakayakap pa rin sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng litanyang binitawan nito. Siya? Hinanap nito? Bakit? Ibig ba nitong sabihin ay noong nawala siya sa bansa? Hinanap niya silang dalawa ni Brian? Imposible naman na hindi nito sila makita ni Brian sa loob ng anim na buwan. Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang ibig nitong ipahiwatig. Saka, alam naman ng kanyang hipag na si Bethany kung nasaan silang mag-ina. Ginawan ba ng kanyang pamilya na huwag siyang mahanap ng dating Gobernador? Ang dami niyang mga katanungan ngunit ni isa ay hindi niya ito mabigkas upang mabigyan ni Giovanni ng tamang kasagutan. Parang naumid na ang kanyang dila sa loob ng kanyang bibig ng oras na ito.“Ikaw pala iyon, ikaw pala…” patuloy ni Giovanni na hindi na napigigilan na bumagsak na ang mga luha sa labis na saya. Gustong mag-umalpas ni Briel. Nais niyang itulak papalayo ang katawan nito
KULANG NA LANG ay sagasaan at banggain ni Giovanni ang mga naroon upang makarating lang sa banda na sinabi ng mga tauhan niyang kausap. Hindi na siya makakapayag pa na muling mawala sa paningin niya ang babae at malaman kung sino ang babaeng nasa likod ng maskarang iyon. Samantala, kabado na pinili ni Briel na lumabas na lang ng area dahil kanina pa niya napapansin ang bulto ng isang lalaking titig na titig sa kanya na para bang may plano itong makipagkilala. Napansin niya ang mabagal nitong paglapit kanina sa kanya at maging ang matagal nitong pagtitig. Mabuti na lang at nakakuha siya ng pagkakataong makatakas dito nang yumuko ito saglit. Maiintindihan niya pa ito kung pamilyar ang suot na maskara, pero hindi naman. Hindi siya nagtungo sa party upang maghanap ng ibang lalaki na aangkin sa kanya, nagtungo siya doon upang mag-enjoy sa alak. Inalis na niya sa kanyang isipan ang makakilala ng lalaki ng maisip ang anak niyang si Brian. Marapat lang na magbagong buhay na siya. Saka, may Gi