KWELANG SINAGOT AT sinakyan sila ni Gavin kahit na anong awat sa kanya ni Bethany. Halatang proud na proud ang abogadong pag-usapan nila ang bagay na iyon sa harap ng pulang-pula na sa kilig na fiancee. “Soon, i-surprise announcement na lang namin sa inyo kung kailan.”“Wow, congratulation’s na kaagad sa inyo ni Miss Guzman, Attorney Dankworth!” “Salamat, invited kayong lahat. Hindi niyo pwedeng palampasin ang pakikipag-isang dibdib ng amo niyo sa pinaka-gwapo at pinaka-matalinong abogado sa buong bansa.” Umikot na sa ere ang mga mata ni Bethany na hindi nakaligtas sa mga mata ni Gavin. Talagang pumasok pa sa loob ng music center ang binata kahit na sinabi ni Bethany na sa parking na lang siya at lalabas na rin naman siya. Hindi nakinig ang binata na nakita na lang niyang nakapasok na sa pintuan. May bouquet pa itong dala kung kaya naman hindi na mapigilan ang iritan ng mga employee ng music center na ang karamihan ay mga babae. Hindi na tuloy napigilan pa ni Bethany na mamula. Ida
NAGPALINGA-LINGA SA PALIGID nila si Gavin na may nahihiyang mukha habang panay ang abot ng yakap niyang tisyu sa nobya na nakaupo pa rin. Tipong wala pa itong planong tumayo mula sa kanilang kinauupuan kahit na nag-aalisan na ang mga kasabayan nilang nanood ng movie. Tapos na ang palabas, at base sa reaction ng ng dalaga ay sobra itong na-touch sa naging ending ng movie. Naiintindihan naman ni Gavin iyon dahil hindi lang naman ito ang umiyak, marami sa mga nanood pero naka-move on naman agad. Ang hindi niya maintindihan ay ang nobya na sobrang affected pa rin na animo siya iyong bida. Isa pa, happy ending naman iyon kaya walang nakakaiyak para sa kanya. Isa pa ito sa hindi niya maintindihan.“Thanie, ano bang nakakaiyak? Happy ending naman siya di ba? They live happily ever after pagkatapos ng mga pinagdaanan.”maamo ang tinig na tanong ni Gavin na bahagyang hinagod ang likod nito.Nag-angat na ng mukha niya si Bethany. Napilitan si Gavin na tulungan ito sa baha ng mga luha sa kanyang
HALOS MAPABUNGHALIT NA ng tawa si Gavin nang muli niyang ilingon ang mukha sa may passenger seat ng kanyang sasakyan. Sa mga tingin ni Bethany ay animo papatayin na siya nito o lalamunin nang buo. Puno iyon ng pagbabanta na panay ang irap sa kanya. Nakahalukipkip pa ang dalaga upang ipakita na hindi siya natutuwa. Naiipit kasi sila ngayon sa matinding traffic na lingid sa kaalaman nila ay may aksidente sa bandang unahan kung kaya naman usad pagong sila. “Wala na, nilamon na ng malalaking bituka ko iyong maliliit. Gutom na gutom na ako!”“Thanie? Patience please? Wala namang may gusto na maipit tayo sa traffic—”“Bakit hindi mo sinabi sa aking malayo pala? Sana naghanap na lang ako ng ibang resto na mas malapit!” reklamo nitong parang kasalanan ni Gavin ang mga nangyari, “Sinadya mo bang hindi sabihin sa akin ha?”“Baby, anong sinadya?” gagap niya sa isang kamay ng dalaga ngunit matigas ito at ayaw ipahawak iyon sa kanya, “Hindi mo kasi ako pintapos na magsalita kanina. Hinila mo ako
ILANG ARAW BAGO matapos ang taong iyon nang magkaroon ng year end banquet ang music center nina Bethany sa hiling na rin ng mga employee at ng mga kasalukuyang investors nito. Si Miss Gen ang nag-asikaso ng lahat ng mga kailangan noon at dadaluhan na lang iyon ng dalaga. Ilan sa mga bisita ay mga kilalang negosyante na pilit kinukuha ni Miss Gen ang atensyon para maging investors ng center. Hindi naman sobrang rangya ng naturang party. Banquet style lang iyon at mayroong oras din hanggang kailan.“Sigurado ka na ayaw mong sumama sa banquet ng music center, Gavin? As my fiancé welcome kang dumalo at makisalamuha. Sumama ka na. Huwag ka ng mahiya. Hindi rin naman matagal iyon.”Pang-ilang aya na iyon ni Bethany sa nobyo. Syempre proud siya na i-display ang binata bilang fiancé niya at iyabang sa mga naroroon kung sasama ito. Hindi na lang kasi basta boyfriend niya ang abogado, soon to be husband niya na rin ito. Sino bang babae ang hindi mapa-proud doon? Nabingwit niya ang binata.“Hind
SINUNOD NI BETHANY ang guidelines na sinabi ni Gavin sa kanya na kailangan niyang gawin kapag nasa banquet na. Pagdating niya sa venue ay tama nga ang hula niyang karamihan sa mga bisita ay nakakainom na at busog na. Kumain muna siya, nakipagbatian sa iilang mga kakilala na nasa party, usap-usap ng kaunti sa mga naroon na binabati siya. Nagpahaging na rin siya kay Miss Gen na hindi magtatagal kasi hinihintay siya ni Gavin dahil may lakad umano sila.“Bakit hindi mo pinapasok dito? Ikaw talaga, sana man lang inimbitahan mo siya dito sa loob, hija.”“I did, Miss Gen.” agad na paghuhugas ng kamay ni Bethany, “Ayaw talaga niya. Kilala mo naman iyon. Baka mang agaw-eksena lang daw siya kaya hindi na lang daw siya papasok. Feeling artista kasi ang isang iyon. Pagkakaguluhan.”Nailing na lang si Miss Gen sa biro niya na agad naman siyang pinayagan. Aniya ay kaya niya na ang mag-estima ng mga bisita. Palabas na si Bethany ng banyo nang makasalubong niya ang kaibigang si Rina na nakalimutan ni
WALANG PALIGOY-LIGOY NA ibinigay ni Rina ang cellphone niya kay Bethany. Tinawagan naman ng dalaga si Ramir gamit ang cellphone. Ang buong akala ni Ramir ay ang babae iyon kung kaya naman naging casual na siya doon. “Nasaan ka na? Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo?” “Si Bethany ito, Ramir.” “Oh? Bethany, bakit nasa sa’yo ang cellphone ni Rina? Nasaan siya?” “Nandito sa banyo. Hindi na makalakad ng maayos si Rina. Pwede bang pakisundo na siya dito ngayon?” “Sige. Papunta na ako diyan.” Hindi nagtagal ay dumating na si Ramir sa pintuan ng women bathroom. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Bethany nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya na nitong kinuha ang braso ni Rina upang iakbay sa balikat niya. “Ang ganda mo ngayon ah? Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si River sa’yo.” Biglang hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Bethany. Hindi niya gustong banggitin pa nito ang lalaki. “Pasensya na Ramir, pero wala na akong kaugnayan sa pinsan mo—”“Alam ko
PAGDATING NG MAGKASINTAHAN penthouse ay hindi inaasahan ni Bethany na nakabalik na pala doon ang kasambahay. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit na animo ay parang sobrang na-miss siyang makasama. Marahang hinagod lang ni Bethany ang likod ni Manang Esperanza.“Akala ko hindi ka na pupunta dito, Miss Bethany!” anitong mabilis na inilayo ang kanyang katawan sa dalaga na itinaas na ang dalawang kamay matapos na tumingin kay Gavin na nagulantang sa reaction ng maid niya. “Sorry po Attorney, sobrang na-miss ko lang talaga na makita si Miss Bethany.” hingi pa nito ng paumanhin na kapansin-pansin na ang hiya sa buo niyang mukha.“Ayos lang naman po, Manang Esperanza…” nakangiting sambit ni Bethany na umabot na sa mga mata. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin sa kanila ang matanda. Ngunit bago ito umalis ay inabutan ito ni Gavin ng red envelope kung saan ay may laman iyong pera. Ganun na lang ang pasasalamat ni Manang Esperanza sa kanilang dalawa. Sinuklian lang
NAGING PARANOID SI Bethany nang mga sumunod na araw hanggang sa tuluyang mapabalita na tapos na ang kasal ni Nancy sa hindi niya kilalang lalaki. Ipinaskil ang mga larawan nila ng kasal online na tanging mga larawan lang ng mga magulang ni Gavin ang nahagip na nasa kasal at nasa reception ng nasabing okasyon. Wala doon sina Briel gaya ng hinuha ng kaibigan niyang si Rina. Nang e-check ni Bethany ang social media ng kapatid ni Gavin ay napag-alaman niyang hindi naman talaga ito pumunta dahil bumalik din sila ng bansa ilang araw na ang nakakalipas base sa mga post nilang gala ng fiance nitong si Albert. “Hay naku, Rina! Makakalbo talaga kita!” bulalas ni Bethany na natatawa na sa kanyang sarili, “Pinag-overthink mo akong malala at pinalala mo pa ang mood swings ko na hindi ko alam kung saan galing!”Bago ma-bisperas ng New Year nang siya na ang kusang tumawag kay Gavin upang magtanong kung ano ang plano nila. Inaasahan niya kasing baka nakauwi na rin ng bansa ang mga magulang nito at b
PARANG ALIPIN NA sinunod iyon ni Giovanni na para bang nawala na ang epekto ng alak sa katawan niya. Bigla na siyang nahimasmasan. Parang may nagawang mali na nagmamadali na niyang kinumutan ang sarili na kagustuhan ni Briel na gawin niya. Mariing ipinikit niya ang mga mata upang idagdag iyon sa kanyang pagpapanggap. Lihim na rin siyang napamura sa kanyang isipan. Dapat hinayaan niya na mapaos ang apo at itinuloy lang nila ang ginagawa ni Briel. Nagpanggap na bingi at wala silang naririnig. Kung walang sasagot sa kanila at magbubukas ng pintuan, malamang ay titigil din si Gabe na paniguradong ang amang si Gavin nito ang salarin sa pananabotahe sa kanila ni Briel.Naroon na eh, nag-iinit na sila uli ng dating nobya!Tapos biglang mauudlot. Para namang hindi naranasan ni Gavin iyon. Bakit hinayaan nila ang anak na maglaboy sa mansion at mahanap ang silid? Intensyon niya talaga iyon. Hindi rin siya naniniwala na walang nagturo sa apo ng mga gagawin.Hinawakan niya ang maselang parte sa
MALAYO ANG ISIP at walang imik na tinalikuran na ni Briel ang kama kung saan natutulog si Giovanni. Lalabas na siya ng silid bago pa magbago ang isip at halayin ang walang malay na katawan ng Gobernador nang hindi nito nalalaman. Subalit nang akma na siyang hahakbang patungo ng pintuan ay natigilan na siya nang may mainit na palad na humawak sa kanyang isang braso. Hindi naman iyon mahigpit o masakit, normal lang na tila ba pinipigilan siyang umalis. Agaran ang naging paglingon niya kay Giovanni na sa mga sandaling iyon ay nakapikit pa rin naman ang mga mata. Bumaba ang tingin ni Briel sa palad nitong nakahawak nga sa kanyang isang braso. ‘Nagising ko na siya?!’ may panic na ang hitsura ni Briel, iyon na nga ba ang iniiwasan niya kanina pa.Mula sa palad nitong nasa braso niya ay ibinalik ni Briel ang paningin sa mukha ni Giovanni na unti-unti ng dumidilat ang mapungay at mapula niya pa ‘ring mga mata. Nagawa ng Gobernador na maliit na idilat iyon na agad din naman niyang isinara na
NAKAHINGA NANG MALUWAG si Briel nang magawa niyang matapos na palitan ng damit si Giovanni nang hindi ito nagigising. Gusto niyang magtatalon na doon sa galak, magdiwang. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib kahit na panay ang tagaktak ng kanyang pawis sa buong katawan, lalo na sa mukha. Daig niya pa ang nag-sauna o kung hindi naman ay ang tumakbo ng ilang milya para lang magpapawis at magbawas ng taba. Gamit ang nangangatog na mga tuhod ay tumayo na siya nang maayos na niya ang kumot sa katawan ng Gobernador na kasalukuyang pa rin na nahihimbing bunga ng matinding pagod. Nakatulong ang alak na ininom ni Giovanni upang ibigay nito ang tulog at pahingang inaasam ng katawan.“Thank you, Lord…” usal niya habang hawak na ang pants at polo shirt nitong papalabhan niya mamaya. “Pinakinggan mo ang panalangin ko. Akala ko ay mabubulilyaso pa ako sa aking malinis na intensyon.” Sa halip na tumalikod na upang lumabas ng silid at balikan ang kanyang pamilya na naghihintay ay nanatili pa doo
PINANLISIKAN NG MGA mata ni Briel ang kapatid na halatang hindi na nagustuhan ang mga sinabi nito. Hindi lasing ang Kuya Gav niya kaya paniguradong malinaw ang isipan nito habang nagmumungkahi noon. Labag man sa loob iyon ni Briel ay tumayo pa rin siya nang matapos na ang topic nilang iyon. Kahit na makipagtalo siya., sa huli ay mapipilitan pa rin naman siyang gawin ang bagay na iyon dahil ipipilit nila. Dalawa sa mga bodyguard ng Gobernador ang pumasok ng mansion upang akayin si Giovanni na halatang mas nalasing pa at animo ay natutulog na sa kanyang inuupuan. Naisip ni Briel na ito kaya ang utusan niya na bihisan si Giovanni, kaso nga lang baka kapag nalaman iyon ng Gobernador ay mawalan ng trabaho ang dalawa. Naging kasangkapan pa siya upang matanggalan sila ng kabuhayan. Pero kung siya naman ang gagawa noon ay paniguradong walang magiging problema. Baka nga ipagdiwang pa iyon ng kumag. “Oo na. Heto na. Gagawin ko na. Masaya na ba ang lahat?” asar niya pang turan sa kanyang pamily
MATAMAN NA PINAGMASDAN nina Briel at Giovanni ang kanilang anak na para bang isa itong mamahalin na bagay o magandang tanawin na hindi nila pwedeng palagpasin. Napangiti pa silang dalawa ng unti-unting maging madungis ang hitsura ng mukha ni Brian. Tumulo pa kasi ang laway nito na ang iba sa laman at balat ng ubas ay sumamang lumabas. Maya-maya ay lumapit na ang bata kay Briel at sinubuan ang ina ng hawak niyang ubas na hindi naman tinanggihan ng babae na niyakap pa at hinalikan ang pisngi ng anak matapos na tanggapin iyon at magpasalamat sa anak. Kitang-kita ang inggit sa mga mata ni Giovanni na hindi naman nakaligtas sa matalas na gilid na paningin ni Briel. Dahil sa marami naman itong pasalubong sa kanila, naisip ni Briel na deserve din ng Gobernador na malambing ng anak niyang si Brian. “Brian, bigyan mo rin ang Daddy, please?” malambing na utos ni Briel sa anak. Natigil sa marahang pagnguya sa kinakain niyang ubas si Brian na halatang naintindihan ang sinabi ng ina. Nilingon na
DALAWANG ARAW MATAPOS na makalabas ng hospital ni Gabe ay nagpahanda sina Mr. and Mrs. Dankworth ng family dinner sa mansion sa galak na nakalabas na ang apo. Dahil napag-alaman din nila na nasa Manila pa ng mga sandaling iyon si Giovanni ay personal itong inimbitahan ni Mr. Dankworth na pumunta sa inihandang dinner ng pamilya. Pumunta naman si Giovanni doon. Kung tutuusin ay nasa plano na talaga niya ang pumunta sa mansion para makita ang kanyang anak. Maaga pa siya nang dumating. Ganun na lang ang gulat ng mag-asawang Dankworth na may dala ang Gobernador ng iba’t-ibang mga prutas na paborito ng kanilang apong si Brian. Makahulugan na nagkatinginan ang mag-asawa ngunit hindi naman sila doon nagkomento na pinaharap lang ang kanilang apong si Brian na padilat-dilat na naman ang mga matang nakatingin sa ama. Hawak nito ang favorite toy car na bigay din ng Gobernador sa kanya. Napangiti na doon si Giovanni. Ibig sabihin ay pinapahalagahan ng anak ang mga bigay niya. “Bless sa Daddy, Bri
ILANG ARAW ANG lumipas at nagulantang ang mga Dankworth at Bianchi ng makarating ang balitang naka-confine sa hospital ang anak nina Bethany at Gavin, si Gabe. Kinakailangan daw nito umanong salinan ng dugo kung kaya naman taranta na ang pamilya sa paghahanap ng dugong kinakailangan ng bata. Nagkataon pa na ang blood type ng dugo ni Gabe ay kagaya ng blood type ng kanyang ama na mahalaga. Kinakailangan niyang salinan na agad namang nakahanap. Maging si Mr. Conley na nasa ibang bansa ay napauwi nang wala sa oras dahil sa balitang iyon. Nais niyang manatili sa tabi ng anak ni Bethany kahit na hindi naman kinakailangan. Hindi rin naman nagtagal at sinabi ng mag-asawa na okay na ang anak. Kinakailangan na lang nilang manatili doon ng ilang araw para sa pagbawi ng lakas na nawala ni Gabe. Araw-araw na bumibisita doon si Briel, after ng kanyang trabaho ay hindi pwedeng hindi siya dumadaan doon upang kumustahin ang pamangkin. Parang naging everyday routine niya na ang bagay na ito.“I’m oka
GINAWANG WALLPAPER NG Gobernador ng kanyang cellphone ang larawang iyon ng mag-inang Brian at Briel. Aminin niya man o hindi habang tinititigan niya ang larawan ng mag-ina, hindi niya maikakaila ang patuloy na sakit na kanyang nararamdaman. Invisible iyon pero damang-dama ng kanyang buong katawan. Napakurap na sii Giovanni na naramdaman na ang pag-iinit ng bawat sulok ng kanyang mga mata. Puno ang kanyang puso ng panghihinayang sa mga oras na nasayang. Huminga siya nang malalim. Pilit na kinalma ang umaahong halo-halong emosyon na dapat ay hindi niya na nararamdaman dahil nangako na siyang babawi sa mag-ina. Gagawin niya ang lahat upang makabawi lang sa kanila, lalo na sa kanilang anak na paniguradong naghahanap ng kalinga ng ama. Habang nakahiga ay hindi niya pa rin magawang tanggalin ang mga titig ng mga mata niya doon. Hindi pa si Giovanni nakuntento, marahang hinaplos niya ang screen kung saan nakatapat ang mukha ng kanyang mag-ina. “Soon, magkakasama rin tayo sa loob ng iisang l
NAGUGULUHAN MAN AT hindi sigurado ni Giovanni kung magiging madali lang ba ang bagay na iyon. Takot sa kanya ang bata kahit pa siya ang ama nito. Napatunayan niya iyon nang subukan niya itong kunin at umiyak lang ang bata. Ayaw nitong kumarga man lang sa kanya kahit na anong pagkuha niya ng atensyon ng bata. Mabuti pa sa kanyang inang si Donya Livia, nagagawa nitong lumapit at magpahalik sa pisngi. Hindi naman siya nakakatakot. Ang tanging naiisip niyang paraan upang mapalapit dito ay ang manatili sila sa iisang tahanan. Kung mananatili ito ng Maynila at nasa Baguio siya, imposibleng mangyari ang gusto niya. Hindi naman pwedeng lagi rin siyang bababa.“Why don’t you and Brian live with me in Baguio?” Mabilis ang ginawang pag-iling ni Briel ng kanyang ulo. Ano siya hibang? Kung papayag siya parang sinabi niyang bati na sila. Bakit sila doon titira? Kung noon ay gusto niya iyon, ngayon ay hindi na. Ayaw na niya sa ideyang iyon.“Hindi pwede. Magsisimula na akong mag-trabaho next week.