HUGOT hiningang binitiwan niya ang buhok ng dalaga na ngayon ay umiiyak na nakasalampak ng upo sa semento at nagmamakaawang huwag niya itong sasaktan. Nakaramdam siya ng hindi pagiging kuntento at 'di nasiyahan sa simpleng pagpapahirap niya sa dalaga. Nag-isip siya ng ibang paraan ngunit tila walang pumapasok na ideya sa kanyang utak dahil tanging pag-iyak lang ni Jiliaveen ang kanyang naririnig na sinabayan pa ng pagmamakaawa nito kung kaya't 'di niya maiwasan marindi."Please.. Chris, pakawalan mo na ko ayoko sa mabahong lugar na 'to kasama ang mga malalamig na bangkay!"Hindi niya pinansin ang sinabi nito sa halip lumapit siya sa kinaroroonan ni Mr. Zhao, may pinunit siyang kapirasong tela sa damit nito kapagkuwan ay isinalpak niya sa bibig ni Jiliaveen ang kapirasong tela, dahilan para manahimik ang dalaga.Pikit-matang dinamdam niya ang katahimikan sa paligid ng basement saka niya hinarap si Jiliaveen na may ngiti sa kanyang labi. Muli niyang nilapitan ang dalaga saka niya sinapa
MATAPOS niya apakan ang dila ni Owen ay saglit niya itong iniwan. Pumunta siya sa ikalawang palapag, una niyang sinilip si Rhealyn sa balkonahe, tulog ang dalaga nang madatnan niya. Natigilan siya nang makarinig ng kalabog, naniningkit pa ang kanyang mga nang napag-alamanan niyang galing sa music room ang ingay.Nagmamadaling pinuntahan niya ang music room kung saan naroon si Lian. Nang mabuksan niya ang pinto nakita niyang ikinikiskis ni Lian ang lubid sa matulis na bagay, na siyang ikinabahala niya na baka sakaling tumakas ang dalaga. Napahinto naman sa ginagawa ang dalaga nang mapansin nitong nakabukas ang pinto at makita siya. Takot na takot naman itong napaatras sa kanya."Sa tingin mo ba makakatakas ka kung gayon naman naka-locked ang pinto?" Sambit niya saka siya dahan-dahan naglakad patungo sa kinaroroonan ni Lian."Alam ko may iba pang paraan." Matapang nitong sagot."Talaga?" Tila naniniwala niyang sambit. "Sa tingin mo ba kaya mong bayaran lahat ng mga instrumentong sinira
MALALIM siyang bumuntong hininga habang umiiling. Ilan saglit pa bigla na lamang nagising si Owen na ikinangiti niya. Lumapit siya sa kinaroonan nina Owen at Rhealyn. Kapagkuwan ay gigil niyang sinipa ang mukha ni Owen dahilan para dumugo ang bahaging bibig nito. Naging alerto naman si Rhealyn, pumagitna ito sa pagitan nilang dalawa ni Owen."Please, huwag mo siyang sasaktan!" Matapang na pigil sa kanya ni Rhealyn habang patuloy pa rin naglalandas ang mga luha nito sa pisngi."Rhealyn," nakingiting sambit niya sa pangalan nito. "Ibig mo bang sabihin.. gusto mong ikaw ang maunang mamamatay?" Taas noo na hinarap siya ni Rhealyn. "Oo," determinadong sagot nito. "Hindi ka ba naaawa sa kalagayan niya? Binaril mo na nga siya, tinalian kami, pinutol mo ang dila niya tapos ngayon sinipa mo pa ang ulo niya. Ano pa bang gusto mo para tigilan mo na ang pagpapahirap sa kanya?!" Bulyaw na turan nito sa huling sinambit."Dahil kahit anong gawin ko ay hindi pa rin siya mamatay-matay!" Mariing tugon
DUMIRETSO siya sa kusina kung saan naroon sina Yancheng at Owen. Natigilan siya nang makita niyang wala ng tali si Yancheng at tinutulungan nito si Owen na tanggalan ng tali. Pa-simple siyang humakbang paatras kapagkuwan ay lumabas siya't may kinuha siyang kahoy sa gilid ng halamanan. Nagtago siya sa gilid ng pinto, balak niyang abangan ang dalawa sa paglabas ng mga ito sa bahay niya saka niya aatakihin ang dalawa. Hindi naman siya nabigo sa plano niya. Agad niyang ipinalo ang kahoy sa ulo ni Yancheng dahilan para bumagsak ito. Sunod naman niyang biniktima si Owen, ngunit sa pagkakataong iyon ay umilag ito kahit ika-ika maglakad. Umakyat si Owen sa ikalawang palagpag dahilan para sundan niya ito kapagkuwan ay na-trapped si Owen sa balkonahe dahilan para ngitian niya ito."Sayang ang pagkakataon, akala niyo hindi ko alam ang binabalak niyo? Kung sabagay wala naman kayong magagawa kahit gustuhin niyong tumakas matitiyak kong hindi niyo mabubuksan ang gate." Turan niya.May idinukot siya
SI Yancheng naman ngayon ang binalingan niya ngunit wala ito nang lingunin niya. Napatingin siya sa pintuan nang maaninag niya ang anino ni Yancheng. Pinunasan niya ng t-shirt ang kanyang mukha dahil sa pagtalsik ng dugo ni Owen nang saksakin niya ito nang paulit-ulit."Kahit anong gawin mo hindi ka makakatakas!" Turan niya kay Yancheng nang mawala ito sa paningin niya.Napatingin siya sa basement nang makarinig siya ng kalampog mula sa loob. Kahit nakakaramdam siya ng pagod lumabas siya ng bahay, kahit madilim natanaw niya si Yancheng na umaakyat sa puno ng papaya na malapit sa tabi ng gate. Marahan siyang napangiti kapagkuwan ay lumapit siya sa puno saka niya inihagis ang patalim sa direksyon ni Yancheng. Napapikit siya nang marinig niya ang pagdaing ng kanyang biktima. Hindi siya nabigo sa ginawa niya, tumarak ang patalim sa binti ni Yancheng ngunit nananatiling nakakapit ito sa puno.Umalis siya roon nang buong tapang na hinugot ni Yancheng ang patalim at hinagis sa kanya ngunit '
ALAS onse ng gabi nang matapos siya maligo't gamutin ang kanyang sugat, nilinis na rin niya lahat ng mga kalat at dumi sa buong bahay bago siya nagpahinga. Pati na rin ang natutulog na si Yancheng ay pansamantala niya munang inilagay sa lugar na hindi makikita nang sinuman. Lalo na ang mga patalim at chainsaw na ginamit niya pangputol sa paa ni Yancheng.Kinabukasan, nagluluto pa lang siya ng agahan nang makarinig siya ng pagdoorbell. Hugot hiningang napahipan siya sa kawalan kapagkuwan ay matapang niyang hinirap ang mga taong nasa labas ng gate. Bumungad sa kanya ang tatlong taong pamilyar sa kanya nang pagbuksan niya ang mga ito ng gate."Good morning, Mr. Sarmiento. Nakatanggap kami ng tawag at text sa unknown number na ito." Panimula ng isang pulis. Ipinakita pa nito ang nilalaman ng mensahe.Napalunok siya't pasimpleng ikinuyom niya ang isa niyang kamao nang makita niyang naroon sa ikalawang pangungusap ang address ng bahay. Sa mga sandaling iyon hindi niya maiwasan makaramdam ng
AGAD niyang hinawakan ang braso ni Lian nang akmang bubuksan nito ang gate. Nagpupumilit na pumiglas ang dalaga ngunit mahigpit ang kanyang pagkakahawak rito dahilan para magreklamo ang biktima niya."Masakit, Chris!" D***g ni Lian."Talagang mararamdaman mo 'yan kung hindi ka susunod sa'kin!" Mariing pagbabanta niya.Hinila niya si Lian pabalik sa bahay saka niya balibag na pinaupo ang dalaga sa pahabang sofa. Mabilis tumayo ang dalaga ngunit tinulak niya ito pabalik sa sofa, kapagkuwan ay pinatungan niya ito."A-Anong gagawin mo.." Kinakabahan sambit sa kanya ng dalaga."Subukan mong magmatigas, matitikman mo ulit ang langit." Makahulugan na sabi niya saka siya tumayo.Napansin niya kung paano napalitan ang ekspresyon ng mukha ni Lian, ang kaninang magtatapang-tapangan nito ay napalitan ng pagkatakot. Tinignan niya muna ng seryoso ang dalaga bago siya lumabas at hinanap sa basurahan ang lubid na ginamit niya kina Jiliaveen, Owen at Rhealyn. Kapagkuwan ay binalikan niya si Lian saka n
NAGHINTAY pa siya ng ilan minuto bago niya in-on ang kanyang phone. Kapagkuwan ay sunod-sunod na tumunog ang kanyang phone hudyat na may nagpadala sa kanya ng mensahe. Bumungad sa screen ng phone ang nakarehistrong pangalan ng kanyang kaibigan na si Trist. May pag-aalinlangan niyang tinignan ang phone ngunit naalala niya ang sinabi sa kanya ni Lian, baka mahalaga ang ipinadalang mensahe ng kaibigan niya. Ngunit kalaunan ay binasa niya ang mensahe sa kanya ni Trist. Wala sa sariling napangiti siya nang mapag-alamanan niyang pupuntahan siya ng kaibigan niya kung kaya't labis ang naramdaman niyang tuwa nang ibabalita niya sa kaibigan niya ang status nilang dalawa ni Lian.Sandali siyang napaisip sa itutugon niya sa kanyang kaibigan kapagkuwan ay nagtungo siya sa bintana para silipin ang lagay ng panahon dahil sobrang lakas ng ulan. Ngunit sa pagkakataong iyon ay natigilan siya't nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Lian sa gate. Bagamat madilim alam niyang inaabot nito ang su
MALALIM humugot ng hininga si Yrannie, at napatingin kay Mark na tila nagpapahiwatig na ito ang unang magtanong kay Heavery. Matapos sabihin agad ni Heavery ang salitang 'Truth' "Okay, puwedeng ako ang magtanong?" Prisinta ng isa nilang kasamang lalaki. "Sige!" Nakangiting sagot ni Heavery. "Hmm... bakit ka nga pala lumipat ng university kung gayon malapit na magtapos sa taong ito ang kinuha mong course?" "Sabihin na lang natin may nangyaring hindi maganda sa pinasukan kong school dati." "Ako naman ang magtatanong!" Ani naman ng isa pa nilang kasamang babae, "Dahil ba naging heart broken ka sa dati mong kasintahan kaya ka ba lumipat?" Bahagyang natawa't umiling si Heavery sa tanong ng kasama nila. "Ang totoo niyan never ako nagkaroon ng girlfriend. Iba kasi ang priority at mahalaga para sa 'kin ang samahan namin ng mga kaibigan ko, iyon ang promise namin isa't isa." Pahayag na sagot ni Heavery. "Ano naman ang promise niyo ng mga kaibigan mo at ilan kayo?" Pang-uusisa niya kay
"NAGSESELOS ka ba kay Heavery?" Turan ni Yrannie sa nobyo. "Imposible! Iniisip ko lang 'yong plano natin. At malakas ang kutob ko sa bagong estudyante na 'yon!" Nagdududang sambit ni Mark. "Teka, pinagsususpetsyahan mo ba si Heavery? Wala siyang kinalaman sa mga nangyayari satin!" Angil niya. Bahagya pa siyang umiling. "Hindi mo ba napapansin mga kinikilos niya simula noong dumating siya sa school natin? Palagi niya tayong tinitignan na parang minamanmanan niya tayo. Tulad ng ginagawa niya ngayon!" Durong ani Mark kay Heavery na kalalabas lang ng 7/11 at tila naniningkit pa ang mga matang nakatingin sa kinaroroonan nila. Sandali siyang natigilan sa sinabi ni Mark, kapagkuwan nilingon niya si Heavery na sa tingin niya ay minamasid sila nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa 'yo mas mabuting umalis na tayo rito!" Pag-aaya niya sa nobyo. "Sabi ko sa 'yo e, sa likod ng mukhang 'yan panigurado ko si Fackly ang taong 'yon." Koment
KINABUKASAN maagang nagising si Yrannie, mabuti na lamang sabado at walang pasok. Hindi rin alam ng Ate Ynaria niya kung anong nangyayari sa buhay niya, at ayaw naman niya iyon malaman ng Ate Ynaria niya baka madamay pa ito sa gulong kinakaharap nila ni Mark. Kasalukuyan kumakain siya ng agahan nang maalala niya si Aries, naalala niyang hindi alam ng mga magulang nito kung nangyari sa anak. Wala sa sariling napapikit siya't humugot ng malalim na hinihinga. Kapagkuwan gulat napabaling ang tingin niya sa pinto nang may kumatok. Sa mga sandaling 'yon hindi niya maiwasan makaramdam ng kaba. Iniisip niyang baka si Fackly 'yon at balak siyang dukutin. Ngunit napawi ang agam-agam niya nang marinig ang pamilyar ng boses matapos kumatok ng taong nasa labas ng bahay. Agad niyang tinungo ang pinto at binuksan 'yon. Bumungad sa kanya si Mark na maaga siyang pinuntahan. "Ang aga mo ah!" Biglang turan niya. "Hindi ako mapalagay Yrannie, gusto ko nakikita kitang ligtas sa paningin ko lalo na't h
HINDI nagkamali si Mark ng hula, nasa loob nga ng drawer ang susi para sa kadena. Hindi naging madali ang pagkuha niya ng susi dahil kinailangan niya pang isentro ang nakatali niyang kamay sa kanyang likod para kunin ang susi. At nang matapos ay inuna niyang tanggalan ng kadena si Aries. Napadaing naman ang kaibigan niya dahil sa tama ng mga bala. Kapagkuwan ay siya naman ang sinunod nito tanggalan ng kadena. Ang panghuli si Yrannie na ngayon ay nagkamalay na. "Anong nangyari at nasaan ako?" Inosenteng tanong ng dalaga sa kanya. "Mamaya ko na ipapaliwanag, kailangan na natin umalis dito!" Pahayag niya sa dalaga. "Tama si Mark, Yrannie, mas lalo tayong mapapahamak dito!" Komento ni Aries, sapo-sapo ang tiyan at puwet nito na tinamaan ng bala. Pikit-matang humugot ng hininga si Yrannie, "Hindi ko alam kung paano nakarating dito, pero sige, para sa kaligtasan natin lahat." Sagot ni Yrannie. Tinulungan niya munang makatayo si Yrannie habang si Aries naman ay nasa pintuan pa lamang na
KASALUKUYAN nakikipag-agawan si Aries sa Pala na hawak ni Fackly. Gigil na gigil niyang pilit kinukuha kay Fackly ang Pala ngunit sadyang malakas ang kalaban niya kung kaya't sinipa niya ang binti nito dahilan para magkaroon siya ng pagkakataong magtagumpay na kunin mula kay Fackly ang Pala. Nang akmang bubuwelo si Fackly, agad niyang hinampas ang tagiliran nito gamit ang likod ng Pala. Ngingisi-ngising hinarap niya si Fackly na ngayon ay nakahandusay sa lupa. Tila hinang-hina at halatang 'di kayang makatayo. "Ano ka ngayon ha! Nanalo ako sa laban natin." Pagyayabang niya. Inangasan niya si Fackly habang nanatiling nakatagilid ang higa nito. "Sa tingin mo nagtagumpay ka sa plano mo?" Kalmadong ani Fackly. Ngumiti pa ito dahilan para makaramdam siya ng inis. "Puwede kitang patakasin ngayon, tumakbo ka na bago pa huliin ng mga bala ko ang parte ng katawan mo." Bantang ani Fackly. May hinugot itong baril sa bulsa ng pantalon nito. Nanlaki ang mga mata niya nang itinutok ni Fackly ang
MULING tinignan ni Yrannie ang wala ng buhay na si Fackly sa hukay, kasama ang mga iba nilang kaibigan. Halos 'di siya makapaniwalang binalingan niya ang taong nagsasabi na ito raw si Fackly. Sa mga sandaling iyon napaisip siya ng ideya. Gusto niyang testingin ang lalaking nasa harapan nila pero hindi niya alam kung paano. Ilan saglit pa'y bahagyang napapatango siya dahil may mga katanungan siyang naiisip na siguradong hindi masasagot ng taong nagpapanggap na si Fackly. "Kapatid ka ba ni Fackly?" Biglang turan ni Mark na ikinahalakhak naman nito sa huli. "Mukha ba kong may kapatid?" Sarkastikong tugon ni Fackly. Nakangisi pang hinarap nito si Mark. "Kung ganoon, sino ka nga ba talaga!?" Dagdag na tanong ni Mark. "Oo nga, at bakit hulmang-hulma mo ang itsura ni Fackly?" Sambit naman ni Aries. "Kung ikaw si Fackly, saan tayo unang nagkakilala?" Singit na tanong niya na ikinatigil ni Fackly, kasabay nang pagkawala ng ngiti nito sa labi at sali't salitan ang pagtingin nito sa kanilan
MAGHAPON hindi nakita ni Yrannie ang kaibigan na si Wilma. Hindi niya maiwasan magtaka kung bakit absent ito sa klase. Pati na rin ang mga kasamahan nito sa domitoryo ay 'di niya rin nakita. Kilala niya ang mga kasamahan ng Wilma sa dormitoryo nang minsan na siyang ipinakilala ni Wilma. Malalim siyang bumuntonghininga nang matapos ang huling klase, agad niyang niligpit ang kanyang mga gamit saka siya nagtungo sa kanilang club room. Pagdating niya roon ay bigo siya nang walang anino ni Wilma nang madatnan niya. Sinubukan niyang tawagan ngunit 'di nito sinasagot kung kaya't hindi niya maiwasan makaramdam ng kaba sa tuwing naghihinala siya na baka may masamang nangyaring sa mga kaibigan niya. Biglang bumukas ang pinto, iniluwal niyon sina Mark at Aries. "Hindi niyo ba nakita si Wilma?" Bungad na turan niya sa dalawa. Tanging pag-iling ang natanggap niya sa dalawa. "Kanina ko pa siya tinatawagan 'di niya sinasagot." Nag-aalala niyang dugtong. "Baka naman nagkasakit siya o baka may ibang
GABI na nang makauwi si Wilma galing sa bahay nila Yrannie. Matapos nila puntahan ang Seven Victim Cemetery ay tumambay pa sila sa bahay ni Yrannie. Walang tigil ang kanilang pag-uusap tungkol sa mga nakalibing at sa mga bangkay na naroon. Kuryos silang lahat dahil bilang lang ang mga nakalibing na patay roon. At isa pa, parang tago ang sementeryong 'yon kahit mayroon naman nakasulat na article at makikita sa mapa.Kasalukuyan nasa banyo siya naglilinis ng katawan. Pagkatapos niya magpalit ng damit ay bagsak napahiga siya sa kanyang kama, kapagkuwan ay bigla siyang napaisip habang nakatingin sa kisame. Mga ilang segundong pag-iisip ay nakatulog siya. Lumipas ang tatlong oras ay bigla siyang naalimpungatan nang makarinig ng kaluskos mula sa labas ng kanyang kuwarto. Bumalatay sa kanyang pakiramdam ang pagkakuryos dahil sa mabibigat na hakbang ng yapak ng mga paa. Sa mga sandaling 'yon bumangon siya ng upo kasunod niyon ay hindi niya maiwasan kabahan at matakot. Napalunok siya ng laway
KINABUKASAN may natanggap na tawag si Yrannie, binalita nang nasa kabilang linya ang umanong pagpakamatay ni Edgar. Kung kaya't bumalatay sa kanyang mukha ang 'di makapaniwala sa kanyang narinig. Dali-dali niyang tinungo ang morgue kung saan naroon ang bangkay ni Edgar. Lakas loob niyang pinasok ang morgue, sa mga sandaling 'yon nakaramdam siya ng panlalamig, takot at panginginig sa kanyang kalamnan. Kahit natatabunan ng puting mahabang kumot si Edgar ay matapang niya itong nilapitan. Kapagkuwan ay natigilan siya nang tanggalin niya ang kumot. Kasabay nang paglandas ng kanyang luha habang parehong nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig.Ayon sa natanggap niyang tawag mula sa pulis kanina, ang kanyang kaibigan ay may hiwa sa leeg habang nito ang isang patalim na naging sanhi ng pagkamatay nito. Dagdag pa roon, palaisipan sa mga pulis kung saan nakuha ni Edgar ang patalim gayon naman ay bawal iyon sa paitan. Matapos niya makita ang bangkay ni Edgar, mabilis siyang lumabas ng m