AGAD niyang hinawakan ang braso ni Lian nang akmang bubuksan nito ang gate. Nagpupumilit na pumiglas ang dalaga ngunit mahigpit ang kanyang pagkakahawak rito dahilan para magreklamo ang biktima niya."Masakit, Chris!" D***g ni Lian."Talagang mararamdaman mo 'yan kung hindi ka susunod sa'kin!" Mariing pagbabanta niya.Hinila niya si Lian pabalik sa bahay saka niya balibag na pinaupo ang dalaga sa pahabang sofa. Mabilis tumayo ang dalaga ngunit tinulak niya ito pabalik sa sofa, kapagkuwan ay pinatungan niya ito."A-Anong gagawin mo.." Kinakabahan sambit sa kanya ng dalaga."Subukan mong magmatigas, matitikman mo ulit ang langit." Makahulugan na sabi niya saka siya tumayo.Napansin niya kung paano napalitan ang ekspresyon ng mukha ni Lian, ang kaninang magtatapang-tapangan nito ay napalitan ng pagkatakot. Tinignan niya muna ng seryoso ang dalaga bago siya lumabas at hinanap sa basurahan ang lubid na ginamit niya kina Jiliaveen, Owen at Rhealyn. Kapagkuwan ay binalikan niya si Lian saka n
NAGHINTAY pa siya ng ilan minuto bago niya in-on ang kanyang phone. Kapagkuwan ay sunod-sunod na tumunog ang kanyang phone hudyat na may nagpadala sa kanya ng mensahe. Bumungad sa screen ng phone ang nakarehistrong pangalan ng kanyang kaibigan na si Trist. May pag-aalinlangan niyang tinignan ang phone ngunit naalala niya ang sinabi sa kanya ni Lian, baka mahalaga ang ipinadalang mensahe ng kaibigan niya. Ngunit kalaunan ay binasa niya ang mensahe sa kanya ni Trist. Wala sa sariling napangiti siya nang mapag-alamanan niyang pupuntahan siya ng kaibigan niya kung kaya't labis ang naramdaman niyang tuwa nang ibabalita niya sa kaibigan niya ang status nilang dalawa ni Lian.Sandali siyang napaisip sa itutugon niya sa kanyang kaibigan kapagkuwan ay nagtungo siya sa bintana para silipin ang lagay ng panahon dahil sobrang lakas ng ulan. Ngunit sa pagkakataong iyon ay natigilan siya't nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Lian sa gate. Bagamat madilim alam niyang inaabot nito ang su
[SYNOPSIS]Sa pag-akyat ng grupo nina Yrannie sa bundok ay muling magkukrus ang landas nila ni Fackly, na magsisilbing taga-alalay nila. Naging matagumpay man ang kanilang pag-akyat ngunit may mangyayaring hindi nila inaasahang rebelasyon tungkol sa isa nilang kasama. Isang matagal nang stalker ni Yrannie mula nang siya'y pumasok sa university.Hindi pa roon nagtatapos ang lahat, matapos ang insidente sa Laguna ay may panibagong kahaharapin ang grupo ni Yrannie, nang dahil sa isang taong nangdodown sa grupo nila kung kaya't ang mga kaibigan niya, hindi man namamatay ng physical ngunit mentaly.~*~ Chapter1: Bump CarBREAKTIME nang makasama ni Yrannie Gregorio ang kanyang mga kaibigan na sina Wilma Santos, Edgar Pio, Aries Narro at Mark Adula. Kasalukuyan silang nagpaplano para sa next Hiking nilang magkakaibigan. Kapagkuwan ay nilabas niya ang kanyang listahan, at ang pangatlo nilang pupuntahan ay ang Laguna."So, Laguna ang next. Agree kayo?" Panimula ni Wilma."Yes!" Masigla niyang
SINUNDAN na lamang ni Yrannie ng tingin ang papalayong sasakyan kung saan lulan ang taong tila pamilyar sa kanya. Kung kaya't hindi niya maiwasan mapaisip kung saan nga ba niya nakita ang lalaking iyon. Ngunit kalaunan nabalik siya sa huwisyo nang marinig niyang tinatawag siya ni Mark, nilingon niya ito nang may gulat na reaksyon."Ayos ka lang?""O-Oo, nag-aalala lang ako doon sa lalaki na baka nagpapanggap siyang okay, pero in the end hindi." Palusot niya."Paano mo nasabi?" Kunot ang noo na tanong sa kanya ni Mark. "Halata naman sa kanya na walang nangyaring masama."Bumuntonghininga na lamang siya't hindi na sumagot, sa halip ningitian na lang niya ang binata. Kapagkuwan ay sumakay na siya sa kotse nito. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa school patungo sa kanilang club room nadatnan nilang mag-isa pa rin si Wilma."Wala pa 'yong dalawa?" Tanong niya kay Wilma. Tanging pag-iling lang ang tinugon nito kung kaya't ibinaba na niya ang bitbit niyang plastic na may lama
SANDALING natigilan si Yrannie sa naging sagot ni Leon, tuloy hindi niya maiwasan makaramdam ng pagkailang dahil ang isa sa guro nila ay sasama sa hiking nila. Ningitian niya si Leon, kapagkuwan tumango-tango siya bilang pagpayag niya."Mas maganda kung may guardian kami sa pag-akyat namin sa bundok." Nag-aalangan niyang sambit."Sure, makakarating ako bukas," tugon ni Leon. "Paano maiwan ko muna kayo. Umuwi kayo ng maaga ha!" Paalalang dugtong nito."Opo, Sir, salamat sa abala!" Sagot niya."Walang anuman, bilang guro niyo responsibilidad kong gabayan kayo." Nakangiting tugon nito at umalis kasama ang Security guard na kasama nito."Paano ba 'yan kasama na natin si Sir, Leon." Komento ni Edgar."At umo-o na tayo, pero okay na 'yon mas maganda kung marami 'di ba? Nakakaexcite 'yon!" Masiglang sambit ni Aries.Napabuntonghininga na lamang si Yrannie, at bahagyang napailing. Inakbayan siya ni Mark dahilan para lingunin niya ang binata na may pagtataka sa ekspresyon niya."Tama naman 'y
SA pagmuni-muni ni Yrannie sa langit bigla siyang nagulat nang may humawak sa kanyang balikat kung kaya't agad siyang naalertong lumingon. Natigilan man siya pero ningitian na lang niya si Leon."Good morning, Sir Leon." Paunang bati niya rito. Tinanguan lang siya ni Leon bilang tugon.Nakaramdam siya ng pagkailang kung kaya't ginawan niya ng kape si Leon, sabay abot ng egg sandwich. Walang salitang tinanggap naman nito ang kape at sandwich. Kapagkuwan pa-simpleng umalis siya hawak ang kanyang kape, lumayo siya ng kaunti sa kinaroonan ng mga kasama niya. Buntonghiningang napaupo siya sa malaking bato na malapit sa bangin habang pinagmamasdan ang mga puno't karagatan sa ibabang katabi ng bundok.Nang mga sandaling iyon tila nanumbalik sa kanyang alaala ang mga panahong pareho silang iniwan ng magulang nila ng Ate Ynaria niya, sa kadahilanang may ibang taong mahal ang kanilang mga magulang. Elementary pa lamang siya at ang Ate niya ay College na nang unang nangiwan ay ang Nanay nila pag
BIGLANG nakaramdam ng panghihina si Yrannie sa nasaksihan niya. Sa mga sandaling 'yon hindi niya alam kung anong gagawin. Naghahalo ang kanyang emosyon; takot, hindi makapaniwala, maiiyak, naguguluhan at tuliro. Nabalik siya sa kanyang huwisyo nang maramdaman niyang may yumakap sa kanyang likuran. Agad siyang humiwalay kahit nanginginig ang kanyang mga kamay at tuhod. Sunod-sunod pa ang kanyang pag-iling habang lumuluhang nakatingin kay Leon."Yrannie, hindi ko intensyon 'yon," pagkuha ng loob ni Leon sa kanya. "Masyado siyang nagmamatigas kaya hindi ko sinasadyang natulak ko siya ng malakas." Paliwanag nito."Hindi, pinatay mo siya." Walang mapagsidlan ang kanyang pag-iling."Maniwala ka, hindi ko siya kayang patayin." Pangungumbinsi ni Leon."Huwag mo kong lalapitan!" Bulyaw niya kay Leon nang pagtangkain nitong lumapit sa kanya.Sa pagpikit ng mga mata niya muling tumulo ang kanyang luha, at nang dumilat siya. Naroon sa likuran Leon si Fackly at ang kanyang mga kaibigan."Anong nan
NAPANSIN niyang humugot muna ng malalim na hininga si Fackly bago ito muling nagsalita."May sasabihin ako sa'yo!" Tugon nito."Ano 'yon?" Iritable niyang tugon."Nawawala si Leon," pahayag ni Fackly na ikinanuot-noo niya. "Kanina pa siya hinahanap ng mga ka-team ko, pero anino niya wala.""Paanong nangyari 'yon? Kanina lang nakita kong nakapagturo pa siya sa ibang estudyante!" Nagugulahan niyang sambit. "At isa pa hindi niya ko kamag-anak para sabihin mo sa'kin na nawawala siya, sa katunayan nga mabuti na rin 'yon. Nagkaroon ng hustisya ang pagkamatay ni Ma'am Emy!" May himig na galit sa boses niya."Sandali, may kinalaman ka ba sa pagkawala niya?" Pagsususpetsa sa kanya ni Fackly. "Alam kong galit ka sa kanya pero bakit mo ginawa 'yon?" Tukoy ni Fackly kay Leon.Napakunot-noo siya sa sinabi ni Fackly. "Wala akong ginawang masama sa kanya," umiiling na sagot niya. "At oo, inaamin kong galit ako sa kanya pero hindi ko kayang gumawa na ikasisira ng pangalan ko. Tanggap ko na ngang pagt
MALALIM humugot ng hininga si Yrannie, at napatingin kay Mark na tila nagpapahiwatig na ito ang unang magtanong kay Heavery. Matapos sabihin agad ni Heavery ang salitang 'Truth' "Okay, puwedeng ako ang magtanong?" Prisinta ng isa nilang kasamang lalaki. "Sige!" Nakangiting sagot ni Heavery. "Hmm... bakit ka nga pala lumipat ng university kung gayon malapit na magtapos sa taong ito ang kinuha mong course?" "Sabihin na lang natin may nangyaring hindi maganda sa pinasukan kong school dati." "Ako naman ang magtatanong!" Ani naman ng isa pa nilang kasamang babae, "Dahil ba naging heart broken ka sa dati mong kasintahan kaya ka ba lumipat?" Bahagyang natawa't umiling si Heavery sa tanong ng kasama nila. "Ang totoo niyan never ako nagkaroon ng girlfriend. Iba kasi ang priority at mahalaga para sa 'kin ang samahan namin ng mga kaibigan ko, iyon ang promise namin isa't isa." Pahayag na sagot ni Heavery. "Ano naman ang promise niyo ng mga kaibigan mo at ilan kayo?" Pang-uusisa niya kay
"NAGSESELOS ka ba kay Heavery?" Turan ni Yrannie sa nobyo. "Imposible! Iniisip ko lang 'yong plano natin. At malakas ang kutob ko sa bagong estudyante na 'yon!" Nagdududang sambit ni Mark. "Teka, pinagsususpetsyahan mo ba si Heavery? Wala siyang kinalaman sa mga nangyayari satin!" Angil niya. Bahagya pa siyang umiling. "Hindi mo ba napapansin mga kinikilos niya simula noong dumating siya sa school natin? Palagi niya tayong tinitignan na parang minamanmanan niya tayo. Tulad ng ginagawa niya ngayon!" Durong ani Mark kay Heavery na kalalabas lang ng 7/11 at tila naniningkit pa ang mga matang nakatingin sa kinaroroonan nila. Sandali siyang natigilan sa sinabi ni Mark, kapagkuwan nilingon niya si Heavery na sa tingin niya ay minamasid sila nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa 'yo mas mabuting umalis na tayo rito!" Pag-aaya niya sa nobyo. "Sabi ko sa 'yo e, sa likod ng mukhang 'yan panigurado ko si Fackly ang taong 'yon." Koment
KINABUKASAN maagang nagising si Yrannie, mabuti na lamang sabado at walang pasok. Hindi rin alam ng Ate Ynaria niya kung anong nangyayari sa buhay niya, at ayaw naman niya iyon malaman ng Ate Ynaria niya baka madamay pa ito sa gulong kinakaharap nila ni Mark. Kasalukuyan kumakain siya ng agahan nang maalala niya si Aries, naalala niyang hindi alam ng mga magulang nito kung nangyari sa anak. Wala sa sariling napapikit siya't humugot ng malalim na hinihinga. Kapagkuwan gulat napabaling ang tingin niya sa pinto nang may kumatok. Sa mga sandaling 'yon hindi niya maiwasan makaramdam ng kaba. Iniisip niyang baka si Fackly 'yon at balak siyang dukutin. Ngunit napawi ang agam-agam niya nang marinig ang pamilyar ng boses matapos kumatok ng taong nasa labas ng bahay. Agad niyang tinungo ang pinto at binuksan 'yon. Bumungad sa kanya si Mark na maaga siyang pinuntahan. "Ang aga mo ah!" Biglang turan niya. "Hindi ako mapalagay Yrannie, gusto ko nakikita kitang ligtas sa paningin ko lalo na't h
HINDI nagkamali si Mark ng hula, nasa loob nga ng drawer ang susi para sa kadena. Hindi naging madali ang pagkuha niya ng susi dahil kinailangan niya pang isentro ang nakatali niyang kamay sa kanyang likod para kunin ang susi. At nang matapos ay inuna niyang tanggalan ng kadena si Aries. Napadaing naman ang kaibigan niya dahil sa tama ng mga bala. Kapagkuwan ay siya naman ang sinunod nito tanggalan ng kadena. Ang panghuli si Yrannie na ngayon ay nagkamalay na. "Anong nangyari at nasaan ako?" Inosenteng tanong ng dalaga sa kanya. "Mamaya ko na ipapaliwanag, kailangan na natin umalis dito!" Pahayag niya sa dalaga. "Tama si Mark, Yrannie, mas lalo tayong mapapahamak dito!" Komento ni Aries, sapo-sapo ang tiyan at puwet nito na tinamaan ng bala. Pikit-matang humugot ng hininga si Yrannie, "Hindi ko alam kung paano nakarating dito, pero sige, para sa kaligtasan natin lahat." Sagot ni Yrannie. Tinulungan niya munang makatayo si Yrannie habang si Aries naman ay nasa pintuan pa lamang na
KASALUKUYAN nakikipag-agawan si Aries sa Pala na hawak ni Fackly. Gigil na gigil niyang pilit kinukuha kay Fackly ang Pala ngunit sadyang malakas ang kalaban niya kung kaya't sinipa niya ang binti nito dahilan para magkaroon siya ng pagkakataong magtagumpay na kunin mula kay Fackly ang Pala. Nang akmang bubuwelo si Fackly, agad niyang hinampas ang tagiliran nito gamit ang likod ng Pala. Ngingisi-ngising hinarap niya si Fackly na ngayon ay nakahandusay sa lupa. Tila hinang-hina at halatang 'di kayang makatayo. "Ano ka ngayon ha! Nanalo ako sa laban natin." Pagyayabang niya. Inangasan niya si Fackly habang nanatiling nakatagilid ang higa nito. "Sa tingin mo nagtagumpay ka sa plano mo?" Kalmadong ani Fackly. Ngumiti pa ito dahilan para makaramdam siya ng inis. "Puwede kitang patakasin ngayon, tumakbo ka na bago pa huliin ng mga bala ko ang parte ng katawan mo." Bantang ani Fackly. May hinugot itong baril sa bulsa ng pantalon nito. Nanlaki ang mga mata niya nang itinutok ni Fackly ang
MULING tinignan ni Yrannie ang wala ng buhay na si Fackly sa hukay, kasama ang mga iba nilang kaibigan. Halos 'di siya makapaniwalang binalingan niya ang taong nagsasabi na ito raw si Fackly. Sa mga sandaling iyon napaisip siya ng ideya. Gusto niyang testingin ang lalaking nasa harapan nila pero hindi niya alam kung paano. Ilan saglit pa'y bahagyang napapatango siya dahil may mga katanungan siyang naiisip na siguradong hindi masasagot ng taong nagpapanggap na si Fackly. "Kapatid ka ba ni Fackly?" Biglang turan ni Mark na ikinahalakhak naman nito sa huli. "Mukha ba kong may kapatid?" Sarkastikong tugon ni Fackly. Nakangisi pang hinarap nito si Mark. "Kung ganoon, sino ka nga ba talaga!?" Dagdag na tanong ni Mark. "Oo nga, at bakit hulmang-hulma mo ang itsura ni Fackly?" Sambit naman ni Aries. "Kung ikaw si Fackly, saan tayo unang nagkakilala?" Singit na tanong niya na ikinatigil ni Fackly, kasabay nang pagkawala ng ngiti nito sa labi at sali't salitan ang pagtingin nito sa kanilan
MAGHAPON hindi nakita ni Yrannie ang kaibigan na si Wilma. Hindi niya maiwasan magtaka kung bakit absent ito sa klase. Pati na rin ang mga kasamahan nito sa domitoryo ay 'di niya rin nakita. Kilala niya ang mga kasamahan ng Wilma sa dormitoryo nang minsan na siyang ipinakilala ni Wilma. Malalim siyang bumuntonghininga nang matapos ang huling klase, agad niyang niligpit ang kanyang mga gamit saka siya nagtungo sa kanilang club room. Pagdating niya roon ay bigo siya nang walang anino ni Wilma nang madatnan niya. Sinubukan niyang tawagan ngunit 'di nito sinasagot kung kaya't hindi niya maiwasan makaramdam ng kaba sa tuwing naghihinala siya na baka may masamang nangyaring sa mga kaibigan niya. Biglang bumukas ang pinto, iniluwal niyon sina Mark at Aries. "Hindi niyo ba nakita si Wilma?" Bungad na turan niya sa dalawa. Tanging pag-iling ang natanggap niya sa dalawa. "Kanina ko pa siya tinatawagan 'di niya sinasagot." Nag-aalala niyang dugtong. "Baka naman nagkasakit siya o baka may ibang
GABI na nang makauwi si Wilma galing sa bahay nila Yrannie. Matapos nila puntahan ang Seven Victim Cemetery ay tumambay pa sila sa bahay ni Yrannie. Walang tigil ang kanilang pag-uusap tungkol sa mga nakalibing at sa mga bangkay na naroon. Kuryos silang lahat dahil bilang lang ang mga nakalibing na patay roon. At isa pa, parang tago ang sementeryong 'yon kahit mayroon naman nakasulat na article at makikita sa mapa.Kasalukuyan nasa banyo siya naglilinis ng katawan. Pagkatapos niya magpalit ng damit ay bagsak napahiga siya sa kanyang kama, kapagkuwan ay bigla siyang napaisip habang nakatingin sa kisame. Mga ilang segundong pag-iisip ay nakatulog siya. Lumipas ang tatlong oras ay bigla siyang naalimpungatan nang makarinig ng kaluskos mula sa labas ng kanyang kuwarto. Bumalatay sa kanyang pakiramdam ang pagkakuryos dahil sa mabibigat na hakbang ng yapak ng mga paa. Sa mga sandaling 'yon bumangon siya ng upo kasunod niyon ay hindi niya maiwasan kabahan at matakot. Napalunok siya ng laway
KINABUKASAN may natanggap na tawag si Yrannie, binalita nang nasa kabilang linya ang umanong pagpakamatay ni Edgar. Kung kaya't bumalatay sa kanyang mukha ang 'di makapaniwala sa kanyang narinig. Dali-dali niyang tinungo ang morgue kung saan naroon ang bangkay ni Edgar. Lakas loob niyang pinasok ang morgue, sa mga sandaling 'yon nakaramdam siya ng panlalamig, takot at panginginig sa kanyang kalamnan. Kahit natatabunan ng puting mahabang kumot si Edgar ay matapang niya itong nilapitan. Kapagkuwan ay natigilan siya nang tanggalin niya ang kumot. Kasabay nang paglandas ng kanyang luha habang parehong nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig.Ayon sa natanggap niyang tawag mula sa pulis kanina, ang kanyang kaibigan ay may hiwa sa leeg habang nito ang isang patalim na naging sanhi ng pagkamatay nito. Dagdag pa roon, palaisipan sa mga pulis kung saan nakuha ni Edgar ang patalim gayon naman ay bawal iyon sa paitan. Matapos niya makita ang bangkay ni Edgar, mabilis siyang lumabas ng m