Share

Chapter Two

Author: lux_acher
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Putok na ang gabi kaya naman dagsa na talaga ang mga tao sa bar. Pasado alas-nuebe na ng gabi kaya pa-roon, pa-rito na ang mga serbidor ng bar. Halos sunod-sunod na nagsisdatingan ang mga gustong magsaya at mga taong gustong makalimot.

Napa-iling nalang si Nyx. Bakit kaya may mga taong gustong makalimot at ang sulosyon nila ay pumunta ng bar at magpakalasing? Sinawalang bahala na lang niya ang katanungan sa isip. Hanggang utak niya lang iyon. 

Ang sabi sa kanya ng kaibigan, sobrang sikat daw talaga ang tinaguriang bar. Kilala daw ito at may iba't- ibang branches sa loob at labas ng bansa. Wow, as in wow. Sobrang nakakamangha. Napakayaman na siguro nang may-ari ng bar.

May isang lalake ang nagtaas ng kamay at tinawag siya. Isa lang ang ibig sabihin nito, mag-oorder iyon.

Nang makalapit siya, bigla siyang kinilabutan sa tinging iginagawad nito sa kanya. Isang pekeng ngiti ang ibinigay niya sa lalake. 

"What can I do for you, Sir?" tanong niya dito. Namutawi ang isang nakakasurang ngiti sa labi ng lalake. Hindi niya gusto ang pamamaraan ng ngiti at titig nito.

Tiningnan nito ang kanyang mga kasama na pawang may ngisi sa mga labi nila. Ibinalik nito ang tingin sa kanya. Peste, hindi niya gusto ang tingin ng lalaking ito. 

"Sir, are you going to order?" tanong niya ulit.

"Oh, yes. 3 bottles of whiskey." sagot nito. Hindi mawala-wala ang malagkit na tingin ng lalake sa kanya. 

Magalang siyang nagpaalam sa mga ito pagkatapos niyang siguraduhin ang mga order nito. Bago siya maka-alis ng tuluyan, narinig niya pang may sumipol at nagtawanan ang mga ito. Napa-ikot nalang niya ang kanyang mata. Bwesit naman oh!

Malapit na siya sa bar counter ng mamataan niya si Ma'am Lanie doon. Nakatingin lamang ito sa kanya hanggang sa pakalapit siya sa kinaroroonan nito. 

"Nyx, mabuti nalang ay nandito ka na. May costumer bang umorder?" tanong nito.

"Yes, Ma'am." sagot niya sabay turo sa kina-uupuan ng mga kalalakihang hindi niya gusto ang tingin na ibinibigay nito para sa kanya. 

Tumango-tango naman ang kausap. Binigay niya kay Kevin ang order ng mga kalalakihang iyon. 

"Here Nyx. Serve this to the VIP room #5. Kay Stella ko nalang ipapaserve ang mga order ng mga kalalakihang iyon. And mind you Nyx, I don't like the stares of those scumbag on you. Nakakabastos. So, ihatid mo ito sa VIP room." utos sa kanya ni Ma'am Lanie.

Pinasalamatan niya ang manager sa kanyang utak. Mukhang nahalata nito ang tingin ng mga lalaking iyon. 

Kinuha na niya iyong order at naglakad na sa ikalawang palapag at hinanap ang room number 5. Nang mahanap niya 'yon ay kumatok siya ng tatlong beses para maiparating na may tao sa labas.

Bubuksan na sana niya ang pinto ng bigla itong bumukas. Dala siguro ng pagkabigla, hindi kaagad siya nakahuma para makapasok sa loob.

Lalake ang nagbukas ng pinto. Tumingla siya dahil sa taglay na tangkad ng lalake. Matangkad na siya pero mas matangkad ang lalakeng kaharap niya. 

Ang una niyang napansin ay ang mga kulay abong mga mata nito. Malamig iyon at nakakatunaw ang bawat titig nito. Pangalawa ay ang matangos na ilong nito. Bigla tuloy siyang na-concious sa ilong niya. Pangatlo ay ang panga nito. Para bang inukit ito ng isang iskulptor. Masyadong perpekto. Panghuli ay mapupulang labi nito. Hindi pa yata nalalapatan ng sigarilyo iyon. Halata namang wala iyong liptint o kung anong produktong pang labi. Kung baga natural lang ang mga labi nito.

Bumalik siya sa huwesyo nang may tumikhim sa likuran ng lalake. Isa ding alagad ni Adonis.

"Iyan na ba ang inorder namin?" tanong nito.

"Yes, Sir" sagot niya dito.

"Is that so? Come on, get inside." naka- ngiting pa-anyaya nito.

Pumasok siya sa loob at nabigla siya nang mamataan ang higit kumulang sampong kalahi ni Adan. Kung susumahin niya, nasa labing-lima ang nasa loob ng kwartong iyon. 

Tama! Labing-limang nag-gwagwapuhang kalahi ni Adan.

Inilapag na niya ang mga order nito. Pulutan ata nila, sisig kasi. Sabagay, masarap talagang pulutan ang sisig.

Magpapaalam na sana siya nang biglang magsalita ang lalakeng may bughaw na mga mata.

"Are you the new server?" tanong nito sa kanya.

"Yes ,Sir." magalang niyang sagot. Tumango tango naman iyong lalake.

"I'm Lucas Rove Sanford and the owner of this bar. And you are?"

"Nyx Artemis Oliveros po, Sir. Pero Nyx nalang po." pakilala niya rito.

"How old are you?" tanong naman nang lalakeng katabi ni Sir Lucas.

"25 na po, Sir." sagot niya kaagad.

Jusko, ano ba ito? Question and answer portion. Nako naman. Hindi siya sanay sa ganito.

Pero Lucas Rove Sanford pala ang pangalan ng Big Boss nila. Hindi niya kasi naitanong kay Kim o sa Ma'am Lanie niya, kung ano ang pangalan ng boss nila.

Napa-ayos siya ng tayo nang may nagtanong ulit.

"So Nyx, do you have a boyfriend?" tanong ng lalakeng naka-upo sa pinakadulo. 

"Wala pa po, Sir. Hindi pa po pumapasok sa isip ko ang pagnonobyo." nakangiti niyang sagot. Nakaka-ilang man ay sinagot niya na lang ito.

"That's good to here." Dumako ang kanyang paningin sa lalakeng nagsalita. Siya iyong nagbukas ng pinto.

At hayon na naman ang mga mata ng lalaki. Para ka talagang malulunod.

Nakipagtitigan siya dito. Ayaw niyang magpatalo. Pero bigla siyang napakurap- kurap nang bigla itong ngumisi. Pakshet naman!

Biglang naglakbay ang kanyang isip at inisip ng maigi kung saan niya ba nakita ang ngising iyon. Napasinghap siya ng matandaan niya na.

Jolly Moly!!! Siya iyon.

Iyong lalaki kagabi na nakatitigan niya. Bakit niya ba nakalimutan iyon. 

Jusko naman, Nyx!

Napa-iwas siya tingin dahil hindi na niya nakayanan ang tinging ibinibigay nito. Nakakapaso na kasi. Tumingin siya sa gawi ni Lucas at tinanong kung may kailangan pa sila. Nang masiguradong wala na itong mga kailangan, dagli-dagli siyang lumabas sa kwartong iyon. Hindi na niya nakayanan ang atmospera sa loob. Masyadong mainit. Nakakapaso.

Nang tuluyan na siyang makalabas, pinakawalan niya ang hiningang kanina pa niya pinipigilan. Inayos niya ang kanyang sarili at umalis roon na para bang walang nangyare.

Hindi niya mapigilang alalahanin ang mga titig nang isang kaibigan ng Sir Lucas niya. Iyong titig na pwede ka ng malusaw. Ang mga titig na nakakapanglumo ng tuhod.

Iyong tingin sa kanya kanina, para siyang kakainin ng buhay. Mukha ba siyang pagkain, at gan 'on nalang ang titig nito? Hindi naman siya masarap at mas lalong wala siyang lasa dahil hindi naman siya pagkain.

Napa-iling na lang siya sa mga pinag-iisip niya.

Bumaba na siya sa ikalawang palapag ng bar at hinanap nang paningin niya ang kanyang manager. Kailangan nitong magpaliwanag, dahil hindi nito sinabi na ang boss nila ang pagseserbihan niya at kung bakit ganoon ang titig ng isang kaibigan ng Sir Lucas nila.

Nakita niya ito sa bar counter, na kung saan ay pinag-iwanan niya kanina.

Nilapitan niya ito.

"Anong nangyari sayo at bakit ka nakasimangot?" takang tanong nito.

"Ma'am Lanie, bakit hindi niyo po sinabi sa akin na si Sir Lucas at ang mga kaibigan niya ang nandoon sa VIP room 5?" maktol niyang tanong dito.

"Sorry Nyx, nakalimutan kong sabihin sayo na sila Sir Lucas pala ang nandoon. Nawala sa isip ko kanina. Bakit, may ginawa ba sila sayo? Mabait naman si Sir Lucas pati na rin ang mga kaibigan niya." paliwanag nito. 

"Alam ko pong mabait sila kahit hindi kita sa mga mukha nila pero Ma'am Lanie dapat sinabi niyo po sa 'kin para prepared ako." nakasimangot niyang saad. For sure mukha na siyang pato dahil sa panunulis ng nguso niya. 

Natawa naman si Lanie sa kanya. May nakakatawa ba? 

"Sige, sa susunod ay sasabihin ko na sa 'yo. Nakalimutan ko lang talaga kanina dahil na rin sa dami ng iniisip ko." Tumango-tango naman siya bilang tugon.

Lumipas ang ilang oras ay naging busy na siya sa pagseserve, gan 'on din ang kanyang mga kasamahan.

Pagod siyang umupo sa mono-block chair na nasa loob ng locker room. May roon silang 30 minutes na break time kaya makakapagpahinga siya.

Nakakapagod. Kailangan niyang makipag-plastikan at pakisamahan ng maayos ang mga costumer, kahit ang iba ay gusto na niyang sakalin.

Napalingon siya sa pinto ng bigla iyong bumukas at pumasok doon ang kaibigan na nakasimangot.

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong niya dito. Mukha kasi itong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa itsura nito.

"May costumer kasing bitchesa kanina, naiinis ako sa kakaarte nito doon sa jowa niyang mukhang siopao. Keso, bakit daw ang init dito, keso, bakit daw ito tumitingin sa ibang babae. Gusto ko na ngang pagsabihan na 'mukha ka kasing pusit kaya sa iba na nakatingin'. Kung hindi lang ako matatanggal sa trabaho, baka nasabi ko na iyon." mahabang paliwanag nito. 

Natawa naman siya. Halata sa itsura nang kaibigan na naiinis na ito doon sa babae. Hindi naman takaw-gulo ang kaibigan, sadyang maiksi lang ang pisi ng pagtitimpi nito. Naalala nga niya noong bago lang sila sa Maynila, may mga lalaking binastos siya, si Kim ang tumulong sa kanya. Kaya naman, malaki ang respeto niya sa kaibigan. Sobrang laki.

Natapos ang 30 minutes na madami silang pinag-usapan. Simula ng lumipat sila dito sa Kamaynilaan hanggang sa buhay nila ngayon. Nag-ayos muna sila bago tuluyang lumabas ng locker room.

Nasa kalagitnaan siya ng pagseserve nang may mataan siya sa isang sulok ng bar. Dalawang taong naghahalikan. nakapikit ang dalawa nilang mga mata habang ang mga kamay naman ng lalake ay malayang naglalakbay sa katawan ng babae. Ang damit ng babae ay kumikinang sa tuwing natatamaan ng malilikot na ilaw ng bar; maiksi ito at halos nakikita ang kanyang kaluluwa. 

Mahabaging diyosa! Napaiwas siya ng tingin at napapikit. Ang mga mata niyang birhen, nabahiran ng kulay pink! Inaasahan niyang may ganitong eksena ang madadatnan niya kapag nagtatrabaho siya rito. Hindi siya. sanay...hindi siya kailanman masasanay.

Pamilyar sa kanya ang lalake. Para bang nakita na niya ito sa kung saan. Inisip niyang maligo kung saan ba niya nakita ang lalake.

Napasinghap siya nang makilala ang lalakeng iyon.

Jolly Molly, siya iyong isa sa mga kaibigan ng Sir Lucas niya.

Tumalikod na siya dahil hindi na niya kaya ang eksenang iyon, isa pa hindi naman siya chismosa.

Maglalakad na sana siya ng bigla siyang tumama sa isang pader. Teka, kailan pa nagkaroon ng pader sa kinatatayuan niya kanina?

No, hindi ito pader batay sa amoy nito. Mabango ito at amoy panglalake ang pabango. Napalunok siya ng mapagtanto ang hinala.

Ang una niyang nakita ay ang maskuladong dibdib ng lalake. Iniangat niya ang kanyang tingin at sumalubong sa kanya ang kulay abong mga mata. Biglang nanlaki ang kanyang mata ng salubungin niya ang titig ng lalake. Malamig pa rin iyon. 

Isa sa mga kaibigan ng Sir Lucas niya ang nabunggo niya, much worst ay iyong lalakeng may kulay abong mga mata.

Biglang nag-init ang kanyang mga pisngi at para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

Nang mahuma na niya ang sarili ay mabilis siyang humingi ng patawad at kaagarang umalis doon. Pero hindi pa siya nakaka-alis ng tuluyan ay narinig niyang nagsalita ang lalake na ikinalaki ng kanyang mga mata.

"Enjoying the live kissing show?"

Shit! Ang gaga niya. Nakita pala siya nitong inuusisa ang nakita niya kanina.

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig ang anunsiyo nito.

Kaugnay na kabanata

  • The Selfless Moon   Chapter Three

    Pagod siyang humilata sa kanyang kama. Alas kwatro na ng madaling araw at kadarating niya lang galing sa trabaho niya.Inaantok na siya ngunit na-alala niyang may pasok pa ang kambal mamaya. Iidlip na lang siguro siya saglit, pero sure siyang bangag siya mamayang pagkagising niya.Ipinikit niya ang kanyang mata, kasabay nito ang paglitaw ng isang imahe. Imahe nang lalakeng kaibigan ng Sir Lucas niya.Ang mala-abong mga mata nito, matangos na ilong, at ang mga mapulang labi nito, na para yatang masarap halikan. Perpekto, napaka-perpekto nito. Pero teka lang, anong sabi niya?'Ang mapulang labi nito na para yatang masarap halikan''Na para yatang masarap halikan.'Mabilis siyang napabalikwas ng bangon nang magreplay sa utak niya ang mga pinagsasabi niya.Jusko, mahabaging Pedro Calungosd, patawarin niyo po siya sa kanyang mga pinagsasabi. Sana ay papasukin niyo siya sa tarangkahan ng langit.Gaga talaga siya. Bakit ni

  • The Selfless Moon   Chapter Four

    Her POVAng mahabang katahimikang namayani sa opisina ni Sir Lucas ay nabasag ng magsalita si Sir Lancer."How's your house, by the way?"tanong ni Sir kay Sir Tyrus.Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanila kaya naman iyong first name na lang nila."Done for the renovation,"sagot nito sa kausap."May ibabahay ka na ba? Ako kasi nakita ko na ang ititira ko sa bahay ko""Back off, Calderon."galit na usal ni Sir Tyrus na ikinatawa lamang ng kausap."Actually, mayroon na akong ibabahay doon. She's the goddess of darkness but also, she's the moon, who emitts the light to my darkest world."dugtong nito.Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon ay nakatingin lang siya sa akin, na para bang sa akin niya iyon ipinapahiwatig.Maganda siguro iyong ibabahay ni Sir Tyrus, mayaman rin. Perfect sila. Magandang combination, kaya maganda at gwapo

  • The Selfless Moon   Chapter Five

    Her POVIlang oras na akong nakatitig sa sarili ko sa salamin, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi isipin ang nangyari kagabi. Nakakahiya talaga.Ang akala ko kasi ay hahalikan ako ni Tyrus. Yeah, Tyrus. Walang 'sir' o kahit anong ka-echusan ang dugtong sa pangalan niya.Kahit kasi hindi ako nakatingin sa kanya kagabi sa sasakyan, halatang nakangisi siya sa buong byahe. Nagbago lang ata ng expression ng mukha niya noong bumaba na ako ng sasakyan.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Ayoko ng isipin pa, masyadong embarrassing.Naglakad na ako paalis ng bahay. Nauna ng umalis ang kambal sa akin, since alas otso pa ang pasok ko.Sumakay na ako ng tricycle at nagpahatid sa Rove's restaurant.Ito ang unang araw ko sa restaurant at sana naman, wag na akong malipat pa dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.Makalipas ang ilang minutong byahe ay dumating n

  • The Selfless Moon   Chapter Six

    Her POV Tatlong linggo na magmula ng magtrabaho ako sa restaurant ni Sir Lucas. Wala naman akong naging problema, kaya naging maayos ang trabaho ko. Sinagot din iyong dasal ko, na huwag malipat pang ulit sa ibang trabaho. Naging kasundo ko na rin kasi ang mga tao sa restaurant. Sa loob din ng tatlong linggo, may mga costumer pa rin naman na kung umasta, ay akala mo'y mga santo na dapat sambahin. Alam kung hindi iyon maiiwasan, pero nakakainis na rin. Pinaalalahanan na din kami ni Sir Lucas, na kung maaari ay huwag na daw naming patulan ang mga ganoong klaseng mga costumer. Nalaman kasi niya iyong huling nangyari. Sinabi niya sa amin, kung maaari lang iwasan, iwasan na lang ito. Lalo na daw ako na malaki nga daw iyong pasensya, pero pagnapikon, mukhang sasabak ng gyera. Habang pinupunasan ko ang lamesang iniwan ng costumer ay biglang tumunog ang chime sa may pinto, at pumasok doon si Tyrus, wearing his usual face— the emotionless one. Sa loob ng tatlong linggong pagtratrabaho ko d

  • The Selfless Moon   Chapter Seven

    Naalimpungatan ako nang mag-ring ang alarm clock ko. Sabado ngayon kaya wala akong pasok pati na rin ang kambal. I did my usual morning rituals, before I headed to the kitchen.Pagdating ko sa kusina, nandoon na ang kambal. Palagi naman. Every weekend kasi, sila iyong nauunang gumising kaysa sa akin. Siguro, na-iipon iyong pagod ko, kaya late na akong nagigising kapag weekends.Napangiti naman ako sa ginagawa nila, they're making a breakfast. Si Nykko ang nagbabate ng itlog. Madami na iyong bula, for sure kanina niya iyon binabate, habang si Nykky naman ang nasa harapan ng kalan."Nykko, akin na iyong itlog." Inabot naman ni Nykko ang itlog sa kakambal niya.Napa-iling nalang ako sa ginagawa nang kambal. I find it sweet. Sa loob ng tatlong linggo ay ganyan ang ginagawa nila. Nagpaturo sila sa aking magluto ng itlog. Noong una ay umayaw pa ako, pero kalaunan ay pumayag na rin ako. Mga mapilit kasi, ang katwiran nila ay pagod daw ako.

  • The Selfless Moon   Chapter Eight

    "Hoy, anong nangyari sa 'yo? Bakit ka namumutla?" tanong sa akin ng pinsan ko. Nalunok ko ang sarili kong laway. Alangan naman sa kanya di ba."Huh? A-ano, w-wala lang ito." Kinakabahang sagot ko."Sure ka ba?" Tumango ako bilang sagot ko. Kinakabahan ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. May namumuo nang pawis sa noo ko. Bakit ba ako kinakabahan? Napalunok ulit ako nang matandaan ko ang halik na pinagsaluhan naming dalawa ni Tyrus. Hindi ako palamurang babae, pero shit lang. Halos hindi maka-usap nang maayos ng mga katrabaho ko nang oras na iyon, dahil masyado akong tulala at distracted. Bigla akong namula sa pinag-iisip ko. Kinuha niya ang first kiss ko."Nyx, okay ka lang ba talaga?" Ang boses ni Grace ang pumukaw sa pagbabalik-tanaw ko."Uuwi na tayo kung hindi ka okay. Sabihin mo lang." Dagdag pa nito. Sasagot na sana ako, nang may umakbay sa pinsan ko. Iyong lalakeng kasama nila Tyrus kanina."Hi, Do

  • The Selfless Moon   Chapter Nine

    "HINDI niyo ba talaga ako titigilan?" inis kong tanong. Kanina pa nila ako kinukulit kung ano raw ang meron sa aming dalawa ni Tyrus. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanila, dahil kahit ako 'y hindi alam kung anong meron sa amin. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa bawat kilos niya."Kung walang namamagitan sa inyong dalawa ni Sir Tyrus, bakit ka niya hinalikan?" tanong ni Dianne. "Hindi ko din alam," sagot ko. Ilang beses nila akong tinanong pero puros 'hindi o wala' ang palagi kong sagot. Kaklaruhin ko muna kay Tyrus kong ano ba talaga ang gusto niya.Nakahinga na ako ng maluwag ng matapos na ang break time namin, pero for sure ako, mamaya dudumugin nila ako. Ang sakit nila sa ulo. Daig pa nila ang mga kapatid ko sa sobrang kakulitan. Bumalik na kami sa kanya kanya naming trabaho. Inasikaso ko ang bawat costumer and take their orders.Lumipas ang oras at tapos na ang shift ko. Pagod akong umupo sa may monoblock sa locke

  • The Selfless Moon   Chapter Ten

    Her POVBangag akong nakatunganga habang pinagmamasdan ang kambal na kumakain. Hindi ako makakain ng maayos sa kadahilanang hindi ko naman matarok. Ang kambal naman ay panay an sulyap sa akin at siguro 'y nahihiwagaan na rin kung ba't ba ako nagkaka-ganito."Ang panget mo, Ate," pang-aasar sa akin ni Nykko na siniko naman ng kakambal niya nang makitang masama ang tinging ginagawad ko dito.Biglang inangat ni Nykko ang kaniyang ulo at biglang nanlaki ang mga mata ng makita ako na masama ang tingin sa kaniya. He made a sign na para bang zinizipper ang kaniyang bibig. Bigla naman akong natawa. This two never fails to amuse me.Bigla kong naalala 'yong kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin magsink-in sa utak ko ang mga pinagsasabi ni Tyrus. He just asked me for a date. For Pete's sake, ngayon na lang ulit may nag-aya sa 'king makipag-date since the day my parents died. Nagloading talaga ang utak ko, magpa-hanggang ngayon naman, e. Hindi ako tinantanan ni Tyrus hanggang hindi ako nagsali

Pinakabagong kabanata

  • The Selfless Moon   Chapter Nineteen

    Hindi makapaniwalang nakatitig sa 'kin si Tyrus ngayon. Nababakas pa rin sa mga mata niya ang gulat ang kakaibang saya sa inamin ko kanina. His eyes was glistening with so much delight.Nasa dalampasigan kami at naka-pwesto sa lilim ng puno nang niyog habang ang mga kaibigan niya ay bumalik sa bahay ni Knox para daw maghanda ng tanghalian. Sasama na nga dapat ako kung hindi lang umarte 'tong lalaking kasama ko. Ang mga kamay niya ay parang sawa na nakalingkis sa baywang ko at parang takot na tumakbo ako palayo sa kaniya. Kapag susubukan ko namang tanggalin ay lalo niya lang hinihigpitan. I mentally chuckled. Clingy and possessive, eh."Hindi ka pa ba bibitaw?" nagbabakasakaling tanong ko. Baka magbago ang isip at bumitiw na sa pagyakap sa 'kin.He shook his head and placed his head on the crook of my neck. "No. Don't want to let you go," he said.My faced flushed when he bit my neck. My butterflies in my stomach become wild. He gives tiny kisses on my neck and shoulder blades since

  • The Selfless Moon   Chapter Eighteen

    Halos lumuwa ang mata ko sa sobrang ganda ng islang ito. Yeah, it is an island wherein there's a lot of expensive houses. Para siyang exclusive subdivision ang pinag-kaiba nga lang ay nasa Isla ito.Hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang ganda ng lugar. The salty wind breeze hit a different calmness in my system, along with the clear blue ocean with it's white sand really gives me a calmness. Sobrang napakaganda niyon sa 'king paningin. Sobrang tahimik ng lugar na ito at tanging huni ng ibon at ang paghampas ng mga alon papunta sa baybahin.Hindi pa rin ako makapaniwalang makakatapak ako sa islang ito. Parang dati lang ay pangarap ko lang makatutungtong sa islang ito. Tanaw kasi ang El Paraiso sa Sambawa Island kung saan kami nanirahan ng mga kapatid ko. El Paraiso. Ang alam kong ang islang ito ay exklusibo lamang para sa hindi ko kilalang magkakaibigan. "Anong ginagawa natin dito, Tyrus?" tanong ko sa kaniya nang makababa kami sa helipad at nasa isang rooftop ng bahay kami ngayon.

  • The Selfless Moon   Chapter Seventeen

    Hindi maipinta ang mukha ngayon dahil sa lalaking prenteng naka-upo sa single couch na nandito sa loob ng opisina ni Sir Lucas. He's lazily looking at me. Ang isang kilay niya ay naka-taas na. Putrages! Siya pa talaga ang may ganang pagtaasan ako ng kilay, e siya iyong kaagang-agang nambulabog sa trabaho namin.Hindi ko alam kung anong trip niya at pinapunta niya ako rito sa opisina ni Sir. May ideya na ako at tama nga ang hila kong mangbwebwesit lang ang lalaking 'to. Ang sarap niyang paliparin.I rolled my eyes ay nameywang sa harapan niya. Naiinis talaga ako sa pagmumukha niya ngayon."What are you doing here?" inis kong tanong sa kaniya."Visiting you, I guess." walang kaamor-amor nitong sagot.Dahil sa sobrang inis ko sa kaniya ay sinipa ko ang kaniyang paa. Simula nang manligaw kuno siya sa 'kin ay trip niya palaging asarin ako o di kaya 'y barahin ang bawat tanong ko sa kaniya.Paiba-iba rin ang ugali nito. Sometimes his sweet then later on magiging bugnutin tapos biglang mang-

  • The Selfless Moon   Chapter Sixteen

    "Ate, tama na pagod na kami," pagod at tumatawang pagpapatigil sa 'kin ng kapatid kong si Nykko pero patuloy pa rin ang pagtakbo. Kanina pa kami naglalaro ng habulan at kita ko nga sa mga mata nila na pagod na sila pero hindi 'yon dahilan para tumigil sa paghabol sa kanila. Patuloy ko silang hinahabol hanggang maabutan ko silang dalawa. Una kong nadakip ay si Nykko at kasunod nito ay ang kambal na si Nykky. Marahan ko silang dinamba at niyakap. Kinikiliti ko sila kaya napuno ng tawanan ang bakuran namin."Tama na Ate, hahahahah." saway sa 'kin ni Nykky habang panay ang ilag sa pangingiliti ko. Panay ang tawa namin at parang walang kapaguran.Nang makaramdam ng pagod ay tinigilan ko na sila. Humiga ako sa damuhan at ini-unat ang dalawang kamay. Nasa taas ang tingin ko at pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan. Sabay na humiga ang kambal sa magkabilang braso ko at pinagmamasdan rin ang magandang kalangitan. Napakapayapa talaga kapag papalubog na ang araw."Ate talaga bang aalis

  • The Selfless Moon   Chapter Fifteen

    Napa-nganga ako sa lalaking nagpupuyos ng galit at kulang na lang ay magbuga ng apoy. His eyes say's it all. He's really mad.Pero dahil nga kilala ko si Void, hindi siya nakinig kay Tyrus at lumapit pa lalo sa 'kin. Matunog na ngumisi si Void nang makitang umuusok na sa galit si Tyrus."Don't try my patience fucktard," inis na lintaya ni Tyrus."What's your problem being near to Nyx. You're not her boyfriend after all," naka-ngising saad ni Void. Mas lalong nagpuyos ng galit si Tyrus dahil sa sinabing 'yon ni Void.Sa itsura ngayon ni Tyrus, anytime soon ay masusuntok na niya si Void pero itong lalaking nasa tabi ko ay walang pake. I know that his just pissing Tyrus off. Mapang-asar kasi ang lalaking 'to.I gasped when Tyrus grabbed me away from Void. His eyes shouts danger now while Void creased his forehead at mukhang hindi nagustuhan ang ginawa ng kaibigan. Parang may nakikita na rin akong kuryente sa dumadaloy sa pagitan ng masamang titigan nila.Napalunok ako at naumid ang dila

  • The Selfless Moon   Chapter Fourteen

    Naniningkit ang mga mata ni Grace nang makita niya ako. Nasa trabaho ako ngayon at hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng babaeng 'to dito sa restaurant na pinagtratrabahuan ko. Alam ko namang kakain siya pero for sure akong may ibang pakay si Grace kaya narito siya ngayon. May naiisip na ako at alam kung ang pinunta niya. Makiki-chismis! Binalewala ko na lang ang pinsan ko at pinagpatuloy ang pagtratrabaho. Habang inaasikaso ko ang mga costumer ay hindi ko maiwasang mailang dahil parang may tumititig sa 'kin. Kanina ko pa siya nararamdaman pero pinagsawalang-bahala ko lang 'yon dahil akala ko wala lang 'yon kaso nakaka-ilang na talaga siya. Dali-dali akong pumasok sa kusina at sumandal sa pader na malapit sa sink."Ayos ka lang ba, Nyx? Bakit ka namumutla?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Dianne. Mukhang napansin niya ako."Oo. Medyo pagod lang," naka-ngiting sagot ko."Sure ka ba? Ako muna sa labas kung hindi ka okay,""No, I'm good. No need to worry." I assuredly said. Mabuti na

  • The Selfless Moon   Chapter Thirteen

    Naalimpungatan ako ng gising nang maramdaman ko ang init na tumatama sa 'king katawan. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata at tumama sa 'kin ang nakakasilaw na sinag ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana. Hindi pa masyadong mataas ang sikat ng araw kaya kung susumahin ay nasa alas-syete pa lang ng umaga at tumama nga ang hinala ko ng dumako ang paningin ko sa orasang nasa side table.Takte, alas-syete na pala. May mga kapatid pa akong aasikasuhin. Ang ingot mo talaga, Nyx.Agaran akong napabalikwas ng bangon na pinagsisihan ko dahil sa sakit ng nasa pagitan ng mga hita ko. Parang may kung anong dambuhala ang pumasok sa loob ko.Napalunok at namula naman ako ng matandaan kung ano ang nangyari kagabi. Did we really do it?Ang tanga naman, Nyx. Ebidensya na nga 'yang pananakit ng nasa pagitan ng hita mo nagdududa ka pa.Kinutusan ko naman ang sarili na hindi talaga ako nanaginip na nangyari na talaga 'yon kagabi.Dahan-dahan akong bumangon. Napahinga ako ng malalim ng maka-upo

  • The Selfless Moon   Chapter Twelve

    Halos kasing laki na yata ng kwago ang mga mata ko. Hindi ako makahuma sa ginawang paghalik sa 'kin ni Tyrus. Alam kong hindi ito ang unang halik na natikman ko galing sa kaniya pero nagulat pa rin ako dahil iba ang intinsedad nito. Sobrang nagulat ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Hindi ko rin mahuma ang sarili ko. Ayaw magsink-in at iproseso ng utak ko ang nangyayari ngayon. Hanggang ngayon ay magkahugpong pa rin ang mga labi namin at bahagya iyong gumagalaw."Open your mouth and kiss me back," utos niya na akin namang sinunod. I open my mouth and welcome his tongue. Parang may kung anong kayamanan ang hinahanap ang dila ni Tyrus sa loob ng aking bibig. Parang may sariling utak ang aking mga kamay at ikinawit ang mga iyon sa batok ni Tyrus habang ang kamay naman niya ay nasa aking baywang at mas lalong hinapit niya pa ako papalapit sa kaniya at pinalalim ang aming paghahalikan. Ang kamay nito ay pumipisil-pisil sa baywang ko na nagbibigay ng kakaibang sensasyon. Nakakab

  • The Selfless Moon   Chapter Eleven

    Her PovHalos mabilaukan ako nang sarili kong laway dahil sa tanong niyang ‘yon. Mukha bang may ginawa na kaming milagro ni Tyrus?Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya.“What? I am just asking,” inosenteng saad nito.“Seriously, Grace mukha bang may nangyari na sa ‘min?”“Malay ko ba.” mataray nitong sagot.Babatukan ko n asana siya nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko at sumilip doon ang ulo ng kapatid kong si Nykky.“Nasa baba na Ate si Kuya Tyrus,” pagpapaalam nito sa akin.“Sige, baba na kamo ako.” Sagot ko naman na ikinatango lamang niya at tuluyang nilisan ang aking kwarto.Sinulyapan ko si Grace at nakita ko na naman ang mapaglarong ngisi na nakapaskil sa kaniyang labi.Shit!Bakit ba may pinsan akong katulad ni Grace? Paki-remind sa ‘kin na batukan ang pinsan kong ‘to.“Stop smirking, will you? inis kong paki-usap na ikinahalakhak niya lang. Lalo lamang akong nainis sa babaeng ito.Seriously? Mukhang natuluyan na ang babaeng ‘to.”“You know what, bumaba na ta

DMCA.com Protection Status