Home / Romance / The Seductive Billionaire Lawyer (SPG) / Chapter 6: You Owe Me Your Number.

Share

Chapter 6: You Owe Me Your Number.

“Bago ka lang sa gym na ito?” Maayos niyang tanong kaya naman tinitigan ko ang asul niyang mata bago sumagot.

“New member Savi suggested this gym so since yesterday I have been doing my routine here. Ikaw ba?” Maayos na tanong ko.

“Since last year,” he answered.

“Oh, sabi nila pag matagal ka na raw na member dito may free uniform at free self-defense ne tinuturo?” Pabulong ko pang tanong.

“Yeah, you want them?” Kwestyon niya.

“Syempre!”

“You could pay for it, also if you don’t like waiting for a year.” Lumunok ako at tsaka umiling.

“No thanks, I’d rather get it free. Monthly pa lang sobrang mahal na, idagdag ko pa kaya ‘yon ‘di ba?” Huminga siya ng malalim bago dahan dahan na tumango.

“Sabagay.”

“So, You’re an attorney now right?” Nahihiyang panimula ko, tumayo siya ay niyaya ako sa treadmill kaya habang tumatakbo ay nag-usap na rin kami.

“I passed the exam last year,” sagot niya.

“It took you years siguro?” Tumango siya ulit.

“How about you? What do you do?” Nang itanong niya ‘yon ay bigla akong nahiya dahil doon sa tuwing proud na proud ako minamaliit nila ang pinag-aralan ko.

“Ah, wala.” Sagot ko.

“Wala?” Kwestyon niya.

“Wala, easy lang ganito lang. Party,” I lied.

“Hmm, that’s odd. I heard you do designs. I just don’t know what kind of designs.” Lumunok ako sa sinabi niya.

“Saan mo naman nalaman?” Ngising sabi ko.

“Devone,” lumunok ako at nagkibit balikat.

“I actually want it discreet.” I answered.

“Why?”

“Because they belittle me,” maayos na sabi ko at bahagyang binagalan ang takbo.

“Hmm, is that so..”

Natapos ang usapan namin doon, he seems to respect my decision that I liked about him, but yeah I admit he’s so attractive from inside and out physically and emotionally.

After taking a shower, I feel so relaxed and fresh na naman kaya naman lalabas na ako to meet my friends dahil madalas sila ang may bigay na raket sa akin para magka-pera dahil sa totoo lang kung wala akong design na na-bebenta wala rin talaga.

Papalabas na sana ako ng gym ngunit natigilan ako ng nakasandal si Eros sa sasakyan niya habang nakatingin sa akin kaya tumikhim ako bago dahan dahan na lumapit. “You need a ride?” Umiling ako bilang sagot.

“Salamat, pupunta rin kasi ako sa resto ng kaibigan ko.” Maayos na sagot ko sa totoo lang hiyang hiya na ako pero mas nakakahiya kung iiwasan ko siya baka isipin niya hindi ako sanay ganoon.

“Okay, the next time we meet you owe me your number.” Lumunok ako sa sinabi niya.

“Ha?”

“Your number, if we would meet again coincidentally.” Napalunok ako ng ngumisi siya bago sumakay sa sasakyan niya at kinawayan ako mula sa loob.

Seryoso ba?!

Shet!

Ay gaga ‘di ba sabi mo kay Devone na? Huwag kang scam Mayi pero baka friendly lang siya?

Yeah right, mukhang hindi niya naman ako gusto seeing how he’s not affected when I’m around habang ako nangangatog na ata ang tuhod ko, nang makarating sa resto nila Savi ay umorder ako ng maiinom.

“Uy besh!” Nilingon ko kaagad si Espi na naupo sa harap ko.

“Nakita ko kayo ni Attorney, kayo na?” Ngumiwi ako at umiling.

“May girlfriend siya,” wika ko.

“Ay sino? Wala kaya.” Napalingon ako kay Savi na ibinaba ang bag niya sa mesa.

“May raket?” Tanong ko.

“Isa lang kasi yung nakuha ko na raket sis, hindi ko alam kung enough pero malaki naman magbayad ‘to. Kilala mo si Aisley?” Umiling ako bilang sagot.

“Okay na ‘yon just give me her address or number ako na kakausap. Thank you.” Humalik pa ako sa pisngi ni Savi na ikinangiti niya, ganito talaga kami minsan makukulit madalas sweet sa lahat.

“Nasaan si Shobe?” Tanong ko.

“Hindi ko rin alam, sabi niya kanina on the way na siya.” Tumango ako bilang sagot.

“Ito yung address, available siya ngayon so suit yourself.” Ibinaba ni Savi ang isang note kaya kinuha ko ‘yon at sinave ko ang number niya.

I texted her to ask if she’s available today, maya-maya ay dumating na si Shobe na nakasuot lang ng maluwag na shirt at shorts. “Tinatamad ako, iinom ba kayo?” Umiling ako kaagad.

“Hindi, okay ka lang?” Tanong ko.

“Hmm.” Sagot niya.

Nang maka-receive ng text galing sa kaniya ay tumayo na ako habang nakangiti. “I’ll meet my next client, bye bye!” Patakbo akong lumabas ng resto at pumara ng taxi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status