Nang makarating sa isang apartment na maganda, as in sobrang ganda dahil na rin sa glass walls. Pinindot ko ang door bell nila at dahil sa pagkamangha ay bumukas ang gate ng hindi ko namamalayan ngunit ganoon ako napalunok ng makita ang isang matangkad na lalake ang nagbukas.
Lumunok ako ng makita ko na asul ang mata nito, uso ba ang asul na kulay sa mata ngayon? “A-Ah I came here for—“ “Yes, you came here for me. Tara na!” Nanlaki ang mata ko ng akbayan ako nito dahilan para wala akong magawa. “Hoy Isaiah! Bisita ko huwag mo nga siyang anuhin!” Bulyaw ng isang magandang babae kaya ngumiti ako at dahan dahan na inalis ang akbay ng tinawag niyang Isaiah. “Luh epal ka Aisley? Chic ko ‘to.” Ngumiti ako at tinitigan yung lalake na pangalan ay Isaiah. “Cute ka okay? Pero trabaho ang pinunta ko rito.” Nanlaki ang mata niya bago ngumiti. “Naks salamat, salamat. Cute ka rin,” humiga na siya sa sofa habang nakatitig sa akin kaya nangunot ang noo ko. “You’re beautiful huh,” lumunok ako at ngumiti. “Thank you.” “Uhm ikaw si Mayella? I’m an engineering student kasi, siya naman architect. Eh kailangan namin ng susuotin para sa prom ball ng mga college, magagawan mo pa ba within a month?” Pinaupo niya ako ay inabutan ng drinks. “Oo naman, i-ito nga pala yung mga na-design ko na noon. Yung iba sold na yung iba hindi pa,” inabot ko sa kanila ang sketch pad ko at ng makita nila ‘yon ay pati si Isaiah napaupo ng maayos. “Are you left handed?” Ngumiti ako at tumango bilang sagot. “I want this, pero can you make it backless?” Tinignan ko ang tinutukoy ni Aisley kaya naman tinitigan ko ng mabuti ang design. “Pwede syempre,” pagsangayon ko. “Hmm I trust you so make a design that suits me well.” Nakangiting sabi ni Isaiah kaya ngumiti ako. “Thank you.” “Aisley libre mo ba?” Tanong nito sa kasama. “Ang kapal ng mukha mo, magbayad ka.” Napangiti ako sa sumbatan nilang dalawa. “Tignan mo ‘to, ang damot damot ikaw ‘tong gusto ang kakaiba tapos ako magbabayad.” Hinintay ko silang matapos magtalo hanggang sa si Isaiah na ang magbabayad ng lahat. “Sure ka ba na ganoon lang yung payment? I mean your designs are beautiful, aesthetic, plus your effort pa.” Ngumiti ako. “Okay lang, babalik ako next week pag may nasimulan na ako.” Tumango tango siya tapos ay natigilan ako ng maya-maya ay bumalik si Isaiah at inabutan ako ng box. “A-Ano ‘to?” Tanong ko. “Sweets can boost your creativity, cake ‘yan.” Nanlaki ang mata ko. “Hala nakakahi—“ “Cute ka kasi kaya kita binigyan, bawal ang hindi. Enjoy!” Ipinahawak niya na sa kamay ko ‘yon kaya ngumiti ako at tumayo, inayos ko rin ang buhok ko. “Salamat.” Ngumiti siya at kumaway na kaya naman umalis na rin ako, sumakay lang ako ng taxi. Nang makauwi sa condo ay humilata ako kaagad. Three days passed and I was standing in front of my friend's workplace, sa law firm sa kung saan nandito si Eros. Kinakabahan akong pumasok sa loob, nasa lobby pa lang ay napalunok ako ng makita ko kaagad si Eros na salubong ang kilay habang hawak ang tatlong folder. Nanatili akong nakatayo ng napapagalitan na naman sila Espi. “Did you read the case? Or did you just scan it?” Naglapat ang labi ko at nanatiling nakatayo sa gilid. “I-I—“ “Tell me the truth,” he strictly said. “I read it, attorney but due to laziness I jumped twice the page.” Pagsabi ng totoo ng isa kaya naman tumikhim si Eros bago niya inabot ang buong folder. “Read it again, summarize it. Pag may nalampasan ka, quit law.” Mangiyak ngiyak yung babae kaya naman ng humarap si Eros ay napaayos ako ng tayo. Nang maglakad siya papalapit ay tumikhim ako. “You owe me your number,” paalala niya bago dumeretso sa isang room sa lobby kaya nilapitan ko si Espi at hinampas sa braso. “Gaga, ano na naman ginawa mo?” Kwestyon ko pabulong. “Kaya nga kita pinapunta, naiwan ko ‘yan. Ayon nagalit si attorney,” wika niya at bumuga ng hangin kaya naman nginiwian ko siya at inabot sa kaniya ang envelope. “Gawin mo na ‘yan, mamayang gabi sa condo ko ha.” Ngumisi siya at kinindatan ako. “Pwede magdala boys?” Umiling ako bilang sagot. “Bakit ka naman magdadala, abnoy.” Singhal ko. “Kailangan kasi sa case na hawak namin ngayon, alam mo namang wala akong condo at strikto si lola.” Ngumiwi ako. “Sige sige, doon na lang ako sa kwarto mamaya. Dalhin mo na,” ngumiti siya at niyakap ako. “Thank you!” “Sige na, may gagawin pa ako.” Dahil nga isa akong loko ay mahina kong hinila ang buhok niya bago patakbong umalis doon, nang makalabas ng law firm ay nasapo ko ang batok, sobrang init ngayon. Ala sais ng gabi ay nakalinis na ako ng condo para may magamit si Espi, syempre naka-sindi ang aircon ngayon para presko at hindi naman nakakahiya sa mga kasama niya. Nasa loob ako ng kwarto ng bumukas ang pinto. “Nandito na kami besh, salamat. Labas ka na lang pag nagugutom ka, may dinner sa labas.” Tango lang ang isinagot ko dahil abala ako sa pag-guguhit. Pag ganito ang ginagawa ko alam na nila na hindi nila ako dapat guluhin, habang hawak ko ang sketch pad at lapis ay lumabas ako ng kwarto dahil sa pagka-uhaw. Derederetso lang akong naglakad at hindi sila pinansin. “Uhm guys pag ganiyan hindi talaga dapat siya kinakausap kasi mawawala yung ideas niya, hindi siya snob pero kailangan niya talaga gawin ‘yan.” Rinig kong sabi ni Espi. “Ah okay lang.” “It’s okay.” “Fashion Designer?” Sige mag-usap lang kayo, as long as hindi ako ang kausap. Kumuha ako ng baso at isang kamay lang ang ginagamit ko habang tinititigan ko ang sketch pad. Ano pa bang kulang? “Oo, nagagalit ‘yan pag naiistorbo habang hawak niya ang sketch pad at lapis niya.” Ngumiwi ako, talagang magagalit ako hanggang sa hindi mo na gustuhin pang maging kaibigan ako. Habang gumuguhit sa kusina ay halos magsalubong ang kilay ko ng tumunog ang cellphone sa bulsa ko kaya kinuha ko ‘yon at sinagot habang hindi tinitignan dahil naka-focus ako sa sketch pad. “Bakit?” Panimula ko. “Ay lupet sis, bakit agad wala na bang hello hello diyan?” Nangunot ang noo ko. “I’m actually working on my design, Savi.” Sandaling katahimikan sa kabilang linya ang nangyari. “Sorry!” Biglang sabi niya at tsaka namatay ang tawag kaya ibinaba ko ‘yon at nanatili sa kusina. Gosh, I need inspiration and creativity right now. Naalala ko naman yung cake na binigay ni Isaiah yung client ko kaya huminga ako ng malalim at binitiwan ang sketch pad ko. “Uy may cake, kanino galing?” Tanong ni Espi ng mapansin na binitiwan ko na ang hawak. “Nawawalan ka ng idea?” Tanong ni Espi. “Bigay ng client ko, Isaiah.” Mahinahon na sagot ko. “Ay! Yung pogi—“ “Yeah, yeah. Doon ka na,” maayos na sabi ko. “Ah share it with your group, tell them hi.” Nakatitig sa cake na sabi ko after getting a slice, bumalik kaagad ako sa harap ng sketch pad ko habang kumakain ng sweet. “Salamat!” “Hmm.” “Cake, makakatulong ‘to sa pag-gana ng utak natin hehehehe.” Tinitigan ko ang sketch pad bago ako gumuhit ng bagong dagdag na disenyo. Nasapo ko ang noo ng hindi bumagay ang idinagdag ko dahilan para bitiwan ko ‘yon at sandaling pumikit. “Study your cases, I gave each one of you right? Recite it later in front of me.” Lumabi ako ng marinig ang boses na ‘yon. “Can I use your restroom?” “Ay doon attorney, sa papunta sa kusina.” Kinagat ko ang ibabang labi ko at tsaka ko hahawakan sana ulit ang sketch pad ng dumaan sa harap ko ang matangkad na lalake. Awtomatikong napasunod ang mata ko sa kaniya lalo na ng maamoy ko siya. Attorney? Attorney nandito si Eros?!Shet! Maayos ba ang hitsura ko? Sinundan ko siya ng tingin sa papasok sa banyo and then nang lumabas siya ay napaayos ako ng tayo ng magtama ang mata namin. Napakurap ako ng napakurap, pero ganoon na lang ang gulat ko ng may mag-bell.“A-Ako na.” Mabilis na sabi ko at pumunta sa pinto at binuksan ‘yon ngunit ganoon na lang tumaas ang kilay ko ng makita ang ex ko last year.“Gosh, may nantrip na naman ata sa bell.” Pagdeadma ko sa kaniya and I was about to close the door but then he stopped me.“Mayi, please.. let’s talk?” Pinagkrus ko ang braso at tinitigan siya, he look so wasted, he’s wearing a green polo shirt and a black slacks.“We have nothing to talk about,” mariing sabi ko.“Mayi, sino ‘yan?” Tanong ni Espi, sige magpakita ka kay Espi yayariin ka niyan.“Anak ng palaka, bakit may gala-gala na uod dito.” Naka-pamewang si Espi kaya ngumiwi ako at tinignan siya.“Hoy para sabihin ko sa’yo mula ng iniwan mo siya wala ka ng karapatan bumalik! May boyfriend na siya!” Natigilan si Rh
“I’m a good listener, tell me everything you want to say.” Ngumiti ako sa sinabi niya, sobrang nakakagaan ng loob kahit pa nagkaka-asaran kami. “Rhen and I stayed together for three years, pero iniwan niya ako last year para ipagpalit sa flight attendant niyang babae. Harap harapan kaya hinding hindi ko na magawang harapin pa siya pati na yung babae na ‘yon.” “Those days it feels like he’s the one I would marry, he’s the man for me but then it’s all gone now. Ikaw ba? Do you have a special someone?” Sa tinanong ko ay natigilan si Eros bago siya ngumiti. “Huhulaan ko! Si Devone?” Pangunguna ko na ikinatawa niya. “You think so?” Kwestyon niya. “I saw you guys making out,” ngiwing sabi ko. “We made out too?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya bago alanganing tumawa. “I have a special someone that I protect the most, she’s obviously younger than me but I would risk everything for her.” Nang sabihin niya ‘yon ay natigilan ako at nakinig na lang, he looks happy talking about h
Sumasaya ang puso ko, bakit sobrang appreciative nilang magkakapatid. “Thank you so much..”“Aalis na rin siguro ako,” nakangiting sabi ko sa kanila ngunit habang nakatayo ay halos mapalunok ako ng malakas na bumuhos ang ulan.Punyemas na kalangitan walang pakisama. “May bagyo ba?” tanong ni Aisley at sinindi ang flat screen tv.At sinabi nga sa balita na uulan ng malakas, dahil sa isang bagyo na paparating sa bansa. “But I need to go home,” bulong ko sa sarili.“Patilahin muna natin yung ulan,” maayos na sabi ni Isaiah.“Ihahatid na lang kita, alam ko naman kung saan yung condo mo.” Maayos na sabi ni Eros kaya ngumiti ako.“Thank you,” nang bahagyang tumila ay lumabas na kami buti na lang pinayungan kami ni Isaiah habang si Eros ay may sariling payong.Nang makasakay sa sasakyan ay kumaway na si Isaiah, while eros keep his umbrella inside the umbrella sack. Pinaandar niya na ang sasakyan at dahil sinindi niya ang aircon ay sobrang lamig.Umalis na kami at habang nasa daan ay muling b
Nagdaan ang gabi ng sabado ay sabay sabay kaming magkakaibigan na pumunta sa sikat na bar dito sa lugar namin sa kung saan dumadayo ang iba’t ibang students, at hindi lang mga professionals, models at artista.At dahil wala si Eros ay wala akong gana na uminom sa isang gilid, ang mga kaibigan ko ay nakiki-party lang. Nang may tama na ako ay doon ako naki-sayaw sa maraming tao.Shobe ended up pulling me when I started clinging onto one person who’s on the dance floor that made me pout. “What’s wrong with you, seriously Mayella?” kwestyon ni Shobe nanenermon.“What?”“I’m just having fun, single naman ako what’s wrong if I dance with that handsome pilot?” sumbat ko, I feel so irritated.“That handsome pilot you’re talking about is taken, he’s hitting on you because he wants you in bed,” sermon ni Shobe.“So what?” bulong ko at pinagkrus ang braso ko.“Mayella, may girlfriend nga gusto mo ba madawit? Una si Eros kayo yung nasa—““Wala naman siya,” bulong ko.“Kaya ka naiinis? Kaya ka gan
“Ask you what?” Kwestyon ko. “Ask me to take you now,” napalunok ako at doon ko napansin kung gaano ka-heavy ang tint ng sasakyan na dala niya ngayon. Bumagal ang takbo niya ng lingunin niya ako. “You’re red.” Natatawang sabi niya at napapailing na nagmaneho. “Take your time,” wika niya pa at ngumisi. Sobrang namula ang mga pisngi ko dahil sa nangyayari ngayon, this is the first time that I will experience this kind of relationship. “I’ll just withdraw the payment, wait me here.” Napatigil ako sa pag-alis ng seat belt ng ipatong niya ang palad sa tuktok ng ulo ko bago siya ngumiti at lumabas ng sasakyan. Shit! My heart. Aalis rin naman ako ng bansa na ‘to pag nakaipon ako at nakakuha ng opportunity na lumipad papuntang france, kaya hindi ako pwedeng makipag-relasyon basta basta. Ayoko rin ng obligasyon. Inabot siya ng 10 minutes bago siya lumabas kaya naman tinitigan ko siya habang nasa loob ako ng sasakyan, pagkapasok niya ay ngumiti siya at inilabas ang envelope at ini
Pagkapasok ko ay halos napapikit ako ng palad kaagad ng daddy ko ang dumapo sa pisngi ko dahilan para hawakan ko ‘yon. “Teodore! Huwag mong saktan ang anak mo!” Huminga ako ng malalim nang humarang ang step mother ko.Mapait akong ngumiti. “I’m okay,” wika ko.“It’s fine,” bulong ko at tumikhim.“Step aside,” gitil ng tatay ko.“No, Teodore. You can’t just slap her just because you want her to obey you,” pakiusap ng step mother ko kaya hinawakan ko siya sa balikat.“I’m good, b-baka nadamay ka po,” maayos na sabi ko.“No, Mayi.” Ihinarang niya ang katawan niya sa harap ko.“Fashion designer ang gusto mo? Gusto mo bang matulad sa mommy mo na walang narating! May pagmamanahan ka talaga—““Dad!” malakas na sigaw ko.“Don’t you put shame on her, nananahimik na siya bakit mo pa siya idadamay!” galit na sigaw ko.“Huwag na huwag mo akong susumbatan Mayella!” Halos umusok na ang ilong niya sa galit sa akin.“Huwag kang humarang, ako ang magdidisiplina sa anak ko Sha!” Ngunit hindi umalis ang
“Uhm hi?” Ngumiti ako.“Pasok ka, pasensya n—““I-I guess you should wear your—” Nangunot ang noo ko ng isenyas niya ang dibdib niya bago siya nag-iwas tingin dahilan para mayuko ko ang sarili at halos manlaki ang mata ko ng wala akong bra! Shit!Hiyang hiya akong tumakbo papasok sa kwarto ko, narinig ko naman ang tawa niya sa labas ng kwarto kaya napanguso ako at nagsuot na lang ng makapal na hoodie upang hindi mahalata.Pagkalabas ko ay ngumuso ako. “Wala kang nakita,” wika ko pa.“Wala naman ata,” sa sagot niya ay napairap ako.“Maupo ka muna,” utos ko at tsaka kumuha ng lagayan dahil mas malaki ang dala niyang paper bag mukhang para sa dalawa ‘yon. Pumunta ako sa sala dahil doon siya nakaupo. “I see that you’re working hard, good job.” Ngumiti ako sa sinabi niya.“Thanks to Aisley and Isaiah.” Sagot ko.“Well, it’s because of your work. You did a great masterpiece.” Pagpuri niya dahilan para tumaba ang puso ko.“Salamat naman attorney,” maayos kong saad at tsaka ko inilabas ang la
Umirap ako at ibinaba na ang cellphone ko itinago ko na ito sa bag ko para mahawakan ko ng mabuti ang food na dala ko. After 7 minutes ay nakarating na rin siya kaya naman sumakay na ako at hindi na siya hinayaan na pagbuksan pa ako.“Hmm to my condo? Or yours?” Sa tanong niya ay ngumisi ako.“Sa’yo na lang, do you have netflix?” Kwestyon ko, mahina siyang natawa at tumango.Nang makarating sa condo niya ay umakyat na rin kami sa floor niya using the elevator, nang nasa tapat na ay napalunok ako ng ilagay niya ang pass code niya ng hindi niya tinatakpan. Iwas tingin kaagad ako.“You can take a look,” natatawang sabi niya.“That’s your privacy,” bulong ko at pumasok na ngunit malamig na buga kaagad ng aircon ang tumama sa balat ko.“Magastos siguro sa electricity yung ganiyan kalaki na aircon ‘no?” Nagtatakang sabi ko, ganiyan kasi yung nasa sala ng bahay namin eh.“Kind of, maupo ka.” Sagot niya,Nang makaupo ay inabot ko sa kaniya ang paper bag dahilan para kunin niya ‘yon at tignan.
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Bago pa man ako makapaglakad papaalis sa opisina ni Enzo ay narinig ko ang malakas na pagbagsak dahilan para awtomatiko akong mapalingon. Nanlaki ang mata ko nang makitang nawalan ng malay si Enzo. “Enzo?!” gitil ko at mabilis siyang nilapitan. Mabilis na kumabog ang dibdib ko sa labis na kabang naramdaman. Tinapik tapik ko ang pisngi niya. Nang wala siyang response ay mabilis kong pinindot ang telephone na directed sa kanyang secretary. “Tumawag kayo ng ambulance, bilis!” sigaw ko doon at binalikan si Enzo. Ihiniga ko ang kanyang ulo sa aking hita habang sinusubukan kong gisingin siya. “Enzo! Wake up!” naiiyak kong sabi. Sobra ang pag-aalala ko at natatakot ako na baka napano na siya. Later on dumating ang stretcher at ang mga paramedics dahilan para sumunod ako kaagad. Sumakay ako sa ambulance kasama si Enzo. Pagkarating sa ospital ay dinala kaagad siya sa emergency for check-up. “Background miss?” “Few hours ago he was hit by a
=Enzo Dane’s Point Of View= Pagkababa ko sa sasakyan sa harap ng law firm ay napahinto ako nang makita ang kumpol-kumpol na tao. Ngunit pagkadaan ko ay natigilan ako nang may magbuhos sa akin ng kung anong likido. Hindi lang ‘yon, may nagbato rin ng itlog at tumama sa akin ang lahat nang mabasag ito. Mabilis na lumapit yung guard sa akin at halos mahilo ako nang bato na ang tumama sa ulo ko. “Atty!” malakas na tawag ng guwardiya at tinangay ako papasok sa building. Pinaupo nila ako sa lounge at mariin akong napapikit. Hinawakan ko ang tinamaan. “Ah, shit…” daing ko at nang alisin ko ang kamay sa ulo ay natigilan ako nang may dugo. “Hala attorney!” nag-aalalang tawag nila sa akin. “Sa clinic! Sa clinic bilis!” naghihisteryong sabi ng guwardiya at inalalayan agad ako. Pagkarating sa clinic ay inasikaso ako ng nurse namin. “Pahinga ka muna attorney,” mahinahon na sabi ng nurse kaya naman umiling ako. “Hindi na, I still have a lot of caseloads,” kalmadong sabi
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= As days goes by, I can see how devastated Enzo is… He was always out of it and doesn’t have time for me. It all changed an instant. He became very busy to the point that I feel like he forgets about me. “Enzo…” kalmadong tawag ko sa kanya. Napalingon siya ngunit binasa muli ang kaso na kanyang hawak. “Enzo, kumain ka na muna—” “Later baby,” mahinahon niyang tugon. “Dalawang oras ka na tanggi nang tanggi sa akin alam mo ba ‘yon?” Hindi maalis sa tono ko ang pagiging dismayado. Napahinto siya at nasulyapan ako. Balisa, bumuntong hininga siya. “B-Baby patapos naman na po,” mahinahon niyang aniya. “Yeah, go ahead then,” ngiwing sabi ko. But then another hour goes by and I’ve lost my patience. “Aalis na ako,” mahinang sabi ko nang makalapit kay Enzo. Nagulat si Enzo at sinulyapan ako. “Huh? It’s early baby—” “So bakit ba ako nandito, Enzo? Pinakakain kita, hindi mo pinapansin yung luto ko. I told you to eat first! Kakain ka lang! You’r
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View=Ngunit isang linggo na ang lumipas ay alam kong may mas malala na nangyayari kay Enzo. His dad called me…“Aria, can I ask you a favor?” Ang mahinahon na boses ni Tito Eros ay pinakaba ako.“Sure tito…”“Can you go to Enzo’s office? He’s not eating. Masyado siyang focused sa case, I think as a young lawyer… He’s very affected,” kalmadong sabi nito.“Sige po tito, pupuntahan ko. Hindi ko na lang po sasabihin,” maayos na sabi ko.Dahil doon ay napabuntong hininga ako. I was also busy with my upcoming practical exams.Pagkatapos kong kausapin si Tito Eros, hindi ko maiwasang kabahan. Kilala ko si Enzo — hindi siya ang tipo ng tao na basta-basta bumibitaw. Ngunit alam ko rin na may hangganan ang bawat tao, kahit gaano pa sila kalakas. At sa sitwasyon ngayon, parang unti-unting nauubos ang lakas niya dahil sa kasong hawak niya.Agad akong nagbihis at nagmaneho patungo sa opisina ni Enzo. Pagdating ko roon, ramdam ko na agad ang bigat ng atmospera. Tahimi
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View=Habang nakatayo ako sa gitna ng sala ng condo niya, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko habang pinagmamasdan si Enzo, na tila ba isang taong walang matakasan, walang mapuntahan. Narinig ko ang kaluskos ng gripo mula sa banyo, at hindi ko maiwasang mapalunok. Sobrang sakit na makita siyang ganito, parang unti-unti siyang kinakain ng trabaho niya, ng mga pangyayari sa paligid niya. Hindi ko siya kayang pabayaan sa ganitong sitwasyon.Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis akong lumapit sa pinto ng banyo at marahang kumatok. “Enzo, please… labas ka diyan. Hayaan mong tulungan kita,” bulong ko, umaasang maririnig niya ako at mapagtanto na hindi siya nag-iisa.Ilang minuto ang lumipas at walang sagot. Ngunit sa wakas, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Halos mapaiyak ako nang makita ang itsura niya. Namumula ang mga mata niya, tila ba hindi niya kayang itago ang bigat na dinadala niya kahit anong pilit niyang ngumiti.“I’m sorry, Sienna… I didn’t
Sa gabing iyon, nakita ko ang isang Enzo na hindi ko kailanman inakala na makikita ko. Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama, naka-upo at nakatungo ang ulo, pilit na iniinda ang bigat na nakapatong sa kanyang mga balikat. Hindi ko mapigilang lumapit at maupo sa tabi niya, pero naramdaman kong masyado siyang malayo, kahit na ilang pulgada lang ang pagitan namin. “Aria…” bulong niya, halos hindi ko marinig. Nagulat ako nang makita ang panginginig ng kanyang mga kamay. “Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko, pero ang daming nasasaktan. Ang daming nadadamay… Parang… parang wala akong silbi kung hindi ko kayang protektahan ang mga inosenteng tao.” Hinaplos ko ang kanyang likod, pilit na nagbibigay ng kahit kaunting ginhawa. Pero ramdam kong mas malalim pa ang sugat na dala niya. Tila hindi sapat ang mga salitang pwedeng sabihin para maibsan ang sakit na nararamdaman niya ngayon. “Enzo…” bulong ko, pero iniwasan niya ang tingin ko. Napan
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= The next night, Enzo decided to take me with him. Sa kung saan pinaglalamayan ang dalawang inosenteng nadamay. May dala siyang abuloy na nakalagay sa puti na envelope, pagkapasok namin doon ay marami ang umiiyak dahil isang board passer rin pala ang isa sa nadamay at ang isa naman ay tita ng board passer. Malungkot ang lahat at nang makapasok kami ay sumilip muna kami sa nasawi. “Ako na ang maglalagay ng abuloy. Lapitan mo na muna yung pamilya,” mahinang sabi ko. Inabot ni Enzo iyon sa akin kaya pumunta ako sa may gilid sa kung saan may malaking kahon at pagsusulatan. Pagkasulat ko ay inilagay ko ang pangalan ng law firm nila Enzo. “Salamat po,” nanghihinang sabi ng bantay doon. Ngunit nang hanapin ko si Enzo ay napahinto ako nang sinusugod na siya ng pamilya ng namatay. “Kayo! Kayo ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko, at kapatid ko!” sigaw ng isang ginang na umiiyak at dinuduro si Enzo. Napansin ko agad ang sakit sa mga ma
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Hindi pa rin labis na makapaniwala si Enzo na bading si Tristan. Natutulala siya habang nagbabasa ng makapal na reading at halos panay ang buntong hininga. “Mukha ka namang kinikilabutan diya ?” asar ko. Pinigilan ko namang ipahiwatig ang tono ng pang-aasar ngunit kusang lumalabas iyon. “It’s not funny, Aria Maeve Sienna. I was hurt by some nonsense I found out late, damn it.” Inilapag niya ang readings at suminghal. Napasandal sa sofa sa kanyang condominium. “Baby…” malambing na tawag ko at lumingkis sa kanya. “Nakakatampo ka, isa ka pa… How could you make me feel like this. I was sleepless thinking you’re not into me anymore just because I was busy, damn it. I hate this,” bulong ni Enzo puno ng pagrereklamo. “I love you baby,” malambing kong sabi. Bumuntong hininga si Enzo at nakalabing tumitig. “No secrets… Dapat sa relationship,” bulong niyang reklamo kaya ngumiti ako. “Hmm. Hindi ba magse-secret kahit bawal ipagsabi sa iba,” pani
=Enzo Dane’s Point of View= Tatlong linggo na ang lumipas, at hindi ko pa rin kayang kontrolin ang selos ko kay Dr. Tristan. Bawat oras na magkasama sila ni Aria, naiisip ko na may nangyayari sa kanila. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Alam kong wala namang masama, pero hindi ko pa rin kayang tanggapin na ibang tao na naman ang palaging kasama si Aria. Isang araw, pagkatapos ng klase ni Aria, nagpunta ako sa café kung saan sila madalas mag-aral ni Dr. Tristan. Hindi ko na kinaya, at sumunod ako sa kanya. Pagtapat ko sa kanila, si Aria at si Tristan ay nakaupo sa isang sulok ng café, malapit sa bintana, at tila abala sa kanilang mga libro at laptop. Nakita ko si Aria na nakangiti habang nakikinig kay Tristan, at may kung anong hindi magandang nararamdaman na naman ako. Lalo na nang makita kong si Tristan ay nakasandal sa lamesa, parang may matinding kumpiyansa. May mga pagkakataong tinitingnan siya ni Aria ng may ngiti sa mga mata. Hindi ko na