“And now, I introduce my one and only daughter. The heir of Z company once I retired, Mayella Zamora.” Nagpalakpakan ang lahat ng nandidito dahilan para tumayo ako at ngitian silang lahat. “Escort her, son.” Rinig kong sabi ni Mr.Fuentabella, tumayo naman si Eros at inalalayan ako papunta sa stage. “Thank you,” bulong ko at umakyat na. Nang makalapit sa parents ko ay nginitian ko sila tapos ay hinarap ko ang buong nandidito. Tumayo ako sa harap ng microphone. “Good evening everyone, it’s a pleasure to meet you all. I am the daughter of Mr.Teodore Zamora and Mrs.Sha Zamora, the soon heir of Z company.” Iniiwas ko ang bibig sa mic ng tumikhim ako, dahil nagpalakpakan naman sila lahat. “I’m looking forward to working with you soon, bless us. Thank you.” I stepped back and bowed a little bit that made everyone clap and murmur. Pagkatapos no’n ay bumaba na ako, hindi ko inaasahan na makikipagkamay at may sasabihin ang mga nandito lalo na’t ngayon na nakilala na nila ako. “I hope
“Anything else?” He stated. “Uhm I want someone who will pursue me to make my dream come true, even if it means I’m leaving him. That even though we're apart he’s rooting for me because he loves me or he once loved me.” Huminga ako ng malalim, ang lalim naman ng gusto ko. “Someone who will say, ‘go and leave me, I’ll be proud of you’ not ‘don’t leave me, just give up on your dream and stay with me’ ganoon.” Mahinang natawa si Eros sa sinabi ko. “That’s quite nice. You should stick to your dream before your love life. Because if he really loves you he can patiently wait.” Napangiti ako at tumango sa sinabi ni Eros. “Tama.” “Anything else?” Kwestyon niya. “I actually don’t aim for looks, I just want someone who will love me for who I am. Someone who’s willing to do what he hates just because I love it.” Nang lingunin ko si Eros ay nakita ko siyang nakangisi na para bang ang lalim ng iniisip. “Mabilis ako ma-distract, that’s why I can’t commit to love. I don’t want to be b
Nang maibaba ako sa cafe ay naupo ako, halos isang linggo na kaming walang communication ni Eros at isang linggo na rin kaming hindi nagkikita dahil busy talaga siya sa case. Habang gumuguhit ay umorder na rin ako ng snacks ko, malapit sa window ang pwesto ko kaya nakakaganda sa mata ang mga puno na nagpapagitna sa kalsada. Sa pag guhit ay inabot ako ng tatlong oras at nakatulong nga ang labas sa akin, alas syete na nang maisipan kong lumabas ng cafe ngunit lalabas pa sana ako pero nakita ko si Eros na may kasamang babae na nakasuot rin ng suit. Napatakip ako ng mukha using the menu, pero naupo sila sa hindi kalayuan lang. “Give up the case, Eros. I am begging you,” nangunot ang noo ko ng marinig ang boses ng babae. “You don’t have to beg,” ang tinig ni Eros ay pinatibok ng mabilis ang puso ko sobrang hina ng usapan nila at malayo sila sa akin ngunit lumalabas ang pandinig ko. “Then give it up. It’s been years, why can’t you give up the case! It’s obvious that it is a murde
Tatlong araw ang nakalipas ay sabog na sabog na ata ako dahil maraming clients at hindi lang ‘yon yung deadlines sunod sunod ‘teh. “Mayi labas ka naman!” Malakas na sigaw ni Savi sa labasan ng kwarto ko kaya ngumuso ako. “Ayokoo.” “Dalian mo na!” Malakas na sabi niya. “Eh! Ayoko sa istorbo may ginuguhit ako.” Inis na sabi ko at nagmaktol tsaka ako patuloy na gumuhit ngunit hindi ako nakukuntento sa disenyo ng gawa ko dahil feel ko masyadong common. Ngumuso ako dahil naghilamos lang ako at sipilyo kaninang umaga at anong oras na hapon na lulubog na ang araw. “Mayi! Bahala ka!” Sigaw ni Savi kaya ngumuwi ako at ng bumukas ang pinto ay napamura ako. “Pota naman hindi ako maka-focu— u-uy Eros!” Napaupo ako ng maayos ng makita siyang may hawak na paper bags at inumin na galing starbucks. Napasipol siya ng makita ang kalat sa kwarto ko, crumpled paper, crumpled tissue may mga water bottle pa sa sahig na lagayan ng mineral. How do I look?! Jeez. “B-Bakit wala kang pasabi.” Nata
Nang umabot ang alas otso ay naisipan kong umorder muna ng lutong bahay dahil wala namang laman ang ref namin dahil nagdadala at bumibili ng ulam si Savi parati. Nang dumating ang mga ‘yon ay nagbayad na muna ako, tapos ay ihinanda ko bago ako bumalik sa kwarto at sinilip si Eros. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya tapos ay tinitigan muna siya. Napatitig ako sa labi niya na bahagyang nakaawang, ang matangos niyang ilong ay hindi nagpapaawat kahit na ang mahabang pilik mata nito. Ngunit halos nanlaki ang mata ko ng makita ko ang asul niyang mata na nakatingin na sa akin. “Eros.” Sambit ko at umayos na. “Damn, your bed is comfortable.” Pigil ngiti ko siyang pinanood ng yakapin niya ang unan ko. “Tumayo ka na para maka-kain na tayo. Mamaya samahan mo ako lumabas,” nangunot ang noo niya at inaantok na bumangon. “Glad I wore something comfortable.” Sagot niya at tumayo, marahan niya naman akong itinulak habang nakahawak siya sa balikat ko. “Hmm smells good.” Naupo siya sa t
Naalimpungatan ako ng magmulat ay natatanaw ko si Eros na nagbibihis na, he’s wearing his favorites turtle neck but it’s a shirt for today and it’s red. The next thing is he grabbed his black waterproof hoodie. Tumerno naman ang itim niyang pants, bumangon ako dahilan para lingunin niya. “It’s raining today,” mahinahon niyang sabi at sumilip sa bintana kaya natanaw ko kung gaano kalakas ‘yon. Kaya pala ganoon ang kaniyang suot, “breakfast?” Kwestyon ko. “Let’s eat.” Sagot niya kaya lumabas na ako ng kwarto upang mag banyo, tapos ay naupo na ako sa table at may simpleng pagkain na tulad ng bacon at egg isama na natin ang toasted bread na mukhang siya ang may gawa. Kumain kaming dalawa, kaya naman ng matapos ay alam kong aalis na siya. “Ingat.” Kinawayan ko pa siya, he chuckled. “Lock doors, darling—“ “Yuck Eros, don’t call me that, are you my sugar daddy?” Maarteng sabi ko dahilan para matawa siya. “Daddy lang,” kinindatan niya ako at kumaway patalikod. Nang makaalis na siya ay
“It was opened ten years ago, Eros. Inabot rin ng isang taon ang kaso. Imposible na nabuksan ‘yan limang taon ang nakalipas.” Alanganin akong ngumiti nang sabihin ko ‘yon, matagal akong tinitigan ni Eros. “Isang beses lang ba nabuksan ang kaso?” Tanong niya kaya tumango ako. “It was opened four times.” Sagot niya at ibinaba sa harap ko ang isang folder. “Unang kaso, si Santiago ang abogado. Pangalawang bukas nagtagal lang ng isang buwan, 7 years ago. Pangatlo, 6 years ago, three weeks lang ang itinagal hindi pa napunta sa korte. Pang apat dalawang buwan ang itinagal ng kaso and it was five years ago.” Napalunok ako at nagtaka ng sobra. “Sinong nagbukas?” “Daddy mo.” Sagot niya dahilan para manlaki ang mata ko. “Really?” Kwestyon ko. “Yeah.” Sagot niya kaya sandali akong natulala, kung ganoon binubuksan ni dad ‘yon at hindi niya pinaalam sa akin? “Ito na ang pang lima na nabuksan ang kaso?” Tumango si Eros kaya huminga ako ng malalim. Alam kong ginahasa si mommy noon
(SPG WARNING! Might be disturbing and triggering.) M-Murder? “Just give up the case Eros, damn it why do you even have to take it? Alam ba ni Ms. Zamora ang tungkol sa kaso ng mommy niya hindi ba’t hindi nga niya alam na murder— Ms. Zamora.” Tinignan ko ang kapapasok lang ngunit nagtuluan na ang luha ko. “Mayi.” Lalapit sana sa akin si Eros pero tumayo ako at umiling. “I’m okay.” Mahinahon na sabi ko at inayos ang folder. “I’m sorry, aalis muna ako.” Hindi ko pinansin ang isang abogado na kasama niya at tsaka ko tinitigan ang sahig dahil sa sakit na nararamdaman. “Mayella, pull yourself together.” Mariin akong pumikit at nagsimulang humikbi ng humikbi. “H-Huwag mo muna akong hawakan,” nanginginig ang tinig kong pakiusap. Natataranta kong inabot ang bag ko at tsaka ako nagmamadaling naglakad papalabas pero bago pa man ay may humuli na sa akin. “Mayella, listen—“ “O-Okay lang ako, s-salamat.” Binawi ko ang braso ko at nagmamadali akong lumabas ng opisina niya, tum