Happy reading!
=Enzo Dane’s Point Of View= Pagkababa ko sa sasakyan sa harap ng law firm ay napahinto ako nang makita ang kumpol-kumpol na tao. Ngunit pagkadaan ko ay natigilan ako nang may magbuhos sa akin ng kung anong likido. Hindi lang ‘yon, may nagbato rin ng itlog at tumama sa akin ang lahat nang mabasag ito. Mabilis na lumapit yung guard sa akin at halos mahilo ako nang bato na ang tumama sa ulo ko. “Atty!” malakas na tawag ng guwardiya at tinangay ako papasok sa building. Pinaupo nila ako sa lounge at mariin akong napapikit. Hinawakan ko ang tinamaan. “Ah, shit…” daing ko at nang alisin ko ang kamay sa ulo ay natigilan ako nang may dugo. “Hala attorney!” nag-aalalang tawag nila sa akin. “Sa clinic! Sa clinic bilis!” naghihisteryong sabi ng guwardiya at inalalayan agad ako. Pagkarating sa clinic ay inasikaso ako ng nurse namin. “Pahinga ka muna attorney,” mahinahon na sabi ng nurse kaya naman umiling ako. “Hindi na, I still have a lot of caseloads,” kalmadong sabi
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Bago pa man ako makapaglakad papaalis sa opisina ni Enzo ay narinig ko ang malakas na pagbagsak dahilan para awtomatiko akong mapalingon. Nanlaki ang mata ko nang makitang nawalan ng malay si Enzo. “Enzo?!” gitil ko at mabilis siyang nilapitan. Mabilis na kumabog ang dibdib ko sa labis na kabang naramdaman. Tinapik tapik ko ang pisngi niya. Nang wala siyang response ay mabilis kong pinindot ang telephone na directed sa kanyang secretary. “Tumawag kayo ng ambulance, bilis!” sigaw ko doon at binalikan si Enzo. Ihiniga ko ang kanyang ulo sa aking hita habang sinusubukan kong gisingin siya. “Enzo! Wake up!” naiiyak kong sabi. Sobra ang pag-aalala ko at natatakot ako na baka napano na siya. Later on dumating ang stretcher at ang mga paramedics dahilan para sumunod ako kaagad. Sumakay ako sa ambulance kasama si Enzo. Pagkarating sa ospital ay dinala kaagad siya sa emergency for check-up. “Background miss?” “Few hours ago he was hit by a
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Pagdating nila tita at tito ay gumilid ako. “Mom, don’t worry. I’m fine,” pangunguna na ni Enzo kaya mahina ko siyang kinalabit sa paa dahilan para sulyapan niya ako. “Fine?! How is it fine! You’re going through it without even telling me! Anak naman!” umiiyak na sabi ni Tita Mayi, halatang worried talaga siya kay Enzo habang si Tito Eros ay bumuntong hininga. “I want you out of this case, Enzo… I guess that’s enough,” sabi ni Tito Eros. Lumaki ang mata ni Enzo at dahan-dahan na bumangon. “No dad, I started the case with you. Hindi ako aalis—” “I’m the leader attorney of this case, Enzo. Just listen please—” “No dad, tatapusin ko yung kaso.” Nagmatigas pa si Enzo hanggang sa walang nagawa si Tito Eros kundi suminghal. Later on, lumabas ako ng ER but I heard Tito Eros and Tita Mayi arguing. “Hindi ko na alam Eros, hindi ko lang alam ha. Noong ikaw lang halos malagutan ako ng hininga kada napapahamak ka... Tapos paano ko kakayanin kung pa
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Nang makalabas si Enzo sa ospital ay doon ako sa tabi niya nag-aaral. “Hija, iiwan na namin si Enzo sa’yo ha? Ayaw niya rin umuwi eh,” mahinahon na sabi ni Tita Mayi. “Yes po tita, diyan lang po sa malapit yung condo ko…” paninigurado ko. Pagkaalis nina Tita Mayi, bumuntong-hininga ako habang sinulyapan si Enzo na nakaupo sa sofa ng penthouse niya, tila abala sa pagbabasa ng mga dokumento. Kahit pa kakalabas lang niya sa ospital, halatang hindi pa rin siya tumitigil sa pagtatrabaho. “Enzo, akala ko ba magpapahinga ka muna?” tanong ko habang iniayos ang mga gamit ko sa dining table. Plano ko sanang samahan siya para makapag-aral rin ako ng maayos. “Hinihintay ko lang matapos yung client meeting bukas. Kailangan kong i-review ito,” sagot niya nang hindi tumitingin sa akin, masyadong nakatutok sa papel na hawak niya. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang dokumento mula sa kanyang kamay. Napatingin siya sa akin, halatang nagulat sa ginawa ko. “A
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= We were sitting next time each other when someone knocked on his office door. Umayos ako ng upo. “Attorney, may urgent meeting po kayo for the case. Papasukin ko na po ba?” mahinang tanong ng secretary niya kaya matipid akong ngumiti kay Enzo na sumulyap sa akin. “Go ahead. Doon muna ako sa shop ni Tita Mayi,” nakangiting paalam ko at tumayo. “Okay babe. Papasukin mo na,” senyas niya kaya nang umalis yung babae ay natigilan ako nang paupuin ako muli ni Enzo at mabilis na halikàn sa labi dahilan para mapapikit ako. Nang may kumatok ay umayos ako kaagad. Ngunit napansin kong may lipstick sa labi ni Enzo kaya mabilis kong pinahid ‘yon. “Sutil,” bulong ko at kumaway na at mabilis na umalis. Hindi naman maipinta ang ngisi sa mga labi niya bago tumango. Paglabas ko ng opisina ni Enzo ay hindi ko mapigilan ang pagtibok ng puso ko. Ang lakas ng impact ng ginawa niya—kahit ilang beses na niya akong hinalikan, nakakakilig pa rin. Mabilis akong tu
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Pagdating namin sa condo, ramdam ko ang kakaibang saya sa paligid. Hindi ko alam kung dahil ba sa presensya ni Enzo o dahil lang sa mga nakakakilig niyang banat na hindi ko magawang isnabin. “Ano yung plan mo?” tanong ko habang sinusundan siya papasok sa unit. “Secret. Relax ka lang, Aria,” sagot niya habang naglalakad papunta sa kusina. Napansin kong may nakahanda nang hapunan sa mesa—simple pero elegante. Candles, wine, at mga paborito kong pagkain. Napakunot ang noo ko. “Enzo? Did you plan this?” tanong ko, hindi makapaniwala. “Of course. Gusto ko lang i-celebrate na nakalabas na ako ng ospital at… kasama kita,” seryoso niyang sabi habang inilalapit ako sa mesa. “Ang corny mo,” biro ko, pero hindi ko naitago ang kilig ko. “Corny na kung corny, basta ikaw ang kasama ko,” sagot niya habang hinila ako paupo. Tahimik kaming kumain, pero ramdam ang init ng bawat tinginan. Panay ang ngiti ni Enzo sa akin, at kahit anong pilit kong iwas
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Parang huminto ang mundo ko sa narinig ko. Paulit-ulit na umaalingawngaw ang sinabi ng pulis sa tenga ko, “Enzo Fuentabella was involved in an ambush.” Mabilis kong kinuha ang coat ko at sumugod palabas ng condo. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa ospital, pero bago ko pa man marating ang emergency room, naramdaman ko na ang bigat ng kaba sa dibdib ko. Pagdating ko doon, nakita ko ang isang grupo ng mga doktor at nars na nagmamadaling pumasok sa isang operating room. Hindi ko na kailangang itanong kung sino ang nasa loob, alam kong si Enzo iyon. “Excuse me, ma’am. Are you a relative of Mr. Fuentabella?” tanong ng isang nars na tila nahirapan akong abutin sa dami ng tao. “Yes, I’m his fiancée,” mabilis kong sagot kahit na alam kong maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi totoo ang relasyon namin. No, it was real. Our feelings are real. Pero sa pagkakataong ito, wala akong pakialam. “Ma’am, he’s in critical condition. He sustained mu
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Dumating ang araw na kailangan niya ng dalhin sa ibang bansa at wala akong magawa. Hinatid ko lang sila sa airport, “Magpagaling ka doon, hihintayin kita…” “Mmm, salamat. Ingat ka. Mas mabuti kung sa bahay ka muna ninyo umuwi,” mahinahon na sabi ni Enzo at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Nang makaalis sila ay sumabay ako kay Tito Eros papauwi. Hinatid niya ako mismo sa bahay. Makalipas ang dalawang linggo ay sobrang namimiss ko na si Enzo. Minsan kasi at tawagan at video calls lang ang nagagawa namin. Ngunit nag-focus na lang ako sa med school. Hectic rin ang schedule at halos ang vacant ko lang ay 2 hours. Hindi ko siya magawang bisitahin man lang. Papalabas na ako ng school ngunit habang pumapara ng taxi ay nagitla ako nang parang iba ang liko ng taxi at derederetso sa akin. Nang malapit na ito sa akin ay hindi ako nakagalaw ngunit may humablot sa likuran ko dahilan para mapaupo kami sa sahig dalawa. “What the fuck dude?!” malak
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= “Anong ginagawa mo dito?” malamig kong tanong habang sinusubukang huwag magpakita ng emosyon. “Legal counsel ako ng ospital na ‘to,” kalmado niyang sagot habang nakatingin sa akin nang diretso. “Looks like we’ll be seeing a lot of each other.” Halos mamilipit ang kamay ko sa inis. Gusto ko sanang tanungin kung bakit sa dami ng lugar ay dito pa siya napadpad, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong bigyan siya ng satisfaction na naiinis ako. “Kung nandito ka para manggulo, baka pwede kang humanap ng ibang ospital na abalahin,” sagot ko nang may bahid ng iritasyon. Umangat ang isang kilay niya. “Relax, Doc. I’m not here to ruin your day—well, not entirely. Trabaho lang. I take my job seriously, unlike some people who run away from their responsibilities.” Napasinghap ako sa sinabi niya. Alam kong may pinatatamaan siya, at ramdam ko ang sakit ng mga salita niya kahit pa anong pilit kong huwag pansinin. “If you’re implying something, j
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= After my mom made a heartfelt words to my dad, bumaba na sila ng stage at lumapit sa table namin. “My unica hija,” malambing na sabi ni mommy at yumakap sa akin ng mahigpit. “I missed you so much anak,” bulong niya. “I miss you too mommy.” “Will you stay with us for good?” bungad ni daddy pagkayakap niya sa akin. Napahinto ako bigla. Sa gilid ng mata ko ay pansin ko ang pag-aabang ni Enzo sa mga sagot ko. “I’ll think about it dad. The salary is good there,” mahinahon na sabi ko. “If you lack financial, I can handle it anak. Hindi mo na kinukuha ang allowance mo sa akin,” sabi ni daddy pagkaupo namin. “No dad, I have to be independent rin po ‘no. I’m old enough to be married,” kalmadong sabi ko. Napansin ko ang asul na mata ni Enzo na sumiring kaya naman napairap rin ako. ‘He’s really getting into my nerves…’ Then suddenly, I remember his case. Napanalo niya kaya? Pagkatapos ng dinner, nagkayayaan ang lahat na magpunta sa garden pa
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= 4 YEARS LATER… Halos madaliin kong tumakbo pababa ng airport hila-hila ang maleta ko. Male-late na ako sa wedding anniversary ni mommy at daddy! May tinapos pa kasi akong operation bago ang flight ko. Nang makalabas ay pumara agad ako ng taxi. Habang on the way sa venue ay napasandal ako sa taxi. Pagod na pagod ako eh. Halos 20 minutes rin ang byahe papunta sa venue galing sa airport. Pagkababa sa hotel ay inutos ko na sa tauhan nila daddy ang maleta dahil maayos naman na ang dress na suot ko. Halos lakad takbo ang ginawa ko para lang makahabol sa main event ng anniversary nila mommy at daddy. Habang tumatakbo ay halos hindi ko mapigil ang sariling katawan ma bumangga sa mataas na bulto na nasa harapan ko dahil sa bilis ko at madulas ang heels. “Oh my god! I’m sorry!” mabilis na sabi ko at lumayo, nang tingalain ko ito ay halos manlaki ng bahagya ang mata ko dahil nakilala ko kaagad ang may ari ng asul na pares na mga mata. ‘Damn, w
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Today was my last day here in Philippines. After our last conversation, I’ve never seen him, nor I even look for him. Kusa ko siyang nakikita sa kung saan-saan ngunit kahit tapunan ng tingin ay hindi niya ibinigay sa akin. I admit, I’m hurt. Ang sakit lang isipin na hanggang doon na lang talaga kami… Namimiss ko na siya… Sobra… Habang inaantay ang flight ko ay napatitig ako sa ticket at passport ko. ‘G-Gusto ko siyang makita at hilingin na balikan niya ako, but then he discarded me like I was nothing. G-Gusto ko magalit na lang sa kanya…’ Habang nakaupo ako sa departure area, ramdam ko ang bigat ng bawat segundo. Sa bawat tiktak ng orasan, parang may hinihila sa akin pabalik, pero pilit kong nilalabanan. Sinulyapan ko ang ticket at passport sa kamay ko. Ang mga ito na lang ang nagpapapaalala na may bagong simula akong naghihintay. Pero bakit ang bigat-bigat? ‘Gusto ko siyang makita… kahit sa huling pagkakataon.’ Napapikit ako at h
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= After drinking for another hour, naramdaman ko na ang hilo sa akin. Tumigil na ako dahil gusto ko na umuwi. “Lasing ka na beb?” tanong ng kaklase kong babae. Umiling naman ako. “Inaantok lang. Kailangan ko na rin umuwi pero,” sagot ko at bumuntong hininga. Later on lumipat yung kaklase kong lalake sa tabi ko. “Did you drive a car?” tanong niya kaya umiling ako. “I’ll just ride a taxi.” “Isasakay na kita mamaya,” suhestyon niya. “Kaya ko na.” After 15 minutes tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Ako rin ang nagbayad ng nagastos namin. Pinilit ko maglakad ng deretso para lang hindi mahalata na lasing ako. Sa labasan ay naghintay ako ng taxi ngunit bago pa man pumaypay ang kamay ko ay may puntay sa kinatatayuan ko. Paglingon ko ay natigilan ako nang makita si Enzo. “I wanted to drive you home, but I know I drank a lot more than you did… I’ll just come with you,” mahinahon niyang sabi. “There’s no need, Enzo.” “I think I have to,”
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= It’s a week ago since Enzo and I last met each other… Nasa bahay ako at walang gana sa lahat. Akala ko okay na ako, okay na ang puso ko… Pero hindi pa pala. I was hurt… “M-Mommy,” mahinang tawag ko kay mommy na nasa kusina at naghahanda ng gabihan. “Oh anak?” tugon niya at nilingon ako. “M-Mommy… A-Ayoko na po dito,” mahinang bulong ko. Napahinto siya sa pagluluto at sumeryoso ang mukha. Pinatay niya ang kalan at nilapitan ako ngunit isang hawak niya lang at ayos sa mga buhok ko ay tumulo na ang luha ko. ‘Ang sakit…’ “W-Why anak? A-Ano ‘yon? Say it to mommy,” pag-aalo niya at niyakap ako. Panay ang hikbi ko sa kanyang nga balikat. “I-I can’t stay here, s-seeing Enzo… P-Parang pinapatay ang puso ko sa sakit mommy. Ang sakit… A-Akala ko…” “A-Akala ko a-ayos na ako…” panay ang hikbi ko at halos hindi ako makahinga kakaiyak. “A-Ano g-gusto mo gawin anak?” “M-Mommy… I-Ilayo n-niyo na po ako dito, k-kahit saang bansa b-bast
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= After a few days, sinubukan ko puntahan si Enzo sa kanyang condo. Kinakabahan ako at hindi maipaliwanag ang nararamdaman. ‘Itataboy niya kaya ako?’ I knocked on his door three times, my heart is thumping very hard and I cannot do anything… Nang marinig ko ang pagbukas no’n ay napasinghap ako. Pagbukas no’n ay tumambad sa akin ang bahagyang namumutla na mukha ni Enzo. “Can I come in?” pabulong na tanony ko, huminga siya ng malalim at tumango. Sumunod ako sa kanya sa sala at doon ko nakita ang kumpol kumpol na kable ng kanyang laptop, at mga papers and documents na nakakalat. Tila inaaral niya ang kaso… “H-How’s your shoulder?” pabulong na kwestyon ko matapos maupo sa parteng sofa na walang laman na papel. “Good,” malamig niyang tugon. Hindi naman ganito si Enzo noon, kahit seryoso siya at hindi siya ganito kalamig lalo na pagdating sa akin. Ngunit ngayon ay iba… “E-Enzo… About the case—” “It’s not something I can share… I’m sorry,
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Mabilis akong sumunod sa kanya, pinilit ko siyang habulin. “Enzo sandali!” Habol ko at lakad takbo ang ginawa. “Enzo!” Ngunit nang nasa pinto niya na ay mabilis niyang sinara ang pinto dahilan para maiwan ako sa labas. Panay ang katok ko. “J-Just rest!” rinig ko ang malakas niyang sigaw sa kabilang pinto kaya mariin akong napapikit. Wala akong nagawa. Alam ko ang password ng kanyang condo pero tingin ko ay may kailangan siyang gawin. ‘Ang bakal na ‘yon? I-Ibig bang sabihin no’n hindi pa siya magaling?’ Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa labas ng pinto ni Enzo. Pinilit kong kumalma, kahit na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit niya kailangang magtago? Ano ang ginagawa niya na ayaw niyang malaman ko? “Enzo, please… Open the door,” mahinang tawag ko, pero walang sagot. Tila lalo pang bumibigat ang bawat segundo na lumilipas. Alam kong dapat ko siyang intindihin, pero hindi ko maiwasang magtaka at mag-alala. Hinawakan k
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Huminga ako ng malalim. It’s been a month since I last saw Enzo who’s maybe busy with her new fiance or on a case? I don’t wanna know. I’m sure, ayoko na malaman. But there’s a part of me who's curious. I’m dying to know if he’s happy. Because I am not. “Hey… Malapit na, kaunting tiis na lang and you’ll be done with your hell week.” Pagpapagaan ni Marco sa loob ko kaya ngumiti ako. Sapilitan man ngunit mahalaga ay nagagawa ko. “Oo nga eh, after this, isang taon pa tapos pwede na ako mag-duty sa hospital. Ang bilis,” tugon ko at tinitigan ang libro ko. “Yes! Just wait 13 months, Aria…” “Ihatid na kita sa condo mo?” anyaya niya kaya ngumiti ako at tumango. Nang makababa sa condo ay kinawayan ko siya. “Thank you so much Marco!” “Hmm! Take care!” sigaw niya at kumaway. Dahil doon ay umakyat na ako sa condo ko mismo. Ngunit pagbukas ng elevator ay napahinto ako nang makaharap si Enzo. Unang sumalubong sa akin ay ang asul niyang mata, ang