Makalipas ang isang linggo ay tamad na tamad akong tumayo upang pumunta sa isang law firm sa kung saan nagtatrabaho ang isa sa kaibigan namin na abogado, kung kaya’t nagbihis ako ng maayos at sumakay na lang ng taxi papunta sa law firm na ‘yon.
She even asked me to buy her a lunch, ang kapal talaga ng mukha ng mga kaibigan, biro lang ganoon rin ako kung tutuusin. Habang dala-dala ko ang food ay bumaba ako sa taxi matapos magbayad ngunit halos umawang ang labi ko ng makita ang 8th floor na law firm. “Uhm kay Attorney Perez?” Nakangiting sabi ko sa lobby kaya naman ngumiti ito at tsaka inabot ang isang pirasong note, nagpasalamat ako bago ako sumakay sa elevator. Napalunok ako nang makita kong pinagagalitan ang kaibigan ko. Anong kalokohan ba ang ginawa mo Espi? Kinagat ko ang labi ko nang galit na galit ang lalakeng nakatalikod, hindi naman sumisigaw pero his words are sort of foul and he seems to be scary. Nang makita ako ni Espi ay pinanlakihan niya ako ng mata, huminga ako ng malalim at tsaka sumingit sa usapan. “Uhm excuse me? I guess you could do that thing in private, not in here where three people are watching,” malakas ang loob ko na sabi. Nang lumingon ang lalake ay halos masamid ako sa sarili kong laway lalo na nang makilala ko ang mukha niya, nakagat ko ang ibabang labi sa pagkapahiya. “Those three people are my group, she’s in my group so what’s wrong?” Hindi ako nakaimik. “Okay.” Pilit kong hindi mautal ngunit ng suriin niya ako ay halos magmadali akong itago ang mukha ko ngunit bago pa man makahakbang ay pinigilan niya ang pulsuhan ko. “I remember you,” wika niya ngunit halos makagat ko ang dila nang titigan ko ang asul niyang mata, ang nakakaakit niyang mata! “H-Hindi kita kilala—“ “Ah yeah, you were the one who kissed me at the bar.” Nanlaki ang mata ko at tsaka tinignan si Espi na naniningkit ang mata. “H-Ha ano? A-Ako hahalik sa’yo? B-Baka ikaw ang humalik—“ “Yeah, I clearly remember how you fainted after kissing me,” sabi pa niya dahilan para mag-init ang pisngi ko sa kahihiyan. “N-No!” “Yes you are,” sobrang fierce ng attitude niya! How could he talk about it out loud!? “E-Espi tara na nga!” Hiniklat ko si Espi papaalis doon papunta sa loob ng office niya kaya nang makapasok ay nakangisi akong tinitigan ni Espi. “Espi stop!” “Akala ko ba you hate laws?” Sa tanong niya ay nasapo ko ang noo. “I-It’s just that I’m drunk!” Pagtatanggol ko sa sarili ko. “He’s the man! Yung sinasabi ni Shobe?!” Lumunok ako, may sinabi na kaagad ang isang ‘yon? Akala ko ba busy sila to chat! “Yung sabi mo raw hot? Balita ko inuwi ka ni Eros sa condo niya?” Nangunot ang noo ko ng marinig ang sinabi ni Espi. “W-Walang nangyari Espiranza!” gulantang na sabi ko. “Luh, epal. Maka-Espiranza ka naman diyan pakiramdam ko tuloy nasa kalumaang panood ako. Hindi nga gaga, kiss lang?” Umirap ako at tumango. “Kiss lang talaga,” wika ko. “Ang gaga mo! Nasa group of friends natin si Eros. Bakit mo pinatos?” tanong niya pa kaya umirap ako. “As if I care about the rules that you guys intend to follow?” sumbat ko pa. “Ay gaga hindi lang ikaw ang babae ni Eros,” tumaas ang kilay ko at pinagkrus ang braso ko. “Oh so he’s a playboy?” kwestyon ko. “Maybe,” kibit balikat na sagot ni Espi kaya nasapo ko ang noo, can HIV be passed by just kissing? Pagkatapos no’n ay umalis na rin ako, they’re just part timing here for practice? Yeah I heard practice while it’s summer dahil law ang kinuha nila ay matagal tagal na aral ‘yon habang ako tamang chill lang isang fashion designer. I just wanted my designs to be worn by famous models and famous artists, sobrang nakaka-overwhelming ang pakiramdam na ‘yon. Habang naglalakad ay natigilan ako ng sa elevator ay nandoon si Eros. “Oh you’re the naughty—“ “Don’t talk to me, please,” nahihiyang sabi ko. “You kissed me and now you’re being ashamed?” nakangiwing sabi niya, his blue eyes were freaking attractive! Palagi ko na lang napapansin ang mata niya. “A-Anong gusto mo? That happens mostly. Bar ‘yon.” Paglilinaw ko. “If you didn’t faint you’ll be in bed that night.” Umawang ang labi ko sa banat niya dahilan para lingunin ko siya. “Bed with another man to take advantage of you, so don’t drink a lot when you can’t even handle your alcohol tolerance.” I almost flinched when he lifted his hand but only to fix his hair that made me swallow the lump in my throat. I thought he’s gonna hit me. Nangunot ang noo niya sa naging reaksyon ko dahilan para iiwas ko ang tingin sa kaniya. Nang bumukas ang elevator ay nagmamadali akong lumabas, kinagat ko ang ibabang labi tsaka ako naghanap ng taxi. Sa bilis ng panahon ay sobra akong nauubusan ng pasensya sa hawak kong sketch pad at lapis, I am designing a prom gown for my cousin. She wanted me to make her prom dress but I lack creativity which is so irritating. Habang nakaupo ako sa isang restaurant na pag-aari ng magulang ng kaibigan ko, tahimik lang naman ako not until my friend came. “Mayi!” I shushed her because she’s getting a lot of attention. Naupo siya sa tabi ko. “Mayi, may gusto akong sabihin sa’yo.” Seryoso kong tinignan si Savi, she seems to be happy. “May isang birthday party sa bar rin naman, then I told her na fashion designer ka and she wants to meet you!” Nanlaki ang mata ko sa saya. “Hindi nga!?” nakangiting tanong ko. “Oo! I-meet mo na siya ngayon, panigurado bibilhin niya ang designs mo dahil sobrang ganda!” Ngumiti ako at tumango. “Send me the address and we’re ready to go!”Nasa isang penthouse ako ngayon sa tuktok ng hotel rito sa city namin, sobrang ganda dito, dito raw nanunuluyan yung may birthday next month sa kung saan kami invited. I pushed the bell and the door opened.Lumantad sa harapan ko ang isang magandang babae, matangkad at higit sa lahat ay para siyang model! Kasing tangkad niya lang si Savi. “Uhm hi?” Nahihiyang sabi ko, ngumiti siya.“Pasok ka,” sumunod ako sa kaniya.Naupo kami sa entertainment room niya, magkaharap may snacks at drinks na pagpipilian. “My birthday is next month and I can’t choose a gown or clothes to wear for the party. Can you design one for me?” Ngumiti ako at tumango tango.“I already designed a lot, you can check this.” Inabot ko sa kaniya ang sketch pad ko na punong puno ng designs.“You can check it for ideas, and I will draw a new one for you.” Ngumiti siya at tinanggap ang inabot ko, nakita ko ang pagkamangha sa mata niya kaya natuwa ako.My parents are really against what I love to do, they told me that I wil
Nang tignan ko yung kasama ni Savi ay tumaas ang kilay ko nang kaparehas sila ng mata ni Eros asul na asul. “A-Ano—” tumikhim ako at dahan-dahan na naupo. Yung kasama ni Savi ay hindi ko mawari kung matatakot ba ako dahil sobrang prente at kalmado nito. “What’s with the tension?” kwestyon ng lalake na isa yung asul rin ang mata kaya lumunok ako at nag-iwas tingin.“Uhm guys this is Adrielle, my friend.” Pakilala ni Savi kaya ngumiti ako.“Uhm this is Espi, Shobe and—““She’s Mayella Zamora?” Nanlaki ang mata ko nang banggitin ni Adrielle ang buong pangalan ko.“You know her?” kwestyon ni Savi.“She’s the one who kissed my brother, Eros.” Nanlaki lalo ang mata ko at kusa ko na lang iniyuko ang mukha ko sa mesa lalo na nang marinig ang nakakalokong mahinang tawa ni Eros.“I-I never introduced myself,” bulong ko.“I have this power called connections.” Nilingon ko si Eros.“I was drunk,” paglilinaw ko.“Uh huh,” tugon niya at uminom.Tumahimik na ako, habang nakaupo ay isa isang nag ali
Nang mailagay niya ay umikot na siya kaya antok na antok akong niyakap ang bag ko, hanggang sa umandar ang sasakyan niya. “Saan ka nakatira?” Kwestyon niya kaya nagmulat ako.“Diyan lang, diyan.” I pointed it out.“Where?”“Diyan ngaaaaa.”“Damn, I can’t let you stay at mine again.” Rinig kong sabi niya kaya pumikit na ako sa sobrang kaantukan at hilo.Kinaumagahan ay nagising akong nararamdaman ang malamig na hangin na dumadampi sa likod ko dahilan para magmulat ngunit pagkamulat ko ay halos manigas ako ng kalmado niyang mukha ang nakaharap ko.“O-Oh my gosh!” I exclaimed before pulling the blanket to cover my body.Nagising naman siya dahil sa sigaw ko, napalunok ako at tinitigan ang katawan niyang walang suot na pang-itaas. “M-May ginawa ka sa akin ‘no?! May nangyari!” Kinakabahan na sabi ko.Nangunot ang noo niya bago muling nahiga at niyakap ang unan niya. “Hey!” Binato ko siya ng unan dahilan para tuluyan na siyang bumamgon ngunit napatitig ako sa katawan niyang masasabi kong ri
“Bago ka lang sa gym na ito?” Maayos niyang tanong kaya naman tinitigan ko ang asul niyang mata bago sumagot.“New member Savi suggested this gym so since yesterday I have been doing my routine here. Ikaw ba?” Maayos na tanong ko.“Since last year,” he answered.“Oh, sabi nila pag matagal ka na raw na member dito may free uniform at free self-defense ne tinuturo?” Pabulong ko pang tanong.“Yeah, you want them?” Kwestyon niya.“Syempre!”“You could pay for it, also if you don’t like waiting for a year.” Lumunok ako at tsaka umiling.“No thanks, I’d rather get it free. Monthly pa lang sobrang mahal na, idagdag ko pa kaya ‘yon ‘di ba?” Huminga siya ng malalim bago dahan dahan na tumango.“Sabagay.”“So, You’re an attorney now right?” Nahihiyang panimula ko, tumayo siya ay niyaya ako sa treadmill kaya habang tumatakbo ay nag-usap na rin kami.“I passed the exam last year,” sagot niya.“It took you years siguro?” Tumango siya ulit.“How about you? What do you do?” Nang itanong niya ‘yon ay
Nang makarating sa isang apartment na maganda, as in sobrang ganda dahil na rin sa glass walls. Pinindot ko ang door bell nila at dahil sa pagkamangha ay bumukas ang gate ng hindi ko namamalayan ngunit ganoon ako napalunok ng makita ang isang matangkad na lalake ang nagbukas.Lumunok ako ng makita ko na asul ang mata nito, uso ba ang asul na kulay sa mata ngayon? “A-Ah I came here for—““Yes, you came here for me. Tara na!” Nanlaki ang mata ko ng akbayan ako nito dahilan para wala akong magawa.“Hoy Isaiah! Bisita ko huwag mo nga siyang anuhin!” Bulyaw ng isang magandang babae kaya ngumiti ako at dahan dahan na inalis ang akbay ng tinawag niyang Isaiah.“Luh epal ka Aisley? Chic ko ‘to.” Ngumiti ako at tinitigan yung lalake na pangalan ay Isaiah.“Cute ka okay? Pero trabaho ang pinunta ko rito.” Nanlaki ang mata niya bago ngumiti.“Naks salamat, salamat. Cute ka rin,” humiga na siya sa sofa habang nakatitig sa akin kaya nangunot ang noo ko.“You’re beautiful huh,” lumunok ako at ngumi
Shet! Maayos ba ang hitsura ko? Sinundan ko siya ng tingin sa papasok sa banyo and then nang lumabas siya ay napaayos ako ng tayo ng magtama ang mata namin. Napakurap ako ng napakurap, pero ganoon na lang ang gulat ko ng may mag-bell.“A-Ako na.” Mabilis na sabi ko at pumunta sa pinto at binuksan ‘yon ngunit ganoon na lang tumaas ang kilay ko ng makita ang ex ko last year.“Gosh, may nantrip na naman ata sa bell.” Pagdeadma ko sa kaniya and I was about to close the door but then he stopped me.“Mayi, please.. let’s talk?” Pinagkrus ko ang braso at tinitigan siya, he look so wasted, he’s wearing a green polo shirt and a black slacks.“We have nothing to talk about,” mariing sabi ko.“Mayi, sino ‘yan?” Tanong ni Espi, sige magpakita ka kay Espi yayariin ka niyan.“Anak ng palaka, bakit may gala-gala na uod dito.” Naka-pamewang si Espi kaya ngumiwi ako at tinignan siya.“Hoy para sabihin ko sa’yo mula ng iniwan mo siya wala ka ng karapatan bumalik! May boyfriend na siya!” Natigilan si Rh
“I’m a good listener, tell me everything you want to say.” Ngumiti ako sa sinabi niya, sobrang nakakagaan ng loob kahit pa nagkaka-asaran kami. “Rhen and I stayed together for three years, pero iniwan niya ako last year para ipagpalit sa flight attendant niyang babae. Harap harapan kaya hinding hindi ko na magawang harapin pa siya pati na yung babae na ‘yon.” “Those days it feels like he’s the one I would marry, he’s the man for me but then it’s all gone now. Ikaw ba? Do you have a special someone?” Sa tinanong ko ay natigilan si Eros bago siya ngumiti. “Huhulaan ko! Si Devone?” Pangunguna ko na ikinatawa niya. “You think so?” Kwestyon niya. “I saw you guys making out,” ngiwing sabi ko. “We made out too?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya bago alanganing tumawa. “I have a special someone that I protect the most, she’s obviously younger than me but I would risk everything for her.” Nang sabihin niya ‘yon ay natigilan ako at nakinig na lang, he looks happy talking about h
Sumasaya ang puso ko, bakit sobrang appreciative nilang magkakapatid. “Thank you so much..”“Aalis na rin siguro ako,” nakangiting sabi ko sa kanila ngunit habang nakatayo ay halos mapalunok ako ng malakas na bumuhos ang ulan.Punyemas na kalangitan walang pakisama. “May bagyo ba?” tanong ni Aisley at sinindi ang flat screen tv.At sinabi nga sa balita na uulan ng malakas, dahil sa isang bagyo na paparating sa bansa. “But I need to go home,” bulong ko sa sarili.“Patilahin muna natin yung ulan,” maayos na sabi ni Isaiah.“Ihahatid na lang kita, alam ko naman kung saan yung condo mo.” Maayos na sabi ni Eros kaya ngumiti ako.“Thank you,” nang bahagyang tumila ay lumabas na kami buti na lang pinayungan kami ni Isaiah habang si Eros ay may sariling payong.Nang makasakay sa sasakyan ay kumaway na si Isaiah, while eros keep his umbrella inside the umbrella sack. Pinaandar niya na ang sasakyan at dahil sinindi niya ang aircon ay sobrang lamig.Umalis na kami at habang nasa daan ay muling b