Kanino kayo kampi? Kay Enzo o kay Aria?
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Kinaumagahan ay awtomatikong naglaro ang dila ko sa loob ng aking pisngi nang umagang umaga ay natanaw ko si Enzo sa aking kusina habang naka-apron ng walang kahit anong suot na pang-itaas! Nakagat ko ang ibabang labi kasabay ng pag-init ng aking pisngi. ‘What a distraction… Paano ako makaka-focus while the view is his broad back, it was so sexy— damn it!’ Kahit utak ko at pīnagnanasahan na siya… Bumuntong-hininga ako at nagpaalam sa sariling hindi ako magpapaapekto. Pero hindi ko rin napigilan ang mga mata kong maglakbay sa bawat galaw niya, lalo na sa paraan ng pag-flex ng muscles niya habang nagluluto. “Good morning, Miss Sleepyhead,” bati niya sa akin nang mapansin ang tahimik kong paglapit. “Good morning,” tipid kong sagot, pilit na tinatago ang pamumula ng aking pisngi. “Hindi ko alam na marunong ka palang magluto.” He chuckled, his deep voice filling the kitchen like a warm hug. “May mga bagay na hindi mo pa alam tungkol sa aki
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Nasa library ako, abala sa pagbabasa ng medical books, nang biglang umupo si Enzo sa tabi ko. Muntik na akong mapatalon sa gulat, pero mabilis siyang ngumiti at sinenyasan akong manahimik. “Surprise,” bulong niya, kasabay ng paglagay niya ng isang takeaway coffee cup sa mesa. May nakasulat sa cup na “For My Beautiful Future Doctor.” Napatingin ako sa kanya, nakangiti at tila nagmamasid lang habang hawak ang isang libro na halatang wala siyang balak basahin. Ramdam ko ang init sa pisngi ko, kaya pilit kong binaling ang atensyon ko sa libro ko. “Enzo, anong ginagawa mo rito? Alam mong kailangan ko mag-aral,” sabi ko, pilit na hindi nagpapaapekto. He leaned closer, his face inches from mine. “Hindi ba pwedeng gusto lang kitang makita?” Nag-angat ako ng tingin at namalayan kong magkalapit na pala ang aming mga mukha. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga at ang malalim na tingin niya na tila may sinasabi kahit hindi siya nagsasalita. Na
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= “You always do this dad, don’t you know why there’s a door on every room?” nauubos pasensyang sumbat ni Enzo. Mahina namang natawa ang daddy niya. “Para may pasukan at labasan?” patanong na tugon ni Tito Eros at inilapag ang folders. “No, dad. It’s for you to knock on!” napipikon na singhal ni Enzo na mas ikinahalakhak ni Tito Eros. “Ohhhh, so that’s the purpose—” “Dad!” “Oo na, oo na… Kakatok na, nakalimutan lang eh. My dad is like that too, everytime your mom is in my office. Exactly just in time—” “Then you probably know how I felt dad, come on…” nakalabing sabi ni Enzo na ikinangisi ni Tito Eros. “Then I should take my leave son, so you could continue… That’s a new case, three murder cases. One patricide,” sabi ni Tito Eros at nakakalokong ngumisi sa akin. “Enjoy my inaanak,” asar na sabi ni Tito Eros kaya ngumuso ako. “Tito-Atty naman eh…” “Hahahahaha! I’m leaving,” paalam nito at kumaway bago umalis sa opisina ni Enzo. “
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= A week later… Abala akong nagbubuklat ng libro habang nasa loob ng café malapit sa law firm ni Enzo. Hindi na ako nagsabi, dito naman siya palagi bumibili ng coffee niya. Maaga kasing natapos ang nag-iisang klase ko kaya tanghali pa lang nandito na ako. Later on, pumasok si Marco sa café at nang makita niya ako ay ngumiti siya kaagad at kumaway bago lumapit. “Aria, hanggang dito nag-aaral?” natatawang sabi ni Marco at naupo sa gilid. Ibinaba ang makakapal niyang libro. “Anatomy and physiology?” turo ko sa bagong version na hindi ko na mahanap sa bookstore even on online shop. “Yep, wala ka nito?” tanong niya at walang paalam na kumuha sa natchos na kinakain ko. “Oo… Wala na akong mahanap,” reklamo ko at kinuha iyon. “Check it, it’s very interesting book. Mas malalaman mo lahat diyan, kesa sa version 1.” Binuklat ko iyon tulad ng sinabi niya at nang makita ang kulay ng mga litrato ng katawan sa libro. Anatomy is all about parts of th
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Nagkibit-balikat ako, kunwaring hindi apektado, pero sa loob-loob ko, hindi ko maitatanggi na kinikilig ako sa bawat titig at banat ni Enzo. Nakakainis, kasi alam kong pekeng relasyon lang ito—pero parang totoo ang lahat ng pakiramdam. Habang abala si Marco sa pag-text, si Enzo naman ay sumandal sa upuan, ang braso niya ay nakaakbay sa akin nang walang pakialam sa mga nakatingin. “May napansin ka bang ibang tao dito, Aria? O sa tingin mo ako lang ang dapat mong pagtuunan ng pansin?” biro niya, pero may halong asar sa tono niya. “Uy, huwag mo akong ipitin sa mga trick mo, Enzo.” Hinawi ko ang braso niya pero hindi siya natinag. “Ikaw kaya ang tingnan mo, parang ikaw pa yata ang insecure?” Tumingin siya sa akin, at ngumisi, para bang alam niyang nahuli na niya ako. “Insecure? Baka ikaw ang natatakot na baka isang araw, may makita akong iba.” Napatigil ako at natawa. “Ha! Malabo yata ‘yun. Alam mo bang ‘di ako tumatanggap ng replacement?” sabi
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Napatingin ako kay Enzo, at parang ang bigat ng bawat salitang sinasabi niya. Nararamdaman ko ang pagkakatitig niya sa akin, at kahit pa pilit kong iniisip na laro lang ito, hindi ko mapigilan ang kilig na gumuguhit sa puso ko. Nginitian ko siya nang mahina, pilit na pinapanatili ang pagiging kaswal, kahit ramdam ko na nababasag na ang pader na itinayo ko. “Pabayaan mo na lang kaya ’yung mga yan, Enzo. Hindi naman kailangan ng drama.” Pero ngumisi lang siya, at halatang hindi siya natitinag. “Sino bang may pakialam sa drama? Ikaw lang naman ang iniisip ko.” Napakurap ako at napaatras nang kaunti. Ang bilis ng tibok ng puso ko, at hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko. “Ano bang gusto mong palabasin?” tanong ko, pilit pinapanatiling steady ang boses ko, kahit halatang halata ang panginginig nito. Lumapit siya nang kaunti, halos magdikit na ang mga mukha namin. “Simple lang naman. Gusto ko lang malaman mo na totoo ’to para sa aki
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= “Hmm, ingat—” “I’ll drop her off sa condo mamaya, okay lang?” tanong ni Marco. Naningkit ang mata ni Enzo ngunit tumango. “It’s safer that way then sure…” Nakipag-fist bump pa siya kay Marco at muli akong tinanguan bago umalis. Nang makalabas siya ay halos masapo ko ang braso sa malakas na palo ni Marco, hindi naman full force. “Kingina niyo, yari kayo kay Ate Mayi.” “Ansakit ah!” “Basta! Ayusin niyo nga buhay at relasyon niyo, mga sira… Totohanin niyo na lang, Aria.” “Oo na, ingay mo Marco. Ia-announce mo ba sa lahat,” singhal ko pa. Ngumisi siya at umiling. “Basta akin lang, Aria. Just fall for him, huwag mo na pigilan. Kaya nga hindi ako makaamin noon pa man kase I could feel na you had a crush on Enzo ever since we’re kids.” “Nagka-crush rin ako sa’yo,” pagrarason ko. “Hindi sinlalim ng nararamdaman mo sa kanya, kasi kung gusto mo talaga ako noon. We’re not gonna be friends, Aria.” Sa sinabi niya ay bahagya akong sinampal ng katotohana
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Isang linggong nakalipas ay nakatitig ako sa seryosong lalake na Japanese na nakatitig ng masama kay Enzo. “You want me to cheat inside the court?” gitil ni Enzo at seryoso. “Nag-abogado ba ako para dayain ang system?!” Napapitlag ako nang malakas na hampasin ni Enzo ang mesa niya sa harap ng Japanese na client niya. Huminga ng malalim ang kliyente niya at nanatili ako sa gilid. “Ano pang silbe ng katarungan kung ako mismong abogado ay gagaguhin yung batas?!” bulyaw ni Enzo. Hindi na mapigilan ang galit. “I’m sorry about that, Atty. Fuentabella, I’m willing to pay you millions just for this—” “I don’t fucking care, I can refurn it in billions!” singhal ni Enzo at nasapo ang noo. Napamulagat ako sa sinabi ni Enzo. Hindi ako sanay makita siyang ganito ka-init ang ulo sa harap ng kliyente, lalo na’t malaki ang perang nakataya. Pero sa bawat galit na bulyaw niya, lalo ko siyang hinangaan. Kitang-kita sa mga mata niya ang determinasyon at pri