Mayella’s Point Of View.Naalimpungatan ako nang marinig ko ang galit na galit na sigaw at ang pagbasag ng ilan sa mga gamit. Ngunit hindi ko magawang igalaw ang hita sapagkat nangangalay ang mga ‘yon at makirot at bandang tyan ko.Dahan-Dahan kong kinapa ang tyan at nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman na buhay pa ang anak ko.Ngunit alam kong may nag-aalab na sa init. It was Eros..“Where is he?” I heard him asked again, his voice were about to shake and it was so deep.“Tell me where the fuck is that man?! Tangina!” Napapikit ako ng mariin nang halos maiyak si Eros sa kakasigaw at walang magawa si Kuya Ashanti but to stop his brother from making a scene.“Eros, calm down! Nawawala ka na sa sarili mo. Ano ba?” sita sa kanya ni Kuya Ashanti. Hindi nila ako mapansin dahil humahangos si Eros sa galit.Pilit kong sinulyapan si Eros na malakas na hinampas ang mesa at pader. “Kuya, muntik ng mamatay ang mag-ina ko. N-Nakita ko mismong nag-flatline yung machine. Tangina. Anong s-silbe
Makalipas ang tatlong araw ay nagawang mapa-aprubahan ni Eros Dane ang probation ko sa korte. Isang linggo ‘yon at ang bail ay higit na malaki sa hindi inaasahan.“I paid the bail, it’s on process and you can live with me.” Salubong ang kilay na sabi ni Eros habang binabasa ang laman ng folder.Sinulyapan ko si Espi na pasimpleng lumapit. “1.5M beh,” bulong niya na labis na ikinalaki ng mga mata ko.“G-Gagoooo?!”Napalingon si Eros dahilan para umayos si Espi at alanganin na ngumiti. “Hehehehe, attorney. Saan kayo titira?” Ngiti pa ni Espi na ikinangisi ko.Nagsalubong ang kilay ni Eros at lumapit. “Espi if I ever find out—““Wala attorney!” tanggi agad ni Espi.“Let’s get you discharge. Doon tayo titira sa mansion ng mga Fuentabella. Wala ng hihindi. Your parents are already there,” wika ni Eros at inayos ang buhok ko.“Sige Attorney Fuentabella Eros Dane.”“If you’re going to call me like that, you should have called my name first then the last name. Babe, didn’t you study?” Bulong
Pagkarating sa mansion ng mga Fuentabella ay napangiti ako sa mainit na salubong na yakap ni Aisley. Ang pinakabatang kapatid ni Eros. “Oh god! I’m glad you’re okay ate! I was really worried. But mom didn’t allow me to go out since the Santiagos are dangerous.” Niyakap ko siya pabalik at hinaplos ang mahaba at kulay kayumanggi nitong buhok. Lumapit naman si Isaiah na iniwan namin sa ospital kanina. “Literal na what the fuck kayong dalawa, iniwan niyo ako sa ospital! Nakita tuloy ako ng ex ko kasama si Espi.” Maktol niya at napakamot sa ulo. “It’s not my fault that you two broke up—” “Luh kuya. Inakala niyang babaero ako! Akala niya babae ko si Attorney Espiranza,” reklamo ni Isaiah at aambahan pa sana si Eros ngunit isang masamang tingin lang ni Eros ay tumalikod agad si Isaiah. ‘Ang laugh trip talaga ng kapatid niyang si Isaiah. Halatang hindi na makaka-move on sa ex.’ “Hija, get some rest na. I’ll talk to my son lang,” malumanay na sabi sa akin ng mommy ni Eros kaya naman
“Why are you sniffing like a dog?” biglang tanong ni Eros na ikinasalubong ng aking kilay. Mabilis na humaba ang nguso ko.‘A dog? Did he just call me a dog?!’Mabilis akong lumayo at sinamaan siya ng tingin. “Aso? Are you really going to compare me to a dog?” Mabilis na natahimik si Aisley at Isaiah sa paghaharutan at asaran nila.“B-Babe,” kinakabahang tawag ni Eros dahilan para inis akong tumayo at mabibigat ang yabag ng paa na umalis doon.Naiiyak akong umakyat pabalik sa aming kwarto. “M-Mayi! Wait!”“Bro wait lang!” mabilis na paalam niya sa mga kapatid at naramdaman ko na ang presensya niyang pasunod sa akin.“Babe dahan-dahan!” pahabol niyang sabi.Nang makapasok sa kwarto ay padabog ko sanang isasarado ang pinto ngunit mabilis kong sinalo ‘yon dahil baka marinig ng parents namin.Nang makapasok si Eros ay malambing siyang naupo sa tabi ko at lumingkis na para bang isa siyang linta at ako ang source of blood niya.“Babe, hindi naman ‘yon ang ibig kong sabihin. Sorry na,” malam
Magkasama kami ni Eros sa mall dahil namimili kami ng damit ng baby naming dalawa. Wala kaming idea kung anong gender kaya naman neutral yung binibili namin.Kagat-Kagat ko ang ibabang labi habang nahihirapang mamili ng baby bottles niya. Nang sulyapan ko si Eros para sana tanungin ay nanlaki ang mata ko nang halos puno na ang push cart na hawak niya kakalagay niya ng mga cute na bagay.‘Eros, Eros, Eros.. Hindi porket bilyonaryo ka ay uubusin mo ang mga gamit ng baby sa baby section!’Nilapitan ko siya na maganda ang ngiti habang panay ang lagay sa cart. “Hoy!”“Ano trip mo? Uubusin mo ba yung laman ng store?” sita ko na ikinatigil niya at inosenteng tumitig sa akin.Napahawak siya sa batok nang mapatingin ang iba. “Lahat ‘to essential babe,” bulong niya at itinaas pa ang maliliit na sapatos as if susuotin ‘yon ng bata agad?!“Look, babe.. Hindi pa makakalakad ang bata pagkalabas, para saan ang sapatos na bente piraso?” singhal ko.“D-Design?” alanganin na sagot niya habang nakataas
Kumuyom ang kamao ko dahil kailangan ko pigilan ang sariling lumabas sa kotse. Hanggang sa mapikon si Rocco ay parang baliw itong tumawa. “Putangina. Ayaw mong bumaba riyan!” galit na sigaw niya at pinagsasapak yung salamin sa bintana dahilan para matakot ako lalo. “R-Rocco!” sigaw ni Eros at halos gumapang siya ngunit pinaglaruan lang siya ng mga tauhan ni Rocco. ‘Nasaan na ba ang body guards ni Eros? Bakit hindi sila lumalabas ngayon?!’ “Ah!” daing ni Eros nang sipain siya sa tyan. Napapikit ako ng mariin. Please dumating na kayo kuya.. Hanggang sa makarinig ako sunond-sunod nang busina ng mabilis na sasakyan. Nanlaki ang mata ko at nakahinga ng maluwag. Umatras kaagad yung mga tauhan ni Rocco ngunit mabilis silang naharangan ng isa pang sasakyan na sports car na paniguradong kay Adi. Dahil doon ay nakubong sila. Bumaba kaagad si Kuya Ashanti na kasama si Isaiah habang si Adrielle ay bumaba rin. Tatawa tawa na lumapit si Rocco kay Kuya Ashanti na salubong ang kilay
Dahil doon ay hindi kami nagpapansinan ni Eros. Hindi niya ako kinakausap at ganoon rin ako. Hanggang sa dinner time ay hindi ako bumaba dahilan para pumasok siya sa kwarto at nakatingin sa akin.“Let’s eat,” mahinahon niyang sabi.“Ayoko. Wala akong gana.”“Mayella, you need to eat. Iinom ka pa ng gamot mo,” mahinang wika niya at nanlulumong tinitigan ako.Hindi ko siya tinugunan hanggang sa lumapit siya at maupo sa harapan ko. “Let’s go. Kumain ka na,” usal niya.“Ayoko nga. Huwag mo ‘kong pilitin—”“Fine. Huwag tayo kumain dalawa.” Nanlaki ang mata ko at tinitigan siya. S-Siraulo ba siya?“Kumain ka na doon,” pabulong na sabi ko.“No. If you won’t eat, then I won’t eat—” Inis akong tumayo at naglakad na, mabilis naman siyang sumunod. Sobrang tahimik naming naglalakad sa hallway at kahit paghinga niya ay naririnig ko.Pagkababa ay wala akong gana na sumubo ng pagkain habang lahat sila ay tahimik at nakikiramdam sa amin ni Eros.Wala kasi ang parents namin dito. I think may inaayos s
“Mayi!” Napabangon ako kaagad sa malakas na tawag sa akin. Nang titigan ko ang kaharap ay sunod-sunod na nangilid ang luha ko nang makita si Eros. “E-Eros.. E-Eros!” Niyakap ko siya ng mahigpit at malakas na humagulgol. “W-What’s wrong babe? Hmm?” Naramdaman ko ang paghagod ng palad niya mula ulo ko hanggang sa likuran. “I-I saw you— b-bleeding due to a gunshot—” Panay ang iyak ko at hindi naituloy ang sinasabi. Huminga siya ng malalim at inalo ako, hinawakan niya ang mukha ko nang humiwalay ako sa yakap kasabay ng pagpahid ng hinlalaki niya sa mga luha ko sa pisngi. “It’s just a dream babe, it didn’t happen and it won’t happen okay?” paninigurado niya ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit sa puso. Para akong dinadamba sa dibdib nang paulit ulit. It was crazy. It felt so real. Hindi ko magawang tumahan sa sobrang takot. “E-Eros..” “I’m here babe, I’m here..” Maya-Maya ay may kumatok sa kwarto. “I’ll just open the door—” “‘Wag. B-Baka si Rocco ‘yan—” “He ca
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= A few days later… It was my 5th day in working here at this hospital. I receieved a lot of patients and at the same time I was discriminated. Wala akong gana at dahil na ‘yon sa head doctor dito, gigil na gigil ito sa akin at dahil hindi nila alam na ako ang may ari ng ospital ay hindi sila natatakot na tiradurin ako na mukhang bago lang sa kanila. “Kahit pa graduate ka at nakapasa with highest score, iba pa rin ang hirap ng school sa Pinas kaya huwag mo ‘ko tuturuan!” sermon nito sa akin ngunit nanatili akong nakatayo sa harap niya at nakatungo ang ulo. ‘I am sa surgeon…’ “Okay doc,” kalmadong sabi ko na lang. Habang naglalakad ako palabas ng operating room, naririnig ko pa rin ang pagbulong-bulungan ng mga staff. “Ang yabang no’n, akala mo kung sinong magaling… bago pa lang naman.” “Pinapasikat lang ng apelyido, kaya siguro nakuha ‘tong posisyon na ‘to…” Bawat salitang naririnig ko ay parang kutsilyong bumabaon sa dignidad ko, p
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= “Anong ginagawa mo dito?” malamig kong tanong habang sinusubukang huwag magpakita ng emosyon. “Legal counsel ako ng ospital na ‘to,” kalmado niyang sagot habang nakatingin sa akin nang diretso. “Looks like we’ll be seeing a lot of each other.” Halos mamilipit ang kamay ko sa inis. Gusto ko sanang tanungin kung bakit sa dami ng lugar ay dito pa siya napadpad, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong bigyan siya ng satisfaction na naiinis ako. “Kung nandito ka para manggulo, baka pwede kang humanap ng ibang ospital na abalahin,” sagot ko nang may bahid ng iritasyon. Umangat ang isang kilay niya. “Relax, Doc. I’m not here to ruin your day—well, not entirely. Trabaho lang. I take my job seriously, unlike some people who run away from their responsibilities.” Napasinghap ako sa sinabi niya. Alam kong may pinatatamaan siya, at ramdam ko ang sakit ng mga salita niya kahit pa anong pilit kong huwag pansinin. “If you’re implying something, j
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= After my mom made a heartfelt words to my dad, bumaba na sila ng stage at lumapit sa table namin. “My unica hija,” malambing na sabi ni mommy at yumakap sa akin ng mahigpit. “I missed you so much anak,” bulong niya. “I miss you too mommy.” “Will you stay with us for good?” bungad ni daddy pagkayakap niya sa akin. Napahinto ako bigla. Sa gilid ng mata ko ay pansin ko ang pag-aabang ni Enzo sa mga sagot ko. “I’ll think about it dad. The salary is good there,” mahinahon na sabi ko. “If you lack financial, I can handle it anak. Hindi mo na kinukuha ang allowance mo sa akin,” sabi ni daddy pagkaupo namin. “No dad, I have to be independent rin po ‘no. I’m old enough to be married,” kalmadong sabi ko. Napansin ko ang asul na mata ni Enzo na sumiring kaya naman napairap rin ako. ‘He’s really getting into my nerves…’ Then suddenly, I remember his case. Napanalo niya kaya? Pagkatapos ng dinner, nagkayayaan ang lahat na magpunta sa garden pa
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= 4 YEARS LATER… Halos madaliin kong tumakbo pababa ng airport hila-hila ang maleta ko. Male-late na ako sa wedding anniversary ni mommy at daddy! May tinapos pa kasi akong operation bago ang flight ko. Nang makalabas ay pumara agad ako ng taxi. Habang on the way sa venue ay napasandal ako sa taxi. Pagod na pagod ako eh. Halos 20 minutes rin ang byahe papunta sa venue galing sa airport. Pagkababa sa hotel ay inutos ko na sa tauhan nila daddy ang maleta dahil maayos naman na ang dress na suot ko. Halos lakad takbo ang ginawa ko para lang makahabol sa main event ng anniversary nila mommy at daddy. Habang tumatakbo ay halos hindi ko mapigil ang sariling katawan ma bumangga sa mataas na bulto na nasa harapan ko dahil sa bilis ko at madulas ang heels. “Oh my god! I’m sorry!” mabilis na sabi ko at lumayo, nang tingalain ko ito ay halos manlaki ng bahagya ang mata ko dahil nakilala ko kaagad ang may ari ng asul na pares na mga mata. ‘Damn, w
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Today was my last day here in Philippines. After our last conversation, I’ve never seen him, nor I even look for him. Kusa ko siyang nakikita sa kung saan-saan ngunit kahit tapunan ng tingin ay hindi niya ibinigay sa akin. I admit, I’m hurt. Ang sakit lang isipin na hanggang doon na lang talaga kami… Namimiss ko na siya… Sobra… Habang inaantay ang flight ko ay napatitig ako sa ticket at passport ko. ‘G-Gusto ko siyang makita at hilingin na balikan niya ako, but then he discarded me like I was nothing. G-Gusto ko magalit na lang sa kanya…’ Habang nakaupo ako sa departure area, ramdam ko ang bigat ng bawat segundo. Sa bawat tiktak ng orasan, parang may hinihila sa akin pabalik, pero pilit kong nilalabanan. Sinulyapan ko ang ticket at passport sa kamay ko. Ang mga ito na lang ang nagpapapaalala na may bagong simula akong naghihintay. Pero bakit ang bigat-bigat? ‘Gusto ko siyang makita… kahit sa huling pagkakataon.’ Napapikit ako at h
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= After drinking for another hour, naramdaman ko na ang hilo sa akin. Tumigil na ako dahil gusto ko na umuwi. “Lasing ka na beb?” tanong ng kaklase kong babae. Umiling naman ako. “Inaantok lang. Kailangan ko na rin umuwi pero,” sagot ko at bumuntong hininga. Later on lumipat yung kaklase kong lalake sa tabi ko. “Did you drive a car?” tanong niya kaya umiling ako. “I’ll just ride a taxi.” “Isasakay na kita mamaya,” suhestyon niya. “Kaya ko na.” After 15 minutes tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Ako rin ang nagbayad ng nagastos namin. Pinilit ko maglakad ng deretso para lang hindi mahalata na lasing ako. Sa labasan ay naghintay ako ng taxi ngunit bago pa man pumaypay ang kamay ko ay may puntay sa kinatatayuan ko. Paglingon ko ay natigilan ako nang makita si Enzo. “I wanted to drive you home, but I know I drank a lot more than you did… I’ll just come with you,” mahinahon niyang sabi. “There’s no need, Enzo.” “I think I have to,”
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= It’s a week ago since Enzo and I last met each other… Nasa bahay ako at walang gana sa lahat. Akala ko okay na ako, okay na ang puso ko… Pero hindi pa pala. I was hurt… “M-Mommy,” mahinang tawag ko kay mommy na nasa kusina at naghahanda ng gabihan. “Oh anak?” tugon niya at nilingon ako. “M-Mommy… A-Ayoko na po dito,” mahinang bulong ko. Napahinto siya sa pagluluto at sumeryoso ang mukha. Pinatay niya ang kalan at nilapitan ako ngunit isang hawak niya lang at ayos sa mga buhok ko ay tumulo na ang luha ko. ‘Ang sakit…’ “W-Why anak? A-Ano ‘yon? Say it to mommy,” pag-aalo niya at niyakap ako. Panay ang hikbi ko sa kanyang nga balikat. “I-I can’t stay here, s-seeing Enzo… P-Parang pinapatay ang puso ko sa sakit mommy. Ang sakit… A-Akala ko…” “A-Akala ko a-ayos na ako…” panay ang hikbi ko at halos hindi ako makahinga kakaiyak. “A-Ano g-gusto mo gawin anak?” “M-Mommy… I-Ilayo n-niyo na po ako dito, k-kahit saang bansa b-bast
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= After a few days, sinubukan ko puntahan si Enzo sa kanyang condo. Kinakabahan ako at hindi maipaliwanag ang nararamdaman. ‘Itataboy niya kaya ako?’ I knocked on his door three times, my heart is thumping very hard and I cannot do anything… Nang marinig ko ang pagbukas no’n ay napasinghap ako. Pagbukas no’n ay tumambad sa akin ang bahagyang namumutla na mukha ni Enzo. “Can I come in?” pabulong na tanony ko, huminga siya ng malalim at tumango. Sumunod ako sa kanya sa sala at doon ko nakita ang kumpol kumpol na kable ng kanyang laptop, at mga papers and documents na nakakalat. Tila inaaral niya ang kaso… “H-How’s your shoulder?” pabulong na kwestyon ko matapos maupo sa parteng sofa na walang laman na papel. “Good,” malamig niyang tugon. Hindi naman ganito si Enzo noon, kahit seryoso siya at hindi siya ganito kalamig lalo na pagdating sa akin. Ngunit ngayon ay iba… “E-Enzo… About the case—” “It’s not something I can share… I’m sorry,
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Mabilis akong sumunod sa kanya, pinilit ko siyang habulin. “Enzo sandali!” Habol ko at lakad takbo ang ginawa. “Enzo!” Ngunit nang nasa pinto niya na ay mabilis niyang sinara ang pinto dahilan para maiwan ako sa labas. Panay ang katok ko. “J-Just rest!” rinig ko ang malakas niyang sigaw sa kabilang pinto kaya mariin akong napapikit. Wala akong nagawa. Alam ko ang password ng kanyang condo pero tingin ko ay may kailangan siyang gawin. ‘Ang bakal na ‘yon? I-Ibig bang sabihin no’n hindi pa siya magaling?’ Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa labas ng pinto ni Enzo. Pinilit kong kumalma, kahit na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit niya kailangang magtago? Ano ang ginagawa niya na ayaw niyang malaman ko? “Enzo, please… Open the door,” mahinang tawag ko, pero walang sagot. Tila lalo pang bumibigat ang bawat segundo na lumilipas. Alam kong dapat ko siyang intindihin, pero hindi ko maiwasang magtaka at mag-alala. Hinawakan k