Share

Chapter One

ZAI POV

Dalawang linggo na ang lumipas ngunit sariwa parin sa isip ko ang naging hiwalayan namin ng dati kong asawa.

Masakit parin sakin ang nangyari sa amin.May mga araw na wala akong ganang kumain na halos wala na akong lakas para tumayo dahil sa labis na nararamdamang sakit.

Madalang lang din akong lumabas sa aking silid at palaging nagmumokmok sa gilid ng higaan.

Habang nasa hapag kami ay nahihilo ako pero hindi ko ito ininda at nagpatuloy papuntang aking silid ng bigla kong hawakan ang aking ulo ng makaramdam ako ng labis na pagkahilo kesa kanina ng kumakain kami.

Agad naman akong naalalayan ni Tita Giselle nang malapit na akong matumba.“Ayos ka lang ba? magpahinga ka lang muna dahil bukas ng umaga ay magpapa check-up tayo,ikaw naman kasi hindi kana kumain masyado di gaya noon" Sabi ni tita ng maalalayan niya ako papuntang kwarto ko. “oh siya dito kalang muna tawagin mo ako kung may kailangan ka o may masakit sayo" tumango nalang ako sa sabi ni tita ng makarating kami saking silid.

Hindi naman na ako masyado nahihilo hindi tulad kanina na sobra akong nahihilo.

Resulta ata ito ng hindi ko pagkain ng tamang oras at palaging pagmokmok.Nakatulog nalang ako sa kakaisip.

Aga pa lamang nang umalis kami ni tita ng bahay.Hinatid naman kami ni Tito Marlon at umalis din kaagad dahil may trabaho pa.

Nasa pila ako para sa check up. Di nag tagal ay tinawag na ang pangalan ko ng assistant Nurse at itinuro sakin kung sinong doctor ang naka assign sakin. Nang makarating ako sa doctor ko ay umupo ako sa upuan sa may harap na mesa ng Doctor.

“Ano ang nararamdaman mo Iha?" Tanong ni Doctor Zayne sakin.Nakita ko ang pangalan niya sa nametag sa kaniyang coat na puti.Bata pa ang Doctor na ito, mga nasa 30 years old.Gwapo rin ito at maganda ang physique. Nakikita ko si Zach sa kaniya dahil may hawig ito sa kaniya.

Nabalik ako sa ulirat ng magtanong pa ito.'Tama na Zai,wag mona siyang isipan pa nakalimutan kana niya kaya please kalimutan mo na rin siya' sabi ko sa sarili ko.

Sinabi ko kay Doctor Zayne an mga nararamdaman tulad ng pagkahilo at pagsusuka o kung ano-anopa ng itanong niya sakin kung ano ang aking mga nararamdaman.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay palagi akong nasusuka kahit na wala naman akong nakain buong maghapon at tuwing gabi nalang ako kumain kung minsan,minsan ay ang paborito ko pang pagkain ang nasusuka ako.

Makaraan ng ilang minuto ay na analyze na ng Doctor ang aking mga sintomas kaya itinanong ko kung ano ba ang sakit ko.

“Doc ano po ba ang sakit ko?" tanong ko sa kaniya ng nakuha na niya ang resulta ng check up ko.

“ Wala kang sakit Ms. Ramirez." masaya akong malaman na wala akong sakit at nagpapasalamat ako sa Diyos kung ganun.

“Sa halip, it's a blessing from God" Dagdag pa niya na ikinataka ko naman.'blessing?' saka lamang nag sink in sa utak ko ang sinabi ni Doc. Zayne.

“You're pregnant Ms. Ramirez" paglilinaw ni Doctor Zayne. Nang marinig ito ni tita Giselle ay labis ang kaniyang pagkagalak dahil magkakaapo na siya.

Di ako makapaniwala na nagbunga ang pagsasama namin ni Zachary ng isang taon.Isa nga itong blessing at masaya ako ngunit naalala kong hiwalay na kami ni Zach na siya namang ikinalungkot ko.

Napansin ito ni tita at Doc “Aren't you happy?/Di ka ba masaya anak?" sabay nilang sabi.

“ma..masaya po ako. Hindi lang ako makapaniwala na magkakaanak na ako." Sabay ngiti ko pero alam kong hindi ito puro na aking

pag ngiti dahil may halung lungkot ito.

“Where's your husband? You should tell this Good news to your husband"

Pagkadinig ko nun ay napangiti nalang ako sakanya na may halong sakit.

“Sorry...." Siguro'y naintindihan niya.

Pagka-uwi namin ng bahay ni tita ay nagpunta agad ako sa aking kwarto.Nang makarating ako duon ay tumulo agad ang luha ko at hinimas ang tiyan ko.

“Baby...sorry...patarin mo ang mama kung wala kang makikilalang ama dahil pinagtabuyan na tayo na papa mo pero wag kang mag-alala nandito si mommy para sayo."naiiyak kong sabi.

Nakatulog ako kakaisip kung ano na ang mangyayari gayong wala na akong trabaho, wala akong perang naipon dahil pinahinto kasi ako ni Zach ng mag-asawa kami sa pagtratrabaho ko sa mall.

Kinaumagahan ay napag-isip-isip kong pumunta kina Mama sa Mindanao doon na kasi sila namalagi ni Papa dahil maganda ang pamumuhay ruon.

Inayos ko ang mga gamit ko na dadalhin ko papuntang Mindanao kahit na wala akong perang pangpasahe,siguro ay hihiram lang muna ako kina tita at tito.Nang maiayos ko na kay agad din akong bumaba upang sumabay kina tita sa hapag.

Nang nasa hapag kainan na'ko ay umupo ako sa upuan na tapat ni tita habang si tito ay nasa centro.“ kumain ka na iha at nang may lakas ka lalo nat buntis kapa naman" sabi ni tita sakin sabay abot ng kanin.

Nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ay nagsalita ako“ tita gusto ko ho sanang doon muna kina mama at tsaka baka ho sakaling pwede humiram muna ng pampasahe papuntang Mindanao."  pagpapaalam ko rito.

“Oh ganun ba...pwede naman kitang pahiramin kahit hindi mo na bayaran" May halong lungkot na sabi ni tita, Bata pa kasi ako ay palagi ako nasa kina tita kapag bakasyon at nang makapagtapos ako ng High school ay sakanila na ako namalagi kaya nakakalungkot rin na aalis ako pero gayun pa man ay palagi naman akong tatawag sa kanila.

10,000 ang ibinigay ni tita sakin.Hindi na nga niya ito pinapabayaran dahil bigay nalang daw sakin at sa baby ko nakakahiya man ay tinanggap ko na ito para sa amin ni baby dahil malaking tulong na ito sakin.

“Bye Tita,tito. Palagi po kayong mag-iingat.Mahal ko po kayo at mamimiss ko kayo" Naiiyak ako habang nagpapaalam sa kanila.Nalulungkot ako na lumabas sa bahay nila at iniwagayway ang aking kamay pagkatapos ay sumakay ng tricycle papuntang Bus Terminal.

Isang araw mahigit ang aking biyahe papuntang Mindanao sa probinsya ng Misamis Occidental.

Hapon narin ng makarating ako ng Mindanao.

Nilakad ko nalang ang bahay na tinitirahan ng aking mga magulang dahil malapit lang naman ito at para makatipid narin.Di nagtagal ay nakarating narin ako sa wakas!

Habang nasa labas ng bahay ay kinakabahan akong pumasok ng bahay di parin kasi nila alam na naghiwalay na kami Zachary.

Nang tuluyan akong makapasok ng bahay ay agad ko silang binati“ma,pa..."  may ngiti saking mukha pero kasabay nun ay may luhang nalaglag galing saking mga mata.

Agad ko silang niyakap.Namiss ko sila ng sobra.

“Namiss kita anak ko" naluluha na sabi ni mama sakin  “na miss ko rin po kayo ni papa mama" Sabi ko sa kanila.

“Nasaan pala ang asawa mo?" Sabi ni Papa.Naiiyak ko silang tinignan ni mama.

“Nag-away ba kayo ng asawa mo?" tanong ni mama sakin na hindi ko agad nasagot.

"Ma..." yan lamang ang nasabi ko “hi..hiwalay napo kami ni Zachary.Nag..nag file siya ng annulment..." Doon ako napahagulgul.Yinakap naman agad ako ni mama habang umiiyak sa balikat niya.

THIRD PERSON  POV

Hindi makapaniwala ang mag-asawa sa sinabi ng kanilang anak.Naluluha narin ito,naawa sa kalagayan ng anak ngayon.

Patuloy paring hina-hagod ang likod ng Dalaga ng kaniyang ina habang umiiyak parin ito. “ma..pa..." muling nagsalita ang dalaga " buntis rin po ako..." sabi ng Dalaga na mas lalo niyang ikinaiyak.“Anak tahan na masama iyan sa bata na nasa sinapupunan mo. Wag kang mag-alala anak dahil nandito kami ng papa mo na handang sumuporta at tumayong ama ng pinagbubuntis mo."  pagpapatahan ng kaniyang mama.

“tama ang mama mo anak kaya tumahan kana.Kung ayaw ng Zachary na iyon sa inyo ng anak mo ay handa kami ng mama mong sumuporta sa pagpapalaki ng bata." Dagdag ng kaniyang Ama.

Tumahan naman ang dalaga mga ilang minuto ang nakaraan.“Hindi ko ho nasabi kay Zach na buntis ako.." Sabi ulit ng Dalaga sa mga magulang nito.

“Bakit hindi mo sinabi nak?" Tanong ng kaniyang ama. “Nitong nakaraan ko lang ho nalaman na buntis ako at ayaw ko na ring sabihin pa kay Zach baka lamang isipin niya na ginagamit ko lang ang bata at baka rin po ako makasira ng relasyon ng iba" Sabi Ni Zai sa kaniyang mga magulang.

Nagalit ang ama sa kaniyang naring mula kay Zai. “Bakit yung karelasyon niya ba ngayon ay naisip niya rin bang nakasira siya mga pamilya?! Walang hiyang lalaking yun  na mambabae siya habang may asawa! Pasalamat siya ay hindi ako nasa manila dahil kung nandoon lang ako ay baka mapatay ko ang lalaking yun!" galit na galit ang kaniyang ama sa ginawa sa kaniyang anak.

ZAI POV

Anim na buwan na ang bata sa aking tiyan at halata na rin ang umbok nag aking tiyan.

Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko na sumuporta sakin,Pati narin sa mga naging kaibigan ko roon na kasama ko sa pagbubuntis ko.

Kahit na buntis ako ay nagtrabaho parin ako kahit na ayaw nila mama na magtrabaho ako dahil buntis daw ako pero gusto kong makapag ipon para man lang sa magiging anak ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status