ZAI POV
Hindi naging madali ang pagbubuntis ko sa loob ng siyam na buwan dahil sa hirap ng buhay ngunit naging matagumpay naman ang aking pagsilang.Di rin ako pinabayaan ng aking mga magulang at palaging nariyan upang suportahan ako. “Salamat sa Diyos at di niya ako pinabayaan." pasasalamat ko sa diyos ng makaraos ako sa aking panganganak. Lalaki ang anak ko at pinangalanan ko itong Zyrous.Kay gandang bata tulad ng kaniyang ama at tila ay wala itong namana sakin,bakit kung sino pa ang nagbuntis at nagluwal ay yun pa ang kaunti lang ang namana ng anak at doon pa nagmana sa lalaking wala naman riyan noong kailangan ko siya, na kakailanganin rin ng anak ko pero sinisigurado ko sa anak ko na kahit kailan ay di ko siya iiwanan tulad ng pag-iwan ng ama niya sa amin. Lumipas ang mga araw buwan at ang Dalawang taon ay hindi naging madali ang pagpapalaki sa anak ko lalo na at may trabaho kaya laking pasasalamat ko na nandiyan sila mama para magbantay at mag-alaga kay Zyrous dahil kung hindi ako magtratrabaho ay wala akong maipanggagastos sa anak ko lalo nat lumalaki na ito at lumalaki narin ang pangangailangan. Nais kong maghanap ng trabaho na makakasustento sa pangangailangan namin ng anak ko lalo nat tatlong taong gulang na ito. At isa lang ang nasa isip ko yun ay ang lumuwas ulit papuntang manila at doon maghanap ng trabaho kahit lang sa maliliit na Kompanya na tumatanggap ng High School Graduate lang. - Ngayong araw ang alis namin ng anak ko papuntang manila.Doong lang muna kami kina tita at tiyak na matutuwa itong makita ang apo niya. Hinatid kami nila mama at papa sa Bus Terminal at nagpaalam narin sa kanila na aalis na kami. “ Bye Ma,Pa!" wagayway ko ng kamay sa kanila pati rin ang anak ko ay iniwagayway ang kamay "Byebye Lolo...byebye lala" sabi ni Zy. Sumakay kami ni Zy ng bus papuntang manila.Isang araw ang biyahe namin ng anak ko at gabi na ng dumating kami sa bahay nila tita,hindi na kami nagpakuha kina tita at tito. “Tao po!Tita? Tito?" Sigaw ko sa labas ng bahay nila. Bumukas naman ang pinto at inilabas doon sila tito Marlon at Tita Giselle “ ay ikaw na pala Iha, halika at pumasok kayo" kaya agad kaming pumasok at nagmano ako sa kanila “Zy anak magmano ka sa titalola mo at kay titololo mo" sabi ko sa anak ko na agad naman niyang sinunod. “ Ito naba ang anak mo Zai? Si Zyrous?ang laki na at ang pogi pogi mana sa kaniyang pa..." Hindi natuloy ni tita ang sasabihin niya ng tawagin ko ito“tita! uhm... may pasalubong po ako rito." Sabi ko para maiba ang usapan ayaw ko kasing pag-usapan ang tungkol sa ama ni Zy at nakuha naman ni tita ang gusto kong sabihin at sinakyan ang sinabi ko. “ ay Oo nga pala ano ang pasalubong mo sakin,siguro ay dala mo ang paborito kong prutas na durian." Pag-iiba ni tita nga topic. “ay syempre naman tita dala ko po ang Durian na gustong gusto niyo ho." Sagot ko rito. “nga pala nag dinner naba kayo?" tanong sakin ni tita na agad rin akong napailing.“Sakto at maghahapunan palang kami." dagdag ni tita. Matapos ang aming hapunan ay hinatid ko na si Zy sa kwarto ko dati dahil nakatulog na ito.Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko dati,wala paring nagbago ganoon parin ito kahit na ilang taon na ang lumipas.Sana ay ganoon kami ni Zachary na walang pagbabago ngunit di paman lumilipas ang mga taon ay biglang nagbago pero wala akong magawa kong ganun talaga marahil ay hindi kami ang para sa isa't isa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaisip ng nakaraan saking buhay. Ngayong araw rin ako maghahanap ng trabaho para hindi naman masayang ang mga araw at makahanap agad ako. Inasikaso ko muna si Zy bago ang sarili ko.Ginawa ko ang routine ko,kahit na may anak na ako ay hindi ko parin pinapabayaan ang sarili ko.Naka suot ako ng simpleng pormal na attire para naman maayos ako tignan at madaling matanggap. “Zy wag kang magpapasaway kina titalola at titololo hah?"bilin ko kay Zyrous.“tita ikaw na po ang bahala kay Zyrous" pakisuyo ko sa kaniya. "alis na ho ako tita,tito." paalam ko sa kanila. “mag-iingat ka iha.Wag kang mag-aalala ako ang bahala sa anak mo." sagot ni Tita. Sumakay na ako ng jeep patungo sa mga company.Una kong na puntahan ay ang Gomez Finance Corporation ngunit ay puno na raw ito kahit ang trabahong pag jajanetriss ay full na raw. Sunod kong napuntahan ay ang Juarez Real state Company na tumatanggap ng Highschool Graduate ay pumuno na rin. Ilang Company na ang napuntahan ko ay di parin ako nakahanap.Ang iba kasing Company na napuntahan ko ay hindi tumatanggap ng hindi nakapag tapos ng College ang ilan naman tumatanggap ngunit full na ito. Uuwi na sana ako ng makabasa ako ng karatula na naghahanap daw ng bagong sekretarya ng Ceo ang LU Company. Alam kong mukhang malabo akong matanggap ng dahil sa posisyon na a-applyan ko at sa natapos ko pero kahit na mababa ang chance ay magbabakasakali parin ako para sa anak ko. Pinuntahan ko ang sinasabing Company at sakto naman na available pa ang a-applyan ko at tumatanggap naman ito ng Highschool Graduate kaya di na ako nagdalawang isip na mag-apply bilang Secretary. Sa oras din na iyun ay ininterbyu ako kung matatanggap ba ako.Sinabi sakin ng interviewer na mag antay nalang daw ako ng tawag kung tanggap na ba ako o hindi. Pagkatapos nun ay hindi muna ako umiwi bagkus ay nagtungo muna ako sa isang Supermarket upang bilhan si Zyrous ng Pasalubong at tiyak ako na matutuwa ito kung makita niya ito.Habang namimili pa ako ng ipapasalubong kay Zyrous ay biglang may dumaan na lalaki na familiar sakin. Sobrang Familiar at hindi ako pwedeng magkamali.Ang lalaking nakikita ko ay walang iba kundi ang Dati kong asawa si Zachary.May kasama itong Babae at bata marahil ay pamilya niya ito.Masaya silang namimili ng groceries at gustong ng batang kasama nila. Bigla na lamang ako nakaramdam ng lungkot.Kung hindi sana kami naghiwalay ni Zach ay kompleto sana ang pamilya ni Zyrous.Masayang pamilya na hindi ko maibigay kay Zyrous. Hindi ko napansing tumulo na pala ang luha ko at agad ko rin naman itong pinunasan at nabalik sa ulirat. Mabils akong tumalikod ng humarap sa direksyon ko si Zach. Hindi niya ako pwedeng makita.Hindi ko pa kayang harapin siya lalo na ngayon na may asawa't anak na ito.Siya rin kaya ang sinasabi ni Zach noon na magal niya kaya niya ako hiniwalayan. Mabilis akong pumunta sa cashier at nagbayad uang makaalis na sa lugar na ito.Hindi ko naman lubos akalain na makikita ko siya rito. Pagkalabas ko ng supermarket ay nagpapara ako ng jeep na papunta sa lugar kung saan nandun ang bahay nila tita.Ilang minuto lang ay nakarating narin ako. Agad naman akong pumasok at sinalubong ang anak ko ng pasalubong.Masaya si Zy sa ipinasalubong ko sa kaniya. “Thank youuu mama...." Sabi niya sakin.Napangiti naman ako sakanya“You're welcome bebe ko" Nakangiting sabi ko sa kaniya. “oh nakauwi kana pala.Kumusta ang lakad mo?" Tanong ni tita habang patungo rito sa direksyon ko.“ayos naman tita,aantayin ko nalang ang tawag ng kompanya para malaman kung natanggap ba ako o hindi." Sagot ko kay tita. “mabuti naman kung ganun. Magmiryenda ka muna" Sagot naman ni tita sa sagot ko.“okay lang ho tita tapos na po tsaka busog parin ako." Kanikanina lang ay kakatapos lang namin kumain ng hapunan.Ngayon ay pinapatulog ko na si Zyrous.Dumid*d* parin ito sakin.Maya-maya lang ay nakatulog narin ito. Naligo muna ako dahil ang lagkit ko na kakahanap ng trabaho kanina.Sakto naman pagkalabas ko ay tumunog ang cellphone ko at hindi pamilyar sakin ang number kaya sinagot ko nalang ito at baka ito ang kompanyang in-applayan ko kanina. “Hello!Is this Ms. Ramizer?" tanong ng nasa kabilang linya.“Yes po ito nga ho,sino po sila?"Tanong ko naman.“I'm Justine an employee of LU Company and I have a great news for you. You're Hired!" Sabi ng Justine kuno at may sinabi pa ito tungkol sa trabaho ko, mamaya kang ay may e-mail siya sakin kung ano ang mga gagawin ko.Bukas na daw ay pwede na akong magsimula. “Yes!"Masaya kong sabi ngayon dahil sa wakas ay may trabaho na ako. Humiga ako tabi ni Zy at hinahaplos ko ang buhok nito “may trabaho na si mama Zy,mbibili narin ni mama ang gusto mong laruan.May maipapang tustos na ako para sayo."Sabi ko sa natutulog na bata. --- Nagising ako ng maaga dahil unang araw ko bilang sekretarya at baka malate ako at sisantehin agad. Inayos ko na ang mga dadalhin ko pati narin ang mga pangangailan ni Zyrous ay inayos ko kahit na nandito lang naman siya sa bahay.Nakakahiya naman kung aasa lang ako palagi kay tita sa pag-aalaga sa anak ko syempre nanay ako nang bata dapat ako talaga ang gumagawa nun pero wala akong choice kung hindi ang magtrahabo para rin naman ito sakan. Umalis na rin ako kaagad pagkatapos kung mag-ayos.Mag-aalas Utso ng nakarating ako ng kompanya,maaga paman at may 10 minutes pa ako bago mag-alas utso kaya mag-aayos muna ako ng aking sarili ara naman presentable ako mamaya pag magtrabaho na ako. Nagpaturo ako sa isa sa mga babaeng empleyado dito na matanda lang ng kunti sakin kung nasaan ang rest room at tinuro naman ito ng babaeng empleyado tinanungan ko. Mga limang minuto lang ako nag-ayos ng sarili ko at may natitira pang limang minuto kaya lumapit na ako sa isang table na parang counter kung saan ako naka asign at iginiya naman ako nito papuntang 40th floor ng kompanya at itinuro sakin kung nasaan ang aking lamesa.Di lang siya nagtagal at bumalik na rin ito kung saan siya nagtratrabaho. Saktong alas utso ng may nahagip ng mga mata ko ang isang lalaki patungo rito sa kinaruruunan ko pero nang tignan ko ito uli laking gulat ko ng makita ang lalaking minsa ko na ring inibig. “anong ginagawa na rito? hindi pwede to" bulong ko sa sarili ko na nakadungo na ngayon.Sana lang ay hindi niya ako nakita.Ipinagdarasal ko na hindi niya ako makita. Agad naman akong tumakbo palayo sa kinaruruuoana ko at nagtungo ng banyo.Ayaw ko sing makita at hindi niya ako pwedeng makita,ayaw ko pa siyang makaharap, hindi pa ako handa. Bumalik ako sa aking pwesto kanina at laking pasasalamat kong wala na siya roon.“salamat naman at umalis na siya."sabi ko sa mahinang boses.“bakit kaya siya nandito? ano ba Zai tama na,nandito ka kasi may trabaho ka hindi para alamin kung bakit siya nandito" sabi ko sa sarili ko. Di nagtagal ay tumunog ang telepono sa mesa ko at may nagsalita rito“ Bring me my coffee right now." sabi niya sa baritonong boses na parang pamilyar sakin pero binaliwala ko nalang. Pumunta ako sa mini kitchen nila dito sa company na itinuro sakin kanina ng babae habang iginigiya niya ako sa mesa ko. Nagtimpla ako ng kape at agad na inihatid ito sa opisina ng Boss ko.Kinakabahan akong patungo roon,hindi ko alam kung bakit.Siguro ay Ceo ito. Dahan dahan kong binuksan ang isa sa dalawang pinto ng office nito.Malawak ang office niya parang kasing laki ng bahay namin na maliit.Magandan ang designs. Nakatalikod ang Swivel chair niya.Lumapit ako sa table niya “sir coffee niyo po" sabi ko. Unti-unti itong umikot at nagulat ako ng makita ko si Zachary na naka upo roon.So siya ang Boss ko? Gulat na gulat ako na tiningnan siya habang siya ay walang emosyon ang mukha.“What are you doing here?/Anong ginagawa mo rito?" sabay naming sabi. "Nagtatanong kapa kung ano ang ginagawa niya rito? Malamang siya ang Boss mo"Sabi ko sa utak ko.ZACHARY POVIt's hard for me to file an annulment.I don't want to file an annulment in the first place but I don't have a Choice, my Grandfather doesn't like her.He doesn't want my wife to be his Granddaughter-in-law dahil sa estado ng buhay ni Zai.I can fight for her no matter what but I still can't.I did my best to fight for her,to fight for our love but its not enough.My Grandfather threatened me na kapag hindi ko siya sundin ay magiging miserable ang buhay ng babaeng mahal ko At alam ko kung ano ang pwedeng gawin ng Grandfather ko sa kaniya pati narin sa pamilya niya.Alam kong mababaw lamang ang dahilan na yun pero hindi ko kakayanin na makitang nagdudusa ang babaeng mahal na mahal ko kaya na pilitan akong mag file ng Annulment.---Sa mga nakaraang mga araw ay palagi kaming nag-aaway ni Zai even the small things nag-aaway kami and I hate it.I can't control my self in those days.I am so frustrated at my situation.And when the day comes na pinapirmahan ko sa kaniya ang annulment
ZAI POVNasa mesa ko ako ngayon at hindi parin talaga ako makapaniwala na si Zachary nga ang Boss ko.Bakit sa dinamidami pang pwede kong maging Boss ay si Zachary pa talaga.Yung ayaw kong makita.Ayaw ko s'yang makita pero parang may iba sakin na parang ma excite akong nakita siyang muli.Ganon parin siya wala paring nagbago ang pogi.Sa dalawang taon mula nang maghiwalay kami ay diko parin masasabi na lubos na akong naka move on sa kanya.Ramdam ko parin ang sakit na natamo nang bigla niya akong hiwalayan.Ha dami nang iniisip ko ay nabalik nalang ako sa ulirat ng tawagin niya ako.“come to my office." walang emosyon n'yang boses.Nagdadalwang isip akong pumasok pero inaalala kong nasa trabaho pala ako at para to sa anak ko kaya kailangan kong panindigan alang-alang sa anak ko.Binuksan ko na ang pinto at pumasok sa loob.Humarap ako sa kaniya.“M...may ipa...pagawa po ba kayo?" Hindi ko alam kung bakit ako nag uutal utal,siguro ay hindi lang ako komportable.“What's my schedule for tod
Pagkatapos ng meeting kay mr Thomas ay pumunta kami sa Company ng C&N CORPORATION para sa contract signing ng C&N Corporation at ng LU Company. Naging matagumpay ang contract signing ng dalwang company.Tanghali na ng matapos ang Contract signing with C&N CORPORATION.Pabalik na kami ng Company ng huminto si Zachary sa isang mamahaling restaurant at lumabas ng sasakyan at lumapit sa isang pinto kung nasaan ako at binuksan ito "Get out" Sabi niya.Pinapababa niya ba ako rito? Iiwan niya ba ako? Mga salitang gumugulo sa isipan ko."Iiwan mo ba ako rito?"Hindi ko na matiis na magtanong sakanya.Hindi ito sumagot at naglakad nalang patungo sa pinto ng restaurant.Hindi ako umalis sa aking pwesto kahit na mainit."Are you planning to stand there until I finish eating?"Tanong niya.'Ano ba ang gusto ng lalaking to? Hindi naman niya sinabi kung ano ang gagawin ko?' Sabi ko sa isip ko."Come here" Naiirita niyang sabi kaya lumapit na ako sa kaniya at nagsimula nanaman itong maglakad hanggang makap
ZAI POVPumayag naman si Zachary at hindi na ito nagpumulit pa na sumabay ako sa kaniya.Mga ilang minuto lang ng paghihinintay ay nakasakay narin ako ng Jeep papuntang bahay nila Tita.'Salamat naman at hindi nagpumulit si Zach na isabay niya ako dahil kung nagkataon talaga na ihatid niya ako ay may posibilidad na makita niya si Zyrous.'Laking pasasalamat ko ng malampasan ko ang pgsubok na iyon.Mayamaya lang ay nakarating narin ako kina tita at agad namang sumalubong si Zyrous.Mabuti nalang na hindi na ako hinatid ni Zach dahil panigurado makikita niya si Zyrous at magtaka kung sino ba itong batang to na kamukha niya;mabuti sana kung naging kamukha ko ito nang wala ng mag question pa.____Kinaumagahan ay ganun parin ang ginawagawa ko bago ako pumasok sa trabaho ko.Bumeyahe na'ko pa company at sakto lang ay di pa ako late.Inayos ko na ang dapat ayosin bago paman dumating si Zachary.After a minutes ago lang ay dumating na rin si Zach at first time kong maki` ta si Zach na ma-late ng
ZAI POV.Nasa loob na kami ng kotse ni Zach.Nagpumilit siyang ihatid na ako sa bahay kaya wala na akong magawa kundi ang pumayag.Sana lang ay hindi pa nakauwi sila tita at baka makita ni Zach si Zyrous.Nasa tapat na kami ng bahay,lalabas na san ako ng kotse ng bigla itong may iniabot sakin "Use this later for the banquet later.I will fetch you later and... by the the sandal,use that everyday from now on." Sabi niya kaya di nako nag atubiling kunin at nagpasalamat,nagpaalam narin akoHinintay ko munang makaalis ito para makasigurado mahirap na kung makita niya si Zyrous.Nang masiguro kong nakaalis na ito ay pumasok na ako.Pagkapasok ko ng bahay ay si tita agad ang nakita ko na nakaupo sa sofa sa sala."Si Zyrous po tita?"tanong ko habang nagmamano."Nakatulog na."sabi ni tita 'salamat naman at natulog yung bata.'pasasalamat ko."aga mo ngayon ah?" tanong sakin ni tita "Ah ano po tita may banquet na dadaluhan ang boss ko mamayang gabi kasama ako at tsaka po tita magagabihan ako ng uwi m
Zai PovMagsisimula palang ata ang Speech ng tumawag sakin si Tita Giselle dahil iyak ng iyak si Zyrous at hinahanap na ako.Nagmadali akong umuwi ni ang makapagpaalam kay Zach ay hindi ko na nagawa makauwi lang ako.Buti nalang ay may dumaan agad na taxi kaya nakasakay ako kaagad.Nakarating ako ng bahay na dinig ang iyak ni Zyrous hanggang sa labas.Pagkapasok na pagkapasok ko ay kinarga ko ito at di na nag-atubili na magbihis muna.Pumunta na ako ng kwarto habang karga-karga si Zyrous ng mapatahan ko ang anak ko.Inilapag ko muna siya sa kama namin para makapag bihis ako ng maluwag at mapandidi siya.Dumid*d* parin ito sakin dahil sa dalawang taon niyang edad ay bata pa para lutasin,siguro pag nag 3 na siya ay pwede ko ng lutasin ito."Baby sandali lang si mama ah" sinasabihan ko si Zyrous nang inilapag ko ito.Dali-dali akong nag bihis nang pantulog saka tumabi kay Zyrous para pa s*s*hin siya.Naaawa ako sa anak ko hindi ko na maalagaan ng maayos nang dahil lang sa pagtratrabaho. Hina
Zai povKararating ko lang sa table ko pero tinawag na agad ako ng Boss ko. Pagpasok ko sa Office niya ay ang seryusong mukha niya ang bumungad agad sakin.I mean palagi namang seryuso ang mukha niya magmula ng mag-umpisa akong magtrabaho dito sa Company niya pero ngayon di ko maintindihan pero iba talaga ang nararamdaman ko ngayon na parang may mangyayaring hindi maganda dahil sa tensyon sa pagitan namin."Yes,Sir?" Sabi ko mabawasbawasan lang ang tensyon saming dalawa."Zai... Let's talk.."Kinabahan ako bigla ng ang pangalan ko na mismo ang tinawag niya sakin. Nang tignan ko ito sa mga mata parang nag-iba ang mood niya.Kanina na seryoso ay parang nagmamakaawa na ngayon na payagan siyang makausap ako.Tungkol saan ba ang pag-uusapan namin? Tungkol ba toh sa nakaraan namin?O tungkol ba toh kay Zyrous? Pano? pa'no niya nalaman ang tungkol dun?"Tungkol saan Zachary?Kung tungkol to sa nakalipas na Dalawang taon,Wala na tayong pag-uusapan pa dahil tapos na yun.Kung wala kang iuutos sakin
ZAI POVAfter sa mga nangyare kahapon ay napag-isip-isip ko na mabuti narin siguro na nalaman ni Zach na may anak siya sakin para naman kay Zyrous.Zyrous also needs a father pero hindi mawala sa isip ko na may mag-ina si Zach.Paano kung ayaw ng asawa niya na may kahati sila ng anak niya.Paano kung sabihin nun na pinapaako ko yung bata after 2 years para maghabol ng mana.Kahit naman may karapatan si Zyrous sa Ama niya ay ayaw kong magkagulo.Ayaw kong mapasok si Zyrous sa gulo.______Weekend ngayon kaya wala akong trabaho.Mabuti nalang at na timing na walang trabaho ngayon kung hindi ay hindi ko na alam anong gagawin ko.Hindi ko pa kayang humarap kay Zach bilang sekretarya niya.Wala sila Tita at Tito dahil may inasikaso at mamayang gabi pa ang uwi.Kaya kami lang dalawa ni Zyrous ang nagbobinding nggayon.Dati kasi ay nagbobinding kami nila tita ng hindi pa ako nakakasal kay Zach.Nasa sala kami ni Zyrous.Nagkukulitan, Nanonood ng tv.Nang may kumatok kaya tumayo ako at iniwan ko muna s