Philip "Are you Ms. Mitchell's husband?" kunot ang noo na tanong ni Mrs. Henderson, ang ginang na naglalaro na sa sixty pataas ang edad. Tanghali pa lang ang kasalukuyang oras at dito kami tumuloy ni Alex matapos kong malaman na inupahan ni Sarah ang apartment number 5 na malapit sa BM Technologies. “Yes,” tugon ko sa ginang. “Hindi ko alam na may asawa si Ms. Mitchell,” usal ng ginang. “Sinabi niya sa akin na dito nga daw kami tutuloy sa loob ng isang buwan. Ang alam niya ay sa susunod na linggo pa ako aalis ng Highland Hills. Plano ko sanang sorpresahin siya na narito ako ngayong araw.” Naturally, it's a lie! Kahit pitpitin ko yata ang ilong ni Sarah ay hindi niya sasabihin kung saan siya tumutuloy. Kahit papaano ay panatag ako na nag-iisa siya at hindi siya nakikituloy sa mansiyon ng mga Martin o kaya naman ay sa tirahan ni Amir Benner. Hindi ko alam kung nagdududa ang ginang sa pakay ko dahil kanina pa naniningkit ang kanyang mata. “Tatawagan ko si Ms. Mitchell
SarahNawala ang lahat ng antok ko sa katawan at napasigaw ako nang biglang magbukas ang pintuan at iluwa ang tat
Sarah Pasado tanghali na nang magpunta ako sa BM Technologies. Sorpresa ang nakalarawan sa mukha ni Jakob nang pumasok ako sa opisina. Lalo na at unang beses ito na nakita niya akong nakasuot ng matingkad na kulay berde. Ibang-iba sa babaeng madalas na nakaitim. Wala akong magagawa dahil ito ang ibinili ni Philip sa akin. "Let me catch my breath first. Mamaya na ang question and answer portion," deklara ko sa kanya bago pa siya magtanong. Nagkibit siya ng balikat. Tumayo siya sa kanyang silya at saka hinayaan na muna akong uminom ng tubig at umupo sa swivel chair. "So?" tanong niya. "I was robbed last night," I began. "What? Saan? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. "Si Philip! Pinag-tripan ako ni Philip!" Ibinahagi ko sa kanya ang lahat ng naganap kagabi pati na ang pagtanggi sa akin ng malalaking hotel dahil sa siraulo kong ex-husband. "Hindi man lang kita matawagan para malaman kung ano ang nangyayari sa mga accommodation app. Nasira ang lahat k
SarahI clenched my fist in so much anger… Ang mga nararamdaman ko tulad ng hindi makahinga, pagkahilo, ki
Sarah I have to grant Josh's wishes, that’s why I agreed with Philip’s antics! Heto tuloy ako at kasama ko ang siraulo sa Apartment Number 5. A chef from a certain hotel came and made dinner for us. Bigla kong naisip kung nasaan si Megan. Bakit hindi niya kasama ang babae nitong mga huling araw? Hindi ko napigilan na isatinig ang nasa isipan ko. "Where is Megan?" Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Philip bago matipid na sumagot, "She's at the hotel." "Bakit hindi mo sinamahan? Sa tingin ko ay wala ka naman gagawin dito. Hindi ka ba nag-aalala na baka may mangyari sa kanya sa hotel?" Hindi dahil nag-aalala ako kay Megan kaya ko iyon naitanong, nagtataka lang ako. Sinalinan ni Philip ng soup ang cup ko at saka niya inilapag iyon sa harapan. "Kumain ka pa," aniya. Isa lang ang ibig sabihin nito, ayaw niyang pag-usapan si Megan. "Anyway, bakit nga ba nandito ka pa sa Henderson? Wala kang plano na bumalik sa trabaho sa Luminary Productions?" "I am still handing work matters
Sarah Hindi ko mapigilan ang masarap na lumalaro sa katawan ko mula sa masuyong mga haplos ni Philip. Ang kanyang mga labi, ang malambot na hininga na tumatakas sa kanyang bibig, at ang banayad na haplos na nag-aapoy sa bawat ugat na gumigising sa bawat himaymay ng balat ko ay sapat para magblangko ang isip ko. “Sarah…” Ang kanyang tinig, na bumubulong sa aking pangalan, ay lalong nagpainit sa akin. Ilalapat ko na sana ang naliligaw kong labi sa kanya nang marinig ang tinig ni Megan sa labas ng silid, at sapat iyon para tila buhusan ako ng malamig na tubig. “Move! Gusto kong makita si Philip! Bakit ba ayaw n’yong ilabas sa akin si Philip?” Mula iyon sa tinig ni Megan. “Damn it!” Asar na napaupo si Philip sa kama. “Sisilipin ko ang gulo sa labas.” “Send Megan back to the hotel kung ayaw mong magkaroon ng problema sa kanya,” I interjected casually, turning away from Philip. Hindi ko alam kung anong emosyon ang naglalaro sa akin sa ngayon. Aminado ako na may pagmamahal pang n
Philip "Wait, what?" Nabigla ako sa tawag ni Ethan, at siya mismo ang nagpaalam sa akin na naroon si Sarah sa Highland Hills kasama ng bodyguard na si Josh. Naguguluhan ako dahil nakakuha ng assurance si Alex mula kay Josh na maayos ang lahat. Kasama ng bodyguard si Sarah—maliban na lang kung nasa Highland Hills silang dalawa. "Yes, I saw Sarah. Hindi niya ako napansin dahil mukhang busy siya sa trabaho. Nandoon siya sa coffee shop kasama ang natatandaan kong bodyguard mo," Ethan elaborated. Umigting ang kamao ko sa prustrasyon. That woman is becoming more and more audacious with her actions. "Inalam ko na rin kung ano ang ginagawa niya rito. Mukhang may pinasuri siyang gamot sa laboratory," paliwanag ni Ethan. "Gamot?" kunot ang noo na ulit ko. "Yes. Hndi ako sigurado kung kaninong gamot iyon at kung bakit dito pa niya sa Highland Hills naisip na ipasuri samantalang may malalaking ospital naman sa Nevada. Perhaps dito galing ang gamot?" Minasahe ko ang aking sentido. Pi
Sarah "Is it true? Are you suffering from depression?" tanong ni Philip sa akin, may himig ng pag-aalala sa kanyang boses. Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. Ano ba ang uunahin ko? Totoo naman na dumanas ako ng depression. Malaki ang epekto ng pagkawala ng sanggol ko at kasalanan iyon ng Pamilya Cornell. Yet, the medical diagnosis I received was heart failure. "See? I told you she's unstable! Tama lang na naghiwalay na kayo ng babaeng iyan. Philip, hindi makabubuti sa estado mo bilang presidente ang relasyon mo kay Sarah…" dagdag ni Madam Cornell. Nangangatog ako sa galit at saka hinarap ang mata ng ginang, kasunod ang kay Philip. "Mr. Cornell, mas mabuti na makinig kayo sa inyong ina. Wala sa tamang katinuan si Ms. Mitchell," sabad ng doktor. "Hinihingi ko ba ang opinyon mo?" galit na komento ni Philip. "Sarah, tell me right now—" "Hindi ko kailangan na magpaliwanag. Wala akong relasyon sa ‘yo, Mr. Cornell. Kung ano man ang relasyon na nagkaroon tayo ay tapos na iy
Jane "Jane!" Umalingawngaw sa hallway ang boses ni Brody kaya natigilan ako. Oh no! He was really here. Sinilip ko ang peephole at natagpuan ko si Brody na nakatayo sa kabilang bahagi ng pintuan na hindi maayos ang pagkakalagay ng kanyang necktie. Bukas pa ang butones nang pinakamalapit sa kanyang leeg. Bubuksan ko ba ang silid o hindi? "I know you're there, Jane," he said, his voice low and steady. Huminga ako ng malalim, dahan-dahan kong pinihit ang seradura at saka nagharap ang mata namin parehas. May ilang buwan din kaming hindi nagkita. Napuna niya yata ang namamaga kong mga mata kaya kita ko ang pagkabigla sa kanyang labi. Humakbang siya papasok at itinulak ng kanyang binti ang makapal na kahoy ng pintuan pasara. Nabigla ako nang sakupin niya ang labi ko at ipinadama sa akin ang kasagutan na naglalaro sa puso ko. Sa loob ng dalawang taon na naghiwalay kami, naiwasan namin ang intimacy. Kaswal kaming magkita sa tuwing pupunta ako dito sa siyudad. Madalas niya akong tinata
JaneKailan nga ba ako nahulog sa kanya nang sobra? That night when he was abroad for a business meeting. Nagkaroon ako ng sakit noon dahil sa sobrang pagtatrabaho. Probably it happened four years ago.Mula sa Paris ay dama ko ang pagkahilo nang umuwi ako sa penthouse namin sa London. I sneezed when I texted him. Me: ‘Kararating ko lang mula sa business trip. Anong gusto mong kainin for dinner?’Nakatanggap kaagad ako ng sagot mula kay Brody: ‘I have a business trip to New York. Hindi mo nasabi sa akin na ngayon pala ang balik mo.’Gusto ko kasing sorpresahin sana si Brody kaya inilihim ko ang tungkol dito. Hindi niya rin sinabi sa akin na may business trip siya.Me: ‘Alright! Mag-ingat ka!’Namumula na ang ilong ko sa kababahing. Naligo lang ako saglit at umiikot ang paligid ko na nahiga sa kama. Hindi maayos ang pakirtamdam ko sa magdamag. Ang natatandaan ko lang noon ay nangangatog ako sa lamig, pinagpapawisan ako nang sobra at nais kong bumangon sa higaan ngunit hindi ko magawa.
Jane Hindi ko napigilan na lumuha habang nakatingin sa mala-fairy-tale na kasal nina Philip at Sarah. Narito kami sa Dubai; sa mansiyon ni Grandpa Mitchell at narito ang ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak para saksihan ang intimate na kasal ng mag-asawa. Nakaramdam ako ng kakulangan habang pinagmamasdan kung paano sila magpalitan ng kanilang mga pangako ng pag-ibig, kung paano nila sabihin sa isa’t isa ang kanilang pagmamahal. Totoo nga siguro ang sabi nila; nararamdaman mo na parang may kulang sa iyong buhay kapag paikot-ikot lang ito. Opisina, trabaho, Cornell mansion at pagkatapos ay babalik ulit sa dati. Pagkatapos ng seremonyas, niyakap ko nang mahigpit si Sarah, nagbabadyang tumulo ang mga luha. “Congratulations, love!” Nagpatuloy ang salo-salo, ngunit wala dito ang puso at isipan ko. Alam kong kailangan kong bumalik sa London para pakalmahin ang naguguluhan kong emosyon. “Auntie Jane, are you alright?” asked Iris. Kasama ko siya sa bilog na mesa at si Rowan. Pi
Sarah Nagpadala sa akin ng mensahe ang ama ko na si Mr. Benner sa muling pagkakataon. Nakipagkita na ako sa kanya para tapusin na rin ang sama ng loob ko. Kasama si Trey ay tinungo ko ang hotel suite kung saan siya tumutuloy. Pinagbuksan ako ng kanyang alalay ng pintuan. “Good afternoon, Ms. Mitchell!” wika niya sa akin, nakangiti. “Hi!” “Tumuloy po kayo,” aniya. Gumilid siya para ako bigyan ng daan. Hinakbang ko ang carpet hanggang sa magtagpo ang mata namin ni Mr. Benner. Naka-wheelchair na lang siya sa kasalukuyan, halata sa kanyang balat at buhok ang katandaan. Sobrang tagal na rin noong itinakwil niya ako bilang anak. “I'm so happy to see you, Sarah,” he said, his voice filled with emotion. “Malaki ang ipinayat mo, anak…” ‘Anak…’ Iniabot ko sa kanya ang dala kong regalo. “Tatlong libro ito mula sa paborito mong writer,” usal ko sa kanya. Tumango siya. “Salamat! Uh, do you want something to eat?” Hindi niya na hinintay ang tugon ko. “Carla, please order somethin
Sarah Inalis ni Philip ang kasuotan ko para alamin kung ano ang anyo ko sa kasalukuyan. "W-why are you doing this? Philip, I have to remind you na galing ako sa coma. Hindi ako pwedeng makipagtalik," tapat kong sabi. Halos dalawang taon na gamot lang ang bumuhay sa akin; hindi pa ako nakabawi sa isang buwan. His gaze softened immediately. “Oh, Sarah, no. That's not why… I'm not trying to take advantage of you. It's just that…” Sinuri niya ang balat ko, ang braso ko na numipis. Bahagya akong naasiwa sa kanyang ginagawa. “You've lost so much weight.” Napapangitan na ba siya sa akin? Lumabi ako at naningkit ang mata ko sa kanya. "What do you mean by that? Pangit na ba ako?" "No, no. No, babe!" mariin niyang tanggi. "That's not what I meant. It's just..." Matagal bago nagpatuloy si Philip. "Malinaw sa isipan ko ang araw na binaril ka ni Marcus. Nakalarawan sa isip ko ang huli mong anyo noon. May ilang buwan na rin noong huli tayong nagkitang dalawa at gusto ko lang i-take note sa
Philip Narito ako sa Serenity Pines Estate dahil nais kong magkaroon ng kaunting oras sa sarili ko, kahit bago man lang maghating-gabi at lumipas ang araw ng aking kaarawan. Sinubukan kong magpakaabala sa trabaho para hindi ko maalala si Sarah. Ngunit malakas ang impluwensiya niya sa puso ko. Pagkapasok ko pa lang ng pintuan, tila nakikita ko ang mas batang si Sarah sa couch doon sa living space, naghihintay sa aking pagdating… Tumayo siya para kumustahin ako. Tinanong niya ako kung kumain na ba ako… Ngayon ay ala-ala na lang ang mga iyon. Humigpit ang pagkakabilog sa kamao ko. Naglakad ako patungo sa kusina, kung saan kumikinang sa liwanag ng buwan ang mga marble countertop. Nanginginig ang mga kamay nang abutin ko ang crystal decanter, nagbuhos ng matapang na scotch. Ang likidong amber nito ay kumikinang, nag-aalok ng panandaliang pagtakas mula sa aking mga iniisip. Binili ko itong Serenity Pines noong ikalawang gabi na naging mag-asawa kami ni Sarah, sinisiguro na may sapat
Sarah Nang tanungin ako kung ano ang una kong pupuntahan, isang direksiyon ang itinuro ko. Mahal ko si Philip at kaarawan niya ngayon, ngunit hindi ko palalampasin na makita na muna ang mga anak ko. Pumailanlang ang bell ng paaralan, at bumuhos ang paglabas ng mga bata mula sa magarang bakal na pintuan. Maya-maya pa ay iniluwa niyon ang kambal, nakasunod sa kanila ang malaking bulto ni Josh na siniguro ang kanilang kaligtasan. Hindi nila ako namukhaan sa una dahil malaki ang ibinaba ng timbang ko kumpara noong huli naming pagkikita. Naiintindihan ko ang anumang reaksiyon nila… habang-buhay ko silang iintindihin. Yakap ni Iris ang rabbit doll, si Rowan naman ay hawak ang lunch box nilang dalawa. Nagsimula akong lumuha hanggang sa labuin niyon ang mga mata ko. Ayad kong hinawi iyon para makita nang mas malinaw ang kambal. Malaki din ang diperensiya ng ipinagbago nila. Mas mataas na ngayon ang mga anak ko. May salamin sa mata si Rowan, at mas pumusyaw ang balat ni Iris. My be
Sarah Tila ako dumaan sa napakahabang panaginip. Noong panahon na nagluluksa ako sa pagkamatay ng unang anak ko, Isinarado ko ang isip ko sa lahat, walang bagay na nakapagpasaya sa akin dahil alam ko na hindi ako okay. Tulad noon ay tila sarado ang isip ko at para bang may makapal na yelo na nakabalot dito. Ngayon ay paulit-ulit ang pagmamaneho ko at makailang beses din na huminto daw ako para pagmasdan ang papalubog na araw. Patungo na ako sa dilim, ngunit sa tuwing madidinig ko ang tinig ng mga anak ko… si Philip… pinagpapatuloy kong magmaneho muli sa direksiyon ng liwanag. Isa pa, bakit nadinig ko rin ang tinig ng aking ina? Matapos iyon ay nagdrive muli ako, ngunit walang kulay, para akong nagd-drive sa napakahabang kalsada na disyerto ang magkabilang panig. Sa kabila ng walang kulay na kapaligiran, nakakita ako ng kapanatagan sa mahabang paglalakbay. *** Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Masyadong malabo at wala akong maaninag sa paligid, kasunod niyon ay ang pa
Philip Lumipas ang isang linggo, dalawa, tatlo… Kinailangan na akong paalisin ni Ethan dahil may mga pasyente na mas nangangailangan ng pasilidad ng ospital. “Pwede kitang dalawin sa Serenity Pines o kaya naman ay kahit sumaglit ako sa Luminary Productions kung kailangan linisin ang mga sugat mo,” panimula ni Ethan. Hindi ako kumibo. Gusto ko sanang manatili rito sa ospital dahil narito si Sarah. May takot na naglalaro sa aking dibdib at hindi ako makatulog nang maayos dahil sa matinding pag-aalala. Natatakot ako na baka bigla na lang akong balitaan na wala na ang asawa ko, bumigay ang kanyang katawan o kung ano mang mga salita na hindi kanais-nais. Kaya lang, paano ang mga anak ko. Maraming bacteria at hindi maganda sa kalusugan ng apat na taong gulang ang ospital. Kailangan ko rin protektahan sina Iris at Rowan. Habang nagsusuot ako ng malinis na t-shirt, hindi napigilan ni Rowan ang magtanong. “Uncle Ethan, are we going home? Iiwan na ba namin si Mommy?” ani Rowan. Nakiki