Share

50. Gift or Trap?

7:30 ng gabi.

Unang dumating si Maureen sa Greek Hotel, sumunod si Ruby.

Agad siyang niyakap ng kanayang kaibigan pagkalapit sa kanya at kinumusta, "nakipaghiwalay ka na talaga kay Zeus? Kumusta ka naman ngayon?" pinadalahan kasi niya ito ng mensahe kanina noong makalabas na sila ng CAB.

"Okay naman ako.. maayos lang," halata ang lungkot sa kanyang tinig.

Tiningnan siya ng kaibigan, "malungkot ka no?"

"Hindi naman, ito ang nais ko, sana nga, noon ko pa ginawa. Ay, hindi, sana pala, hindi ko na siya pinakasalan." may halong pagsisisi ang kanyang tinig.

Tinitigan pa siya ni Ruby ng ilang sandali, saka siya muling niyakap, "binabati kita Maureen, sa iyong panibagong simula."

"Oo nga.." nakangiti niyang tugon. Nais sana niyang sabihin sa kaibigan na may kirot sa kanyang puso, ngunit mas pinili niya ang manahimik na lamang.

Ngunit biglang may magarang sasakyan na tumigil sa kanilang harapan. Bumaba buhat roon sina Shane at Zeus. Mukhang magsicelebrate sa kanilang paghihiwalay ang dalawa.

L
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status