Nakatayo si Maureen at Brix sa pintuan. Biglang siyang tinanong ni Brix, "Gusto mo bang pumasok?" "Ha?" Nagulat siya saglit, at tiningnan ang chain lock sa malaking bakal na gate, "Pero naka-lock ang gate." "Umakyat ka lang." Tinanggal ni Brix ang kanyang suit jacket at itinupi ang kanyang mga manggas, "Tutulungan kita, ikaw na ang umakyat." "Maaari ba?" Talagang gusto niya na pumasok at tingnan ang bahay. Sa pagkakataong ito, nakasuot siya ng flat shoes. Bagaman may mga blood blisters siya sa ilalim ng kanyang mga paa, hindi naman ito labis na masakit. "Oo, tara." Sabi ni Brix sa kanya, kalahating nakaluhod, "Ang mahalaga ay huwag kang matakot." "Hindi mahirap, madalas akong umaakyat dito dati." Nagpakita siya ng mayabang na ngiti. Madalas niyang sinusubukang tumakas at umaakyat sa bakal na gate kapag umuuwi. Kaya't sanay na siya dito. Tumapak siya sa tuhod ni Brix at maayos na umakyat sa bakal na gate. Nagpakita si Brix ng paghanga kay Maureen, at mabilis ding umakya
Sinagot ito ni Maureen, "Paano ito masisira? Sinuri ko ito bago ipadala, at wala namang problema sa damit." "Ang problema ay ang natanggap naming damit ay sira. Dapat kang pumunta sa bahay ni ate Shane ngayon para ayusin ang problemang ito, kung hindi, wala siyang maisusuot sa banquet ngayong gabi." Pagkatapos nito, ibinaba ni Roselle ang telepono. Nagpadala si Roselle ng larawan ng sirang damit kay Maureen. Nang tingnan niya ito, napansin niyang ang tanging sira ay ang bahagyang pagkakapunit ng tela. Sa katunayan, maaari itong ayusin. Kinuha niya ang kanyang toolbox at handa na sanang umalis, ngunit naalala niyang birthday party ni Shane ngayong araw. Kailangan niyang magbihis ng naaayon sa okasyon, dahil kung hindi siya angkop sa okasyon, hindi siya makakapasok. Nagsuot siya ng isang damit na siya mismo ang nagdisenyo, nag-ayos ng kaunting makeup, at dali-daling pumunta sa villa nito sa Cavite. Pagdating niya doon, may nagbabantay sa pinto. Sinabi ng bodyguard na hindi
Hindi sa kanilang kinaroroonan siya dinala, kundi sa isang maliit na hardin. Katatapos lang maupo ni Maureen nang marinig niya ang mga yabag. Pag-angat ng tingin, nakita niya si Zeus na dahan-dahang lumalapit. Ang taas niyang mahigit anim na talampakan ay nagbigay ng nakakatakot na pakiramdam kay Maureen. "Bakit mo ako ipinatawag?" Tanong niya dito. Tumayo si Zeus sa harap niya, tinatakpan ang ilaw sa ibabaw niya. "Talagang kapana-panabik ang pribadong buhay ni Miss Laraza! Kahapon si Royce, ngayon naman si President Lauren, napakahusay mo talaga." Napakunot-noo siya sa sinabi nito. Walang mabuting salita ang lumalabas sa bibig nito. Nagtaas siya ng kilay at sinabing, "Kahit gaano pa kapana-panabik, wala ka nang pakialam doon." Pagkatapos, tumayo na siya para umalis. Hinawakan ni Zeus ang kanyang pulso at hinila siya pabalik. Galit siya, "Zeus! Ano ba ang ginagawa mo? Tinawag mo ako rito para lang hiyain?" Pinisil nito ang kanyang baba, tinitigan siya mula sa itaas, malamig
Nanginginig na siya sa labis na inis at galit, kasabay pa na inaalala ni Maureen ang galit ng mga naroroon. Iyon na kasi ang pananaw ng mga ito sa kanya, mahirap na iyong baguhin.Nakatayo si Zeus sa labas. Nang matapos niyang pakinggan ang mga sinabi ni Maureen, nagkaroon siya ng pagdududa. Iginalaw niya ang mga paa, para pumasok. Sa puntong iyon, dumating sina Rex."Zeus, bakit ka nakatayo dito?" tanong ni Rex, na lumapit at tumingin sa loob. "Ano'ng nangyari? Bakit ang ingay?"Kasama sa dumating si Brix. Nang makita niyang nakatayo si Maureen sa isang tabi ng silid at sa kabilang panig nito ay isang grupo ng mga kababaihan, naramdaman niya ang pagka-isolate ng babae.Galit ang mukha ni Brix, kaya lumapit siya kay Maureen at nagtanong, "Ano'ng nangyayari?"Nakita ni Roselle ang pagdating ni Brix, at ang kanyang mga mata ay lumiwanag. Ikinuwento niya ang nangyari, ngunit pinalaki ito ng higit pa.Nakinig si Brix kay Roselle at tumingin kay Royce, "Totoo ba ang sinasabi nila?"Hindi n
Hindi makapaniwala si Royce sa nangyari. Laging iniisip niya na si Shane ay isang matalino at intelektwal na babae, ngunit hindi niya akalaing gagawin niya ito para sirain si Maureen. Kung ang nangyari ngayong gabi ay hindi napaghandaan ni Maureen, maaaring matali na ang pangalan nito sa kanya palagi. "Wala akong ginawa!!" Umiiyak na sinagot ni Shane, puno ng kalungkutan. "Wala akong ginawang masama. Hindi ko alam kung bakit nangyari ito. Nasira ang magandang kaarawan. Wala akong pagkakataon na mag-perform ng piano o makipagsayaw kay Zeus. Kinuha niya si Maureen ang eksenang para dapat sa akin." Kung hindi nasira ang plano, sana ay nalaman ng lahat na inaakit ni Maureen si Zeus at ang kung sinu sinong lalaki. Ngunit ang sinabing ito ni Shane, ay nagbigay kay Royce ng kalinawan. Ang totoo, hindi akma ang sinasabi ni Shane tungkol kay Maureen, na inaakit nito si Zeus. Bagkus, nagkakaunawaan talaga ang mga ito. Bigla niyang naramdaman na pinagmumukha lang siyang tanga ni Shan
"Pero hiwalay na tayo!" sabi ni Maureen kay Zeus. Tumingin si Zeus sa kanya, malamlam ang mga mata nito, "kahit na maghiwalay pa tayo, ikaw pa rin ang asawa ko." Napaisip siya bigla. May lugar kaya siya sa puso ng lalaki kaya ganoon ang pahayag nito sa kanya? Habang inaalipin siya ng katanungan na iyon, narinig nila ang boses ni Royce na nasa ibaba, "Zeus.. narito ako sa ibaba.." Pumasok na si Royce sa bakuran habang sumisigaw. Nang marinig ni Zeus ang boses ni Royce, nanlamig ang ekspresyon ng mukha nito, "magpahinga ka lang muna dito," bilin nito saka siya dinampian ng halik sa labi. Nararamdaman ni Maureen ang tila bigat ng paghinga ni Zeus. Nag alala siya bigla at hinawakan ito sa laylayan ng damit, "anong balak mong gawin?" "Huwag kang mag-alala, matulog ka ng maayos." Hinawakan ni Zeus ang kanyang kamay at kinumutan siya bago ito tuluyang umalis. Nananatiling basa pa rin ang mga mata ni Maureen. Natatakot na baka may mangyari, tiniis niya ang sakit sa kanyang
Si Maureen ay desperadong sinubukang tanggalin ang pagkakahawak ni Zeus sa kanya, ngunit nagningning sa galit ang mga mata nito at isinandal siya sa likod ng sofa, idinidiin ang sarili sa kanya. “Zeus…” Hindi makapaniwala si Maureen, bumaluktot ang kanyang likod at naging mabilis ang kanyang paghinga. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila, at sumiklab ang takot sa kanyang dibdib. "Baliw ka ba? Nasa telepono pa siya!" mahina niyang bulong, halo ng hiya at galit ang kanyang nararamdaman habang patuloy siyang kinukulit nito. “Huwag…,” nanginginig ang kanyang boses, halos umiiyak. Dumikit si Zeus sa kanyang tainga, malamig at mabigat ang tono ng kanyang salita. “Sabihin mo sa kanya na kusang-loob mo itong ginagawa.” “H-Hindi.” Tumanggi siya, hindi maisip kung paano pa niya haharapin ang buhay kapag sinabi niya iyon. Ngunit tila lalong pinatindi ng kanyang pagtanggi ang pagkukulit ni Zeus. Nangangalog ang isip niya. “Ano ba ang gusto mo?” tanong niya, halos mangiyak. "Sabih
Pero kapag inisip niya nang mabuti, wala nang ibang paraan. May utang siyang 4 milyon. Sa kasalukuyang kita ng kanilang studio, mahirap bayaran ang utang na iyon. Pero sa oras na magsimula na ang pakikipagtulungan nila sa Royal Group, mabilis ding mababayaran ang perang iyon. Kaya bumalik ang kanyang kumpiyansa, kumuha ng itim na suit, at sinamahan ito ng kurbata bago lumabas. "Ito na po ang kasuotan niyo, kamahalan," saka nakakaloko siyang ngumiti. Lalabas na sana siya ng tawagin siya nito. Sabi ni ZEus, "Tulungan mo akong isuot, Maureen." "Marami kang maid, bakit ako pa ang kailangang tumulong sa iyo?" Naaalala niyang hindi siya nagpapalapit ng mga katulong para tumulong. Walang emosyon sa mukha ni Zeus, "Iba ka. Kumita ka ng 30,000 sa isang buwan. Mahal na maid ka, kaya siyempre mas maraming trabaho ang dapat mong gawin." Walang masabi si Maureen. Lumapit siya nang may malamig na ekspresyon at hinila pahubad ang suot nitong robe. Lumantad ang kanyang matipuno at mal