"Papuntahin mo nga siya dito!" utos ni Zeus sa kanya. Nasaktan ang binti nito at hindi siya makalakad ng malayo. "Sige, maupo ka muna doon at tatawagin ko ang babaeng iyon," sabi ni Royce kay Zeus. Inalalayan siyang umupo ng kaibigan, saka lumabas upang tawagin si Maureen. "Tawag ka ni Zeus," sabi ni Royce ng makalapit kay Maureen. Bigla siyang nilingon ni Maureen, na may galit ang mukha, "hindi ko sinabi sa kanya ang kasunduan niyo ni tita!" Nagbigay siya dito ng malamig na tingin. "Ano ngayon?" "Bilang kapalit, kailangan mong ipangako sa akin ang isang bagay." "Bakit ko kailangang pangakuan ka?" "Kung hindi ka papayag, sasabihin ko kay Zeus ang naging kasunduan niyo ni tita Emie. Padadagdagan ko pa ang kaso ng iyong ama, hanggang hindi na siya makalabas pa sa bilangguan!" "Royce, wala akong ginawa sayong masama, hindi mo na kailangang makigulo pa dito, hindi pa ba sapat na hihiwalayan ko na ang kaibigan mo?" tanong niya sa lalaki. Tiningnan siya ni Royce, "wag ka
Nakuha ni Maureen ang kanyang composure matapos ang pagkabigla. Kaya pala sinasabi ni Royce na tutulungan siya sa pagkuha ng hiwalayan. Hayaan ang kanyang asawa na maniwala na isa siyang malanding babae, at handang makipagharutan sa mga lalaking mapepera. Sa ganitong paraan, aayawanna talaga siya ni Zeus. Medyo malungkot si Maureen na sa ganitong paraan sila maghihiwalay ng asawa, ngunit kailangan, alang alang sa kanyang ama. "Pasensiya ka na Mr. Acosta, kailangan ko kasi ng aalalay sa akin, sa amin. Alam mo namang hirap kami sa negosyo, kaya kailangan ko ng masasandigan at makakapitan na mayaman din," ibinigay niya dito ang pinakamatamis niyang ngiti, kahit iyon ay peke. Madilim ang mukha ni Zeus ng marinig ang kanyang mga sinabi, ngunit kailangan. "Isa pa,'dagdag pa niya, "kailangan kong makamit ang aking mga pangarap. Mahirap kasi na wala man lang akong makukuhang kapalit mo, agad. Sinabi ko naman sayo, mas maraming pagpipilian, mas masaya." "So, hindi pala totoong an
"Wala kang pakialam dito," sagot ni Zeus nang may malamig na tono habang tinitingnan siya. Lumingon muna siya sa likuran niya, upang bahagyang punasan ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. "Oo nga pala.. nandiyan naman si Shane.." sagot niya pagharap dito. Hindi na nito kailangan ng kasambahay na mag aasikaso, dahil nandiyan na ang first love nito na nagmula din sa mayamang angkan, perfect match! Matapos itali ang tie, inilabas niya ang collar pin at ikinabit ito sa kanyang kwelyo. Ang malakas na awra nito ang nagdudulot ng intimidation sa ibang tao. Madamot ngumiti ang isang ito. "Okay na." Pagkatapos gawin ang lahat, umirap siya, at gusto na sanang lumayo, ngunit niyakap siya ni Zeus sa baywang at hinila siya papalapit. Nang itaas niya ang kanyang mga mata, nakita niya ang mapang akit na mukha ni Zeus. Ang dalawa ay halos magkadikit ang ilong. Tinanong siya sa malalim na boses, "Mayroon ka pang gustong sabihin?" Naaamoy niya ang mabangong hininga nito. Hindi siya
Tiningnan ni Shane si Zeus, wala itong ekspresiyon sa nakikita. "Royce, kelan pa kayo naging ganyan kaclose ni Maureen?" tanong niya, "parang hindi naman kayo nag uusap dati." "Recently lang. Noong magkasama kami, at napatunayan kong mabuti siyang babae, sige, ihahatid ko na siya," inakbayan ni Royce si Maureen. Bahagyang nagulat si Maureen sa kanyang ginawa, binulungan niya ito, "makisama ka na lang, habang naririyan pa sila. Hiwalay na naman kayo ni Zeus, hindi na magagalit yan." Napatingin si Maureen kay ZEus, ang mga mata nito ay parang isang patalim na maaaring humiwa ng katawan. Inilagay pa niya ang kanyang braso sa beywang ni Royce. "Mauuna na kami," paalam niya sa mga ito. Biglang ngumiti si Zeus, hinawakan si Shane sa kamay na halatang kinikilig, "ingat kayo, lalo ka na, Royce, hindi siya ang uri ng babae na kaya mong kontrolin." Nauna na ang mga ito na magtungo sa kanilang sasakyan at lumulan doon. Pinanood nila sina Zeus, saka narinig niya ang sinabi ni Royce, "pe
7:30 ng gabi.Unang dumating si Maureen sa Greek Hotel, sumunod si Ruby.Agad siyang niyakap ng kanayang kaibigan pagkalapit sa kanya at kinumusta, "nakipaghiwalay ka na talaga kay Zeus? Kumusta ka naman ngayon?" pinadalahan kasi niya ito ng mensahe kanina noong makalabas na sila ng CAB."Okay naman ako.. maayos lang," halata ang lungkot sa kanyang tinig.Tiningnan siya ng kaibigan, "malungkot ka no?""Hindi naman, ito ang nais ko, sana nga, noon ko pa ginawa. Ay, hindi, sana pala, hindi ko na siya pinakasalan." may halong pagsisisi ang kanyang tinig.Tinitigan pa siya ni Ruby ng ilang sandali, saka siya muling niyakap, "binabati kita Maureen, sa iyong panibagong simula.""Oo nga.." nakangiti niyang tugon. Nais sana niyang sabihin sa kaibigan na may kirot sa kanyang puso, ngunit mas pinili niya ang manahimik na lamang.Ngunit biglang may magarang sasakyan na tumigil sa kanilang harapan. Bumaba buhat roon sina Shane at Zeus. Mukhang magsicelebrate sa kanilang paghihiwalay ang dalawa.L
Biglang dumilat ang mga mata ni Maureen at napansin niya ang isang kumikinang na bagay sa kanyang tabi—isang can opener. Agad niya itong kinuha at walang pag-aalinlangan, isinaksak sa tiyan ni Recio. Napasigaw si Recio, agad na hinawakan ang sugat sa kanyang tiyan, at natumba sa gilid. Walang pag-aatubili, tumakbo si Maureen. "Huwag kang tatakas!" sigaw ni Recio. "Hulihin ang babaeng 'yan!" Nagmamadali namang hinabol siya ng mga bodyguard. Nahihilo na si Maureen, tila may kakaibang halo ang alak na nainom niya. Unti-unti niyang nararamdaman ang panghihina ng kanyang mga tuhod. Bago pa man siya makarating sa hagdan, naabutan na siya ng mga humahabol. Habang nakahandusay si Maureen, dumating si Recio. Hinila niya ang buhok ni Maureen at itinulak ito sa pader. "Anong gusto mo, dito na ba natin gawin 'to sa corridor? Mukhang masaya! Hindi ko pa nasubukang makipagtalik sa pampublikong lugar," nakangising sabi ni Recio sa kanyang mga kasama. "Palibutan niyo kami at huwag hayaa
Pagdating sa bahay, ang mahahabang buhok ni Maureen ay basa, nakadikit sa kanyang maringal na mukha. Hinawi ni Zeus ang kanyang buhok at inakay siya papunta sa ikalawang palapag. Humiga siya sa kama at tila may balak pang magbiro. "Ayos na ba ang binti mo?" "Halos," tugon nito sa mababang tinig. "Naalis mo na ba ang fixation belt?" muli niyang tanong. "Inalis ko ito kaninang hapon," sagot ni Zeus. Napansin niyang tila hindi komportable si Maureen, kaya’t kinuha niya ang tuwalya at pinunasan ang pawis nito. Tumaas ang init, at bahagya itong nanginig sa pagkakayuko. "Malapit na si Rex. Kaunting tiis na lang," sabi niya habang tinulungan itong umupo at inabutan ng mainit na tubig. Pakiramdam ni Maureen ay parang nagiging paste ang kanyang mga pag-iisip. Nasa bisig siya ng lalaki habang umiinom ng ilang lagok ng tubig, at pagkatapos ay hindi na siya bumitiw. Mainit ang pakiramdam niya, kaya’t hinanap niya ang malamig na balat nito at mahigpit itong niyakap. Hindi na niya kay
Nang magising si Maureen kinabukasan, nakaramdam siya ng sakit sa buong katawan. Tumayo siya mula sa kama at, habang tinitingnan ang dekorasyon ng kwarto, naalala niya ang mga pangyayari noong nagdaang gabi. Nadaya siya ni Recio, ngunit iniligtas siya ni Zeus at dinala pabalik sa bahay. Pagkatapos noon, naghalikan sila sa kama. Agad niyang tinakpan ang kanyang mukha. "Paano nga ba nangyari iyon? Pinilit ako ni Recio nha gawan ng masama, pero si Zeus hindi—bakit ko ipinilit ang halik na iyon?" Nang magalit si Zeus kay Recio kagabi, talagang nakakatakot ang hitsura nito. Sa mga sandaling iyon, tila may malasakit ang dating asawa sa kanya. Nalilito siya. Hindi ba galit ito sa mga babaeng pabago-bago ang isip? Bakit ang bait niya sa akin? Pinilit niyang itigil ang pag-iisip ng mga bagay na iyon. Nakapagpa-rehistro na siya ng annulment, kaya wala nang dahilan para bumalik siya. Kaya’t itinago niya ang kanyang cellphone at palihim na lumabas ng bahay. "Ma'am!" tawag ni aling L