Hindi ko alam kung saan pa ba ako nagkulang, ano pa ba ang kulang sa akin. Ginawa ko naman na ang lahat ng makakaya ko, lahat na ay sinakripisyo ko. Pero bakit ganito? Bakit ganito ang mga nangyayari sa buhay ko? Ano pa ba ang kailangan kong gawin? Siguradung-sigurado na ako na ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko, lahat ng mayroon ako ay binigay ko na.
Ubos na ubos na ako. Hindi ko na ngayon alam ang gagawin ko sa buhay ko, gusto ko na lang ngayon na sumuko sa buhay ko't hindi ako nakapasa. Na naman, hindi ulit ako nakapasa. Sa pangalawang pagkakataon kong muli, sa inaasahan kong kaya ko na, at 'yong akala kong ito na, ito na 'yong oras para sa akin.
Hindi pa pala.
Walang tigil ang iyak ko dahil sa sobrang dami kong nilaan ng oras ko. Minsan hindi na talaga tungkol sa kung gaano karami ang pinag-aralan mo, kung gaano karami ang
"Objection, your Honor!"Humarap ako kay Judge matapos kong isigaw 'yon. "Leading question," maawtoridad kong sabi."Objection sustained," mahinahong sabi ni Judge, "move on to your next question, Prosecutor.""Yes, your Honor." Nag-bow pa siya kay Judge habang sinabi niya 'yon. Nairita naman ako sa sinabi at ginawa niyang 'yon.Nakakapikon ka talaga, Ranguel.Dahil sa pikon ko ay ako naman ngayon ang kakausap sa witness ko. Masyadong nandadaya itong si Ranguel at lahat na lang ng tinatanong niya ay naroon na rin ang kasagutan, kaya nag-object na ako ng leading question. Masyado na siyang maingay at oras na para patahimiikin na siya."Witness, is it true that you heard it all? You saw everything that Ms. Saitarem post
Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong araw, hindi ako makakilos nang maayos, simpleng pagtayo mula sa kama ay hindi ko pa magawa dahil tinatamad ako, at parang hindi ako handa para ngayon. Paulit-ulit ang pag-flash sa isipan ko ang mga pangyayari kahapon. Bakit parang nagiging mabilis sa akin ang mundo? Bakit parang nagmamadali ngayon ang oras sa akin? Walang preno, hindi ko kinakayanan. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon, hindi ko rin alam kung ano talaga dapat ang gagawin ko. Nakakainis din ay kung bakit ako nagkakaganito?! Naka-move on na ako sa kanya! Pero ang mas nakakainis pa lalo ay sobrang pamilyar 'yong kung paano bumilis ang pagtibok ng puso ko no'ng nakita ko siya kahapon. Tinakpan ko kaagad ang mukha ko gamit ang unan ko rito. Ayaw kong maalala 'yon! Nagsisisigaw-sigaw pa ako rito. "Hindi na! Hindi dapat ganoon ang
"Iyong akala ko na kaya ko na, kasi pinaghandaan ko na 'yon eh. Inaasahan ko rin naman na kahit anong mangyari ay talagang magtatagpo ang landas naming dalawa. At sa mga sandaling nakita ko siya na mayroong kasamang iba, sobrang sakit. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit pero sobra pa sa sobra," naiiyak na sabi ko at saka ininom ang bote ng alak na hawak-hawak ko. "Kilala ko pa 'yong kasama niya. Na-meet ko na 'yon noon at alam mo ba? Napansin ko na parang bagay rin talaga sila, pareho ng interes sa buhay, parehong trabahong pinapasok. Ito ako, sorry abogado lang." Nagtawanan naman kami sa sinabi kong 'yon. Nilagok ko nang diretso ang natitirang alak na laman ng bote. "Sabay, no'ng na-meet ko 'yong Medior na 'yon. Aba! Amoy mayaman talaga, bagay na bagay talaga sila no'n. Pero hindi ako na-insecure sa kanya o kahit ano pa 'man no'ng time na 'yon kasi alam kon
"I was just kidding! Nagbibiro lang naman ako, at may gusto lang akong pag-usapan sa 'yo Mr. Palmadez. Tungkol doon sa babaeng nabaril no'ng isang araw." Tumango naman nang dahan-dahan si Nezoi, na nakikiayon lang siya sa nangyayari ngayon. Ako naman ay mabiis ang tibok ng puso ko. Parang wala lang kay Ranguel ang lahat, wala kasi siyang alam sa nangyayari ngayon.Wala talaga siyang alam tungkol sa amin. Malakas lang talaga siyang man-trip ngayong araw.Hindi niya ang alam tungkol kay Nezoi at sa akin. Mamaya 'to sa aking lalaking 'to. Ano na lang ang sasabihin at iisipin ni Nezoi ngayon dito? Pumunta kami sa maliit na office at kay Nezoi ata ito. Nag-usap lang naman sila nang seryoso at hindi ko alam kung ano ba ang pinag-uusapan nila.Basta ngayon ang nasa isip ko 'yong kalokohan ni Ranguel at napipikon ako sa kanya.
Umalis na si Ranguel at ako na lang ang natira dito sa hospital. Sabi kasi ni Nezoi na saglit lang daw siyang magpapalit at ako naman na dakilang gusto ko rin naman kaya talagang hihintayin ko siya. Mabilis lang din namang kumilos si Nezoi at nakabalik na kaagad siya rito sa entrance ng hospital na ito kung saan ko siya hinihintay.Nang makita niya ako ay ngumiti naman siya kaagad at ako naman ay tipid lang din naman akong ngumiti. Nilahad niya pa ang kamay niya at nagdadalawang-isip pa ako kung ano ang gagawin ko roon, mas lalo niya pa itong nilahad at tinanggap ko na rin naman na ito. Saglit pa akong nagulat dahil sa lambot ng kamay niya.Tumingin naman ako sa kanya at mas lalo pa siyang ngumiti ngayon. Iniwas ko na lang ang tingin ko at saka na kami tuluyang lumabas na magkahawak pa ang kamay namin. Hindi ko rin alam kung bakit sobrang bilis ng pangyayaring 'to, nagigin
"Ikaw? Ako? Ako 'yong hinihintay mo? Iyong kanina mo pang sinasabi ay ako lang ba 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko at hanggang ngayon pa rin ay hindi ko matanggap na ako lang pala 'yong sinasabihan niya pang hinihintay niyang tao. Ang dami-dami ko pang sinabi sa isipan ko at lahat ng iyon ay ako lang pala? Ako lang pala ang tinutukoy niya? Na akala ko ay iba. Tumawa naman siya nang mahina. "Simula pa lang ikaw lang naman 'yon. At sino pa ba? Nakakatawa naman na hindi mo naisip na ikaw 'yon? Ikaw naman kasi palagi, Attorney," sabi niya nang seryoso. Ang sarap din lalong pakinggan na tinatawag niya na akong Attorney. Kaya mas lalo akong hindi makaproseso at totoo ngang ako na pala ang sinasabi niya mula pa kanina. Hindi ko alam ang gagawin ko, basta biglang pumasok sa isipan ko 'yong kapag nabigyan ako ng pagkakataon ay ilalaban ko na. Pero ngayon para
"Sabay ito po 'yong isa kong na-paint ko na kumita po ako na mahigit 25 thousand," sabi ni Vici at saka pinakita niya sa amin at kay Nezoi 'yong painting niyang pinakamalaking nabenta niya."Wow! It's nice, ang ganda nito, gawan mo rin ako. Babayaran din kita," nakangiting sabi ni Nezoi at pumapalakpak-palakpak pa. "Alam mo 'yong Charcoal painting? Mayroon kasi akong ganoon na gusto kong ipa-paint sa 'yo," dagdag ni Nezoi.Nanlaki naman ang mata ni Vici na alam niya ang ibig sabihin ni Nezoi. "Opo, Kuya Nezoi! Nagpra-practice na rin po ako no'n. Ito nga po 'yong mga attempts ko." Pinakita naman sa amin ngayon ni Vici 'yong gawa niyang 'yon, na wala naman akong idea sa mga ganoon. Nang makita ko na ay roon ko na lang naalala kung ano 'yon."Nice, ang gagaling ah!" malakas na hirit ni Nezoi at saka pinakita rin naman sa amin iyo
"Mas mahal pa rin kita," seryosong sabi ni Nezoi at awkward akong tumawa dahil sa tensyong nararamdaman ko at hindi na ako makahinga nang maayos dito. Hindi na alam ang gagawin ko dahil sa bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Si Nezoi naman ay talagang seryosung-seryoso siya ngayon, hindi ko mapantayan 'yon. Samu't saring mga emosyon ang nararamdaman ko ngayon.Paano niyang nagagawang maging ganito na hindi siya kinakabahan? Sobrang smooth niya lang palagi. Sabay ako rito nangingisay na, nanginginig na ako dahil sa sobrang lakas ng impact at tensyong binibigay niya sa akin ngayon. Ngumiti na muna ako sa kanya para may kasagutan ako sa sinabi niya at natahimik na muna kami, at salamat nagkaroon na ako ng oras para makahinga nang maayos at makalma ang sarili ko.Nagpatuloy lang kaming kumain at nakatingin lang kami ngayon pareho sa city lights at rinig na rinig namin dito ang
I did everything I have to do in the operating room, saving a patient from a family someone who has a severe situation. After a long operation, we have successfully saved him. I get out of the room and I talked to the family and I smiled at them as I say that we saved their father. They lend their gratitude and I just smiled at them, they are now at once, home. So am I. I went to my office and I get all of my things, after that, I went to the front desk because I'm about to go home. "I am Surgeon Emperor Nezoi Palmadez, and I'm on leave." Lumipas ang mga buwan, naging sobrang busy na rin namin ni Themis. Hinahanda na namin ang magiging kasal namin. Sinigurado naming pareho na maging engrande ito, dahil sa napakaraming nangyari sa buhay at pagmamahalan naming dalawa. Alam namin na deserved namin ito. &nbs
"It's fine, you don't have to worry about it. Go chase your dream," I sincerely said to her. Wala na sa isip ko na maglabas ako ng pera ko sa kanya at siguradung-sigurado na rin naman na ako sa kanya. Palagi akong suportado sa kahit na saan siya. Kahit saan pa iyan, basta magiging masaya siya kahit saan dahil doon din ako. A year passed and I became super busy. Wala na rin akong masyadong oras para kay Themis, nag-aalala na rin ako minsan. Pero alam ko naman na hindi ganoon kababaw ang relasyon namin, we're both busy into our dreams. It was my clerkship and I'm in my psychiatric, medyo nakakatakot pero may mga kasama naman ako. "What do you think is our patient problem? and the outcome of the test?" tanong ng Senior namin, natapos naming kausapin ang isang pasyente. "It is not Schizophrenia at all, then the exam results that i
Oo, aaminin ko naman, eh. Ang bob*, na ang t*nga ko, na wala akong puso, lahat-lahat na. Ngayon ko lang na-realized ang lahat sa akin. Ang dami kong nagawang mali, ang dami kong nagawang hindi maganda, at nasaktan ko pa ang babaeng alam ko namang mahal na mahal ko. Pero natakot lang din kasi ako.Natakot ako baka iwan niya lang din naman ako at masyado pa kaming bata, masyadong pang maaga para sa aming dalawa. Hindi pa namin ito oras, kaya ginawa ko ang mga bagay na sobra-sobra na pala. Hindi ko 'man lang napansin. Napahilamos ako ng mukha ko.Ang bob* ko sobra!Wala na dapat pang kahit anong excuse na ginawa ko sa kanya. Niloko ko siya. The blame is on me. Now I should accept my fate. Iyong taong nariyan 'yong panahon na kailangan ko ng kakampi ay wala na, 'yong taong naniniwala sa akin kahit na sa tingin ko ay hindi ko na kaya, at 'yong
"Hi! My name is Themis." Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sino ba ito? Kakauwi lang ni Dorothy mula sa school at may mga kaibigan kaagad siyang dala-dala rito, at ngayong mayroong nagpapakilala sa aking kaklase niya. But I have to be nice, she's our visitor after all. "Hey, Themis. I am Nezoi," I simply introduced myself, trying so hard not to get sarcastic. "Nezoi... nice name, but it would be nicer if I call you to mine?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, ang tapang niya ah. Kakakilala lang namin ganito na siya? Ang bata niya pa. "Char! Babanat lang eh!" Tumawa naman siya dahil sa itsura kong hindi makapaniwala sa inaasta niya. "Landi mo," tanging nasabi ko at saka umalis sa harapan niya. Tumawa naman siya nang malakas habang papaalis ako, weird. Bakit kasi ganoon siya? Lumipa
In a snap, I did everything in the court defending someone who is actually innocent. After a long discussion and argument, and to everything I said to the Judge, I smiled. I face the crowd with confidence and I gave them my sweetest smile and turned my back. "It is I Attorney Themis Lex Pravitel, and I rest my case." Lumipas muli ang buwan at umabot na ito sa taon, sobrang naging busy talaga kami ni Nezoi. Matapos ang event ni Tito ay mas naging motivated akong magpatuloy, at talaga nga namang oo nakakapagod, pero tuloy lang sa buhay. Para sa pangarap, sa gusto natin maging, para sa sarili, at lalo na para sa kinabukasan. Kaya rin naman pala naging espesyal iyong event na iyon, dahil si Nezoi ay tinanong ako kung puwede ko na ba siyang maging official boyfriend. Tinatanong pa ba 'yon? Nag-oo naman ako kaagad. Natawa p
Natapos ang araw na isa sa mga araw na hinding-hindi ko makakalimutan, lahat kaming na naroon ay hinding-hindi namin iyon makakalimutan. Ang bilis ng araw, at ng panahon. Lumipas na ang halos limang buwan at ito magka-text kami ni Nezoi at saglit niyang pahinga at ako naman ay wala na ganoong ginagawa. Habang naiisip ko ang mga nagdaang araw ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin o sa amin sa buhay ko. Naging tuluy-tuloy ang pagda-date namin ni Nezoi at palagi niya akong dinadala sa iba't iba lugar, kainan, at marami pa kaming ginawa na talagang nasisimulan na naming i-fulfill ang mga pangakong hindi namin nagawa noon. Habang kausap ko sa telepono si Nezoi ay hindi ko maiwasan na mapalipad ang aking isipan dahil sa loob lang ng limang buwan ay marami na kaagad talaga ang mga nangyari. Nakapagtayo na ako ng business ko na coffee shop, at nakahan
"Hmm..." Tinanggal ko pa ang mukha ni Nezoi sa mukha ko dahil paulit-ulit niya na akong hinahalik-halikan, ginigising ako. Inaantok pa ako at tinatamad din akong tumayo. Kanina niya pa ginagawa iyong paghalik sa aking mukha kung saan-saan, pero gusto ko rin naman. Nag-iinarte lang talaga ako, pero mas nangibabaw ang antok ko ngayon kaya huwag siyang mangulit kung hindi ay makakasapak ako. "Come on, baby... kumakain na sila sa baba at tayo na lang 'yong hinihintay nila. Baka ano pa isipin nila? Hindi ba ayaw mo naman 'yon? Pero okay lang din na rito muna tayo para mayakap at makasama pa kita." Humiga siya ulit at niyakap niya ako mula sa likod. Nilalambing niya oa ako. Hindi ko na pinansin iyon at nagpatuloy pa rin ako sa pagtulog ko. Habang yakap-yakap ako ni Nezoi ay hindi niya na ako ginulo pa at nakatulog na ata kami pareho ngayon. Dahil hindi niya na ako kinul
Nagpatuloy ang kasiyahan namin at talagang ginawa na rin namin itong araw na ito na hindi makakalimutan na talagang naglasing ang lahat. Ito na rin ang way namin para makalimutan ang mga nangyari nitong nakaraang mga araw. Nagkaroon pa ng mga nakakatang*ng pinagsasabi sila Stamim tungkol sa pag-ibig, pero kung makapag-flex si Constraire no'ng kanila ay wagas. Si Stamim naman ay sobra pa sa sobra dahil sa sawi nitong mga naging karelasyon.Si Dorothy naman ay nakakayanan niya na rin. Kinakaya niya na ang pang-araw-araw na pagsubok sa kanya at iyong sessions niya sa isang psychiatrist ay nagiging maayos na ulit ang lagay niya. Ako? Ito katabi si Nezoi at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa kakainom niya, mukhang naging minsan na lang din sa kanya ang ganito kaya hinahayaan ko lang siyang i-enjoy ang pagkakataon na ito."Buti pa si Themis, nasa harapan niya na
Natapos na ang hatol sa parehong partido at napatunayan ko na walang kinalaman si Nezoi sa lahat ng nirereklamo ng pamilyang ito. Tinanong ko pa nang tinanong kung sino ang nag-utos at sino ang nasa likod ng lahat ng ito pero hindi naman nila ito sinasagot, at palagi lang nilang sinasabi na wala. Nagde-deny pa rin sila kung sino at palagi nilang sinasabi na wala silang alam tungkol sa mga binabato kong mga tanong sa kanila. Talagang pinagtatakpan nila nang matindi, malaki siguro ang binayad sa kanila ng ga Villocarte. Hindi ko na ito pinilit pa dahil wala na rin naman na akong magagawa pa kung ganoon naman pala ang sasabihin nila. Sinasayang ko lang ang oras ko, nakulong ang manyak at iyong mga kasamahan nila. Nilahad ko rin ang naging sitwasyon nila sa akin, naging sobra-sobra ang babayaran nila at matagal din ang pagkakakulong. Deserved naman nila 'yon. Dapat lang.