Lumipas ang araw at naging mabilis ito para sa akin. Parang kahapon lang ako nag-take ng PHILSAT ko at ito na ngayon, lalabas na ang result at titignan ko na kung nakapasa ba ako at kung puwede ba akong mag-proceed sa law school. Mayroon na akong balak kung hindi 'man ako sakaling makapasa rito.
Nasa isip ko na magma-Masteral na lang ako, at maging isang ganap na Psychologist na lang kung hindi 'man ako palarin. Pero backup ko lang naman 'yon at gusto ko pa rin namang mag-proceed sa law school. Maya-maya na sasabihin ang results kung sino ang mga nakapasa at ito ako ngayon, hindi mapakali.
Narito kami ngayon ni Nezoi sa isang coffee shop at ang kambal naman ay ngayon pa mismo ang first day of school nila. Sana ay maayos sila sa mga oras na ito. Nasa tabi ko lang din si Nezoi at hawak-hawak niya rin ang telepono niya, hinihintay namin pareho ang results at ang sabi na ganit
"Oh my gosh! Baby, look!" masayang sigaw ko kay Nezoi at pinakita ko sa kanya ang telepono ko na kitang-kita roon na nakapasa ako sa school na napili kong pagpapasukan ko ng law school."Wow! I'm so proud of my Baby! UP College of Law! You deserved it at alam ko na rin naman na sa simula pa lang na riyan ka makakapag-aral!""Gusto ko rin naman na maging iskolar ng bayan pero PUP kasi ang sabi ko, sabay sumubok lang naman ako rito at ang saya lang at sa UP pa! Iyong pressure naramdaman ko agad!" Nagsisisigaw pa ako dahil sa tuwa, at nag-try rin naman ako sa PUP pero nauna ang UP na nag-send sa akin ng Email na nakapasa ako. Hindi ko talaga maiwasan na matuwa nang sobra-sobra ngayon.He kissed my forehead and looked at me genuinely and smiled sweetly. "Don't pressure yourself, okay? Go at your own pace, don't rush things to the point
"Thank you! Dito na lang ako, ingat ka!" sinubukan kong sabihin 'yon sa masayang boses. Dumaan agad sa mata ni Nezoi na nakuha niya agad na kung bakit ganoon ang akto ko. Iniwas ko naman ang mukha ko dahil ayaw ko namang pag-usapan pa. "Hey, Baby..." mahinang tawag niya sa akin, nanlalambing. Bumuntonghininga naman ako dahil narito na kami sa UP at ngayon pa talaga siya ganyan. Kumalabog naman nang malakas ang puso ko dahil sa kilig na nararamdaman ko. Hindi ako makahinga sa sitwasyon ko ngayon. Tinakpan ko pa ang mukha ko dahil ramdam ko ang pamumula ko. Hinarap niya ang mukha ko papunta sa kanya gamit ang kanyang kamay nang dahan-dahan at ngumiti naman ito nang matamis. "Don't be down, okay? Puwede pa namang bumawi. Palaging may next time, palagi mong isipin 'yon..." mahinahon niyang sabi at ngumuso pa ako dahil naiiyak na naman ako.
Isang taon na ang nakakalipas. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang law school at paano ko ito naitawid. Basta ang alam ko patuloy lang akong lumalaban dito. Patuloy lang ako sa pag-abot ng pangarap ko. Pero sa loob ng isang taon, sa puro lang ako laban nang laban, nakalimutan ko ang sarili ko. Nakalimutan kong isipin ang mga bagay o mga nasa taong nakapaligid sa akin. My mental health suffered, I am an advocate to it but I forgot to do things that could help me to survive, such as reaching out. I failed some of my subjects, I don't know to whom to hold, because I don't want anybody to get worried about me and be a burden to them. Because they knew I won't give up that easily, I will fight to the end. But now? I couldn't handle it anymore. Nilagok ko 'yong alak na hawak-hawak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. I failed. Sa dalawang salita
Nagising na ako at kumapa-kapa muna ako sa paligid ko bago ko imulat ang mga mata ko. Dahan-dahan kong minulat ang ito at nakita na namang muli ang pamilyar na ilaw na tumatama sa mukha ko. Tumingin pa muna ako sa paligid ko at tama nga ako, nasa hospital ako. Tumingin pa ako kung saan-saan at wala akong kasama ngayon. Tinignan ko ang gilid ko kung mayroon akong dextrose at nang makitang wala naman ay nakahinga ako nang maluwag dahil ayaw ko talaga no'n, ayaw kong ini-inject ako ng kung ano. Tumingin ako sa kabilang banda at nakita ko naroon ang telepono ko. Balak kong kuhanin 'yon pero bumalik ako sa puwesto ko't nagtulug-tulugan ako dahil narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwartong ito. "Don't worry, Nezoi... she'll be alright at maya-maya rin ay magigising na rin siya," sabi no'ng kausap niya. Minulat ko nang kaunti ang mata ko para makita kung sino ang kausap
"Ano pong nangyari? Tita, ano po ang nangyari sa kanila? Bakit po?" tuluy-tuloy kong tanong dahil ang tagal niyang sumagot at hindi niya pa masabi-sabi sa akin kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi ako mapakali at no'ng narinig ko na lang ang mahina niyang hikbi at hindi ko na ring napansin na tuluy-tuloy na ang pagpatak ng mga luha ko."Tita, p-pasagot naman po, oh. Ano p-pong n-nangyari sa kanila? Nasaan po s-sila ngayon? Nariyan pa po ba kayo? Hello po?" Narinig ko na lumakas na ang iyak ni Tita at doon pa lang ay alam ko na agad at nag-sink in na sa akin kung ano ba ang sinabi niya kanina. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil hindi na ako makahinga nang maayos."Ang s-sabi raw ay m-mayroong pumasok sa bahay nila at p-pinagsasaksak daw sila. Mayroon ding sinabi 'yong kapitbahay nila na wala naman daw ingay na nangyari ng gabi at walang narinig na ingay o na kah
Ginawa at binigay ko ang lahat ng makakaya ko para lang may maganda silang burol. Wala na akong paki sa pera ko ngayon, basta ang gusto ko ay mapayapa silang maiilibing at maibibigay ang hustisya sa kanila. Patuloy ang imbestigasyon sa nangyari sa kanila at naging malinis talaga ang nangyaring krimen at walang bahid na nag-iiwan ng marka kung sino ang salarin.Pero hindi ko ito pinatigil at sinabi kong walang perpektong krimen kahit na planadung-planado pa ito. Mayroon at mayroong patunay riyan na makakapagturo kung sino ang gumawa no'n. Hindi ko pina-cremate ang magulang ko at marami rin akong pinaggawa katulad ng pagrosaryo sa kanila, at marami pang iba.Hindi naging madali sa amin ng kambal itong pinagdadaanan namin na ito. Hindi ko sila makausap nang maayos, hindi rin sila pumasok at sinabi ko naman 'yon at nakausap ko ang Teacher nila kung ano ang nangyayari sa amin n
Lumipas ang araw at ngayon na ang burol ng magulang namin. Ang bilis ng mga pangyayari at ngayong araw na talagang tuluyang mamamaalam sa magulang namin. Itong araw na ito ang pinakamahirap at mabigat sa aming magkakapatid. Ito ang araw na lubos na pagdadalamhati namin. Hindi ko alam kung paano namin nakayanan ang pang-araw-araw sa pagpapatuloy sa buhay namin. Hindi ko pa rin sila makausap nang maayos at kahit ilang beses kong subukan ay talagang dumidistansya na muna sila. Naiintindihan ko, valid naman ang nararamdaman nila pero umaabot na rin sa puntong sobra-sobra na. Kaya kailangan ko na rin silang pagsabihan, pero no'ng pinagsabihan ko ay umiyak sila nang umiyak sa akin. Doon kami nag-iyakan at sobrang sakit para sa amin ito. No'ng araw na rin no'n ay saka ko naman na nakausap nang maayos ang kambal pero mararamdaman mo pa rin naman na parang wala sila
"Pinatawag ko po kayo dahil sa nangyayari sa kambal ngayon, kay Vici at Veni... iyong performances po nila ngayon ay malayung-malayo na po sa dating pinapakita nila noon. Si Vici mula sa pinaka-active na student ay simula no'ng pumasok ay hindi makausap, kapag tatawagin siya tuwing recitation ay hindi makaimik at 'pag pinagsasabihan ito ng mga Teachers ay parang hangin lang sa kanya. "Pasok sa tainga, labas naman sa kabila. Mayroon din 'yong sa quizes niya rito na perfect ang mga ito pero ngayon ay pasang-awa at iba naman ay bagsak na talaga. Si Veni, one of our most competitive student when in terms of extracurriculars, sali nang sali pero ngayon na sumasali nga siya pero hindi namin maramdaman ang best performance niya." Tumango ako nang dahan-dahan habang pinapahiwatig sa akin ng adviser ng kambal sa akin kung ano na ang nangyayari sa kanla. Dalawang linggo pa
I did everything I have to do in the operating room, saving a patient from a family someone who has a severe situation. After a long operation, we have successfully saved him. I get out of the room and I talked to the family and I smiled at them as I say that we saved their father. They lend their gratitude and I just smiled at them, they are now at once, home. So am I. I went to my office and I get all of my things, after that, I went to the front desk because I'm about to go home. "I am Surgeon Emperor Nezoi Palmadez, and I'm on leave." Lumipas ang mga buwan, naging sobrang busy na rin namin ni Themis. Hinahanda na namin ang magiging kasal namin. Sinigurado naming pareho na maging engrande ito, dahil sa napakaraming nangyari sa buhay at pagmamahalan naming dalawa. Alam namin na deserved namin ito. &nbs
"It's fine, you don't have to worry about it. Go chase your dream," I sincerely said to her. Wala na sa isip ko na maglabas ako ng pera ko sa kanya at siguradung-sigurado na rin naman na ako sa kanya. Palagi akong suportado sa kahit na saan siya. Kahit saan pa iyan, basta magiging masaya siya kahit saan dahil doon din ako. A year passed and I became super busy. Wala na rin akong masyadong oras para kay Themis, nag-aalala na rin ako minsan. Pero alam ko naman na hindi ganoon kababaw ang relasyon namin, we're both busy into our dreams. It was my clerkship and I'm in my psychiatric, medyo nakakatakot pero may mga kasama naman ako. "What do you think is our patient problem? and the outcome of the test?" tanong ng Senior namin, natapos naming kausapin ang isang pasyente. "It is not Schizophrenia at all, then the exam results that i
Oo, aaminin ko naman, eh. Ang bob*, na ang t*nga ko, na wala akong puso, lahat-lahat na. Ngayon ko lang na-realized ang lahat sa akin. Ang dami kong nagawang mali, ang dami kong nagawang hindi maganda, at nasaktan ko pa ang babaeng alam ko namang mahal na mahal ko. Pero natakot lang din kasi ako.Natakot ako baka iwan niya lang din naman ako at masyado pa kaming bata, masyadong pang maaga para sa aming dalawa. Hindi pa namin ito oras, kaya ginawa ko ang mga bagay na sobra-sobra na pala. Hindi ko 'man lang napansin. Napahilamos ako ng mukha ko.Ang bob* ko sobra!Wala na dapat pang kahit anong excuse na ginawa ko sa kanya. Niloko ko siya. The blame is on me. Now I should accept my fate. Iyong taong nariyan 'yong panahon na kailangan ko ng kakampi ay wala na, 'yong taong naniniwala sa akin kahit na sa tingin ko ay hindi ko na kaya, at 'yong
"Hi! My name is Themis." Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sino ba ito? Kakauwi lang ni Dorothy mula sa school at may mga kaibigan kaagad siyang dala-dala rito, at ngayong mayroong nagpapakilala sa aking kaklase niya. But I have to be nice, she's our visitor after all. "Hey, Themis. I am Nezoi," I simply introduced myself, trying so hard not to get sarcastic. "Nezoi... nice name, but it would be nicer if I call you to mine?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, ang tapang niya ah. Kakakilala lang namin ganito na siya? Ang bata niya pa. "Char! Babanat lang eh!" Tumawa naman siya dahil sa itsura kong hindi makapaniwala sa inaasta niya. "Landi mo," tanging nasabi ko at saka umalis sa harapan niya. Tumawa naman siya nang malakas habang papaalis ako, weird. Bakit kasi ganoon siya? Lumipa
In a snap, I did everything in the court defending someone who is actually innocent. After a long discussion and argument, and to everything I said to the Judge, I smiled. I face the crowd with confidence and I gave them my sweetest smile and turned my back. "It is I Attorney Themis Lex Pravitel, and I rest my case." Lumipas muli ang buwan at umabot na ito sa taon, sobrang naging busy talaga kami ni Nezoi. Matapos ang event ni Tito ay mas naging motivated akong magpatuloy, at talaga nga namang oo nakakapagod, pero tuloy lang sa buhay. Para sa pangarap, sa gusto natin maging, para sa sarili, at lalo na para sa kinabukasan. Kaya rin naman pala naging espesyal iyong event na iyon, dahil si Nezoi ay tinanong ako kung puwede ko na ba siyang maging official boyfriend. Tinatanong pa ba 'yon? Nag-oo naman ako kaagad. Natawa p
Natapos ang araw na isa sa mga araw na hinding-hindi ko makakalimutan, lahat kaming na naroon ay hinding-hindi namin iyon makakalimutan. Ang bilis ng araw, at ng panahon. Lumipas na ang halos limang buwan at ito magka-text kami ni Nezoi at saglit niyang pahinga at ako naman ay wala na ganoong ginagawa. Habang naiisip ko ang mga nagdaang araw ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin o sa amin sa buhay ko. Naging tuluy-tuloy ang pagda-date namin ni Nezoi at palagi niya akong dinadala sa iba't iba lugar, kainan, at marami pa kaming ginawa na talagang nasisimulan na naming i-fulfill ang mga pangakong hindi namin nagawa noon. Habang kausap ko sa telepono si Nezoi ay hindi ko maiwasan na mapalipad ang aking isipan dahil sa loob lang ng limang buwan ay marami na kaagad talaga ang mga nangyari. Nakapagtayo na ako ng business ko na coffee shop, at nakahan
"Hmm..." Tinanggal ko pa ang mukha ni Nezoi sa mukha ko dahil paulit-ulit niya na akong hinahalik-halikan, ginigising ako. Inaantok pa ako at tinatamad din akong tumayo. Kanina niya pa ginagawa iyong paghalik sa aking mukha kung saan-saan, pero gusto ko rin naman. Nag-iinarte lang talaga ako, pero mas nangibabaw ang antok ko ngayon kaya huwag siyang mangulit kung hindi ay makakasapak ako. "Come on, baby... kumakain na sila sa baba at tayo na lang 'yong hinihintay nila. Baka ano pa isipin nila? Hindi ba ayaw mo naman 'yon? Pero okay lang din na rito muna tayo para mayakap at makasama pa kita." Humiga siya ulit at niyakap niya ako mula sa likod. Nilalambing niya oa ako. Hindi ko na pinansin iyon at nagpatuloy pa rin ako sa pagtulog ko. Habang yakap-yakap ako ni Nezoi ay hindi niya na ako ginulo pa at nakatulog na ata kami pareho ngayon. Dahil hindi niya na ako kinul
Nagpatuloy ang kasiyahan namin at talagang ginawa na rin namin itong araw na ito na hindi makakalimutan na talagang naglasing ang lahat. Ito na rin ang way namin para makalimutan ang mga nangyari nitong nakaraang mga araw. Nagkaroon pa ng mga nakakatang*ng pinagsasabi sila Stamim tungkol sa pag-ibig, pero kung makapag-flex si Constraire no'ng kanila ay wagas. Si Stamim naman ay sobra pa sa sobra dahil sa sawi nitong mga naging karelasyon.Si Dorothy naman ay nakakayanan niya na rin. Kinakaya niya na ang pang-araw-araw na pagsubok sa kanya at iyong sessions niya sa isang psychiatrist ay nagiging maayos na ulit ang lagay niya. Ako? Ito katabi si Nezoi at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa kakainom niya, mukhang naging minsan na lang din sa kanya ang ganito kaya hinahayaan ko lang siyang i-enjoy ang pagkakataon na ito."Buti pa si Themis, nasa harapan niya na
Natapos na ang hatol sa parehong partido at napatunayan ko na walang kinalaman si Nezoi sa lahat ng nirereklamo ng pamilyang ito. Tinanong ko pa nang tinanong kung sino ang nag-utos at sino ang nasa likod ng lahat ng ito pero hindi naman nila ito sinasagot, at palagi lang nilang sinasabi na wala. Nagde-deny pa rin sila kung sino at palagi nilang sinasabi na wala silang alam tungkol sa mga binabato kong mga tanong sa kanila. Talagang pinagtatakpan nila nang matindi, malaki siguro ang binayad sa kanila ng ga Villocarte. Hindi ko na ito pinilit pa dahil wala na rin naman na akong magagawa pa kung ganoon naman pala ang sasabihin nila. Sinasayang ko lang ang oras ko, nakulong ang manyak at iyong mga kasamahan nila. Nilahad ko rin ang naging sitwasyon nila sa akin, naging sobra-sobra ang babayaran nila at matagal din ang pagkakakulong. Deserved naman nila 'yon. Dapat lang.