"And our winner is candidate number 8!" sigaw ng host at malakas na sigawan ang maririnig sa lugar na 'to. Pumalakpak naman kaming iba pang candidates at nanalo ang isa sa gusto nilang manalo. Deserved naman niya, at talaga nga naman lahat ng segment ay ang galing niya. Maganda ang pagka-deliver niya sa sarili niya at kanina rin sa Question and Answer portion niya.
Nakangiti lang ako pumalakpak at parang dito ko naramdaman ang pagod ko. Lahat ng paghihirap namin, 'yong walang tulog namin, 'yong pag-train namin sa public speaking. Lahat-lahat. Ngayon ko naramdaman 'yong pagod na 'yon, at parang ngayon lang ako nakahinga dahil sa pressure, kaba, at uncertain na nararamdaman ko simula pa lang no'ng una.
Oo, natalo ako. 5th runner-up ako. Dapat akong maging masaya na dapat dito. Pero hindi ko pa rin maiwasan na manghinayang. Parang hindi ko matanggap na ito lang ang naabot ko
"Can you get me water, Queen?""Ate, tubig po." Humarap naman ako sa kanila habang hawak-hawak ko na ang pitsel puno ng tubig. Bago pa nila sabihin ay alam ko na agad na mauuhaw na sila at hihingi na rin sila ng tubig. Sabay pa talaga ang kambal at si Nezoi na hingiin 'to. Natawa naman ako sa pangyayari no'n sa kanila."Ito na po," masaya at magalang sabi ko sa kanila at saka binaba na ang pitsel sa lamesa. Kinuha naman ni Nezoi ang baso ng kambal at saka nilagyan niya na 'yon, ininum na muna ni Veni 'yon at sunod si Vici. Pagkatapos naman ay 'yong akin naman 'yong nilagyan ni Nezoi habang papaupo na ako, at huli niya na ring nilagyan ang baso niya."Thank you po, Kuya Nezoi," masiglang sabi ni Vici. Tumawa naman si Nezoi roon at saka niya ginulo ang buhok ni Vici. Nagpatuloy na kaming kumain at saka nagpatuloy na kami sa kuwentuhan. Wala
"Congratulations! As expected from our Queen Themis! Graduated with Latin honor—Summa Cum Laude!" sigaw ni Irene habang inaayos niya pa ang cap niya ngayon. Napakamot naman ako sa batok ko dahil sa hiya, ang lakas kasi ng bibig niya ngayon. Ang dami tuloy na nakatinging sa aming magulang at students din. "Huwag ka ngang maingay! Akala mo naman na hindi kita kasama?" mataray kong tanong sa kanya. Nag-Dalagang Pilipina pose naman siya sa akin at nandiri naman ako dahil nakalabas ang dila niya sa pose na iyon. "Wala, mas mataas pa rin naman 'yong iyo 'no! Cum Laude lang ako. Ang arte mo pa, alam ko namang tuwang-tuwa ka sa lamang-loob mo. Dahil tapos na ang kolehiyo, baka gusto mo namang tapusin na rin ang pagiging buhay single mo 'no? Ang tagal na nating magkilala 'te, kahit isa wala kang pinakilala sa aking jowa mo!" Tinakpan ko na lang ang tainga ko dahil sa ingay
"Veni, Vici! Oh." Nilahad ko sa kanila ang medal ko at isinuot ko iyon kay Veni at iyong diploma ko naman ay binigay ko kay Vici. "Graduate na si Ate," nakangiti kong sabi sa kanila. Niyakap nila akong dalawa at niyakap ko rin sila. Masaya kaming tatlo dahil kahit wala kaming magulang ay nakatapos pa rin ako. Kahit na walang tumatayong nakakatanda para sa amin para i-guide kami ay nakayanan naming tatlo. "Congratulations, Ate. Ang galing-galing niyo po, sobra." Hinigpitan pa ni Vici ang pagkakayakap niya sa akin, at hindi ko maiwasan na mapaluha dahil sa sinabi ni Veni na 'yon. "Para sa inyo lahat ng iyan. Dahil sa inyo ko inaaalay 'yang mga 'yan. Sa tingin ko kung hindi dahil din sa inyo ay hindi ko magagawa 'yan. Kaya salamat din sa inyo, salamat at nariyan kayo. Hindi rin kayo naging sakit ng ulo ko, pero minsan ang kukulit niyo pa rin talaga." Tumawa naman si
"Ang dami mo talagang alam!" Kinurot ko siya sa bewang niya at napaaray naman agad siya sa akin. Inakbayan niya ako at saka sabay na kaming pumunta sa hinanda niya para sa akin, nakita ko rin na mayroong pagkain doon. Umupo ako at kumuha ng unan at saka ng kumot din dahil ang lamig dito. Inayos naman ni Nezoi ang projector at manonood na kami. Tinignan ko muna 'yong mga pagkain at saka tinuon ang pansin sa effort na ginawa niya sa mga nakasabit na ilaw at mga halaman din sa mga gilid-gilid. Niyakap ko nang mahigpit ang unan na hawak-hawak ko dahil sa kilig na nararamdaman ko. Ang effort kasi! Nang matapos na ni Nezoi ma-set up 'yong papanoorin namin ay namili na kami ng movie at ako na ang pinapili niya. Dahil ako ay dakilang fan ng pambatang palabas ay ayon na ang pinanood namin. Natawa pa si Nezoi roon at kahit lumipas na raw ang taon ay ayon pa rin daw ang pabo
"Here." Tumalikod ako para mailagay niya nang maayos ang necklace na bigay niya para sa akin. Inayos niya 'yon at ang tagal niya pang ikabit 'yon, ang dali-dali lang naman no'n. "Hoy, ang tagal mo naman? Tapos na ba?" Binilisan niya ang pagkilos at nag-aligaga pa siya. Natawa naman ako dahil ayaw niya ata talagang naiirita ako. Natawa naman ako nang wala sa oras sa isip ko na 'yon. "Ano? Tapos na ba?" tanong kong muli. Humarap na siya sa akin at saka maayos na ang necklace na nakasuot na sa akin. Ang ganda ng pendant no'n. Minimalist lang siyang parang alon. Hinawakan ko pa 'yon at tinignan dahil mahaba naman iyong chain nito. Napangiti naman ako dahil sa ganda no'n. "Ito ba 'yong kinuha mo kanina? Na kaninang sabi mo na mayroon kang kukuhanin?" Tumingin naman ako sa kanya at nakita ko ang pagngisi niya at mukhang inaasahan ni
Tinignan ko pa ang nakalahad niya pa ring kamay, kani-kanina lang ay hindi ako natutuwa talaga sa kanya. Pero wala na akong oras para mayroon pa akong kaalitan na kahit na sino kaya tinanggap ko na lang ito at saka ako ngumiti nang totoo. Sumilay naman ulit ang ngiti niya pero ang creepy no'n.Ako na ang unang bumitaw sa shake hands naming dalawa at saka naman kinausap naman ngayon ni Nezoi ang iba niya pang kaklase na narito rin. Puro lalaki ang mga 'yon at saka tatlong babae lang sila kasama na itong si Medior. Mukhang maganda naman ang environment ni Nezoi sa med school niya at talagang hindi siya awkward makipag-usap sa mga kaklase niya rito.Mayroon akong mga medical terms na naririnig pero hindi ko naman 'yon naiintindihan. Iyong kambal naman ay hindi nila maiwasan na ma-starstrucked sa mga ito at natawa naman ako roon, sinabi ko sa kanila na kumain na muna sila at s
"Congratulations, Vici at Veni!" masayang sigaw ko sa kanila. Dahil Recognition Day nila ngayon at si Vici ang valedictorian nila at si Veni naman ay nasa achiever. Pumalakpak pa ako dahil sa tuwa at saka ko sila niyakap. "Ang galing niyo pareho! Sobrang proud si Ate sa inyo!" Niyakap ko pa sila nang mas mahigpit ngayon. "Ate, hindi po ako makahinga!" Pinutol ko naman ang pagkakayakap ko sa kanila at hindi namin maiwasang tatlo na matawa dahil sa inaakto ko ngayon. "Ano ba kayo! Proud lang si Ate sa inyo dahil achievement ko rin na napag-aaral ko kayo at kahit papaano ay naibibigay ko ang mga pangangailangan niyo't ngayon valedictorian at achiever!" masaya kong sambit sa kanila. Narinig ko naman ang tawa nila at naririnig ko pa ang ingay ng medal nila dahil pagalaw-galaw sila. Ang dami nilang medal lalo na si Vici, si Veni ay marami rin at mula ito sa mga patimpal
Summer passed by and I can't believe it's another year for school again. I was preparing my documents and requirements, reviewing as well for my PHILSAT examination and I am eyeing a particular school that is good for law school. Certainly, I want to be an iskolar ng bayan para kaunti na lang ang babayaran. Today, I am with Irene and both of us are preparing for PHILSAT. Gusto niya rin maging iskolar, para magkasama pa rin kami. Yesterday, I was fixing the twins' papers so that they could enroll in a private school and it was not easy and up until now I don't have much of a rest. I badly need it, but it's for the sake of us, our future. So rest is not in my mind at the moment. "Mayroon din daw interview bago makapasok sa law school. Gusto raw nila malaman kung paano ka sumagot o kaya naman kung ano ang status mo sa buhay. Well, it's good... pero hindi ko mai
I did everything I have to do in the operating room, saving a patient from a family someone who has a severe situation. After a long operation, we have successfully saved him. I get out of the room and I talked to the family and I smiled at them as I say that we saved their father. They lend their gratitude and I just smiled at them, they are now at once, home. So am I. I went to my office and I get all of my things, after that, I went to the front desk because I'm about to go home. "I am Surgeon Emperor Nezoi Palmadez, and I'm on leave." Lumipas ang mga buwan, naging sobrang busy na rin namin ni Themis. Hinahanda na namin ang magiging kasal namin. Sinigurado naming pareho na maging engrande ito, dahil sa napakaraming nangyari sa buhay at pagmamahalan naming dalawa. Alam namin na deserved namin ito. &nbs
"It's fine, you don't have to worry about it. Go chase your dream," I sincerely said to her. Wala na sa isip ko na maglabas ako ng pera ko sa kanya at siguradung-sigurado na rin naman na ako sa kanya. Palagi akong suportado sa kahit na saan siya. Kahit saan pa iyan, basta magiging masaya siya kahit saan dahil doon din ako. A year passed and I became super busy. Wala na rin akong masyadong oras para kay Themis, nag-aalala na rin ako minsan. Pero alam ko naman na hindi ganoon kababaw ang relasyon namin, we're both busy into our dreams. It was my clerkship and I'm in my psychiatric, medyo nakakatakot pero may mga kasama naman ako. "What do you think is our patient problem? and the outcome of the test?" tanong ng Senior namin, natapos naming kausapin ang isang pasyente. "It is not Schizophrenia at all, then the exam results that i
Oo, aaminin ko naman, eh. Ang bob*, na ang t*nga ko, na wala akong puso, lahat-lahat na. Ngayon ko lang na-realized ang lahat sa akin. Ang dami kong nagawang mali, ang dami kong nagawang hindi maganda, at nasaktan ko pa ang babaeng alam ko namang mahal na mahal ko. Pero natakot lang din kasi ako.Natakot ako baka iwan niya lang din naman ako at masyado pa kaming bata, masyadong pang maaga para sa aming dalawa. Hindi pa namin ito oras, kaya ginawa ko ang mga bagay na sobra-sobra na pala. Hindi ko 'man lang napansin. Napahilamos ako ng mukha ko.Ang bob* ko sobra!Wala na dapat pang kahit anong excuse na ginawa ko sa kanya. Niloko ko siya. The blame is on me. Now I should accept my fate. Iyong taong nariyan 'yong panahon na kailangan ko ng kakampi ay wala na, 'yong taong naniniwala sa akin kahit na sa tingin ko ay hindi ko na kaya, at 'yong
"Hi! My name is Themis." Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sino ba ito? Kakauwi lang ni Dorothy mula sa school at may mga kaibigan kaagad siyang dala-dala rito, at ngayong mayroong nagpapakilala sa aking kaklase niya. But I have to be nice, she's our visitor after all. "Hey, Themis. I am Nezoi," I simply introduced myself, trying so hard not to get sarcastic. "Nezoi... nice name, but it would be nicer if I call you to mine?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, ang tapang niya ah. Kakakilala lang namin ganito na siya? Ang bata niya pa. "Char! Babanat lang eh!" Tumawa naman siya dahil sa itsura kong hindi makapaniwala sa inaasta niya. "Landi mo," tanging nasabi ko at saka umalis sa harapan niya. Tumawa naman siya nang malakas habang papaalis ako, weird. Bakit kasi ganoon siya? Lumipa
In a snap, I did everything in the court defending someone who is actually innocent. After a long discussion and argument, and to everything I said to the Judge, I smiled. I face the crowd with confidence and I gave them my sweetest smile and turned my back. "It is I Attorney Themis Lex Pravitel, and I rest my case." Lumipas muli ang buwan at umabot na ito sa taon, sobrang naging busy talaga kami ni Nezoi. Matapos ang event ni Tito ay mas naging motivated akong magpatuloy, at talaga nga namang oo nakakapagod, pero tuloy lang sa buhay. Para sa pangarap, sa gusto natin maging, para sa sarili, at lalo na para sa kinabukasan. Kaya rin naman pala naging espesyal iyong event na iyon, dahil si Nezoi ay tinanong ako kung puwede ko na ba siyang maging official boyfriend. Tinatanong pa ba 'yon? Nag-oo naman ako kaagad. Natawa p
Natapos ang araw na isa sa mga araw na hinding-hindi ko makakalimutan, lahat kaming na naroon ay hinding-hindi namin iyon makakalimutan. Ang bilis ng araw, at ng panahon. Lumipas na ang halos limang buwan at ito magka-text kami ni Nezoi at saglit niyang pahinga at ako naman ay wala na ganoong ginagawa. Habang naiisip ko ang mga nagdaang araw ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin o sa amin sa buhay ko. Naging tuluy-tuloy ang pagda-date namin ni Nezoi at palagi niya akong dinadala sa iba't iba lugar, kainan, at marami pa kaming ginawa na talagang nasisimulan na naming i-fulfill ang mga pangakong hindi namin nagawa noon. Habang kausap ko sa telepono si Nezoi ay hindi ko maiwasan na mapalipad ang aking isipan dahil sa loob lang ng limang buwan ay marami na kaagad talaga ang mga nangyari. Nakapagtayo na ako ng business ko na coffee shop, at nakahan
"Hmm..." Tinanggal ko pa ang mukha ni Nezoi sa mukha ko dahil paulit-ulit niya na akong hinahalik-halikan, ginigising ako. Inaantok pa ako at tinatamad din akong tumayo. Kanina niya pa ginagawa iyong paghalik sa aking mukha kung saan-saan, pero gusto ko rin naman. Nag-iinarte lang talaga ako, pero mas nangibabaw ang antok ko ngayon kaya huwag siyang mangulit kung hindi ay makakasapak ako. "Come on, baby... kumakain na sila sa baba at tayo na lang 'yong hinihintay nila. Baka ano pa isipin nila? Hindi ba ayaw mo naman 'yon? Pero okay lang din na rito muna tayo para mayakap at makasama pa kita." Humiga siya ulit at niyakap niya ako mula sa likod. Nilalambing niya oa ako. Hindi ko na pinansin iyon at nagpatuloy pa rin ako sa pagtulog ko. Habang yakap-yakap ako ni Nezoi ay hindi niya na ako ginulo pa at nakatulog na ata kami pareho ngayon. Dahil hindi niya na ako kinul
Nagpatuloy ang kasiyahan namin at talagang ginawa na rin namin itong araw na ito na hindi makakalimutan na talagang naglasing ang lahat. Ito na rin ang way namin para makalimutan ang mga nangyari nitong nakaraang mga araw. Nagkaroon pa ng mga nakakatang*ng pinagsasabi sila Stamim tungkol sa pag-ibig, pero kung makapag-flex si Constraire no'ng kanila ay wagas. Si Stamim naman ay sobra pa sa sobra dahil sa sawi nitong mga naging karelasyon.Si Dorothy naman ay nakakayanan niya na rin. Kinakaya niya na ang pang-araw-araw na pagsubok sa kanya at iyong sessions niya sa isang psychiatrist ay nagiging maayos na ulit ang lagay niya. Ako? Ito katabi si Nezoi at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa kakainom niya, mukhang naging minsan na lang din sa kanya ang ganito kaya hinahayaan ko lang siyang i-enjoy ang pagkakataon na ito."Buti pa si Themis, nasa harapan niya na
Natapos na ang hatol sa parehong partido at napatunayan ko na walang kinalaman si Nezoi sa lahat ng nirereklamo ng pamilyang ito. Tinanong ko pa nang tinanong kung sino ang nag-utos at sino ang nasa likod ng lahat ng ito pero hindi naman nila ito sinasagot, at palagi lang nilang sinasabi na wala. Nagde-deny pa rin sila kung sino at palagi nilang sinasabi na wala silang alam tungkol sa mga binabato kong mga tanong sa kanila. Talagang pinagtatakpan nila nang matindi, malaki siguro ang binayad sa kanila ng ga Villocarte. Hindi ko na ito pinilit pa dahil wala na rin naman na akong magagawa pa kung ganoon naman pala ang sasabihin nila. Sinasayang ko lang ang oras ko, nakulong ang manyak at iyong mga kasamahan nila. Nilahad ko rin ang naging sitwasyon nila sa akin, naging sobra-sobra ang babayaran nila at matagal din ang pagkakakulong. Deserved naman nila 'yon. Dapat lang.