Pagkatapos ng klase namin ay ito ako ngayon naglalakad papunta sa office ng Professor namin na 'yon. Marami ang mga tao na dumadaan at nabawasan ang kaba ko dahil doon, kahit papaano ay may naririnig akong ingay. Sinubukan ko ang sarili ko na huwag kabahan at sinabi ko rin sa sarili ko na hindi naman nangangagat 'yong Professor namin na 'yon.
Tumitingin lang ako sa ganda ng kapaligiran dito at hindi ako makapaniwala na pumasa ako sa prestihiyosong paaralan na ito. Wala akong binabayaran dito, mayroon pero hindi na 'yon sa pang-tuition fee na. Nang nasa harap na ako ng pinto ng office ni Ma'am Anakelly ay saka ako kumatok doon.
"Come in," sabi nito mula sa loob. Pumasok na rin ako sa loob at saka nang makita siya ay nag-bowed agad ako sa kanya upang bigyan ng respeto. Wala naman itong binigay na mukha sa akin at inilahad niya ang kamay niya sa upuan, sinasabi niyan
Nilabas ko ang gusto kong sabihin sa kambal at taitim lang naman silang nakikinig sa akin. Sinabi ko rin ang mga nakuha kong aral mula sa Professor ko na 'yon sa kanila, at ramdam ko rin na daldalhin din nila ang mga aral na 'yon, na naka-instill na sa mga utak nila. May kuwento rin ang kambal tungkol sa nangyari sa kanila ngayong araw at tuwang-tuwa naman ako dahil pareho silang naging magaling sa school ngayon. Tinanong ko rin 'yong inutos sa kanila ng mga Teachers nila, at sinabi nila sa akin tungkol doon. Pinagsabihan ko rin naman sila na sa susunod ay tumulong lang sila nang tumulong at huwag umasang may kapalit silang matatanggap. Tumango sila roon at nakahinga ako sa pag-iintindi nila sa akin. Matapos naming kumain ay inutusan ko na sila na magsipilyo at kung anu-ano pa. Sabi nila na tapos na raw ang assignments nila kanina, dahil tumagal nga raw ang sundo ko sa kanila. Sa school na raw nila 'y
"Laban na tayo riyan! Kahit anong topic pa 'yan, panigurado kayang-kaya na ni Themis! Ayan pa? Alam niyong Queen of debate 'yan!" compliment ni Stamim at saka naman nagsitanguan ang mga ito. "Oo nga! Ayan pa? Papatalo? Wala ka talagang magagawa but to bow down!" sabi naman ni Dorothy. Nakakataba naman ng puso 'yong mga sinasabi nila tungkol sa akin. Ngumiti naman ako nang lubos sa kanila dahil sa mga words of affirmation nila sa akin. "Oo, wala sa vocabulary niya ang matalo. At saka panigurado rin na lampaso 'yang mga kalaban natin na 'yan, kasama niyo ba naman ang ganda ko?! Sigurado! Baka matigilan pa sila dahil sa kagandahang taglay ko." Nag-flip hair si Constraire sa sinabi niyang 'yon at napahagikgik naman kaming tatlo. "Baka matakot ang mga kalaban sa iyo Themis, dahil sa ipapakitang mukha na 'yan ni Constraire," pang-aa
"Oh, Veni pabilisan ubusin 'yong chicken na 'yon oh," sabi ni Vici sa kakambal niya at tinuro nito ang apat na chicken na natitira pa para sa kanila, agad nag-game si Veni. Hinanda na nila ang kakainin nila at talagang itutuloy nila ang paunahan. Gusto ko 'man silang pagsabihan pero ayaw ko naman sirain ang magandang mood dito kaya hinayaan ko na muna sila roon. "Dahan-dahan pa rin ah," sabi ko sa mahinahon na salita at nagsitanguan naman ang kambal. Hinayaan ko na muna sila roon at ginawa naman nila ang sinabi ko na dahan-dahanin lang ang kumain. Nakipag-usap na muna ako sa mga kaibigan ko at ang daming chismis sa akin ng mga ito. Natatawa na lang ako sa mga kinukuwento nila dahil lahat ng 'yon ay detelyado, at mayroon pa silang actions na ginagawa kaya tawang-tawa talaga kaming apat. Lahat! Wala kaming pinapalagpasan na kuwento. Aling Marites talaga kaming
"Hindi na lang kayo sa estado ng buhay na ganito at ganyan. Mayroon na kayong obligasyon sa buhay, at hindi niyo kailangan na divorce-divorce na 'yan, dahil paano ang mga maapektuhan sa mga ito? Paano 'yong mga taong nakapaligid sa inyo? Iyong pamilyang gustong-gusto mo? At lalong-lalo na 'yong mga anak niyo? Hahayaan niyo na lang dahil gusto niyo pa rin ituloy 'yang Divorce na 'yan in The Philippines?" mahabang salaysay ng kabilang kampo at agad kong inangat ang mikropono ko sa bibig ko at nagsalita. "Syempre may batas tayo patungkol sa topic na 'yan. Alam mo? Lumalayo ka kasi masyado, ang tinatanong ko kanina na ayos lang ba sa iyo na maging nasa isang relasyon ka ng isang toxic, immatured, at hindi na gumagana pang relasyon?" mataray kong tanong at saglit na tumigil at muling nagsalita. "Hindi ba hindi naman na? Kaya bakit mo pa ipagpipilitan ang sarili mo sa g
"Ikaw ang harot-harot mo talaga sa buhay mo Constraire! Talagang kinapalan mo na ang mukha mo sa lalaki na 'yon ah? Infairness! Standard din 'yon! Ang guwapo at ang tangkad pa, kanina naamoy mo rin ba? Ang bango-bango niya rin," sabi ni Stamim habang kumakain kami. Nakikinig lang kami ni Dorothy sa usapan ng dalawa at naka-focus lang kaming kumain. "Oo! Naamoy ko nga kanina, ang kinis pa ng mukha! Sabay kinikilig na rin talaga ako sa loob-loob ko habang nagkakasagutan kami dahil ramdam ko na matalino siya. Saka palaging may substance ang lumalabas sa bibig niya!" sabi ni Constraire at ramdam na ramdam ko ang kilig niya. Ang landi niya, parang walang ano ah. Kinuhanan ko siya ng video habang nagda-Dalagang Pilipina pose siya, talagang kilig na kilig si Constraire habang nagkukuwentuhan kami tungkol doon sa crush niyang nakalaban namin. Tawa kami nang tawa sa itsura
Matapos naming magsaya-saya ay nag-celebrate na agad kami sa bahay nila Dorothy, dahil alam pala ng magulang niya na sumali kami sa patimpalak na ito. Dumiretso kami sa bahay nila Dorothy gamit ang sasakyan niya at papalapit kami nang papalapit ay kinakabahan na ako. Dahil may posibilidad na naroon siya at baka maabutan niya ako na naroon ako. Hindi ko makalma ang sarili ko sa isang rason na 'yon. Ang dami ko ring inisip upang maibsan 'man lang ang kabang nararamdaman ko, at sinabi ko sa sarili ko na ayos na rin ang makipagkita kay Tito at Tita upang magpasalamat na rin dahil sa tulong nila no'ng panahon na kailangan ko sila, at sila lang ang gusto ko lang din makita roon. Nasa tapat na kami ng bahay nila Dorothy at nanginginig ang aking kamay at paa. Bumaba na kami sa kotse ni Dorothy at saka tumuloy na kaming pumasok. "Papa, Mama! Narito na po kami, kasama ko ri
"Iba talaga si Nezoi kapag nage-English na! Lakas ng charisma, paturo naman ako oh," sambit ni Tito at nagtawanan ang lahat dito. Ito ako, hindi makagalaw at hindi alam ang gagawin dahil sa sinabi niyang 'yon. Ang tapang niya talaga, ano bang nangyayari ngayon?! Hindi ko na rin talaga alam at gusto ko na lang na matapos na agad itong araw na 'to. But behind my head, gusto ko na rin siya makausap at pag-usapan na rin namin ang mga bagay-bagay. Gusto ko na ring humingi ng pasensya at magsabi ng pasasalamat sa mga ginawa niya sa amin ng kambal. I've been blinded by my emotions, and I've forgotten my core values; I should stick to my values, and I know what I should do. "Oh, Themis... kumusta nga pala sa school mo?" pababalik na tanong ni Tito at saka naman ako huminga nang malalim para lubusan ko na ring mapakalma ang sarili ko.
"Where do you wanna talk about it?" tanong niya habang nakatingin ito sa akin nang seryoso. Ayaw ko sana rito, pero gabi na rin kasi. Isang salamat at paghingi ng tawad lang naman ang pinunta ko rito, at uuwi na rin naman na ako sa amin. Pero nasambit ko kasi ang salitang patungkol sa amin.Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? Mukhang mapapahaba pa ang usapan namin. Pero puputulin ko naman agad 'yon pagkatapos kong sabihin ang dapat ko lang sabihin. At wala na rin dapat pang pag-usapan pa dahil ayon lang naman talaga ang concern ko rito. Inisip ko muna nang mabuti ang mga sasabihin ko at nagsalita."Huwag dito, ayos lang ba?" Nagliwanag agad ang mukha niya, dahil ba mag-uusap na kami? O dahil mukhang balak niyang lumabas na kami lang dalawa? Ganoon naman kasi siya palagi mag-isip. Nagtaka naman ako sa inasta niyang 'yon at inilingan ko na lang 'yon. Umalis agad siya sa harapan ko
I did everything I have to do in the operating room, saving a patient from a family someone who has a severe situation. After a long operation, we have successfully saved him. I get out of the room and I talked to the family and I smiled at them as I say that we saved their father. They lend their gratitude and I just smiled at them, they are now at once, home. So am I. I went to my office and I get all of my things, after that, I went to the front desk because I'm about to go home. "I am Surgeon Emperor Nezoi Palmadez, and I'm on leave." Lumipas ang mga buwan, naging sobrang busy na rin namin ni Themis. Hinahanda na namin ang magiging kasal namin. Sinigurado naming pareho na maging engrande ito, dahil sa napakaraming nangyari sa buhay at pagmamahalan naming dalawa. Alam namin na deserved namin ito. &nbs
"It's fine, you don't have to worry about it. Go chase your dream," I sincerely said to her. Wala na sa isip ko na maglabas ako ng pera ko sa kanya at siguradung-sigurado na rin naman na ako sa kanya. Palagi akong suportado sa kahit na saan siya. Kahit saan pa iyan, basta magiging masaya siya kahit saan dahil doon din ako. A year passed and I became super busy. Wala na rin akong masyadong oras para kay Themis, nag-aalala na rin ako minsan. Pero alam ko naman na hindi ganoon kababaw ang relasyon namin, we're both busy into our dreams. It was my clerkship and I'm in my psychiatric, medyo nakakatakot pero may mga kasama naman ako. "What do you think is our patient problem? and the outcome of the test?" tanong ng Senior namin, natapos naming kausapin ang isang pasyente. "It is not Schizophrenia at all, then the exam results that i
Oo, aaminin ko naman, eh. Ang bob*, na ang t*nga ko, na wala akong puso, lahat-lahat na. Ngayon ko lang na-realized ang lahat sa akin. Ang dami kong nagawang mali, ang dami kong nagawang hindi maganda, at nasaktan ko pa ang babaeng alam ko namang mahal na mahal ko. Pero natakot lang din kasi ako.Natakot ako baka iwan niya lang din naman ako at masyado pa kaming bata, masyadong pang maaga para sa aming dalawa. Hindi pa namin ito oras, kaya ginawa ko ang mga bagay na sobra-sobra na pala. Hindi ko 'man lang napansin. Napahilamos ako ng mukha ko.Ang bob* ko sobra!Wala na dapat pang kahit anong excuse na ginawa ko sa kanya. Niloko ko siya. The blame is on me. Now I should accept my fate. Iyong taong nariyan 'yong panahon na kailangan ko ng kakampi ay wala na, 'yong taong naniniwala sa akin kahit na sa tingin ko ay hindi ko na kaya, at 'yong
"Hi! My name is Themis." Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sino ba ito? Kakauwi lang ni Dorothy mula sa school at may mga kaibigan kaagad siyang dala-dala rito, at ngayong mayroong nagpapakilala sa aking kaklase niya. But I have to be nice, she's our visitor after all. "Hey, Themis. I am Nezoi," I simply introduced myself, trying so hard not to get sarcastic. "Nezoi... nice name, but it would be nicer if I call you to mine?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, ang tapang niya ah. Kakakilala lang namin ganito na siya? Ang bata niya pa. "Char! Babanat lang eh!" Tumawa naman siya dahil sa itsura kong hindi makapaniwala sa inaasta niya. "Landi mo," tanging nasabi ko at saka umalis sa harapan niya. Tumawa naman siya nang malakas habang papaalis ako, weird. Bakit kasi ganoon siya? Lumipa
In a snap, I did everything in the court defending someone who is actually innocent. After a long discussion and argument, and to everything I said to the Judge, I smiled. I face the crowd with confidence and I gave them my sweetest smile and turned my back. "It is I Attorney Themis Lex Pravitel, and I rest my case." Lumipas muli ang buwan at umabot na ito sa taon, sobrang naging busy talaga kami ni Nezoi. Matapos ang event ni Tito ay mas naging motivated akong magpatuloy, at talaga nga namang oo nakakapagod, pero tuloy lang sa buhay. Para sa pangarap, sa gusto natin maging, para sa sarili, at lalo na para sa kinabukasan. Kaya rin naman pala naging espesyal iyong event na iyon, dahil si Nezoi ay tinanong ako kung puwede ko na ba siyang maging official boyfriend. Tinatanong pa ba 'yon? Nag-oo naman ako kaagad. Natawa p
Natapos ang araw na isa sa mga araw na hinding-hindi ko makakalimutan, lahat kaming na naroon ay hinding-hindi namin iyon makakalimutan. Ang bilis ng araw, at ng panahon. Lumipas na ang halos limang buwan at ito magka-text kami ni Nezoi at saglit niyang pahinga at ako naman ay wala na ganoong ginagawa. Habang naiisip ko ang mga nagdaang araw ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin o sa amin sa buhay ko. Naging tuluy-tuloy ang pagda-date namin ni Nezoi at palagi niya akong dinadala sa iba't iba lugar, kainan, at marami pa kaming ginawa na talagang nasisimulan na naming i-fulfill ang mga pangakong hindi namin nagawa noon. Habang kausap ko sa telepono si Nezoi ay hindi ko maiwasan na mapalipad ang aking isipan dahil sa loob lang ng limang buwan ay marami na kaagad talaga ang mga nangyari. Nakapagtayo na ako ng business ko na coffee shop, at nakahan
"Hmm..." Tinanggal ko pa ang mukha ni Nezoi sa mukha ko dahil paulit-ulit niya na akong hinahalik-halikan, ginigising ako. Inaantok pa ako at tinatamad din akong tumayo. Kanina niya pa ginagawa iyong paghalik sa aking mukha kung saan-saan, pero gusto ko rin naman. Nag-iinarte lang talaga ako, pero mas nangibabaw ang antok ko ngayon kaya huwag siyang mangulit kung hindi ay makakasapak ako. "Come on, baby... kumakain na sila sa baba at tayo na lang 'yong hinihintay nila. Baka ano pa isipin nila? Hindi ba ayaw mo naman 'yon? Pero okay lang din na rito muna tayo para mayakap at makasama pa kita." Humiga siya ulit at niyakap niya ako mula sa likod. Nilalambing niya oa ako. Hindi ko na pinansin iyon at nagpatuloy pa rin ako sa pagtulog ko. Habang yakap-yakap ako ni Nezoi ay hindi niya na ako ginulo pa at nakatulog na ata kami pareho ngayon. Dahil hindi niya na ako kinul
Nagpatuloy ang kasiyahan namin at talagang ginawa na rin namin itong araw na ito na hindi makakalimutan na talagang naglasing ang lahat. Ito na rin ang way namin para makalimutan ang mga nangyari nitong nakaraang mga araw. Nagkaroon pa ng mga nakakatang*ng pinagsasabi sila Stamim tungkol sa pag-ibig, pero kung makapag-flex si Constraire no'ng kanila ay wagas. Si Stamim naman ay sobra pa sa sobra dahil sa sawi nitong mga naging karelasyon.Si Dorothy naman ay nakakayanan niya na rin. Kinakaya niya na ang pang-araw-araw na pagsubok sa kanya at iyong sessions niya sa isang psychiatrist ay nagiging maayos na ulit ang lagay niya. Ako? Ito katabi si Nezoi at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa kakainom niya, mukhang naging minsan na lang din sa kanya ang ganito kaya hinahayaan ko lang siyang i-enjoy ang pagkakataon na ito."Buti pa si Themis, nasa harapan niya na
Natapos na ang hatol sa parehong partido at napatunayan ko na walang kinalaman si Nezoi sa lahat ng nirereklamo ng pamilyang ito. Tinanong ko pa nang tinanong kung sino ang nag-utos at sino ang nasa likod ng lahat ng ito pero hindi naman nila ito sinasagot, at palagi lang nilang sinasabi na wala. Nagde-deny pa rin sila kung sino at palagi nilang sinasabi na wala silang alam tungkol sa mga binabato kong mga tanong sa kanila. Talagang pinagtatakpan nila nang matindi, malaki siguro ang binayad sa kanila ng ga Villocarte. Hindi ko na ito pinilit pa dahil wala na rin naman na akong magagawa pa kung ganoon naman pala ang sasabihin nila. Sinasayang ko lang ang oras ko, nakulong ang manyak at iyong mga kasamahan nila. Nilahad ko rin ang naging sitwasyon nila sa akin, naging sobra-sobra ang babayaran nila at matagal din ang pagkakakulong. Deserved naman nila 'yon. Dapat lang.