Share

Chapter 43

Wala rin naman ginawa rito sa main house si Kelly maghapon kundi ang makinig sa kuwento ng matanda tungkol sa pamilya nito. Ang dalawang magkapatid lang na sina Ryker at Rhian ang apo ng matanda dahil ang nakababatang kapatid ng ama nito na si Tito Paz ay hindi raw nag-asawa at takot daw ito sa responsibilidad ng isang ama.

Napapaawang ang kanyang bibig sa tuwing maririnig ang panunuya sa boses ng matanda. Kinukutya niya ang kanyang nakababatang anak dahil sa pagiging duwag at labis na takot na harapin ang isang problema.

Sinabi pa nito na kulang pa raw ang IQ ni Tito Paz para mag-solve ng simpleng math problem. Paano raw hindi sasabihin ito ng matanda kung ang pag-aasawa ay kinatatakutan nito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng ihambing pa nito ang tungkol sa marriage at sa simpleng math problem.

Naiintindihan agad niya kung bakit hindi nakadalo ang bunsong anak nito sa dinner noong nakaraan. Sa mga narinig niya sa bibig nito ay pati rin siya, mas pipiliin niyang humab
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status