Bahagyang natawa si Kelly nang muntik na madulas si Arthur sa pampang. Nagkayayaan silang dalawa na pumasyal sa ilog kung saan sila lumalangoy noon pang mga bata sila. Isa rin ito sa magandang spot ng lugar nila na puwedeng dayuhin ng mga turista. May parte ang ilog na malalim na pinupuntahan nilang mga adults.Kumapit agad sa isang bato si Arthur at nakasimangot na nilinga siya. Nag-peace sign siya rito pero bumungisngis pa rin siya.Pero nag-freeze ang ngiti niya nang feeling niya ay may matang nakamasid sa kaniya. Na parang kanina pa ito nakatingin sa kaniya na may halong pagka-miss. Mabilis na luminga siya at tinignan ang paligid nila pero wala siyang nakitang ibang tao.Ikinuling niya ang ulo. Baka paranoid lang siya o kaya ay guni-guni lamang niya ito."May problema ba?" takang usisa ni Arthur. Nakangiting umiling siya."Wala naman. Akala ko ay may ibang tao akong narinig na papunta rito," pagsisinungaling niya.Mukhang naniwala naman ito at inilahad ang kamay sa kaniya para ala
"Mama!" reklamo ni Kelly nang biglang mahawi ang kurtina ng kuwarto niya at tumama sa kaniyang mukha ang malakas na sinag ng araw.Nakasimangot na kinusot niya muna ang mata bago humihikab na bumangon. Dumako agad ang kaniyang mata sa ina niya na lumingon sa kaniya at napailing. Ito na ang panghuling araw niya rito sa kanila at pakiramdam niya ay hapong-hapo siya. Babalik na naman siya sa kulungan niya bukas at labis na tumututol ang puso niya.Makikita muli niya ang binata na kung puwede lang ay ayaw niyang makasama. Maliban lang noong sinundan sila nito sa ilog ay hindi na muling nagparamdam ang binata sa kaniya. Pero alam niyang nasa paligid lang ito at minamasdan siya sapagkat ramdam niya ang matiim na tingin sa likod niya. Pakiramdam pa nga niya ay may stalker na siya."Ano pa ang ginagawa mo riyan? Bumangon ka na at nasa ibaba ang Boss mo," sita ng kaniyang ina.Nahinto siya sa pag-inat at dumaan ang panibugho sa mata niya na agad ding nawala. Bakit sa huling araw pa niya rito s
Nilakasan ni Kelly ang loob na kumatok sa pinto ng kuwarto ni Ryker nang gumising siya kinaumagahan. Ngunit nakailang katok na siya ay wala pa ring nagbukas 'nun. Tumatak kasi sa kaniya ang hitsura nito kagabi kaya gusto niyang i-check kung okay na ang pakiramdam nito. Sinubukan niyang buksan ang pinto at nang makita ang loob ng kuwarto ay nakita niyang parang hindi tinulugan ang kama nito. Maayos ang kumot at unan at nang pumasok siya para hawakan iyon ay malamig ang kama."Umalis na ba siya?" tanong niya at lumabas muli ng kuwarto. Eksakto naman na nakita niya si Casper na aktong kakatok sa inuukopa niyang kuwarto.Napatingin ito sa kaniya at nang makitang galing siya sa kuwarto ng Master nito ay yumikhim ito."Maaga ang flight ni Master kaya hindi na siya nakapagpaalam sa'yo," imporma nito. "Pupunta ka ba sa bookstore ngayon?"Umiling siya. "Pupuntahan ko sana si Sydney dahil may tatanungin ako sa kaniya.""Kasama siya ni Master na pumunta abroad. Kung may gusto kang sabihin sa kan
Humigpit ang hawak ni Ryker sa cellphone na nakatapat sa kaniyang taynga nang marinig ang ibinalita ni Rowan sa kaniya. Kausap niya kanina ang manager ng IT department nang makatanggap siya ng tawag mula sa lalaki. Nagliliyab ang mata niya sa galit pagkarinig sa sinabi nito."Check all the security cameras and catch that bastard!" galit na utos niya. Sino ang may lakas ng loob na takutin at magbigay ng threat kay Kelly? "I will grind and crush that piece of shit into pieces!"Nang mawala na si Rowan sa kabilang linya ay eksaktong bumalik si Sydney na galing sa security room. Halos madaling araw na rito pero ito at hindi sila natutulog dahil sa problemang kinakaharap ng kompanya. Hinahanap kasi nila ang traces ng taong nag-hack sa security system. Alam nilang ang gumawa rin nito ay empleyado ng kompanya at nasa IT department o 'di kaya ay naka-assign sa security room. Dahil kung hindi ay paano agad nito na-hack ang system gayong mahigpit ang seguridad ng kompanya nila."Gusto kong maiw
Mahimbing ang tulog ni Kelly na nakatulog sa bisig niya kanina nang mapagod na umiyak habang si Ryker ay nakaupo sa tabi nito at nakasandal siya sa headboard ng kama. Nasa kandungan niya ang laptop at binabasa ang email na pinadala ng delivery company. Gusto sana niyang siya ang personal na pumunta roon pero dahil ayaw niyang iwan ang dalaga ay si Rowan at Rhian ang inutusan niya.Ang embistigasyon galing sa delivery company ay very detailed at pulido. Nalaman na raw nila ang may-ari ng uniform na nagngangalang Neil. Umamin na rin ito na binayaran ito ng malaking halaga para lang sa uniform. At hinahanap na nila ngayon ang lalaking nagbayad dito na ang pangalan ay Jerome Idaho. Na sana ay hindi lang alyas ng lalaki nang magpakilala ito sa una. Ipapadala na lang uli ang embistigasyon sa kaniya kung mahanap nila si Jerome.Hindi raw uupo at maghihintay lang ang company dahil nadawit ang pangalan nila dahil sa insidenteng 'to. Magtutulungan sila upang mahanap ang culprit at utak nito.Ka
Pagkatapos magpahinga si Kelly ay medyo nabawasan na ang takot sa puso niya. Ngayon lamang siya nakaranas ng ganito kaya hindi agad siya maka-get over. Parang nakatatak na sa utak niya ang nakita at hindi na mabura iyon.Kaya nang mapagbuksan niya kahapon si Ryker ay animo nakahanap siya ng kakampi. Dahil itinanim na niya sa utak na tutulungan ito at narinig na niya na nagsisisi ito sa pananakit sa kaniya ay isinantabi niya muna ang anumang hinampo at galit niya rito at yumakap siya rito. Isa pa ay ito lang ang alam niyang taong dadamay sa kaniya dito dahil malayo ang pamilya niya.Ngayon ay nasa tabi niya itong nakaupo sa sofa sa sala. Nagagawa man niyang harapin at kausapin ito ay kailangan pa rin niyang maging indifferent dito para hindi lumaki ang ulo nito at mag-jump ng conclusion na napatawad niya ito. Ang gusto niya ay pormal pa rin ang gagawin niyang pagtrato sa binata.Inilapag nito ang laptop sa center table at may news na nakita siya roon. Nagtatanong ang matang nilinga niy
Tinanguan ni Ryker ang butler ng Torres family na agad sumalubong sa kanila pagkababa nila ng sasakyan. Magalang na binati pa sila ng butler na tinanguan lang ng binata. Nakaabresete siya sa braso ng binata at nang binalingan siya ng butler ay humigpit ang kapit niya sa una at nahihiyang ngumiti.Ngumiti ito at bahagyang yumuko bago gumilid na nakalahad ang kamay.Habang naglalakad sila patungo sa entrance ng hall, hindi niya maiwasang mapayuko nang mapatingin ang lahat sa kanila. Labis ang kaba niya dahil sa pagtapak pa lamang nila sa loob ay naging sentro na sila ng atensyon. They were in a group of two or more. Kung kanina ay nagtatawanan at nag-uusap sila, nang makita sila ay nagbulungan sila at makikita ang paghanga sa kanilang mata. Lalo na ang mga dalaga na hindi itinago ang totoong nararamdaman nila. Halos marinig na niya ang pagkabog ng kaniyang dibdib habang naglalakad sila.Malawak ang banquet hall at isang malaki at magarang chandelier ang nakasabit sa gitna ng kisame. Baw
Pagkatapos maideposito ni Ryker ang natutulog na si Kelly sa kama ay tumindig siya at pinasadahan muna ng tingin ang mahimbing na mukha nito. Gigisngin sana niya ito pero nagdalawang isipp siya at sa huli ay binuhat na lamang niya ito hanggang dito sa kuwarto. Nang makontento siyang pagmasdan ang magandang mukha nito ay kumilos na siya at akmang lalabas pero napahinto siya at napahawak sa kaniyang ulo nang biglang kumirot iyon.Ramdam niya ang malakas na pagpintig ng ugat niya sa sentido na animo pupuptok na iyon. Hindi niya napigilan ang mapadaing at itinukod ang kamay sa dingding upang kumuha ng suporta nang parang sasabog na talaga ang utak niya. Sa pabigla-biglang pagsakit ng kan’yang ulo katulad ngayon ay parang mahihilo na siya. Kailangan niyang makalabas muna rito at baka magising si Kelly. Ayaw niyang makita siya nito sa ganitong sitwasyon na hinang-hina at walang lakas.He gritted his teeth and forcefully reached the doorknob and twisted it. Tagaktak na ang pawis niya ngunit
Sa buhay ng isang tao, ang sabi ng iba kapag ikinasal ka na ay iyon na ang kaligayahan na mararanasan mo sa buhay mo. Ito na ang pinaka importanteng parte sa buhay mo na hindi mo dapat na laktawan. A part of your life that you will cherish until you're old. Lalo na 'pag ang taong pakakasalan mo ay ang taong matagal mo nang inaasam. Ang taong pinili mong makasama at makapiling hanggang sa iyong pagtanda.Siya iyong taong makakasama mong haharapin lahat ng unos at bagyong darating sa buhay ninyo. Hindi ka tatalikuran at handang tanggapin ang ano mang flows na meron ka. Kung may mood swings at tantrums ka ay hindi ito magsasawang intindihin ka. At sasamahan ka rin sa hirap at sa ginhawa.Lahat ng 'to ay haharapin nilang dalawa nang may respeto at pagmamahal sa isa't isa. Kung may away man at hindi pagkakaintindihan ay hindi sa hiwalayan ang bagsak kundi pag-usapan ninyong dalawa. Iyong magkakaroon talaga kayo ng heart to heart talk. Sabihin kung may tampo ang isa sa inyo at aayusin ninyo
Nakahiga si Kelly sa hammock, sa paborito niyang puwesto sa kanilang bahay habang si Ryker ay nakaupo sa wicker chair at mahinang tinutulak iyon. Nakapikit siya ngunit hindi naman siya tulog. Ninanamnam niya ang malamig na simoy ng hangin habang nag-eenjoy na pinagsisilbihan siya ng binata. Katatapos lang ng lunch nila kanina at dito nila naisipang mag-siesta.Ang plano nila ay bukas na ang photoshoot nila para sa kanilang kasal. At dito rin mismo sa kanila gagawin. Paparito ang photographer na kakilala ng ina nito mamayang hapon. Kanina lamang sinabi ni Ryker sa kaniya na ipinaayos na pala nito iyon kay Rhian habang nasa hospital ito. Ang gusto kasi ni Ryker ay pagkatapos na mag-propose ito ay isusunod agad nila ang kasal habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. Hindi sa ikinakahiya nito na buntis siya bago pa man sila ikasal. Ang punto ni Ryker ay para hindi raw siya mahirapan. Lalo na ang isusuot niyang wedding gown.Naikuwento na rin nito ang tungkol sa paghuli nila kay Morello at
Kelly sullenly look at herself in the mirror pagkatapos niyang magpalit ng damit at isuot ang gown. Hindi niya magawang ngumiti at makaramdam ng tuwa kahit nagsisimula na ang selebrasyon sa bakuran ng kanilang bahay. Paano niya magawang pekehen ang tawa niya kung nag-aalala siya sa kaniyang katipan. Kung hindi lang niya iniisip na pinaghirapang ng pamilya niyang ihanda ang okasyon ngayon ay hindi siya lalabas para harapin ang mga bisita.Muli niyang sinulyapan ang repleksyon niya sa salamin at pilit na nagplaster ng ngiti sa kaniyang labi pero naging tabingi ang labas 'nun. She took another deep breath and turned to her hills. Nalingunan niya ang ama na inilahad agad ang kamay sa kaniya. Walang imik na tinanggap niya iyon at lumabas na sila ng kaniyang kuwarto. Naririnig na niya ang boses ng kumakantang banda na inupahan din ng magulang niya na tutogtog ngayong gabi.Habang pumapanaog sila ay sobrang sama talaga ng loob niya. Pinipilit lang talaga niyang kalmahin ang sarili niya."Mag
"K-Kuya!!" tabingi ang ngiting bulalas ni Rhian at mabilis na itinago ang cellphone sa kaniyang likod. Animo tumalon pa ang puso niya sa ribcage niya dahil sa gulat nang malingunan ito.When she saw his piercing gaze, she almost crumpled in fright. Humigpit ang hawak niya sa cellphone na itinatago niya sa kaniyang likod. Hindi niya sigurado kung narinig nito ang sinabi niya kaya kinakabahan siya."What?" Galing si Ryker sa banyo para magpalit ng damit at ngayon lang nila ito pinayagan na ma-discharge rito sa hospital. Katunayan ay pinayagan na ng doctor na puwede na itong umuwi noong isang araw pa pero silang pamilya nito ang nagpumilit na dumito muna ito sa hospital para makapagpahinga ng maigi. Kahit na iginiit niyang kaya na niya ay overreacting ang tatlong babae sa pamilya niya. At kung nandito lang din si Kelly ay baka mas malala pa ang gagawin nitong pagbantay sa kaniya.Sinadya talaga niyang hindi tawagan at kontakin si Kelly dahil nate-tempt siya na sabihin dito ang nangyari s
"Birthday mo sa sabado, hindi ba?" tanong ni Arthur kay Kelly. Nasa likod ng bahay nila silang dalawa at nakaupo sa wicker chair na binili ng kaniyang ina. Malamig kasi dito sa bandang 'to lalo 'pag hapon na kaya dito sila tumambay na magkaibigan. Nakaka-relax din siya rito 'pag nilalanghap niya ang malinis na simoy ng hangin at dinadala pa 'nun ang bango ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina. Nagpasadya pa siya sa kaniyang ama ng hammock dito at kapag inaantok siya ay dito siya matutulog maghapon. Kung hindi siya gigisingin ng magulang at kuya niya ay baka hindi pa siya magigising at papasok sa loob."Oo, ang sabi ni mama ay maliit na salu-salo silang ihahanda kaya kailangan ay dumalo ka," tugon niya. Sinabi na niya na huwag na silang mag-abala pang mag-celebrate pero iginiit iyon ng kaniyang magulang kaya hindi na siya komontra pa."Aba! Siyempre, dadalo ako!" bulalas nito kaya natawa siya. Ang boses kasi na ginamit nito ay animo isang teenager na excited na pupunta sa isang prom
Hindi maipinta ang mukha ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Tatlong araw nang hindi niya makontak si Ryker at hindi rin ito sumubok na tumawag sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan si Rhian at ang Tita Lana pero walang sumasagot sa dalawa. Ni hindi sila nagbalita sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso ni Morello. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang lalaki o hindi pa.Ang huling tawagan lang nila ay nung gabing inaantok na talaga siya. Sa una ay sinabi niya sa sariling baka abala ito. Pero nang lumipas na ang tatlong araw na wala itong paramdam ay nakaramdam na siya ng panibugho. Hindi lang 'yun, binabaha na rin siya ng pag-aalala para sa binata at kay Sydney. Paano kung may masamang nangyari na sa kanila? At kaya hindi sinasagot ni Ryker ang tawag niya ay dahil ayaw nitong malaman niya ang nangyari sa kanila.Kanina ay nagpumilit siyang lumuwas pero tinutulan at pinigilan siya ng magulang niya lalo na ang kuya niya na mas matindi pa ang reaksyon sa sinabi niya.
Tumaas ang sulok ng labi ni Ryker nang makita niya ang isang anino sa walang ilaw na parte ng parking lot ng hospital. Nasa loob siya ng kaniyang sasakyan na nakaparada sa parking lot sa likod hospital. Dito niya piniling maghintay. Ang sasakyan na gamit niya ay isang rental car. Kailangan niyang gumamit kasi ng ibang sasakyan dahil alam niyang makikilala agad siya kung ang sasakyan niya ang gamitin niya.Hindi sana siya dapat na payagan ng uncle niya na tumulong ngayong gabi subalit nagpumilit siya. Gusto niyang siya mismo ang makahuli kay Dino o kahit na sino sa binayaran ni Morello para patayin siya.Ang mga kasama niyang Police na naghihintay na mahuli nila si Morello o kahit si Dino ay nagtatago rin sa ibang sulok at parte ng hospital. Paano niya nalaman na ngayong gabi kikilos si Morello? Simple lang, pagkatapos ng board meeting nila kanina ay lumapit si Morello at binantaan siya. He said he will never let him get away from trampling his face and would not admit defeat. Sinabi p
Mariing kinagat ni Kelly ang kaniyang labi para pigilan ang sariling umiyak nang makitang nasa himpapawid ang chopper ni Ryker. Maagang gumising ang binata dahil babalik na ito sa syudad. Ang plano sana nito ay hindi na siya gisingin pero pagbaba pa lang nito ng kama ay bumangon na siya at mahigpit na niyakap patalikod ang binata. At kahit na anong pilit nitong bitiwan niya ito para makapaghanda na ito ay umiling siya at sinubsob ang mukha sa likod nito. Halos mag-iisang oras na masuyong kinausap siya nito bago siya pumayag na bumitaw dito at hinayaan na maligo at makapalit ng damit.In fact, she's suppressing herself to stop him from going back. Gusto niyang makiusap na bukas na lang ito babalik o kaya ay sa susunod na araw pero alam niyang hindi puwede.Namumula ang matang nagyuko siya nang tuluyang lumiit na ang chopper at 'di na niya iyon matanaw. Kahit anong pilit na pigilan niya ang luha ay nalaglag pa rin iyon at napahikbi siya. Pinunasan niya ang mukha niya pero nabasa lang mul
Katatapos lamang nilang kumain ng hapunan at nasa may sala sila habang nagpapababa ng kanilang kinain. Nandito rin ang kaibigan niyang si Arthur na todo iwas sa kaniya dahil ginigisa talaga niya ito ng tingin. Kung hindi lang dahil kay Ryker na palaging nakahawak sa kamay niya ay kanina pa niya hinila ang kaibigan para piliting magkuwento ito.Nang makita niyang nagtago na naman si Arthur kay William ay naningkit ang kaniyang mata at aktong tatayo na pero ginagap ni Ryker ang palad niya. Akmang babawiin niya ang kamay pero humigpit ang pagkakahawak doon ni Ryker. Nang balingan niya ito ay ngumiti ito at bumulong."You're making your friend uncomfortable," he whispered."But it's his fault for hiding his relationship with my kuya," She wrinkled her nose as she blamed Arthur. Tinatawagan naman niya ito pero hindi nito binabanggit iyon. Balak talaga nitong itago ang tungkol doon. "Hmp!! Humanda siya dahil marami na akong chance para iprito siya sa kumukulong mantika. Kukurutin ko ang sin