Hindi namalayan ni Kelly ang oras dahil naeengganyo siyang magbasa. Kung hindi pa siya nilapitan ni Miranda at kinalabit ay wala siyang planong tumigil sa pagbasa. Dahil sa pagbabasa niya ay pansamantalang nakalimutan niya ang tungkol kay Ryker. Pero ngayong malapit na ang uwian ay nabahala at bumalik na naman ang lungkot sa puso niya. Babalik muli siya sa lugar kung saan wala siyang kalayaang gawin ang gusto niya."Nakalimutan ko ang oras," nahihiyang bigkas niya at tumayo. Isinara rin niya ang binabasang libro at binitbit iyon.Nang tumingin siya sa likod ni Miranda ay agad nabura ang ngiti niya pagkakita kay Ryker. Nakasandal ito sa shelves at pinagmamasdan siya. May munting ngiting nakapaskil sa mata nito at kung 'di siya nagkakamali ay baka kanina pa ito nandito. Si Miranda lang ang lumapit sa kaniya para mawala ang atensyon niya sa binabasa.Umayos na ng tayo si Ryker at naglakad palapit sa kaniya. Sinuklay nito ang bahagyang nagulo na buhok niya gamit ang daliri nito. "Umuwi na
Simula nang deretsahin niya ang binata kagabi ay hindi niya ito nakita nang gumising siya ngayong umaga. Ayon kay Gemma ay maagang umalis ang master nito nang hindi man lang nag-aagahan. Wala rin itong ibinilin kahit na ano tungkol sa kaniya. Hindi lang sigurado ang dalaga kung may sinabi ito kay Casper.Hindi niya alam kung matutuwa nga ba siya dahil ito at parang may kunting pagbabago na sa binata. Pero sana man lang ay may sinabi ito. Kung puwede ba siyang lumabas at pumunta muli sa bookstore. Kapag naroon siya ay makakalimutan na naman niya ang sitwasyon niya.Pagkatapos niyang kumain ng agahan ay hinanap niya si Casper. Sa may ilalim ng banyan tree niya nakita ang lalaki at nasa may paanan nito ang asong si Yango. Kumakawag ang buntot ng aso habang nakatingala sa lalaki."Kuya Casper," tawag niya sa lalaki na agad lumingon sa kaniya. "Pupunta ako sa bookstore ngayon.""Nagbilin si Master na dalhin daw kita sa main house dahil pinapatawag ka ni Lolo Jones," turan nito.Bahagyang n
Wala rin naman ginawa rito sa main house si Kelly maghapon kundi ang makinig sa kuwento ng matanda tungkol sa pamilya nito. Ang dalawang magkapatid lang na sina Ryker at Rhian ang apo ng matanda dahil ang nakababatang kapatid ng ama nito na si Tito Paz ay hindi raw nag-asawa at takot daw ito sa responsibilidad ng isang ama.Napapaawang ang kanyang bibig sa tuwing maririnig ang panunuya sa boses ng matanda. Kinukutya niya ang kanyang nakababatang anak dahil sa pagiging duwag at labis na takot na harapin ang isang problema.Sinabi pa nito na kulang pa raw ang IQ ni Tito Paz para mag-solve ng simpleng math problem. Paano raw hindi sasabihin ito ng matanda kung ang pag-aasawa ay kinatatakutan nito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng ihambing pa nito ang tungkol sa marriage at sa simpleng math problem.Naiintindihan agad niya kung bakit hindi nakadalo ang bunsong anak nito sa dinner noong nakaraan. Sa mga narinig niya sa bibig nito ay pati rin siya, mas pipiliin niyang humab
Nakatalikod si Kelly sa may pintuan habang nakaupo sa kama. Panay ang pagpatak ng kaniyang luha pero nang marinig ang pagbukas ng pinto ay mabilis na pinunasan niya ang mukha at nahiga sa kama. Pigil ang sariling suminghot siya dahil ayaw niyang ipakita rito na umiiyak siya.Naramdaman niyang nakatingin ito sa likod niya pero hindi siya tuminag bagkos ay hinila niya ang kumot hanggang sa may leeg niya. Tanging ang ulo na lamang niya ang nakikita.Humugot siya ng napakalalim na hininga at mariing kinipkip sa kamay ang kumot. Mainit man ang panahon ay pakiramdam niya nilalamig pa rin siya dahil sa halo-halong emosyon na kaniyang nararamdaman ngayon. Ang mga narinig niya sa bibig ng ama ng binata at ang katotohanan na baka hindi siya mahal ni Ryker. Ang tingin lamang nila sa pagsulpot niya sa buhay ng binata ay isang babaeng madaling abusuhin ng lalaki. Isang mahina at sunud-sunuran."May surpresa ako sa'yo bukas," narinig niyang turan nito bago ang paglundo ng kabilang side ng kama.Nak
Dahil walang pasabi si Kelly na uuwi siya, nang itulak niya pabukas ang pinto ng bahay ay sabay na napalingon ang magulang niya na nasa living room. Gulat na napamata sila sa kaniya sa biglaang pagsulpot niya. Parang ulan na namalisbis ang kaniyang luha at patakbong inihagis ang sarili sa pagitan nila.Humihikbing mahigpit na yumakap siya sa kanila. Nagtataka man sila sa kaniyang reaksyon ay gumanti naman sila ng yakap at hinaplos ang likod niya. Lahat ng sakit at takot na ininda niya at dinanas sa kamay ni Ryker ay parang bombang sumabog sa buong pagkatao niya. Isinubsob niya ang ulo sa leeg ng mama niya habang pigil ang pag-atungal niya."Naku, itong batang 'to. Ilang buwan ka lang na nagtrabaho malayo sa amin ay ito at umaatungal ka na. Miss na miss ka rin namin, anak," masuyong bigkas ng mama niya. Very affectionate na hinagod nito ang kaniyang likod.Natawa ang kaniyang ama at matunog na hinalikan ang sentido niya. "Matanda ka na, hija, ngunit hindi mo makaya ang mabuhay nang mal
Hindi na sinundan ni Ryker sina Kelly at nagmaneho na pabalik sa hostel kung saan siya nag-book ng room. Habang nakamasid kasi siya sa malayang ngiti ng dalaga ay naramdaman muli niya ang kirot sa kaniyang ulo. Ilang ulit nang nangyari 'to sa tuwing sinusubukan niyang saktan ang dalaga. Ngunit ngayon lang may mga imaheng biglang sumulpot sa balintataw niya at mas matindi pa ang pagkirot ng ulo niya.Bagaman blurred man ang mga senaryong 'yun ay parang nakita na niya ito dati. Na parang nangyari na pero hindi lamang niya matandaan. Ang mukha rin na nakikita niya ay pamilyar pero 'di niya matukoy kung sino. Tanging ang isang boses lang na naririnig niya ang matandaan niya.Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaroon ng senaryo sa utak niya na ganito. Gusto niyang magtanong sa magulang at Lolo niya subalit naisip niya na 'pag nag-usisa siya ay baka hindi rin nila sasagutin. Ang masahol pa baka ay i-deny nila na may ganitong pangyayari sa kanilang pamilya kung meron man.Pagkapasok niy
Bahagyang natawa si Kelly nang muntik na madulas si Arthur sa pampang. Nagkayayaan silang dalawa na pumasyal sa ilog kung saan sila lumalangoy noon pang mga bata sila. Isa rin ito sa magandang spot ng lugar nila na puwedeng dayuhin ng mga turista. May parte ang ilog na malalim na pinupuntahan nilang mga adults.Kumapit agad sa isang bato si Arthur at nakasimangot na nilinga siya. Nag-peace sign siya rito pero bumungisngis pa rin siya.Pero nag-freeze ang ngiti niya nang feeling niya ay may matang nakamasid sa kaniya. Na parang kanina pa ito nakatingin sa kaniya na may halong pagka-miss. Mabilis na luminga siya at tinignan ang paligid nila pero wala siyang nakitang ibang tao.Ikinuling niya ang ulo. Baka paranoid lang siya o kaya ay guni-guni lamang niya ito."May problema ba?" takang usisa ni Arthur. Nakangiting umiling siya."Wala naman. Akala ko ay may ibang tao akong narinig na papunta rito," pagsisinungaling niya.Mukhang naniwala naman ito at inilahad ang kamay sa kaniya para ala
"Mama!" reklamo ni Kelly nang biglang mahawi ang kurtina ng kuwarto niya at tumama sa kaniyang mukha ang malakas na sinag ng araw.Nakasimangot na kinusot niya muna ang mata bago humihikab na bumangon. Dumako agad ang kaniyang mata sa ina niya na lumingon sa kaniya at napailing. Ito na ang panghuling araw niya rito sa kanila at pakiramdam niya ay hapong-hapo siya. Babalik na naman siya sa kulungan niya bukas at labis na tumututol ang puso niya.Makikita muli niya ang binata na kung puwede lang ay ayaw niyang makasama. Maliban lang noong sinundan sila nito sa ilog ay hindi na muling nagparamdam ang binata sa kaniya. Pero alam niyang nasa paligid lang ito at minamasdan siya sapagkat ramdam niya ang matiim na tingin sa likod niya. Pakiramdam pa nga niya ay may stalker na siya."Ano pa ang ginagawa mo riyan? Bumangon ka na at nasa ibaba ang Boss mo," sita ng kaniyang ina.Nahinto siya sa pag-inat at dumaan ang panibugho sa mata niya na agad ding nawala. Bakit sa huling araw pa niya rito s
Sa buhay ng isang tao, ang sabi ng iba kapag ikinasal ka na ay iyon na ang kaligayahan na mararanasan mo sa buhay mo. Ito na ang pinaka importanteng parte sa buhay mo na hindi mo dapat na laktawan. A part of your life that you will cherish until you're old. Lalo na 'pag ang taong pakakasalan mo ay ang taong matagal mo nang inaasam. Ang taong pinili mong makasama at makapiling hanggang sa iyong pagtanda.Siya iyong taong makakasama mong haharapin lahat ng unos at bagyong darating sa buhay ninyo. Hindi ka tatalikuran at handang tanggapin ang ano mang flows na meron ka. Kung may mood swings at tantrums ka ay hindi ito magsasawang intindihin ka. At sasamahan ka rin sa hirap at sa ginhawa.Lahat ng 'to ay haharapin nilang dalawa nang may respeto at pagmamahal sa isa't isa. Kung may away man at hindi pagkakaintindihan ay hindi sa hiwalayan ang bagsak kundi pag-usapan ninyong dalawa. Iyong magkakaroon talaga kayo ng heart to heart talk. Sabihin kung may tampo ang isa sa inyo at aayusin ninyo
Nakahiga si Kelly sa hammock, sa paborito niyang puwesto sa kanilang bahay habang si Ryker ay nakaupo sa wicker chair at mahinang tinutulak iyon. Nakapikit siya ngunit hindi naman siya tulog. Ninanamnam niya ang malamig na simoy ng hangin habang nag-eenjoy na pinagsisilbihan siya ng binata. Katatapos lang ng lunch nila kanina at dito nila naisipang mag-siesta.Ang plano nila ay bukas na ang photoshoot nila para sa kanilang kasal. At dito rin mismo sa kanila gagawin. Paparito ang photographer na kakilala ng ina nito mamayang hapon. Kanina lamang sinabi ni Ryker sa kaniya na ipinaayos na pala nito iyon kay Rhian habang nasa hospital ito. Ang gusto kasi ni Ryker ay pagkatapos na mag-propose ito ay isusunod agad nila ang kasal habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. Hindi sa ikinakahiya nito na buntis siya bago pa man sila ikasal. Ang punto ni Ryker ay para hindi raw siya mahirapan. Lalo na ang isusuot niyang wedding gown.Naikuwento na rin nito ang tungkol sa paghuli nila kay Morello at
Kelly sullenly look at herself in the mirror pagkatapos niyang magpalit ng damit at isuot ang gown. Hindi niya magawang ngumiti at makaramdam ng tuwa kahit nagsisimula na ang selebrasyon sa bakuran ng kanilang bahay. Paano niya magawang pekehen ang tawa niya kung nag-aalala siya sa kaniyang katipan. Kung hindi lang niya iniisip na pinaghirapang ng pamilya niyang ihanda ang okasyon ngayon ay hindi siya lalabas para harapin ang mga bisita.Muli niyang sinulyapan ang repleksyon niya sa salamin at pilit na nagplaster ng ngiti sa kaniyang labi pero naging tabingi ang labas 'nun. She took another deep breath and turned to her hills. Nalingunan niya ang ama na inilahad agad ang kamay sa kaniya. Walang imik na tinanggap niya iyon at lumabas na sila ng kaniyang kuwarto. Naririnig na niya ang boses ng kumakantang banda na inupahan din ng magulang niya na tutogtog ngayong gabi.Habang pumapanaog sila ay sobrang sama talaga ng loob niya. Pinipilit lang talaga niyang kalmahin ang sarili niya."Mag
"K-Kuya!!" tabingi ang ngiting bulalas ni Rhian at mabilis na itinago ang cellphone sa kaniyang likod. Animo tumalon pa ang puso niya sa ribcage niya dahil sa gulat nang malingunan ito.When she saw his piercing gaze, she almost crumpled in fright. Humigpit ang hawak niya sa cellphone na itinatago niya sa kaniyang likod. Hindi niya sigurado kung narinig nito ang sinabi niya kaya kinakabahan siya."What?" Galing si Ryker sa banyo para magpalit ng damit at ngayon lang nila ito pinayagan na ma-discharge rito sa hospital. Katunayan ay pinayagan na ng doctor na puwede na itong umuwi noong isang araw pa pero silang pamilya nito ang nagpumilit na dumito muna ito sa hospital para makapagpahinga ng maigi. Kahit na iginiit niyang kaya na niya ay overreacting ang tatlong babae sa pamilya niya. At kung nandito lang din si Kelly ay baka mas malala pa ang gagawin nitong pagbantay sa kaniya.Sinadya talaga niyang hindi tawagan at kontakin si Kelly dahil nate-tempt siya na sabihin dito ang nangyari s
"Birthday mo sa sabado, hindi ba?" tanong ni Arthur kay Kelly. Nasa likod ng bahay nila silang dalawa at nakaupo sa wicker chair na binili ng kaniyang ina. Malamig kasi dito sa bandang 'to lalo 'pag hapon na kaya dito sila tumambay na magkaibigan. Nakaka-relax din siya rito 'pag nilalanghap niya ang malinis na simoy ng hangin at dinadala pa 'nun ang bango ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina. Nagpasadya pa siya sa kaniyang ama ng hammock dito at kapag inaantok siya ay dito siya matutulog maghapon. Kung hindi siya gigisingin ng magulang at kuya niya ay baka hindi pa siya magigising at papasok sa loob."Oo, ang sabi ni mama ay maliit na salu-salo silang ihahanda kaya kailangan ay dumalo ka," tugon niya. Sinabi na niya na huwag na silang mag-abala pang mag-celebrate pero iginiit iyon ng kaniyang magulang kaya hindi na siya komontra pa."Aba! Siyempre, dadalo ako!" bulalas nito kaya natawa siya. Ang boses kasi na ginamit nito ay animo isang teenager na excited na pupunta sa isang prom
Hindi maipinta ang mukha ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Tatlong araw nang hindi niya makontak si Ryker at hindi rin ito sumubok na tumawag sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan si Rhian at ang Tita Lana pero walang sumasagot sa dalawa. Ni hindi sila nagbalita sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso ni Morello. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang lalaki o hindi pa.Ang huling tawagan lang nila ay nung gabing inaantok na talaga siya. Sa una ay sinabi niya sa sariling baka abala ito. Pero nang lumipas na ang tatlong araw na wala itong paramdam ay nakaramdam na siya ng panibugho. Hindi lang 'yun, binabaha na rin siya ng pag-aalala para sa binata at kay Sydney. Paano kung may masamang nangyari na sa kanila? At kaya hindi sinasagot ni Ryker ang tawag niya ay dahil ayaw nitong malaman niya ang nangyari sa kanila.Kanina ay nagpumilit siyang lumuwas pero tinutulan at pinigilan siya ng magulang niya lalo na ang kuya niya na mas matindi pa ang reaksyon sa sinabi niya.
Tumaas ang sulok ng labi ni Ryker nang makita niya ang isang anino sa walang ilaw na parte ng parking lot ng hospital. Nasa loob siya ng kaniyang sasakyan na nakaparada sa parking lot sa likod hospital. Dito niya piniling maghintay. Ang sasakyan na gamit niya ay isang rental car. Kailangan niyang gumamit kasi ng ibang sasakyan dahil alam niyang makikilala agad siya kung ang sasakyan niya ang gamitin niya.Hindi sana siya dapat na payagan ng uncle niya na tumulong ngayong gabi subalit nagpumilit siya. Gusto niyang siya mismo ang makahuli kay Dino o kahit na sino sa binayaran ni Morello para patayin siya.Ang mga kasama niyang Police na naghihintay na mahuli nila si Morello o kahit si Dino ay nagtatago rin sa ibang sulok at parte ng hospital. Paano niya nalaman na ngayong gabi kikilos si Morello? Simple lang, pagkatapos ng board meeting nila kanina ay lumapit si Morello at binantaan siya. He said he will never let him get away from trampling his face and would not admit defeat. Sinabi p
Mariing kinagat ni Kelly ang kaniyang labi para pigilan ang sariling umiyak nang makitang nasa himpapawid ang chopper ni Ryker. Maagang gumising ang binata dahil babalik na ito sa syudad. Ang plano sana nito ay hindi na siya gisingin pero pagbaba pa lang nito ng kama ay bumangon na siya at mahigpit na niyakap patalikod ang binata. At kahit na anong pilit nitong bitiwan niya ito para makapaghanda na ito ay umiling siya at sinubsob ang mukha sa likod nito. Halos mag-iisang oras na masuyong kinausap siya nito bago siya pumayag na bumitaw dito at hinayaan na maligo at makapalit ng damit.In fact, she's suppressing herself to stop him from going back. Gusto niyang makiusap na bukas na lang ito babalik o kaya ay sa susunod na araw pero alam niyang hindi puwede.Namumula ang matang nagyuko siya nang tuluyang lumiit na ang chopper at 'di na niya iyon matanaw. Kahit anong pilit na pigilan niya ang luha ay nalaglag pa rin iyon at napahikbi siya. Pinunasan niya ang mukha niya pero nabasa lang mul
Katatapos lamang nilang kumain ng hapunan at nasa may sala sila habang nagpapababa ng kanilang kinain. Nandito rin ang kaibigan niyang si Arthur na todo iwas sa kaniya dahil ginigisa talaga niya ito ng tingin. Kung hindi lang dahil kay Ryker na palaging nakahawak sa kamay niya ay kanina pa niya hinila ang kaibigan para piliting magkuwento ito.Nang makita niyang nagtago na naman si Arthur kay William ay naningkit ang kaniyang mata at aktong tatayo na pero ginagap ni Ryker ang palad niya. Akmang babawiin niya ang kamay pero humigpit ang pagkakahawak doon ni Ryker. Nang balingan niya ito ay ngumiti ito at bumulong."You're making your friend uncomfortable," he whispered."But it's his fault for hiding his relationship with my kuya," She wrinkled her nose as she blamed Arthur. Tinatawagan naman niya ito pero hindi nito binabanggit iyon. Balak talaga nitong itago ang tungkol doon. "Hmp!! Humanda siya dahil marami na akong chance para iprito siya sa kumukulong mantika. Kukurutin ko ang sin