Muling napalunok si Eys. Habang hawak ni Mason ang sigarilyo, malamig ang boses niya. "You can want it, there is another way.""Anong paraan?""Cassie means for you to go find her."Sa wakas, nakakita si Eys ng kaunting liwanag, kahit sobrang hina nito, "sige."Walang narinig na pag-aalinlangan si Mason sa boses ng babae. "I warn you, she has been in a bad mood recently, you'd better not have any bad thoughs.""Huwag kang mag-alala, Young Master. Hindi ko gagawin 'yon."Pagkababa ng telepono, dumating si Vincent at napansin na parang wala sa sarili si Eys. "Anong nangyari? Hindi mai-drawing 'yang mukha mo. Para kang natatae.""Wala, medyo pagod lang.""Nakakulong na si Boldomero. Dapat magpaputok ka ng fireworks. At saka, talagang mabait sa 'yo si Young Master Sy. Kung hindi dahil sa kompletong ebidensyang binigay niya, baka nasa peligro ka pa."Tumango si Eys. Ang mga salita ay hindi laging nakakapagbigay ng solusyon sa mga problema. Minsan, kailangan niyang umasa sa sarili niya.Pag
Walang sinabi si Mason, yumuko at binuhat siya mula sa wheelchair. Sumandal si Cassie sa balikat ng lalaki at tiningnan si Eys na may pagmamalaki."Miss Javier, hindi ka pa ba kumakain? Sumabay ka na sa amin."Agad na tumanggi si Eys sa paanyaya ng plastikadang babae, "kumain na po ako, salamat."Binuhat ni Mason si Cassie papunta sa hapag-kainan. "I'll go upstairs first."Kailangan niyang magpalit ng damit matapos umuwi galing sa kumpanya. Sumang-ayon si Cassie at naiwan si Eys na nag-iisa."Eys, hindi naman sa hindi ko maibibigay ang gamot, pero depende kung ano ang gagawin mo.""Ano ang gusto mong gawin ko?"Walang binanggit na tiyak si Cassie. "Basta maging masunurin ka lang."Naghintay siya sandali, ngunit hindi pa rin bumababa si Mason. "Umakyat ka at tawagin mo si Mason, hindi na ako makapaghintay."Hindi ito angkop, ngunit wala siyang magagawa. Nakita ni Cassie ang kanyang pag-aatubili at ngumisi, "Nahihirapan ka ba? Kung gano’n, kalimutan mo na lang."Walang karapatan si Eys
Namumutla si Eys dahil sa reyalisasyon, kaya pala binigyan lang siya ni Cassie ng gamot na para sa isang araw lang."Kailangan mo magtrabaho ng mabuti. If you slack off and get too little money, you won't have medicine for the next day."Napatitig si Eys kay Cassie. Kung tumanggi siya sa gusto nito, siguradong tutuparin ng babae ang babala nito.She begged for mercy, pero hindi na nito mapapalitan ang reyalidad."Are you hesitating?"Inipon niya ang natitirang lakas sa kaniyang katawan. Wala na siyang dapat na ilalinlanganin. Simula ng magkasakit si Freya at sinugod sa ospital, wala ni isang gustong tumulong sa kanila. Kaya pinaalalahanan niya ang kaniyang sarili.Kahit ipagpalit niya ang buhay sa kapatid, ayos lang."Pinapangako ko."Napapalakpak si Cassie sa narinig dahil sa tuwa. "Baka may makilala kang customer na mabait tapos tulungan ka. If they are willing to keep you, you'll be lucky."Ang malaking crystal chandelier sa sala ng penthouse ng pamilyang Sy ay hinahati ang anino n
Tila hindi niya alam kung hanggang kailan niya titiisin ang ganitong sitwasyon. Ngayong unang araw pa lang, halos hindi na niya kayanin.Hatinggabi na nang makauwi si Eys.Tulog na ang lahat sa bahay. Amoy alak siya pagkarating kaya naman tahimik niyang tinungo ang banyo upang maligo. Maingat siyang pumasok sa kwarto pero laking gulat niya nang makita niyang bukas ang ilaw."Ate."Mabilis siyang lumapit sa kama at nakita si Freya na nakasilip mula sa ilalim ng kumot."Nagising ba kita?"Bumangon si Feya, suot nito ang manipis na panlamig. Binuksan nito ang pangatlong drawer sa tabi ng kama na puno iyon ng mga pagkain. Merong mga maliit na tinapay, biskwit, at maraming gatas."Ang Freya ko, gutom na gutom na pusa talaga. Nagugutom ka ba?"Kinuha ni Freya ang isang bote ng gatas at dalawang tinapay at iniabot nito ang mga ito kay Eys. "Ang late mo namang umuwi, ate. Siguradong gutom ka. P'wede mong kunin ito anytime. Sisiguraduhin kong hindi mauubos ang laman ng drawer na ito para may k
Ang lalaking nakaupo lang sa gilid ay nakatingin lang sa baba at sinabing, "what a pair of good legs."Hindi akalain ni Mason na may iba pang babaeng makakapagkumpara sa hita ni Eys.Tumingin siya ng konti sa taas at ang una niyang nakita ay ang mapuputing balat nito. Maganda ang hubog ng leg at ang suot nitong shorts ay halos ang harapan ng lang ng babae ang natatakpan kahit ang singit nito ay nakikita na.Agad tumalim ang tingin ni Mason, "look up."Pero hindi pa rin sumunod si Eys at hindi gumalaw.Lahat ay natahimik sa nakita. Dahil hindi man lang nito sinunod ang utos ng isang Mason Hunter Sy. Hindi na rin mapigilang kabahan ni Sister Bing at bumulong sa babae, "anong nangyayari sa 'yo?"Hindi mapigilan ni Mason na ngumisi, "do you want me to shout your name in public, Astri—"Nanlamig si Eys at dahan-dahang tumingala at mukha nitong may make-up ay maganda at kaaya-aya. Tama nga si Mason, si Astrid Elaine nga ito."How long has she been here?" tanong ni Maso na malamig ang tono.
Ang tanging hiling lang niya naman ay simple lang, ang mapanatiling buhay ang kaniyang pamilya pero ang salitang 'paghihirap' ay ayaw siyang pakawalan."Salamat, young master," sabi niya nang mahinahon.Ngunit hindi man lang naramdaman ni Mason ang aliw. Napakaliit ng distansya nila, kaya't malinaw niyang nakita ang bahagyang sakit sa mukha ng babae.Lumapit ang tagapagmana ng pamilya Santos, hawak ang braso ni Eys habang idinantay ang baba nito sa balikat niya. "Mimi, come and have a couple of drinks with your master."Napakaliit ng distansya nila kaya't naramdaman ni Eys ang mainit na hininga nito sa kanyang buhok. Nakaramdam siya ng kilabot sa batok.Tumalim ang tingin ni Mason, "take off your claws."Ngunit sinadya ng batang Santos na huminga pa sa mukha ng babae.Sa isang iglap, kinuha ni Mason ang lighter at sinindihan ito at idinikit sa manggas ng batang Santos. Nasunog ang manggas ng lalaki at hindi nito maiwasang matakot at agad na bumitaw sa babae.Kaunting buhok ni Eys ang
Tumanggi rin itong hawakan siya gabi-gabi, sigurado siyang may iba na ang lalaki."Sige, hindi na lang ako matutulog. Hihintayin ko na lang 'yong pag-uwi mo."Sumakit ang ulo ni Mason. Sinulyapan niya si Eys na nakaluhod pa rin sa tabi niya. Tiningnan niya ang balingkinitang mga balikat nito na parang babasagin. Pumikit siya at hindi nagsalita. He wanted her.Gusto niya itong itulak sa kama at angkinin ng buo.Pero pumasok ito sa ganoong lugar kaya bigla siyang nawalan ng gana.Nagpadala ng mensahe si Mason kay Cassie, "I'll be home soon."Iniabot ni Eys ang plato ng prutas, at bago pa man dumikit ang braso niya kay Mason ay iniiwas nito ang mga binti sa kaniya. "Get out.""Sige."Ibinalik niya ang mga bagay at tumayo gamit ang isang kamay na nakapatong sa coffee table. Mabigat ang perang nakasiksik sa kanya at halos mahulog habang tumatayo siya.Lumabas si Eys ng kuwarto at huminga nang malalim. May ilang taong dumaan sa koridor at napatingin sa pera sa dibdib niya."Grabe, ang laki
Ang sasakyan ni ng lalaki ay huminto sa harapan ng club at pumasok ito nang hindi man lang tumingin sa kaniya.Tapos na ang laro ng mga mayayaman. Wala nang bus o subway sa oras na iyon, kaya napilitan si Eys na mag-taxi na lang.Ang mga driver na nakaparada sa malapit ay alam kung ano ang trabaho ng mga babaeng naroon, kaya hindi maganda ang pakikitungo sa kanya ng driver nang sumakay siya. "Saan ka pupunta?"Sinabi ni Eys ang address ng kanyang bahay, at ang perang hawak niya na parang napakainit ay inilagay niya sa upuan ng pasahero. "Narito ang pamasahe."Natigilan ang driver pero isa rin naman iton matapat na tao. "Sobra naman ito. Hindi na kailangan.""Dis-oras na ng gabi, manong, mahirap 'yang trabaho mo. Salamat sa paghatid sa 'kin pauwi."Hinigpitan ni Eys ang kanyang kwelyo at tumingin sa labas ng bintana. Mahirap ang buhay ng lahat. Hindi maliwanag ang mga ilaw sa kalye parang nalulungkot ang buong paligid.Palihim na sinulyapan ng driver ang babaeng nakaupo sa likod. Iba s
Binanggit niya ang isang mahabang numero, saka nagpatuloy, “ipinapahayag ko gamit ang tunay kong pangalan na ang anak ni Zon Reyes na si Shan Reyes ay inaabuso ang kapangyarihan ng pamilyang Reyes para gipitin ang ibang tao. Ilang beses niya rin akong tinangkang piliting sipingin at sinubukang pwersahin sa pamamagitan ng mga pekeng utang. Hinihiling ko sa mga kaugnay na ahensya na mahigpit na imbestigahan si Shan Reyes at ang buong pamilyang Reyes.”Halos magdilim ang mukha ng matandang Reyes sa narinig niya sa prerecorded video. Kaya agad na inabot ni Chen ang cellphone ni Eys at dinelete ang video. Pero nanatiling kalmado lang si Eys habang tinitingnan ang ginawang pagdelete ni Chon. "May backup ako sa laptop at email. Alam ko kung ga'no kalaki ang impluwensya ni Mr. Reyes, pero kapag kumalat ito, siguradong magkakaroon 'to ng malaking epekto sa negosyo niyo man o sa personal na buhay."Tahimik lang si Mason habang pinapakinggan ang sinasabi ni Eys. Kalmado ang boses nito, pati na
Hinila ni Reyes ang lubid sa bintana at nasugat ang mga palad niya dahil sa pagkiskis nito dahil sa pag-anagat niya kay Eys.Hindi alintana ni Mason si Reyes na nahihirapan at agad na lumapit siya sa bintana at inilabas ang kanyang kalahating pang-itaas na katawan at dahan-dahang hinila ang lubid din pataas.Walang suot na kahit anong tela si Eys para makahawak ang kahit na sino na hihila sa babae pataas. Mahigpit na hinawakan ni Mason ang bintana gamit ang isang kamay at habang ang kabila naman ay nakayakap sa baywang ng babae para maiangat ito.Ang katawan ni Eys ay sobrang lamig na parang niyayakap ang isang bloke ng yelo si Mason ng mahawakan niya ang katawan nito. May mga yabag sa labas ng pinto pero hindi niya iyon pinansin at inasikaso ang babae. Inilagay ni Mason si Eys sa kama at mabilis na kinuha ang kumot para ibalot ito sa kanya.Bang!Mabilis na sumara ang pinto ng kwarto at pumasok ang matandang Reyes at ang kanyang stepson.Nakatayo lang si Shan malapit sa bintana at na
"Tinalian mo na nga ako, anong silbi ng pagsigaw? P'wede mo namang takpan ang bibig ko, o 'di kaya’y higpitan mo pa ng todo."Nang maisip iyon ni Shan, pumayag siya.Kahit pa sigaw siya nang sigaw, sino bang tutulong sa babae?Tinali ni Shan nang mahigpit si Eys at siniguro ang buhol. Nang matapos, ngumiti ito nang may kasiyahan."Hintayin mo ako."Pero 'di na ito makapaghintay.Pumasok si Shan sa banyo para maligo. Ayaw niyang gumamit ng bathrobe sa lugar na 'yon sa isipang madumi ito kaya lumabas siyang naka-shorts lang.Hindi mapakali si Eys. Alas-dos na.Tiningnan niya si Shan habang papalapit ito. Medyo kinakabahan siya. "Mr. Reyes, p'wede mo na bang ibigay ang IOU ngayon?""Mamaya na pagkatapos natin.""Dinala mo ba? Ipakita mo nga sa ’kin."Gustong yakapin ni Reyes si Eys pero mabilis itong umakyat sa kama. Maliit lang ang kwarto at halos katabi ng kama ang bintana.Napapaatras si Eys papunta sa gitna ng higaan, halatang kinakabahan. Pero hinila siya ni Shan gamit ang lubid par
Mabilis siyang hinila ni Eys papasok at isinara ang pinto. "Mr. Reyes, hindi mo ba naiisip na mas masaya dito? Lagi ka na sigurong nasa mga five-star hotel. Eh, pa'no kung medyo wild ang mangyari? Ayaw mo namang mapahiya, 'di ba?" Rason ni Eys.Tinitigan lang siya ni Shan. Sa bawat salitang binibitawan ng babae, halatang may halong panunukso rito.At nadala siya.Hinila niya si Eys papunta sa kanya at sinubukang halikan ang babae. "Eh, bakit nakatayo ka pa?"Sinubukan siyang itulak ni Eys pero dumampi na ang labi niya sa pisngi nito.Ang bango ni Eys—para itong natural na pamapalibog. Tuluyan nang nawala sa kontrol si Shan."Mr. Reyes, sandali lang!""Hindi ko na kayang maghintay!"Nagpumiglas si Eys mula sa mga bisig nito. "May inihanda ako para sa 'yo.""Ano 'yon?" tanong ni Shan habang bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa babae.Naglakad si Eys papunta sa kama at binuksan ang dala niyang bag. Mula rito, inilabas niya ang makapal na lubid.Tumaas ang kilay ni Shan. "Itatali mo
Sa ganitong bagay, mataas ang pamantayan ni Mason. Bukod sa magandang mukha, gusto niya ng malalambot na kamay at balingkinitang katawan—katulad ng kay Astrid.Nawala ang init na nararamdaman ni Cassie, kaya hindi na niya itinuloy ang ginagawa.Samantala, ang mga marka sa katawan ni Eys na gawa ni Mason ay hindi pa rin nawawala kahit ilang araw na ang lumipas, kaya napilitan siyang magsuot ng mga turtle neck na mga damit araw-araw kahit sobrang init sa Pinas.Mainit sa opisina, kaya tumutulo ang pawis sa noo ni Eys habang nagta-type sa laptop niya. Habang abala at naiinis sa nararamdamang init, biglang may narinig siyang papalapit na mga yabag."Sa wakas, nahanap rin kitang bruha ka," sabi ni Vincent nang tumigil ito sa tabi niya.Tumigil si Eys sa ginagawa at tumingin sa kaibigan. "Sabihin mo na agad."Nagmasid si Vincent sa paligid bago bumulong kay Eys.Mahinang pinisil ni Eys ang kanyang palad. "Sigurado ba 'yang balita mo?""Oo naman! Ginamit ko lahat ng koneksyon ko para dito,"
"Alam mo kung bakit ginawa ni Mason ang mga bagay na 'yon sa 'yo? Para kanino? Para sa 'kin! Para ipakita sa 'kin na kaya ka niyang kunin sa isang pitik niya lang ng daliri!"Narinig ni Eys bawat salita ni Shan, pero hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito."Hindi naman ako umaasa sa kanya at hindi na ako nangangarap ng isang Mason Hunter Sy na luluhod sa 'kin para damputin ako sa lupa gaya ng pagpulit niya kay Miss Lopez," sagot ni Eys, kalmadong tumatawa nang sarkastiko. "Nakakatawa 'yang mga salitang 'hindi makalimutan' at 'hindi kayang bitawan' kung gagamitin sa 'kin."Alam niyang ang tanging hindi kayang bitawan ni Mason ay si Cassie."Kita mo naman kung ga'no kahalaga si Miss Lopez para sa kanya, 'di ba? Iniwan niya ako rito nang hindi man lang iniisip kung anong kahihiyan ang haharapin ko. Kahit mag-iwan ng isang damit para takpan ang sarili ko, wala siyang binigay sa 'kin. Kulang pa ba ang pagaparamdam niya na madumi ako at kaladkarin para hindi pa manuot sa kala
"Young Master," sabi ni Shan na may bahid ng hilaw na ngiti, "lumabas ka rin sa wakas."Dumaan lang si Mason sa tabi nito at sinabihan si Leonardo ng isang salita. "Go."Hindi na kailangang magtaboy ng tao. Nagmamadali na siyang umalis.Naiwan si Eys sa kwarto. Nang sipain ni Shan ang pinto pabukas, nakita niya ang likod ni Eys na nagmamadaling papasok sa loob."Ang tapang mo palang gawin ang ganyan, pero wala kang mukhang maiharap para lumabas?"Ang mabigat nitong boses ay narinig ni Mason kahit ilang hakbang na siyang lumayo. Sandali huminto ang mga paa ng lalaki pero hindi na siya lumingon.Kalahati na ng mga tao ang napaalis ni Leonardo, pero may ilan pa rin ang nasa labas at nakikiusyuso."Master, hahanapan ko ng paraan para palabasin si Miss Javier.""Cassie is here, right at the door."Tumango si Mason at tuluyang lumabas.Si Eys naman ay takot na baka pumasok ang grupo ni Reyes, kaya tumakbo siya sa bintana at nagtago sa likod ng kurtina.Dalawang lalaking kasunod ni Shan ang
"If you asked me to save you, I might agree if my heart softens. But if it's someone else, bakit ko naman gagawin?"Parang gumuho ang mundo ni Eys. Bago pa makapag-isip si Mason kung bakit niya nasabi 'yon, nakita niyang pilit ngumiti ang babae at umiwas ng tingin."I just asked casually, I'm afraid that one day it will really happen.""Eh 'di hayaan mo siyang mamatay."Nanlamig si Eys sa sinabi ni Mason. Parang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa katawan niya.Dapat nga siguro nagpapasalamat siya na hindi niya ibinuhos lahat kay Reyes o naglagay ng malaking tiwala kay Mason. Hirap na nga itong tumulong sa kanya, paa'no pa kaya kay Fiona?Nagpatuloy ang ingay sa labas, kaya napatingin si Eys kay Mason. "P'wede bang gumawa ka ng paraan para paalisin 'yong mga tao?"Naiiritang tumayo si Mason. He didn't want to be blocked like this, so annoying and ridiculous.Kinuha niya ang cellphone niya at tatawagan sana si Leonardo para ayusin ito, pero naunahan siya ng tawag ni Cassie.Tinitigan niya
Biglang malakas na pinukpok ni Shan ang pinto. “Eys, lumabas ka diyan!”Ang kanyang malalaking galaw ay nagsimulang makaakit ng pansin mula sa mga taong naroroon.May mga tao nang lumalapit. “Mr. Shan, anong nangyayari?”Hinithit ni Shan ang sigarilyo. “May nakakita sa kasama kong babae na kinaladkad papasok dito. Ngayon, sabihin niyo nga, nakita niyo ba ako?”Nagtinginan ang lahat sa isa’t isa. “Wala kaming nakita.”Itinapat ni Shan ang camera sa sarili. “Cassie, pupunta ka ba o hindi? Kapag nagtagal ka pa, baka tapos na ang ginagawa nila sa loob, at baka ulitin pa nila. Do you believe it?”Sa loob, binitiwan ni Eys ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa mukha ni Mason.Ang mga mata nito ay malalim, puno ng kadiliman na parang isang demonyo.Nakakatakot talagang tingnan ang lalaki sa ganitong estado.Inangat ni Eys ang pilak na kwintas na dumulas mula sa kanyang balikat habang nakikita niyang magbubukas ng pinto si Mason.Agad niyang hinawakan ang braso nito at bahagyang umiling.