"Uy, may naghahalikan," sabi ng isang boses mula sa hindi kalayuan.Napadilat si Eys sa takot at tumingin. Dalawang kapitbahay nila mula sa itaas ang nakita niya. Ang batang babae ay nasa junior high school pa lang. Nang makita ang eksena, agad nitong tinakpan ang mga mata nito gamit ang mga kamay.Ang kasama naman nitong kaklase ay namula ang mukha. "Ang tapang ng mga tao sa lugar niyo."Ayaw ni Eys na makita ng iba kaya siniksik niya ang kanyang balikat na parang pagong at ibinaon ang ulo sa dibdib ni Mason.Parang naramdaman niyang wala iyong epekto, kaya't hinila niya ang suit ni Mason at idinikit pa ang mukha roon.Ang dalawang batang babae, kahit tinatakpan ang mga mata, ay tumitingin pa rin ng pasimple sa pagitan ng mga daliri. Hindi nila makita ang mukha ng babae, pero ang gilid ng mukha ng lalaki ay kahanga-hanga at sobrang gwapo, lalo na siguro ang harap nito.Nang dumaan sila kay Mason, dahan-dahan ang lakad nila."Hurry up," sabi nito na puno ng inis.Para itong yelo sa la
Inilapit ni Eys ang gunting sa labi ng lalaki, tila nilalagari ito. Wala namang sugat o dugo, pero may tunog na matinis at nakakapangilabot.Halos mawalan ng ulirat ang lalaki.Nanginig ito at biglang napahikbi habang bumaba ang gunting ni Eys. "Palalayain kita, basta ba 'wag ka nang magpakita sa bahay namin, ayos ba?"Agad na tumango ang lalaki.Narinig din ni Mason ang sinabi ni Eys. Is that it? Still want to let him go like this?Nakatayo si Eys na nakatalikod kay Mason, bahagyang nakayuko, at ang tunog ng bumabagsak na gunting ay umalingawngaw sa kwarto.Nanlaki ang mata ng lalaki at sa wakas ay napasigaw. "Ahhh—"Huwag mong guntingin!"Hinding-hindi na kita guguluhin! Hindi na ako magpapakita sa 'yo! Ahhh—"Tila bumabawi ng galit si Eys. Takot na takot ang lalaki, nanginginig ang buong katawan nito. Nang matantiya ni Eys na sapat na iyon, ibinalik niya ang gunting.Tumalikod siya at naglakad palabas. Binuksan ni Mason ang pinto. Ang lalaki ay halos mawalan ng ulirat sa sobrang ta
Medyo matagal ang pagbalot ng may-ari. Nang matapos, mas lumaki pa ang buong bouquet. Binayaran ni Mason ang lahat at nang makita niyang palabas na ang babae, inutusan niya itong bitbitin ang mga bulaklak. "Hold the flowers." He said."Mabigat 'yan," sagot ni Eys."Marami ka namang kinain kanina, 'di ba?"Napangiwi si Eys. Wala na siyang nagawa kaya binibit na lang niya ang bouquet, at paglabas nila ng tindahan, nadulas siya sa isang hakbang dahil hindi niya makita ang daan.Sumubsob siya, at tumama ang mga bulaklak kay Mason.Nalaglag ang pollen ng lily sa kanyang suit. Lumingon si Mason. "Your eyes are on the top of your head.""Hindi ko makita 'yong daan," sagot ni Eys."Then I'll just hold your hand.""Huwag na... hindi na kailangan." Mas maigi pang nadadapa siya kaysa sa hawakan ulit siya ni Mason. Nanatiling malamig ang kamay niyang hawak nito kanina.Nahirapan din siyang makapasok sa sasakyan.Amoy bulaklak ang buong kotse, at halos wala nang espasyo sa loob. Naiipit si Eys sa
Natahimik ang kwarto ni Cassie. Inikot niya ang wheelchair papunta sa kama.Biglang tumunog ang kanyang cellphone, kasunod ang sunud-sunod na notifications.Kinuha niya ito at binuksan. Puro larawan mula sa isang private detective na inutusan niyang bantayan si Eys.Pindot siya nang pindot hanggang sa tumambad sa kanya ang mga larawan na halos ikawasak ng kanyang mata.“Astrid Elaine!”Sa larawan, kitang-kita niya sina Mason at Eys na magkasama… at naghahalikan!Kitang-kita ang mukha ni Mason na tila nag-eenjoy pa.Habang patuloy niyang ino-scroll ang mga larawan, nakita niya si Eys na may hawak na mga bulaklak.Halos mabali ang ngipin ni Cassie sa galit. Hangga’t hindi nawawala ang babaeng iyon, patuloy itong kakapit kay Mason na parang isang chanak!Kinabukasan, medyo nag-aalala si Mason tungkol sa paghawak ni Cassie ng kumpanya.Ayaw nitong manatili sa bahay nang walang ginagawa, kaya’t natural lamang na nais niyang tulungan itong muling makabangon.Ang press conference ay naihanda
"Ang isang aksidente sa sasakyan ay nagdulot ng permanenteng kapansanan kay Miss Cassie Lopez. Ang mahigit isang taon ng pagiging comatose ay tuluyang sumira sa kanyang buhay..."Ang reporter na nagtanong sa harapan ay iniabot ang cellphone kay Cassie.Tiningnan ni Eys ang dulo ng balita, at nakita niya ang kanyang pangalan bilang may-akda.Itinuro ni Mason ang cellphone at binasa ang balita. May larawan din doon ni Cassie, nakaupo sa isang bangko sa hardin ng garden hotel, nakasuot ng mahabang palda at nakangiti.Pero ang balitang iyon ay tila muntik nang sirain ang dignidad ni Cassie sa harapan ng lahat.Mula sa kanyang cellphone, itinuro ni Mason ang paligid at nagtanong, “Who is Mary Flor? Stand up.”Bahagyang gumalaw si Eys. Pinilit siyang pigilan ni Vincent. “Huwag...”Wala nang silbi ang pagtanggi sa ganitong sitwasyon.“Ako 'yon.” Tumayo si Eys, at lahat ng mata ay napunta sa kanya.Puno ng pagkabigla ang mukha ni Cassie. “Miss Javier, bakit mo isinulat ito? May nagawa ba akon
"Lumabas ka na muna.""Hindi p'wede!" Sagot ni Vincent. "Sabay tayong pumasok, sabay nating harapin ang problema."Umaliwalas ang lugar, at kaunti na lang ang mga tao sa malaking hall.Nakasandal si Mason sa mahabang mesa. Ang pulang tela sa ibabaw nito ay lalong nagpatingkad sa kanyang anyo. Nakadiretso ang kanyang mga braso habang malamig ang kanyang tingin na nakatuon kay Eys.Dumating din si Shay. Siya ang nag-alaga kay Cassie kaya’t lubos ang kanyang pag-aalala."Miss Javier, hindi ka dapat ganito. Hirap na hirap nang bumangon ang dalaga. Gusto mo pa ba siyang itulak sa kamatayan?"Naglakad palapit si Eys, kalmado, tila walang kinatatakutan."Young Master, Miss Lopez, wala akong kinalaman dito...""Nasa pangalan mo ang press release," sagot ni Shay. "Hindi ko inasahan na makakapagpalusot ka pa sa sitwasyong 'to. Galit ka ba sa alaga ko? Pero binigay na niya ang gamot sa 'yo. Hindi mo na dapat ginagawa ito..."Naunawaan na ni Eys ang nangyayari. Kaunti lang ang may alam na hindi m
"Pinagana ko ang tracking function dito. Kaya nitong mag-record at kumuha ng larawan kung sino man ang gumamit ng laptop ko."Naputol ang ngiti ni Cassie.Hindi nagtagal, lumitaw ang isang mukha sa screen. Kitang-kita na wala nang tao sa paligid kaya’t dali-daling binuksan ng babae ang laptop ni Eys.Natuwa si Vincent, itinuturo ang mukha sa screen. "Hindi ba’t kasamahan natin 'to sa department?"Pero may kakaibang ugali ang babae—mahilig itong magbasa nang malakas habang nagta-type. "Naaksidente si Cassie, kaya’t naging..."Tumitig si Eys kay Mason. "Young Master, mas mabuting suriin mo nang maigi ang taong ito. Ano mang paraan, kaya mong palutangin ang totoo, hindi ba?"Napakagat-labi si Cassie, malamig na pawis ang bumalot sa kanyang likod.Naging malamig ang mga mata ni Eys. "Miss Lopez, naaalala mo pa ba ang insidente ng pagkalat ng litrato noon?"No'ng panahon na iyon, sampal ang inabot ni Eys mula kay Cassie."Isang beses na akong na-frame up, kaya't para akong ibong natatakot
Lumapit si Eys sa lalaki at binuhusan ng alak ang baso nito pagkatapos ay iniabot niya iyon kay Reyes.Hindi ito gumalaw para abutin ang baso at kakaiba ang tingin nito sa kanya, parang masalimuot. "Ikaw ang magpainom sa 'kin."Sa isang club na para sa mayayamang pamilya, ang ganitong hiling ay hindi na bago.Iniangat ni Eys ang baso papunta sa bibig ni Reyes, pero itinulak nito ang kamay niya."Hindi ka ba naturuan? Hindi mo ba alam 'yong paraan ng pagpapainom na tinatawag na mouth to mouth?""Sir Shan, hindi ko ginagawa ang mga bagay na ganyan."Sinuri ni Reyes ang kanyang suot. "Hindi na ako magtataka kung bakit ang tagal mong makaipon ng pera. Kung hindi mo ginagawa ito o iyon, kailangan mong magbayad ng interes."Napakunot ang noo ni Eys, at umayos ng upo si Reyes.Naka-krus ang mahahaba nitong binti habang nagsalita ng kaswal. "Bakit kailangan mong makipagbanggaan kay Cassie kung p'wede ka namang makipag-away sa iba?"Halos lumuwa ang mata ni Eys sa pananahimik, na para bang nag
Binanggit niya ang isang mahabang numero, saka nagpatuloy, “ipinapahayag ko gamit ang tunay kong pangalan na ang anak ni Zon Reyes na si Shan Reyes ay inaabuso ang kapangyarihan ng pamilyang Reyes para gipitin ang ibang tao. Ilang beses niya rin akong tinangkang piliting sipingin at sinubukang pwersahin sa pamamagitan ng mga pekeng utang. Hinihiling ko sa mga kaugnay na ahensya na mahigpit na imbestigahan si Shan Reyes at ang buong pamilyang Reyes.”Halos magdilim ang mukha ng matandang Reyes sa narinig niya sa prerecorded video. Kaya agad na inabot ni Chen ang cellphone ni Eys at dinelete ang video. Pero nanatiling kalmado lang si Eys habang tinitingnan ang ginawang pagdelete ni Chon. "May backup ako sa laptop at email. Alam ko kung ga'no kalaki ang impluwensya ni Mr. Reyes, pero kapag kumalat ito, siguradong magkakaroon 'to ng malaking epekto sa negosyo niyo man o sa personal na buhay."Tahimik lang si Mason habang pinapakinggan ang sinasabi ni Eys. Kalmado ang boses nito, pati na
Hinila ni Reyes ang lubid sa bintana at nasugat ang mga palad niya dahil sa pagkiskis nito dahil sa pag-anagat niya kay Eys.Hindi alintana ni Mason si Reyes na nahihirapan at agad na lumapit siya sa bintana at inilabas ang kanyang kalahating pang-itaas na katawan at dahan-dahang hinila ang lubid din pataas.Walang suot na kahit anong tela si Eys para makahawak ang kahit na sino na hihila sa babae pataas. Mahigpit na hinawakan ni Mason ang bintana gamit ang isang kamay at habang ang kabila naman ay nakayakap sa baywang ng babae para maiangat ito.Ang katawan ni Eys ay sobrang lamig na parang niyayakap ang isang bloke ng yelo si Mason ng mahawakan niya ang katawan nito. May mga yabag sa labas ng pinto pero hindi niya iyon pinansin at inasikaso ang babae. Inilagay ni Mason si Eys sa kama at mabilis na kinuha ang kumot para ibalot ito sa kanya.Bang!Mabilis na sumara ang pinto ng kwarto at pumasok ang matandang Reyes at ang kanyang stepson.Nakatayo lang si Shan malapit sa bintana at na
"Tinalian mo na nga ako, anong silbi ng pagsigaw? P'wede mo namang takpan ang bibig ko, o 'di kaya’y higpitan mo pa ng todo."Nang maisip iyon ni Shan, pumayag siya.Kahit pa sigaw siya nang sigaw, sino bang tutulong sa babae?Tinali ni Shan nang mahigpit si Eys at siniguro ang buhol. Nang matapos, ngumiti ito nang may kasiyahan."Hintayin mo ako."Pero 'di na ito makapaghintay.Pumasok si Shan sa banyo para maligo. Ayaw niyang gumamit ng bathrobe sa lugar na 'yon sa isipang madumi ito kaya lumabas siyang naka-shorts lang.Hindi mapakali si Eys. Alas-dos na.Tiningnan niya si Shan habang papalapit ito. Medyo kinakabahan siya. "Mr. Reyes, p'wede mo na bang ibigay ang IOU ngayon?""Mamaya na pagkatapos natin.""Dinala mo ba? Ipakita mo nga sa ’kin."Gustong yakapin ni Reyes si Eys pero mabilis itong umakyat sa kama. Maliit lang ang kwarto at halos katabi ng kama ang bintana.Napapaatras si Eys papunta sa gitna ng higaan, halatang kinakabahan. Pero hinila siya ni Shan gamit ang lubid par
Mabilis siyang hinila ni Eys papasok at isinara ang pinto. "Mr. Reyes, hindi mo ba naiisip na mas masaya dito? Lagi ka na sigurong nasa mga five-star hotel. Eh, pa'no kung medyo wild ang mangyari? Ayaw mo namang mapahiya, 'di ba?" Rason ni Eys.Tinitigan lang siya ni Shan. Sa bawat salitang binibitawan ng babae, halatang may halong panunukso rito.At nadala siya.Hinila niya si Eys papunta sa kanya at sinubukang halikan ang babae. "Eh, bakit nakatayo ka pa?"Sinubukan siyang itulak ni Eys pero dumampi na ang labi niya sa pisngi nito.Ang bango ni Eys—para itong natural na pamapalibog. Tuluyan nang nawala sa kontrol si Shan."Mr. Reyes, sandali lang!""Hindi ko na kayang maghintay!"Nagpumiglas si Eys mula sa mga bisig nito. "May inihanda ako para sa 'yo.""Ano 'yon?" tanong ni Shan habang bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa babae.Naglakad si Eys papunta sa kama at binuksan ang dala niyang bag. Mula rito, inilabas niya ang makapal na lubid.Tumaas ang kilay ni Shan. "Itatali mo
Sa ganitong bagay, mataas ang pamantayan ni Mason. Bukod sa magandang mukha, gusto niya ng malalambot na kamay at balingkinitang katawan—katulad ng kay Astrid.Nawala ang init na nararamdaman ni Cassie, kaya hindi na niya itinuloy ang ginagawa.Samantala, ang mga marka sa katawan ni Eys na gawa ni Mason ay hindi pa rin nawawala kahit ilang araw na ang lumipas, kaya napilitan siyang magsuot ng mga turtle neck na mga damit araw-araw kahit sobrang init sa Pinas.Mainit sa opisina, kaya tumutulo ang pawis sa noo ni Eys habang nagta-type sa laptop niya. Habang abala at naiinis sa nararamdamang init, biglang may narinig siyang papalapit na mga yabag."Sa wakas, nahanap rin kitang bruha ka," sabi ni Vincent nang tumigil ito sa tabi niya.Tumigil si Eys sa ginagawa at tumingin sa kaibigan. "Sabihin mo na agad."Nagmasid si Vincent sa paligid bago bumulong kay Eys.Mahinang pinisil ni Eys ang kanyang palad. "Sigurado ba 'yang balita mo?""Oo naman! Ginamit ko lahat ng koneksyon ko para dito,"
"Alam mo kung bakit ginawa ni Mason ang mga bagay na 'yon sa 'yo? Para kanino? Para sa 'kin! Para ipakita sa 'kin na kaya ka niyang kunin sa isang pitik niya lang ng daliri!"Narinig ni Eys bawat salita ni Shan, pero hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito."Hindi naman ako umaasa sa kanya at hindi na ako nangangarap ng isang Mason Hunter Sy na luluhod sa 'kin para damputin ako sa lupa gaya ng pagpulit niya kay Miss Lopez," sagot ni Eys, kalmadong tumatawa nang sarkastiko. "Nakakatawa 'yang mga salitang 'hindi makalimutan' at 'hindi kayang bitawan' kung gagamitin sa 'kin."Alam niyang ang tanging hindi kayang bitawan ni Mason ay si Cassie."Kita mo naman kung ga'no kahalaga si Miss Lopez para sa kanya, 'di ba? Iniwan niya ako rito nang hindi man lang iniisip kung anong kahihiyan ang haharapin ko. Kahit mag-iwan ng isang damit para takpan ang sarili ko, wala siyang binigay sa 'kin. Kulang pa ba ang pagaparamdam niya na madumi ako at kaladkarin para hindi pa manuot sa kala
"Young Master," sabi ni Shan na may bahid ng hilaw na ngiti, "lumabas ka rin sa wakas."Dumaan lang si Mason sa tabi nito at sinabihan si Leonardo ng isang salita. "Go."Hindi na kailangang magtaboy ng tao. Nagmamadali na siyang umalis.Naiwan si Eys sa kwarto. Nang sipain ni Shan ang pinto pabukas, nakita niya ang likod ni Eys na nagmamadaling papasok sa loob."Ang tapang mo palang gawin ang ganyan, pero wala kang mukhang maiharap para lumabas?"Ang mabigat nitong boses ay narinig ni Mason kahit ilang hakbang na siyang lumayo. Sandali huminto ang mga paa ng lalaki pero hindi na siya lumingon.Kalahati na ng mga tao ang napaalis ni Leonardo, pero may ilan pa rin ang nasa labas at nakikiusyuso."Master, hahanapan ko ng paraan para palabasin si Miss Javier.""Cassie is here, right at the door."Tumango si Mason at tuluyang lumabas.Si Eys naman ay takot na baka pumasok ang grupo ni Reyes, kaya tumakbo siya sa bintana at nagtago sa likod ng kurtina.Dalawang lalaking kasunod ni Shan ang
"If you asked me to save you, I might agree if my heart softens. But if it's someone else, bakit ko naman gagawin?"Parang gumuho ang mundo ni Eys. Bago pa makapag-isip si Mason kung bakit niya nasabi 'yon, nakita niyang pilit ngumiti ang babae at umiwas ng tingin."I just asked casually, I'm afraid that one day it will really happen.""Eh 'di hayaan mo siyang mamatay."Nanlamig si Eys sa sinabi ni Mason. Parang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa katawan niya.Dapat nga siguro nagpapasalamat siya na hindi niya ibinuhos lahat kay Reyes o naglagay ng malaking tiwala kay Mason. Hirap na nga itong tumulong sa kanya, paa'no pa kaya kay Fiona?Nagpatuloy ang ingay sa labas, kaya napatingin si Eys kay Mason. "P'wede bang gumawa ka ng paraan para paalisin 'yong mga tao?"Naiiritang tumayo si Mason. He didn't want to be blocked like this, so annoying and ridiculous.Kinuha niya ang cellphone niya at tatawagan sana si Leonardo para ayusin ito, pero naunahan siya ng tawag ni Cassie.Tinitigan niya
Biglang malakas na pinukpok ni Shan ang pinto. “Eys, lumabas ka diyan!”Ang kanyang malalaking galaw ay nagsimulang makaakit ng pansin mula sa mga taong naroroon.May mga tao nang lumalapit. “Mr. Shan, anong nangyayari?”Hinithit ni Shan ang sigarilyo. “May nakakita sa kasama kong babae na kinaladkad papasok dito. Ngayon, sabihin niyo nga, nakita niyo ba ako?”Nagtinginan ang lahat sa isa’t isa. “Wala kaming nakita.”Itinapat ni Shan ang camera sa sarili. “Cassie, pupunta ka ba o hindi? Kapag nagtagal ka pa, baka tapos na ang ginagawa nila sa loob, at baka ulitin pa nila. Do you believe it?”Sa loob, binitiwan ni Eys ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa mukha ni Mason.Ang mga mata nito ay malalim, puno ng kadiliman na parang isang demonyo.Nakakatakot talagang tingnan ang lalaki sa ganitong estado.Inangat ni Eys ang pilak na kwintas na dumulas mula sa kanyang balikat habang nakikita niyang magbubukas ng pinto si Mason.Agad niyang hinawakan ang braso nito at bahagyang umiling.