"Pinagana ko ang tracking function dito. Kaya nitong mag-record at kumuha ng larawan kung sino man ang gumamit ng laptop ko."Naputol ang ngiti ni Cassie.Hindi nagtagal, lumitaw ang isang mukha sa screen. Kitang-kita na wala nang tao sa paligid kaya’t dali-daling binuksan ng babae ang laptop ni Eys.Natuwa si Vincent, itinuturo ang mukha sa screen. "Hindi ba’t kasamahan natin 'to sa department?"Pero may kakaibang ugali ang babae—mahilig itong magbasa nang malakas habang nagta-type. "Naaksidente si Cassie, kaya’t naging..."Tumitig si Eys kay Mason. "Young Master, mas mabuting suriin mo nang maigi ang taong ito. Ano mang paraan, kaya mong palutangin ang totoo, hindi ba?"Napakagat-labi si Cassie, malamig na pawis ang bumalot sa kanyang likod.Naging malamig ang mga mata ni Eys. "Miss Lopez, naaalala mo pa ba ang insidente ng pagkalat ng litrato noon?"No'ng panahon na iyon, sampal ang inabot ni Eys mula kay Cassie."Isang beses na akong na-frame up, kaya't para akong ibong natatakot
Lumapit si Eys sa lalaki at binuhusan ng alak ang baso nito pagkatapos ay iniabot niya iyon kay Reyes.Hindi ito gumalaw para abutin ang baso at kakaiba ang tingin nito sa kanya, parang masalimuot. "Ikaw ang magpainom sa 'kin."Sa isang club na para sa mayayamang pamilya, ang ganitong hiling ay hindi na bago.Iniangat ni Eys ang baso papunta sa bibig ni Reyes, pero itinulak nito ang kamay niya."Hindi ka ba naturuan? Hindi mo ba alam 'yong paraan ng pagpapainom na tinatawag na mouth to mouth?""Sir Shan, hindi ko ginagawa ang mga bagay na ganyan."Sinuri ni Reyes ang kanyang suot. "Hindi na ako magtataka kung bakit ang tagal mong makaipon ng pera. Kung hindi mo ginagawa ito o iyon, kailangan mong magbayad ng interes."Napakunot ang noo ni Eys, at umayos ng upo si Reyes.Naka-krus ang mahahaba nitong binti habang nagsalita ng kaswal. "Bakit kailangan mong makipagbanggaan kay Cassie kung p'wede ka namang makipag-away sa iba?"Halos lumuwa ang mata ni Eys sa pananahimik, na para bang nag
Inabot ni Mason ang kanyang leeg at kinalas ang dalawang butones ng suot nito. Nang tila hindi sapat, kinalas din niya ang pangatlo."Aren't you good at making a fool of yourself in a man's arms? Come kn, smile for me."Nanigas ang mukha ni Eys. Alam niyang hindi maganda ang mood ni Mason ngayong gabi.Ayaw niyang maging sanhi ng gulo, kaya pilit niyang iniangat ang kanyang labi."How much is your smile worth? Come again."Hindi na napigilan ni Eysang sarili, "sir, huwag mo akong gawing clown mo.""Aren't the people in this place here to make fun of people?"Hindi na nagsalita si Eys at umupo na lang sa tabi ni Mason. Hindi sinasadyang dumampi ang daliri ni Reyes sa labi ni Eys kanina, na nag-iwan ng bahagyang bakas ng kanyang lipstick sa mukha niya.Na hindi nakaiwas din kay Mason. "Have you kissed someone?"Nagulat si Eys at agad na pinunasan ang kanyang bibig.Lalong kumalat ang lipstick sa kanyang mukha dahil sa ginawa niya. Hinawakan naman ni Mason ang kanyang pulso at napansing
Bahagyang lumitaw ang bahagi ng kanyang baywang, at nais ni Mason na ipasok ang kanyang mga kamay, haplusin ang magkabilang tadyang ng kanyang palad, at buoin ang kanyang mga kamay sa harap ni Eys.Inisip niya ito, at ginawa niya talaga.Hinatak ni Mason si Eys para paupuin sa kanyang kandungan. Gusto sanang tumayo ni Eys, para bang naupo siya sa nagbabagang upuan.Inikot ni Mason ang kanyang braso sa baywang nito. "You have been here for a 5t666"Hindi pa.""Sino ang maniniwala kung sabihin ko sa iba?""Sir, nandito lang po ako para samahan kayong uminom."Sinubukan niyang tumayo, pero pinigilan ni Mason ang kanyang binti. "Kaya, ito ba ang isa pang presyo?"Nagkasagutan silang dalawa, at malinaw na si Eys ang nasa mahinang posisyon. Manipis ang kanyang suot, kaya’t saan man dumampi ang kamay ni Mason ay parang nagbabagang bakal na tumatama sa kanyang balat.Hindi sarado ang pinto ng kwarto, kaya’t biglang may pumasok."Hello, narito po ang inorder ninyong takeaway."Nang marinig ito
Sakto namang dumating si Sister Bing mula sa di kalayuan. Isang tingin lang niya sa mga ito, agad itin tumahimik at nagsilayuan sa kanila ng kaniyang nanay.Hawak pa rin ni Carina si Eys habang palabas sila. Umiihip ang malamig na hangin, madilim at malamig, pero hindi ito magawang labanan ni Eys.Biglang nag-ring ang telepono sa bulsa ni Carina. "May bagong order ka."Patuloy pa rin ang ambon sa labas. Nang pumasok ito kanina, iniwan nito ang kanyang raincoat sa tabi.Hindi mapakali si Eys, at ang puso niya’y parang pinipilipit. Ngayon lang niya naramdaman kung gaano siya kahiyang-hiya at kaawa-awa."Mama," may halong hikbi sa kanyang boses. "Pasensya na po."Bagaman wala siyang magawa kundi pumasok sa ganitong lugar, hindi pa rin niya magawang harapin ang kanyang pamilya nang buong tapang.Huminto si Carina, at marahan namang ipinikit ni Eys ang kanyang mga mata. "Sampalin mo na po ako."Tinitigan ng ina ang kanyang anak habang napupuno ng dalamhati ang puso niya. Madaming tao ang l
"Oo, pangalawang beses ko nang pumasok dito, pero ako..." Nabilaukan si Eys, halos hindi na makapagsalita. "Ano bang nagawa ko sa 'yo? Hindi ba sapat na ako na lang? Huwag mong idamay ang pamilya ko."Hindi alam ni Eys kung paano ipapaliwanag ang lahat sa mama niya kapag umuwi siya.Sabihin ba niyang wala siyang magawa? Wala siyang pagpipilian?Takot siya. Sobrang takot.Tinitigan niya ang alak sa mesa, kinuha niya ang bote, at inilapit ito sa kanyang bibig. Siguro kung malasing siya, hindi na niya kailangang harapin ang lahat.Pumikit si Eys at sunud-sunod na lagok ang ginawa niya sa alak. Maya-maya ay naramdaman niya ang matinding hapdi sa kanyang lalamunan.Pinanood lang ni Mason ang babae noong una, iniisip na nawawala lang ito sa sarili kaya hinayaan niya.Pero nang makalahati na ang bote, nagsimulang kumunot ang noo ni Mason. Pinipilit ba nitong lasingin ang sarili hanggang sa mamatay siya?Lumapit si Mason at hinawakan ang pulso ni Eys. "Don't drink anymore."Itong lalaking ito
Tumama na ang epekto ng alak. Sa lakas nito, walang halo at puro niya pang ininom, mabilis nitong inalog ang kanyang isipan.Sinubukan niyang bumangon, pero masakit ang kanyang tiyan at tila dalawang Mason ang nakikita niya na mas lalong nagpasakit sa kaniyang ulo.Inabot ng lalaki ang kanyang mukha at bahagyang tinapik ito, pero mabilis niyang sinampal paalis ang kamay ng lalaki."Huwag mo akong hawakan."Iniisip ba ni Mason na aso niya siya?Bakit siya kailangang tapikin?Hinila siya ni Mason patayo. "Tara na."Subalit, ayaw ni Eys lumapit sa pintuan. Sa unang pagkakataon, naisip niyang tumakas. Pero hindi niya kayang malasing nang todo at tuluyang mawalan ng kontrol. Sa likod ng lahat, nananatili pa rin ang kanyang kaunting katinuan."Maaga pa ba? Ayoko pang umuwi.""You still want to sleep here?" Tanong ni Mason habang binuksan ang kanyang coat at binalot si Eys dito. Magkasama silang naglakad sa pasilyo, hindi nararamdaman ang lamig.Lasing na lasing si Eys, at ang kanyang mga ta
Hindi na naglakas-loob si Eys na magtagal, at lalo namang hindi niya nagawang iwan ang telepono ni Mason doon.Lumabas siya ng banyo sa parehong posisyon, at pagkadating sa labas, nakita niyang naghihintay si Mason.Gustong bumalik ni Eys sa bisig nito upang maibalik nang maayos ang telepono, pero itinulak ni Mason ang balikat niya. "Have you vomited?""Oo, medyo gumaan na ang pakiramdam ko.""Then stay away from me."Mahigpit niyang hinawakan ang telepono, natatakot na baka muling tumawag si Cassie.Tiningnan ni Mason ang nakalantad niyang balikat. "Go change your clothes."Nagkaroon ng ideya si Eys. "Ang lamig kasi.""You are almost naked, if you are cold, who is cold?"Nagsimulang manginig si Eys, at nanginginig ang mga labi nito. "Nilalamig talaga ako."Hindi siya likas na mabait na tao, pero hindi niya kayang balewalain ang namamasang mga mata ni Eys. Tinanggal ni Mason ang kanyang mahabang coat at ipinatong iyon sa babae. "Are you feeling better?""Oo, mainit."Pumunta siya sa r
Binanggit niya ang isang mahabang numero, saka nagpatuloy, “ipinapahayag ko gamit ang tunay kong pangalan na ang anak ni Zon Reyes na si Shan Reyes ay inaabuso ang kapangyarihan ng pamilyang Reyes para gipitin ang ibang tao. Ilang beses niya rin akong tinangkang piliting sipingin at sinubukang pwersahin sa pamamagitan ng mga pekeng utang. Hinihiling ko sa mga kaugnay na ahensya na mahigpit na imbestigahan si Shan Reyes at ang buong pamilyang Reyes.”Halos magdilim ang mukha ng matandang Reyes sa narinig niya sa prerecorded video. Kaya agad na inabot ni Chen ang cellphone ni Eys at dinelete ang video. Pero nanatiling kalmado lang si Eys habang tinitingnan ang ginawang pagdelete ni Chon. "May backup ako sa laptop at email. Alam ko kung ga'no kalaki ang impluwensya ni Mr. Reyes, pero kapag kumalat ito, siguradong magkakaroon 'to ng malaking epekto sa negosyo niyo man o sa personal na buhay."Tahimik lang si Mason habang pinapakinggan ang sinasabi ni Eys. Kalmado ang boses nito, pati na
Hinila ni Reyes ang lubid sa bintana at nasugat ang mga palad niya dahil sa pagkiskis nito dahil sa pag-anagat niya kay Eys.Hindi alintana ni Mason si Reyes na nahihirapan at agad na lumapit siya sa bintana at inilabas ang kanyang kalahating pang-itaas na katawan at dahan-dahang hinila ang lubid din pataas.Walang suot na kahit anong tela si Eys para makahawak ang kahit na sino na hihila sa babae pataas. Mahigpit na hinawakan ni Mason ang bintana gamit ang isang kamay at habang ang kabila naman ay nakayakap sa baywang ng babae para maiangat ito.Ang katawan ni Eys ay sobrang lamig na parang niyayakap ang isang bloke ng yelo si Mason ng mahawakan niya ang katawan nito. May mga yabag sa labas ng pinto pero hindi niya iyon pinansin at inasikaso ang babae. Inilagay ni Mason si Eys sa kama at mabilis na kinuha ang kumot para ibalot ito sa kanya.Bang!Mabilis na sumara ang pinto ng kwarto at pumasok ang matandang Reyes at ang kanyang stepson.Nakatayo lang si Shan malapit sa bintana at na
"Tinalian mo na nga ako, anong silbi ng pagsigaw? P'wede mo namang takpan ang bibig ko, o 'di kaya’y higpitan mo pa ng todo."Nang maisip iyon ni Shan, pumayag siya.Kahit pa sigaw siya nang sigaw, sino bang tutulong sa babae?Tinali ni Shan nang mahigpit si Eys at siniguro ang buhol. Nang matapos, ngumiti ito nang may kasiyahan."Hintayin mo ako."Pero 'di na ito makapaghintay.Pumasok si Shan sa banyo para maligo. Ayaw niyang gumamit ng bathrobe sa lugar na 'yon sa isipang madumi ito kaya lumabas siyang naka-shorts lang.Hindi mapakali si Eys. Alas-dos na.Tiningnan niya si Shan habang papalapit ito. Medyo kinakabahan siya. "Mr. Reyes, p'wede mo na bang ibigay ang IOU ngayon?""Mamaya na pagkatapos natin.""Dinala mo ba? Ipakita mo nga sa ’kin."Gustong yakapin ni Reyes si Eys pero mabilis itong umakyat sa kama. Maliit lang ang kwarto at halos katabi ng kama ang bintana.Napapaatras si Eys papunta sa gitna ng higaan, halatang kinakabahan. Pero hinila siya ni Shan gamit ang lubid par
Mabilis siyang hinila ni Eys papasok at isinara ang pinto. "Mr. Reyes, hindi mo ba naiisip na mas masaya dito? Lagi ka na sigurong nasa mga five-star hotel. Eh, pa'no kung medyo wild ang mangyari? Ayaw mo namang mapahiya, 'di ba?" Rason ni Eys.Tinitigan lang siya ni Shan. Sa bawat salitang binibitawan ng babae, halatang may halong panunukso rito.At nadala siya.Hinila niya si Eys papunta sa kanya at sinubukang halikan ang babae. "Eh, bakit nakatayo ka pa?"Sinubukan siyang itulak ni Eys pero dumampi na ang labi niya sa pisngi nito.Ang bango ni Eys—para itong natural na pamapalibog. Tuluyan nang nawala sa kontrol si Shan."Mr. Reyes, sandali lang!""Hindi ko na kayang maghintay!"Nagpumiglas si Eys mula sa mga bisig nito. "May inihanda ako para sa 'yo.""Ano 'yon?" tanong ni Shan habang bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa babae.Naglakad si Eys papunta sa kama at binuksan ang dala niyang bag. Mula rito, inilabas niya ang makapal na lubid.Tumaas ang kilay ni Shan. "Itatali mo
Sa ganitong bagay, mataas ang pamantayan ni Mason. Bukod sa magandang mukha, gusto niya ng malalambot na kamay at balingkinitang katawan—katulad ng kay Astrid.Nawala ang init na nararamdaman ni Cassie, kaya hindi na niya itinuloy ang ginagawa.Samantala, ang mga marka sa katawan ni Eys na gawa ni Mason ay hindi pa rin nawawala kahit ilang araw na ang lumipas, kaya napilitan siyang magsuot ng mga turtle neck na mga damit araw-araw kahit sobrang init sa Pinas.Mainit sa opisina, kaya tumutulo ang pawis sa noo ni Eys habang nagta-type sa laptop niya. Habang abala at naiinis sa nararamdamang init, biglang may narinig siyang papalapit na mga yabag."Sa wakas, nahanap rin kitang bruha ka," sabi ni Vincent nang tumigil ito sa tabi niya.Tumigil si Eys sa ginagawa at tumingin sa kaibigan. "Sabihin mo na agad."Nagmasid si Vincent sa paligid bago bumulong kay Eys.Mahinang pinisil ni Eys ang kanyang palad. "Sigurado ba 'yang balita mo?""Oo naman! Ginamit ko lahat ng koneksyon ko para dito,"
"Alam mo kung bakit ginawa ni Mason ang mga bagay na 'yon sa 'yo? Para kanino? Para sa 'kin! Para ipakita sa 'kin na kaya ka niyang kunin sa isang pitik niya lang ng daliri!"Narinig ni Eys bawat salita ni Shan, pero hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito."Hindi naman ako umaasa sa kanya at hindi na ako nangangarap ng isang Mason Hunter Sy na luluhod sa 'kin para damputin ako sa lupa gaya ng pagpulit niya kay Miss Lopez," sagot ni Eys, kalmadong tumatawa nang sarkastiko. "Nakakatawa 'yang mga salitang 'hindi makalimutan' at 'hindi kayang bitawan' kung gagamitin sa 'kin."Alam niyang ang tanging hindi kayang bitawan ni Mason ay si Cassie."Kita mo naman kung ga'no kahalaga si Miss Lopez para sa kanya, 'di ba? Iniwan niya ako rito nang hindi man lang iniisip kung anong kahihiyan ang haharapin ko. Kahit mag-iwan ng isang damit para takpan ang sarili ko, wala siyang binigay sa 'kin. Kulang pa ba ang pagaparamdam niya na madumi ako at kaladkarin para hindi pa manuot sa kala
"Young Master," sabi ni Shan na may bahid ng hilaw na ngiti, "lumabas ka rin sa wakas."Dumaan lang si Mason sa tabi nito at sinabihan si Leonardo ng isang salita. "Go."Hindi na kailangang magtaboy ng tao. Nagmamadali na siyang umalis.Naiwan si Eys sa kwarto. Nang sipain ni Shan ang pinto pabukas, nakita niya ang likod ni Eys na nagmamadaling papasok sa loob."Ang tapang mo palang gawin ang ganyan, pero wala kang mukhang maiharap para lumabas?"Ang mabigat nitong boses ay narinig ni Mason kahit ilang hakbang na siyang lumayo. Sandali huminto ang mga paa ng lalaki pero hindi na siya lumingon.Kalahati na ng mga tao ang napaalis ni Leonardo, pero may ilan pa rin ang nasa labas at nakikiusyuso."Master, hahanapan ko ng paraan para palabasin si Miss Javier.""Cassie is here, right at the door."Tumango si Mason at tuluyang lumabas.Si Eys naman ay takot na baka pumasok ang grupo ni Reyes, kaya tumakbo siya sa bintana at nagtago sa likod ng kurtina.Dalawang lalaking kasunod ni Shan ang
"If you asked me to save you, I might agree if my heart softens. But if it's someone else, bakit ko naman gagawin?"Parang gumuho ang mundo ni Eys. Bago pa makapag-isip si Mason kung bakit niya nasabi 'yon, nakita niyang pilit ngumiti ang babae at umiwas ng tingin."I just asked casually, I'm afraid that one day it will really happen.""Eh 'di hayaan mo siyang mamatay."Nanlamig si Eys sa sinabi ni Mason. Parang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa katawan niya.Dapat nga siguro nagpapasalamat siya na hindi niya ibinuhos lahat kay Reyes o naglagay ng malaking tiwala kay Mason. Hirap na nga itong tumulong sa kanya, paa'no pa kaya kay Fiona?Nagpatuloy ang ingay sa labas, kaya napatingin si Eys kay Mason. "P'wede bang gumawa ka ng paraan para paalisin 'yong mga tao?"Naiiritang tumayo si Mason. He didn't want to be blocked like this, so annoying and ridiculous.Kinuha niya ang cellphone niya at tatawagan sana si Leonardo para ayusin ito, pero naunahan siya ng tawag ni Cassie.Tinitigan niya
Biglang malakas na pinukpok ni Shan ang pinto. “Eys, lumabas ka diyan!”Ang kanyang malalaking galaw ay nagsimulang makaakit ng pansin mula sa mga taong naroroon.May mga tao nang lumalapit. “Mr. Shan, anong nangyayari?”Hinithit ni Shan ang sigarilyo. “May nakakita sa kasama kong babae na kinaladkad papasok dito. Ngayon, sabihin niyo nga, nakita niyo ba ako?”Nagtinginan ang lahat sa isa’t isa. “Wala kaming nakita.”Itinapat ni Shan ang camera sa sarili. “Cassie, pupunta ka ba o hindi? Kapag nagtagal ka pa, baka tapos na ang ginagawa nila sa loob, at baka ulitin pa nila. Do you believe it?”Sa loob, binitiwan ni Eys ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa mukha ni Mason.Ang mga mata nito ay malalim, puno ng kadiliman na parang isang demonyo.Nakakatakot talagang tingnan ang lalaki sa ganitong estado.Inangat ni Eys ang pilak na kwintas na dumulas mula sa kanyang balikat habang nakikita niyang magbubukas ng pinto si Mason.Agad niyang hinawakan ang braso nito at bahagyang umiling.