Ang kanyang mga mata ay puno ng hindi pagkapaniwala na nakatingin pa rin kay Leonardo.“Sabi sa 'kin ni Young Master, bigyan daw kita ng isang kahon para subukan.”Biglang naging mas buhay ang mga bawat parte ng mukha ni Eys, at mahigpit niyang hinawakan ang kahon ng gamot tila takot na baka bawiin at panaginip lang ang lahat, “salamat.”Labis-labis ang kaniyang tuwa at kahit nanginginig sa lamig ay dali-dali na siyang lumabas. Tiningnan na lang ni Leonardo ang kaniyang likod. Napailing ito sa pinaggagagawa ng babae para lang mailigtas ang buhay ng kapatid, kahit si kamatayan ay handa nitong kalabanin. Napabuntong-hininga na lang siya at pumasok sa bahay.Sakto namang pababa si Mason mula sa kwarto nito sa itaas, “Is she gone already?”“Opo,” may halong pagtataka si Leonardo, “Young Master, bakit ka pumayag na ibigay sa kaniya 'yong gamot?”Sa isip-isip ni Leonardo, 'Naaawa ba 'to? Parang hindi naman.'Sumandal si Mason sa kinatatayuan at pumikit si nang bahagya at sinabi, “If you don
Habang nagsasalita, biglang lumapit si Kai sa mukha ni Eys, tila nais siyang halikan kahit pinapakita lang nito ang bibig na nagsasalita.Inilingon niya ang nanlalamig na mukha snaibang direksiyon para hindi magtama ang kanilang labi, “talaga? Talaga bang hinanap mo siya't pinakiusapan?”“Ano’ng ibig mong sabihin...” dumilim ang mukha ni Kai, “pinagdududahan mo ba ako?”“Kai Rylan,” mapait ang ngiti ni Eys sa lalaki, “sulit bang kalabanin si Maosn Hunter Sy para sa akin?”Iniikot ni Kai Rylan ang manibela, papunta sa kabaligtaran ng kanilang dapat na ruta.Pinaandar ng lalaki ang sasakyan hanggang huminto ito sa harap ng isang bahay na may malawak na bakuran.Hinila ni Kai si Eys palabas ng kotse kahit hindi alam ng babae kung bakit sila huminto. Halos hindi na niya masabayan ang bilis ng lakad nito.“Bitawan mo ako! Sa'n mo ako dadalhin?”Nakakatakot ang dilim na nakapaskil sa mukha ni Kai. Dinala siya nito sa loob ng bakuran ng mansiyon at pumasok dito.Binuksan ng lalaki ang pinto
Pero tila nabasa ni Mason ang iniisip niya at pinutol ang dapat na sana niyang pagbuga ng apoy dito, “ang tanong ko ay kung epektibo ba 'yong mga gamot na ginamit niya noon.” Nakangisi na ito ngayon na tila tuwang-tuwa na pinaglalaruan sila.Halos mapatirik ang mata ni Kai Rylan sa pagkadisgusto sa tanong ng kaibigan, “kung epektibo 'yon, bakit pa ako magmamakaawa sa 'yo?”Mason almost scoffed at Kai Rylan's sarcasm, “do you really wanna help, Miss Javier, for her sister's recovery?”"Nonsense question, alam mo namang future wife ko ang pinag-uusapan natin dito.”Mas misteryosong ngumiti si Mason tila may naiisip na namang kalokohan, “parating na ang bisita ko. Let's eat together.”Nang tatayo na sana si Eys para umalis dahil nakakahiyang makisabay sa pagkain at baka hindi pa siya matunawan pero agad namana siyang pinigilan ni Kai.“Huwag ka munang umalis, baka pumayag siyang ibigay 'yong gamot mamaya.”Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating ang bisita ni Mason.Pagtingala ni Eys, ma
Pinilit niyang pigilan ang mga luha na halos bumagsak mula sa kanyang mga mata. Mas gugustuhin na lang niyang makita siya ng mga itong sugatan, kaysa naman sa umiiyak at naghahanap ng kakampi.Dahil sa tumataas na presyon ar sagutan ni Lily at Kai ay tumayo na siya at nagsabing, “Excuse me, pupunta lang ako sa banyo.”Mabilis na lumabas si Eys sa mansiyon at nagtungo sa. kaparehong hardin na tinambayan niya kahapon. Nakakita siya ng lababo kaya agad siyang naghugas ng kamay. Habang abala sa pagkuskos ng mga daliri at lumilipad ang isip ay nakatanggap siya ng tawag galing kay Mason.Nag-atubili man siya ngunit sinagot pa rin niya ang tawag.Isang mababang boses ang nagsalita, “I have a medicine now, do you want it?”Sa kabilang banda, itinulak ni Mason ang isang kahon ng gamot sa harap ni Kai Rylan. “I think miss Javier is so anxious about her sister's condition.”Hindi ito kinuha ni Kai at nanatiling nakatingin lang sa kahon ng gamot. “I saw her sister a couple of times already, at pa
Sa isip ni Mason hindi niya kailangang angkinin si Eys dahil kayang-kaya naman niya itong palapitin sa kaniya. Bukod pa rito, hindi niya gusto biglain ang babae dahil baka bigla na lang itong tumigil sa pinaglalaban nito sa tuwing gustong maglaro ni Mason nang ilang beses, kaya nagsisimula na rin siyang mainip.Habang sa kabilang banda, hindi tumigil sa pag-inom si Freya ng gamot nang sunud-sunod sa loob ng ilang araw, at lalo pang bumuti ang pakiramdam nito. Nagawa pa nitong umakyat at bumaba ng bahay upang maglakad-lakad at minsa'y nakakatambay na sa labas ng bahay para magpahangin.Pero walang forevers sabi nga ng karamihan. Sa pagsapit ng ikasampung araw, ubos na ang kahon ng gamot kaya hindi maiwasan mag-alala ni Eys. Hindi niya alam kung ano ang sunod na hakbang na gagawin.Matapos patulugin si Freya, palihim na lumabas ng bahay si Eys.Hindi niya alam kung ano ang sasabihin pagdating niya sa mansiyon ng mga Sy, ngunit mas pipiliin niyang lumuhod doon kaysa maghintay sa bahay ha
“Ano'ng ibig sabihin niyong wala na pong pag-asa? Nawalan lang ng malay ang kapatid ko. Nahimatay lang si Freya!” Pagmamakaawa niya kahit balot na balot pa siya ng masangsang na amoy at pinagtitinginan na sa hallway ng ospital.“Doktor, hindi... maawa po kayo. Gawin niyo po ang lahat ng makakaya niyo,” tinitigan ni Eys ang kapatid niyang nakahiga nang mag-isa sa hospital bed. Napalitan na ito ng damit at walang oxygen na nakakabit sa ilong nito. Lupaypay at wala ng kulay ang balat. Hindi na siya sinagot ng doktor at tinalikuran. Dahil sa desperasyon, hinabol niya ang doktor at pilit na pinigilan itong umalis, pero tinulak lang siya nito nang padabog.Punong-puno ng mga tao ang emergency room, lahat naghihintay na mailigtas ang buhay ng mga mahal sa buhay nila at isa na siya roon.Samantalang ang kapatid niya, naghihintay na lang na bawian ng buhay.Nang dumating ang kanilang ina sa ospital, labis ang kanyang sama ng loob sa lahat ng nangyari at ang kawalan ng magagawa ang pumapatay s
Bumaba si Mason at nilapitan ang babae at tumingala, ang matatalim na ulan ay tumama sa kanyang mukha. "Young Master..." Pagtawag ni Leonardo.“Saving life is more important than anything else in this world ,” pumikit si Mason at bumaling kay Leonardo na nakalapit na sa tabi niya, “Ikaw na ang bahala rito.”"Opo." Mabilis nitong sagot na para bang naintindihan agad ang sinabi ng amo.Bago makagalaw si Eys sa kinatatayuan, narinig niya ang tanong ni Mason, "do you want to come with me?""Nag-aalala ako sa kalagayan ng kapatid ko sa ospital."Binuksan ni Mason ang pinto papasok na sila sa penthouse nito. "Miss Javier, you came to see me for the same reason? Wala ka na bang ibang pakay sa 'kin?"Sa puntong iyon, napakababa na ang mukha ni Eys, halos hindi na niya ito matingnan. "Babalik na lang ako kapag nagising na ang kapatid ko."Pumasok si Mason sa silid at tumayo sa may pintuan. Ang liwanag mula sa loob ng penthouse ay bumabagsak at tumama sa kanyang pigura. "Who is this person so p
Kasama ang sakit at sarap dahil sa kuko nitong kumakalmot din sa kaniyang balat."Masakit--"Hindi na kaya ni Eys ang kiliting nararamdaman, nanginginig na ang kanyang boses, maramdamin at kaakit-akit.Pero ang pinaka-nagdurusa sa sandaling iyon ay si Leonardo. Halos tumayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil sa naririnig niya sa kabilang linya at ayaw niya na isipin kung ano ang ginagawa ng amo at ng babaeng kasama nito. Hindi niya na maayos na mahawakan ang telepono kaya nahulog ito sa sahig ng ospital.Hindi siya kilala ng ina ni Eys, ngunit itinuring siya nitomg tagapagligtas. Bago pa makayuko si Leonardo, nagmamadali itong lumapit at kinuha ang telepono at iniabot sa kaniya. Habang si Eys ay kinakabahan at sobrang tense ang katawan. Bilang kapalit, bahagyang sinaway siya ni Mason gamit ang mahina ngunit maskulado nitong boses.Muling napatingin ang ina ni Eys sa screen ng telepono ni Leonardo, ngunit hindi niya ito makita nang malinaw dahil sa kakaibang screen ng telepon
Binanggit niya ang isang mahabang numero, saka nagpatuloy, “ipinapahayag ko gamit ang tunay kong pangalan na ang anak ni Zon Reyes na si Shan Reyes ay inaabuso ang kapangyarihan ng pamilyang Reyes para gipitin ang ibang tao. Ilang beses niya rin akong tinangkang piliting sipingin at sinubukang pwersahin sa pamamagitan ng mga pekeng utang. Hinihiling ko sa mga kaugnay na ahensya na mahigpit na imbestigahan si Shan Reyes at ang buong pamilyang Reyes.”Halos magdilim ang mukha ng matandang Reyes sa narinig niya sa prerecorded video. Kaya agad na inabot ni Chen ang cellphone ni Eys at dinelete ang video. Pero nanatiling kalmado lang si Eys habang tinitingnan ang ginawang pagdelete ni Chon. "May backup ako sa laptop at email. Alam ko kung ga'no kalaki ang impluwensya ni Mr. Reyes, pero kapag kumalat ito, siguradong magkakaroon 'to ng malaking epekto sa negosyo niyo man o sa personal na buhay."Tahimik lang si Mason habang pinapakinggan ang sinasabi ni Eys. Kalmado ang boses nito, pati na
Hinila ni Reyes ang lubid sa bintana at nasugat ang mga palad niya dahil sa pagkiskis nito dahil sa pag-anagat niya kay Eys.Hindi alintana ni Mason si Reyes na nahihirapan at agad na lumapit siya sa bintana at inilabas ang kanyang kalahating pang-itaas na katawan at dahan-dahang hinila ang lubid din pataas.Walang suot na kahit anong tela si Eys para makahawak ang kahit na sino na hihila sa babae pataas. Mahigpit na hinawakan ni Mason ang bintana gamit ang isang kamay at habang ang kabila naman ay nakayakap sa baywang ng babae para maiangat ito.Ang katawan ni Eys ay sobrang lamig na parang niyayakap ang isang bloke ng yelo si Mason ng mahawakan niya ang katawan nito. May mga yabag sa labas ng pinto pero hindi niya iyon pinansin at inasikaso ang babae. Inilagay ni Mason si Eys sa kama at mabilis na kinuha ang kumot para ibalot ito sa kanya.Bang!Mabilis na sumara ang pinto ng kwarto at pumasok ang matandang Reyes at ang kanyang stepson.Nakatayo lang si Shan malapit sa bintana at na
"Tinalian mo na nga ako, anong silbi ng pagsigaw? P'wede mo namang takpan ang bibig ko, o 'di kaya’y higpitan mo pa ng todo."Nang maisip iyon ni Shan, pumayag siya.Kahit pa sigaw siya nang sigaw, sino bang tutulong sa babae?Tinali ni Shan nang mahigpit si Eys at siniguro ang buhol. Nang matapos, ngumiti ito nang may kasiyahan."Hintayin mo ako."Pero 'di na ito makapaghintay.Pumasok si Shan sa banyo para maligo. Ayaw niyang gumamit ng bathrobe sa lugar na 'yon sa isipang madumi ito kaya lumabas siyang naka-shorts lang.Hindi mapakali si Eys. Alas-dos na.Tiningnan niya si Shan habang papalapit ito. Medyo kinakabahan siya. "Mr. Reyes, p'wede mo na bang ibigay ang IOU ngayon?""Mamaya na pagkatapos natin.""Dinala mo ba? Ipakita mo nga sa ’kin."Gustong yakapin ni Reyes si Eys pero mabilis itong umakyat sa kama. Maliit lang ang kwarto at halos katabi ng kama ang bintana.Napapaatras si Eys papunta sa gitna ng higaan, halatang kinakabahan. Pero hinila siya ni Shan gamit ang lubid par
Mabilis siyang hinila ni Eys papasok at isinara ang pinto. "Mr. Reyes, hindi mo ba naiisip na mas masaya dito? Lagi ka na sigurong nasa mga five-star hotel. Eh, pa'no kung medyo wild ang mangyari? Ayaw mo namang mapahiya, 'di ba?" Rason ni Eys.Tinitigan lang siya ni Shan. Sa bawat salitang binibitawan ng babae, halatang may halong panunukso rito.At nadala siya.Hinila niya si Eys papunta sa kanya at sinubukang halikan ang babae. "Eh, bakit nakatayo ka pa?"Sinubukan siyang itulak ni Eys pero dumampi na ang labi niya sa pisngi nito.Ang bango ni Eys—para itong natural na pamapalibog. Tuluyan nang nawala sa kontrol si Shan."Mr. Reyes, sandali lang!""Hindi ko na kayang maghintay!"Nagpumiglas si Eys mula sa mga bisig nito. "May inihanda ako para sa 'yo.""Ano 'yon?" tanong ni Shan habang bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa babae.Naglakad si Eys papunta sa kama at binuksan ang dala niyang bag. Mula rito, inilabas niya ang makapal na lubid.Tumaas ang kilay ni Shan. "Itatali mo
Sa ganitong bagay, mataas ang pamantayan ni Mason. Bukod sa magandang mukha, gusto niya ng malalambot na kamay at balingkinitang katawan—katulad ng kay Astrid.Nawala ang init na nararamdaman ni Cassie, kaya hindi na niya itinuloy ang ginagawa.Samantala, ang mga marka sa katawan ni Eys na gawa ni Mason ay hindi pa rin nawawala kahit ilang araw na ang lumipas, kaya napilitan siyang magsuot ng mga turtle neck na mga damit araw-araw kahit sobrang init sa Pinas.Mainit sa opisina, kaya tumutulo ang pawis sa noo ni Eys habang nagta-type sa laptop niya. Habang abala at naiinis sa nararamdamang init, biglang may narinig siyang papalapit na mga yabag."Sa wakas, nahanap rin kitang bruha ka," sabi ni Vincent nang tumigil ito sa tabi niya.Tumigil si Eys sa ginagawa at tumingin sa kaibigan. "Sabihin mo na agad."Nagmasid si Vincent sa paligid bago bumulong kay Eys.Mahinang pinisil ni Eys ang kanyang palad. "Sigurado ba 'yang balita mo?""Oo naman! Ginamit ko lahat ng koneksyon ko para dito,"
"Alam mo kung bakit ginawa ni Mason ang mga bagay na 'yon sa 'yo? Para kanino? Para sa 'kin! Para ipakita sa 'kin na kaya ka niyang kunin sa isang pitik niya lang ng daliri!"Narinig ni Eys bawat salita ni Shan, pero hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito."Hindi naman ako umaasa sa kanya at hindi na ako nangangarap ng isang Mason Hunter Sy na luluhod sa 'kin para damputin ako sa lupa gaya ng pagpulit niya kay Miss Lopez," sagot ni Eys, kalmadong tumatawa nang sarkastiko. "Nakakatawa 'yang mga salitang 'hindi makalimutan' at 'hindi kayang bitawan' kung gagamitin sa 'kin."Alam niyang ang tanging hindi kayang bitawan ni Mason ay si Cassie."Kita mo naman kung ga'no kahalaga si Miss Lopez para sa kanya, 'di ba? Iniwan niya ako rito nang hindi man lang iniisip kung anong kahihiyan ang haharapin ko. Kahit mag-iwan ng isang damit para takpan ang sarili ko, wala siyang binigay sa 'kin. Kulang pa ba ang pagaparamdam niya na madumi ako at kaladkarin para hindi pa manuot sa kala
"Young Master," sabi ni Shan na may bahid ng hilaw na ngiti, "lumabas ka rin sa wakas."Dumaan lang si Mason sa tabi nito at sinabihan si Leonardo ng isang salita. "Go."Hindi na kailangang magtaboy ng tao. Nagmamadali na siyang umalis.Naiwan si Eys sa kwarto. Nang sipain ni Shan ang pinto pabukas, nakita niya ang likod ni Eys na nagmamadaling papasok sa loob."Ang tapang mo palang gawin ang ganyan, pero wala kang mukhang maiharap para lumabas?"Ang mabigat nitong boses ay narinig ni Mason kahit ilang hakbang na siyang lumayo. Sandali huminto ang mga paa ng lalaki pero hindi na siya lumingon.Kalahati na ng mga tao ang napaalis ni Leonardo, pero may ilan pa rin ang nasa labas at nakikiusyuso."Master, hahanapan ko ng paraan para palabasin si Miss Javier.""Cassie is here, right at the door."Tumango si Mason at tuluyang lumabas.Si Eys naman ay takot na baka pumasok ang grupo ni Reyes, kaya tumakbo siya sa bintana at nagtago sa likod ng kurtina.Dalawang lalaking kasunod ni Shan ang
"If you asked me to save you, I might agree if my heart softens. But if it's someone else, bakit ko naman gagawin?"Parang gumuho ang mundo ni Eys. Bago pa makapag-isip si Mason kung bakit niya nasabi 'yon, nakita niyang pilit ngumiti ang babae at umiwas ng tingin."I just asked casually, I'm afraid that one day it will really happen.""Eh 'di hayaan mo siyang mamatay."Nanlamig si Eys sa sinabi ni Mason. Parang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa katawan niya.Dapat nga siguro nagpapasalamat siya na hindi niya ibinuhos lahat kay Reyes o naglagay ng malaking tiwala kay Mason. Hirap na nga itong tumulong sa kanya, paa'no pa kaya kay Fiona?Nagpatuloy ang ingay sa labas, kaya napatingin si Eys kay Mason. "P'wede bang gumawa ka ng paraan para paalisin 'yong mga tao?"Naiiritang tumayo si Mason. He didn't want to be blocked like this, so annoying and ridiculous.Kinuha niya ang cellphone niya at tatawagan sana si Leonardo para ayusin ito, pero naunahan siya ng tawag ni Cassie.Tinitigan niya
Biglang malakas na pinukpok ni Shan ang pinto. “Eys, lumabas ka diyan!”Ang kanyang malalaking galaw ay nagsimulang makaakit ng pansin mula sa mga taong naroroon.May mga tao nang lumalapit. “Mr. Shan, anong nangyayari?”Hinithit ni Shan ang sigarilyo. “May nakakita sa kasama kong babae na kinaladkad papasok dito. Ngayon, sabihin niyo nga, nakita niyo ba ako?”Nagtinginan ang lahat sa isa’t isa. “Wala kaming nakita.”Itinapat ni Shan ang camera sa sarili. “Cassie, pupunta ka ba o hindi? Kapag nagtagal ka pa, baka tapos na ang ginagawa nila sa loob, at baka ulitin pa nila. Do you believe it?”Sa loob, binitiwan ni Eys ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa mukha ni Mason.Ang mga mata nito ay malalim, puno ng kadiliman na parang isang demonyo.Nakakatakot talagang tingnan ang lalaki sa ganitong estado.Inangat ni Eys ang pilak na kwintas na dumulas mula sa kanyang balikat habang nakikita niyang magbubukas ng pinto si Mason.Agad niyang hinawakan ang braso nito at bahagyang umiling.