“Miss naman relax na please. Oh eto na yung paddle at least natulungan kita .Ayan o nangangalahati na tayo sa layo. Yun lang naman ang point ko ang sungit mo naman sayang yang ganda mo Miss ano…. Ano nga ulit ang pangalan mo?”
“Tse! matagal ko ng alam yan, nananawa na nga ako sa gandang yan walang silbi. Nambola ka pa dyan ihulog kita eh” Sabi ni Athena na dahil sa buwisit ay binilisan ang pag sagwan kahit pa nga mangalay at nananakit na ang braso niya. Tagaktak ang pawis ni Athena ng makadaung sa kabilang pangpang.
May maingay na togtog siyang naririnig, baka may liga ng basketball. Malapit kase ang court ng isla sa daungan kaya dinig niya.Kita rin sa kabilang pangpang kung saan sila galing kapag may ilaw dito tuwing pyesta.
“Sir anong oras ka babalik?” Tanong ni Athena.
“Huh? hind ako sigurado miss eh” sagot ni Miguel Habang may iniisip.
“Naku Sir hindi ho tayo pwedeng magpagabi ha, bangka lang tayo. Malalim po ang tubig sa gabi dahil nagsasalubong na ang tubig ilog at dagat”
Sabi ni Athena na biglang kinabahan. Bakit ng aba hindi niya naalalang magdala ng ilaw o kahit flash light. Wala rin siyang dalang jacket man lang. Eh tanghali naman kase kanina akala niya saglit lang ito kaya nga nagapahintay na. Inalalayan pa ni Athena ang lalaki sa pagsampa ng bangka upang makatalon sa pangpang. Medyo hirap kase ito dahil naka topsider leather shoes ito. Ngayon nga lang pala niya napagmasdan ang lalaki, nakapustura pala ito.
Bagamat nakapolo shirt lang ito na dark blue at cream slacks naman ang suot. Mukha itong Kapitan ng barangay na naimbitahan sa inagurasyon ng kapilya . Mga ganun ang datingan ng lalaki. Isang imahe ng lalaking suntok sa buwan para kay Athena.
Naglakad na palayo si Miguel mga nakakalimang hakbang na siya pero hind niya magawang humakbang ng ikaanim. Ewan niya pero paran ayaw niyang maghintay ang babae sa bangka. Alam niya na matatagalan siya. Hindi biro ang mag judge ng isang patimpalak. Naimbetahan siya doon bilang judge at panauhing pandangal na rin. Inilista siya ng kapita ng lugar nila na nagkataong kumaei naman ng kapitana sa isla Build na bestfriend ng lola niya.
Hindi niya masabing matatagalan siya kanina dahil baka bigla itong umatras pero sa experience niya sa paggiging judge inaabot ito ng gabi.
“Ahh Miss may Favor sana ako sayo” Sabi in Miguel na nangiisip pa rin ng paraan kung paano sosolusyunan ang sitwasyun.
“Alam ko na yang sir sus wag kang magalala tumutupad ako sa usapan.Dito lang ako sir at hihintayin kita di kita tatakbuhan. Saka ano bang kinakatakot mo Sir eh ni singkong duling wala pa akong sinisingil” Sabi ni Athena.
“Ahh naku oo nga pala hindi pa nga pala kita nababayaran.Wait here take this” Sabi in Miguel sabay abot ng limang daan kay Athena.
“Sobra ito Sir saka pwede namang mamaya na sir” Sabi ng dalaga na ibinalik ang pera sa lalaki pero ininsist nito at sinabing mamaya na lang ang sukli.
“Aaah Miss yung pabor ko sana eh kung pwede mo sana ako ihatid sa itaas kase sa totoo lang first time ko mapunta dito. Medyo hindi ko kabisado. Ahh babayaran ko na lang ang abala Miss” Sabi ni Muguel.
Napakamot ito sa nasabi yun kase ang unang pumasok sa isip niya.Sana hindi makahalata ang babae.Saka na lang niya pagiisipan uli ang iba pang sasabihin kapag nakaakyat na ito mula sa pagpang. Aaakyat ka kase ng hagdan na mataas na gawa sa semento bago mo marating ang Patag na bahagi ng Isla.
“Ulit ulit tayo sir? mali yan Sir, wag mong laging tinatawaran o penepresyuhan ang isang tao. Para aalalayan ka lang sa lugar na hindi mo kabisado kailangan may kabayaran agad?” Sabi ni Athena.
“Go sir maaasahan mo ako dyan kabisado ko ang lugar na yan at take note sir , pakinggan mong maigi. Libre. Maliwanang Sir..Libre at ang tawag dun sir ay kawang gawa tandan mo yang sir ha” sabi pa ni Athena at idiniin ang salitang libre.
“Talaga? sasamahan mo ako? Naku napakabait mo naman. Maganda na mabait pa” Sabi ni Miguel na natuwa dahil nakalusot ang mga moves niya sa babae.
“Naku ayan ka na naman sir nanaawa na ako sa salitang maganda, ibahin mo naman lahat ng tao yan na ang adjective sa akin e” Pabirong pagyayabang ni Athena.
“Eh Sir Saan ba ang punta mo? I mean alam ko dito nga eh ang ibig ko sabihin sino ba ang sadya mo? mamamanhikan ka ba?may s dadalawin kaya?” Tanong ni Athena.
“Si ano ..si ano daw siya eh ahhh” Nangiisip si Miguel ng pangalan o dahilan para magtagal ang babae.
“Tulungan mo akong hanapin si Mang Delfin taga rito daw yun sa Isla Bulig eh” Sabi ni Miguel na naalala ang pangalan ng kanilang driver.
“Mang Delfin? Naku parang ngayon ko lang narinig yun ah. Sige Sir tara simulan nating magtanong sa Kapitan. Tiyak kilala nun lahat ng tao dito” Sabi ni Athena.
Kinabahan naman si Miguel dahil makikilala siya ng Kapitan na barkada ng lola niya at medyo madaldal pa naman. Kay halos hindi mapakali si Miguel ng magsimula ng umakyat ng hagdan ang babaeng ewan niya pero hindi niya maalisan ng tingin.
Pagdating nila sa patag ay agad siyang inakay ng babae sa bahay ng kapitan ng lugar. Habang naglalakad ay nagiisip ng paraan si Miguel kong paano malulusutan ang kasinungalingan.
Bago pa man kumatok ang babae sa bakuran ng kapitana ay nakaisip na agad ng diskarte si Miguel.
"Ay miss ano..ano..ahh wait.Okay lang ba kung hintayin mo na lang ako dito sa labas ako na lang ang papasok at kakausap...Ahh kase medyo nahihiya akong mabuking na nagpasama pa eh Kalalaki kong tao eh" Yun ang naisip na palusot ni Miguel.
"Okay sir, kung okay lang dun na lang ako sa may tindahan maghihintay ha" Sabi ni Athena. Gusto sana niyang mainis sa lalaki dahil matapos siyang pakinabangan ay biglang nahiya pero inisip ng dalaga na baka may pride lang ito at siguro.
Maya maya ay lumabas din agad ito at hinanap siya.
Kumaway kaway si Athena para mapansin nito na nasa tindahan nga siya at kasalukuyan bumabanat ng nguya ng cropek."Ah miss tauhan daw pala ni Kapitana yun pinapupunta ako sa court eh may gagawin daw ako.Mag ja- judge ata ako ng dance contest" sabi ni Miguel na akala mo talaga ay noon lang nalaman ang gagawin."Paano ba ito, nahihiya ako akala ko may paguusapan lang tungkol sa proyekto ng kapistahan nila iba pala" Sabi ni Miguel habang masid ang magiging reaksiyun ng babae."Naku pangmalakasan ka pala Sir.Ihatid na lang kita sir sa plaza sa basketball court sir tapos pag okay ka na dun at makita mo na ang mga mag a assist sayo saka na lang kita iwan dun sir " Sabi ni Athena. Inisip niya kase na dahil sa sinabi nito na magja judge ito ay pahiwatig na iyon na matataglan ito kaya pwede na siyang bumalik. Pagdating nga nila sa court ay nakahanda na ang venue."So kaya pala may malakas na togtog" Sa isip isip ni Athena.Hindi na kinailangan ng lalaki na magtanong. Agad na kase itong sinalu
Pero kasabay ng pagpuring iyon sa lalaki ay ang kurot sa damdamin ni Athena. Nangarap ang dalaga na isang araw ay may isang lalaki rin na sasabihan siya ng ganun yung totoo na hindi na kunwari lang. Sinulyapan ni Athena si Miguel na noon pala ay nakatingin pa sa kanya. Nasa mukha nito ang tila paghingi ng paumanhin kaya tinanguan niya ito. Saka niya ito nakitang ngumiti at nakipagkuwentuhan na sa mga kapwa hurado ng gabing iyon.Samantalang si Miguel naman ay hindi pa nakakamove on sa gulat sa mga nasabi. Dapat sana ay sasabihin lang niya ang salitang thank you at huwag sanang mainip pero kung anu- ano ang nasabi niya at gulat na gulat siya ng sabibin niya pa ang I love you sa dulo ng mensahe niya."Ano yun Miguel?kelan ka pa naging aktor?" Sabi ng niya sa sarili."You're in trouble Miguel... you better be prepared" Babala ng binata sa sarili.Ang buong akala ni Miguel at ni Athena eh matatagalan ang patimpalak. Hindi naman pala. Pitong contestant lang naman ang pagpipilian at kada k
Sinulyapan ni Miguel ang dalaga na tahimik na sa isang sulok at panay ang inom ng tubig. Parang hindi niya gustong matapos ang gabi . Kung pwede lang sabihan ang dalagang dumito lang ito sa kanyang tabi ay ginawa na niya.Pero wala siyang karapatan.Saka baka makakahalata na ang babae na sinasadya na niysng palagi itong malapitan at baka masampal na siya ng tuluyan at baka mapagkalan pa siyang may saltik. Inaya na niya ang babae na uuwi na sila dahil una boring naman na ikalawa ay lumalalim na ang gabi. Tumango naman ito sa kanya at nakayukong lumakad at nanguna na. Nanibago si Miguel dahil hindi madaldal ang babae lalong hindi siya senermunan nito bagkos ay tahimik lang na sumunod.Siguro nga ay talagang pagod na ito at antok na kaya agad tumayo ng yayain niya. Nakaramdam siya ng awa dito. Hindi bagay dito ang ganitong trabaho bukod sa hindi pangbabae ay delikado pa. Mula sa likuran ay pinagmasdan ni Miguel ang dalaga. Mukhang mabagal ito kumilos ngayon kaya lalo niyang naisip na pa
Pagdating sa pang pang ay may ilaw siyang nakita. Tangan ng isang lalaki. Pagdaong ng kanilang bangka ay sinalubong agad sila ng isang lalaking mas labis na nagaalala para sa babaeng kasama niya.Hinila nito ang bangka ng tulyang makasampa sa tabing dagat saka itinali agad sa isang nakabaon na kahoy. "Teng... Teng..anong nangyari?bakit ka ginabi at wala man lang ilaw ang bangka mo. Anong nangyayari dito?" Nagaalalalng tanong ni Berting. "Ah pasensya na medyo ginabi ang event na pinuntahan ko. Ako na ang nagsagwan kase nahihirapan siya huminga" Paliwanag ni Miguel.Pero laking gulat ni Miguel ng lalong magpanic ang lalaki. "Ano? kelan pa?ilang oras na? P*tcha Teng...Teng..." Sabi ni Berting pero hindi na halos makausap si Athena pulang pula na ang mukha nito at mainit na din ang dalaga. "P*tcha ka Teng, anong ginawa mo? nakalimot ka na naman ba?" Sabi ni Berting na biglang binuhat si Athena at inuwi sa kanila. Nakaramdam naman ng panibugho si Miguel dahil sa binuhat ng lalaki ang
Nanatiling tahimik si Miguel kahit nakaalis na ang lalaking kanina pa masama ang tingin sa kanya. Kaya naman pala ay asawa ito ng babaeng hawak niya ang mga kamay sheet! “Love sorry hindi ko alam na… ano kase hindi mo nabanggit…saka saka kase..?” Halos hindi alam ni Miguel ang sasabihin. Siya man ay nagtataka kung bakit parang napakahirap tanggapin. Ang sama naman ng kapalaran niya. For the first time na nagkaganito siya sa babae eh taken na pala at tatlo pa ang anak. D*amn hindi halata sa hitsura ng babae. She’s aaaaaah she looks so sexy to be a mother of three for God Sake. “Love… Sorry ulit. Magpapaalam na siguro ako. Sinigurado ko lang talaga na okay ka lang. Alam mo kase para akong hindi makahinga kanina sa nakita ko kaya hanggang dito sinundan kita. Pasensya na ulit Love” Nakayukong sabi ni Miguel hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng babae. “Love pa rin Sir, wala na tayo sa harap ng mga taong yun. Hanggang ngayong umaarte ka pa rin baka kasanayan mo yan” Sa
Parang nakaramdam naman ng panibugho si Athena sa sinabi nitong miss na daw nito agad kung sino man iyon na tinutuloy nito. Eh Sino naman kaya yun? Saan kaya sila pupunta. May tatagpuin pala ito bukas na miss na daw niyo agad tapos siay ang kukuning service ng kumag?” inis na muni muni ni Athena,“Tse! best actor nga! Kanina lang may pa love love pa sa akin ang buwisit.Tse!!” Sabi ni Athena.“Oh bat nagrerect ka ng ganyang Tengteng? Tapos hindi mo itinatama ang akala nung lalaki na may asawa ka na. Anong gimmick yan?” Usig ng dalaga sa kalooban.“Sige bukas na lang Miguel darating ako ng alas kuwatro. Magandang gabi sayo” Sabi ni Athena at tuluyan ng tinanaw ang papalayong bisita. Mabigat ang kalooban ni Athena at parang may malaking parte ng buhay niya na tangay ng lalaking umalis. Pasara na ng pinto si Athena ng sumulpot si Berting.“Hay buti naman at nagpaalam na si hilaw na tisoy” Bungad nito ng biglang sumulpot sa harap ni Athena. Biglang hinablot ni Athena ang malagong buhok n
Lumakad na lamang si Athena patungo bahay nila. Mainit na nga ang pisnge niya sa pagkakabilad sa araw. Nilingon pa ni Athena si Berting na bagamat nag offer na tulungan siya ay tulad pa rin ng dati parang pakiramdam ni Athena at may nagbago. May kulang bigla.Pagkatapos mananghali at pakainin ni Athena ang mga anak. Si Berting naman ay nagpaalam ng uuwi para ihatid ang lutong ulam sa bahay nito at may lakad din daw ito at ang amo nito sa bayan.Si Athena naman pagkatapos mag hugas ng pinggan ay umidlip muna saglit. Maaga siya magising kaya naman inaantok siya pagtanghali lalo na ngayon na nasikatan siya ng araw kaya masakit talaga ang mata niya. Nagbilin siya sa kapatid na gisingin siya ng alas tres. Napabalikwas si Athena ng kalabitin siya ni Aquiles.“Ate.. ate, gising na hoy ang sarap ng tulog mo” Kalabit nito sa kanya. Pagtingin ni Athena sa orasan at alas tres media na.“Ay hindot ka Aquiles, bakit ngayon mo lang ako kinalabit. Ano ba naman yan?" Reklamo ni Athena na biglang t
“Call… sungit mo naman pero cute pa rin. Tara na nga at baka makalimutan kong taken ka na" Sabi ni Miguel na pinaggigilan ang baba niya.Ewan ni Athena pero nalungkot siya na nagpipigil na ang binata na maging malambing sa kanya. Ang layo ng Miguel kahapon asa Miguel ngayon kahit mamkasing guwapo. Hidi naman niya masisi dahil sa ang alam nga nito ay taken na siya.Bukod pa sa napapansin niyang hindi na Love ang tawag nito sa kanya. Naiinis siya sa sarili kung bakit hindi niya magawang daanin sa parang biro lang ang lahat tulad ng minsang ginagawa niya kay Berting. Natatakot si Athena sa kakaibang tibok ng puso niya kapag nakikita ang lalaki, at lalong natatakot siya sa epekto ng lungkot ng mga mata nito sa kanya."Marupok kaaaaa............ marupok kaaaa Athenaaaa" panggagaya ni Athena sa boses ng aswang na panakot niya minsan sa duwag na si Berting.“Diyos ko Athena wag kang marupok, pangalawang araw mo pa lang na nakikilala ang lalaki” Sermon ni Athena sa sarili.Pumuwesto na si A