Maganda ang babae , yung pinaghalong maganda at cute. Kaya wala kang maipipintas. Kung sa kaseksihan para sa kanya ay pasok. May mga lalaking gusto ang payat yung tipong modelo pero mas pasok sa kanya ang medyo may laman and this woman fits the narrative.
Alas Dos ng tanghali at tirik ang araw at walang kaarte arte ang babae, wala rin itong kolorete o kahit anumang burloloy sa katawan..also fits his ideal type.
Pinakatitigan ni Miguel ang babae, may malalim pero maliit pala itong dimple sa malapit sa bibig katulad ni Mikee na asawa ni Dodot Jaworski na Idol niya noon sa basketball.
Marahil mga limang dipa na ang layo nila sa pangpang ng makita ni Miguel na pawisan na ang babae at mamula mula na ang pisnge sa init ng araw.
Seryoso ang babae sa pagsasagwan kaya naman naisipan niyang lumipat ng puwesto sa isang upuan na nakadikit sa bangka mas malapit sa babae siya pumuwesto.
“Sir teka wag po kayong malikot baka tumaob ang bangka. Bumalik po kayo sa dulo para balance” bilin ng dalaga.
“Okay lang maunong naman akong lumangoy” Sagot nito.
“Hindi po yun ang ponto sir. Sige na po bumalik na kayo sa kabilang dulo” sabi ni Athena.
“Dito na lang ako, hindi naman maalon kaya hindi tayo mawawala sa balance” sabi pa ng lalaki.
Hindi na lamang kumibo si Athena. Bakit lahat na lang ng lalaki makulit at feeling authority. Kahit ang kababatang si Berting ganito rin ka kulit. Pustahan tayo maya maya lang pati sagwan ko pakikialaman na nito. Sanay na si Athena sa ganun, ki babae o ki lalaki ang sakay madadas nangingialam. Pati pagsagwan niya gustog maexperience tapos bigla siyang gagawing photographer ng mga h*******k.
At hind nga nagkamali ang dalaga dahil heto at naguusisa na nga ito.
“Mabigat ba ang paddle? I mean gaano kabigat ang sagwan mo. Pwede mahiram?” sabi ni Miguel.
“Haaist talaga naman, akala ko ba nagmamadali na kayo sir? Oh sige na ayan na bilisan nyo lang at isang metro pa ay naroon na tayo sa malalim na parte hindi na pwede ang commercial na
ganito. Amin na po ang cellphone nyo ng mapicturan ko na kayong namamangka. Yan naman ang mga drama nyo eh” Sabi ni Athena.
“Why are you so bitter? Saka hindi ako magpapapicture” Sabi ni Miguel na kinuha na nga ang sagwan.
‘Wow mabigat din ito miss. Buti hindi ka nagkakakulani sa kiliili o baka ilang beses na. Grabe bakit hindi na lang bangkang di motor ang gamitin mo para mas magaan sa buhay” Sabi ni Miguel saka nagsagwan ng nagsagwan.
“Pasesyan na rin sa aming kahirapan at ganitong bangka lamang ang kaya ng aming bulsa. Kayo Sir? Mukha naman kayong mayaman ah bakit hindi kayo umarkila ng bangkang de motor para mas mabilis kayo makarating. Malamang 10 minutes lang nandun na kayo” sabi ni Athena.
“Ahh wala kasing available kanina lahat daw pumalaot, so no choice ako kundi magbangka nga lang. Saka mas gusto ko ang ganito tahimik. Masakit kase sa tenga ang de motor” Paliwanang ng lalaki.
“Ilang taon ka na Miss?” Biglang tanong nito.
“Ahh twenty-three sir kayo po ilang dekada na?” Bawi ni Athena.
"I’m 27, eh Miss ilang taon mo na itong ginagawa. Wala ka bang kapatid o asawa. Buti pinapayagan ka ng kasintahan mong mamalaot mamgisa. Kae kung ako yan never” tanong ni Miguel. Siningit niya talaga sa dulo ang tanong na iyon para malaman kung may boyfriend o asawa na ang babae.
Hindi agad nakasagot si Athena sa tanong ng lalaki. Alam niyang lumalambat ng impormasyun ang lalaki. Sanay siya sa mga ganung tanngan halos karamihan ng kabataang dayo ay ganun ang diskarte pero karamihan mas bata sa kanya.
Minasdan ng pasimple ni Athena ang lalaki. Guwapo ang lalaki aminado siya doon. Matanda ito sa kanya ng apat na taon kaya mas malamang may asawa na ito o kaya baka may kasintahan. Sa gandang lalaki nito malamang baka nga nagbibilang pa.
“Ah baka ang pupuntahan nito ay kasintahan niya kaya naman willing kahit nasa kabilang isla. Suwerte nman ni girl” Bulong ni Athena at dahil doon ay napatulala na namn ang dalaga. Sa kakaisip ng dalaga ay halos hndi na niya namamalayan na ang lalaki na ang halos nagsasagwan at nagmumukha na siyang pasahero.
“Naku sir nandito na tao sa malalim. Magiging mabigat na po ang pagsagwan. Akin na po ibalik nyo na sa akin ang sagwan” Sabi ni Athena.
“It’s okay Miss nag eenjoy naman ako. Ako nga pala si Miguel, Miguel Del Valle, ikaw anong pangalan mo?” Tanong ni Miguel kahit pa nga hindi pa sinasagot ng babae ang una niyang tinanong.
“Pero Sir naka gitna na tayo at malayo layo na rin ang nasasagwan nyo mapapagod po kayo eh. Ako dapat ang gumagawa niyan. Sana po sinabi niyong self-paddle kayo para sana pinahiram ko na lang sa inyo ang bangka. Yung nga lamang mas mahal ang upa kesa ang magpahatid na lang“ Sabi ni Athena.
“Wag ka magalala miss, babayaran pa rin naman kita kahit ako ang nagsasagwan” Sabi ni Miguel.
“Aah so ganun ang tingin nyo sa akin sir. Hoy, guwapong kumag may prinsipyo po ako kahit kasing liit ng buhangin ang tingin mo sa tulad ko. Pinaghihirapan ko ng kinakain ko kahit magkanda kula kulani na ang kilikili ko” nalalaki pa ang matang sabi ng dalaga.
“Ibabalik mo na sa akin ang sagwan ko sir ng makarating ka ng maayos o itataob ko tong bangka at lumangoy ka na lang patungong kabilang Isla" buwiset na sabi n Athena umiral na naman ang pagka amasona niya.
“Woahh, wait lang wag kang masyadong mainit ang ulo .Saka hindi kita ininsulto Miss. At kelan ko sinabing buhangin ang tingin ko sayo. Ang akin lang wag kang masyadong magalala tinutulungan lang kita” Sabi ni Miguel.
“Ang tapang mo siguro ang sarap mo magluto?” Sabi pa ni Miguel. Hindi talaga ion ang sasabihin niya iba sana medyo sensore pero hindi na iny sinabi dahil baka lalo itong maging tigre at lunurin siya sa tubig mahirap na.
“Hah! Oo masarap akong magluto specialty ko ang adobong u-ang at kuliglig, sinapalukang alakdan at dinakdakang palaka gusto mo matikman” Nanginis na sabi ni Athena.
“Miss naman relax na please. Oh eto na yung paddle at least natulungan kita .Ayan o nangangalahati na tayo sa layo. Yun lang naman ang point ko ang sungit mo naman sayang yang ganda mo Miss ano…. Ano nga ulit ang pangalan mo?”“Tse! matagal ko ng alam yan, nananawa na nga ako sa gandang yan walang silbi. Nambola ka pa dyan ihulog kita eh” Sabi ni Athena na dahil sa buwisit ay binilisan ang pag sagwan kahit pa nga mangalay at nananakit na ang braso niya. Tagaktak ang pawis ni Athena ng makadaung sa kabilang pangpang.May maingay na togtog siyang naririnig, baka may liga ng basketball. Malapit kase ang court ng isla sa daungan kaya dinig niya.Kita rin sa kabilang pangpang kung saan sila galing kapag may ilaw dito tuwing pyesta.“Sir anong oras ka babalik?” Tanong ni Athena.“Huh? hind ako sigurado miss eh” sagot ni Miguel Habang may iniisip.“Naku Sir hindi ho tayo pwedeng magpagabi ha, bangka lang tayo. Malalim po ang tubig sa gabi dahil nagsasalubong na ang tubig ilog at dagat
Kumaway kaway si Athena para mapansin nito na nasa tindahan nga siya at kasalukuyan bumabanat ng nguya ng cropek."Ah miss tauhan daw pala ni Kapitana yun pinapupunta ako sa court eh may gagawin daw ako.Mag ja- judge ata ako ng dance contest" sabi ni Miguel na akala mo talaga ay noon lang nalaman ang gagawin."Paano ba ito, nahihiya ako akala ko may paguusapan lang tungkol sa proyekto ng kapistahan nila iba pala" Sabi ni Miguel habang masid ang magiging reaksiyun ng babae."Naku pangmalakasan ka pala Sir.Ihatid na lang kita sir sa plaza sa basketball court sir tapos pag okay ka na dun at makita mo na ang mga mag a assist sayo saka na lang kita iwan dun sir " Sabi ni Athena. Inisip niya kase na dahil sa sinabi nito na magja judge ito ay pahiwatig na iyon na matataglan ito kaya pwede na siyang bumalik. Pagdating nga nila sa court ay nakahanda na ang venue."So kaya pala may malakas na togtog" Sa isip isip ni Athena.Hindi na kinailangan ng lalaki na magtanong. Agad na kase itong sinalu
Pero kasabay ng pagpuring iyon sa lalaki ay ang kurot sa damdamin ni Athena. Nangarap ang dalaga na isang araw ay may isang lalaki rin na sasabihan siya ng ganun yung totoo na hindi na kunwari lang. Sinulyapan ni Athena si Miguel na noon pala ay nakatingin pa sa kanya. Nasa mukha nito ang tila paghingi ng paumanhin kaya tinanguan niya ito. Saka niya ito nakitang ngumiti at nakipagkuwentuhan na sa mga kapwa hurado ng gabing iyon.Samantalang si Miguel naman ay hindi pa nakakamove on sa gulat sa mga nasabi. Dapat sana ay sasabihin lang niya ang salitang thank you at huwag sanang mainip pero kung anu- ano ang nasabi niya at gulat na gulat siya ng sabibin niya pa ang I love you sa dulo ng mensahe niya."Ano yun Miguel?kelan ka pa naging aktor?" Sabi ng niya sa sarili."You're in trouble Miguel... you better be prepared" Babala ng binata sa sarili.Ang buong akala ni Miguel at ni Athena eh matatagalan ang patimpalak. Hindi naman pala. Pitong contestant lang naman ang pagpipilian at kada k
Sinulyapan ni Miguel ang dalaga na tahimik na sa isang sulok at panay ang inom ng tubig. Parang hindi niya gustong matapos ang gabi . Kung pwede lang sabihan ang dalagang dumito lang ito sa kanyang tabi ay ginawa na niya.Pero wala siyang karapatan.Saka baka makakahalata na ang babae na sinasadya na niysng palagi itong malapitan at baka masampal na siya ng tuluyan at baka mapagkalan pa siyang may saltik. Inaya na niya ang babae na uuwi na sila dahil una boring naman na ikalawa ay lumalalim na ang gabi. Tumango naman ito sa kanya at nakayukong lumakad at nanguna na. Nanibago si Miguel dahil hindi madaldal ang babae lalong hindi siya senermunan nito bagkos ay tahimik lang na sumunod.Siguro nga ay talagang pagod na ito at antok na kaya agad tumayo ng yayain niya. Nakaramdam siya ng awa dito. Hindi bagay dito ang ganitong trabaho bukod sa hindi pangbabae ay delikado pa. Mula sa likuran ay pinagmasdan ni Miguel ang dalaga. Mukhang mabagal ito kumilos ngayon kaya lalo niyang naisip na pa
Pagdating sa pang pang ay may ilaw siyang nakita. Tangan ng isang lalaki. Pagdaong ng kanilang bangka ay sinalubong agad sila ng isang lalaking mas labis na nagaalala para sa babaeng kasama niya.Hinila nito ang bangka ng tulyang makasampa sa tabing dagat saka itinali agad sa isang nakabaon na kahoy. "Teng... Teng..anong nangyari?bakit ka ginabi at wala man lang ilaw ang bangka mo. Anong nangyayari dito?" Nagaalalalng tanong ni Berting. "Ah pasensya na medyo ginabi ang event na pinuntahan ko. Ako na ang nagsagwan kase nahihirapan siya huminga" Paliwanag ni Miguel.Pero laking gulat ni Miguel ng lalong magpanic ang lalaki. "Ano? kelan pa?ilang oras na? P*tcha Teng...Teng..." Sabi ni Berting pero hindi na halos makausap si Athena pulang pula na ang mukha nito at mainit na din ang dalaga. "P*tcha ka Teng, anong ginawa mo? nakalimot ka na naman ba?" Sabi ni Berting na biglang binuhat si Athena at inuwi sa kanila. Nakaramdam naman ng panibugho si Miguel dahil sa binuhat ng lalaki ang
Nanatiling tahimik si Miguel kahit nakaalis na ang lalaking kanina pa masama ang tingin sa kanya. Kaya naman pala ay asawa ito ng babaeng hawak niya ang mga kamay sheet! “Love sorry hindi ko alam na… ano kase hindi mo nabanggit…saka saka kase..?” Halos hindi alam ni Miguel ang sasabihin. Siya man ay nagtataka kung bakit parang napakahirap tanggapin. Ang sama naman ng kapalaran niya. For the first time na nagkaganito siya sa babae eh taken na pala at tatlo pa ang anak. D*amn hindi halata sa hitsura ng babae. She’s aaaaaah she looks so sexy to be a mother of three for God Sake. “Love… Sorry ulit. Magpapaalam na siguro ako. Sinigurado ko lang talaga na okay ka lang. Alam mo kase para akong hindi makahinga kanina sa nakita ko kaya hanggang dito sinundan kita. Pasensya na ulit Love” Nakayukong sabi ni Miguel hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng babae. “Love pa rin Sir, wala na tayo sa harap ng mga taong yun. Hanggang ngayong umaarte ka pa rin baka kasanayan mo yan” Sa
Parang nakaramdam naman ng panibugho si Athena sa sinabi nitong miss na daw nito agad kung sino man iyon na tinutuloy nito. Eh Sino naman kaya yun? Saan kaya sila pupunta. May tatagpuin pala ito bukas na miss na daw niyo agad tapos siay ang kukuning service ng kumag?” inis na muni muni ni Athena,“Tse! best actor nga! Kanina lang may pa love love pa sa akin ang buwisit.Tse!!” Sabi ni Athena.“Oh bat nagrerect ka ng ganyang Tengteng? Tapos hindi mo itinatama ang akala nung lalaki na may asawa ka na. Anong gimmick yan?” Usig ng dalaga sa kalooban.“Sige bukas na lang Miguel darating ako ng alas kuwatro. Magandang gabi sayo” Sabi ni Athena at tuluyan ng tinanaw ang papalayong bisita. Mabigat ang kalooban ni Athena at parang may malaking parte ng buhay niya na tangay ng lalaking umalis. Pasara na ng pinto si Athena ng sumulpot si Berting.“Hay buti naman at nagpaalam na si hilaw na tisoy” Bungad nito ng biglang sumulpot sa harap ni Athena. Biglang hinablot ni Athena ang malagong buhok n
Lumakad na lamang si Athena patungo bahay nila. Mainit na nga ang pisnge niya sa pagkakabilad sa araw. Nilingon pa ni Athena si Berting na bagamat nag offer na tulungan siya ay tulad pa rin ng dati parang pakiramdam ni Athena at may nagbago. May kulang bigla.Pagkatapos mananghali at pakainin ni Athena ang mga anak. Si Berting naman ay nagpaalam ng uuwi para ihatid ang lutong ulam sa bahay nito at may lakad din daw ito at ang amo nito sa bayan.Si Athena naman pagkatapos mag hugas ng pinggan ay umidlip muna saglit. Maaga siya magising kaya naman inaantok siya pagtanghali lalo na ngayon na nasikatan siya ng araw kaya masakit talaga ang mata niya. Nagbilin siya sa kapatid na gisingin siya ng alas tres. Napabalikwas si Athena ng kalabitin siya ni Aquiles.“Ate.. ate, gising na hoy ang sarap ng tulog mo” Kalabit nito sa kanya. Pagtingin ni Athena sa orasan at alas tres media na.“Ay hindot ka Aquiles, bakit ngayon mo lang ako kinalabit. Ano ba naman yan?" Reklamo ni Athena na biglang t
Isang linggo matapos ang kasalan ay bumalik na sina Athena at pamilya ni Miguel sa Maynila. Kinausap naman ni Donya Isabel ang ama ni Athena at ipinaasikaso ang pagaangkat ng mga isda at tutulungan ito sa puhunan.Si Phllip ay doctor pa rin pero hindi pumayag si Donya Isabel na mawala ito sa list ng mga stock holder pero sariling pera na ng doctor ang gamit nito. Bilang tiyuhin ni Elija na kanyang apo itinuring na ring pamilya ni Donya Isabel si Phillip. Hindi si Miguel ang naging CEO dahil tulad ng tradisyun mas nakakatanda si Elija.Tanggap naman ng board ang desiyun ni Donya Esabel.Dalawang linggo matapos manganak ni Athena noon ay saka lamang naikuwento ni Phillip kung paano sila nagtagpo ni Athena at inamin din niyang siya ang lalaki na driver ng puting kotse na madalas nakasubaybay kay Athena noon.Sina Remedios ay nasentensiyahan ng pagkakakulong ng dalawangpung taon hanggang tatlongpung taon at multa ng nagkakahalaga ng dalawang milyon bilang danyos.Si Paula ay tuluyan ng hi
After three months. (Baryo Bacawan. Isla ng Palawan)Abala ang lahat sa baryo bakawan halos nangkakagul oang mga tao dahil isang malaking pagdiriwang ang magaganap.Dahil ang araw na iyo s papalubog na araw ay may mahalagang seremonyas naagaganap.Nasa probisnya ng palawan si Donya Isabel na namahhikan na para sa pagiisang dibdib ulit nina Athena at Miguel. Bumiyahe ang pamilya Del Valle matapos na tuluyan ng gumaling si Mariz.Matagal din naconfine ang dalaga at matagal na nilabanan ang impeksioyn sa dugo. Inabot ng halos tatlong linggo ang dalaga sa hopsital at ni minsan hindi ito iniwan ni Elija.Nang gumaling si Mariz ay sa silid ni Elija na ito pinatuloy ng matanda dahil si Phillip naman ang nasa guest room. Ilang na ilang man si Mariz at hindi na siya nagpakipot pa.Narinig niya lahat at mga sonabi ni Elija sa hospital at naramdaman niya ang psgmamahal ni Elija habang inaalagaan siya. Tama naman pala ang ginawa niya lumabas ang lahat ng totoo sa bibig ng binata at kaya masaya s
Sa hospital na nagtagpo tagpo ang mga Del Valle. Agad kasing isinugod sa hospital si Mariz dahil sa hindi pa nahuhugot ang shovel na nakabaon salikod na bahagi ng balikat ni Mariz.Isa pang ambulansya ang dumating na ipinatawag ni Donya Isabel. Agad ding dinala sa hospital si Miguel at at ang anak ng mga ito. Agad ipinagamot nina Athena ang sugat na nilikha ng ng dulo ng shovel tool na sugat sa leeg ng bata.Mabuti na lamang at hindi naman malalim ang sugat pero agad itong tinurukan ng anti tetano ang bata dahil hindi bago ang shovel na nakasugat dito. Ipinagpasalamang naman nina Donya Isabel at Athena na hindi delikado sng bata at maari na ding ilabas ng hospital.Si Miguel ay ganun din bagamat may mga pasa at may isang na dis align na buto sa tagiliran ay maayos naman at walang ibang pinsala.Ang kailangan lamang daw ni Miguel ay therapy session para mapagalign ang bogobg na muscle at para maibalik sa aligned ang buto sa balakang. Pansamantala ay baldado si Miguel at bawal muna gu
Kitang kita ni Mariz ang eksena. Pinag aralan ng dalaga ang paligid at nagisip ng plano na pwede niyang gawin.Kung susugod siya maalarma si Paula pero hindi naman niya kayang mabuod lamang. Napansin ni Mariz ang mga pulis na paismple din ang kilos na pupuwesto habang abala si Paula na makipagsagutan kay Athena."Hoi babaeng malansa na mangaagaw ng asawa. Utusan mo ang mga llintek nyong bantay na padaanin kami ng maayos kung hindi ay patatalsikin ko ang sariwang dugo ng batang ito" sabi ni Paula at Idiniin ni Paula ang dulo ng shovel Kaya ang kaninang pag bungisngis ng bata ay nauwi sa malakas na pagpalahaw ng iyak "No..huwag mong saktan nag anak ko please. .Sige... sige uutusan ko" sabi ni Athena na ginagawa agad nito.Inutusan na lamang ni Arhena ang mga pulia na pabayaan na makaalia si Paula at huwag itong habulin para sa kaligrasan ng anak niya."Paaalisin ka namin dito ng matiwasay miss Paula pero kapag nakalabas ka na ng mansion iiwan mo ang bata sa gate" sabi ng kapulisan.'
"Paula please huwag mong sasaktan ang anak ko wala siyang kasalanan sayo. Paula nakokiusap ako" sabi ni Athena habang unti unting lumalapit sa kinaroroonan ni Donya Isabel na nakasalampak sa ibaba ng upuan at tinulungan niya itong makatayo."Makinig ka iha, pagsusan natin ito. Huwag mo ng palalain ang mga kaso mo. Kung gusto mo kakausapin ko ang mga pulis para sa kaso mo. Please amin na ang apo ko at paguspaan natin ito" pakiusap ni Donya Isabel bagamat nanginginig ang bosea sa takot at pagaalala para sa kaligtasan ng apo sa tugod."Huwag nyo akong utuin. Mga gahaman kayo alam kong binabluff nyo lamang ako.Hindi ko kayo mapapatad sa lahat ng ito"sabi ni Paula. "At ito.....Itong lintek na ito" sabi ni Paula sabay idiniin ang shovel tool sa maliit na leeg ng sanggol."No...No.... please maawa ka sa anak ko Paula.Ako na lang ako na lang ang skatan mo..."sigaw ni Athena ng makitslang dumiin ang matulis na dulo ng shovel sa leeg ng anak."Tumigil ka! kung hindi dahil sa nabuntis ka hindi
Muling naningas ang katawan ni Paula at naging blangko ang kapaligiran.Tanging si Donya Isabel lamang at ang bata sa stroler ang nakikita niya. Sa paligid ay nakikita niya ang mga anino na napapalibutan sila ng mga bulaklak na kulay dugo. Pagkatapos ay napapalibutan naman daw siya ng mga apoy..apoy na pumapaso kay Paula. Tumirik ang mga mata ng babaeng nangtatanim at humigpit ang hawak sa shovel tool na ginagamit sa pagbubungkal ng mga paso. Saka tumingin ang babae sa kinaroroonan ni Donya Isabel. Unti unting nagkulay pula ang paligid na kanina lang ay itim sa paningin ni Paula. Nakita niyang tumatawa si Donya Isabel mahina lamang na may gigil sa tuwa dahil sa bata. Parang nagdeliryo ang paningin ni Paula.Nagoba ang t9ngin nito sa paligid parabg ang tingin nila ay humahalakhak ito habang itinuturo siya. Pinagtatawanan ng matanda ang pagkatalo niya. Hanggang sa ang kulay pulang paligid ay napuno ng mga bulaklak na tumatawa sa paligid niya at kinikutya siya. Muling dumilim a
"Tulungan ko na ho kayo. Ideretso na natin sa loob sa hardin nani para hindi na masira pa"sabi ni Athena.Tumango tango ang babae at patay malisyang inikot ang paningin sa paligid. Lalng nagong malikot ang mgaara ng babae ng makapasok na ng mansion at makarating sa garden."Sino yan Athena? bakit ka nagpapasok ng estranghero sa loob ng mansion baka mamaya....." usisa ni Mariz na hindi namalayan ni Athena na nakalapit na."Ah hindi siya masanv tao nangkataon lang na nadapa siya sa tapat ngansion laya nasugatan sa tuhod at braso.Tapos nasira angmga paninda niya"kuwneto ni Athena."Naawa naman ako dahil halos sira talaga at inaasahan daw siya ng mga kapatid kaya binili lo na lamang lahat.Kaya hinatid niya hanggang garden para deretso ng maitanim daw . kase mamaatay daw sng punla ang mga roses" sabi pa ni Athena. "Wow Roses, favorite ko yan. Sige panuorin ko kayo sa pagtatanim manang ha para matutunanan ko ang pagtattanim ng paborito ko bulaklak. Paborito ko ho talaga ang mga bulaklak na
Abala sa mansion ng araw ng sabado dahil nagutos si Donaya Isabel na maglinis ng buong paligid ng mansion. Nagpa vaccum at nagpa drywash ng mga linen at ilang mga kobre karma ang matanda. Pinaayos na rin nito ang garden sa labas at pinapalitan na ang mga natutuyot na halaman. Pinailawan ulit ang fountain sa labas at pinapinturahan ang dalawang chair swing na nasa sulok ng malakubong ginagapangan ng halamang namumulaklak ng dilaw. Dati naman ng buhay at maganda ang grotto na nasa itaas ng malaking fishpond na may mga malulusog na coi pero pinapinturahan pa rin iyon ni Donya Isabel para daw mabuhay ang kulay at pinadagdagan ng mga halamang nakapaso at namumulaklak. "Ayusin nyo at dagdagab ang mga bulaklak baka malay nyo balang araw may isa pa uling babae ang tumira dito na mahilig sa mga halamang may bulaklak na pula" sabi ni Donya Isabel na nakangiting sumulyap ng saglit kay Mariz. Namutla naman si Mariz ng sulyapan ng matanda. Noong comatose pa si Donya Isabel ay madalas niya itong
Matapos ang nangyaring iyon sa silid ni Mariz ay hindi na hinayaan ng dalagang maulit pa. Sa tuwing may pagkakataon at nagkakasama sila ng binata ay sinasadya nilang iwas o kaya minsan sa sala ay kaswal siyang kikilos pero gagawa at gagawa siya ng paraan na makaiwas. Minsan naman ay umaalia agad siya para hindi na mapunta sa sitwaayun na masasaktan na naman siya at maiinsulto. Nababasa niya ang mga palihim na sulyap sa kanya ni Elija pati na rin ang mga sekretong senyas nito pero kunwari ay hindi iyon nakikikita o nage gets ni Mariz. Inaamin ng dalaga na nasaktan siya sa naging reaksiyon nito noon sa siilid niya at doon mismo napagisip isip ni Mariz na maaaring pinaglalaruan lamang ng amo ang damdamin niya o baka akala nito ay bbigay naman siya kaya lagi siyang tinutukso. Mabuti na lamang at nakisama ang pagkakataon dahil nga tulad ng napagusapan ay siya ang maging personal na magaalaga sa anak nina Miguel. Pansamantala lang iyon habang hindi pa dumarating ang yaya na kinuha ni