Sa isang Clubhouse ng isang kilalang subdivision sa bayan nila Edward ginanap ang foundation na inorganisa ni Dailyn kasama ang ilang member ng mga konsehal ni Mayor Cristobal. May mga inimbitahan din sila Dailyn na mga negosyante na willing na magbigay ng tulong o donation sa mga bata at matatanda na kapus palad sa lugar nila. Ang porpose ng foundation ay makapagpatayo ng panibagong shelter na pwedeng pagsamahin ang mga sanggol na iniwan ng magulang at mga matatanda na wala ng maasahan na mga kapamilya na titingin sa mga ito. Hindi naman kase lahat ay pinapalad sa pagkakaroon ng mga kamag anak na may mabubuting puso.Nang makarating sina Leslie at Clarence ay may ilan na ring mga bisita na naroon. Hindi naman naiilang si Leslie dahil sanay na siya sa mga ganoong okasyon. Noong college days nya madalas naman siyang mag volunteer sa mga foundation na katulad ng iniorganisa ng kaibigan niyang si Dailyn.Natutuwa siyang makita si Dailyn na busy na busy sa pag iistima nito sa mga ka memb
Nagsisimula na ang host na ipakilala ang ilang member ng foundation para sa event ng makabalik na sila sa kani-kanilang mga upuan.Magkakasama sa iisang lamesa ang magkakaibigang sina Colton, Clarence at Dave kasama ang mga ka date nila. Except sina Dailyn at Edward na nasa itaas ng stage nakaupo.Naipakilala na rin ni Clarence si Leslie ng pormal kina Colton at sa dalawang babae na kasama ng mga kaibigan.Kasalukuyan naman ng iniintroduce ng emcee ang mga nagdonate at nagparticipants para sa ginawang garage sale ng grupo nina Dailyn upang makalikom ng malaking pondo para sa foundation na sinuportahan ng mga kakilala at malalapit na kaibigan na mga naroon upang pasalamatan.At dahil isa sina Colton, Dave at Clarence na malaki ang naiambag ay isa isa sila na pinaakyat ng stage at pinagspeech na rin sa harap ng mga dumalo sa event.Nang si Dave na ang tinawag at tumayo upang umakyat sa stage ay nakita ni Leslie ang pagtayo rin ni Nathalie at inayos ang suot na suit ni Dave. Nag iba siya
Kinagabihan sa restobar abala si Leslie sa pag monitor sa mga cooks, waiters at waitress sa loob ng kitchen ng bar at na check na rin nya ang bandang mag peperform sa gabing yon. She already check all the wine and liqours na madalas iorder ng costumer sa bar tender nila. " Hindi ka na ba busy? Relax lang! After mo naman ma i check ng lahat okay na yan! Monitor ka na lang sa mga costumer and mga kasamahan natin sa work sila na bahala ang kumilos diyan. Lalapitan ka naman nila kapag may kailangan sila sayo. " pahayag sa kanya ni Clarence. " Thank you Rence ha! Last night mo na kase rito kaya medyo nakakaramdam ako ng kaba. Iba pa rin kase yung alam kong andiyan ka lang. " ani ya sa lalaki. Na matipid siyang nginitian." Sure ka ba na kaya mo ang trabaho dito!? Hindi kita dina down sa work na ganito ha dahil babae ka Leslie! Pero hindi bagay sayo ang ganitong trabaho. Ang totoo napapaisip pa rin ako hanggang ngayon kung bakit umalis ka sa inyo at nagbitiw ka sa pagtuturo! " litanya ni C
Magkasama ngayon sa loob ng sasakyan si Leslie at Dave dahil ipinahatid ni Clarence ang dalaga sa kaibigan ng magsara na ang bar. Sinabi nito na mauna ng umuwe si Leslie dahil may gagawin at ibibilin pa siya sa ibang tauhan sa bar na nung una ay tinanggihan pa ni Leslie ang pagpapahatid nito kay Dave sa kanya na ang sabi nya ay sasakay na lamang sya ng tricycle na hindi ikinapayag ni Clarence kaya napilitan na si Leslie na pahatid na lang kay Dave.At nang nasa loob na silang dalawa ng kotse ni Dave ay saka lamang siya kinausap nito."Are you okay!? Huwag ka mag alala wala naman akong gagawing masama sayo. Ihahatid lang kita sa tinutuluyan mo Leslie." saad ni Dave."I'm okay! Pasensya ka na nahihiya lang ako sayo kase napag utusan ka pa ni Rence na ihatid ako pauwi. Nakaabala pa tuloy ako sa iyo." ani naman ni Leslie."Hindi ka abala para sa akin Leslie. Ang totoo ikinalulugod ko pa nga ang paghatid sayo " pahayag ni Dave sa kanya na ikinatingin nya sa mukha ng lalaki na ikinatawa ni
Alas dos y meja pa lang ay nasa labas na ng gate ng bahay nila Leslie si Dave at naghihintay na mag alas tres ng hapon dahil yun ang oras na ibinigay ng dalaga sa kanya. Bago sya umalis ng bahay nila ay naiayos na niya ang lahat at naibilin na rin sa mga kasambahay na doon sila magmimeryenda pagbalik niya, kaya nagpaluto s'ya ng masarap na ginataang bilo-bilo sa kusinera nila at sinabi niya na may kasama siya pagbalik n'ya ng bahay.Excited si Dave na makasama si Leslie sa araw na yun at habang naghihintay sa dalaga ay nag iisip siya ng magandang lugar na pwedeng puntahan nila ni Leslie mamaya after nilang mag meryenda sa bahay nila.Gusto niyang i date ang dalaga at dalhin ito sa lugar na ikatutuwa nito. Labing limang minuto na lang bago mag alas tres ng mapagpasyahan ni Dave na tawagan na si Leslie.( Hello! ) sagot ni Leslie sa call ni Dave na kahit unregistered number ay alam niyang si Dave ang tumatawag."Hi, ready ka na!? Nasa labas na ko ng bahay nila Dailyn." pahayag ni Dave
Nakikita ni Leslie sa mukha ni Dave na galit ito. Hindi naman sya nakakaramdam ng takot dito kaya nanatili pa rin siya sa loob ng sasakyan at hindi na siya bumaba pa ng pigilan siya ni Dave."Alam kong galit ka sa ginawa ko, humingi na ko ng tawad at kung hindi mo matanggap ang sorry ko wala naman akong magagawa! May naitatabi pa naman akong ipon babayaran ko na lang ang nagastos nyo sa akin sa ospital at sa pagpapatira nyo sa akin sa bahay nyo." basag ni Leslie sa katahimikan na bumabalot sa kanila ni Dave."That's bull shit! Hindi kita sinisingil Leslie!." paasik na wika ni Dave na ikinayuko ng ulo ng dalaga."Hindi ako galit sayo, okay! nagagalit ako sa lalaking gusto kang paghigantihan dahil lang sa kahihiyan na naibigay mo sa pamilya nila. Oo aaminin ko na medyo disappointed ako sa pagsisinungaling na ginawa mo sa amin nila mommy pero maniwala ka Leslie nauunawaan ko ang mga naging aksyon mo. Naiintindihan ko na kinailangan mong gawin yon para protektahan ang sarili mo." mahinaho
Masayang tinitignan ng bagong magkasintahan ang photo album na nakita ni Leslie na nasa library room.Nagpaalam si Leslie kanina na kung maaari niyang tignan ang mga picture na nasa album na ikinatango ni Dave na indikasyong pumapayag ang nobyo. Masayang ipinakita pa sa kanya ni Dave ang iba pang mga lumang photos nila ni Dion.Kanina ay inilibot ni Dave si Leslie sa buong bahay nila pagkatapos nilang mag meryenda ng ginataang bilo bilo na madalas daw i request nila Dave at Dion kapag nauwi sa bahay sa batangas na sabi ng mayordoma nila Dave na nagluto ng meryenda nila.Ipinakilala sya ni Dave sa mga kasambahay ng mga ito bilang girlfriend nito at napansin nya ang saya sa mukha ng mga kasambahay ng malaman na magkasintahan sila ni Dave." Tignan mo tong picture na to love, Mas kamukha pala talaga ni Dad si Dion nung kabataan nya. And this one, ito yung panahon na bago pa lang kami natututo ni Dion na mag scuba diving. Ang payat pa namin dalawa dito oh! " natutuwang ani ni Dave sa kan
Lumipas ang dalawang araw mula nang maging magkarelasyon sina Dave at Leslie.At sa loob ng dalawang araw na yon ay palagi na silang magkasama. Na kahit na sa trabaho ni Leslie ay naroroon din si Dave sa bar ng magdamagan para masamahan ang nobya at bantayan na rin. Na hindi nalingid sa mga kaibigan ni Dave dahil naiparating na ni Edward kina Colton at Clarence ang tungkol sa relasyon na nila ni Leslie. At sa dalawang gabi na pananatili niya sa bar ay hindi siya tinatantanan ni Edward ng pang aasar na mabuti na lang at si Edward lang ang naroon at wala ang dalawang mas pasaway sa kanilang magkakaibigan.Ihahatid ni Dave si Leslie sa work at maghihintay sa dalaga hanggang sa magsara ang restobar at ihahatid niyang muli pauwi sa bahay ng ina nila Dailyn kung saan nag i stay ang kanyang nobya..Nang unang gabi na sinamahan ni Dave sa work si Leslie ay naisip niyang patigilin na si Leslie sa bar dahil sa nakikita niyang hindi bagay para kay Leslie ang trabaho nito. Ayaw niyang napupuyat a