"Ma'am Dailyn..,, ma'am.. okay ka lang?" boses ni Ella ang narinig kong nagpabalik sa aking diwa. "huh... bakit eEla may sasabihin ka?""Kanina pa ako rito maam Dailyn, malalim ho ata ang iniisip mo, may problema po ba?""Ah.., wala naman, iniisip ko lang si ate Aileen." "Yan nga rin po ang balita sa buong bayan, Ma'am Dailyn. Dahil hindi raw ho natuloy ang engagement party ng anak ni mayor at ni ma'am Aileen, dahil nakipagtanan daw po ang ate mo sa ibang lalaki." saad naman niyang halatang isa ring tsismosa."Oo, hindi ko nga alam kung nasaan ang ate ko ngayon. Hindi ko rin s'ya makontak, kaya nag aalala ako para sa kanya. Hindi ko rin alam kung totoo ngang nakipagtanan si ate Aileen, Ella." sagot ko na lamang, wala rin naman saysay kung maglilihim pa kami. Tulad nga ng sabi niya tsismis na sa buong bayan ang hindi na tuloy na engagement party. Mabuti na lang at napag usapan namin nila mama na ilihim muna sa iba ang kasal namin ni Edward."Ano nga yung kailangan mo, Ella?" tanong ko
DAILYN POV.Kinabukasan nagising akong nakayakap sa akin ang braso ni Edward. Tulog na tulog pa rin s'ya, alam kong mamaya pa siya magigising kaya sinubukan kong haplusin ang kanyang mukha. Para siyang maamong tupa habang natutulog. Napangiti ako ng isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko pero naalala ko na sa papel nga lang pala kami mag asawa kaya dahan- dahan akong lumayo sa katawan ni Edward upang hindi ito magising.Naligo na ko dahil papasok pa ako sa trabaho. Palabas na ko ng kwarto ng maalala ko na ihanda ang gamot sa hang over ni Edward. Nag iwan ako ng notes para alam niyang para sa sakit ng ulo ang gamot na iyon.Nasa resort na ako at abala sa aking ginagawa ng mag ring ang phone ko at nang tignan ko unregistered number naman, ang naisip ko agad ay baka si ate Aileen na ang tumatawag, dahil magmula noong sabado ay hindi na makontak ang number na matagal na niyang gamit kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na sagutin ang tawag. "Dailyn si ate Aileen mo 'to, totoo ba? t
Paggising ko naramdaman ko ang bigat sa aking katawan. Pagmulat ko ng aking mata ay nakayakap pala sa aking katawan si Edward na masarap pa rin ang tulog. Napatingin na lamang ako sa kisame ng kwarto at umihip ng hangin. Ibinaling ko ang mukha ko sa tapat ng kanyang mukha at napangiti ako sa aking naisip, "sana palagi na lang kaming ganito." aniko sa isip ko.Gusto kong haplusin ang kanyang mukha pero hindi ko ginawa. Tinanggal ko ang pagkakadagan niya sa katawan ko at kumilos siyang patalikod sa akin. Akala ko ay nagising na kaya kinabahan ako. Nagtungo na ko ng banyo upang ayusin ang sarili ko. Nang balikan ko siya ay tulog pa rin, lumapit ako sa kanya upang ayusin ang kumot sa katawan niya ng marinig kong nagsalita siya."Mahal kita Aileen, mahal na mahal.. " nasaktan na naman ako sa aking narinig. Lumayo ako sa kanya at lumabas ng kwarto at nakita ako ni Mommy Stella na nagpunas ng luha sa aking pisngi."Iha, bakit ka umiiyak? sinaktan ka ng anak ko? tell me, anong nangyare?." tan
"E-Edward, nasasaktan ako, ano ba?! Edward, ano bang ginagawa mo? Itigil mo, tumigil ka." pagpupumiglas kong saad.."Di ba ang sabi mo panindigan ko ang pagiging asawa ko sa'yo, kasal tayo, kaya may karapatan akong angkinin ang katawan mo. Dailyn." ang sabi niya sa akin habang hinuhubad niya naman ang kanyang pantalon gamit ang isang kamay. "Edward, ano ba? wala kang karapatan na gawin sa akin 'to! ayoko Edward.., Ayoko..!!" sigaw ko para tumigil siya."At sinong gusto mong bigyan ng karapatan, yung lalaking kayakap mo kanina? Ako ang asawa mo Dailyn, kaya may karapatan akong angkinin ka kapag gusto ko." mariin n'yang saad.Naramdaman ko na lang ang pagpasok ng kargada niya sa lagusan ng aking katawan, na paulit ulit na naglabas masok sa loob ko na idinidiin pa niya, na kahit anong pagpupumiglas ko ay wala rin akong nagawa kundi ang kumapit ng mahigpit sa tiles ng lababo."Tama na, Edward .." pakiusap ko sa kanya."Bakit, hindi ba't ito naman ang gusto mo? ang panindigan ko ang pagig
Dailyn POV.Ilang araw ang lumipas mula nang mangyare ang gabing sapilitan akong inangkin ni Edward sa loob ng banyo.Magmula rin noon ay hindi rin umuwe ng bahay si Edward na ikipinagtataka at pag alala na ng Mommy niya."Iha, nag away ba kayo ng anak ko? pansin ko na hindi umuuwe ng bahay ang asawa mo." tanong sa akin ng biyenan kong babae sa harap ng hapag kainan.Kaming dalawa lamang ang nasa dining room dahil wala si Daddy Orly, nasa out of town."Ilang gabi na nga pong hindi umuuwe si Edward Mommy. Baka ayaw n'ya po na narito ako. Okay lang naman po kung babalik na ako sa bahay namin." wika ko sa ina ni Edward na kunware ay hindi ako nasasaktan sa ginagawa ng anak niya."Hindi pa rin ba kayo nagkakasundo na dalawa? Ang akala namin ay okay na kayo iha. Pagpasensyahan mo na ang anak ko, pero kung yan ang desisyon mo Dailyn, wala naman kaming magagawa, rerespetuhin namin ang kung anong gusto mong gawin. Ayoko rin ng nahihirapan ka, nauunawaan ko naman kung bakit gusto mo ng bumalik
Edward PoV."Look who's on the dance floor Bro, ang hot and sexy di ba?" saad ni Colton na nakitingin sa mga sumasayaw sa gitna ng stage."Teka, parang namumukhaan ko ang babaeng yan, Bro.Hindi ba iyan yung kapatid ni Aileen." ang sabi naman ni Clarenz na ikinakunot ng noo ko. Dahil nakatalikod ako sa pinag uusapan at tinitignan nila ay humarap ako upang malaman kung si Dailyn nga ang sinasabi nilang nasa dance floor na kapatid ni Aileen. Nakaramdam ako ng paghanga at galit na rin ng makita ko siya sa kanyang ayos kahit na napakaganda at sexy niya sa kanyang suot ay hindi ko nagustuhan na may ibang lalaking tumitingin sa kanya. Tama ang sinabi ni Colton ang hot niya ring sumayaw na lalong nagpainit sa aking katawan sa nakikita kong pag indayog ng kanyang balakang."Grabe, hindi ko akalain na napakaganda pala niya, sayang may boyfriend atang kasama." dinig ko pang wika ni Clarenz.Hindi pa nila alam na kasal na ako kay Dailyn dahil secret marriage ang nangyareng kasal at iilan lang ka
Nagising si Dailyn na katabi si Edward sa kama. Tinitigan niya ang mukha nito habang natutulog pa. Kagabi bago siya nakatulog ay napaisip siya sa sinabi ni Edward sa kanya bago ito lumabas ng kwarto nila. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw ni Edward na umalis siya at ayaw nitong ipawalang bisa ang kasal nila. Hindi rin niya lubos maisip ang naging reaction ni Edward nang makita siya sa bar na kasama si Chris na imposible naman na nagseselos ito dahil alam niyang ang ate Aileen nya ang mahal ng lalaki at hindi siya.Bago siya tuluyang makatulog ay nag text pa muna siya kay Chris na magkita na lamang sila sa resort at magpapaliwanag siya sa kaibigan. Humingi na rin siya ng sorry sa ginawa ni Edward rito. Ipinakiusap din niya kay Chris ang naiwan niyang sasakyan. Mabuti na lang at nakasabit sa katawan niya ang ang kanyang sling bag ng hilahin siya ni Edward pauwi.Bumangon na siya at nagbanyo, paglabas niya ay tulog pa rin si Edward. Tahimik niyang inaayos na inilalagay ang mga gami
Ilang araw ang nakalipas mula ng magkasundo sila. Niligawan ni Edward si Dailyn. Inihahatid at sinusundo sa resort at madalas nagpapadala ng bulalak at chocolate sa oras na nasa trabaho pa si Dailyn. Niyayaya rin minsan si Dailyn na kumain sa labas bago sila umuwe ng bahay.Minsan ay tumatambay na rin ng resort si Edward at sabay silang manananghalian. At sa lahat ng ginagawa ni Edward para sa kanya ay lalo lamang nahuhulog si Dailyn.Sa kasalukuyan naman habang kumakain ng almusal ang mag asawang Mayor Cristobal at Mommy Stella nila ay sabay na pumasok ng dining room sina Dailyn at Edward. "Good morning Dailyn, Iho. Maupo na kayong dalawa." bati sa kanila ng mommy Stella nila."Good morning Dad, Mom." bati ni Edward."Good morning po." masayang bati rin ni Dailyn at sabay na silang naupo."Maganda ata ang gising ninyo, may nangyare ba sa inyo kagabi?" tanong ng ama ni Edward na ikinasamid ni Dailyn dahil saktong umiinom siya ng orange juice. Patay malisya naman ang mga biyenan ni D
Nagpaalam si Dailyn kay Leslie na sasama na muna siya kay Edward at pupuntahan nila ang ate niya sa ospital.Nagpaiwan naman si Leslie sa mall at sinabing magkita na lang uli sila sa ibang araw.Pinuntahan nga nila Dailyn at Edward si Aileen sa ospital at kinausap."A-Ate.. Nagkausap na kami ni Edward. Okay na kaming dalawa, nagkaayos na kami. Ba-babalik na ko sa kanya, Ate.." nahihiyang saad ni Dailyn kay Aileen.Napabuntong hininga naman si Aileen."Napag isipan mo bang mabuti yan? sigurado ka bang hindi ka na paiiyakan ng lalaking yan?!" tanong ni Aileen sa kapatid na kay Edward ay seryosong nakatingin."Oh come on, Aileen. Alam ko namang nagkamali ako noon, pero pinagsisihan ko na yun at gusto kong bumawi sa kapatid mo lalo na ngayong magkakaanak na kami." angil ni Edward sa ate ni Dailyn.Sinamaan naman ng tingin ni Aileen si Edward. "Kapag sinaktan mo uli ang bunso namin Edward, tandaan mo hindi mo na siya uli makikita pa. Siraulo ka eh! katulad ka rin ng pinsan mong si Rodjun n
Pagkalapag ng eroplano sa Cebu at paglabas nila ng airport ay agad silang kumuha ng taxi at nagpahatid kung saang ospital naroroon si Aileen at kung nasaan si Dailyn ng oras din na 'yon. Hindi na sila nag aksaya pa ng oras dahil ang nais lang nila ay makita ng muli ang mga babaeng mahal nila.Nagpahatid na muna si Edward sa Sm seaside mall sa Cebu kung saan naroon ang kaibigan niyang nakasunod lang kay Dailyn. Habang sina Rodjun at Jasper naman ay nagpatuloy na sa Ospital kung saan nagtatrabaho si Aileen."Edward, naroon si Dailyn sa may seaside nakaupo. Nakikita mo yung dalawang babae na yon? yung isa may highlights sa buhok, si Dailyn ang kasama nun, lapitan mo na baka mawala na naman yan. Sige na, goodluck. Pagkakataon mo na ito, lapitan mo na." saad ni Dave nang makita na si Edward at ipinagtutulakan pa na lumapit na kay Dailyn.Huminga muna si Edward ng malalim bago naglakad palapit sa pwesto nila Dailyn at dahil nakaharap ang mga ito sa dagat habang nagkukwentuhan ay hindi agad
Isang buwan ang lumipas ay wala pa rin naging balita kay Dailyn at gabi-gabi na lang ay nag iinom si Edward, upang makatulog. Halos pinabayaan na ni Edward ang sarli niya, mabuti na lang at may co owner na manager siyang katulad ni Renz kaya kahit na hindi siya magtrabaho ay ayos lang din. At mula rin ng umalis si Dailyn sa bahay ng mga Cristobal ay hindi na maayos ang pakikitungo sa kanya ni Mayor. Sa nakalipas na mga araw mula ng umalis si Dailyn ay mas napatunayan pa niyang mahal na nga niya ang asawa. Oo, asawa na niyang tunay si Dailyn dahil ipinaayos na niya ang Marriage Contract na pinirmahan nilang dalawa. Naipanotaryo na niya ito at nakarecord na ang kasal nila sa munispyo, ganun din sa PSA. ( philippine statistic authority.). Laking pasalamat niya na itinago lamang niya ang papel at hindi niya pinunit.Lumipas pa ang ilang linggo na nanatili pa rin sa Cebu ang magkapatid na Aileen at Dailyn. May umbok na ang tiyan ni Dailyn na nasa tatlong buwan na, kaya halata ng nagdadal
Magkasama na ang magkapatid sa apartment na tinutuluyan ni Aileen. Inanyayahan nila na sumama si Leslie sa kanila ngunit tumanggi ito para raw magkasarilinan muna silang magkapatid kaya naman hindi na rin nila pinilit pa si Leslie."Kailan ka pa narito sa Cebu, Dailyn?" panimula ni Aileen sa usapan."Ilang araw pa lang ate Aileen, galing akong Singapore, 2 days ako roon kasama nang kaibigan kong si Chris. Tanda mo pa ba yung classmate ko nung college?""Oo, alam mo bang hinahanap ka ni Edward? Alam ko na ang naging problema ninyo. Sinabi ni Edward. Pinuntahan niya ako at nakiusap na sabihin ko kung nasaan ka. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya, hindi ko nga alam kung nasaan ka at hindi ko akalain na makikita kita rito." litanya ni Aileen.Napahinga ng malalim si Dailyn ng maalala si Edward."Bakit ka nga ba umalis? sabihin mo sa akin ang totoo." curious na tanong ni Aileen dahil gusto niyang marinig ang side ni Dailyn."Ganito kase ang nangyari nung umalis ka nang araw ng engagement
Nakarating ng Cebu si Dailyn at magkasama na silang dalawa ni Leslie sa bahay ng lolo at lola ng kaibigan.Ipinakilala siya ni Leslie sa Lola Esmeralda at lolo Arturo nito at sa pinsan din nitong si Danilo.Nasa iisang kwarto lang silang dalawa at pareho ng nakahiga sa kama."Leslie, buntis ako." pagtatapat ni Dailyn.Napabangon naman ng upo bigla si Leslie sa sinabi ni Dailyn."Ows talaga?!""Oo, nalaman kong buntis ako ng nasa eroplano na kami ni Chris papuntang Singapore. Nakapagpacheck up na rin ako kahapon at isang buwan na nga akong nagdadalang tao.""Pinaalam mo na ba sa nakabuntis sa'yo Dailyn na magiging ama na siya?""Hindi pa, hindi pa ko makapagdesisyon, Leslie. Naguguluhan pa rin ang isip ko. Mahal ko si Edward pero kapag naalala ko ang ginawa niya ay naninibugho ako sa kanya.""Ano ba kase ang nangyari at nagkakaganyan ka? sabihin mo kaya sa akin para mapayuhan kita." wika ni Leslie.Napahingang malalim si Dailyn at nagsimulang ikwento kay Leslie ang lahat."Kung ibang t
Nang makalapag ang eroplanong kinalululanan ni Dailyn ay napabuntong hininga siya. Napahawak pa siya sa kanyang tiyan ng maalala niya ang mukha ni Edward. Hindi pa rin siya handang makita ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.Ayaw pa rin niyang bumalik sa kanila sa Batangas, ayaw rin niyang tawagan ang Ate Aileen niya at ipaalam kung nasaan siya. Iniisip niya kase na baka malaman agad ni Edward kapag kay ate Aileen niya siya pupunta o humingi ng pabor. Nahihiya pa rin kase siya sa ate Aileen niya kahit alam niyang mauunawaan naman siya.Nang may nakatabi siyang pinay na nakasabayan niyang maglakad patungong immigration at marinig niya itong may kausap sa cellphone nito na ang gamit na lengguwahe ay salitang bisaya ay napangiti siya sa kanyang naisip dahil naalala niya ang kaibigang si Leslie na alam niyang kasalukuyang nasa Cebu.****Sa kabilang dako naman ay hindi pa rin tumitigil si Edward sa paghahanap kay Dailyn. Sinubukan na rin niyang kumuha ng Private Investigator upang mapadali
Sa Singapore naman ay nakarating na ang magkaibigang Dailyn at Chris ginawan na lang ng paraan ng staff ng eroplanong sinakyan nila kanina na ilipat na lang ng upuan si Dailyn at ganun na rin si Chris upang mabantayan nito ang kaibigan na panay ang pagduduwal."Andito na tayo Dai, gusto mo bang dumiretso tayo ng clinic? para makasigurado tayo kung buntis ka nga." ang sabi ni Chris na hila-hila pa ang mga maletang dala nila ni Dailyn. Hindi na niya hinayaan na mag bitbit pa ng mabigat ang kaibigan dahil sa nahihilo pa rin kase ito."Pwede ba na umuwe na lang tayo sa tinitirahan mo? mas gusto kong mag pahinga Chris." saad naman ni Dailyn."Oo, sige tara, doon tayo sa may taxi stand maghintay ng masasakyan." sagot ni Chris.Tahimik lamang sila na bumiyahe hanggang sa makarating sa inuupahang bahay ni Chris kasama ang Tita nito."Kanina ka pang tahimik Dailyn, ano bang iniisip mo?" basag sa katahimikan na tanong ni Chris."Kase Chris, malaki ang posibilidad na buntis talaga ako. Isang buw
Samantala naglakas loob na tumungo si Edward sa condo ng pinsan nitong si Rodjun. Ang lalaking sinamahan ng ate ni Dailyn nung tumakas ito sa araw ng engagement sana nila."Babe, may tao sa labas tignan mo muna kung sino yon." utos ni Aileen sa kasintahang si Rodjun."Sino kaya yan? ang aga namang mang istorbo eh!" napapakamot pa sa likod ng ulong saad ni Rodjun na inayos pa muna nito ang sarili bago lumabas ng kanilang kwarto.Dumiretso na ng pintuan ng condo si Rodjun ng hindi na sinilip sa peep hole kung sino ang tao sa labas at nang makita niya ay natigilan naman siya dahil hindi niya inaasahan na makikita roon ang pinsan."Pwede ba kitang makausap?" tanong ni Edward sa kanya na seryosong tingin naman ang ipinakita niya rito."Pasok ka, anong kailangan mo? bakit gusto mo ko makausap?" turan ni Rodjun sa pinsan na seryoso lamang sa kanyang pakikipag usap rito."Papasukin mo ba ko o hindi?" pormal na tanong ni Edward sa pinsan.Pinapasok naman din siya ni Rodjun sa loob at naglakad
Kinabukasan ay nagtungo na sa airport ang magkaibigan. Alas diyes ng umaga ang flight nila pero ala syete pa lang ay naroon na sila."Mamaya pa tayo makakapagcheck in ng mga luggage natin, gusto mo ba munang mag coffee tayo, Dailyn? " tanong ni Chris."Sige tara, maaga pa naman eh!" aniya at naglakad na patungo sa nadaanan nila kaninang coffee shop sa loob mismo ng airport."Anong gusto mong kainin?" tanong ni Chris ng makapasok at makaupo na sila sa coffee shop at iniabot sa kanya ang menu."Mocha latte na lang at ham and egg sandwich, Chris. Thanks.""Okay, lapit lang ako sa counter para makapag- order."Habang hinihintay ni Dailyn na bumalik si Chris sa pwesto nila ay inilibot niya ang kanyang mga mata at nang mapansin niya ang isang babae na papasok ng coffee shop ay pinakatitigan niya iyon at sinipat ng mabuti ang itsura. Tumayo siya at naglakad palapit rito. "Leslie? Leslie, ikaw nga!" turan niya sa babaeng kaharap na niya. "Dailyn?! narito ka rin, kumusta? long time no see..,