Home / All / The Role Play / CHAPTER 3.1

Share

CHAPTER 3.1

Author: White Eagle
last update Last Updated: 2021-07-15 07:22:26

PRECY'S POINT OF VIEW

PAGKABABA ko sa tricycle ay agad akong nagtungo sa kuwarto. Malamig na simoy ng hangin at tahimik na umaga lamang ang tanging nararamdaman ko.

Pagpasok ko ay nadatnan kong bukas pala ang electricfan at ilaw ko kaya agad ko itong pinatay.

Ibinaba ko na ang mga gamit ko maging ang aking bag at sandals bago ako nagtungo sa banyo upang magshower. Hudyat na sana akong maglalakad ngunit pagkahakbang ko ng kaliwa kong paa ay may naapakan akong isang kagamitan na dahilan ng pagkatapilok ko. Masakit sa talampakan dahil tila bakal ang naapakan ko.

Dali-dali kong tiningnan ang bagay na iyon at nagulat ako nang makita ko ito.

Kanino kaya ito? Susi?

Kanino kaya itong susing ito?

Nagtataka ako kung bakit may susi dito. Hindi ko alam kung susi ito ng aparador o susi ng pintuan.

Matagal ko itong binusisi at tinitigan kung saang susi ito ginagamit.

Kanina ay wala pa naman ito. Nag-ayos naman ako ng higaan kanina bago ako umalis kaya lahat ng mga gamit ko ay naayos na.

Kaninang pag-alis ko wala ito.

Sa pagkakaalam ko lang ay naiwan kong nakabukas ang electricfan at ilaw nang umalis ako. Maging ang Pintuan ay nakabukas din.

Sunud-sunod ang naging mga katanungan ko sa isip ko na dala na rin ng pagka-alala ko.

Naging mabilis ang pintig ng puso ko. Kinalabutan din ako dahil sa buong akala ko ay safe dito sa bago kong apartment, mayroon palang akyat bahay na hindi ko nalalaman.

Tinitigan ko ng maigi ang susi. May tatak itong Honda. Naghinala ako at iisa lamang ang taong ito.

Kung susi ito ng motorsiklo Malamang ang nagmamay-ari nito ay si………"

Dali-dali akong lumabas kahit hindi pa ako nakakapagpalit. Mabilis akong nagtungo sa kuwarto ni Victor kahit walang tsinelas at kahit alas-tres na ng madaling araw.

Tug tug

"Victor? Victor?", Mahinahon kong boses habang kinakatok ang kanyang pinto.

Mga ilang segundo muna ang nakalipas bago niya ito binuksan ang pintuan.

"Ano na naman Precy?Pwede ba. Pagod ako at maaga pa akong magigising bukas. Alas-tres na ng madaling araw o. Pwede bang ipagpabukas mo na lang yan? " Aniya sa akin ng diridiretso.

Paglabas niya ay nakaboxer shorts lamang siya at walang pang itaas.

Pinigilan ko muna ang sarili kong magalit na kahit naiinis na ako sa kaniya.

Eh kasi naman. Siya lang naman ang nagmamay-ari ng motorsiklo dito sa boarding at wala ng iba.

Sa'yo ba to?" Sabay taas ng susing hawak ko.

Pagkataas ko ng susi ay kasabay rin ng kaniyang pagkagulat.

"Akin yan ah. Saan mo ito nakuha? Paano napunta sa iyo ito", Tanong niya sa akin ng sunud-sunod sabay hablot sa susing hawak hawak ko.

Siguro hinahanap niya yun. Kung makahablot akala mo whole day siya naghanap at ngayon niya lang nakita.

" Tinatanong mo kung paano napunta yan sa akin? Bakit hindi ako ang magtanong yan sa iyo? Bakit napunta sa kuwarto ko 'yan? Sa pagkakaalam ko kagagaling mo lang kanina sa Vulcanizing shop at ginamit mo pa iyang motorsiklo mo upang makauwi dito sa boarding? Ibig sabihin nasa sa'yo pa iyan bago kapa nakauwi dito at bago pa mawala.Alangan namang naglakad yan papuntang kuwarto ko o alangan namang kinuha ko . As if namang alam kong magdrive ng motorsiklo",hindi na ako nakapagpigil kaya natalakan ko nanaman siya.

" O siya siya. Matutulog na ako. Bukas na lang natin yan pag-usapan. Matutulog na ako at matulog ka na rin dahil may trabaho pa ako bukas. Naiintindihan mo?", Pahilis niyang sagot sa akin sabay sara ng pinto.

Hindi ako nakapagpigil kaya kinalampag ko muli ang kanyang pinto ng malakas. Wala na akong pakialam kung magising pa ang mga kapitbahay.

Hindi pa rin niya binubuksan kaya muli ko itong kinalampag sabay sigaw sa pangalan niya.

"Hindi mo ba ito bubuksan o sisirain ko ang itong pintuan mo?" Pananakot ko sa kaniya.

Hindi siya nakapagpigil at binuksan niya nga ito.

"Ano ako tanga at hindi ko alam ang nangyayari? Siguro pumasok ka sa kuwarto ko no? Anong ginawa mo dun? Ano ang kailangan mo bakit ka pumasok sa kuwarto ko? Sagot!", Sigaw ko sa kanya.

At nabulabog yata si Aling Suping dahilan ng pagkaalimpungatan niya.

"Ano ba iyan nakakaistorbo kayo ng kapitbahay. Natutulog na ang tao eh. Kung ayaw ninyong matulog,magpatulog kayo!" Aniya.

Hindi ko na pinansin si Aling Suping at binalikan ko ng tingin si Victor.

"Ano?" Pabulong kong tanong muli sa kaniya.

At hindi pa siya sumasagot.Hindi ako nakapagpigil at sinigawan ko ulit siya.

"Ano?!",sigaw ko sa kanya.

"Ano!ano!ano! Anong ginagawa mo sa kuwarto ko? Anong kinuha mo sa kuwarto ko", sigaw ko kay Victor ng malapitan sa kanyang mukha.

Wala na akong pakialam kung ano pa ang sasabihin ni Aling Suping dahil di ko na mapigilan ang sarili ko.

Nagulat ako nang hawakan niya ang mukha ko at bigla niya akong hinalikan. Napatigil ako sa kakasigaw. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin kaya hindi ko agad-agad natanggal ito.

Mas labis ang pagkagulat ko nang mas idiniin niya ang paglapat niya sa kaniyang labi sa labi ko. Hindi na ako makapaniwala sa nangyayari. Halos magpalitan at mag-unahan na kami sa paghinga. Naamoy ko na lahat ng hagod ng kamay at katawan niya. Maging ang pabango nito ay amoy na amoy ko na.

Ngunit sa bawat dampi niya sa bibig ko ay hindi ko na lamang namamalayan na sumasabay at gumaganti na pala ako sa kanya.

Mga ilang minuto rin ang itinagal nito bago niya pinaghiwalay ang aming mga labi. Malakas siya kaya hindi ko natanggal ang pagkakahalik niya sa akin.

Shocks! He is such a good kisser!

Magaling palang makipaghalikan ang mokong na ito.Malambot ang labi at Mukhang sanay na sanay sa pakikipag halikan.

"Oh ano, natahimik ka? Paminsan minsan bawas bawasan mo rin ang pagkabungangera mo. Yan tuloy. Nakakuha ka ng katapat mo.Aayaw ayaw ka tapos kakasa ka rin pala", sabay sara niya ng kaniyang pintuan.

Hindi ako nakapagsalita matapos niyang sambitin lahat ng iyon. Hindi lang ako makapaniwala na agad-agad niyang magagawa sa akin iyon.

Nakatayo pa rin ako dito sa tapat ng pintuan niya habang hawak ang bibig ko kahit sinaraduhan na niya ako.

Pumasok na lamang ako sa kuwarto ko nang patayin niya ang kaniyang ilaw.

Agad-agad akong nagtungo sa kuwarto ko na hawak pa rin ang bibig ko.

Matapos kong mag-shower ay hindi pa rin matanggal tanggal sa isipan ko ang nangyari. Na kahit anong gawin kong pambabalewala o di kaya'y paglimot ay 'di pa rin ito nabubura. Hanggang sa nakatulog na lang ako.

NAGISING ko sa umaga pasado alas-siyete na ng umaga. Agad akong lumabas sabay sulyap sa kabilang kuwarto. Sa kuwarto ni Victor. Wala na si Victor doon dahil mag aalas-otso na ng umaga. Nakasara na ang kaniyang pinto at wala na rin ang kaniyang motorsiklo.

Bakit ko ba siya hinahanap?

UPANG malibang ay naglinis ako sa kuwarto. Nag-ayos ng mga gamit at nagdamo sa harapan ng apartment. Habang naglilinis ako ay tumunog ang aking telepono.

Si Tanya tumatawag.

" Hello besh, nandito ako ngayon sa may plasa. May gusto ka ba? Bibilhan kita at pagkatapos kong mamili ay didiretso ako diyan. Pupunta ako ngayon diyan para sabay na tayo papuntang trabaho. Anong gusto mo?", Tanong niya sa akin na labis niya namang ikinagulat ang sagot ko.

"Victor", sagot ko.

"Ano?", Tanong niya sa akin na parang lahat na ng tao sa plasa ang nakarinig.

"Ah a aa ang sabi ko eh chicharon. Matagal na kasi akong hindi nakakakain ng chicharon", palusot kong sagot sa kanya.

"Oh sige bibili ako. Hintayin mo na lang ako diyan. Bye", aniya sa akin sabay paalam.

Ipinagpatuloy ko ang paglilinis at pagfloorwax. Maging sa koridor ng apartment ay nilinisan ko na rin para maging presentable.

Makalipas ang ilang minuto ay nandiyan na nga si Tanya. May mga dala-dalang makakain. Na parang lahat ng snacks sa grocery ay nabili na niya.

"Ano ba iyan Besh. Parang lahat na ng tinda sa grocery binili mo na. At parang kalahati na ng sweldo mo ito ah. Baka wala ka nanamang ipinadala sa Pamilya mo ah. Hindi na nga ako nagyayang gumimik dahil madaming bayarin eh. Tapos ito gasto ka ng gasto", payo ko sa kaniy.

"Ano ka ba Besh. Relax ako lang ito. Basta masaya ako sa ginagawa ko. Okay lang. Atsaka hindi naman nasasayang ito ah. And ,correction, tapos na ako nakapagpadala kila Inay ng gagastusin nila sa bahay. At infairness nakabili na si Inay ng Washing machine niya. Para naman hindi na siya napapagod kakukusot ng madaming labahan", paliwanag naman niya.

"Correct", pagsang-ayon ko naman sa kanya.

Iniwan muna ni Tanya ang pinamili niya sa labas ng boarding upang tulungan ako sa pagdadamo. Habang kami ay nagdadamo ay paparating si Victor. Mag-aalas diyes na siguro nang dumating siya.

Aba napaaga yata itong lalaking to?

" Hi Tanya",dinig kong bati niya kay Tanya na siya namang hindi paglingon sa kaniya.

Nagtanungan sila saglit at agad na ring nagpaalam si Victor sa kaniya.

Pagkatapos naming magdamo ay tinulungan ko na rin siyang magbuhat sa mga pinamili niya at sabay na kaming pumasok sa loob ng kuwarto ko.

Habang kumakain kami ni Tanya ay panay ang lingon ko sa labas. Hindi ko alam kung bakit inaabangan ko kung sino ang lalakad o hindi kaya'y kung sino ang dumarating.

Hindi ko ba alam kung bakit ako ganito ngayon. Hindi ko alam kung na papraning ako o dulot nito ng nangyari kagabi. Hayyyy naku!

I need nebulizer.

Kung ganoon,

Ganoon ba siya kakamandag?

Ganoon ba talaga ang feelings ng mahalikan?

Gosh my first kissed got harassed.

Justice please.

Related chapters

  • The Role Play   CHAPTER 3.2

    VICTOR'S POINT OF VIEWNagtulug-tulugan ako dahil 'yun na lang ang tanging paraan upang malaman ni Precy na hindi ako pumasok sa kuwarto niya. At para malaman niyang tulog na ako ay pinatay ko na rin ang ilaw dito sa kuwarto ko.Sa pagkaka alam ko ay binalewala na ni Precy ang nakita niyang susi sa kuwarto niya ngunit……..Tok tok tok***Narinig ko ang katok niya sa pintuan ko. Alam kong si precy 'yun kaya nagpanggap akong kagigising ko lang at naistorbo ako sa pagkakatok niya.Pagkabukas ko ay agad siyang nagsalita.Sa'yo ba to?" Sabay taas ng susing hawak niya.Pagkataas niya ay kinilabutan ako at hindi ko na alam kung ano ang sasabihin

    Last Updated : 2021-07-15
  • The Role Play   CHAPTER 4.1

    PRECY'S POINT OF VIEWKinakabahan na nanenerbiyos na bigla kong kausapin si Victor.Buti na lamang ay hindi ko sinabi sa kaniya ang hangarin ko. Dahil sa magkahalong takot at inis ang nararamdaman ko kay Victor sa tuwing nakakausap ko siya.Kung kaya't tinalikuran ko si Victor at iniwan sa baba. Mabilis akong umakyat at umupo sa may parte ng hagdanan. Iniisip kung sasabihin ko na talaga itong nararamdaman ko. Pero kung sasabihin ko ito ay baka isipan niyang desperada ako. O baka sabihin niyang ginawa niya lang 'yun upang matigil na ako at wala lang sa kanya iyon.Magaalas-kuwatro na at nandito pa rin ako sa hagdanan nakaupo, tumatawag sa telepono at nagmumuni-muni. Umakyat na lamang ako at naligo upang maghanda papuntang trabaho.Nakarating ako sa trabaho ng tamang oras dahil may gusto akong pag-usapan with Tanya. Nilapitan ko siya at hindi na akong nag-atubiling tanungin siya.

    Last Updated : 2021-07-16
  • The Role Play   CHAPTER 4.2

    VICTOR'S POINT OF VIEWHilong-hilo ako. Masakit ang tiyan at mga mata ko at gusto ko na lamang magpatuloy sa pagtulog ngunit hindi pwede. Kaya, nandito na lamang ako sa loob ng OPD nakaupo at naiidlip pag walang ginagawa. Naparami yata ako ng inom at hindi ko na alam kung anong nagawa ko nung time na iyon. Buti na lamang na nandoon si Bernard na naghatid sa akin."Hello bro. How is your night. Grabe ka uminom kagabi ah. Lasing na lasing ka kaya kagabi,"sambit sa akin ni Bernard papunta sa mesa niya.Kaibigan ko si Bernard. Matalik kong kaibigan. Tuwing sahuran ay gigimik kami sa Bar. Dahil Kahit papaano ay nagagawa naming gumimik kahit minsan lang sa isang buwan." Eto bro, hangover as usual. Ayaw ko sana munang pumasok kaso baka magagalit na naman si Director. Alam mo naman 'yun. Ipapalipat ka sa ibang

    Last Updated : 2021-07-16
  • The Role Play   CHAPTER 5.1

    PRECY'S POINT OF VIEWPagod man sa katatrabaho sa apartment ay pumasok pa rin ako sa kumpanya. Paano naman kasi, kung sa loob lang sana siya sumuka at nagpakalunod ng dumi niya 'di sana ganoon karumi ang harapan ng apartment.Naamoy kaya. Akalain mo magkahalong usok ng mga sasakyang dumadaan at amoy ng alak ang naamoy pag-akyat at pagpasok mo sa apartment.Ang totoo niyan mismong harapan na kasi ng apartment ko ang daan kung kaya't sa kaunting busina ang ugong lang ng sasakyan ay magigising ka na dahil sa lakas nito.By the way, hindi ko hahayaang ma-stress ako at 'yun lang ang makakasira sa awra ko ngayon. No way! Sayang pa naman itong mahabang hikaw ko at maiksing palda ko kung iisipin ko pa iyon no.Napalingon ako sa may bandang likuran nang may sumigaw."Precy!"tawag sa akin ni Tanya

    Last Updated : 2021-07-17
  • The Role Play   CHAPTER 5.2

    VICTOR'S POINT OF VIEWHindi ko masabi sabi kung anong nararamdaman ko. Ito ay dahil natatakot o 'di kaya'y nahihiya lang dahil sa nakaraan namin.Naghintay pa ako ng ilang oras upang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko.Magaalas-kuwatro na at siguro nakatulog na rin siya.Eto nakaupo nanaman ako sa labas ng kuwarto niya. Nag-iisa matapos makipag-usap kay Precy. Tingin ko tuloy sayang ang paghihintay ko ng matagal dahil wala naman akong nasabi sa kaniya. Siguro may tama at eksaktong panahon para riyan.Hindi ko na tinangkang matulog pa dahil ilang oras na lamang ay papasok nanaman ako sa trabaho. Dahil kung matutulog pa ako ay malamang hindi na ako magigising sa tamang oras o di kaya naman ay sasakit nanaman ang ulo ko pag nakulangan ng tulog. Kaya imbes na matulog inilibang ko na lamang ang sarili ko sa pagfefacebook.At eksaktong-eksaktong t

    Last Updated : 2021-07-17
  • The Role Play   CHAPTER 6

    PRECY'S POINT OF VIEWLabis ang ikinabahaLa ng mga tao sa buong kumpanya dahil sa aksidenteng naganap. May isang babae kasing na trapped at may kailangang kunin sa loob ng stocked room kaso nga lang ay aksIdenteng nasagi niya ang nakatayong tubong bakal sa gilid dahilan ng pagkaka-ipit ng kanyang kamay.Wait,maiba tayo. Tila 'di gagana ang plano ni Tanya kung paano malaman kung talagang apektado pa rin si Victor sa nangyari. Parang ako lang naman talaga ang apektadong-apektado sa nanyari. I am just over thinking.Malapit ng magalas-tres ng madaling araw nang kami ay time-out ni Tanya. Siguro dahil sa pagod ay walang imikan sa tricycle na sinasakyan naming dalawa. It is also because pati si manong driver ay inaantom na rin dahil dis-oras ng umaga ang biyahe niya."Bye Tanya, kitakits na

    Last Updated : 2021-07-20
  • The Role Play   PROLOGUE

    Sa paglipas ng dalawang taon ay alam kong limot ko na ang aking nararamdaman para sa taong huli kong minahal kaya naman hinahayaan ko ang aking sarili na makakilala at makasalamuha ng ibang tao."Sir, here is the menu," saad ng waiter saka niya iniabot sa akin iyon. Kinuha ko naman iyon."I will order later. Hihintayin ko lang yung kasama ko," wika ko.Narito ako ngayon sa Carina's Hotel and Restaurant dahil may kikitain akong isang kaibigan. Kay tagal kong pinag-isipan ang bagay na ito at sa wakas ay makikilala ko na rin siya.Habang nakaupo ako ay iniisip ko ang kanyang hitsura—ang hubog ng kanyang katawan, kulay ng kanyang balat at ang kanyang mukha. Sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayang madami na palang pumapasok na mensahe sa aking cellphone na nakapatong sa mesa.Nang makita ko iyon ay biglang tumibok nang mabilis ang aking puso."Hi! I am here na sa labas ng resturant. Saang table ka nakaupo?"Ito ang laman ng kanyang mensahe.

    Last Updated : 2021-07-13
  • The Role Play   CHAPTER ONE.

    Chapter 1.1PRESY'S POINT OF VIEW"Gosh! Super nag-enjoy talaga ako guys. Next time ulit. Alam niyo na," ani Tanya, ang kaibigan ko na isa ring call center agent."Oo na girl. But promise me na kaunti na lang ang iinumin mo soon, ha. Baka kasi hindi na naman kita maiuwi," sagot ko na nakasimangot. Ang wasted pa naman nitong si Tanya kapag lasing."Eh di matutulog na ako rito sa boarding house mo," sagot naman niya.Narito kami ngayon sa labas ng apartment ko dahil ako muna ang hinatid ng mga katrabaho ko. Kauuwi lang kasi namin galing sa gimikan kaya inabot na rin kami ng madaling araw. Ganun talaga, nasanay na kasi ang katawan namin sa ganitong mga oras.Isang buwan pa lang akong namamalagi dito sa boarding house na pinauupahan ni Aling Josephina at konti pa lang ang nakikilala kong mga kapitbahay ko. Maging ang mga nasa kabilang rooms ay hindi ko pa kilala. Lumipat kasi ako ng tinitirhan dahil masyadong malayo ’yong una."Si

    Last Updated : 2021-07-13

Latest chapter

  • The Role Play   CHAPTER 6

    PRECY'S POINT OF VIEWLabis ang ikinabahaLa ng mga tao sa buong kumpanya dahil sa aksidenteng naganap. May isang babae kasing na trapped at may kailangang kunin sa loob ng stocked room kaso nga lang ay aksIdenteng nasagi niya ang nakatayong tubong bakal sa gilid dahilan ng pagkaka-ipit ng kanyang kamay.Wait,maiba tayo. Tila 'di gagana ang plano ni Tanya kung paano malaman kung talagang apektado pa rin si Victor sa nangyari. Parang ako lang naman talaga ang apektadong-apektado sa nanyari. I am just over thinking.Malapit ng magalas-tres ng madaling araw nang kami ay time-out ni Tanya. Siguro dahil sa pagod ay walang imikan sa tricycle na sinasakyan naming dalawa. It is also because pati si manong driver ay inaantom na rin dahil dis-oras ng umaga ang biyahe niya."Bye Tanya, kitakits na

  • The Role Play   CHAPTER 5.2

    VICTOR'S POINT OF VIEWHindi ko masabi sabi kung anong nararamdaman ko. Ito ay dahil natatakot o 'di kaya'y nahihiya lang dahil sa nakaraan namin.Naghintay pa ako ng ilang oras upang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko.Magaalas-kuwatro na at siguro nakatulog na rin siya.Eto nakaupo nanaman ako sa labas ng kuwarto niya. Nag-iisa matapos makipag-usap kay Precy. Tingin ko tuloy sayang ang paghihintay ko ng matagal dahil wala naman akong nasabi sa kaniya. Siguro may tama at eksaktong panahon para riyan.Hindi ko na tinangkang matulog pa dahil ilang oras na lamang ay papasok nanaman ako sa trabaho. Dahil kung matutulog pa ako ay malamang hindi na ako magigising sa tamang oras o di kaya naman ay sasakit nanaman ang ulo ko pag nakulangan ng tulog. Kaya imbes na matulog inilibang ko na lamang ang sarili ko sa pagfefacebook.At eksaktong-eksaktong t

  • The Role Play   CHAPTER 5.1

    PRECY'S POINT OF VIEWPagod man sa katatrabaho sa apartment ay pumasok pa rin ako sa kumpanya. Paano naman kasi, kung sa loob lang sana siya sumuka at nagpakalunod ng dumi niya 'di sana ganoon karumi ang harapan ng apartment.Naamoy kaya. Akalain mo magkahalong usok ng mga sasakyang dumadaan at amoy ng alak ang naamoy pag-akyat at pagpasok mo sa apartment.Ang totoo niyan mismong harapan na kasi ng apartment ko ang daan kung kaya't sa kaunting busina ang ugong lang ng sasakyan ay magigising ka na dahil sa lakas nito.By the way, hindi ko hahayaang ma-stress ako at 'yun lang ang makakasira sa awra ko ngayon. No way! Sayang pa naman itong mahabang hikaw ko at maiksing palda ko kung iisipin ko pa iyon no.Napalingon ako sa may bandang likuran nang may sumigaw."Precy!"tawag sa akin ni Tanya

  • The Role Play   CHAPTER 4.2

    VICTOR'S POINT OF VIEWHilong-hilo ako. Masakit ang tiyan at mga mata ko at gusto ko na lamang magpatuloy sa pagtulog ngunit hindi pwede. Kaya, nandito na lamang ako sa loob ng OPD nakaupo at naiidlip pag walang ginagawa. Naparami yata ako ng inom at hindi ko na alam kung anong nagawa ko nung time na iyon. Buti na lamang na nandoon si Bernard na naghatid sa akin."Hello bro. How is your night. Grabe ka uminom kagabi ah. Lasing na lasing ka kaya kagabi,"sambit sa akin ni Bernard papunta sa mesa niya.Kaibigan ko si Bernard. Matalik kong kaibigan. Tuwing sahuran ay gigimik kami sa Bar. Dahil Kahit papaano ay nagagawa naming gumimik kahit minsan lang sa isang buwan." Eto bro, hangover as usual. Ayaw ko sana munang pumasok kaso baka magagalit na naman si Director. Alam mo naman 'yun. Ipapalipat ka sa ibang

  • The Role Play   CHAPTER 4.1

    PRECY'S POINT OF VIEWKinakabahan na nanenerbiyos na bigla kong kausapin si Victor.Buti na lamang ay hindi ko sinabi sa kaniya ang hangarin ko. Dahil sa magkahalong takot at inis ang nararamdaman ko kay Victor sa tuwing nakakausap ko siya.Kung kaya't tinalikuran ko si Victor at iniwan sa baba. Mabilis akong umakyat at umupo sa may parte ng hagdanan. Iniisip kung sasabihin ko na talaga itong nararamdaman ko. Pero kung sasabihin ko ito ay baka isipan niyang desperada ako. O baka sabihin niyang ginawa niya lang 'yun upang matigil na ako at wala lang sa kanya iyon.Magaalas-kuwatro na at nandito pa rin ako sa hagdanan nakaupo, tumatawag sa telepono at nagmumuni-muni. Umakyat na lamang ako at naligo upang maghanda papuntang trabaho.Nakarating ako sa trabaho ng tamang oras dahil may gusto akong pag-usapan with Tanya. Nilapitan ko siya at hindi na akong nag-atubiling tanungin siya.

  • The Role Play   CHAPTER 3.2

    VICTOR'S POINT OF VIEWNagtulug-tulugan ako dahil 'yun na lang ang tanging paraan upang malaman ni Precy na hindi ako pumasok sa kuwarto niya. At para malaman niyang tulog na ako ay pinatay ko na rin ang ilaw dito sa kuwarto ko.Sa pagkaka alam ko ay binalewala na ni Precy ang nakita niyang susi sa kuwarto niya ngunit……..Tok tok tok***Narinig ko ang katok niya sa pintuan ko. Alam kong si precy 'yun kaya nagpanggap akong kagigising ko lang at naistorbo ako sa pagkakatok niya.Pagkabukas ko ay agad siyang nagsalita.Sa'yo ba to?" Sabay taas ng susing hawak niya.Pagkataas niya ay kinilabutan ako at hindi ko na alam kung ano ang sasabihin

  • The Role Play   CHAPTER 3.1

    PRECY'S POINT OF VIEWPAGKABABA ko sa tricycle ay agad akong nagtungo sa kuwarto. Malamig na simoy ng hangin at tahimik na umaga lamang ang tanging nararamdaman ko.Pagpasok ko ay nadatnan kong bukas pala ang electricfan at ilaw ko kaya agad ko itong pinatay.Ibinaba ko na ang mga gamit ko maging ang aking bag at sandals bago ako nagtungo sa banyo upang magshower. Hudyat na sana akong maglalakad ngunit pagkahakbang ko ng kaliwa kong paa ay may naapakan akong isang kagamitan na dahilan ng pagkatapilok ko. Masakit sa talampakan dahil tila bakal ang naapakan ko.Dali-dali kong tiningnan ang bagay na iyon at nagulat ako nang makita ko ito.Kanino kaya ito? Susi?Kanino kaya itong susi

  • The Role Play   CHAPTER 2.2

    VICTOR'S POINT OF VIEWSOBRANG laki ang ikinagulat ko at labis ang kaba ko nang makita ko si Presy pagkabukas ko ng pinto na hawak ang gamit niya.NAKATAGO ako ngayon sa ibang parte ng pintuan habang nakatitig sa kaniya. Halatang pumuputok ang ulo nito at umaapoy sa galit.Hindi ko lubos maisip kung ano ang sasabihin ko sa kaniya upang paniwalaan niya akong ilalabas ko lamang ang kaniyang underwear upang mas madali itong matuyo."BAKIT hawak mo yan. Saan mo dadalhin yan?," sabay turo sa hawak kong puting underwear.Gulat na gulat ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko ni hindi ko na alam kung ano ang umiikot sa isipan niya.Isang lalaking nakahawak ng underwear ng isang babae? I can't imagine!Hinablot niya ito tsaka ako binulyawan.MATAPOS kaming magtalo ay nagtungo na ako sa kuwarto ko hawak ang aking sando tsaka nagpahinga. Napag-isipisip ko, hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa nan

  • The Role Play   CHAPTER 2.1

    PRESY'S POINT OF VIEWPAGBUKAS ko sa pinto ay nagulat ako sa nakita ko.Nagulat ako sa hawak niya kaya dali-dali kong hinablot ito. Dala ng pagkataranta ko ay nabitiwan ko ang hawak kong sandals."Bakit nasa iyo ito? Saan mo dadalhin ’to?" wika ko sa kaniya at pagkasabi ko sa mga salitang iyon ay halatang nagulat din siya."Dahil ba sa pagkadesperado mo sa babae ay nagagawa mo nang magnakaw ng gamit at underwear ko pa?" sunod kong bulyaw sa kaniya.Kaloka! Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko kaya natalakan ko siya ng ganoon."Hoy, Miss, kung sa tingin mong may balak akong nakawin ang underwear mo nagkakamali ka! Ang laswa mong mag-isip. Dadalhin ko lang naman sa labas upang mas madaling matuyo dahil nangangamoy na sa loob ng banyo at nagiging sagabal sa pag-aayos ko ng sirang tubo", paliwanag niya.Nakikipag-usap siya sa akin na hindi pa rin siya lumalabas sa mismong pinto kaya di ko makita ang buong katawan niya."At

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status