It had been days since she had been out of the hospital. And in between the kisses and the hugs that we usually share, she still hasn't remembered me at all. And this is why, no matter how much I wanted to take her, I just couldn't. Even though I wanted to make love to her, I just couldn't because I knew she wasn't ready for that again. How can she even give herself to me again if she can’t even remember me? And do I like this situation of ours? Of course not! Because the reality that she doesn't even remember me stinks big time. Hanggang ngayon kasi ay patuloy ko pa rin na iniisip kung bakit sa dinami rami ng maaari niya na makalimutan at maaari na mawala sa memorya niya, bakit naman ako pa? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na ipinaparamdam ko sa kan'ya kaya hindi niya ako matandaan man lamang? Ang daming tanong na hanggang ngayon ay tumatakbo sa isipan ko, mga katanungan na walang kasagutan, kaya naman mananatili na isang hiwaga para sa akin ang katotohanan kung bakit ako pa ang naw
Nagmamadali na napasugod si Ever sa mansyon ng mga Ruiz nang tawagan siya ni Manang Esmeralda na nagwawala na naman ang kapatid niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari dahil ang usapan lamang nila kanina ay sasamahan nito si Harper sa restawran, tapos no’n ay hindi na niya alam ang mga sumunod na pangyayari. Then he received that call, at takot na takot ang matandang kasambahay nila, kaya naman wala siyang nagawa kung hindi ang mabilis na umuwi sa mansyon nila. Hindi na nga rin niya naitanong pa sa kasambahay kung nasaan si Harper sa mga oras na iyon. He tried calling Evan’s bodyguards earlier, but none of them were answering, at sigurado siya na abala ang mga iyon sa pag-aasikaso sa pagwawala ng nakatatanda niya na kapatid. Hindi na nga niya maayos na naiparada ang sasakyan niya nang makarating siya sa mansyon at agad na siya na bumaba, ang importante ay malaman niya kung ano na naman ang nangyayari. Hindi pa man nga siya nakakapasok sa mansyon ay sinalubong na siya ng matandan
"Harper." Sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ng silid ang narinig niya, pero sa halip na sumagot ay nanatili siya na tahimik at hindi man lamang gumalaw sa kinauupuan niya. "Harper, are you awake? Let’s talk. I’m going in, okay?" Hindi pa rin umimik si Harper at parang wala pa rin siyang narinig at patuloy lamang siya na nakatitig sa kawalan. She is exhausted from everything that has happened today. Ayaw na sana niya na makipag-usap pa sa kahit na kanino, pero kahit na ano naman kasi ang maging tugon niya ay sigurado siya na papasok pa rin ang nagsalita na iyon. She has been here, locked up by Evan, since they came home. And of course, she is furious at what he did, lalo na at walang sabi-sabi rin siya na iniwan ng lalaki rito matapos nila na magtalo kanina dahil sa pagpipilit nito sa kan’ya na bumalik sa bahay nito kahit na mahigpit niya iyon na tinututulan. Pagkatapos ng eksena na iyon ay ilan oras rin siya na nagwala para palabasin siya sa silid, pero wala rin naging epekto iyon
"Tang-ina! Ulitin mo nga ang sinabi mo Harper!" bulyaw ni Evan sa kasintahan niya. Nagdidilim ang paningin niya sa galit na nararamdaman niya dahil sa narinig niya na sinabi nito. "Sabihin mo nga ulit ang sinabi mo!" He came here not to argue with her but to talk to Harper and apologize for what he did, pero iba ang nangyayari ngayon. Nang mahimasmasan kasi siya sa sama ng loob at inis niya kanina sa nobya niya ay nagdesisyon siya na sundin ang payo ng kapatid niya at kausapin si Harper dahil tama naman talaga si Ever, hindi pa malinaw ang lahat sa memorya ng nobya niya. Pero ang naabutan niya na pinag-uusapan ng dalawa ay ang lubhang nagpakulo ng dugo niya, lalo na at narinig niya kasi na sinabi ng nobya niya na si Brent Torres pa rin ang mahal nito. And in all honesty, nais na naman niya na magwala rito mismo sa harapan ni Harper dahil sa sinabi nito, and he doesn't even care how scared she can get because of him. "Evan, now is not the time." Pilit nang pumapagitna si Ever dahil s
Walang sinayang na sandali si Evan nang makalabas si Ever at agad niya na hinarap si Harper sa nanlilisik na mga mata niya. But despite the fact that he wanted to move closer to her, he is trying to maintain a safe distance from her, dahil baka masaktan niya ang babae sa sobrang galit na nararamdaman niya lalo na at hindi niya nagugustuhan ang kanina pa nito na sinasabi, at ayaw niya na mangyari iyon. He still cares deeply for her, despite her hurting him over and over again. "Ulitin mo ang sinabi mo, Harper!" Utos pa niya sa awtoritado na tinig. Harper is scared, and even if she doesn't want to show it, lumalabas pa rin ang takot niya. Ilan beses muna siya na napalunok bago siya nakatugon sa lalaki sa harapan niya. "I am sorry, Evan." Lalo naman na nangunot ang noo ni Evan sa sinabi na iyon ni Harper. Why is she apologizing? Is it because he is right in his assumption? Pinaglalaruan lamang ba talaga siya nina Brent at Harper? Ito na ba ang ganti sa kan'ya ni Brent dahil sa pagpapab
"Ano ang balita sa mga pinapabantayan ko sa'yo?" Sabik na tanong ni Brent sa kan’yang tauhan. Simula kasi nang magkaharap sila ni Harper at tawagin siya nito na "baby" ay hindi na siya mapakali. Isa lamang ang ibig sabihin ng salita na iyon para sa kan’ya, at iyon ay ang kahandaan ni Harper na muli na ayusin ang dating relasyon at samahan nilang mag-asawa. Kaya naman ilan sa mga tauhan niya ang inutusan niya na alamin ang mga katotohanan. Sa totoo lamang ay hindi niya inakala na mangyayari ang senaryo na iyon na naganap sa pagitan nila. Nagkagulatan pa nga sila ni Evan nang sabihin iyon ni Harper nang magkita sila sa ospital. Ang buong akala niya kasi ay ipagtatabuyan na naman siya nito, ngunit kaibahan sa akala niya ang nangyari lalo na at nakita niya sa babae ang kagustuhan nito na magpaliwanag sa kan’ya kung bakit nito kasama si Evan. At bagama’t naguguluhan siya sa trato nito sa kan'ya sa mga oras na iyon ay umasa siya talaga na makakapag-usap na sila, pero ano nga ba ang aasahan
Maluha-luha si Harper habang nasa kan’yang silid. Noon isang araw pa siya nakauwi sa bahay nila pero wala naman dito ang mga magulang niya kaya hindi rin niya makausap ang mga iyon para matanong sa mga nais niya na malaman. Kaya simula nang makabalik siya rito ay nagkukulong lamang siya sa silid niya. Gulat na gulat din nga maging ang mga katulong sa bahay nila sa hindi inaasahan na pagdating niya. Hindi nila inakala ang pagbabalik niya matapos ang mahabang panahon na pag-alis niya rito. Imbis na kasi sa bahay nila ng asawa niya ay rito kasi siya hinatid ni Ever nang tuluyan na siya na palayain ni Evan. Ang sabi pa nito sa kan’ya ay hintayin niya rito ang mga magulang niya bago siya gumawa ng desisyon at magbalik kay Brent. Ever seems to not be really happy with the way things end between her and his brother. Sinubukan pa nito na pigilan ang kapatid sa naging desisyon nito na pauwiin siya, pero sarado na ang isipan ni Evan at tuluyan na siya nito na pinalaya. Mali pala siya dahil hin
"Good morning, baby!" Napabalikwas si Harper sa kan’yang pagkakahiga nang magising siya na katabi niya si Brent sa kama. "How was your sleep?" "B-brent, ano ang ginagawa mo rito?" Nauutal na tanong pa niya habang mababakas sa kan'yang reaksyon ang gulat. Nangunot naman ang noo ni Brent sa sinabi niya na iyon. "Why wouldn’t I be here? I mean, this is our house." "No. I mean, what are you doing here in my room?" It was a silly question to ask, of course, but it was necessary for Harper. Oo nga at sumama siya kay Brent pabalik sa bahay nila, pero nagka-intindihan naman sila na hindi muna sila magtatabi sa iisang kuwarto hangga’t hindi niya lubusan na naaalala ang lahat. Mariin rin niya na sinabi sa asawa na hindi pa siya handa sa ano man pisikal na koneksyon na normal sa isang mag-asawa. The least she can give him are her hugs and a few of her kisses, pero kahit nga iyon ay naiilang pa rin siya na gawin kay Brent. Ibang-iba kasi ang pakiramdam niya kapag si Brent ang kalapit niya. Ha
Another story has come to an end, and thank you so much for the support. Maraming salamat po at hindi ninyo iniwan ang istorya nina Harper at Evan. Pasensya na po at natagalan lang sa pag-update dahil naging busy po sa work. Sobrang thank you po at sana nagustuhan po ninyo ang kuwento nila. Pa-follow po and pa-support din po ng iba ko pa na stories kay GN: Completed Stories: The Invisible Love of Billionaire (Taglish) Married to the Runaway Bride (Taglish) Falling for the Replacement Mistress (Taglish) My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Ongoing Stories: Entangled to the Hidden Mafia (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress (English) The Runaways' Second Chance Mate (English) In Love with His Brother's Woman (Taglish)
"Sign the papers, Harper. This is it. This is the end." Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko nang marinig ang mga sinabi na iyon ni Evan. Hindi ko napaghandaan ang mga bagay na ito kaya hindi ako nakasagot at nanlalaki lamang ang mga mata ko na nakatitig na lamang sa dokumento na ipinatong niya sa lamesa sa harapan ko. Gulat na gulat ako sa desisyon niya na ito. Bakit may ganito? Ano ang naisipan niya at bigla na may ganito na dokumento sa harapan ko? I am just a few weeks into my preganancy, tapos ay may ganito pa? "A-ano ang ibig sabihin nito, Evan?" Ito lamang ang tanging salita na nabanggit ko sa nauutal na paraan ilang minuto matapos ko na mahimasmasan sa sinabi niya. "Bakit may ganito? Ano ang ibig sabihin nito?" "Kung ano ang nakikita mo, iyon na ang ibig sabihin niyan. Don't ask me further quest
Pagpapatawad. Isang salita na madaling sabihin pero mahirap na gawin. Sa isang tao na lubos na nasaktan ang bagay na ito ang pinaka mahirap na ibigay, pero kapag nagawa naman ay siya rin pinakamasarap sa pakiramdam na matamo. Hindi ko akalain na kakayanin ko pa na magpatawad matapos ang nangyari sa aking pamilya. I was overwhelmed by the anger that I felt when I thought that Harper purposely turned her back on our supposed marriage. Binulag ako ng galit na nararamdaman ko para sa kan’ya kaya wala akong ginawa kung hindi ang planuhin ang paghihiganti ko, but seemingly, fate had other plans for us. Ang dapat na paghihigantihan ko ay natutunan ko na mahalin. At wala akong pinagsisisihan ngayon sa naging desisyon ko na iyon na aminin sa sarili ko ang espesyal na emosyon na iyon. If you genuinely loved that person, it would be much easier to forgive them. Hindi mahirap ang salitang pagpapatawad kung ibibigay mo iyon sa taong mahal mo. At kahit na paulit-ulit pa ang sakit na maramdaman mo,
Days had passed since Harper made peace with her past. Tinapos na niya ang galit sa puso niya at tuluyan na niya na pinalaya ang kan’yang sarili sa lahat ng hinanakit at sakit ng kalooban niya. Matapos ang naging pag-uusap nila ng mga magulang ni Brent at ang pagpunta niya rin mismo kay Brent ay pakiramdam niya ay nawala na ang tali na gumagapos sa kan’ya sa nakaraan upang tuluyan na siya na maka-usad sa kan’yang buhay. And she is thankful that she did that because she did not have to regret not being able to do so. Just yesterday, the news came to them that the inevitable had happened: Brent did not survive, at sa pagkawala nito ay tuluyan na rin na natuldukan ang lahat-lahat ng hindi matapos-tapos na problema sa pagitan nilang lahat. Hindi iyon ang nais niya na mangyari sa dating asawa niya pero iyon na rin ang ninais ng tadhana para sa kanila. And it may be better for him because now there will be no more pain for him. May bahagi niya ang nalungkot sa sinapit nito pero kahit paano
Panay paghikbi lamang ang maririnig buhat sa silid ng ospital na iyon. May ilang minuto na rin buhat ng dumating si Harper at iyon na ang naabutan niya na tagpo. At inaasahan na niya ang senaryo na ito, lalo pa at sinabayan niya ang pagdalaw ng mga magulang ni Brent sa ospital. Harper and Ever both agreed that Brent’s parents would be able to visit him. Nagkasundo sila pareho na wala rin naman masama sa hiling na iyon, kaya iyon na rin ang pagkakataon na kinuha ni Harper para makita ang dating asawa niya. She wanted to end all the pain and hatred that she has for Brent and his parents kaya nagdesisyon siya na silipin sa ospital sa Brent kahit na hindi na nito maririnig ang mga nais niya na sabihin. Hindi rin inaasahan ng mga magulang ni Brent ang pagbisita ni Harper sa kanilang anak, pero lubos nila na ipinagpapasalamat iyon sa kabila ng kaguluhan na nagawa ni Brent sa kasalan nina Harper at Evan. "Harper, maraming salamat sa pagpayag ninyo na makalabas kami pansamantala sa kulugan
"Ano ang balita, Tof?" Hindi pa man nakakalapit si Tof sa kaibigan na si Ever ay tanong na agad ang salubong nito sa kan’ya. "Dead or alive?" Nahahapo na umupo siya sa tabi ng kaibigan niya at walang pag-aalinlangan na sinagot ang tanong nito. "In between. Critical and almost on the verge." Kagagaling lamang niya kasi sa ospital kung saan itinakbo si Brent matapos na masukol ng mga bodyguards ng mga Ruiz dahil sa ginawa nito sa kasal nina Evan at Harper. Isang malalim na pagbuga ng hininga ang ginawa ni Ever kasabay sa pagkuyom ng kamao niya. Nanggagalaiti siya sa nangyayari ngayon sa buhay nila, at mas lalo ang galit niya sa gumawa nito sa kanila, kaya naman maganda ang balita na iyon na nakuha niya buhat sa kaibigan niya. "That’s the best news that I've gotten so far, for now. He can’t die, not just yet. Mabuti naman at alam niya ang bagay na iyon. Hindi pa siya maaari na malagutan ng hininga dahil kailangan pa niya na maghirap bilang pambayad utang sa lahat ng kasamaan niya sa pa
Ang sabi nila ang pangarap ng mga kababaihan ay ang maikasal. Every woman dreams of having to walk down the aisle to meet the man of her dreams. Most women dream about this, but not all are fortunate enough to be able to experience marriage bliss. At isa ako sa mga babae na iyon: nangarap; naikasal at nasaktan. Isa ako sa hindi sinuwerte noon na mahanap ang tunay na kaligayahan sa lalaking aking pinakasalan, pero hindi huminto ang pangarap ko na iyon dahil lamang sa sakit na aking naranasan. Patuloy ako na umasa na isang araw ay darating din ang tamang lalaki para sa akin. Nang unang beses kami na maikasal ni Brent ay halo-halo ang mga emosyon ko: Joy, sadness, excitement, and even anxiety. Masaya ako dahil ikakasal ako sa lalaking mahal na mahal ko, pero malungkot ako dahil nang ikasal kami ay walang ibang tao na nakisaya sa pag-iisang dibdib namin na iyon. It was a secret marriage because it was a decision that had not been carefully thought of. Ang alam lang namin ay mahal namin
"Ayos ka na ba? Are you sure about this, Evan? Are you really ready to see her again, just in case?" Napapangiti na lamang si Evan nang marinig ang mga tanong na iyon sa kan’ya ni Clarise. "Sigurado ka na ba talaga na ito ang nais mo na mangyari? Alam mo na ba kung ano ang sasabihin mo sa kan'ya at kung paano mo siya haharapin?" "You are overreacting again with those questions, Clar. Bakit ba ang dami mo na naman na mga tanong sa akin? Hindi ba at nakausap ka na ni Ever tungkol dito? Nasabi na niya sa'yo ang dapat na mangyari kaya wala na tayo na dapat pa na pag-usapan." Natatawa na sagot niya na lamang sa babae. "Tapos na ako na mag-ayos at kanina pa ako sigurado sa plano ko na ito, kaya kanina pa rin ako handa na pumunta sa party." "Hindi naman ang pag-aayos mo ang sinasabi ko. Can’t you read between the lines? I honestly just want to make sure that you are ready for anything that’s about to happen, just in case. Hindi man tayo sigurado na darating siya, pero handa ka ba na maging
Pangisi-ngisi sa akin ang magkapatid na sina Evan at Ever habang magkakaharap kami ngayon dito sa may patio. Kasama rin namin si Clarise ngayon at simula pa kanina ay walang nagsasalita sa amin upang simulan ang pag-uusap na ito. I was rooted to my place when I heard what Clarise had to say earlier. Hindi ako nakahuma kaya naman inabutan kami ng magkapatid habang titig na titig lamang kami ni Clarise sa isa't-isa. And when Evan arrived, the first thing he did was walk straight to me and hug me, and once again I was left speechless. Hindi ko nga rin alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumabas sa silid kanina upang harapin silang lahat kahit na ang nais ko na lamang talaga na mangyari ay ang sana bumuka ang lupa at kunin na lamang ako nito. Hiyang-hiya ako sa inasta ko at sa mga nasabi ko, lalo na kay Clarise. But then again, in my defense, I don’t know her. I don't know who she is or her connections with these two brothers. And yet, in her defense as well, she tried to