"Harper." Sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ng silid ang narinig niya, pero sa halip na sumagot ay nanatili siya na tahimik at hindi man lamang gumalaw sa kinauupuan niya. "Harper, are you awake? Let’s talk. I’m going in, okay?" Hindi pa rin umimik si Harper at parang wala pa rin siyang narinig at patuloy lamang siya na nakatitig sa kawalan. She is exhausted from everything that has happened today. Ayaw na sana niya na makipag-usap pa sa kahit na kanino, pero kahit na ano naman kasi ang maging tugon niya ay sigurado siya na papasok pa rin ang nagsalita na iyon. She has been here, locked up by Evan, since they came home. And of course, she is furious at what he did, lalo na at walang sabi-sabi rin siya na iniwan ng lalaki rito matapos nila na magtalo kanina dahil sa pagpipilit nito sa kan’ya na bumalik sa bahay nito kahit na mahigpit niya iyon na tinututulan. Pagkatapos ng eksena na iyon ay ilan oras rin siya na nagwala para palabasin siya sa silid, pero wala rin naging epekto iyon
"Tang-ina! Ulitin mo nga ang sinabi mo Harper!" bulyaw ni Evan sa kasintahan niya. Nagdidilim ang paningin niya sa galit na nararamdaman niya dahil sa narinig niya na sinabi nito. "Sabihin mo nga ulit ang sinabi mo!" He came here not to argue with her but to talk to Harper and apologize for what he did, pero iba ang nangyayari ngayon. Nang mahimasmasan kasi siya sa sama ng loob at inis niya kanina sa nobya niya ay nagdesisyon siya na sundin ang payo ng kapatid niya at kausapin si Harper dahil tama naman talaga si Ever, hindi pa malinaw ang lahat sa memorya ng nobya niya. Pero ang naabutan niya na pinag-uusapan ng dalawa ay ang lubhang nagpakulo ng dugo niya, lalo na at narinig niya kasi na sinabi ng nobya niya na si Brent Torres pa rin ang mahal nito. And in all honesty, nais na naman niya na magwala rito mismo sa harapan ni Harper dahil sa sinabi nito, and he doesn't even care how scared she can get because of him. "Evan, now is not the time." Pilit nang pumapagitna si Ever dahil s
Walang sinayang na sandali si Evan nang makalabas si Ever at agad niya na hinarap si Harper sa nanlilisik na mga mata niya. But despite the fact that he wanted to move closer to her, he is trying to maintain a safe distance from her, dahil baka masaktan niya ang babae sa sobrang galit na nararamdaman niya lalo na at hindi niya nagugustuhan ang kanina pa nito na sinasabi, at ayaw niya na mangyari iyon. He still cares deeply for her, despite her hurting him over and over again. "Ulitin mo ang sinabi mo, Harper!" Utos pa niya sa awtoritado na tinig. Harper is scared, and even if she doesn't want to show it, lumalabas pa rin ang takot niya. Ilan beses muna siya na napalunok bago siya nakatugon sa lalaki sa harapan niya. "I am sorry, Evan." Lalo naman na nangunot ang noo ni Evan sa sinabi na iyon ni Harper. Why is she apologizing? Is it because he is right in his assumption? Pinaglalaruan lamang ba talaga siya nina Brent at Harper? Ito na ba ang ganti sa kan'ya ni Brent dahil sa pagpapab
"Ano ang balita sa mga pinapabantayan ko sa'yo?" Sabik na tanong ni Brent sa kan’yang tauhan. Simula kasi nang magkaharap sila ni Harper at tawagin siya nito na "baby" ay hindi na siya mapakali. Isa lamang ang ibig sabihin ng salita na iyon para sa kan’ya, at iyon ay ang kahandaan ni Harper na muli na ayusin ang dating relasyon at samahan nilang mag-asawa. Kaya naman ilan sa mga tauhan niya ang inutusan niya na alamin ang mga katotohanan. Sa totoo lamang ay hindi niya inakala na mangyayari ang senaryo na iyon na naganap sa pagitan nila. Nagkagulatan pa nga sila ni Evan nang sabihin iyon ni Harper nang magkita sila sa ospital. Ang buong akala niya kasi ay ipagtatabuyan na naman siya nito, ngunit kaibahan sa akala niya ang nangyari lalo na at nakita niya sa babae ang kagustuhan nito na magpaliwanag sa kan’ya kung bakit nito kasama si Evan. At bagama’t naguguluhan siya sa trato nito sa kan'ya sa mga oras na iyon ay umasa siya talaga na makakapag-usap na sila, pero ano nga ba ang aasahan
Maluha-luha si Harper habang nasa kan’yang silid. Noon isang araw pa siya nakauwi sa bahay nila pero wala naman dito ang mga magulang niya kaya hindi rin niya makausap ang mga iyon para matanong sa mga nais niya na malaman. Kaya simula nang makabalik siya rito ay nagkukulong lamang siya sa silid niya. Gulat na gulat din nga maging ang mga katulong sa bahay nila sa hindi inaasahan na pagdating niya. Hindi nila inakala ang pagbabalik niya matapos ang mahabang panahon na pag-alis niya rito. Imbis na kasi sa bahay nila ng asawa niya ay rito kasi siya hinatid ni Ever nang tuluyan na siya na palayain ni Evan. Ang sabi pa nito sa kan’ya ay hintayin niya rito ang mga magulang niya bago siya gumawa ng desisyon at magbalik kay Brent. Ever seems to not be really happy with the way things end between her and his brother. Sinubukan pa nito na pigilan ang kapatid sa naging desisyon nito na pauwiin siya, pero sarado na ang isipan ni Evan at tuluyan na siya nito na pinalaya. Mali pala siya dahil hin
"Good morning, baby!" Napabalikwas si Harper sa kan’yang pagkakahiga nang magising siya na katabi niya si Brent sa kama. "How was your sleep?" "B-brent, ano ang ginagawa mo rito?" Nauutal na tanong pa niya habang mababakas sa kan'yang reaksyon ang gulat. Nangunot naman ang noo ni Brent sa sinabi niya na iyon. "Why wouldn’t I be here? I mean, this is our house." "No. I mean, what are you doing here in my room?" It was a silly question to ask, of course, but it was necessary for Harper. Oo nga at sumama siya kay Brent pabalik sa bahay nila, pero nagka-intindihan naman sila na hindi muna sila magtatabi sa iisang kuwarto hangga’t hindi niya lubusan na naaalala ang lahat. Mariin rin niya na sinabi sa asawa na hindi pa siya handa sa ano man pisikal na koneksyon na normal sa isang mag-asawa. The least she can give him are her hugs and a few of her kisses, pero kahit nga iyon ay naiilang pa rin siya na gawin kay Brent. Ibang-iba kasi ang pakiramdam niya kapag si Brent ang kalapit niya. Ha
"Argh! Ang kapal ng mukha mo!" Nagkasira-sira na gamit na naman ang nakapalibot kay Elise Alano. Galit na galit siya lalo na at nakarating na sa kan’ya ang balita na nasa poder na ulit ni Brent si Harper. "Fuck you, Brent Torres! Go to hell, Harper Mercader!" Hindi ito ang plano niya. Hindi ito ang dapat na nangyayari sa ngayon. Harper was supposed to die, pero may lahing pusa yata ang intrimitida na babae na iyon at may siyam na buhay kaya hindi pa mamatay-matay. How can she even have survived that accident? And how in all of this did she manage to end up with Brent Torres again? "Ang tanga-tanga mo, Elise! Napaka-tanga mo talaga dahil imbis na mailayo mo ang babae na iyon at mawala sa landas mo ay lalo mo lamang siya na inilapit sa lalaki na mahal mo! Ngayon, ikaw na naman ang nawalan. Ikaw na naman ang kawawa!" Patuloy niya na sinesermunan ang sarili niya dahil hindi niya mawari kung bakit naging ganito ang kinahinatnan ng lahat ng plano niya. Hindi maaari na siya ang naghirap par
"Putang-ina! Fuck!" As Tof had expected, this is the scene that has unfolded in front of him matapos niya na magreport kay Evan Ruiz. Ayaw na sana niya muna na ipaalam sa kaibigan niya ang mga bagong detalye at impormasyon na nakalap niya at ng mga tauhan niya dahil kadarating lamang ni Evan mula sa biyahe nito sa labas ng bansa, pero mas pinili niya na mag-report na ngayon kaysa ang malaman pa nito sa iba ang mga usap-usapan sa business circle na lalo lamang magpapagalit sa kaibigan niya. "How dare she?! She fucked up big time this time. Ang kakapal ng pagmumukha nila!" "Evan, let’s still take into consideration that she is still suffering from amnesia." Pilit na pinapakalma ni Tof ang kaibigan niya sa kabila ng pagwawala na ginagawa nito ngayon sa harapan niya. "Isipin natin na nagdedesisyon si Harper base lamang sa mga bagay na naaalala niya, kaya hindi ito ang pagkakataon para husgahan natin siya at magalit sa kan'ya. Sa halip ay kailangan natin siya na intindihin at unawain."